Boy meets Girl

Autorstwa AliKendrix

639 160 337

"I wish I never met them..." Have you ever imagined going to a prestigious school that would turn out to be o... Więcej

Prologue
Chapter 1: Fresh Start
Chapter 2: Calyx
Chapter 3: Remember
Chapter 4: Squad
Chapter 5: Gut Feeling
Chapter 6: Anticipation
Chapter 8: Mall
Chapter 7: Other Side of the Coin
Chapter 9: Food District
Chapter 10: Groundbreaking
Chapter 12: A Bestfriend's Effort
Chapter 13: Gifts
Chapter 14: Family
Chapter 15: The Special Day
Chapter 16: Is it Love?
Chapter 17: Unknown Sender
Chapter 18: Tracing the Unknown
Chapter 19: Someone's Coming
Chapter 20: Finding the answer
Chapter 21: SYD
Chapter 22: Flashback
Chapter 23: Home
CHAPTER 24: Sisters Keeper
Chapter 25: Brothers Love

Chapter 11: Truth

20 5 13
Autorstwa AliKendrix

CALYX'S POINT OF VIEW

Huminga ako ng malalim at minabuting kumalma bago angatin ang tawag ni Emil. Hindi ko alam kung anong mangyayari after ko siyang sugurin.

"Hello?" sagot ko kay Emil at pumasok sa bahay.

"Bro! Kamusta?" casual na tanong Emil.

Nakakapagtaka na para bang walang nangyari sa pagbati niya sa akin.

"Anong kailangan mo?" seryoso kong tanong.

"You really want to find the truth right?" Sabi ni Emil na ikinagulat ko.

Napatigil ako ng lakad nang sabihin ni Emil 'yon.

"Kaya ba kayo nag-iimbestiga dito sa apartment ko, ha?" natawa siya.

"Yes, I was the one who used your number. Hindi ba halata?"

Sa sinabi ni Emil na 'yon, gustong gusto kong sumuntok ng tao. Ilang minuto akong hindi nagsalita dahil pinipigilan ko ang sarili kong sumigaw.

"Ano bang kasalanan namin sa'yo ha?"

"Kayo wala, si Allison, madami. Alangan titigil kami sa kanya lang? Edi parang natalo na kami diba?" sabi niya. Magsasalita na sana ako nang magsalita ulti siya.

"Keep your friends close and your enemies closer, Calyx."

Pagkasabi niya yun, dineretso ko na siya. "'Wag ako ang sinusubukan mo Emil. Habang kaibigan pa ang turing ko sa'yo." Sabi ko at pinatay ko na ang telepono.

Pagkapasok ko sa may sala, nagulat ako nang may sumalubong sa akin ng isang sapak.

"Aray ko naman! Sigaw ko. "Ate?!" gulat kong tanong nang makita ko si Ate Daisy.

"Oh, bakit parang nakakita ka ng multo?" tanong ni ate sa akin. "Ako 'to Calyx!" yugyog ni ate sa akin.

"Calyx, ayos ka lang?" tanong din ni dad sa akin.

"Huy, kuya, ba't ka parang namumutla jan?" tanong ni Matthew sa akin.

Napatingin ako kay ate. "Ate Daisy!" sabi ko sabay yakap kay ate. Sobrang miss ko si ate. Kagagaling niya sa London. Isang fashion designer si ate, at katatapos lang ng fashion week nila sa London.

Mula noong pagkabata naming ni Matt, laging anjan si ate para tulungan kami at pasayahan kami. Siya ang laging sumusuyo sa amin lalo na sa akin kapag hindi ko napipigilan ang galit ko.

Magkasing-taon sila ni Kuya Paul, at matalik din silang magkaibigan kasi mula high school, lagi na silang magka-school. Pagdating ng college, sa MIU din sila nagkolehiyo since doon lang may fashion designer na course.

"Sino ba kasi yung Cal?" tanong ni ate sa akin sabay balik sa sala kung saan nanonood silang lahat.

"Kuya, kilala ko na." sagot naman ni Matt. "Si kuya Emil 'yun 'no?"

Napatingin ako bigla kay Matt.

"Paanong...?"

Napabuntong hininga si Matt. "Kuya, halata naman eh. Mula 'nung lagi nilang binubully si ate Ali, alam ko na na lumayo loob mo sa kanya. Sayang nga lang, muntik mo pa naman maging best friend 'yun."

Tinignan ako ni ate ng seryoso. "Sabihin mo nga sa akin Cal, hanggang ngayon ba, hindi matigil ang mga yan kakabully kay Ali?"

Sasagot n asana ako nang makita kong nakikinig din sila mama sa amin. "Saka ko na iwento sa'yo ate." Sagot ko at dumiretso na ako sa kwarto.

Nagshower na ako at nagpalit ng damit. Umupo ako sa swivel chair ko for gaming. Naalala ko ang mga sinabi ni Emil. Kulang nalang, mapapatay ko na siya.

"Kainis!" sigaw ko sa kwarto ko.

