HER PAIN

By infinitebeauty_

193 49 15

In her whole entire life as a human,She receives nothing but pain. Will she be able to survive? Read this and... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9

Chapter 6

18 4 2
By infinitebeauty_

It's just 8:30 in the morning.Paggising ko inayos ko agad ang mga gamit na dadalhin ko bago ako ihatid nila mommy sa magiging bahay namin ni Kyle.

Yes,after my wedding yesterday ay ngayon na ako lilipat dahil bukas ay magsisimula na ang klase namin sa lilipatan naming school.Kaya naman ay andami kong dalang maleta.Halos lahat ata ng gamit ko andon na.

Pagkababa ko ng sasakyan ay naibuka ko ang bibig ko sa sobrang paghanga.Cause in front me is a high storey mansion colored with white and black which is my favorite colors.Nailibot ko ang paningin ko habang nakanganga parin pero naitikom ko agad yun nang lumabas si Kyle sa pintuan ng bahay at sinalubong kami.

"Good morning,tita at tito." pagbati niya kela mommy at daddy.Ngumiti naman sila bago nagsalita."Just call me Mommy Tina and your Daddy Greg." sabi ni sakanya ni mommy.Ngumiti nalang siya ng tipid bago ako lingunin at nang makitang andami nang dala ko ay lumapit kaagad siya at kinuha ang mga iyon bago bumaling ulit kela daddy.

"So,we're gotta go then,we already enrolled you two sa bago niyong school,okay? Enjoy your first night and please,take care of our princess Kyle." nakangiting sabi ni daddy.Napayuko nalang ako dahil alam ko naman na plastik lang yung pagpapakita nila ng concern sakin.

Tinignan ko nalang yung papalayong sasakyan nila bago tumingin kay Kyle.

"Let's go." sabi niya at naunang naglakad at pumasok sa loob.Dali dali naman akong sumunod kaagad.

At naibuka ko nanaman ang bibig ko pagkakita ko sa loob ng bahay.Dahil kung ano ang ikinaganda sa labas,mas sobrang ganda sa loob.At merong hagdan paakyat,siguro sa second floor at ang magiging room namin.

Binaba ko muna yung bag ko sa sofa at naupo bago libutin ng tingin ang buong bahay.Sobrang yaman naman pala ng mga Montreal.Pero naputol lang ang pagiisip ko nang tawagin ako ni Kyle.

"Arabelle." pagtawag niya.Tinignan ko naman siya at tumayo bago lumapit sakanya. "Come,i will show you your room." sabi niya bago naunang umakyat sa itaas.

My room? So hindi kami matutulog sa iisang kwarto?

Nalungkot naman ako ng maisip yun pero agad ko ding binalewala at sumunod nalang sakanya.

Huminto naman siya sa harap ng itim na pintuan bago buksan yun at ipasok ang mga gamit ko.Naglakad naman ako palapit don at saka pumasok sa loob.Nadatnan ko siyang nakatayo sa harap ng aparador ko bago humakbang palapit sakin ng ilang metro.

"Since this is just an arranged marriage,i suggested to my parents na paghiwalayin tayo ng kwarto dahil hindi naman tayo totoong kinasal talaga,this is just the deal of our parents para mapalago nila ang kompanya niyo,right?" tanong niya habang nakatingin sakin.Tumango naman ako bago magsalita.

"Yeah,no problem,I understand." ngiting sagot ko sakanya.He smiled before talking again.

"Ayusin muna ang mga gamit mo at magluluto lang ako ng kakainin natin,and your uniform that you will wear tomorrow,I already buy it.Andiyan na sa loob ng cabinet mo." sabi niya bago lumabas ng kwarto ko.

Ngumiti naman ako paglabas niya bago naupo sa kama ko at napabuntong hininga. "I guess,this is the start of my life now." sabi ko bago tumayo at ayusin na ang mga gamit ko.

After i'm done fixing my things,inayos ko muna ang sarili ko bago maglakad palabas ng kwarto and i noticed that there's also a door katabi ng pintuan ko and i think this is Kyle's room. I just shrugged my shoulder at bumaba na dahil nagugutom narin ako.

Pagbaba ko ay nadatnan ko agad si Kyle na naghahanda na ng pagkain sa mesa and so lumapit ako at tinulungan na siya bago kami maupo at magsimulang kumain.Nasa gitnaan namin ang mesa na medyo mataas at hindi ko alam ang tawag dito pero medyo mataas din yung inuupuan ko kaya naman ay hindi umaabot sa sahig yung paa ko.Pero umabot yung sakanya dahil matangkad siya.

While eating,walang umiimik saming dalawa so i decided to break the silence atmosphere surrounding us at naunang nagsalita.

"By the way,where is your parents?" takang tanong ko sakanya dahil hindi kona muling nakita sila Mr.and Mrs.Montreal after the wedding.

"They are out of town.May inaasikaso lang sila about sa company." sagot din niya.Tumango nalang ako bago pinagpatuloy ang pagkain ko.After that there is a moment of silence between us again bago ko napansin na kumuha siya ng tissue at ilapit yung mukha sakin para punasan yung bibig ko.

