SERENDIPITY || The Adventures...

By KimSeungHae

975 45 260

"The proverbs was wrong.. the Skies wasn't always the limit." || Angel, Steph and Jerra, common adolescents... More

Prologue
CHAPTER 1 - BEGUN
CHAPTER 2 - HER
CHAPTER 3 - FIRST DAY
CHAPTER 4 - TRY
CHAPTER 5 - APART
CHAPTER 6 - INCHEON
CHAPTER 7 - ADVENTURE
CHAPTER 8 - HE'S INTO HIM?
CHAPTER 9 - READY
CHAPTER 10 - SEMBREAK
CHAPTER 11 - THE SINGING CONTEST
CHAPTER 12 - NIGHTMARES
CHAPTER 13 - TROUBLE
CHAPTER 14 - TOGETHER
CHAPTER 15 - HELP
CHAPTER 16 - AGAIN
CHAPTER 17 - SHAMANS
CHAPTER 18 - ATLEAST
CHAPTER 19 - FOR NOW
CHAPTER 20 - CALICO
CHAPTER 21 - LIE
CHAPTER 22 - TOO FAST
CHAPTER 23 - ANGEL
CHAPTER 24 - NAMSAN TOWER
CHAPTER 25 - WHO ARE YOU?
CHAPTER 26: Part 1 - SPIRITS
CHAPTER 26: Part 2 -SUSPICIONS
CHAPTER 26: Part 3 - OVER
CHAPTER 27 : Part 1 - NAMI ISLAND
CHAPTER 27: Part 2 - YOU
CHAPTER 27: Part 3 - STAY
CHAPTER 28: Part 1 - AMERICA
CHAPTER 28: Part 2 - DEJA VU
CHAPTER 28: Part 3 - FOUND IT
CHAPTER 29: Part 2 - MOON
CHAPTER 29: Part 3 - PAST
CHAPTER 30: Part 1 - MULI
CHAPTER 30: Part 2 - AMOR
CHAPTER 30: Part 3 - EVERYTHING
CHAPTER 30: Part 4 - μ‚¬λž‘ν•΄
CHAPTER 30: Part 5 - 2:25
FINAL CHAPTER - SERENDIPITY

CHAPTER 29: Part 1 - JEJU

10 2 2
By KimSeungHae


Narrator's POV

Kapayapaan ang nadarama ni Melinia habang nakaupo sa balkonahe at hinihigop ang mainit na tsaa. Mataas na ang sikat ng araw nang mga oras na iyon kung kaya't tanaw na tanaw ang luntian at malawak na kaparangan na pinaghihilamunan ng napakaraming mga tupa at baka.

Malaki ang itinindig na bahay ng kanyang mga anak para sa kanya at sa kanyang asawa na si Dapito sa kanilang lupain sa barrio ng Julieta. Ngunit magkaganoon pa man ay nanatiling simple at walang kaluho-luho ang pagkilos ng kanyang mga anak na siyang lubos niyang ipinagpapasalamat.

Malamyos ang ihip ng hangin ng mga oras na iyon at tahimik lamang na nakatuon ang paningin ni Melinia sa mga berdeng kabundukan na tanaw mula sa kanyang kinuupuan. Maya-maya ay isang babae ang lumabas mula pinto na dahilan para mapukaw ang kanyang atensyon at mapatingin dito.

Bahagya siyang nag-alala nang makitang medyo lumulubog ang mata nito at halatang hindi nakatulog ng maayos. Batid ni Melinia na labis ang dinaradas nito ngayon kung kaya't naiintindihan niya kung bakit siya nagkakaganito. Ngumiti na lang si Melinia sa kanya nang magtama ang kanilang mga mata.

"Gising ka na pala." Bungad na bati niya kay Liliana – ang ikatlo sa labing-isa niyang mga anak at ang siyang ina ng kanyang mga apo na sina Jeline at Steph.

"Nakita mo ba si Jeline, nay?" Panimulang tanong naman niya.

"Ah.. si Jeline? Sumama siya sa itay mo papuntang bayan. Mukhang namasyal ang dalawa." Nakangiting tugon ni Melinia.

"Halika't tabihan mo ko rito. Samahan mo akong mag-tyaa at nang mainitan naman 'yang sikmura mo." Dagdag nito.

"Wala akong gana." Matamlay na tugon ni Liliana.

"Halos papatak na ang alas dose at ni isang butil ng kanin hindi pa bumabagsak sa tiyan mo. Tabihan mo ako rito at uminom ka ng tyaa. Hindi ikabubuti ng katawan mo 'yan." Usal muli nito sa kanya.

Saglit na nagkatitigan ang mag-ina ng mga sandaling iyon. Ngunit kinalaunan ay ihinakbang na rin ni Liliana ang kanyang mga paa patungo sa tabi ni Melinia sa kadahilanang batid niya na hindi niya matatanggihan ang anumang sabihin nito.Umupo siya sa tabi ng kanyang ina at kasabay ay sinalinan naman ni Melinia ng mainit na tyaa ang maliit na tasa bago ito iabot sa kanyang anak.

"Inumin mo iyan. Nang kahit pa paano ay medyo kumalma ang pag-iisip mo. Napakaraming laman ng utak mo, ipagpahinga mo muna ang pag-iisip." Turan ni Melinia.

Humigop naman ng marahan si Liliana mula sa tasa at saka ito inilapag sa lamesang nasa tapat niya. "Iisa lang naman ang nasa isip ko." Bigla niyang wika.

"Si Steph?" Usal ni Melinia habang nakatingin sa kanya.

Sumagot naman ng maikling tango si Liliana.

"Iisa nga lamang pero katumbas naman ng bigat ng sandamakmak na suliranin." Wika ni Melinia sa kanya sabay tingin sa malayo.

Natahimik muli ang paligid at hindi na nakasagot pa si Liliana sa sinabing iyon ng kanyang ina. Ilang saglit ang lumipas ay may narinig silang mga yapak ng paa na papalapit mula sa kanilang kinaroroonan kaya naman napalingon ang mag-ina at doon ay napagtanto nila kung sino ito.

"Huli na ba 'ko para makisalo sa pagtya-tyaa?" Wika ng isang lalaki habang nakangiti at may dalang isang suitcase. Nasa 70 na ang edad nito, medyo may katangkaran at bahagya na ring kumukulubot ang mukha.

Siya si Romuelito Barviaga – ang tiyuhin ni Liliana, isa sa mga nakatatandang lalaking kapatid ni Melinia at ang Ikalawang Tagapangulo (Vice Chairman) ng El Bria Corporation.

"Manong Romy?" Nagtatakang wika ni Melinia.

"Come on, Melinia. That term makes me cringe. It's so cheap. Wag mo na akong tawaging manong we're not in the 80's anymore. Can't you think of a more modern honorific than that?" Mahangin na sagot nito.

"What's the purpose of your visit here, Mr. Barviaga?" Serysong tanong naman sa kanya ni Liliana.

"Wait. Isn't that a bit rude to welcome your uncle that way?" Pabiro namang wika niya kay Liliana.

"Hindi mo man lang ba muna ako pauupuin or something?" Dagdag pa nito.

"Well then have a seat, Tito Romy. " Kalmado at propesyunal na sambit ni Liliana.

Nang makaupo na ito ay siya ring pagkuha ni Liliana ng isang maliit na tasa at inilapag ito sa harapan ng tiyuhin niya. Sinalinan niya ito ng tsaa at agad naman itong ininom ng kanyang tiyuhin.

"This tea is superb. It relaxes my mind when I took sip from it. Sinong nagtimpla nito?" Tanong niya matapos ilapag ang tasa sa lamesa.

"Ako." Maikling sagot ni Melinia.

"Tamang-tama lang ang lasa nito. Medyo nawala ang stress at pagod ko from that long ride going here." Wika naman ni Romuelito.

"So, why did you came here? Tito Romy?" Mahinahong sambit ni Liliana.

"Don't be hasty, Liliana. Darating din tayo dyan." Nakangiti tugon ni Romuelito.

"Just cut the chase, tito. It's very seldom for you to come here unless it's.. business." Usal ni Liliana sa kanya.

"I know you're stressed about the happenings in our company so it's better if we talk about it later." Sagot naman ni Romuelito.

"I filed for a vacation leave for a month to momentarily escape from it. But since you're here already, bakit pa na'tin paiikot-ikutin pa ang usapan kung dun din naman hahantong ang lahat?" Mahinahon na bwelta ni Liliana.

Napangiti na lang si Romuelito kasabay ng paghigop nito ng tsaa mula sa tasa. Matapos nun ay inilapag niya ito sa lamesa at diretsong tumigin kay Liliana.

"I really like that personality of yours. You're always straight to the point." Sambit ni Romuelito ngunit seryoso lang na nakatingin si Liliana sa kanya.

"Well then, if that is what you want. To put everything in a nutshell, the company's stock price has begun plummeting since the past months." Dagdag ni Romuelito sabay kuha ng isang folder mula sa suitcase na dala niya at ibinigay ito kay Liliana.

Mabilis na binasa at inilipat-lipat ni Liliana ang mga papel at pahina ng dokumentong ito bago ito ibinalik kay Romuelito. At sa reaksyon ng mukha niya sa mga oras na iyon ay mukhang hindi ito nagpakita ng pagkagulat at pag-aalala mula sa mga ipinakita at sinabi sa kanya ng sarili niyang tiyuhin.

"This is complete nonsense. My husband is doing his job as the chairman of the company. That document has no basis." Wika ni Liliana sa kanya.

"There's no smoke if there's no fire, Liliana. Karamihan sa mga investors ng kumpanya ay nagdadalawang-isip na kung aalisin ba nila ang investments nila or hindi because of it." Sagot naman ni Romuelito sa kanya.

"So what do you want to happen?" Seryosong tanong ni Liliana.

Mas lalong lumawak ang ngisi ni Romuelito nang marinig ang sinabing iyon ni Liliana. Muli niyang binuksan ang suitcase na dala niya at mula rito ay may isa na naman siyang dokumentong kinuha at inilapag sa lamesa.

"Special Power of Attorney?" Sambit ni Melinia nang mabasa niya ang unang pahina ng buong dokumento.

"Give me the authority. Let me take over the company for the meantime." Wika ni Romuelito habang diretsong nakatingin kay Liliana.

Bahagya nalang na natawa si Liliana sa kanya nang sabihin niya iyon dahilan para medyo magtaka si Romuelito.

"So these documents are your way of intimidating me?" Wika ni Liliana habang bahagyang nakangiti.

"This is not intimidation, Liliana. I am just offering you a hand. As the Vice Chairman of this company.. As your uncle." Tugon naman ni Romuelito.

Napailing si Liliana nang marinig niya ang mga salitang iyon. "Just like you, Tito Romy. I've been in the business industry for almost two decades. I know very well that you are just laying the groundwork for your greater scheme." Usal ni Liliana na tila hindi manlang nasindak ng kahit katiting sa mga sinabi ng tiyuhin niya.

"How dare you accuse me of such thing?!" Medyo inis na wika ni Romuelito sa kanya.

Sinalinan ni Liliana ang sarili niyang baso ng tsaa at saka uminom. Inilapag niya muli ang tasa sa lamesa bago muling tumingin kay Romuelito. "You look so guilty of such thing, Tito Romy. Masyado kang defensive." Usal ni Liliana habang taglay ang isang mapang-asar na ngiti.

"I-I'm not defensive. I am just hurt dahil ganun ang iniisip mong pakay ko sa pagpunta ko dito ngayon." Depensa nito.

"Say what you want to say, Tito Romy. You know yourself better than I do. And you know if I'm just messing around or not." Wika naman sa kanya ni Liliana.

"I'm just trying to save the compant from its downfall and this is how you respond? Mr. Tuazon and Mr. Cruz came to my office a couple of days ago and they're saying that the chairman is not on the right track. It looks like something's bothering Eusebio that affects his performance as the spearhead of this corporation. Kaya nagbabalak na silang patalsikin ang asawa mo." Sambit ni Romuelito.

"Maliit lang ang hawak na shares ni Mr. Tuazon at Cruz. Even if they withdraw, the company will not be affected." Wika ni Liliana.

"Hindi lang sila ang nag-iisip ng ganoong bagay. Almost all of the company's shareholders had the same sentiment. Kahit na si Mr.Chavez." Turan ni Romuelito dahilan para sumeryoso ang mukha ni Liliana dahil alam nitong si Mr. Robert Chavez ang ikatlo sa may pinakamalaking share sunod lamang sa kanya.

Kaya naman nang mga oras na iyon ay may namuo nang kutob kay Liliana na may malaking dahilan kung bakit ito sinabi sa kanya ng tiyuhin niyang si Romuelito.

"Hindi ka ba nanonood ng balita? The issue about the company's missing heir has been spreading like wildfire throughout the country. Halos isang buwan na rin 'yong usap-usapan." Wika ni Romuelito na dahilan para mas lumala ang kutob ni Liliana.

Kinuha ni Romuelito ang kanyang cellphone mula sa bulsa. Saglit niya itong pinindot at saka ibinigay kay Liliana para mapatunayan nito ang kanyang sinabi.

'Heirs of the largest Philippine conglomerates, RBP Holdings Inc./ EL BRIA Corporation & Fernando Villaforte Group of Companies, has been reported missing for months."

Mas sumeryoso ang tingin ni Liliana sa kanyang tiyuhin nang mabasa niya ang headline ng artikulong iyon at tila unti-unti nang nabubuo ang isang konklusyon sa isip niya.

"I think Eusebio has been out of focus because of someone who is no hope of being found." Sambit ni Romuelito.

Sa mga pagkakataong sabihin niya iyon ay tila nagpanting ang tenga ni Liliana. Dama na nito sa mga oras na iyon ang simula ng pag-iinit ng kanyang katawan at ang mas lalong pagkainis kay Romuelito.

"I think you are crossing the line, Mr. Barviaga." Tahasang wika nito sa kanya.

"What are you talking about, Liliana?" Tanong naman ni Romuelito.

"Can you even hear your words? You are telling me that you came here as a concerned uncle and minutes after that, you are talking about my son as if he was just a missing stranger." Matalim na usal ni Liliana.

"Liliana, that's not what I—"

"Let me remind you that even if you are my uncle, I'm still in a position above you. I'm letting you talk to me like that out of respect, but still.. I did not gave you the right to barge in to our family matters. You are out of it, Mr. Barviaga." Diretsong wika ni Liliana sa kanya.

"You may leave." Tahasang niyang dagdag sabay tayo at akma nang lalakad paalis.

"But Lilian—"

"Be professional, Mr. Barviaga. It should be Mrs. Escalia." Putol sa kanya ni Liliana.

"M-Mrs. Escalia. Wait!" Usal ni Romuelito pero tinalikuran lang siya ni Liliana at itinuloy ang paglakad nito paalis.

Bakas ang sobrang pagka-inis ni Romuelito kay Liliana nang mangyari iyon. Maya-maya ay itinuon niya ang tingin kay Melinia at talagang napakatalim nito.

"Ganyan ba ang itinuturo mo sa anak mo, Melinia? Ang maging bastos?" Nag-ngingitngit na singhal ni Romuelito.

"Hindi ko sila tinuruang mambastos. Pero hindi ko rin sila tinuruang maging magpa-api." Tugon sa kanya ni Melinia dahilan para mapakunot ang noo nito.

