A Deal with Mr. Billionaire [...

By LessurStories

1.7M 26.1K 2.3K

"You don't need to do anything, you just need to open your legs for me." - Dereck Cole Rivera. Dereck Cole Ri... More

A Deal With Mr. Billionaire
Dereck Cole Rivera
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
// BOOK 2 //
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER : SPIRO GRAY
SPECIAL CHAPTER : EIRENE FLAIR

CHAPTER 38

20.7K 356 12
By LessurStories

CHAPTER 38

BRIANNA

TAHIMIK KONG PINAGMAMASDAN si Spiro na natutulog na ngayon. Mahimbing ang tulog niya katulad nang dati dahil katabi niya ako. Ganito naman palagi, papatulugin ko muna siya bago ako pumasok sa kwarto ko.

Hinalikan ko ang noo niya bago ako pumasok sa kwarto ko. Binuksan ko ang laptop na may lamang files about sa resort na mag-o-opening this week.

Actually, tapos ko na iayos 'to at napuntahan ko na din ang resort. Ido-double check ko na lang para sure. Hindi ako pwedeng mapahiya, malaking kliyente ito.

Ilang beses ako umiling dahil hindi matanggal sa isip ko ang nakita ko kanina sa park. Pagkauwi kasi namin dito ay umalis na si Diego dahil may gagawin pa siya. Biglang nag-request si Spiro ng noodles kaya wala akong ibang magawa kung hindi bilihan siya.

Leche talaga! Bakit ba ang lakas ng hangin dito sa park? Buti na lang nakapag jacket ako pero leche ulit! Hindi ko naitali ang buhok ko kaya isinasayaw 'yon ng hangin.

Huminto ako saglit para ipatong ang dala kong noodles sa bakanteng upuan dito sa park para makapag tali ng buhok. Medyo matagal na rin ako at baka hinahanap na ako ni Spiro.

Wala sa sariling napatingin ako sa mag jowang naglalandian sa tabi ng puno. Parehas kong hindi makita ang mukha nila kaya hindi ko na pinansin. Mas inayos ko na lang ang buhok ko para makauwi na din ako.

Hindi sinasadyang makita ko ang mukha ng lalaking may kahalikan sa park. Biglang nanigas ang katawan ko nang marealized ko kung sino siya.

Pinaglalaruan ba kami ng tadhana? Bakit sa lahat ng oras ay dito ko pa siya makikita at may kahalikan pang iba?

Pero, sino kaya ang babaeng 'yon? Siya na kaya ang asawa ni Dereck? Siguro siya nga dahil siya din ang nakita ko kanina na kausap ni Dereck noong nag-propose sakin si Diego.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makaramdam ako na lilingon siya kaya dali dali kong kinuha ang plastic bag at parang walang nangyari na naglakad ako palayo sakanila.

“Huh? Sino?” Rinig kong boses ng babae.

Nakita niya ba ako? Binilisan ko ng konti ang lakad ko. Malapit lang naman ang bahay namin dito ni Spiro kaya hindi na ako sumakay.

Napabuntong hininga ako. Nahihiya na ako kay Diego dahil lagi niya na lang ako hinahatid sa mga venue na kailangan kong lagyan ng design kaya naisipan kong bumili ng kotse. Yung maliit lang, uhm, yung pang apat na tao, ayos na 'yon sakin.

Ayoko rin naman kasing maglakad o commute kapag susunduin at ihahatid ko si Spiro. Gusto ko yung komportable siya sa lahat ng bagay.

Umiling ulit ako. Biglang may tumawag sa telepono ko. Siguro ito na yung hinihintay kong tawag mula sa secretary ng owner ng resort. Kainis, ha. Kanina pa ako naghihintay.

[“Good evening. Am I talking with Ms. Rian?”] Rian, ako 'yon. Nagsasawa na kasi ako sa maganda kong nickname na Brie kaya nag imbento ako ng bagong nickname.

“Yes, who's this?”

[“This is Selene po, the secretary of the Resorts owner. I just want to ask if is the venue is already done?”] Tinitingnan ko ang mga picture ng venue para makita kung ayos na ba.

“Yes. Everything is fine. Maaga siyang natapos.” Sagot ko.

[“Great! Can I have the pictures of the venue?”]

“Sure. Ise-send ko na lang through email, is it okay?” Tanong ko habang binubuksan ang email ko sa laptop.

[“Sure. Selene0069 is my account. I will wait for the pictures. Thanks, Ms. Rian.”]

“Yeah, you're welcome.” Pinatay ko na ang linya. Pinadala ko na agad yung mga pictures.

Inaayos ko na ang mga gamit ko nang biglang may notification na galing sa gmail ko.

From : Selene0069

Good evening again, Ms. Rian. The owner of the resort wants you to attend the opening party. Hope you can accept our invitation.

Invited ako? Paano si Spiro? Ayoko namang isama si Spiro dahil sure ako na may inuman do'n dahil magarbong resort. Iwan ko kaya muna kay Diego si Spiro? Saglit lang naman ako ro'n, magpapakilala lang ako sa owner.