"Ang dungis mong kumain." sabi niya.

Nagulat naman ako at napatitig sa mukha niyang sobrang lapit na sakin.Bumilis at lumakas agad ang tibok ng puso ko.At dahil sa takot na baka marinig niya iyon ay naiatras ko ng kaunti yung sarili ko,pero sa kasamaang palad dumulas yung katawan ko at mahuhulog na sana ako patalikod...But then,buti nalang agad  niya akong nahawakan sa pulsuhan ko bago ako hinila palapit sakanya at sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nagkalapitan nanaman ung mukha namin kaya naman ay pasimple akong lumayo at inayos yung upo ko bago nahihiyang ngumiti sakanya.

"You alright?" tanong niya sakin habang natatawa. "A-ahm,yeah,T-thanks." pasalamat ko sakanya dahil kung hindi niya ako naguyod kanina ay baka tuluyan na akong nahulog at napilayan.Baka siguro hindi na din ako makapasok sa first day of school bukas pero buti nalang at hindi.

Naupo naman siya ulit habang natatawa parin bago pinagpatuloy ang pagkain.Pero dahil sa sobrang kahihiyan ay napapikit ako at hindi kona naituloy yung pagkain ko.Tumayo ako.Nagangat naman siya ng tingin sakin. "Tapos kana?" tanong niya sakin na nagtataka ang mukha.

"Busog nako,ano..hindi kona maubos."  alanganing sagot ko sakanya bago dali daling kinuha yung plato ko at lakad takbong pumunta sa kusina.Pagkatapos kong hugasan yung pinagkainan ko ay napahilamos nalang ako ng kamay sa mukha ko.

"Arabelle! Gosh! Umayos kanga! Ang tanga tanga mo! Pinapahiya mo yung sarili mo sa harap niya!" inis na saad ko sa sarili ko bago umayos at lumabas ng kusina.

Paglabas ko ay nakita ko siyang nanonood na nang tv sa sala habang nakaupo sa sofa.Lumingon naman agad siya sakin nung naramdaman niya yung presensya ko bago ngumiti at magsalita.

"Ako na ang bahala sa pinagkainan ko,mamaya konalang huhugasan.Mauna kana sa taas at magpahinga dahil maaga pa tayo bukas." sabi niya sakin.Tumango nalang ako at ngumiti bago umakyat na sa kwarto ko.

Pagdating ko don ay napabuntong hininga ulit ako ng malalim bago lumabas sa veranda ko.And oh,I forgot to tell you that there is also a veranda here,Great! Dahil ito ang pinakapaborito ko sa lahat ng parte ng kwarto ko.Malaya ko kaseng napagmamasdan yung kalangitan.

Napangiti ako at napapikit nang tumama sa mukha ko ang sariwang hangin.Binukas ko yung mata ko pagkatapos nun at deretsong tumingala sa itaas,inaalala nanaman yung mga nangyare sa buhay ko.Kung gano ako kagulo at kamalas dahil mayaman nga kami pero hindi naman kami masaya and worst hindi naman nila ako mahal o tanggap bilang anak nila.

At nang maisip yung nangyayare sakin tuwing sumasakit yung ulo ko ay mas lalo akong nalungkot.Hindi kopa alam kung anong klaseng sakit yun pero...t-tanggap kona na.....meron akong malalang s-sakit.Nangilid agad ang luha sa mata ko pero agad ko ding tiningala ang ulo ko para hindi tuluyang bumagsak.

Faith is really cruel to me.

Natulala nalang ako habang pinagmamasdan ang kalangitan na kumukulimlim nanaman pero hindi parin nawawala ang mga tala at ang buwan na sobrang liwanag na kung tititigan ay parang sobrang lapit sakin.

Nawala naman ang paningin ko sa mga sa mga yon nang marinig kong may parang bumukas na bintana sa tabi ko.Nilingon ko ito at nakitang si Kyle iyon.Kalalabas lang din niya ng veranda niya.Tinignan niya muna ako at napanganga ako nang makitang bagong ligo lang siya.Medyo basa pa yung bagsak niyang buhok.Ang gwapo niyang tignan sa anggulo nayon kase medyo natatamaan ng liwanag ng buwan yung mukha niya.

Napangiti ako ng todo dahil don.

Naglakad siya at tumungo din sa veranda niya sabay tingin sa itaas.Kaya naman ay nagkaroon ako ng tiyansa na surihin siya habang nakagilid.He even looks more handsome on that position.Ang gandang kuhanan ng camera dahil naliliwanagan yung mukha niya ng buwan.Kaya lang ay nasa loob yung cellphone ko kaya isasaulo ko nalang yung buong mukha niya.

He has a pointed nose and a perfect thick eyesbrows na kahit nakagilid siya makikita mo.And those red lips na kahit hindi ata siya maglagay ng liptint ay mapula padin.He also has a thick jaw na namana ata niya sa daddy niya at yun ang mas lalong nagpagwapo sakanya.