"Ikaw ang nauna. Ibinalik lamang niya ang kabastusan mo, Manong Romy. Umalis ka na." Dagdag ni Melinia kaya naman mas lalong nainis ang ekspresyon ni Romuelito. Padabog itong umalis mula sa kinauupuan niya at lumabas ng balkonahe.

Napabuntong-hininga naman si Melinia nang makita niyang nakaalis ang nakatatanda niyang kapatid. Tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan at sinundan si Liliana. Hinanap niya ito sa loob ng buong bahay; sa kusina, sa sala at sa hapagkainan pero wala ito roon dahilan para pumunta siya sa iisang lugar na maaaring kinaroroonan nito ngayon.

Sa sarili nitong kwarto.

"Mr. Barviaga, sinabi ko naman sa iyo na—"

"Ako ito, Liliana." Putol ni Melinia sa kanyang anak habang nakangiti.

Natigilan naman si Liliana nang makita siya at muling napahiga sa kama mula sa pagkakabangon nang makita niyang bumukas ang pinto.

"Nay, mamaya mo na ako kausapin. Gusto ko munang matulog." Wika ni Liliana nang hindi tumitingin sa kanya.

"Kakagising mo lang, matutulog ka na naman ulit?" Usal naman ni Melinia.

Napabangon si Liliana sa kama nang sabihin iyon ng kanyang ina. "Nay, naman." Medyo inis niyang wika.

"Mukhang tama nga ang Tito Romy mo. Parang hindi bagay kung 'Nay' pa rin ang tawag mo sa'kin. Ano kaya kung mama na lamang ang itawag mo sa'kin sa susunod?" Pabirong suhestyon ni Melinia.

"Bakit ba ang hilig mong magbiro sa mga ganitong pagkakataon, Nay? Kaya pati si Steph na mana na rin sayo yan e." Sambit ni Liliana.

"Gusto ko lang naman na tumawa kahit panandalian lang." Nakangiting tugon ni Melinia sa kanya habang naglalakad palapit at saka umupo sa tabi ni Liliana.

"Pabayaan mo na ang Tito Romy mo. Alam mo namang ganyan na ang ugali niyan, noon pa lang." Sambit ni Melinia sa kanya.

"Naalala ko na naman yung panlalait niya noon sa atin. Kung hindi lang dahil sa pakiusap niyo sa'min noon, hindi na sana namin sinalba ang mababangkarote niyang negosyo." Usal ni Liliana.

"Pagkatapos ngayon ang lakas ng loob niyang pumunta dito para lang manindak samantalang wala pa halos sa isang porsyento ang hawak niya sa kumpanya." Inis na dagdag ni Liliana.

"Pero.." Bitin na sambit ni Melinia dahilan para mapatingin sa kanya ang kanyang anak habang hinihintay ang mga susunod na lalabas sa kanyang bibig.

"Nagtataka lang ako kung pa paano kumalat ng ganoon kalala ang balitang iyon." Nagtatakang usal ni Melinia.

"Do you mean na ngayon mo lang din nalaman, nay?" Tanong ni Liliana.

"Hindi naman ako palabukas ng TV, alam niyo iyan ng mga kapatid mo. Mas pinipili kong magmuni-muni palagi sa balkonahe o umupo sa labas ng bahay kaya wala akong kaalam-alam sa mga bagay na 'yan." Sagot ni Melinia.

"Malakas ang pakiramdam kong may kinalaman siya dito." Usal ni Liliana.

"Ang Tito Romy mo?" Tanong ni Melinia na sinagot naman ni Liliana ng pagtango.

"Kinausap na namin ang mga media noon na wag ikakalat ang pangyayaring 'to. Binayaran namin sila para makasiguro na hindi kumalat at hindi lumala ito kaya sobrang kataka-taka ang nangyari ngayon." Wika ni Liliana.

"Pero kung sakali mang talagang may kinalaman si Tito Romy dito, hindi lang ako ang makakalaban niya pag nagkataon. Kaibigan din ni Steph sina Angel at Jerra na kasabay niyang nawala. Pwede siyang balikan ng mga Permithivo at Villaforte sa mga ginagawa niya." Dagdag pa niya.

"Mga nanay ba nila ang dalawang babae na bumisita sa'yo dito nung nakaraang linggo? Sina Amelia at Margaritta?" Tanong ni Melinia na sinagot muli ni Liliana ng isang tango.

"Kaya nga't hindi lang ako ang makakabangga ni Tito Romy kapag nagkagipitan. Malalaking tao ang binabangga niya. Maraming posibleng mangyari sa kanya o sa pamilya niya." Wika ni Liliana.

"Pero ngayon na hangga't hindi ko alam kung saang lupalop napadpad si Steph ay meron at merong alas na magagamit sa akin si Tito Romy na ipilit ang pagpapatalsik naming mag-asawa mula sa kumpanya." Usal ni Liliana kasabay ng isang malalim na buntong-hininga na may halong pangamba sa kumpanyang pinanghahawakan niya at lalong-lalo na sa buhay ng kanyang anak.

Nakita ni Melinia ang napanghihinaang reaksyon ni Liliana kaya naman hinawakan niya ito sa kamay upang mapakalma ang damdamin nito.

"Matalinong bata si Steph, Liliana. Makakabalik din siya kaya naman wag kang mag-aalala." Usal ni Melinia sa kanya.

"Pasaway talaga ang batang 'yon. Dapat isinama ko na siya ng sapilitan sa Amerika kung alam ko lang na mangyayari ang mga bagay na 'to." Balisang sambit ni Liliana.

"Makikita mo siya ulit, walang anumang mangyayaring masama sa kanya." Nakangiting pagpapakalma ni Melinia sa kanya.

"Maging ang mga pulis na naghahanap sa kanila, walang kaalam-alam kung saang butas sila nagsususuot. Bigla nalang silang nawala nang walang anumang bakas na iniiwan. Kaya paano niyo nasasabing ligtas silang makakabalik?" Sambit naman ni Liliana.

"Dahil.. alam ko kung nasaan siya. Sila ng mga kaibigan niya." Usal ni Melinia dahilan para mabigla si Liliana at sumeryoso ito ng tingin sa kanya.

"A-Alam mo, nay? Bakit ngayon mo lang sinabi 'to!? Nasaan sila!? Nay, sabihin mo na. Nagmamakaawa ako sayo. Tatawagan ko si Detective Suarez para agad niyang mapuntahan ang lugar na 'yon." Sunod-sunod na sambit ni Liliana habang tarantang kinakalikot ang cellphone.

Pero mahinahon lang siyang hinawakan sa braso ni Melinia at marahan itong umiling na siyang ikinataka ng sobra ni Liliana.

"Mayroon siyang nararapat na gampanan na noon pa man ay nakasulat na sa kanyang kapalaran. Kaya naman kailangan niyang mapagtagumpayan iyon at ng kanyang mga kaibigan para muling makabalik sa kung saan sila nanggaling." Malalim na wika ni Melinia kaya naman mas kumunot ang noo ni Liliana.

"Nay, wag mo sabihing binibiro mo na naman ako." Tanong ni Liliana pero nanatiling seryoso ang mukha ng kanyang ina.

"Huwag kang mag-alala. Malalampasan niya rin ito. Makakabalik si Steph sa atin. Sadyang dapat lang maganap ang lahat ng ito." Matalinhagang usal muli ni Melinia.

"Nay naman. Tigilan mo na ko sa mga ganyan. Sabihin mo na sa'kin kung nasaan ang anak ko. Hindi ako mapapayapa hangga't hindi ko nakikitang maayos ang kalagayan niya." Pagmamakaawa ni Liliana.

"Magtiwala ka sa mga sinabi ko, Liliana." Tugon nito sa kanya.

"Isa na akong magulang, nay. Kaya hindi ko matitiis na hindi mag-alala para sa kaayusan at kaligtasan ng anak ko kaya parang awa niyo na.. sabihin niyo na sa'kin." Pakiusap pa niyang muli.

"At maging ako rin naman, Liliana. Isa rin akong magulang at alam ko ang nakabubuti para sa'yo. Ina mo ako kung kaya't pagkatiwalaan mo ang mga sinasabi ko sayo. Magiging maayos din ang lahat." Sambit ni Melinia at wala naman nang naitugon pa ang kanyang anak sa kanya at bagkus ay napahinga na lang ito ng malalim sa sobrang pagkadismaya.

Niyakap niya na lang si Liliana ng mga oras na iyon upang mapahinahon ang damdamin nito. Sa mga pagkakataon ding iyon ay alam ni Melinia na gumagawa na ng paraan ang kanyang apo para muli silang makapiling.

Kampante siya dahil alam niyang maayos ang kalagayan ni Steph nang mag-usap silang dalawa sa isang di pangkaraniwang lugar. Nais man niyang sabihin ang lahat kay Liliana pero wala siyang magawa kundi ang ilihim ito dahil maaaring magbago ang mga nakatakdang maganap.

Ngunit gayunpaman ay tiwala siyang malalampasan ito ng kanyang apo. Tiwala siya na sa pagkakataong ito ay maisasagawa na ni Steph at ng kanyang mga kaibigan ang mga hindi nila naganap sa nakaraan.

Ang tadhanang matagal nang dapat naisakatuparan.


Steph's Point of View

Isang malakas na tunog ang pumukaw sa atensyon naming dalawa ni Lia habang naglalakad.

"Did you hear that? Nagwewelga na ang tyan ko. Hanggang kailan ba na'tin sila susundan?" Tanong ni Jerra sa kalagitnaan ng paglalakad habang nakasunod kanila Angel at Steph na halos ilang metro din ang layo mula sa amin.

"Saglit na lang. Kapag bumalik pauwi na silang dalawa uuwi na rin tayo." Wika ko naman sa kanya.

"Seriously?" Sambit naman ni Jerra nang may pagkairita.

Ngumiti naman ako sa kanya habang marahang tumatango nang sabihin niya iyon and of course, Jerra being herself ay isang isang irap na naman ang isinukli sa akin.

"Guys, bilisan niyo nakakalayo na sila." Usal naman ni Lia sa amin kaya naman mas binilisan namin ang paglalakad para hindi sila mawala paningin naming tatlo.

Kinalaunan sa gitna nang pagsunod naming sa kanilang dalawa ay nakita naming umupo sila sa isang bench kaya naman napagpasyahan din naming tumigil din doon pero gayunpaman ay ilang metro pa rin ang distansya namin sa kanila.

Napatingin ako sa kinaroroonan naming ngayon at hindi maitatanggi sobrang ganda ng tanawin sa lugar na 'to. Nasa harap namin ang mga nagtataasan na high rise buildings ng New York at talagang madadama mo ang mapayapang ihip ng malamig na hangin kasama na ng katahimikan ng buong paligid.

During those moments, I can really say that Jimin is undoubtedly a romantic person.

Sa pagsunod-sunod namin sa mga pinuntahan nila kanina, talagang masasabi mong organized at planado niya na ang mga destinations ng date nilang dalawa. He really took Angel to the most scenic spots here and I'm sure that he really ensured that this night will not end without seeing the smile and happiness from her face.

"Huy." Kalabit sa akin ni Jerra dahilan para mapatingin ako sa kanya.

Nakataas na ang kilay nito at nakakunot ang noo sa'kin. "Nababaliw ka na ba, kanina pa ngumingiti-ngiti dyan." Wika niya sa akin.

"Paano naman ako hindi mapapangiti. I mean.. take a look at them." Usal ko naman sabay nguso kanila Angel at Jimin.

"They're really in love." Sambit ni Lia habang nakatanaw sa kanilang dalawa.

"Pero, guys.." Tawag ko sa kanilang dalawa kaya naman tinapunan nila ako ng tingin.

"Hindi ba parang stalking 'tong ginagawa na'tin?" Tanong ko sa kanilang dalawa.

"Ngayon mo pa talaga naisip 'yan na halos ginabi na tayo sa kakasunod sa kanilang dalawa." Turan ni Jerra.

"Parang mas okay kung nag-stay na lang tayo sa hotel." Usal ko.

"Huh? Eh ikaw nga ang nagsuggest ng idea na 'to e." Sabat naman ni Jerra.

"Sumunod ka naman?" Bwelta ko.

"Gosh! So is it my fault now—"

"Guys." Pag-interrupt ni Lia sa bangayan naming dalawa. Napatingin kami sa direksyon na tinutumbok ng mga mata niya at doon namin nakitang tumatakbo si Jimin habang hinahabol naman siya ni Angel.

"Anong nangyari? Saan 'yon pupunta?" Tanong ko habang nakatanaw pa rin sa kanila.

"I don't know, bigla na lang silang tumakbo." Sagot naman ni Lia.

"Tara, dali." Wika naman ni Jerra na dahilan para tumayo kami mula sa mga pwesto namin at dali-dali silang sinundan.

Ilang saglit palang kaming tumatakbo nang maya-maya ay nakita muli naming tumigil sila sa pagtakbo at ngayon ay tila may dalawang lalaki ang nakatayo sa harapan nilang dalawa. Hindi ko maaninag ang mga mukha ng mga ito dahil medyo madilim pero mukhang nag-uusap silang apat.

"Sino 'yong mga 'yon?" Bungad na tanong ni Jerra.

"Hindi ko rin alam." Sagot ko.

"Lapit tayo ng kaunti." Sambit naman niya kaya naman tumungo kami doon ng ilang hakbang pero pinapanatili pa rin naming ang distansya para hindi nila kami makita. Nakailang saglit din bago naming tuluyang makilala kung sino ang mga kausap nila at nang mga sandaling mapagtanto namin ang mga pagkakakilanlan ng mga ito ay sabay-sabay na nanlaki ang mga mata naming tatlo nina Lia at Jerra.

"M-Mga artista yan di'ba? Hollywood Actor?" Wika ni Jerra habang nakatingin sa mukha ng dalawang lalaking nasa harapan nina Angel at Jimin.

"Undeniably yes. They're actors. Marvel Actors, Chris Evans and Tom Holland." Sambit ko naman kay Jerra.

Itinuon ko kanila Jerra at Lia ang mga mata ko at kitang-kita ko sa mga reaksyon nila ang pagka-starstruck sa mga sikat na personalidad na ilang metro lang ang layo mula sa amin.

"Oh my Gosh! Tara, magpapicture tay—" Excited na wika ni Jerra at tatakbo na sana ito nang hawakan ko ang braso niya kaya ito natigilan.

"Makikita tayo ni Angel!" Singhal ko sa kanya.

"Ano ka ba naman, Steph. Minsan lang mangyari sa buhay na'tin na makakita tayo ng mga artista, escpecially from Hollywood. Kaya tara na!" Usal niya naman sa akin.

"I know! SIge na. Later. Hintayin muna natin silang makalayo kanila Angel at Jimin bago tayo magpapicture. Got it? " Mahina kong wika sa kanya dahilan para mapangiti ito nang may excitement.

Pinanood lang namin silang apat na mag-usap matapos kong sabihin ang mga salitang iyon. Nakita namin silang nagkamayan at nag-ngingitian and to be honest kahit ako rin ay kating-kati nang makalapit sa kanila. Pero dahil nga ayaw naming masira ang moment nila Angel at Jimin ay hinintay na lang namin ang tamang tyempo para malapitan sila.

