Section Series #1 - Ex

By lucylovesdark

5.8K 177 5

Section Series One. Annie Jean Sue is fresh from break up from Clyde Ark Lopez. What will happened to them if... More

Author's Note:
Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23

Chapter 20

102 4 0
By lucylovesdark

CHAPTER 20

"Whaa!" bungad ni Janice bago umupo sa bleacher ng covered court. Tapos na ang dalawang linggo naming bakasyon kaya heto kami ulit ngayon, sa school. "Ang bilis lang ng break natin! Grabe."

"Oo nga eh, parang may hangover pa ata ako sa New Year." dagdag ni Liana habang hinihilot ang sintido niya.

I spent my New Year with Clyde family. They invite me in their outing in Batangas. Tita Marga and Tito Carlos is still good at me, they treat me like their own child.

"Alam niyo na ba ang balita?" tanong ni Finn na kakarating lang. Umupo siya sa tabi ni Yanzee na busy sa pagpaypay. Pinalo siya ni Yanzee na pamaypay na gamit.

"Napaka chismoso mo!" suway sa kanya ni Yanzee. "Hayaan mo muna sila. Malay mo LQ lang."

"Hindi na nga LQ 'yon! Break na talaga sila." sabi ni Finn. Kami namang nakikinig ay naka kunot ang noo dahil sa usapan nila na sila lang nagkaka intindihan.

"Teka nga!" awat ko sa kanilang dalawa. "Sino ba ang pinag uusapan niyo dito?" Tumingin sa amin si Yanzee at Finn.

"Break na daw si Rana at nung jowa niya." sabi ni Finn. Nagulat kami pare-parehas sa narinig namin. Tumingin ako sa katabi ko na si Clyde at tinignan ito. Agad siyang umiling na dahil alam na niya agad ang ibig sabihin ng tingin ko.

"Sigurado ka?" tanong ko pa dito. Umiling ulit ito.

"Hindi siya nagsasabi sa akin, Annie. Wala kaming napag usapan." sagot niya sa akin. Binalik ko ang tingin ko sa mga kausap namin.

"Hintayin natin ang confirmation sa kanilang dalawa." suhestiyon ko sa kanila. "Maybe I can ask Jeff, he's my friend—"

"Sige, Annie. Ask him." malamig na sagot ni Clyde. Tumingin ako sa kanya at nakatingin siya sa akin ng malamig. "Go on. Ask Jeff."

"Uh-oh. Jellybells si Papi Clyde, Annie." sabi ni Finn na mukhang natutuwa pa. "Chill ka lang, Clyde. Hindi ka naman ipagpapalit niyan ni Annie."

"I'll just ask him kung may problema ba sila. They are both my friends so I'll care for them." pagpapaliwanag ko kay Clyde. Hindi na lang siya umimik. Hanggang sa makapasok kami sa classroom namin ay hindi niya pa rin ako pinapansin.

"Oh, ang konti niyo naman." bungad sa amin ng una naming teacher para sa araw na iyon. "Kath, pabilang naman kung ilan kayo."

Agad namang sumunod sila Kathleen at binilang kami. Totoo ngang konti kami dahil hindi namin napuno ang dalawang row ng upuan.

"Sampo po, Ma'am." sagot ni Kath. Tumango tango naman si Ma'am at nagpaalam na lalabas saglit. Ilang minuto lang ay bumalik na si Ma'am kasama ang ilang estudyante mula sa tatlong section. Hindi pa umabot sa twenty five ang bilang ng mga estudyante na iyon.

Nagkanya kanyang lipat ang mga kaklase ko para magkakatabi kami. Pumasok naman ang mga taga-ibang section at nagkanya kanyang pwesto base sa pangkat.

Tumingin ako kay Clyde na nasa tapat ko. Hindi niya ako nililingon simula pa kanina. Nagtatampo ang boyfriend ko...

"Tutal ay kakabalik niyo pa lang naman. Wala muna tayong gagawin dahil konti pa kayo, kawawa naman yung iba na wala dito." anunsyo ni Ma'am Riguel na nagpangiti sa amin lahat. Tumingin ito sa gawi nila Yanzee. "Daniel, get the tv in faculty room."

Agad tumalima si Daniel at lumabas ng classroom. Ilang minuto lang ay lumipas at bumalik na siya bitbit ang flatscreen tv na ginagamit ng mga teachers kapag nagtuturo. Nilagay ni Ma'am Riguel ang usb sa saksakan nito tsaka nag play ng isang movie.