He looks so gentleman and pure hearted sa itsura niya na para bang hindi ata niya kaya maski manakit ng puso ng isang babae,and i admire him even more for that.Para siyang anghel na bumaba mula sa langit na halos lahat ata ng babae sa school namin dati ay lumuluhod sakanya.

Pero wala siyang pinansin maski isa dahil iisang babae lang ang nagmamay ari ng puso niya.And that is M-marisse.Yung kababata niya.

Sobrang swerte niya at merong taong sobrang nagmamahal sakanya.At ang swerte din ni Kyle kase kahit hindi ko nakikita,ramdam kong mahal din siya ni Marisse.Mahal na mahal....kahit minsan kopa lang siyang nakita.Alam ko din na may mabuti siyang puso at hinding hindi niya magagawang saktan si Kyle.And as long as he's with her.Magiging masaya nalang din ako para sakanya kahit na u-unti unting nadudurog yung p-puso ko.

Napangiti nalang ako ng mapait sa mga naiisip ko.Ang sakit palang magmahal.Now i know the feeling.Sa dinami dami ba naman kase nang taong pwede kong mahalin ay yung taong may mahal nang iba pa.

I just sighed and averted my gaze from him.

Ang saklap talaga ng tadhana ko.

Nawala lang ako sa pagiisip ko nang magsalita siya.

"Why are you still awake?" tanong niya habang nakatingin parin sa kalangitan.

"I'm not sleepy yet,saka gusto kopang magpahangin.Maaga pa naman." sagot ko sakanya nang hindi siya tinitignan.

Pero nagulantang ako at napalingon agad sakanya sa sunod na sinabe niya.

"Do you really want to experience falling inlove....with m-me?" tanong niya ulit sakin.At sa pagkakataon na yun lumingon na siya sakin at tinitigan ako ng deretso sa mata.

Hindi agad ako nakasagot at iniwas yung tingin ko sakanya.

"M-maybe? Yes,I w-want to experience falling inlove but n-not with y-you." sagot ko naman sakanya.

Napakunot naman ang noo niya bago nagtanong ulit.

"Why not me? Kanino moba gustong mahulog?" tanong niya.

Seriously? Tinatanong pa niya yan? Sakanya lang ako mahuhulog nang paulit ulit.Pero siyempre hindi ko sinabe yun.

"Of course,sa taong m-mamahalin ako pabalik,cause you said that you already love someone else,right? At ayokong masaktan at maranasan ang unrequited love." sagot ko naman sakanya.

Parang nagising naman siya agad sa katotohanan sa sagot ko at natawa bago iniwas yung tingin sakin at muling magsalita.

"You're right,sorry i forgot about it,may mahal nanga pala akong iba at baka masaktan lang kita." sabi niya sabay ngiti sakin.Napaiwas naman ako ng tingin sakanya dahil don.

"I miss her so much,i hope she misses me too." nakangiting sabi niya habang nakatingala ulit sa buwan.

"She misses you too...so much." nakangiti ding sabi ko sakanya.

"You think so?" tanong niya.

"Yeah" i answered.Tumitig naman siya sakin ng matagal nang dahil don bago ulit tumingin sa kalangitan.

"I hope so.." sabi niya ulit habang kumikinang sa kislap yung mga mata niya.Nakikita ko yun dahil nasisinagan siya ng sobrang liwanag ng buwan.

After a moment of silence between us again ay nagsalita na ako.

"I'm already sleepy,Goodnight,matulog kana din." ngiting sabi ko sakanya bago nauna nang tumalikod pero hindi kopa naihahakbang yung paa ko nang tinawag niya ako.

"Ara...." bulong niya.Bumilis agad ang tibok ng puso ko sa pagtawag palang niya ng pangalan ko.

Nilingon ko siya at nakitang nakangiti na siya sakin sabay sabing "I hope if you fell inlove...don sana sa lalaking hindi ka sasaktan at mamahalin ka ng sobra,yung higit pa sa pagmamahal niya sa sarili niya.I'll pray for your happiness too,sana balang araw mahanap mo din yung sarili mong kasiyahan o yung taong magpapasaya sayo." nakangiting sabi niya.

Natulala naman ako ng sandale at mabilis na nangilid ang luha sa mga mata ko pero pinigilan kong tumulo bagkus ngumiti nalang ako sabay sabing "Thank you....s-so m-much." my voice already cracked.Malapit narin akong humagulgol pero buti nalang at kaya kong pigilan.

Nagtaka naman ang itsura niya nang dahil don at kung bakit ganon nalang ang pasasalamat ko sakanya.Pero tumalikod nako bago pa siya magsalita ulit.

Naglakad ako papasok at isinara yung bintana ko.Nahiga muna ako sa kama bago ipikit yung mata ko at nang dahil don nagunahan sa pagbagsak yung mga luha ko.

I'm just so happy na kahit i-isa..meron pang tao na nakaalala ng k-kasiyahan ko.

And he said that without even knowing that i already fell for him...so hard.And it made me even more fall for him because of what he said.

Continue Reading

You'll Also Like

110M 3.4M 115
The Bad Boy and The Tomboy is now published as a Wattpad Book! As a Wattpad reader, you can access both the Original Edition and Books Edition upon p...