Makalipas ang ilang minuto ay nakita naming tila nagpaalaman na sila at naglakad na paalis sina Chris at Tom kaya naman binantayan naming tatlo nila Jerra at Lia yung pagkakataong malayo na sila mula kanina Angel at Jimin. At matapos ang ilang hakbang ay napansin naming hindi na kami matatanaw ng mga ito mula sa lugar na iyon kaya naman napagpasyahan na naming lapitan sila.

"Uhm, sir?" Bungad ni Jerra dahilan para mapalingon sina Chris at Tom sa amin.

"Can we.. take a picture with you?" Nahihiya pang sambit nito.

"Oh.. s-sure." Nakangiti naman sabi ni Chris.

At mula nga sa bulsa ni Jerra ay agad nitong dinukot ang phone niya, dali-dali niyang binuksan ang camera at inilagay iyon sa front cam. Halos naka-limang shots din kami nang pagpapapicture sa kanila at matapos nun ay masaya kaming nagpasalamat.

Naglakad na muli paalis sina Chris at Tom samantalang sa kabilang direksyon naman ang tinutungo namin nina Lia at Jerra.

"Lia, bakit hindi ka sumama kanina? Nakatayo lang sa isang gilid." Usal ni Jerra habang tinitingnan ang mga picture sa gallery ng phone niya.

Napatingin naman kaming dalawa sa kanya nang sabihin niya iyon, maya-maya ay napansin niya ring may mga matang nakatuon sa kanya kaya naman agad itong napatingala sa aming dalawa ni Lia.

"What?" Walang muang na tanong nito.

"Inaasar mo ba ko, Jerra?" Sambit ni Lia habang nakataas ang isang kilay.

Halos 0.2 seconds din ang dumaan nang marealize ni Jerra ang gusting iparating ni Lia sa kanya.

"Uh.. S-Sorry." Wika niya kasabay nang nahihiya at matipid na ngiti bago nito ibalik ang atensyon sa pagtingin sa pictures ng phone niya.

Napailing nalang kaming dalawa ni Lia nang mangyari iyon at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa muli naming makita sa di kalayuan sina Angel at Jimin na kasalukuyan muling nakaupo sa bench kung saan sila nakapwesto kanina.

Habang kaming tatlo naman ay tumungo naman sa kinauupuan din namin kanina at doon muling pumwesto. Kauupo pa lang naming tatlo nang mga sandaling iyon nang sabay-sabay na kumalam ang mga sikmura namin dahilan para magkatinginan kami nina Lia at Jerra.

"Told ya' guys. We really should go back now." Usal sa amin ni Jerra.

"Kung bumalik tayo, edi sana hindi tayo nakapagpapicture sa mga Marvel actors na 'yon." Sabat ko naman sa kanya.

"Whatever. Tara na, Lia." Turan naman ni Jerra pagkatapos umirap sa akin. Napatango naman si Lia sa sinabi niya. Tinanggal namin ni Jerra ang mga wooden necklace namin at inilagay ito sa mga sari-sariling bulsa bago naghawak-hawak ng kamay at saka pumikit.

Sa isang iglap makaraan nang sandaling iyon ay nasa tapat na kami ng pintuan ng hotel room namin nang ibukas muli namin ang aming mga mata. Kinuha ulit namin ang aming mga wooden necklace sa kanya-kanyang bulsa at sinuot ang mga ito.

Nang mapadapo ang atensyon ko sa pintuan matapos nang mga kaganapan na iyon ay napansin kong bahagya 'yong nakasiwang na siyang agad kong ipinagtaka. Pumasok na kaming tatlo nila Lia at Jerra sa loob at naabutan naming nakaupo sa couch namin sina Jungkook, Namjoon at Taehyung. Habang sina Yoongi, Hoseok at Seokjin naman ay isa-isang inilalapag ang mga pagkain sa lamesa na nasa tapat ng couch.

"They're here." Namjoon spoke causing all their eyes to move towards us.

"Oh! I was waiting for Jerra, that's why I'm here." Yoongi explained.

"And so I was for Lia." Taehyung followed.

"I saw all of them going in here, so I decided to follow." Hoseok came third.

"I was bored in my room and heard noises coming from here so I came out and check." Namjoon informed.

"I was the first one here. I thought of having a dinner with all of you so I went and saw that the door was open so I came in only to find that no one was inside." Jungkook uttered.

"It's.. alright." Sambit ko nalang sa lahat ng mga paliwanag nila.

"Well, since everyone is explaining the reason of their presence, I shall explain mine too." Seokjin stated.

"Jerra." Seokjin said and looked at her.

"Steph." He shifted his eyes to me.

"Lia." He called and his eyes landed at her, last.

"I'm here coz.." He touched his chin and slowly looked at the three of us. "I'm handsome." He uttered.

This is so Kim Seokjin.

"Aish~ It really makes me cringe everytime you do that. Don't listen to him, honeypuff. Sit here beside me, let's have dinner." Yoongi said while looking at Jerra with a smile.

And of course, hindi naman na umangal si Jerra nang tawagin siya nito at agad siyang pumunta sa tabi ni Yoongi para umupo.

"Honeypuff!? Isn't that a term that is more cringe-worthy?" Seokjin retaliated.

Hindi naman na pinansin ni Yoongi ang sinabing iyon ni Jin sa kanya dahil nagsimula na silang kumain ni Jerra samantalang kami naman ni Lia ay natawa nalang sa nangyari bago umupo sa tabi nila at saluhan na rin silang kumain. Umupo si Lia sa tabi ni Tae at Hoseok habang ako naman ay pumwesto sa gilid nila Namjoon at Jungkook.

Sinimulan na nga naming kumain nang mga sandaling iyon pero ilang oras ang makalipas ay may kumatok sa pintuan ng hotel room namin and since si Seokjin ang pinakamalapit sa pinto ay siya na ang tumayo at nagbukas.

"So that's why I felt that there's something missing." Seokjin stated the moment he saw who was behind the door.

He turned back and look at us. "Everyone. Our main lovebirds has arrived." Seokjin kiddingly said.

And the moment na ipakita ni Seokjin sa amin kung sino ang nasa pinto ay nakita nga namin sina Angel at Jimin pero mukhang may ibang reaksyon sa mukha nilang dalawa nang makita kaming lahat. Parang may nararamdaman akong excitement sa mga mata nila, lalo na kay Angel.

"Guys" Tawag ni Angel sa atensyon nang lahat nang umupo siya sa tapat ng lamesa kasama si Jimin.

"Tumawag kanina si Shaman Jang." Usal ni Angel.

"And?" Tanong naman ni Jerra.

"And she said na may alam na siyang paraan kung paano tayo makakabalik sa mga totoo na'ting katawan." Sambit ni Angel at nabigla ang lahat nang marinig nila ito. Lalo na kaming tatlo nila Jerra at Lia.

"T-Talaga? Are you not joking or something?" Di makapaniwalang wika ni Jerra na halatang masaya sa narinig niya.

"It's true." Jimin briefly said with a serious face.

Nang mga oras na iyon ay halos mag-ning ning ang mga mukha namin nila Lia at Jerra dahil sa napakagandang balita na dumating. Sa wakas, matatapos na rin ang lahat ng problema at pangamba namin. Sa wakas muli nang babalik sa normal ang lahat. At talagang malapit nang mangyari 'yon.

"Yah! That's one great news right there. And to celebrate, I'll treat everyone to go to the cinema tomorrow!" Seokjin happily announced.

"Idiot." Yoongi fired.

"What!? What is it again!?" Seokjin spoke.

"Tomorrow is our flight back to Korea." Yoongi answered,

"Alright! Alright! But how dare you say such word to someone who is four months older than you. This is total disrespect!" Seokjin shot back.

"Yoongi, Hyung.. stop it. Just eat your food." Namjoon mediated between them.

Simpleng sinikuhan ni Jerra si Yoongi nang mangyari iyon.

"Sorry, hyung." Yoongi said.

"Aish~" Seokjin uttered while chewing the dumplings he stuffed in his mouth and looking sharply at Yoongi.

Napailing nalang si Namjoon sa kanilang dalawa nang mangyari iyon at pagkatapos nito ay nagpatuloy na muli kami sa pagkain ng hapunan. Maya-maya ay unti-unti na muli kaming nagkwentuhan matapos nun. Medyo bumalik naman na ulit sa good mood si Jin ilang saglit lang ang makalipas at nagsimula na ring makipagtawanan kanila Hoseok at Jungkook.

"By the way.." Seokjin shifted his eyes towards Jimin and Angel.

"I almost forgot to ask this but where did the both of you went?" Seokjin asked.

"Ay! Oo nga! Nawala rin sa isip ko pero you won't believe what I am about to tell you." Excited na wika ni Angel.

"Nakita namin sina Captain America anf Spiderman!" Dagdag niya.

"It must be just a costplayer or something." Seokjin refused to believe.

"No, hyung. They're not wearing costumes. What she meant is that we saw the actors who played those roles." Jimin clarified.

"R-Really?" Seokjin's eyes widened.

"You mean.. this?" Sambit naman ni Jerra sabay iniharap ang screen ng phone niya sa direksyon ni Angel.

"Nakapag.. Nakapagpapicture kayo!? But.. Wait! Are you following us?" Tanong ni Angel.

"Maybe.." Wika ni Jerra kasabay ng isang mapang-asar na ngiti.

"Pero bakit hindi namin kayo napapansin—" Naputol ang dapat na sasabihin ni Angel nang makita niyang dumapo ang mga mata ni Jerra kay Lia at agad nitong nakuha ang gusting iparating sa kanya.

"This is already privacy invasion!" Wika ni Angel kay Jerra.

"Huh? Namamasyal lang din kami, hindi niyo nga kami nakita. We let you have your moment and didn't ruin it while strolling around New York. It's like hitting two birds in one stone." Usal ni Jerra sabay apir sa akin.

"I'll still consider it as invasion of someone's privacy." Bwelta ni Angel.

"Inggit ka lang e." Diretsong wika ni Jerra sa kanya.

"Ah—Ehh—H-Hindi ah! Bakit naman ako maiinggit?" Nauutal na depensa ni Angel but Jerra just gave her that SAY-WHAT-YOU-WANNA-SAY face.

"YAH!" Seokjin yelled that made everyone shocked.

"Hyung! What was that?" Jimin told.

"If there's someone to complain here, it should be the six of us. You went to different landmarks here in New York and enjoy it by yourselves without telling us. This is really unfair." Seokjin protested.

"Hyung, uhh.. where just—uhmm.."

"Sumunod lang naman kami kanila Angel kasi.. ano—"

"Uhmm.. this is unintentional cause.. uh.."

Sunod-sunod na paliwanag namin nila Jimin at Jerra sa kanya.

"Enough! I don't want to hear any word from you." Seokjin said; placed his palm in his chest and looked at us with an exaggerated reaction. "I'm really hurt." He dramatically uttered.

Napayuko na lang kami nila Jerra at Jimin ang mangyari 'yon. Even tho may halong biro yung expression ni Seokjin sa amin, alam kong may halo 'yong pagtatampo kasi hindi nga naman namin sila sinabihan na mamamasyal kami.

"They just want to explore, hyung. Let them. And besides, if all of us went outside there is a chance that someone might notice and know us. We may cause a scene if that happened." Namjoon spoke.

"Actually.. that's a good point, Namjoon-ssi. That's why I really like your.." Seokjin looked straight to Namjoon. "Sexy brain." He said.

Natawa nalang kaming lahat ng sabihin iyon ni Seokjin. He always drop his iconic jokes when you least expect it.

"Uhm.. J-Jin?" Tawag ni Jerra sa kanya dahilan para mapatingin ito.

"Babawi na lang kami sa susunod. Promise 'yan." Wika sa kanya ni Jerra.

"It'll be fine to me." Seokjin uttered with a smile.

"Hmm.. mag-sine kaya tayong lahat in a time that all of you are available. How about that?" Suhestyon naman ni Angel.

"It's a great idea to me. How 'bout you, guys?" Seokjin asked all of them and none of them disagreed.

"So it's a one big movie date, then?" Usal ni Angel at tumango naman sa kanya si Seokjin.

"You said that, Angel. I'll be keeping your word." Seokjin smiled.

Nagpatuloy na nga muli ang kwentuhan tungkol sa iba pang mga bagay matapos nun. Nalaman ko habang nakikinig sa kwentuhan nila na sinabi ni Shaman Jang kanila Angel at Jimin na October 23 ng umaga kami pupunta sa Jeju dahil sinabi nitong nandoon daw ang solusyon sa problema naming apat.

Maya-maya ay naubos na nga namin ang lahat ng pagkain sa lamesa kaya naman wala na kaming inatupag nung mga oras na iyon kundi ang kwentuhan. Kinalaunan ay napagpasyahan kong kunin ang phone ko mula sa bulsa at binuksan iyon. At nang sandaling magbukas ang phone ko ay isang notification ang nagpop-up.

Nakita kong may isang pamilyar na pangalan na nakalagay doon kayo pinindot ko ito at dinala ako nito sa isang article. Nang mabasa ko ang headline nito ay saka napagtantong kilala ko nga ang taong nakasulat ang pangalan dito.

'VICE CHAIRMAN BARVIAGA IS EYEING TO TAKE OVER, EL BRIA CORPORATION AS THE NEW SPEARHEAD OF THE GIANT PHILIPPINE SHOPPING MALL CONGLOMERATE.'

Sa mga oras na iyon ay tila binuhusan ako ng nagyeyelong tubig. Alam na alam kong wala nang ibang dahilan ang pangyayaring iyon kundi ako. Alam kong dahil sa akin kaya ito ng nangyayari. Agad na sumulpot sa isip ko nang mga pagkakataong iyon na kung sana ay hindi ko pinasok ang gaintong sitwasyon ay sana hindi nagkakagulo ang pamilyang naiwan ko na tiyak kong nag-aalala at patuloy na akong hinahanap ngayon.

Nagtatawanan silang lahat nang mga puntong iyon kaya naman pinili kong lumayo muna saglit sa kanila para hindi masira ang mood ng paligid. Tumungo ako sa kama at umupo roon, doon ko binasa ang buong artikulo at nang mga oras na iyon ay hindi ko napigilan umiyak.

Hindi siguro dapat lumuluha ang isang katulad ko lalo na't ang isang lalaki ay hindi dapat nagpapakita ng kahinaan pero hindi ko rin maitatanggi ang malambot at pagkababae ng puso ko. Iniiyak ko na lang ang lahat ng hindi gumagawa ng kahit anong kaluskos nang mga oras na iyon. Damang-dama ko ang sobrang pag-sisi at pagkakonsensya dahil sa mga nagawa ko at sa mga nangyayaring ako ang pinag-ugatan.

Natapos din naman ang pagdaloy ng mga luha sa mata ko kinalaunan at wala na akong ibang ginawa kundi ang mahiga na lang habang nakatulala sa kisame. Maya-maya ay napansin kong mainit ang mga mata ko nang hawakan ko ito kaya naman agad akong tumungo ng banyo at doon ko nakitang namamaga ang mga ito.

Kaya naman napagpasyahan kong maghilamos para mawala ang pamamaga ng mata ko dahil sa kakaiyak kani-kanina lang. Lumabas ako nang banyo nang makita kong hindi na halata na galing ako sa pag-iyak at pinatuyo ko ng towel ang mukha ko habang naglalakad palabas mula roon.