Nang lumingon ako sa may banda ng door, muntik na akong himatayin nang nakita kong nakatayo si ate.

"Ate naman!" sabi ko sa kanya.

"Anong nakakainis, Cal?"

"Wala."

"Anong wala? Kilala kita, hindi pa sila tumitigil kay Ali 'no?" tanong ni ate.

Wala akong ibang magawa kundi sabihin kay ate lahat. Kung hindi, hindi ako titigilan neto hanggang mamayang pagtulog.

"Naku, yan na ng aba ang sinasabi ko sayo Calyx!" sagot ni ate. "Sinabi ko na sa'yo noon, dapat kang mag-ingat lalo na sa mga gamit mo."

"Eh ate, hindi ko naman inasahan na si Emil talaga gagawa no'n eh. Kung si Mia, maniniwala pa ako. Pero ate, close friend din namin si Emil."

"Well, mukhang hindi lahat, tinuturing niyang kaibigan. Bakit nga ba kasi kailangang itago niyo sa kanila na best friends kayo ni Ali. Hindi ba't natapos niyo na ang ROTC niyo?" pagtataka ni ate.

"Hindi ko nga rin maintindihan ate eh. Takot din naman si Ali nab aka kapag malaman nila, ako isusunod nilang siraan, o 'di kaya mas lalo siyang siraan." Sagot ko.

May point si Ali nang tanungin ko noon sa kanya kung bakit kailangan naming magtago bilang mag-best friend. Kasi either ako ang kawawa, o siya ang mas kawawa. Pero sa nangyayari ngayon, hindi na pwedeng maging duwag.

"Cal, alam mo, mas mabuti kung hayaan niyo nalang yung mga yan. Wala silang pakialam kung mag-best friend kayo at wala rin naman silang magagawa doon. Kung kayo aatakihin, it's not your fault naman eh. Inggit sila at hindi nila tanggap. Yun lang naman talaga yun eh." Payo ni ate.

In fairness, may point din naman si ate. Napangiti ako sa sinabi ni ate. Hinaplos niya ang likod ko at tinap ang shoulders ko.

"Ok ka na?" tanong ni ate. Tumango ako. "Oh, tara na, kain na daw. Pinapatawag ka nila mama actually. Pero ramdam ko rin na kailangan mo ng taong makakausap."

Pagkasabi ni ate no'n, lumabas na siya ng kwarto. Pagbaba ko sa kitchen, ready na yung food.

"Calyx, ayos ka lang ba kanina? Mukhang may bumabagabag sayo kanina ah." Tanong ni dad.

"Wala 'yun dad. Nagulat lang talaga ako na nandito si ate." Pagsisinungaling ko.

Paminsan-minsan, nagsasabi din naman ako kila dad ng problema kapag wala si ate. Pero kadalasan, hindi ko na iniisip pa na sabihin, lalo na kung kaya ko pa namang ayusin. Kung siguro hindi ko nakilala si Ali, hinding hindi ako makakapagsabi ng problema ko kahit kanino.

"Daisy, kamusta pala yung fashion show niyo?" tanong ni mama.

"It was superb ma. Super. Buti nga nakapasign kami ng contract agad after the fashion show. Halos pag-agawan pa nilang lahat yung mga gowns and semi-formal wears eh." Kwento ni ate.

"That's great news! Congrats, anak." Sabi ni dad kay ate.

Super supportive kasi parents naming kahit anong gusto naming gawin at gusto namang maging in the future. As long as hindi nakakasama sa amin, ibibigay nila dad. Buti nga nung nagsabi akong bibili ako ng PS5 ko, hindi umangal si mama.

Kay dad, ok lang. Si mama talaga ang medyo strikto. Pinangako ko kay mama na kahit anong mangyari, hindi ko papabayaan ang pag-aaral ko kaya pumayag din naman siya. Hindi kasi ako yung tipo ng tao na pumapako ng pangako.

"Ate, surprise naman yata yung pag-uwi mo ngayon?" tanong ni Matt.

"Ah, natapos na kasi lahat ng mga fashion shows naming sa Europe. Last na sa London kaya nagpaasya na rin akong umuwi."

"Buti na rin, para makapagpahinga ka muna dito sa Pinas. And for you to focus on your business here in the Philippines." Sagot ni mama na agad sinang-ayunan ni ate.

Unang nakapagtapos si ate bilang interior design bago niya kinuha ang vocational course niya bilang fashion designer. Nakuha siya ng isang free lance fshion designer team na nagtotour sa buong mundo kapag tinatawag sila.

"Nga pala, ma, dad, dito na rin ako magpapaparty para sa birthday ko." Sabi ni ate. Oo nga pala at malapit na ang birthday ni ate.

"Kelan, nak?" tanong ni Mama. Super hands on kasi si mama pagdating sa mga birthdays naming. Kaya kahit may pasok siya, magleleave siya ng isang araw para asikasuhin 'yon.

"This Sunday nalang po for family and close friends. Baka kasi maraming hindi makapunta by Wednesday eh." Sabi ni ate. Tumango naman si mama.