To : Selene0069

Sure. Thanks for the invitation. I'll be there.

KINABUKASAN, pinilit kong magising nang maaga kahit anong oras na ako natulog. Ngayon kasi ang first day ni Spiro sa school kaya kailangan maihanda ko lahat.

From taking bath, dressing up, eating, bag, and everything. Pre-school pa lang siya.

“Mommy? Are you going with me?” Napangiti ako sa tanong niya. Ayaw niyang humihiwalay sakin kaya siguro iiyak siya mamaya katulad ng ibang bata.

“Of course, baby. Mommy will never leave you.” Ngumiti siya at pinagpatuloy ang pag-inom niya ng gatas.

“How about Tito?” He's asking about Diego. Inayos ko ang buhok niya.

“Susunduin tayo ni Tito Diego mo mamaya sa school. Mamamasyal daw tayo, are you excited?” Tanong ko. Ngumiti naman siya kaya nakita ko ang maliliit niyang ngipin.

“Yes!” I kissed his forehead bago umalis muna sa kusina.

Sa totoo lang natatakot ako na baka dumating ang araw na magtanong na siya about kay Dereck. Hindi ko pa alam ang isasagot ko do'n kaya umaasa ako na habang maaga ay sana mas mapalapit pa siya kay Diego para ito na ang kilalanin niyang ama.

Maya maya ay tumawag sakin ang bibilihan ko ng kotse. Medyo nabigatan ako sa presyo pero nakakuha naman ako ng discount at ipon ko din yon sa loob ng limang taon.

Sabi ay dadalhin na daw ang kotse ko mamaya. Isang linggo matapos kong mabili 'yon.

“Mommy! I'm done!” Kinuha ko na ang bag ko at bag ni Spiro.

“Let's go?” Mukhang excited siya. Sana ganyan din ako noon. Ayoko kasi sa school maliban na lang noong high school.

Sinuot ko sakanya ang bag niya at lumabas ng bahay para makapag hanap ng taxi. Katulad ng sabi ko, gusto ko komportable siya kaya kung kaya ko naman ibigay ay ibibigay ko sakanya.

From : Diego

Good morning, babe. How was your sleep? On the way to school, right? Are in the taxi now? You want me to pick you up? I still have 10 minutes.

Napangiti ako. Hindi pa din siya nagbabago. Ganitong ganito pa din siya katulad noon.

To : Diego

Good morning. My sleep? Hindi ko alam, tulog nga ako, diba? Just kidding, babe. We're on the way to school and yup, nasa taxi na kami. No need to worry.

Nagreply siya agad.

From : Diego

Silly. You're staying with Spiro, right? After ng meeting ko pupunta ako sa school niya to show moral support? Tell Spiro goodluck.

“Baby, pinapasabi ng Tito Diego mo na goodluck.” Agad niyang ngumiti at nag okay sign.

To : Diego

Just thumbs up for you. We're here. Talk to you later.

From : Diego

Take care of yourself and Spiro. Let's talk about our wedding later.

Napailing na lang ako at lumabas ng taxi pagkabayad.

“Mommy, I'm nervous.” Hawak ko ang kamay niya habang sabay kami naglalakad papunta sa room niya.

“Don't worry, baby. Hindi ka naman iiwan ni mommy. You can always look at me if you feel uncomfortable.” Minsan talaga feeling ko ay dudugo ang ilong ko dito sa batang 'to.

“Okay, mommy!” Ngiting ngiti siya habang naglalakad.

Hindi ko maiwasang mapatitig sakanya kapag nakangiti siya. Magka-mukhang magka-mukha talaga sila ng tatay niya kaya hindi na ako magtataka kung isang araw ay magkita sila at mapagkamalan ang isa't isa na mag-ama.

“Good morning, Ma'am.” Bati ko sa teacher niya.

Madaming nag-iiyakan na bata ngayon dahil ayaw maiwan ng magulang pero si Spiro ay naka nguso lang. Ayaw niya talaga sa maingay.

“Good morning din po, Mrs?” Ngumiti ako.

“Ms. de Castro po. Ito po ang anak ko, Spiro Gray Rivera po ang name niya.” Napatango naman siya at tinignan ang list niya.

“Hi, baby. Pasok ka na sa room?” Ngumiwi si Spiro at tumingala sakin. Bahagya akong yumuko para mag pantay kami.

“Dito lang si mommy. Kapag tumingin ka sa bintana, makikita mo agad ako, okay? Don't worry, baby. Goodluck! Fighting!” Ngumiti siya kaya napangiti din ako.

“Alright, mommy! I love you!” Humalik siya sa pisngi ko.

“I love you too, baby.” Patakbo siyang pumasok sa room at umupo sa harapan.

Panay ang tingin niya sakin sa bintana ng room nila. Konti lang sila sa classroom kaya sure akong comportable siya. Mahilig siyang ngumuso kapag bored o nag-iinarte. Napailing ako. Limang oras ang klase niya rito kaya limang oras din ako maghihintay.