Nang tuluyan na akong makalabas mula sa banyo ay sakto ding sabay-sabay na pagpasok nina Angel, Lia at Jerra.

"Oh? Nasaan na sila?" Bungad na tanong ko.

"Bumalik na sa kanya-kanyang mga kwarto." Paliwanag ni Jerra.

"Anong nangyari? Ba't bigla kang nawala kanina?" Tanong naman ni Lia sa akin.

"Uhm.. humiga lang ako saglit. Sumakit kasi bigla 'yung ulo ko e." Sagot ko naman at napatango si Lia sa akin sabay tumungo sa kama para mahiga.

Nagsipaghilamos naman na sina Angel at Jerra nang mga oras na iyon. Nauna na akong humiga since tapos naman na ako. Ilang minuto ang makalipas ay natapos din silang dalawa kaya naman tumabi na ang mga ito sa amin ni Lia. Pinatay ni Jerra ang lahat ng ilaw sa buong kwarto at iniwan niya lang na nakabukas ang isang lampshade bago humiga sa tabi namin.

Nakatalikod ako sa kanilang tatlo habang nakahiga at nakaharap sa kabilang gilid ng kama; katapat ng bintana. Ilang saglit pa ay naramdaman kong may nakatingin sa akin kaya naman humarap ako sa kabilang direksyon at doon ko nakitang gising pa rin pala sina Angel at Jerra at nakatuon ang mga mata nila sa akin.

Akma na sana akong tatalikod ulit pero hinawakan ni Jerra ang braso ko at pinigilan akong tumalikod mula sa kanila.

"Bakit?" Nagmamaang-maangan kong tanong.

"We can sense it, girl." Sambit ni Jerra.

"Sense what?" Tanong ko muli.

"That there's something wrong." Sagot ni Jerra.

"Napansin kong nakatulala ka kanina habang hawak mo yung phone mo bago ka pumasok ng kwarto." Wika naman ni Angel.

"Wag na kayong mag-ingay. Tulog na si Lia. Let's just slee—"

"Tara sa couch." Putol ni Jerra sabay tayo mula sa kama habang hawak naman ni Angel ang damit ko at hinahatak ako palabas.

"Here. Siguro naman pwede na tayo mag-usap." Usal ni Jerra pagkatapos buksan ang dimlight ng mini living room ng hotel room namin.

"Ano ba kasing gusto niyong pag-usapan?" Tanong ko sa kanila.

"Hindi ko alam. Ayaw mo naman kasing sabihin sa'min." Sabat ni Jerra dahilan para kumawala ang isang maikling buntong-hininga mula sa bibig ko.

Tinignan ko silang dalawa ng ilang segundo at pagkatapos ay tumayo ako mula sa couch. Tumungo ako ng kwarto at mula roon ay kinuha ko sa lamesitang nasa kaliwang bahagi ng kama ang phone ko. Binuksan ko mula roon ang article na nabasa ko kanina at ibinigay yon kay Jerra para mabasa nilang dalawa kay Angel.

"Mukhang alam na ng buong Pilipinas ang pagkawala na'tin. As in literally." Usal ko sa kanilang dalawa.

Maya-maya ay natapos din nilang basahin ang article at muli nilang ibinalik sa akin ang phone ko.

"Pati ang mga businesses na ipinundar ng mga magulang na'tin mula sa sikap at tyaga nila, naapektuhan na rin dahil sa mga nangyayari." Sambit ni Angel.

"Sigurado akong may kinalaman si Lolo Romy dito." Wika ko naman.

"Lolo Romy? Siya ba yung Vice Chairman Barviaga na tinutukoy sa article?" Tanong ni Jerra na sinagot ko ng isang marahan na pagtango.

"Matagal ko nang naririnig sa mga usapan nila Mom at Dad na merong kagustuhan si Lolo Romy na maangkin ang kumpanya namin. Kaya hindi na kataka-taka na may kinalaman siya sa mga nangyayari ngayon." Pakiwari ko.

"Pero mukhang wala namang magtatangkang umagaw sa posisyon ni Dad sa kumpanya namin sa mga panahong ganito kasi halos lahat ng mga kasosyo niya ay mga matalik niyang kaibigan or kamag-anak." Usal ni Jerra.

"You can never be so sure about that. Kung makakita ka ng opurtunidad na maari mong magamit para sa ikaangat mo, kahit na matapakan mo ang ibang tao, ay gagawin at gagawin mo pa rin iyon. That's why business seemed to be a competition for many. The downfall of someone will be another's uprising." Sambit ni Angel.

"Kaya sobra ang pagsisisi ko ngayon dahil hindi ito mangyayari kundi dahil sa mga kagagawan ko." Turan ko dahilan tapikin ni Angel ang likod ko.

"Nangyari na ang mga bagay na 'yon, Steph. Huwag mo ng sisihin ang sarili mo." Pagpapakalma ni Angel sa damdamin ko.

"You can never change the beginning so make sure that the ending would make a difference." Malalim na sambit ni Jerra dahilan para mapatingin kaming dalawa sa kanya ni Angel.

"Saan naman nanggaling 'yon?" Usal sa kanya ni Angel.

"Sa akin, kanino pa ba? Eh tatlo lang naman tayo dito." Pilosopong sagot niya.

"But that's really a positive and uplifting quote. Thank you." Puri ko sa kanya.

"Anyways, wag mo nang isipin ang mga bagay na 'yon. Lalo na't may pag-asa na tayo ngayon." Sambit naman ni Angel.

Napangiti na lang ako sa kanya at ganun din naman siya sa akin. Matapos ng usapan namin na iyon ay nagsibalik na kaming tatlo at muling nahiga sa kama. Napagpasyahan na naming matulog ng mga oras na iyon pero bago pa man pumikit ang mga mata ko ay napatulala muna ako ng ilang saglit sa kisame. Sa mga puntong iyon ay masasabi kong gumaan na ang dibdib ko at para akong nabunutan ng tinik. Dahil ngayon ay nararamdaman kong maisasaayos ko rin ang lahat ng mga idinulot ko.


Angel's Point of View

Nagising ako kinaumagahan dahil sa mga kaluskos at ingay sa paligid. Hindi ko maimulat ang mga mata ko ng ilang saglit dahil sa pagka-antok pero nagawa ko naman kinalaunan at doon ko napagtantong ako na lang pala ang natitirang nasa kama. Gising na si Lia habang sina Jerra at Steph naman ay inaayos na ang mga maleta nila.

Bihis na bihis na rin ang mga ito at mukhang handa na sila.

"Naligo na kami ni Steph, girl. So you better go cause we're leaving, two hours from now." Wika sa akin ni Jerra kaya naman agad na akong umalis sa kama at tumungo ng banyo.

Maya-maya nang matapos na akong maligo at magbihis ay maleta ko naman ang inayos ko. Nagpatawag na sila ng room service para sa almusal namin at kakarating lang nito nang matapos akong mag-ayos at mag-organize ng gamit.

Sumalo na ako sa kanila sa pag-aalmusal nang mga sandaling iyon. Halos 30 minutes pa naman bago ang pag-alis namin mula sa hotel kaya naman dinama na muna naming apat ang pagkain na nasa lamesa. Kinalaunan ay may kumatok sa pintuan namin at nang pagbuksan iyon ni Jerra ay napagtanto naming si Tae iyon.

Sinabi niyang aalis na daw kami kung kaya't niligpit na namin lahat ng mga kinainan sa lamesa para hindi ganoon mahirapan ang maglilinis sa hotel room na 'to pag-alis namin. Paglabas ng kwarto ay bumungad na silang lahat sa amin at handa na rin ang mga ito dala ang mga maleta nila.

Nang maayos na ang lahat ay bumaba na kami mula sa palapag na iyon at nang makarating sa ground floor ay tumungo agad kami sa labas kung saan isang itim na van ang naghihintay sa amin. And as usual ay halos isang metro din ang layo nila sa aming apat habang naglalakad pasakay ng van.

Umandar na agad ito nang masugurong maayos nang nakasakay ang lahat. Ilang oras lang ang lumipas ay agad din kaming nakarating sa airport at sa pagbaba naman ay kami nila Steph, Lia at Jerra ang naunang lumabas ng van bago ang buong BANGTAN.

Pumasok na kami kaagad sa airport nang makababa na ng maayos ang lahat. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating sa isang private jet at agad na sumakay dito. Nang nasa loob na ay isinaayos namin ang mga maleta namin sa dapat nitong kalagyan.

Umupo na kaming lahat at nag-seatbelt hanggang sa tuluyan nang umangat ang eroplano ng napakataas sa alapaap. At kagaya rin nang papunta kami rito ay pinakiusapan muli ni Namjoon ang ibang mga crew na kasama namin na sa likod na bahagi ng jet maupo.

Nagtaka ang mga reaksyon nito pero kalaunan ay nagsitayo rin sa mga pwesto nila at tumungo na nga sa likurang parte ng jet. At nang wala na ang lahat ng mga staff at cabin crew sa paligid ay nagsimula na kaming magpalitan ng upuan.

"Thanks hyung." Jimin said; kissing his palm and transferring it to Namjoon's cheeks.

"Yah! I don't like this stuff, Jiminie." Namjoon stated while wiping his cheeks with a bit of disgust.

Natawa na lang si Jimin nang sabihin iyon ni Namjoon bago umupo sa tabi ko. Napabuntong-hininga na lang si Namjoon nang mga oras na iyon habang marahang umiiling habang pabalik sa kinuupuan niya. Since nasa tabi ako ng bintana sa mga pagkakataong iyon ay naisipan kong tumingin sa tanawin sa baba.

At mula roon ay tanaw ko pa rin ang napakasibilisado at maunlad na syudad ng New York sa ibaba. Napangiti na lang ako habang nakatingin sa mga ito.

Until next time, New York. Until next time, America.

Patuloy akong tumingin sa labas ng bintana hanggang sa makita kong puro dagat na ang nasa ilalim namin. Isinara ko na ang bintana matapos nun at muling sumandal sa kinauupuan ko.

"We'll have a really long flight. So it's better if we sleep for now." Jimin stated.

Niyakap ni Jimin ang braso ko at isinandal ulo sa balikat ko matapos niya iyong sabihin. Amoy na amoy ko nang mga sandaling iyon ang halimuyak ng buhok niya na si di ko malamang dahilan ay tila nagbigat sa mga talukap ng mata ko. Kakagising ko lang pero mukhang dinadalaw na naman ako ng antok.

Kaya naman wala na akong nagawa kundi ang isandal na rin ang ulo ko sa kanya. Nag-dim ang ilaw sa loob ng jet kahit na umaga nang mga oras na 'yon kaya naging dahilan ito nang tuluyan kong pagtulog.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Angel! Jimin!" Rinig kong tawag sa pangalan naming dalawa dahilan para maalimpungatan at magising ako. Nang idilat ko ang mga mata ko ay napansin kong nakatayo na si Seokjin sa harapan namin habang nasa likod niya naman sina Jerra, Steph, Tae, Lia, Jungkook, Yoongi, Namjoon at Hoseok.

"What is hyung?" Jimin spoke with his half-eye closed.

"We're here." Seokjin said.

"Huh?" Jimin was a bit confused.

Binuksan ko naman ang tabing ng bintana nang mga oras na iyon at doon ko nakita ang mga hangul characters na nakasulat sa mga signages ng airport. Nasa Korea na nga kami at gabi na nang makarating kami dito.

"Is this really, Korea?" Jimin asked.

"What? Do you want it to be Japan?" Seokjin kiddingly said.

"We tried waking the both of you, hours ago if you want to have some food but you won't wake up." Namjoon explained.

"Now get up there and get your baggages." Seokjin told.

Wala naman na kaming naisagot ni Jimin nang sabihin iyon ni Jin. Napahikab na lang ako habang unti-unting tumayo at inaayos ang sarili. Ibinaba ni Jimin ang gamit naming dalawa at ibinigay niya sa akin ang maleta ko.

Nagsuot kami ng mga black cloth mask habang nasa loob at matapos nito ay bumaba na nga kami mula ng jet in which of course nasa unahan muli ang BANGTAN habang nasa likod naman kaming apat na nakasunod.

At nang makapasok na kami sa mismong airport ay napakaraming camera agad ang nakatapat sa kanilang pito kagaya ng dati. Parang mga Christmas light na kumukuti-kutitap ang mga flash ng camera sa paligid nila. Sinusundan sila ng paparazzi hanggang sa makasakay silang pito sa loob ng van.

Nagtanggalan na sila ng mga suot na mask nang makapasok sa loob ng van at nang maayos na kaming lahat na nakaupo sa loob nito ay umusad na ito at umalis. Ilang oras din ang byahe namin mula Incheon patungong Seoul kaya sinubukan ko muling matulog pero parang naubusan na ako ng antok kaya naman gising ako buong byahe habang silang lahat naman ang tulog.

Maya-maya ay naramdaman kong may humawak sa kamay ko dahilan para mapalingon ako sa gilid na kung saan nakita kong gising din pala si Jimin at nakatingin ito sa kabilang bintana. Sinubukan kong kalasin ang pagkakahawak ng kamay namin pero mas humigpit ang hawak niya rito at agad na itinuon ang atensyon niya sa akin; giving me that seductive look while shaking his head a little bit.

Wala naman na akong nagawa kundi ang mapangiti na lang sa ginawa niya kasabay ng paglilihis ng atensyon ko patungo muli sa bintana.

Kinalaunan ay namalayan ko na lang na malapit na pala kami sa dorm nang makita ko na pumasok kami sa isang arko na kung saan nakalagay ang mga katagang..

Hannam The Hill

Saglit ang makalipas ay tuluyan nan gang huminto ang sinasakyan naming van sa tapat ng mismong dorm kaya naman nagsibabaan na kaming lahat. Inaatok ang karamihan sa kanila kaya naman ng buksan ni Namjoon ang pinaka-pinto ay agad silang dumiretso paakyat sa mga kwarto nila.

"Good night everyone." Inaantok na wika ni Hoseok habang papaakyat sa taas.

Aakyat na rin sana kami ni Jimin nang mga sandaling iyon pero bigla nagprotesta ang tyan naming dalawa.

"You wanna have dinner, first?" Jimin asked and I slightly nodded.

Dinala ako ni Jimin sa kusina matapos niyang sabihin ang mga salitang iyon. Kumuha siya ng isang kitchen stool at iniligay iyon sa isang tabi pagkatapos ay doon niya ako pinaupo.

"Anong gagawin mo?" Tanong ko sa kanya.

"I saw that you like the sweet and sour pork that we had last time. So I'm gonna make one for us." Jimin uttered with a smile.

"I think mas maganda kung magpa-order na lang tayo." Sambit ko sa kanya.

"Trust me. A single taste of this will send you back to New York." Jimin proudly said.

"Have you forgotten that I'm still an ARMY? So napapanood kitang magluto during your RUN BTS episodes. And you're really not a good cook." Wika ko sa kanya.

"Yah. Are you belittling my skills?" He stated with one eyebrow raised.

"I don't need to, you're already little to be belittled." Pabirong sagot ko sa kanya pero imbis na maasar ay nagulat ako nang bigla niya na naman akong mabilis na halikan sa labi.

"JIMIN!" Gulat na wika ko.

"Don't dare talk to back to me like that again or the next one will be a bite." Jimin threatened.

