TILL FATE DO US PART (Fate Se...

Por dreyaiiise

20.1K 2.8K 556

She was having difficulty locating her father in order to make her mother happy. She encountered many difficu... Mais

TILL FATE DO US PART
PROLOGUE
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABABATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
KABANATA 56
KABANATA 57
KABANATA 58
KABANATA 59
KABANATA 60
KABANATA 61
KABANATA 62
KABANATA 63
KABANATA 64
KABANATA 65
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER

KABANATA 50

174 20 2
Por dreyaiiise

-Is this the end of us?-

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman matapos ko makita ang litratong iyon. Litrato ng mahal ko na walang saplot kasama ang Eunice na iyon. Bigla na lang akong nanlambot at nanlamig sa mga nakita ko. Hindi ko rin namalayan ang pagtulo ng luha ko. Para akong paralisado na hindi na makagalaw sa kinauupuan ko habang nakatitig sa litratong iyon.

Hindi ko matanggap na kaya nyang gawin sa akin to. Mahal ko sya eh. Mahal na mahal. Dahil sa litratong yun, gumuho lahat ng mga pangarap ko para sa amin.

Lubha niya akong sinaktan dahil doon.

"Honey, bakit mo nagawa sakin to?" paulit ulit kong sambit habang patuloy na tumutulo ang mga luha sa aking mata.

Hindi ko kayang makita si Vaughn na may kasamang iba. Sumumpa kami sa isa't isa na kami ang magsasama habang buhay. Sya na ang dahilan kung bakit pinipili ko pa ring mabuhay sa mundong ito kasi sya na ang buhay ko.

***************FLASHBACK***************

1ST MONTHSARY

"Kapag ba dumating ang araw na nagsawa kana sa akin, iiwan mo ba ako?" tanong ko sa kanya habang nakasandal sa dibdib niya, nakayakap naman siya sa akin.

"Ha? Bakit naman ako magsasawa?" halatang nagulat siya sa naitanong ko.

"What if lang naman"

"Liligawan kita ulit"

"Eh nagsawa kana nga. Pili ka, iiwan mo ako o maghahanap ka nalang nang iba kahit na tayo pa" hindi ko rin alam kung bakit ko natanong ito.

"Ano ba naman yan, honey?"

"Ano nga?"

"Iiwan nalang kita"

"Bakit?"

"Kaysa naman saktan pa kita lalo" narinig ko sa boses niya ang konting inis.

Nanahimik ako, hindi ko kasi alam ang pakiramdam ng maiwan..kasi niloko ako noon pero ako nang-iwan. Masakit ata ang maiwan?

"Huwag mo nang iisipin ulit yan, dahil hinding-hindi kita lolokohin. At tandaan mo na hindi ako magsasawa sayo"

Niyakap ko sya ng mahigpit at bigla kong narinig muli ang malambing nyang boses makalipas ang ilang minutong katahimikan.

"This day, sumusumpa ako saksi ang buwan at ang mga bituin, na ikaw lamang ang mamahalin ko at makakasama ko habang buhay. Kaya honey..."

"Hmm?"

"W-Will.."

"Will?"

"Uuhmm. Hehe" napakamot sya sa ulo sabay ngiti.

"Ano yun honey? Hiya ka pa eh"

"Will you spend the rest of your life with me?" habang hawak ang kamay ko at humarap sa akin.

O______O

Bumilis ang tibok ng puso ko sa mga tanong nya. Nararamdaman ko rin na umiinit ang mukha ko. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa mga titig nya.

"YES!" sambit ko sabay titig sa mga mata nya

"Talaga?" halatang hindi sya makapaniwala

"Oo nga. Bawiin ko gusto mo?" pang aasar na sagot ko

"No. Akin ka lang, may witness tayo oh" sabay turo sa mga bituin sa langit

"Oo na nga eh. Ikaw talaga kahit kailan eh"

"Hehehe. I love you, honey!" masayang sagot nya

"I love you too, honey" masayang sagot ko rin sabay yakap ng mahigpit

**********END OF THE FLASHBACK**********

Dali dali kong kinuha ang susi ng kotse at pumunta agad sa garahe.