Wala namang kaso sakin dahil nag-dala din ako ng laptop para magawa ko ang trabaho ko. Nang magtama ang mata namin ni Spiro ay sumenyas ako na uupo lang ako sa swing, tumango siya.

Nilabas ko ang isang picture ng venue pero naka sketch lang kaya mapag-iisipan at malalagyan ko ng design.

Inabot ng isa't kalahating oras bago dumating si Diego. Napangisi ako sa attire niya. White ang dress shirt niyang nakatupi hanggang siko.

“Hi, babe.” Humalik siya sa pisngi ko.

“Hi, akala ko hindi ka na pupunta.” Tumaas ang kilay niya.

“Pwede ba 'yon? Alam kong mabo-bored ka dito kaya pumunta ako. Where's Spiro?” Tinaasan ko siya ng kilay.

“Baka nasa bulsa ko? Duh. Syempre nasa room niya.” Umiling iling siya at tumayo para sumilip sa bintana ng classroom ni Spiro.

Tinignan ko ang sini-search ko sa google bago siya dumating. Tumitingin kasi ako ng mga gown para sa kasal namin. Ewan ko ba. Wala pa namang date dahil pag-uusapan pa namin.

Tumatawa siyang bumalik sakin kaya tinaasan ko ulit siya ng kilay.

“Ano na naman ba 'yon?”

“Why? Natatawa lang ako kay Spiro dahil halatang bored siya sa pagkukulay sa loob.” Napangisi ako sa sinabi niya.

“About our wedding?” Napangiti siya sa tanong ko. Yung totoo? Nasisiraan na ba ng ulo 'to?

“Let's talk about it later. Gusto kong sa bahay na natin pag-usapan para mas relaxing.” Inirapan ko siya. Relaxing daw? Ang arte ha. “By the way, babe.”

“Hmm?”

“How about let's talk about babies?” Hindi ko alam kung ngingiwi o ngingiti ako.

Wala namang problema sakin ang magka-baby ulit pero gusto ko mag-focus muna kay Spiro.

“What about them?”

“I think, kailangan na ng playmate ni Spiro. So...” Tumaas ang kilay ko pero nakangiti. Natatawa ako sa itsura niya dahil uncomfortable siya.

“So?”

“God, Brianna. Don't make me uncomfortable.” Natawa ako sa sinabi niya.

“You're the one who's making yourself uncomfortable, Diego.” Umiling siya pero hindi matanggal ang ngisi. “By the way, okay lang naman sakin na magkaron tayo ng baby.” Pumula ang pisngi niya sa sinabi ko.

“So, where do you want to have a honeymoon with me? Out of town? Boracay?” Tumaas ang kilay ko.

“Seriously? Boracay? Hello? Nasa Palawan na nga tayo tapos lalayo pa.” Natawa naman siya.

“How many kids, babe?” Paglalambing niya at yumakap sakin.

“Hmm... One?” Tumaas ang kilay niya.

“Isa lang?” Natawa ako. I already have Spiro kaya okay na sakin ang isa pero ang gusto ko talagang anak ay lima.

“Ilan ba ang gusto mo? Mahirap manganak, ha.”

“Babe, don't worry, hindi ka mahihirapan. I'm here.” Pinanatili ko ang ngiti kahit na naging balisa ako sa sinabi niya.

“S-so, ilang baby nga?”

“Two?” Ngumuso ako.

“Hmm. Okay na rin. Kaya ko naman.” Natawa siya sa sinabi ko.

Maya maya ay hinila niya ako patayo ay dinala sa isang hallway na walang tao. Tumaas ang kilay ko.

“What are we going to do here?” Taas kilay kong tanong. He licked his lips at tumingin sa labi ko.

Bigla akong kinabahan. Sa loob ng dalawang taon na relasyon namin ay ni minsan walang nangyari saming dalawa at wala namang kaso sakanya 'yon. Just like I said, we entered the relationship for convenient.

“Can we kiss?” Napaawang ang labi ko sa tanong niya. “Well, if you don't want, it's okay. I can wait.”

“Babe, we're engaged now. Hindi mo na kailangang magpaalam sakin. Kissing is normal para sa ating couple.” Ngumisi siya at nilapit ang mukha niya sakin.

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at hinayaan siyang halikan ako. Ilang saglit din ang tinagal ng halik namin bago niya pinutol.

Pulang pula ang pisngi ko pagkatapos. He laughed. Hinila ko na siya pabalik sa room ni Spiro at nang sinilip ko siya ay mukhang kanina niya pa kami hinahanap. Nag-thumbs up ako sakanya kaya napangiti siya.

LESSURSTORIES

Continue Reading

You'll Also Like

4.8M 134K 54
Juariz Bachelors #3 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED How long can you keep up with the lie? He's a perfect leader: smart, wise, and rich. Narcido Jon...
80.9K 1.3K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
19.6K 298 39
Being a stripper is not easy, because many eyes of men will feast on your body. But you don't have a choice because you're just a foreigner of this c...
153K 8.5K 23
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.