"Pero—" Napahinto ako sa pagsasalita nang tapunan niya ako ng isang matalim na titig kaya naman wala na akong nagawa kundi ang tahimik siyang panoorin habang nakaupo.

Kumuha siya ng mga ingredients sa fridge at sinimulan 'yong ihanda. Matapos nun ay nagsimula na nga siyang magluto. Maya-maya sa kalagitnaan ng paghihintay ay naamoy ko na ang bango ng niluluto niya pero sa mga oras na iyon ay nag-aalala pa rin ako dahil baka hindi tanggapin ng dila ko ang ihahain niya.

But still hinayaan ko na lang siyang gawin ang gusto niya hanggang sa makalipas ang ilang minuto ay natapos din siyang magluto at inilagay ito sa isang malinis na mangkok.

"Voila! Sweet and Sour Pork ala Jimin." Jimin presented.

He handed over a pair of chopsticks to me. "Here, try it." He said.

Kinuha ko naman ang ito sa kamay niya at sinimulan kumuha ng isang pirasong karne mula mangkok. Napalunok na lang ako bago ko iyon ilagay sa bunganga ko pero nang lasahan at nguyain ko na ito ay talaga ngang Sweet and Sour Pork ang kinakain ko.

I mean, this really a decent Sweet and Sour Pork. This is really delicious.

Napatingin ako kay Jimin habang nginunguya ang pagkain na niluto niya nang mga oras na iyon at nakita kong naka-ngisi siya sa akin with that I-TOLD-YA face.

"Okay. Okay. You really nailed this dish." Puri ko sa kanya dahilan para lumawak ang ngiti niya.

"Pero, paano—"

"How did I learn it? Well.. everything can be learned through internet plus I got tips from Seokjin-hyung." Jimin explained.

"I'll get us some bowls of rice." He added and quickly dashed away.

Inilipat ko na ang mangkok na may lamang ulam sa lamesa at maya-maya ay sumunod na rin naman si Jimin sa akin dala ang dalawang mangkok na kanin naman ang laman. Inilapag niya na ang mga iyon sa lamesa kasabay ng dalawang baso ng tubig at pitchel saka kami nagsimulang kumain.

Ilang oras ang nagdaan at halos napakabilis na naubos ang niluto niya dahil pareho namin 'yong nilantakan. Hindi kami nakatayo pagkatapos naming kumain dahil sa sobrang kabusugan kaya naman nagpababa muna kami ng kinain ng ilang minuto.

Matapos nito ay napagpasyahan naming ilagay na sa lababo ang mga pinagkainan naming dalawa at umakyat na rin sa itaas. Si Jimin ang nagpatay ng lahat ng ilaw bago kami umakyat at inihatid niya muna ako sa kwarto namin nila Jerra bago siya pumunta sa sarili niyang kwarto.

Nakita kong tulog na sina Jerra, Lia at Steph nang makapasok ako sa loob ng kwarto kaya naman naisipan kong magpalit na muna ng mas komportableng damit at maghilamos. Pagkatapos nito at nang maayos na ang lahat ay tumabi na rin ako sa kanila. Iniayos ko ang sarili ko sa kama at maya-maya ay muli akong dinalaw ng antok dahilan para bumagsak ang dalawang talukap ng mga mata ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ako ang naunang bumangon mula sa kama, kinabukasan. Halos 7 o'clock pa lang naman ng umaga pero nagpagdesisyunan kong lumabas na ng kwarto at magtimpla ng kape. Nang makarating na ako sa ibaba ay nakita kong wala pang nandoon, nakapatay ang ilaw at tanging ang liwanag lang na galing sa labas ang nagpapaliwanag dito.

Tumungo na ako sa kusina makalipas ang ilang saglit at nang maitimpla ko na ang kape ko ay naupo ako sa couch saka binuksan ang TV na nasa low volume lang. And of course morning news ang bumungad sa akin nang magbukas ito, puro hangul ang nakasulat sa screen pero naiintindihan ko naman ang sinasabi ng reporter.

Maya-maya pa ay narinig ko nang may mga pintuang nagsisibukas sa itaas hanggang sa makita kong pababa na hagdan sina Seokjin at Jimin. Nakasuot pajama at cotton sleeves na pantulog si Jin habang T-shirt at boxers naman ang suot ni Jimin. Medyo gulo-gulo ang buhok nilang dalawa at halatang inaantok pa.

Nang makarating sila sa ibaba ay dumiretso sa kusina si Jin habang sa living room naman tumungo si Jimin. Umupo siya sa tabi ko at isinandal ang ulo habang nakayakap.

"Did you sleep well?" Jimin uttered with his eyes closed.

"Mm." Sagot ko naman habang bahagyang tumatango.

"That's good to hear." He smiled while his eyes are still closed.

"Jimin-ssi, if you're still sleepy go back to your bed. Don't make her your pillow." Seokjin said while doing something in the kitchen.

Jimin's eyes opened. "I'm not sleepy." He said and buried his head in my shoulder once more.

Napangiti na lang ako kay Jimin nang gawin niya iyon at matapos nito ay ibinalik ko na lang muli ang mga mata ko sa panonood ng TV.

Kalaunan ay isa-isa na nga silang nagising at nagsibabaan. Naamoy ko na rin ang mga niluluto ni Jin sa kusina kaya naman nagsisimula nang magising at magprotesta ang sikmura dahil sa nakakagutom na halimuyak nito.

Matapos ng ilang saglit ay nasa baba na nga silang lahat kaya naman tumungo na kami sa dining table. Ginising ko na si Jimin na natutulog na nga talaga sa balikat ko at sabay kaming pumunta lamesa para sabay-sabay na mag-almusal ang lahat.

Bagong gising ang karamihan sa kanila ngayon kaya ni-isa ay walang nagsasalita at parang magkakagalit kaming kumakain nang mga oras na iyon. Maya-maya ay saka na lang nabasag ang katahimikan nang magsalita si Namjoon.

"Guys." He called.

"Our dorm is really dusty and dirty, it needs some cleaning." He added.

"Then call a cleaning lady." Hoseok uttered.

"That's the problem, I contacted the cleaning service that we always had for our dorm and they said that there's none available. And also, we can not let someone go in here, because they might saw them." Namjoon stated and looked towards us.

"So what now?" Hoseok asked.

"'Guess we have no choice but to do it ourselves." Namjoon said.

"We're willing to help." Nakangiti ko namang sambit dahilan para mapatingin sa akin sina Jerra, Steph at Lia matapos nun ay kay Namjoon naman sila tumingin at bahagyang tumango.

"That's great. Let's just wait for a couple of minutes until the food we ate, settle down." Namjoon stated.

Lumipas ang ilang minuto ay napagpasyahan na naming magsimula kaya naman tumayo na kaming lahat mula sa kinapwepwestuhan namin.

"Just a sec! Wait. I have an idea." Namjoon suddenly spoke that made us halted in our tracks.

Napaupo na lang kami ulit habang nagtataka nang mga sandaling sabihin iyon ni Namjoon. Hinintay namin siiya at maya-maya ay bumalik din naman ito dala ang isang fishbowl na may lamang mga papel.

"Where did that fishbowl came from?" Seokjin puzzled.

"Why did you get that fishbowl?" Hoseok perplexed.

"When did we had that fishbowl?" Jimin questioned.

"What is that fishbowl doing here?" Yoongi asked.

"We have a fishbowl?" Jungkook was confused.

"Aish~ I just saw it at the stock room and I don't know where it came from so stop asking me questions! Everyone! Please! Let me explain! Okay?" Namjoon uttered with a bit of irritation.

Natahimik naman silang lahat matapos nun at saka muling nagsalita si Namjoon.

"We will first determine our groups before we really start." Namjoon stated.

"Huh? Are we playing a game? I thought we're going to clean?" Tae innocently asked.

"Ugh. Just do it, will you?" Namjoon said as if he's done with everyone.

Wala naman nang nagawa si Tae nang sabihin iyon ni Namjoon at kumuha na lang siya ng isa sa mga nakatuping papel sa fishbowl. Ganun din naman ang ginawa naming lahat at nang ubos na ang lahat ng laman nito ay pinabuksan na ito ni Namjoon, sa aming lahat.

"Alright. So the ones that got the same number, please stick together and therefore we can determine the groups we had." Namjoon said.

Nagsitayuan naman kaming lahat mula ng sabihin niya iyon. Nagpalit-palit kami ng upuan at nang makaupo na ang lahat ay nabigla kaming dalawa ni Jimin nang pareho ang number naming dalawa.

4

"Okay. So the first group will be me, Hoseok and Yoongi-hyung. The second group will be Seokjin-hyung, Steph and Jerra. The third one will be Lia, Taehyungie and Jungkook. And the last and fourth group will be Angel and Jimin." Namjoon announced.

"Yah. You really must be destined. You both picked the same number and you're the only ones in your group." Seokjin stated.

Napangiti na lang si Jimin samantalang ako naman ay napayuko nang sabihin iyon ni Jin. Hindi ko man nakikita ang mukha ko ngayon pero ramdam kong namumula na naman ang pisngi ko.

"Dalawa lang sila? I mean, Angel and Jimin?" Tanong naman ni Jerra na sinagot ni Namjoon ng marahang pagtango. Dahil doon ay bahagyang nanghinayang si Jerra at napatingin ito kay Yoongi.

"It's alright honeypuff." Yoongi told her with a smile.

"Yoongi-hyung, why is it honeypuff?" Namjoon uttered.

"What? Do you have a problem with that?" Yoongi asked.

"No. Nothing.." Namjoon simply replied; sighing quietly under his breathe.

"So, what we'll we do with these groups?" Seokjin said.

"Wait. I'll go get something." Namjoon responded.

Ilang minuto muling nawala si Namjoon, dala nito sa pag-alis niya ang fishbowl na walang laman. Saglit ang makalipas at bumalik din siya. Nakita naming may mga laman muli na papel ang fishbowl pero wala ni-isa sa amin ang nagsalita at hinintay na lang namin siyang ipaliwanag ang mga ito.

"Alright. Here's another set. I've written four tasks to each of the four folded papers inside this fishbowl. It will determine what task will be assigned to each group." Namjoon uttered.

"Do we really have to do this? Why don't we just clean the dorm right away." Yoongi asked.

"I'm doing this to be fair and square. Will you obey me if I told your group to clean the whole dorm? You won't? Will you?" Namjoon answered.

"Now pick one for your groups." He added.

Isa-isa nan gang bumunot ang bawat representative ng grupo at nang makuha na ng lahat ang kanila ay ipinabukas na sa amin ito ni Namjoon.

"YEAH!" Jungkook yelled while raising both of his fist in the air and Tae rejoiced; hugging Lia beside him as if they won the lottery.

"What did you got?" Namjoon asked.

"Laundry." Jungkook replied.

"That's too easy. They just have to put all the clothes in the machine and it will do all the job. While our group have to deal with the whole kitchen and the dishes. This is too unfortunate." Seokjin complained.

"You call that unfortunate? Then give that task to us and go clean all the rooms upstairs." Yoongi protested.

"What? That's the task you picked?" Namjoon surprisingly said.

"Why are you so shocked? You're the one who wrote this." Yoongi fired at him.

"Now we'll gonna clean, Jimin's sheets. Ugh! This is you fault, Namjoon." Hoseok blamed.

"Hoseok-hyung! What's wrong with my sheets? Huh?" Jimin asked him while raising an eyebrow.

"Do I really need to elaborate that? You know very well what stuff are on those sheets." Hoseok responded.

Napalunok naman ako nang marinig kong sabihin iyon ni Hoseok dahil biglang dumaan sa isip ko ang isang alaalang dapat ng ibaon pero hindi ko malimut-limutan.

"He's always working hard for it everynight and now he's acting like he doesn't know anything." Hoseok murmured while looking at Jimin.

"Hyung!" Jimin yelled at him.

"What!? What do you want!?" Hoseok retaliated.

Napayuko na lang si Jimin nang mangyari 'yon at dahan-dahan na napatingin sa akin. Nakita ko ang mga pisngi niya ng mga oras na 'yon na namumula dahil sa hiya.

"How 'bout you?" Namjoon asked.

"WHAT!?"

Magkasabay na wika namin ni Jimin na gulat na gulat habang nakatingin sa kanya. Nabigla naman si Namjoon sa nagging reaksyon naming dalawa at napatingin ito sa buong paligid. Nakita niyang nasa aming tatlo ang atensyon ng lahat kaya naman medyo nahiya ito bago tumingin muli sa amin ni Jimin.

"N-No need to yell. I'm just asking.. what task you got." Namjoon shyly uttered

"Sorry." Mahina kong sambit sabay bahagyang napayuko.

"We're cleaning the whole living room and the backyard." Jimin spoke.

"You got the widest area to clean? Perhaps, we're not that unfortunate today." Yoongi said.

"Aigoo~ So.. Destiny must have a consequence." Jin stated.

At nang sandaling sabihin iyon ni Seokjin ay tila may kakaiba akong naramdaman. Para akong kinilabutan na hindi ko maintindihan nang marinig ko ang mga salitang 'yon dahilan para mapatingin ako sa kanya. Na kung saan nakita kong hindi lang pala ako ang tila nakaramdam noon kundi kaming lahat dahil mukhang natigilan din sila at napatingin kay Seokjin.

"What's with those stare, guys. Stop it. Y'all being creepy." Jin said while looking at us.

"What was that?" Yoongi curiosly asked.

"What was 'what'?" Seokjin asked him back.

"You felt it too? Didn't you?" Hoseok asked him and Yoongi replied with a short nod.

"Mukhang naramdaman na'tin lahat. That's really unusual." Sambit naman ni Steph.

"I'm starting to be out of place here. What did all of you felt?" Seokjin uttered.

"Well, it's another weird experience right there." Namjoon spoke while staring into thin air.

"What do I suppose to feel! Guys! Tell me!" Seokjin pleaded.

"Never mind it, hyung. Let's just get to work." Namjoon told.

Mahinang napabuntong-hininga si Seokjin nang sabihin iyon ni Namjoon. Matapos ng pangyayaring 'yon ay nagtayuan na nga kami sa mga kinauupuan namin at pumunta na sa kanya-kanyang mga dapat linisin.

Umakyat na sina Jungkook, Tae at Lia para kumuha ng mga maruruming damit kasabay sina Hoseok, Yoongi at Namjoon dahil sisimulan naman nila ang paglilinis sa bawat kwarto doon.

Sina Steph, Seokjin at Jerra naman ay inumpisahan nang hugasan ang mga plato. Habang kaming dalawa ni Jimin ay pumunta sa stock room ng dorm nila para kunin ang mga walis, feather duster, vacuum cleaner at iba pang mga kagamitan pang-linis. Nang makuha na namin ang mga iyon ay dumiretso na agad kami sa living room.

Ako ang nagpupunas ng mga furnitures habang si Jimin naman ang nag-vavacuum ng carpet. Maya-maya ay nakita naming pababa na sina Jungkook, Tae at Lia dala ang mga kanya-kanyang laundry bag na laman ang mga damit naming lahat.

"Let's get it!" Jungkook gladly exclaimed while walking with Lia and Tae to do the laundry.

"Taehyung-ie! Jungkook-ssi! Be careful!" Jimin reminded; not giving them a glance and still focused in vacuuming the carpet.

"We will." Tae responded before closing the door.