"Oh, good. Sakto, walang pasok sila Calyx at Matt." Sabi ni dad.

"Pool party." Sabi ni ate.

Pagkatapos naming kumain, ako na ang naghugas ng plato. Habang naghuhugas ako, lumapit sa akin si ate at inakbayan ako.

"Tangkad mon a talaga no?" sabi ni ate.

"Tawagin mo si Allison sa party ah. 'Wag mong kakalimutan."

"Oo ate. Alangan naman. Si Mia pala, di'ba close din kayo?"

Nakilala ni ate si Mia sa mga kaibigan niya. Kapatid kasi siya nga close friend ni ate. Naging close din sila kasi laging bumibisita dito sa bahay and ate niya at lagi siyang sinasama. Hindi ko lang alam kung bakit ssa kabila ng magiging magkabuddy naming noon sa ROTC, never ko talaga siyang maging close.

"Haynako. Pagkatapos ng ginawa at ginagawa nila kay Ali, may guts pa akong imbitahan siya?" sagot ni ate.

"Kung sabagay." Matipid at mahina kong sagot kay ate.

"Kung si ate niya, ok pa. Alam kong hindi ganon si ate niya. Pero siya, hindi eh. Kahit close kami, hindi ko kaya." Sabi ni ate.

Parang kapatid na rin kasi ang turing ni ate kay Ali. Kaya nang malaman niya ang nangyari noon, ganun nalang ang galit niya lalo na kay Mia. Nakilala niya rin si Emil pero noon pa man, hindi rin niya siya naging close kasi hindi magka-jive ang ugali nilang dalawa.

Ilang araw na yung nakalipas nang kinukulit ko ni ate na imbitahan si Ali. Dahil sa mga paperworks at school activities, hindi ako nagkaroon ng time para kausapin si Ali since pati siya, busy din. Sunday na at alam kong makikimisa din sila Ali kaya lunch ang ginawa ni ate until early eve sa kanyang party.

"Cal, nasabihan mo na si Ali?" tanong ulit ni ate. Hindi ako umimik.

"Sabi ko sayo Cal ha, kapag hindi mo sinabihan si Ali, babatukan na talaga kita." Sabi ni ate at dumiretso na kami sa simbahan.

Katatapos palang ng simba, kinukulit na naman ako ni ate. Natext ko na rin si Ali at sobra na sa pangungulit si ate. Nang magsabi si Ali na pauwi siya para magpalit, kaya nagpaalam na ako na susunduin ko siya.

Bago ako umalis, nakarating na lahat ng tropa namin pati na rin ang friends ni ate. Tinawag din pala ni ate si kuya Brent since close din sila.

"Ali, glad you came! Kamusta groundbreaking ni Paul?" Tanong ni ate.

"Ngayon ba 'yon Ali?" tanong ko.

Tumango si Ali. "Ayos naman ate, by this time, siguro naglulunch na po sila." Sabi niya at niyakap si ate Daisy. "Happy Birthday ate!" bati niya.

"Naku ate, pasensya na ha. Hindi kita nabilhan ng regalo, kasasabi lang kasi ni Calyx sa akin kanina." Binatukan na talaga ako ng tuluyan ni ate.

"Ikaw talaga! Sabi mo sa akin ikokontak mo si Ali eh."

"Ate! Sorry na. nakalimutan lang eh." Pagmamaktol ko.

"Ok lang yun Ali, tara na sa pool area." Sabi ni ate. Kinuha ko na yung bag ni Ali at pinunta sa guess room.

Since wala kaming klase kinabukasan, napagpasyahan naming lahat na magslep over. Hindi naman din umangal si ate at gusto rin niyang makasama sila Ali. More than two years kasing hindi umuwi si ate since kailangan talaga niyang tapusin ang pag-aaral niya sa London.

Walang tigil sa kwento si ate kasama sila Kaitlyn, Ali, Jacob, Alex, Jester at Lex. Sobrang namiss din kasi nila si ate. Sa aming magbabarkada, malapit kami sa mga magulang at kapatid ng isa't isa.

Kumbaga brothers and sisters from different mother and fathers. Kaya pati mga magulang namin, magkakaibigan din. Mas nauna pa ngang nagkaroon ng annual gathering mga magulang naming kesa sa amin eh.

Natapos ang gabing 'yon na puno ng kwento. Isang himala na nagising ako ng maaga. Kasama kasi dito sa kwarto sila Jes, Lex at Jake. Nasa guest room naman sila Ali. Nang mid 10am, umuwi na rin sila kaya kami nalang nila ate ang naiwan.

Maaga pumasok si mama since off niya kahapon. Si dad naman, kasama sa meeting sa school bilang isa sa mga investors kaya maaga din siyang umalis.

"Ate, alis lang ako saglit ah. Punta akong mall." Paalam ko kay ate nang maggagabi na na.

"Teka, anong bibilhin mo sa mall?" takang tanong ni ate.

"Regalo ko kay Allison." 

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...