"Manood na lang kayo ng movie, habang may ginagawa kami sa faculty. At, walang lalabas. Class presidents..." tawag ni Ma'am Riguel sa kanila. "Walang magpapalabas."

"Yes, Ma'am." sagot nina Kath, Bobby, Yanzee at Neil. Tumango naman si Ma'am at lumabas na nang classroom. Nagsimula na rin ang movie. Tumayo si Nancy at pinatay ang ilaw.

"Patayin natin para kunwari nasa sinehan." sabi niya at bumalik sa pwesto na nasa tabi ko. Dahil tinatamad akong manood ay kinalabit ko sa bewang si Clyde gamit ang paa pero dedma. Inulit ko 'yon pero hindi niya pa rin ako pinapansin.

"Clyde..." mahina kong tawag dito pero dedma pa rin. I sighed bago hatakin ang upuan ko palapit sa kanya. I rest my chin on his shoulder at tumingin sa pinapanood.

"Sorry, babe." mahina kong sabi. I tried not make a scene kaya pasimple kong nilalambing si Clyde. "I will not talk to him. Pansinin mo na ako."

"Tss." rinig kong usal niya. "Give me your hands." I gave my hands to him sa gilid niya para hindi mapansin. He hold it and intertwined our hands.

I smiled at his gesture. Hindi naman malala magtampo si Clyde basta susuyuin mo agad at hindi patatagalin. Pinaganda ko pa, in short marupok.

"Galit ka pa rin ba?" mahina ko pa ring tanong at hindi inaalis ang tingin sa pinapanood namin. "Sorry again, babe." I heard him sighed.

"Basta huwag mo na lang siya kausapin." mahina niya ring sagot sa akin. "I just don't like him. That's it. Kahit kaibigan mo pa 'yon, iba pa rin ang kutob ko."

"What do you mean?" kunot noo kong tanong sa kanya. "Kaibigan lang turing ko sa kanya at ganoon rin siya sa akin."

"You're not sure about that, babe." sagot niya sa akin. "Lalaki ako, alam ko kung may gusto sayo ang lalaki o hindi." I sighed.

"You're overthinking, Clyde. Hindi ako magugustuhan ni Jeff." sagot ko sa kanya. Naramdaman ko ang paghigpit niya sa hawak niya.

"Just don't talk to him, Annie. That's all." sagot niya. Tumango na lang ako para wala na kaming pag awayan pa. Nanood na lang kami ng palabas hanggang sa matapos iyon. Nag play pa sila ng isang pang palabas dahil mahaba pa daw ang oras.

Nang mag-bell na para sa recess ay kanya kanya kaming ayos para kumain. Lumapit sa akin si Yanzee para manghingi ng pabango na dala ko. Habang nagpupulbos kami ay nagpaalam si Clyde na sa labas na ako aantayin kasama sina Finn.

Nagsuklay na rin kami ay naglagay ng konting liptint dahil baka masita kami ng mga teachers. Lumapit rin sa amin si Al.

"Girls, pahingi ako ng pulbo ah—Mga pre! Saglit lang!" sabi niya at nagmamadaling magpulbo tsaka humabol sa mga kasama niyang lalaki.

"Hoy, ang tatagal niyo! Wala na tayong maabutan na pagkain." sabi sa amin ni Finn na nakasilip sa bintana.

"Ayos lang, ang mahalaga maganda kami." sabi ni Liana habang nag papabango.

"Maganda naman na kayo." sagot ni Simon mula sa labas ng classroom.

"Gusto pa namin gumanda, mga pakialamero!" sigaw ni Yanzee na tumitingin sa salamin. Natawa kaming girls sa sagot niya. May kumuha ng salamin na hawak niya at nilapag iyon sa armdesk.

"Sobrang ganda mo na. Tara na." sabi ni Zaries bago hatakin si Yanzee palabas ng classroom.

"Sumunod na kayo!" rinig kong sigaw ni Yanzee. Tinapos na namin ang ginagawa namin at lumabas na rin.

Sumunod na rin kami papunta sa canteen, pag dating namin ay pinagreserba na kami ni Yanzee ng upuan kaya hindi na kami nahirapan mag hanap.

Ako na ang bumili ng pagkain namin ni Clyde. Chopsuey ang gulay at may maling naman kaya ayun na lang binili ko para sa amin ni Clyde.

Nilapag ko na ang pagkain na binili ko sa lamesa. Nang makumpleto kami sa lamesa ay nagsimula na kaming kumain.

"Here, babe, gulay." sabi ko kay Clyde at nilagyan ng gulay ang plato niya. Dumako ang tingin niya sa leeg ko.