"Lori! Hoy! Kami na ang magmamaneho"

Narinig kong sumisigaw sila pero mas pinili kong mauna nang umalis.

Pinatakbo ko ng mabilis ang kotse upang makarating agad ako sa kinaroroonan ni Vaughn. Ang sabi naman niya ay doon siya sa bahay nila may kailangang gawin.

*10 minutes later*

*Sorry, the number you have dial is out of coverage area*

"Sagutin mo please" tugon ko habang humihikbi

Ilang minuto na ang nakakalipas ng paulit ulit kong kontakin ang telepono ni Vaughn ngunit wala pa ring sumasagot.

"Hello, honey?" bungad nyang may malambing na boses

"Vaughn can we talk?"

"sure, about saan ba?"sigurado akong nagtataka na siya kung bakit ang pangalan niya ang tinawag ko sa kanya.

Habang kausap ko si Vaughn sa telepono ay tamang kakababa ko lamang ng kotse at agad na pumunta sa labas ng bahay nila.

"Nandito ako sa labas. Dito tayo mag usap" tugon ko ng may pagpapakalma sa sarili

"HONEY! Namiss kit--"

Natigilan sya ng biglang bumungad sa kanya ang malakas na pagdampi ng mga palad ko sa kanyang pisngi. Bakas sa kanyang mukha ang pagkagulat dahil sa ginawa ko.

Kasunod naman niya sa paglabas ang malanding babaeng iyon.

"Hanggang kailan mo balak itago sakin to?" sabay iniharap sa kanya ang litratong ipinadala ni Crystal.

"SORRY honey, magpapaliwanag ako" pagmamakaawang sagot nya

"SORRY? Yun na yon? Sa tingin mo kayang mabago ng sorry mo yang mga panloloko nyo sakin?"

"Sasabihin ko naman sayo kaso--"

"Kaso ano? Naunahan na kita Vaughn. Wag ka ng lumusot. Wag na tayong maglokohan dito. Sabihin mo nga sakin, ano bang maling nagawa ko para ganituhin mo ako? Kulang pa ba ha? Ano, sumagot ka" pasigaw na sagot ko.

Habang bumubuhos ang luha ako ay kasabay ding bumugso ang malakas na ulan.

Wala akong pakialam kung mabasa ang buong katawan ko. Kahit na mahal ko ang suot ko ngayon, wala akong ibang nararamdaman kundi sakit!

"Lasing ako nun! Hindi ko alam, honey" sigaw na rin niyang sabi.

"LETCHE KAYO! HUWAG MO AKONG MATAWAG TAWAG NANG HONEY!"

Tuloy-tuloy pa rin ang paglabas nang mga luha ko. Alam kong makakasama sa isip ko ito pero wala akong magawa.

"Stop it! Baby let's go inside" lalo akong nagbaga sa galit nang marinig magsalita si Eunice.

"BABY? HA HA, ANG SAYA MO SIGURO NA NAKIKITA KAMING GANITO ANO?"

"Lori, stop crying please..."

"Gago!"

"I'm sorry, baka kasi nabuntis ko siya kaya... tuloy na ang kasal namin ni Eunice"

Napatigil ako sa huling sinabi niya...kasal? KASAL?

"WOW! Ang bilis naman yata magbago ng isip mo hahaha. So, ganon na lang yon? Matapos ng lahat, para lang akong pagkain na pag nagsawa ay itatapon na lang? Galing naman"

Hindi ko maintindihan yung ekspresyon niya ngayon, pero kahit na tumingin ako sa mata niya ay iniiwas niya ito.

"Yeah, magpapakasal kami dahil mas bagay kami" pagsabat na naman nang malanding si Eunice. Ako talaga NANGIGIL na sa kanya, pero hangga't kaya ko... hindi ko siya papatulan.

"Manahimik ka! Kausap ba kita?"

Nakita ko ang pagkagulat niya, kaya mas pinili niya nalang na kumapit sa braso ni Vaughn, pero inialis ni Vaughn ito.

"Sana sinabi mo man lang sa akin na ikakasal kana. Para naman napaghandaan ko! Hindi yung magmumukha akong tanga dito" malamya kong sabi. Nawawalan na ako nang gana sa lahat.

