Gangsters of Ateneo

By unfoldedcap

202K 5.6K 804

The Secret Victorious Gang is just one of the gangs in Ateneo. In the world of the gangs, killing is legal. S... More

Author's Note
Secret Victorious Gang
Prologue
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XIX
XX
XXI
XXII
XXIII
XXIV
XXV
XXVI
XXVII
XXVIII
XXIX
XXX
XXXI
XXXII
XXXIII
XXXIV
XXXV
Epilogue
Future Heirs & Heiresses

XI

5.2K 148 7
By unfoldedcap

Deanna's POV

"DW!!!" Napabalikwas ako at dali-dali naupo.

"Bakit ka ba sumisigaw?!" Inis kong tanong habang kinukusot ang mga mata ko.

"Tulog mantika ka po kasi kamahalan at baka nakalimutan mo pong may training at klase pa po tayo." Sarcastic niyang sagot at nagcross arms pa.

Inirapan ko na lang siya at padabog na tumayo. I did my morning rituals. I'm wearing blue shirt, short and slipppers. Magpapalit din naman ako mamaya after training.

"Salubong na naman yang kilay mo dude. Anong nangyari sayo?" Natatawang tanong ni Bea nang makababa ako.

"Naku, parang alam ko na." Sabay hawak ni Tots sa baba niya.

"Pwede bang tumahimik na lang kayo?" Inis kong tanong at naupo sa tabi ni Jaycel.

"Mukhang naiinis ka na naman kay Jema buddy ah." Sabi nito at tumawa ng mahina. Hindi ba sila nagsasawa sa kakasalita?!

Hindi ko na lang sila pinansin at nagsimulang kumain.

"DW, sure na ba talaga kayo na aalis sa team?" Yumi asked. Napatigil ako at tumingin ng seryoso sa kanya.

"Yes. But don't worry, magagaling din ang mga papalit samin." I smiled at her. Tumango lang ito at nagpatuloy sa pagkain.

Afrer a few minutes, natapos na kaming kumain. Sabay-sabay kaming pumasok sa BEG. As usual, normal training lang ang ginawa namin.

Nilapitan ko si Coach O nang matapos ang training. Nasa shower room na silang lahat except saming dalawa.

"Coach, I have something to tell you." I said in a serious tone.

"What is it DW?"

"Aalis na po kaming SV sa Team." Halata sa kanyang mukha ang pagkagulat.

"P-pero malaking kawalan ang gagawin ninyo sa team." Mangiyak-ngiyak niyang sabi.

"I'll make sure na magagaling din po ang ipapalit namin. Kami na ang bahala sa papalit samin Coach." I sighed. "And pwede pa rin po ba kaming magstay sa dorm? Gusto lang po naming masigurado ang kaligtasan ng mga players natin."

"Kung yan ang desisyon mo Boss D, hindi ako aangal and it's okay na magstay kayo sa dorm dahil nga extrang rooms pa naman. But can I ask you a favor?" Tanong nito. Tumango naman ako.

"Tulungan niyo pa rin sila sa pagte-training." Sabi niya.

"No problem Coach. Katuwang niyo pa rin po kami kahit hindi na kami maglalaro." Ngumiti ako sa kanya. "Sige Coach, shower na po ako."

Tumango ito kaya pumunta na ako ng shower room and took a bath. I'm wearing sando na pinatungan ng blue jacket, black ripped jeans and white nike shoes.

"Papi mo DW!"

"Huhuhu akin ka lang."

"I love you BDL!"

"Cute mo JDR."

Iilan lang ang mga yan sa mga narinig kong mga bulungan ng mga students habang naglalakad kami sa hallway. Tahimik lang ang mga kasama naming babae.

Nang makaupo kami sa aming upuan ay humarap sakin si Jema.

"Pst!" Tawag nito sakin.

"Hmmm."

"Galit ka ba?" Napakunot ang aking noo sa tinanong niya.

"Bakit ako magagalit sayo?" I asked.

"Dahil sinigawan kita kaninang umaga." Kamot-baton niyang sagot. Ang cute hahaha.

"Wala yun." I smiled at her. Pero nainis talaga ako kanina hehe.

Ngumiti lang din siya sakin at humarap na sa may board dahil pumasok na yung prof namin.

.....

After a few hours, natapos din ang morning class. Dali-dali kaming lumabas ng room at pumunta sa cafeteria.

Sila Ponggay, Maddie, Tots at Celine na ang nag-insist na umorder kaya kami naman ang naghanap ng table namin.

"Hey Deans, sino yung mga papalit satin sa Team?" Pabulong na tanong ni Aly nang makaupo kami. Nasa right side niya kasi ako tapos sa left niya si Den. Nasa right ko naman si Jema.