Nag-ngitian naman kami ni Lia bago siya lumabas at matapos nun ay nagpatuloy na muli ako sa pagpupunas ng mga maalikabok na furniture. Ilang oras ang makalipas ay natapos din naming malinisan ang buong living room kaya naman napagpasyahan namin ni Jimin na lumabas na ng bakuran at doon naman maglinis.

Pagkarating naming dalawa sa likurang bahagi ng dorm ay tumambad sa amin ang napakaraming patay na dahon na nakakalat sa buong paligid.

"It's autumn season, what do we expect." Jimin said while looking at the lawn.

"Just sit down here, I'll do this." He added.

Agad na naglakad paalis si Jimin at tumungo sa tapat ng isang puno para kunin ang kalaykay. Pero taliwas sa sinabi niya kanina ay sumunod ako sa kanya at kinuha mo rin ng isa pang kalaykay para tulungan siyang alisin ang mga patay na damo sa paligid.

"Yah. Didn't I told you to stay ther—"

"I'm not your typical princess who's fragile and weak. Kaya ko 'to." Putol ko sa dapat na sasabihin niya sabay kindat.

"But you're my princess." Jimin said with a teasing smile.

Dahil doon ay napabuntong-hininga na lang ako ng mahina habang umiiling. "You're really too cheesy." Usal ko sa kanya sabay lakad paalis pero mas lumawak lang lalo ang ngiti niya.

Sinimulan na namin ang trabaho pagkatapos nun. Bahagyang malamig sa labas (well of course this is Korea) kaya naman naka-jacket ako habang nakasweater naman si Jimin. Pero kahit na ganon ay tagaktak pa rin ang pawis ko habang nangangalaykay.

Sa kalagitnaan ng trabaho naming dalawa ay bigla nalang dumapo ang paningin ko kay Jimin sa di malamang dahilan. Nang mapadpad ang mga mata ko sa kanya ay nakita kong abalang-abala din ito sa pagkalaykay ng mga patay na dahon at itinutumpok ang mga iyon sa iisang lugar. At dahil medyo mataas na ang sikat ng araw ng mga oras na iyon ay kitang-kita ko ang pawis na dumudulas sa kanyang pisngi.

Kumikintab ang bawat butil ng pawis na dumadaan sa leeg niya sa tuwing nasisinagan ito ng araw. Nang mga sandaling iyon ay patuloy pa rin ako sa pagkalaykay pero imbis na nasa mga dahon ang atensyon ko ay nasa kanya ang kinatutumbukan ng dalawang mata ko.

Unti-unting bumagbagal ang paligid ng mga pagkakataong iyon hanggang sa makita kong dahan-dahan niyang inililihis ang mukha niya sa akin. Nanlaki ang mga mata niya nang magtama ang mga paningin namin at para bang binibigyan niya ako ng babala habang tinuturo ang isang bagay pero wala ako sa hwisyo habang nagsasalita siya.

Naramdaman ko na lang ang pagbangga ng paa ko sa isang matigas na bagay at saka lang nagising ang ulirat ko nang pumlakda na ako malamig na lupa.

Napakaharot kasi, Angel e.

"Aray.." Sambit ko kasabay ng paghawak sa tuhod kong may nagdudugong gasgas. Nakita ko namang binitawan ni Jimin ang hawak niyang kalaykay at patakbong tumungo sa akin. Tinulungan niya akong makatayo at inalalayan papunta sa isang upuan.

"San ba nanggaling 'yong batong 'yun." Wika ko habang hinihimas ang paligid ng mahapding gasgas sa tuhod ko.

"Stay here." Jimin uttered then quickly left.

Tumango na lang ako sa kanya nang sabihin niya iyon. Makalipas ng ilang sandali ay muli siya bumalik dala ang isang medical kit. Naghatak siya ng upuan at ipinwesto 'yon malapit sa akin. Iniligay niya ang kit sa lapag at binuksan ito. Kinuha niya ang bulak at betadine bago inumpisahan linisin ang sugat ko.

"I shouldn't wore ripped jeans." Usal ko pero nanatiling tahimik si Jimin habang patuloy nitong dinadampi sa sugat ko ang bulak na may gamot. Medyo pumipitik ang hapdi sa sugat ko sa tuwing idinidikit niya ang bulak kaya naman sa bawat pag-aray ko ay napapatingin siya sa akin.

Maya-maya nang tuluyan nang malinis ang sugat ko ay saglit itong hinipan ni Jimin bago takpan ng gasa.

"My mom always did that to me, everytime I had a wound." He said while fixing the gauze in my wound.

"Thank you." Nakangiti kong wika sa kanya pero nang magtama ang dalawang mata namin ay nabigla ako nang pitikin niya ako sa noo.

"Aray. Para saan naman 'yon?" Tanong ko habang hinihimas ang noo.

"I told you a while ago to just sit here, but you won't listen." Jimin scolded.

"I'm not your typical princess who's fragile and weak. MY FOOT!" He added; mimicking my words a while ago and saying it in a teasing tone.

Gusto ko sanang sumabat nang sandaling iyon pero.. hindi ko naman masabing dahil natulala ako sa pagtitig sa kanya kaya ako nadapa. Dahil alam kong mas lalo lang siyang mang-aasar.

"Where are you lookin' at a while—Hey. You're staring at me, aren't you?" He said with a smirk.

Okay. Ayan na siya.

"H-Hindi." Nauutal kong tugon sabay lihis ng tingin.

"Then why are you turning red?" Jimin asked with a wider smirk.

"Ganito ako pag.. pag malamig." Palusot ko sa kanya habang hindi pa rin makatingin ng diretso.

"If Pinocchio's nose becomes longer everytime he lies. And so as your face always turning red whenever you're heart flatters." Jimin said.

"Flatter? Who's flattered? No one's flattered here. Tumigil ka na dyan at maglinis na lang tay—Argh." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang biglang kumirot ang sugat na nasa tuhod ko dahilan para muli akong mapa-upo.

"You have no choice but to let me do the work and stay seated there, oh not-so-typical-princess-who's-fragile-and-weak." Jimin said; giving me that same wink I gave him a while ago.

"You can watch me here without getting another wound." He teased once more.

Sinamaan ko na lang siya ng tingin ng sabihin niya iyon sa akin pero napangiti lang siya sa ginawa ko. Tumayo na siya mula sa harap ko at bumalik sa pagkalaykay ng mga patay na dahon. Wala na akong ibang nagawa nang mga oras na iyon kundi ang hayaan siyang tapusin mag-isa ang buong trabaho.

Kinalaunan ay natapos din niyang ilagay ang lahat ng mga patay na dahon sa isang malaking drum kaya naman luminis at umaliwalas na ang buong paligid. Tumakbo siya papunta sa akin ng nakangiti at kita kong pawis na pawis na naman ito.

"Can you wipe my sweat for me with that towel over there." Jimin uttered.

Lumingon naman ako sa kung saan niya nakatingin at nakita kong may tuwalya nga na nakalagay sa upuan pagkatapos nun ay muli kong ibinalik ang tingin ko sa kanya.

"You have your hands." Medyo inis ko pang sambit dahil sa pang-aasar niya sa akin kanina. Pero ipinakita niya sa akin ang dalawa niyang kamay at madumi ang mga ito.

"I have done all the work. So this is your only way to compensate me." Jimin said.

"Fine. Oo na sige na! Come closer." Usal ko sabay kuha ng towel mula sa upuan.

Iniusog naman ni Jimin ang upuan malapit sa akin at doon siya umupo.Pinunasan ko ng towel ang buong mukha niya pati ang buhok dahil para siyang naligo sa pawis nang mga oras na iyon. Sinama ko na rin sa pagpunas pati ang likod niya and during that moment I feel so like his Mom.

Hayst.

Iniwan ko na lang sa likod niya ang towel nang mapunasana ko ito kaya ngayon mukha siyang 7 years old na kakauwi lang ng bahay at galing sa playground. Saglit kaming naupo doon para makapagpahinga si Jimin hanggang sa makita naming lumabas mula sa backdoor si Seokjin at inaya kaming kumain.

Hindi naman kami tumanggi at agad nang tumayo mula sa kinaroroonan namin. Inalalayan ako ni Jimin na maglakad at dahil nga marumi ang kamay niya ay sa braso niya ako humawak. Pagpasok namin sa loob at pagkarating sa dinning area ay nandoon na rin pala silang lahat na kumakain ng mga sandwiches at juice na nasa lamesa. Mukhang tapos na rin ang mga ito sa mga gawain nila.

Ipinwesto ako ni Jimin sa isang upuan sa tapat ng lamesa katabi nila Lia, Tae at Hoseok habang nasa harap ko naman sina Seokjin, Yoongi, Namjoon at Jungkook. Iniwan ako ni Jimin saglit at sinabing maghuhugas lang muna siya ng kamay pagkatapos ay bumalik din naman siya saka umupo sa tabi ko.

"Angel, anong nangyari sa'yo bakit may sugat ka?" Bungad na tanong sa akin ni Lia nang makita niya ang gasa sa tuhod ko.

"Ah.. wala. Nadapa lang ako kanina habang naglilinis sa likod.." Wika ko naman.

"..because she's staring at me and not watching her steps. I guess he can't resist my charm, that much." Jimin added.

Nakita kong bahagyang natawa ang reaksyon nilang lahat nang sabihin iyon ni Jimin pati si Lia ay napapangiti din sa gilid ko nang mga oras na 'yon. Kaya naman tinapunan ko siya ng isang matalim na siya naman niyang ikinatawa.

"Tan-ah!" Tae suddenly called him; causing him to immediately running towards us, popping out of nowhere.

"Oh? Ngayon ko lang siya ulit nakita ah? Di'ba hindi siya kasama sa pagpunta na'tin sa America? So, sinong nag-alaga sa kanya?" Tanong ko kay Tae.

"I entrusted him to Manager Sejin. He took care of Yeontan while we're gone." Tae explained.

"We went to his house to fetch Tannie after we got out from the laundry shop." He added.

Marahan naman akong tumango matapos nun. Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan si Yeontan na nilalaro ni Tae at mukhang tuwang-tuwa ito dahil ngayon lang ulit sila nagkita nito.

"Anyways, asan ba sina Jerra at Steph." Tanong ko naman kay Lia nang mapansin ang pagkawala ng mga ito.

"Umalis sila mga upuan nila, minutes after you came." Sagot niya.

"The main dish is here!" Biglang sigaw ni Steph dahilan para mapukaw ang atensyon ng lahat. Nakita kong palabas si Jerra mula sa likod ni Seokjin habang sa likod naman ni Jimin nagmula si Steph at parehas nilang dala ang isang malaking transparent na Tupperware.

"Carbonara!"

"Carbonara!"

Magkasabay na wika nina Jerra at Steph dahilan para magkatinginan silang dalawa.'

"Guys, gusto niyo ng carbonara?"

"Guys, gusto niyo ng carbonara?"

Sabay nanaman nilang sabi sa ikalawang pagkakataon kaya naman mas lalong tumalim ang titigan nilang dalawa.

"Are you competing with me?" Wika ni Steph habang nakataas ang isang kilay.

"Are you threatened?" Sabat naman ni Jerra at mas tinaasan ang kilay.

"Bring it on." Usal ni Steph with that game-face of his.

Parehas nilang inilapag sa lamesa ang mga carbonara nila matapos nun.

"My carbonara has sauce, made with all purpose cream and freshly picked mushrooms from the high mountains of Baguio and Benguet. What about yours?" Pagmamalaki ni Jerra habang nakangisi.

"My carbonara has cow milk with anti-oxidants, anti-histamine, anti-inflammatory, antibiotic with glutathione and silymarin extract with ginkgo biloba e." Bwelta naman ni Steph sa kanya.

"But wait.. there's more." Dagdag ni Steph sabay palakpak kaya naman biglang napatayo si Jungkook at pumunta sa kusina. Pagbalik nito ay may dala na siyang mangkok at ibinigay iyon sa kay Steph.

"Chicken lollipops made with bouncy fresh spring chicken, deep fried in olive oil." Turan ni Steph sabay lapag ng mangkok na iyon sa lamesa.

"It's all that you had? Chicken lollipops? Like what the heck!? I've some dessert that I concocted." Banat naman sa kanya ni Jerra kasabay ng pag-alis ni Yoongi mula sa upuan niya at pagbalik nito ay may dala na rin siyang mangkok.

"CONCOCTED!?" Sigaw ni Steph nang may pang-aasar sa malalim na salita na binitawan ni Jerra.

"Oh Yes! It's coconut cream with glutinous rice balls and fresh riped jackfruit." Usal ni Jerra dahilan para lapitan siya ni Steph at tingnan kung anong laman ng mangkok.

"Etchosera! Ginataang bilo-bilo lang 'to 'no. Pinapakain pag Mahal na Araw sa Pabasa. Like ew! So jologs." Birada naman ni Steph sa kanya.

"How dare you." Wika naman ni Jerra habang nilalapag ang mangkok na may lamang bilo-bilo.

"How dare you!? Daring me like a dairy cream?" Patama muli ni Steph sa kanya.

"I'm not there, I'm here. Duh!?" Balik naman ni Jerra sa kanya.

"Woah! What a nice show. Now let's eat. I'm dying to taste those food that you made." Seokjin told.

Dahil doon ay umupo na sa mga bakanteng upuan sina Jerra at Steph pero nanatili pa rin ang tarayan nilang dalawa habang kumakain.

"This sweet porridge is really good." Yoongi praised; causing Jerra to smile at him, flicking his hair towards Steph.

"You made this chicken extra delicious. It's crispy in the outside and juicy in the inside." Jungkook uttered to Steph which made him raise his thumb; doing an approve sign and rolling his eyes to Jerra.

Pinagsaluhan na nga naming lahat ang mga pagkaing hinanda nina Jerra at Steph matapos nun. Masaya kaming nagkwentuhan at nagtawanan habang kumakain hanggang sa maubos namin ang lahat ng nakalagay sa lamesa. Since si Jerra, Steph at Seokjin pa rin nga ang naka-assign na maghugas ng mga plato ay sila na rin ang nagligpit ng mga pinagkainan namin ng mga oras na iyon.

Habang kami naman nina Jimin, Tae at Lia ay pumunta muna sa living room para pababain ang mga kinain namin at manood ng TV. Samantalang sina Hoseok, Namjoon at Yoongi naman ay nagpaalam na sa amin at umakyat sa mga sarili nilang kwarto dahil mga pagod na raw sila.

Pagkatapos ng ilang oras ay natapos na ring maglinis sina Seokjin, Jerra at Steph. Inakala kong tatabi sa amin nila Lia sina Jerra kasama ni Steph pero sabay silang tatlo nila Jin na umakyat na sa mga kwarto para magpahinga.

Pinagpatuloy na lang namin ang panonood ng TV nang makitang makaakyat silang tatlo. Halos ilang oras din kaming nakaupo doon at walang ginagawa kundi ang ituon lang ang atensyon sa screen hanggang sa di namin mamalayang nasa kalagitnaan na pala kami ng gabi kaya naman napagdesiyunan na naming apat na umakyat na rin sa itaas.

Pinatay ni Tae ang ilaw at saka ito sumunod sa aming tatlo paakyat. Maya-maya ay nakarating na nga kami sa mga kwarto namin. Hinatid ni Tae si Lia at ganun din naman sa akin si Jimin. Nang makapasok na si Lia sa loob ng kwarto namin ay siya namang pag-alis ni Tae.