"I'm sorry, pero hanggang dito na lang siguro tayo" mahinahong sagot ni Vaughn.

"Ang bilis naman. Parang kailan lang ang saya natin. May pag sumpa ka pa sa mga lecheng bituin na yan na tayo na habang buhay tapos sa iba ko pa malalaman na may kinakalantaryo ka ng babae. Saan pa kayo humuhugot ng kapal ng mukha?"

"Matatanggap mo rin na hindi tayo para sa isa't isa" mahinahon niyang sabi.

" May pa honey honey ka pa, yun pala sarap na sarap ka ng ikama yung malanding babaeng yan. Nakakadiri kayo. Mas masahol pa kayo sa hayop"

Wala na ata katapusan ang luha ko, umuulan nga pero nararamdaman ko po rin ang init ng luha ko.

Lalong bumuhos ang luha ko ng hinila nya ako at niyakap ng mahigpit.

"I'm sorry, sasabihin ko naman kasi talaga sayo sa lalong madaling panahon. Hindi ko intensyong lokohin ka"

"Bwisit na luha naman to eh! *sniffs*"

"Tahan na please" sagot nya habang hinahaplos ang buhok ko

"Akala ko ba hindi mo ako iiwan? Asan na yun?"

"Shh"

"Hayop ka! HAYOP KA!" pinagpapalo ko ang dibdib niya.

"I'm really sorry. Wala namang kulang sayo. Magpapakasal ako kasi kailangan. Salamat sa mga panahong nakasama kita at bumuo ng maraming masasayang alaala. Hindi ko makakalimutan yun. Mamimiss ko lahat ng pinagsamahan natin pero hanggang doon na lang siguro yun. Maraming salamat sa lahat, Lori"

Pagkasambit nya ng mga salitang iyon ay bumitaw na sya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang dalawang kamay ko sabay tiningnan ako ng diretso.

"ANG SAMA MO! ANG SAMA NIYO"" sagot ko ng may panginginig na boses.

Nakita kong bumaba sina Iza sa sasakyan.

"I'm so sorry...I'm so sorry" umiiyak na rin siya.

"Sobrang sakit non para sakin alam mo ba yun. Kung ano man yung mga desisyon mo, tatanggapin ko yun ng buong buo at irerespeto ko yun. Hanggang dito na lang nga siguro tayo. Kailangan na kitang palayain. Sana maging masaya ka sa buhay mo kasama si Eunice. Pipilitin kong bumangon para ituloy ang mga pinangarap natin noon. Gagawin ko lahat yun kahit wala ka na sa tabi ko. Mag iingat ka palagi ha? Salamat sa lahat, Vaughn. Mamimiss kita. Lahat lahat sayo at sa atin. Mahal na mahal kita" tugon ko habang pilit na pinanunumbalik ang mga ngiti sa labi

"For the last time, Lori, I love you. Goodbye. I want to explain everything but I know, hindi ka maniniwala"

Nanatili akong nakaupo sa daan na pilit niya akong tinatayo pero hindi pa talaga nag sink in ang mga sinabi niya.

"GAGO KA! Ano bang nagustuhan mo sa kanya na wala si Lori? Kasi bumuka agad sya sayo kaya magpapakasal na kayo? HAHAHA" narinig kong nagsalita si Iza

"He loves me, hindi naman niya minahal ang kaibigan niyo! Ang pangit nya kaya" sinagot sila ni Eunice kahit anong pigil ni Vaughn ay wala siyang magawa.

"Ayan para sa pagiging malandi mo" sinampal siya ni Alja sa kaliwang pisngi. "At ito naman ang sa pananakit sa kaibigan ko" sinampal niya naman sa kanang pisngi.

Pinigilan sila nina Gab at Caleb saka nila ako tinayo.

"LORI! AYOS KA LANG?"