"Huwag mong aalisin 'yan." paalala niya. I smiled and touch my necklace. Gusto ko rin may bigay sa kanya ng isang bagay na sentimental.

"Gusto ko rin may ibigay sayo." sabi ko sa kanya habang kumakain. "Gusto mo mayroon din akong sentimental na bagay na maibigay sayo. Yung magpapa alaala sayo na ako 'yon."

He smiled at me. I look at his eyes and see his adoration at me. Hinawi niya ang harang na buhok ko at pinaglandas ang daliri niya sa pisngi ko.

"I don't need that kind of things. You're already in my heart, that's how sentimental are you." he said and didn't leave the smile in his face.

"Kumain muna kaya kayo." Yanzee said. "Mamaya na 'yan!"

Natawa naman kami parehas ni Clyde at pinagpatuloy ang pagkain namin na may konting chismisan. Yes, chismisan dahil si Yanzee ay maraming baon na kwento.

Paminsan minsan ay sinusubuan na siya ni Zaries ng pagkain dahil nakakalimutan niyang kumakain siya dahil sa kadaldalan niya.

"Totoo nga! Maniwala kayo sayo sa akin. Nako!" sabi ni Yanzee pagkatapos niyang mag kwento. "Nagulat nga rin ako eh. Akala ko nag modular lang siya, yun pala uhm!" at nag-gesture pa siya nang malaking tyan.

"Matino naman boyfriend nun, ah. Panigurado paninindigan niya 'yon." sabad ni Liana sa usapan. Humarap ito kay Simon at tinutok ang tinidor na hawak na parang nagbabanta. Tinaas lang ni Simon ang dalawang kamay habang natatawang umiiling.

"Pero mahirap pa rin yon kasi hindi naman natin masasabi ang mangyayari sa mga susunod na panahon." sagot ni Janice. Nag thumbs up kaming mga girls sa kanya. "Buti na lang hindi ako pinapansin ng crush ko, kasi kung pinapansin niya ako baka rumupok ako tapos maging kami tapos may nanyari din sa amin tapos di pa ako handa tapos nag hirap kami tapos nag hiwalay kami."

"Hindi ka nga pinapansin, aanakan ka pa kaya." sagot ni Yanzee sa kanya. Natawa naman kami sa sagot niya. Napasimangot na lang si Janice at pinagpatuloy pagkain.

Nang matapos kami ay nag stay pa kami ng saglit at nang malapit ng mag time ay sabay sabay na kaming umakyat sa classroom dahil iisang room lang naman kami.

Pinanood lang ulit kami ng movie, bali apat na movie ang natapos namin sa buong araw na iyon. Kasalukuyan naming inaayos ang silya namin, ang iba ay nagwawalis at nagliligpit ng mga kalat kalat dahil mag uuwian na.

Hinatid ako ng Clyde pauwi, na lagi naman niyang ginagawa. Nagpakita muna ito kay Lola para batiin bago umuwi. Nasa kwarto ako ngayon at nag palit ng damit. Nang matapos ako ay nag text ako kay Clyde na mag chat siya pag naka uwi na siya.

Nagdesisyon gumawa ng journal ng marinig ko may tumatok. Sumilip si Lola at inaya na ako na maghapunan. Sinabi ko na susunod ako. Inayos ko muna mga gagamitin ko bago ako bumaba ng kusina.

Nagsasandok na si Lola ng pagkain sa plato ng maka upo ako ay binigay niya sa akin ang plato na sinandukan niya. Hindi namin kasabay si Mama ngayon dahil wala siya sa bahay, tuwing sabado at linggo lang namin siya nakakasama dahil sa trabaho nito.

Nang matapos kami ay sinabihan ko na magpahinga si Lola pero sabi niya maaga pa daw kaya nanood na lang siya ng tv. Samantalang ako ay nag huhugas ng pinag kainan namin.

"Annie, nandito pala si Jeff. Hinahanap ka." rinig kong sabi ni Lola mula sa sala. Nagpunas muna ako ng kamay tsaka ako pumunta sa living room. Nakita ko si Jeff na naka upo at ang maghawak ang dalawang kamay.

"Oh, Jeff. Anong ginagawa mo rito?" tanong ko dito. Kumamot ito sa ulo niya na tila nahihiya.

"Uh, gusto ko lang sana may makausap. If kung okay lang." sagot niya sa akin. Clyde words earlier about Jeff came up in my mind.

"Uh, sure. No problem. Tara, doon tayo sa kusina." sabi ko. Pumunta na ako sa kusina at kumuha ng pwede niyang makain. Buti na lang ay may cake dito sa ref kaya iyon na lang ang binigay ko.