"Does it still hurt?" Jimin asked; looking at my knee before shifting his eyes to my face.

"Okay naman na. Hindi naman na gaano." Sagot ko sa kanya kasabay ng isang ngiti.

"Very well." He stated; smiling back.

"May.. sasabihin ka pa?" Tanong ko sa kanya nang makita itong hindi pa rin umaalis papunta sa kwarto niya.

"Uhm.. We had a tough schedule tomorrow so I might not be able to see you when you wake up. And I think that would last for more than a week." Jimin said.

"It's okay." Sagot ko naman sa kanya.

"So.." He uttered as if there's a pending continuation.

"So?" Tanong ko.

"So.. since we'll not be able to see each other for a long while. I'm gonna greet you now." Jimin responded.

"Huh?" Nagtataka ko namang wika pero nginitian niya lang ako.

"Good morning." Jimin spoke; kissing my left cheek.

"Good afternoon." He added; and this time he kissed the right side of my cheek.

"Good night." He finished his word; ending it with a peck directly in the lips.

Halos nakatingin lang ako sa kanya ng gawin niya ang mga bagay na 'yon. Hindi ko maigalaw ang katawan ko at tila nabato na sa kinatatayuan ko.

"I'm advancing these stuffs, just incase. Now sleep tight and have sweet dreams." Jimin uttered in very romantic tone.

Wala nang salita ang lumabas sa bibig ko nang mga puntong iyon. Ngumiti na lang ako sa kanya bago isara ang pinto. Napahawak ako sa dalawang pisngi ko at ramdam na ramdam ko ang pag-init nito. Hindi ko maitatangging magpasa-hanggang ngayon ay may epekto pa rin sa akin sa tuwing ginagawa niya ang mga bagay na 'yon.

My God! Am I really in this level of being in loved with him?

I mean, we're in a relationship now. We have been through so many challenges in the past but still I am afraid of what's to come. I am afraid of what lies ahead.. of what will the future bring us.

It's a bit ridiculous to be scared of something that you don't know. But to be honest, isn't it more fearing to know that there's something in the vast unknown..

Something that is ready to pounce you any time..

Something that you can not see.

Matapos tumakbo ng mga bagay na iyon sa isipan ko ay siya namang pagdapo ng mga mata ko kanila Lia, Jerra at Steph, at nakita kong tulog na ang mga ito. Napangiti lang ako ng bahagya nang maisip na kung siguro ay gising pa sila, lalo na ang dalawang bruhang 'to ay malamang todo tanong na ngayon kung anong nangyari or kung anong iniisip ko.

Napa-iling na lang ako habang nakatingin sa kanila at pagkatapos ay nagsimula na akong magpalit ng mas maayos na damit. Matapos nun ay naghilamos ako at nang komportable na't lahat-lahat ay napagpasyahan ko ng tumabi sa kanila.

Ipinikit ko ang mga mata at maya-maya ay dumating na nga ang antok dahilan ng tuluyan kong pagkahimbing.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

7:17

Basa ko sa oras pagkabukas ko ng phone ko kinaumagahan. Bumangon na ako mula sa kama at nakita kong nakatayo na si Jerra habang pinupunasan ng towel ang mukha niya; tila kakatapos lang nitong maghilamos.

"Kanina ka pa gising?" Bungad na tanong ko nang may pagka-antok habang nag-uunat at humihikab.

"Yes? Obviously? Mukha ba kong tulog?" Pamimilosopong tugon niya.

"Haha. Ang funny mo naman. Pwede ka nang clown." Sarkastikong bwelta ko naman sa kanya kasabay ng pekeng ngiti.

Umirap na lang siya sa sinabi kong iyon.

"Saglit. Hintayin mo ko." Usal ko naman sa kanya dahilan para matigilan ito nang akma na siyang palabas ng kwarto.

"What!?" Usal niya sa akin.

"Maghihilamos lang ako, sabay na tayong bumaba." Sambit ko sa kanya.

"Fine. Whatever. Go!" Pataray na wika niya naman sa akin.

Dali-dali akong pumasok ng banyo matapos nun at maya-maya ay lumabas din ako nang maayos na ang itsura ko. Magkasabay kaming bumaba ni Jerra patungo ng living room. Umupo ako sa couch samantalang si Jerra naman ay agad na tumungo ng kusina pagkababa naming dalawa.

Binuksan ko ang TV para manood at ilang saglit lang ay muling bumalik si Jerra sa tabi ko. Parang may problemado ang mukha nito nang sandaling umupo siya sa tabi ko.

"Isn't it too early para bumusangot ka?" Wika ko sa kanya.

Mahina siyang bumuntong-hininga. "Gutom na gutom na ako at gusto ko ng mag-almusal. Pero may hinahanap yung dila ko na pagkain at hindi ko mahanap sa ref." Paliwanag niya.

"Ano ba 'yan girl. Naglilihi ka ba? Oh my God—" Wika ko sabay hawak sa magkabilang braso niya at iniharap siya sa akin. "Don't tell me, you did something kinky in America with Yoongi?" Pabirong pagtatanong ko sa kanya habang nanlalaki ang dalawa kong mga mata.

"Why did you do that Jerra!? Ikaw pa naman ang nagsabi sa'kin na wag kong isusuko ang lahat. Tapos.. Tapos.. Ganito!?" Exaggerated na pagdradrama ko habang niyuyugyog ang mga braso niya gamit ang mga kamay ko.

"Tsk. Can you stop that." Usal naman ni Jerra sabay tanggal sa kamay ko mula sa braso niya.

"We didn't do such thing." Sambit niya.

"Hindi pa.. sa ngayon." Dagdag nito sabay tawa nang may pagkaharot.

In which I gave her that cringe face as a reply pero tinarayan niya na lang ako ng ginawa ko iyon.

"Know what? Samahan mo na lang ako." Usal niya matapos ng ilang saglit.

"Huh? Saan?" Tanong ko.

"Pumunta tayo ng convenience store and let's see what we can buy there." Suhestyon ni Jerra.

"At saan ka naman kukuha ng pera?" Tanong ko sa kanya.

"Gosh! Ilang ulit ko nang sinabi sa inyo ni Steph na meron nga akong bank account and I can access it through a mobile app. Okay?" Tugon naman niya.

"Jerra! You're putting us in so much risk! You know too well na alam na halos ng buong Pilipinas na nawawala tayo doon. And by accessing on your bank account ay baka mamaya magamit 'yon ng mga pulis doon para matrack tayo dito. Alam mo naming hindi pwedeng malaman ng mga magulang na'tin na nandito tayo ngayon because it will cause them so much confusion kung paano tayo napunta dito." Mahabang singhal ko sa kanya.

"Girl, Listen. Matagal ko ng hawak ang bank account na 'to. I set this up when I was 18 years old. Hindi 'to connected sa account ni Mom or Dad o kahit sino pang kamag-anak naming. In short, ako at ako lang ang nakakaalam nito. Are you fine now?" Sagot niya naman.

"Pero hindi naman masamang mag-ingat di'ba? At tsaka kahit na hindi yan alam ng sino mang malapit sa pamilya niyo, pangalan mo pa rin ang nakalagay diyan. So mahahanap at mahahanap pa rin nila tayo." Usal ko sa kanya.

"I've already change my account name since that time na malaman natin kay Steph na kalat na ang issue. So you don't have to worry kaya naman tara na." Wika niya sabay hatak sa akin mula sa upuan.

Hindi na nga ako nakasagot pa sa kanya matapos nun. Nagsuot muna kami ng mga facemasks for extra safety and since alam ni Jerra ang passcode ng gate ng dorm ay kampante na kaming umalis mula roon. Pinuntahan namin ang pinakamalapit na convenience store sa labas ng village na kung saan merong ATM machine.

Nang makarating kami roon ay sa ATM muna dumiretso si Jerra para mag-withdraw ng pera. Of course tumingin muna kami sa kaliwa't kanan kung may tao bago niya gawin ang mga proseso para makakuha siya ng pera.

"5 million pesos?" Nabiglang wika ko nang makita sa screen ng ATM ang laman ng account niya.

"Shhh! Akala ko ba gusto mong mag-ingat. Ba't ka sumisigaw dyan?" Singhal sa akin ni Jerra.

"Nagulat lang ako na may ganun ka kalaking pera sa sarili mong account. I mean, saan mo nakuha 'yan?" Mahinang tanong ko sa kanya.

"May alam na ako sa mga kalakaran ng stock market nung 17 years old ako so kumita ako ng ganito kalaki. I guess I could say that I'm business minded noon palang." Wika ni Jerra.

Hindi talaga ako makapaniwala sa mga natutuklasan ko sa mga puntong iyon. Sa halos walong taon ng pagkakaibigan namin ng bruhang 'to ngayon ko lang nalaman ang tungkol sa bagay na 'to. Ni kahit kalian hindi niya nabanggit sa amin na may ganito siyang kalaking pera na galing sa sarili niyang sikap. Siguro kung hindi pa nangyari sa amin ang mga kakaibang pangyayaring 'to baka hanggang ngayon ay hindi ko pa rin 'to alam.

"I'm done. Let's go inside." Turan ni Jerra dahilan para sumunod ako sa kanya papasok ng store na iyon.

Paikot-ikot lang kaming dalawa sa loob habang ako naman ay nakasunod lang kay Jerra. Bumili siya ng mga gusto niyang pagkain at kumuha rin siya ng isang kahong banana milk dahil ayon sa kanya ay wala na raw ganon sa fridge. Inalok niya ako kung may gusto akong bilhin pero tumanggi ako at hinayaan na lang siyang maglibot. Maya-maya ay natapos din siya kaya naman dumiretso na kami ng counter at binayaran ang mga laman ng basket niya.

Pagkatapos nun ay agad na kaming naglakad pabalik sa dorm. Nagkwentuhan lang kaming dalawa habang nasa daan at kinakain ang mga triangle kimbap na mula sa mga pinamili ni Jerra. Nang makarating kami sa tapat ng dorm ay agad na pinindot ni Jerra ang passcode ng gate kaya ito nagbukas. Nauna siyang pumasok sa akin at akma na rin sana akong papasok sa loob nang may humatak sa kamay ko.

Lee Yu Ri

Siya na naman.

"Long time no see, social climber." Yuri greeted sarcastically.

"Let go of my hand or I'll call the village security." Babala ko sa kanya.

"Believe me. They won't come." She replied in eerie confidence.

"What do you want?" Tanong ko sa kanya.

"I think we should have a talk. " Yuri replied.

Agad kong hinila ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya matapos niyang sabihin iyon. Tumakbo ako sa loob ng bahay at tumungo kay Jerra.

"Saan ka galing. Bakit bigla kang nawala sa likura—"

"Can you put these inside for me. Lalabas lang ako saglit. Parang may naiwaglit ako sa daan. Hahanapin ko lang." Mabilis na pagputol ko sa dapat niya sasabihin.

"Samahan na kita." Sambit ni Jerra.

"No. It's okay. Kaya ko na 'to." Sabi ko sa kanya habang nakangiti sabay alis.

Tumakbo muli ako pero ngayon ay palabas naman ng bahay kung saan nakita kong nakatayo pa rin si Yuri. Hinawakan ko ang kamay niya at akma ko siyang dadalhin palayo sa tapat ng dorm pero pinigilan niya ako.

"What do you think you're doing?" Yuri immediately asked.

"Let's not have our conversation here." Usal ko naman sa kanya.

"No. I insist to do it here. Why? Are you embarrassed to do it?" Yuri teasingly smirked.

"Shut that mouth. You don't want your nose to bleed again. Do you?" Wika ko sa kanya dahilan para siya naman ang matigilan.

"Now, let's go." Dagdag sabay hawak sa kamay niya at patakbong umalis mula sa tapat ng dorm.

Tumakbo lang kami ng tumakbo hanggang sa makarating kami sa isang bahagi ng village na puro mga puno ang nakapaligid. Nang makita kong wala nang tao na pwedeng makakita sa amin ay tumigil na ako. Kinalas niya ang pagkakahawak ko sa kamay niya at itinuon ko naman ang atensyon ko sa kanya.

"No one can see us here. So tell, what is this all about?" Diretsahang tanong ko sa kanya.

"Woaw. Easy, sister. You're too fast. Don't you just want to talk about your trip to America, first? I heard you had a great time there." Wika niya kasabay ng isang nakakairitang ngiti.

"That's a private matter. How the hell did it got to you?" Tanong ko habang matalim na nakatitig sa kanya

"Honey, there's so many ways to access information. Even the most private ones. All you need to have is money and you can get everything you want." Sagot nito habang nakangisi.

"Stop this nonsense or—"

"Or what? You'll call the police?" Putol niya sa sasabihin ko habang bahagyang tumatawa.

Halos nagsisimula ng kumulo ang dugo ko sa kanya ng mga puntong iyon. Pero sinusubukan ko pa ring kalmahin ang sarili ko at pinipigilang lumapag ang palad ko sa pisngi niya.

"You can fool no one here." Sambit niya sabay kuha ng isang envelope sa bag niya at itinapon ito sa akin.

"I've investigated your origins. You don't have any records here in Korea. You're not even a citizen of this country. In other words, you came out of nowhere." Usal niya dahilan para matigilan ako sa pagkabigla.

"What? Are you surprised? Are you that shocked of what you heard, little girl?" Pang-aasar ni Yuri habang pinipisil ang pisngi ko.

"Get your hands off me." Turan ko sabay tapik ng kamay niya.

"Woaw. I wonder how much courage you gather just to do that." WIka niya sa akin.

"Cut the chase and answer my question. What do you want?!" Seryosong sambit ko sa kanya.

"Leave him." Maikli pero tuwirang sagot ni Yuri.

"Leave, Jimin. He doesn't deserve a girl who has suspicious motives. You don't deserve to be on his side." Dagdag pa niya dahilan para mapaangat ang kamay ko.

"Uh! That's assault, darling. I can send the police in just want click of my phone. Do you think they will take your side? You who's unknown.. You who doesn't even have an identity. Think again. " Usal niya dahilan para tumigil sa ere ang kamay ko.

"But if you want this to be over that quick. Then go on. Slap me. Land your palm to my face, as hard as you could." Dagdag niya kaya naman unti-unting bumaba ang kamay ko kahit na bumabaliktad na ang kalamnan ko sa sobrang pagkainis sa kanya.

"There. That's it. Very good. Know your place. Know that you can not stand against me. Accept the fact that you're just a desperate sasaeng who wants to be with his beloved prince charming." Sambit niyang muli para mapakuyom at bahagyang manginig ang dalawa kong kamay sa galit.

"I do not know who you are or where the fuck you came from. But I'm pretty sure that you're with him because you need him. You want to get something from him. And eventually after you obtain what you yearn for, you will leave him. Alone." Usal ni Lee Yu Ri na tila sumampal ng napakalakas sa mukha ko. Mga salitang iniiwasan ko. Mga salitang ayaw kong panatilihin sa isip ko. Mga salitang nagbalik sa akin sa realidad at katotohanan. Sa katotohanang darating ang panahong kailangan ko na siyang iwan.