Pagkatapos ng mga salitang iyon ay bumitaw na sya sa mga kamay ko. Tinanaw ko sya mula sa malayo. Doon na bumuhos lahat ng luha ko. Ganito pala ang pakiramdam ng maiwan. Gusto ko pa syang isugal. Pero paano pa ako susugal kung sa huli pala ay talo na ako? Wala na tayong magagawa kundi tanggapin na lang ang lahat at harapin ang panibagong buhay ng wala sya.

Nandilim ang paningin ko. "KASALANAN NINYO ITO KAPAG MAY NANGYARI SA KANYA!" sinugod muli ni Iza si Eunice para sabunutan. Ngayon napigilan na ito ni Vaughn

"Bro! Anong ginawa mo?!" galit na sabi nina Gab at Caleb.

"Ayos na ba ang passport ko?" biglaan kong tanong.

"Ha? Anong sinasabi mo?" si Alja.

"Papuntang SoKoR"walang gana kong sabi.

"Oo naman, sasama kana?"

"Lalayo ka?" biglang singit ni Vaughn. Pero hindi ko na siya pinansin.

Hindi na ako nababasa sa ulan dahil pinapayungan na kami ng mga lalaki.

"Iiwan mo ako?" hinawakan niya ang kamay ko, tinapik  ni Iza ang kamay niya.

"Pansamantalang ligaya lang pala ang gusto mo sa akin. Kaya mas pipiliin ko nalang lumayo. Masakit para sa akin na umalis pero kailangan dahil ako rin ang masasaktan" sagot ko sa kanya, napakalma na nila ako kaya nakausap ko na siya nang masinsinan.

"Nawala na ba agad ang pagmamahal mo sa akin?" he asked. Nanginginig na rin ang boses niya.

"Kahit na siya na ang makakasama mo sa lahat nang gagawin mo. MAMAHALIN PA RIN KITA SA MALAYO"

Tuluyan na kaming umalis sa lugar na iyon. Alam kong isang buwan lang naman kami mawawala pero siguro sapat na iyon para mawala ang nararamdaman ko para sa kanya?

Nakauwi kami nang patapos na ang Reception na ginanap.

Pinakita ko sa kanya na ayos ako, pero sobrang durog na ang kaloob-looban ko.

Pagkauwi namin, hindi na nila ako tinanong pa nang kahit na ano. Basta dumiretso lang ako sa kwarto ko dahil gusto ko lang mapag-isa ngayon.

Mahal na mahal ko siya, higit pa sa iniisip niya. Alam kong noong una hindi ako kaagad nagpahulog sa kanya pero wala eh! Marupok lang ako, madaling madala sa mga salita at tingin niya.

Marami akong tanong sa kanya, pero iniisip ko na wala na rin palang saysay kung tatanungin ko pa dahil wala na talaga kaming pag-asa.

Siguro hindi ako sapat? O nagkulang kaya ako? o hindi lang siya nakuntento?

Sabagay, maganda naman si Eunice. Mayaman, lahat naman nang lalaki nahuhumaling sa kanya. Anong laban ko doon? eh malandi yun eh.

Namuo nanaman ang luha sa aking mga mata, hindi ko maiwasang maisip na ako nagkulang, hindi ako sapat, o baka totoo ang sinasabi ni Eunice na hindi niya talaga ako minahal.

Pero bakit nagtatanong siya kung aalis ako? Bakit niya sinasabi na mahal niya ako gayong binuntis naman niya ang ibang babae.

Mahal ko siya, pero hindi ako tanga na ipaglalaban pa siya gayong alam ko sa sarili ko na wala na akong laban. Hindi na kami pwede dahil sa katotohanang magkakapamilya na siya.

Vaughn...akala ko ba ako lang? Bakit iba yang nasa bisig mo? Bakit ang pinagseselosan ko pa ang nakatuluyan mo?

Kailan ba masasagot ang lahat nang tanong ko! Habang buhay na ba akong ganito? Na tanga sa pag-ibig, laging niloloko.

Am I not worth it?

Nakarinig ako nang katok mula sa pintuan ko, wala akong panahon para sagutin kung sino man iyon.

Basta eto ako ngayon, nakatulala sa bintana habang bumubuhos ang malakas na ulan.

Hindi ko namalayan na nakapasok na pala ang kumakatok kanina, si Mama.