"You want juice or soda?" tanong ko dito nang maka upo siya. Ngumiti ito bago sumagot.

"Water na lang. Thank you." sagot niya sa akin. Tumango naman ako naglapag ng isang basong tubig. Umupo na rin ako sa tapat niya.

"How are you? I heard a news. Totoo ba yon?" tanong ko sa kanya. He smiled sadly.

"Yes, I decided to stop our relationship." sagot niya sa akin. So, its true that their relationship has ended! But why?

"May naging problema kayo? Bakit hindi niyo muna pag usapan ng mabuti?" suhestyon ko sa kanya. "Baka nabigla lang kayo sa mga pangyayari."

"I will be honest to you, Annie." sabi niya sa akin. He looked into my eyes. "Matagal ko nang gusto makipag hiwalay kay Rana. I just can't because..."

"Because?" I asked. Urging to say his reason. They are both my friend, if there's anything I can do for them. I will do it.

"I didn't love her at the first place." sagot niya. Nagulat ako sa sinabi niya.

"You didn't love her? Pero bakit mo siya niligawan, remember? I help you to court her. How did it happen na hindi mo siya gusto?!" I can't help but to raise my voice. I can't believe his reason!

"Annie, I didn't love Rana!" balik niyang sigaw sa akin.

"Pero bakit mo pa siya niligawan? Pinaglaruan mo si Rana, Jeff!" sagot ko sa kanya. Natahimik siya sa sinabi ko. I sigh. "Did she know your reason?"

"Yes, sinabi ko sa kanya. She's angry. Nalaman niya kung sino talaga ang gusto ko..." sagot niya sa akin at tumitig sa akin. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"W-What do you mean?" tanong ko rito.

"Isn't obvious, Annie? I like you!" sagot niya na mas lalong nagpawindang sa akin. "I like you since we were kids. Kaya sobrang sakit nang malaman kong binalikan mo si Clyde."

He hold my hands but I was quick to remove it.

"Annie, bakit nag iistay ka pa kay Clyde? Why? Hindi ba sinaktan ka na niya? Bakit hindi na lang ako." sabi niya na may halong pagmamaka awa sa boses niya. "Kaya kitang mahalin katulad ng ginagawa niya. Mas kaya kitang alagaan."

"N-No..." sabi ko. "Hindi kita gusto, Jeff. Mag kaibigan tayo, ganon ang tingin ko sayo at hindi magbabago 'yon."

"But Annie—" I cut him off.

"Umalis ka na, Jeff. Umalis ka na." sabi ko sa kanya.

"Annie, please listen to me." pag pupumilit niya. Marahas akong umiling.

"No! I don't want to listen in your bullshits, Jeff! You hurt my friend, and  your reason is me!" sigaw ko sa kanya. I can't believe he did that to Rana..

"Annie, I'm also hurt too! Nasaktan din ako nang malaman kong kayo na ulit. He didn't deserve you, Annie." sabi niya.

"Get out, Jeff. Umalis ka na." pag pilit ko sa kanya baka hindi ko mapigilan ang sarili ay masuntok ko siya. "I won't tolerate your wrong doings."

Ngumiti lang ito ng mapait. He stood up at nilagay ang dalawang kamay sa bulsa ng suot ng pantalon.

"I thought you will be on my side..." sabi niya. "That Clyde is not good for you."

"Clyde is the only man I would love, Jeff. At hindi magbabago 'yon." mahinahon kong sagot sa kanya. "Now, get out. I don't want to see your face."

Tahimik itong umalis ng kusina. Napahawak ako sa ulo ko. I'm sorry, Rana...

- Madam L.

Continue Reading

You'll Also Like

48.7K 1K 54
not you're average mafia brothers and sister story.. This is the story of Natasha Clark, an assassin, mafia boss, and most of all the long lost siste...
94.6K 330 13
As the title says
Lucent By ads ¡¡

Teen Fiction

183K 4.2K 18
lucent (adj); softly bright or radiant ✿ ✿ ✿ My brother's hand traces the cut on my right cheek for some minutes. I have no idea how a cut can b...
96.2K 3.6K 38
ᴅɪᴠᴇʀɢᴇɴᴛ; ᴛᴇɴᴅɪɴɢ ᴛᴏ ʙᴇ ᴅɪꜰꜰᴇʀᴇɴᴛ ᴏʀ ᴅᴇᴠᴇʟᴏᴘ ɪɴ ᴅɪꜰꜰᴇʀᴇɴᴛ ᴅɪʀᴇᴄᴛɪᴏɴꜱ.