"You can think of so many excuses and make yourself believe that it's love that makes you stay with him. But you can not deny it forever. Because it will come, that moment will surely come. So why would you wait for it and hurt someone in the process? When you can just leave and quietly disappear." Dagdag niya na muling bumaon sa isipan ko.

"Accept it. He does not belong to you and you do not belong to him. Leave. And all of this will be over. He will surely cope up with it until you slowly fade away from his mind." Muling niyang wika.

"Have a good day." Nakangiti niyang usal bago umalis sa harapan ko.

Kinalaunan, nang mawala na siya sa paningin ko ay napaupo ako sa bench na nasa isang tabi. Pinulot ko ang envelope na ibinato sa akin ni Yuri kanina at saglit na napatulala habang tinitingnan iyon. Maya-maya ay napagpasyahan kong punitin ito at hindi na nag-abala pang tingnan kung ano ang mga nilalaman nito.

Pinagpira-piraso ko ang envelope at mga papeles nan as loob nito hanggang sa tuluyan na itong magkahiwa-hiwalay saka koi to tinapon sa isang basurahan. Alam kong maaring meron pa siyang itinagong kopya nito pero hindi ko na iyon inalintana sa mga oras na iyon dahil mas tumatak sa akin ang mga itinuran niya kanina.

Sinimulan kong maglakad pauwi sa dorm habang patuloy pa ring iniisip ang mga sinabi niya. At sa di ko inaasahang sandali ay naramdaman kong may pumatak na luha sa mga mata ko. Pilit ko iyong pinapahid paalis pero patuloy pa rin ito sa pag-agos hanggang sa makarating na ako sa mismong tapat ng dorm. Pinindot ko ang doorbell at saka pinunasan ng maigi ang mata ko para hindi nila makitang galing ako sa pag-iyak.

"Nahanap mo na?" Nakangiti sambit sa akin ni Jerra na tinugon ko ng isa ring ngiti at marahang pagtango.

Pumasok na ako sa loob ng dorm kasabay ni Jerra matapos nun. Pilit kong tinatanggal mula sa mukha ko ang itsura ng pagkabalisa dahil ayaw kong pati sila ay mahawaan ng mga hindi magagandang emosyon na dinadanas ko ngayon. Bumungad sa akin sina Lia at Steph na nakaupo sa couch pagpasok ko sa loob.

Umupo ako sa tabi nilang dalawa at nakita kong may mga pagkain na nakalapag sa lamesa na nasa tapat ng couch kaya naman sumalo na ako. Kasalukuyan kaming apat na nanonood ng TV ng mga oras na iyon habang patuloy sa paglantak sa mga pagkaing nasa harap namin.

"By the way nasaan pala sila?" Tanong ni Steph kay Jerra.

"Sino?" Tanong ko.

"All of them." Matipid na wika ni Steph.

"Sila Yoongi?" Tanong naman sa kanya ni Jerra na tinanguan ni Steph.

"Hindi ko rin alam e. Pag gising naming dalawa ni Angel kanina mukhang umalis na sila." Tugon ni Jerra.

"Sinabi sa akin Jimin kagabi na magigising busy sila for a week." Wika ko naman.

"Huh? So, isang linggo rin silang wala dito?" Tanong ni Jerra at tumango naman ako.

"Hindi man lang nagsabi sa akin si Yoongi." Medyo inis niyang wika.

"Luh? Feeling asawa?" Asar sa kanya ni Steph.

"Shut up. Mind your own business." Bwelta niya kasabay ng isang irap.

"Angel." Tawag ni Lia sa akin kaya naman napatingin ako sa kanya.

"May.. problema ba? I noticed na medyo namumula yung mata pag pasok? Did something came up?" Tanong niya dahilan para saglit akong mapaisip. Sa kanilang tatlo si Lia talaga ang pinakanakakatunog everytime na may hindi magandang nangyayari sa'kin. I don't know if dahil yon sa sobra kaming close or it's just malakas lang ang instincts niya.

Pero sa pagkakataong ito wala akong balak na ipaalam sa kanila ang nangyari.

"W-Wala. Napuwing lang 'to kanina kaya nagkaganyan." Palusot ko sabay ngiti.

"It's probably because of hunger. Ang tagal mong nawala kanina at di ka pa nakakapag-almusal kaya naman kumain ka pa." Usal ni Jerra.

Ngumiti naman ako sa kanya sabay dampot ng French toast na nasa plato. Nanood lang kami ng TV pagkatapos ng usapan na iyon. At kagaya nga ng sinabi ni Jimin ay ilang araw naging ganon ang sistema namin sa loob ng dorm. Ilang araw din naming hindi sila nakita, dahil sa oras na tulog kami ay siya naming pagdating nila at bago pa man kami magising ay nakaalis na ulit sila mula dorm.

Lumipas ang mga araw na 'yon hanggang sa matapos ang isang linggo.

It's the 22nd of October at hatinggabi na rin ng mga oras na iyon. Tapos na kaming maghapunan nina Jerra, Steph at Lia kaya naman napagpasyahan naming umakyat na.

Pero nasa kalagitnaan pa lang kami ng hagdan nang biglang may marinig kaming mga nagdadatingan na kotse sa labas. Tila may kung anong nasa harapan ng dorm. Kaya naman muli kaming bumaba para tignan ito.

Ngunit taliwas sa pag-aakala naming apat ay hindi sila ang nakutuban naming dumating.

"Sigurado naman akong hindi sila magdadala ng mga sasakyang may red at blue na ilaw." Wika ni Steph kasabay ng unti-unting paglihis ng mga mata naming mula sa bintana patungo sa isa't isa.

"D-Dali, patayin niyo yung ilaw!" Pagmamadali ni Jerra at akma na sana nitong pipindutin ang switch pero agad na hinawakan ni Step hang kamay niya bago pa man niya magawa ito.

"Are you out of your mind? Edi mas lalong halata na may tao sa loob." Singhal ni Steph sa kanya.

"Then what now? We must do something!" Tarantang sambit ni Jerra.

"Itago niyo lahat ng kalat na'tin pati ang mga kama sa taas, ayusin niyo!" Mabilis na tugon ni Steph.

"Ha?" Nagtatakang turan ni Jerra.

"Basta gawin niyo na lang." Agad namang sagot ni Steph.

Kaya naman naghiwa-hiwalay kaming apat sa pag-aayos ng buong dorm. Sina Jerra at Steph ay umakyat sa kwarto namin habang kaming dalawa naman ni Lia ang nag-ayos sa living room at sa buong paligid nito. Pinulot namin at itinago ang lahat ng posibleng maging katunayan na merong mga taong nanatili dito sa loob. Matapos nun ay inabangan naming sina Jerra at Steph para sabay-sabay na kaming umalis pero nang akmang pababa na silang dalawa ay siya namang unti-unting pagbukas ng main door ng dorm.

Nanlaki ang mga mata namin ng mga sandaling iyon. Nagulat ako nang biglang hubarin ni Lia mula sa leeg ko ang wooden necklace.

"Pikit!" Nagmamadaling utos ni Lia na wala na akong nagawa kundi sundin.

Sa muling pagbukas ng mga mata ko ay napadpad kaming dalawa ni Lia sa mapunong bahagi ng village. Ibinigay niya sa akin ang necklace ko at agad ko naman iyon na isinuot.

"S-Si Steph at Jerra! Paano.. Paano sila?!" Nag-aalala kong sabi kay Lia pero wala itong maisagot sa akin.

"Lia.. balikan mo sila." Sambit ko.

"Ha!? Hindi kita pwedeng iwan dito." Sabi naman ni Lia.

"I can handle myself. Kaya sige na, balikan mo sila. Baka kung ano nang nangyari doon!" Balisa kong usal kay Lia.

"Please." Dagdag ko.

Napabuntong-hininga naman siya at napayuko bago muling tumingin sa akin.

"Stay here. Hintayin mo kami." Wika niya na sinuklian ko agad ng pagtango pagkatapos ay agad siyang naglaho mula sa harapan ko.

Wala akong ibang magawa ng mga oras na iyon kundi ang isipin sila at mag-alala. At sa mga punto din na iyon ay alam na alam ko na kung sino ang may kagagawan nito.

"Lee Yuri." Mahinang bulong ko sa hangin habang nag-iinit ang buong katawan ko dahil sa galit. Tinotoo niya ang sinabi niya nung huli kaming magkita. Mukhang patuloy niya kaming sinusubaybayan at nakita niyang hindi ko pa rin ginagawa ang gusto niyang mangyari.

Makalipas ang ilang oras ay hindi pa rin nakakabalik si Lia kaya naman mas lalo akong nangamba nang mga sandaling iyon. Maya-maya pa ay nabigla ako nang may marinig akong kaluskos sa paligid. Napatingin ako sa kaliwa't kanan at nakita kong wala namang kung sino sa napakadilim na lugar na iyon.

Kaya naman dahan-dahan akong naglakad mula sa kinaroroonan ko at tumungo sa likod ng isang malaking puno nang hindi gumagawa ng katiting na ingay. Nagtago ako sa likod ng puno na iyon habang pinagmamasdan at nagmamasid sa tabi-tabi.

"AHHH—" Putol na tili ko nang may maramdaman akong tao sa likuran ko na agad na nagtakip sa bibig ko.

"It's me. It's me, Angel." The man uttered and from his voice, I already knew that he was Jimin.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa kaba ng mga oras na iyon. Unti-unting tinanggal ni Jimin ang palad niya mula sa pagkakatakip nito sa bibig ko at kasabay non ang agad kong pagyakap sa kanya.

He caressed my hair. "Don't worry. I'm with you." He calmly said.

Naglakad kami paalis mula sa likod ng malaking puno matapos ang ilang minuto. Tumungo kami sa isang bench na nasa isang gilid at doon niya ako iniupo.

"The police are still in the front of our dorm and Namjoon-hyung is taking care of them." Jimin stated.

"S-Sila Jerra at Steph, how about them? Nasaan sila? Ligtas ba sila?" Sunod-sunod ko namang tanong.

"They're alright." Jimin said with a comforting smile.

"Uhm.. yung mga.. yung mga police? Did they saw them?" Pangamba ko muli.

"They didn't enter our dorm. The police left as soon as Namjoon-hyung had a little conversation with them." Jimin answered.

[Now Playing: The Truth Untold by BTS – Orchestral ver.]

Napabuntong-hininga ako nang sabihin iyon ni Jimin at napayuko pero hindi dahil gumaan ang loob ko sa mga narinig ko. Kundi dahil muling pumasok sa isip ko ang babaeng may kagagawan ng lahat ng ito, kasama ng mga salitang binitiwan niya sa akin. Sobrang dami na namang emosyon ang umiikot sa utak ko nang mga pagkakataong iyon.

Tila nag-uumapaw na ito kaya't nawalan na akong lakas para pigilan pa ang bugso ng damdaming pilit kong itinatago. Umagos na ang luha ko mula sa mga mata ko at isa-isa na itong dumadaloy sa aking pisngi habang nakatitig ako sa kawalan.

"A-Angel." Jimin said and immediately held my cheek and shifted my face towards him. "Why.. are you crying?" He said with the deepest concern in his eyes.

"Should I tell you to leave me?" I said; looking at him with all the pain that I had.

"W-What are you saying. Did something happen? Please tell me. I beg you." Jimin responded as if he's holding back his emotions.

"Should I let you know that, I'm just using you. I'm using you to become normal again. To become a human again. That I yearn for you not because I love but because I need you." I told him with sorrowful smile while tears still flowing from my eyes.

"ANGEL-SSI!" Jimin shouted as his eyes began to water. He raised his other hand and held the other side of my cheek; making my face to focus at his.

"Now, tell me. Tell me while looking at my eyes. Tell me that you do not love me. Tell me that all of this is nothing but an act. Tell me." He uttered; consumed with the sadness that was once just in my heart and now move unto him.

Jimin waited my mouth to speak the words he's waiting but minutes passed and we're just exchanging stares full of agony.

"See?" Jimin spoke.

"You can not because you do not." He added while his eyes swell.

"But I know that you're afraid that I will leave you again. And who knows? What if I did the very thing that you hate the most. What if after this, I will have to abandon you? What if I have no choice but to leave—"

"BULLSHIT!" Jimin cursed that interrupted my word.

"I do not know who the hell shoved that in your mind! For I don't care even if it is the case. If that's what it takes for you to be yourself again, I do not give a damn even if it put me in great despair." He added and moved his face a little bit close to mine.

"Because this how much I'm fond for you.. this how much I love you, Angel." Jimin said with the look of sincerity.

"Hear me, okay? Everything has a reason. And if the providence of the universe allowed us to meet each other in this unusual way. I'm sure that, destiny would  make our paths cross, once again." He ended his words with a smile.

"So please.." Jimin said and wiped the tears in my eyes with his thumb. "Stop thinking those things and stop crying. I really hate seeing your eyes swell." He stated; slowly embracing me into his arms.

"I saw happiness from the purest smile you had when Shaman Jang said her words. Your reaction back then, made my heart flatter because I know you've waited for this for such a long time." Jimin said while tapping my back.

He released me from his arms a few moments after it; cupping my face, making my eyes glance unto his.

"Now, we're very close to that solution. And if going to an island is the end of our long journey, so be it. If there lies the answers to so many questions, then we should find it. We should search for it and set a sail to Jeju."

Continue Reading

You'll Also Like

29.1M 921K 49
[BOOK ONE] [Completed] [Voted #1 Best Action Story in the 2019 Fiction Awards] Liam Luciano is one of the most feared men in all the world. At the yo...
4.1M 199K 101
βœ… "We always long for the forbidden things." 𝐝𝐲𝐬𝐭𝐨𝐩𝐒𝐚𝐧 𝐧𝐨𝐯𝐞π₯ β†― βš”οΈŽ ʙᴏᴏᴋ ᴏɴᴇ α΄€Ι΄α΄… ᴛᴑᴏ ᴄᴏᴍʙΙͺɴᴇᴅ βš”οΈŽ ...
1M 33.2K 78
"π™Ύπš‘, πš•πš˜πš˜πš” 𝚊𝚝 πšπš‘πšŽπš–! πšƒπš πš˜ πš•πš’πšπšπš•πšŽ πš—πšžπš–πš‹πšŽπš› πšπš’πšŸπšŽπšœ! π™Έπš'𝚜 πš•πš’πš”πšŽ πšπš‘πšŽπš’'πš›πšŽ...πšπš˜πš™πš™πšŽπš•πšΓ€πš—πšπšŽπš›πšœ 𝚘𝚏 πšŽπšŠπšŒπš‘...
6.6M 180K 55
⭐️ α΄›Κœα΄‡ α΄α΄κœ±α΄› ʀᴇᴀᴅ κœ±α΄›α΄€Κ€ α΄‘α΄€Κ€κœ± κœ°α΄€Ι΄κœ°Ιͺα΄„α΄›Ιͺᴏɴ ᴏɴ α΄‘α΄€α΄›α΄›α΄˜α΄€α΄… ⭐️ ʜΙͺΙ’Κœα΄‡κœ±α΄› Κ€α΄€Ι΄α΄‹Ιͺɴɒꜱ ꜱᴏ κœ°α΄€Κ€: #1 ΙͺΙ΄ κœ±α΄›α΄€Κ€ α΄‘α΄€Κ€κœ± (2017) #1 ΙͺΙ΄ α΄‹ΚΚŸα΄ (2021) #1 IN KYLOREN (2015-2022) #13...