Hindi ko siya magawang tignan dahil alam kong mag-aalala siya kapag nakita niya akong ganito.

Miserable.

"Sweetheart?"

Wala pa rin akong kibo, ang tanging iniisip ko lang ay si Vaughn. Nagwagi ang katahimikan kaya ang tanging narinig lang ni Mama, ang mga hikbi ko.

Naramdaman kong yumakap siya sa akin.

"Anak, if you're thinking that you are not worthy. Yes you are valuable, worth it, and you deserve to be loved"

I think I need those words...

"Mama, bakit ba nagawa niya akong ipagpalit?"

"Narinig mo na ba ang side niya?"

"Uhm, I think so"

"Ano raw ang dahilan?"

"Ang sabi niya sa akin, nalasing raw siya that night. Tapos may nangyari sa kanila kaya pakakasalan niya ang babaeng iyon"

Masakit para sa akin na sabihin ito. Mahal ko yun eh, dapat sa akin siya eh..

"Anak, I know that he made a mistake. Let him fix it for his sake"

"Ma, kung ikaw ba? Anong gagawin mo kapag nakabuntis ang lalaking mahal mo? Ang malala pa ay hindi ikaw"

Wala talaga akong alam gawin, basta gusto kong mapag-isa pero kailangan ko nang kausap.

"Palalayain ko" sagot sa akin ni Mama pagkatapos nang ilang segundo.

"Bakit? Hindi ka man lang magagalit?"

"Siyempre magagalit ako"mabilis niyang sagot.

"Tapos palalayain?"

"Oo"

"Ma, I don't get it"

Hinaplos ni Mama ang buhok ko saka inalalyan paupo sa kama ko.

"If he's not worth of fighting for, let him go. Lori, you're not a teenager. Alam ko naman na alam mo na sa sarili mo ang gagawin mo, all you have to do is to think of it properly"

Then she walked away. Naiwan na naman akong tulala.

Ano ba ang dapat kong gawin? Pinalaya ko na naman siya.

Tama ba na hindi ko na siya pinaglaban, Lord?

Kung ipaglalaban ko siya, baka ako naman ang makasira nang kinabukas nang batang dala-dala ni Eunice.

Galit ako sa kanya pero hindi sa bata.

Oo, tama na siguro na ako nalang ang lalayo. Pagkatapos nitong taon ko na ito, babalik nalang ako ulit sa US para magsimula muli.

Masakit sobra, pero siguro iiiyak ko nalang ito tapos move on?

"Tapos kanang umiyak?" iniangat ko ang tingin ko kay Iza at Alja.

Tumayo ako para yakapin silang dalawa. I'm so blessed to have them both.

"Thank you so much"

Nag-iyakan kami nang ilang minuto saka bumalik sa wisyo.

"Sasama kami" Alja excitingly said.

"Pati sina Caleb?"

"NO" Iza said.

"Are you mad at him?"

"No I'm not! Kailangan lang natin nang espasyo mula sa kanila. Kaibigan nila ang nananakit sa iyo" she explained. But I feel so bad.

"Iza, you don't need to. Yung tungkol sa amin? Walang kinalaman iyon sa relasyon ninyo"

Sabi ko na nga ba, baka masira pa ang relasyon nila nang dahil sa paghihiwalay namin ni Vaughn.

"Yan din ang sinasabi ko, pero mas pinili niyang sumama" iritado na si Alja.

"Aish! Ayos lang naman. Gusto ko rin namang mag-travel"

"Yun nga ba?"

"YEP! I swear"

Dito sila matutulog ngayon, salamat dahil sa kanila gumaan ang pakiramdam ko kahit papaano. Nandito pa din ang sakit pero masaya ako na napapawi iyon sa tuwing kasama ko sila.

*******************************************

Continuar a ler

Também vai Gostar

20.8K 1.2K 43
HUMILIATION SERIES #2 Tanya doesn't want commitment. She's not into a real serious relationship because she's terrified that she might end up getting...
260K 14.2K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
8.6K 268 39
Asturias Series #1 How will the cold and snob Atasha Justine dela Cruz manage to stand up and arise in her greatest downfall? Will destiny makes its...