"Makikilala niyo rin mamaya after class." I answered at tumango naman ito.

Ilang minuto lang ang nakalipas nang bumalik sila Mads na may dalawang tray ng foods. Inilapag nila ang mga yun at nagsimula kaming kumain.

Mahigit ilang minuto lang ang itinagal namin hanggang sa natapos kami. Gusto daw munang maglibot ng mga girls kaya pinasama ko na lang muna sila kina Tots, Bea at Maddie dahil may kikitain kami nila Jaycel at Aly.

Naglakad kami patungo sa mala-gubat na parte ng campus. Naabutan namin ang Waf's na naghihintay.

"Bilis niyo ah." Sarcastic na bunad ni Kim.

"So anong meron bruh?" Ara asked.

"I just want to ask kung okay lang ba kina Mika, Myla, Bang at Mela na sumali sa WVT. Hindi nga pala kami pwedeng sumali dahil malalaman nila ang surname namin." Sagot ko.

"Okay lang sakin Boss Deans pero sino ang magbabantay sa inyo?" Tanong naman ni Mela.

"About that, may kilala ako na pwedeng pumalit sa inyong apat kaya no worries." Assurance ko. Napangiti naman sila.

"Sure. We will join the team." They answered in chorus.

"Yun lang naman. Thank you dahil maaasahan talaga namin kayo." Aly said.

"Wala yun. What are friends for dba?" Sagot ni Mika.

"And by the way, kung pwede ay magstart na kayong sumali sa training later and magstay sa dorm." I added.

"Baka bukas na lang kami makakalipat sa dorm dahil may kailangan pa kaming gawin after training." Sabi naman ni Myla.

"Pero magte-training kami mamaya." Bang said.

"Sige sige. Osya, mauuna na kami." Paalam ko. Nakipag-fist bumo at yakapan muna kami bago umalis.

"Ang bilis mo talagang gumalaw buddy. Pero apat lang sila. Kulang pa tayo ng mga dalawa or tatlo." Sabi ni Jaycel habang naglalakad.

"Pupunta tayo mamaya sa SV Ground. Sure na yun." Sagot ko. Hindi kasi kami nakapunta ng site after try outs dahil may ginawa pa kami kaya hindi ko pa nakakausap ang mga tauhan namin.

Tumango lang si Jaycel at nagpatuloy sa paglakad. Nagtext si Bea na nasa room na daw sila. Nagpagod daw kakalibot. HAHAHA!

Kaya naman dumiretso na kami sa room.

"Saan kayo galing?" Tanong ni Jema nang makaupo kami.

"Sa tabi-tabi lang." Palusot ko. Nakita ko namang tinaasan niya ako kilay.

"What?" I asked.

"Saan nga?" Pangungulit niya. Huminga muna ako ng malalim bago sumagot.

"Kinausap namin ang papalit samin." Walang gana kong sagot. Nakita ko namang nagsi-liwanag ang mga mukha nila.

"Weh?? Kailan namin sila makikila?" Ponggay asked.

"Mamaya sa training." Jaycel coldly replied. Tumango lang si Ponggay at nakipag-kwentuhan na lang sa mga kaibigan niya.

.....

"Una na kayo sa BEG. We are just going to fetch your new teammates." Utos ko kina Jema nang makalabas kami sa room.

"Sumama na rin kayo TC, BDL at MM." Sabi ko naman kina Bea and she nodded.

"O-okay sige. Basta sumunod na kayo ah." Tumango lang ako sa kanya and separated our ways.

Sinundo namin sina Mika sa kabilang side ng building.

"Are you guys ready?" Tanong ni Aly nang makalapit kami sa kanila.

"Syempre. Kami pa." Pagmamayabang ni Mela kaya natawa kami.

Sabay-sabay kaming naglakad papunta sa BEG.

Kakalabas lng ng mga players muna sa shower room at nakapang-training na. Nag-uusap naman sina Coach O, Coach Vince, Ate Jia at Ate Dzi kaya lumapit kami sa kanila.

"Nandito na pala kayo." Coach O said when he saw us.

"Oh Mika, Myla, Bang, Mela, tagal nating hindi nagkita ah." Sabi naman ni Ate Jia nang makita ang mga kasama namin.

"Oo nga e." Sagot ni Mika at nakipagyakapan.

"So bakit niyo nga pala sila kasama?" Tanong ni Coach Vince sakin.

"Sila sng papalit samin." Nakangiti kong sagot. Medyo nagulat sila pero agad din silang nakabalik sa wisyo.

"Buti naman. I'm sure wala kaming magiging problema sa inyo." Ate Dzi said.

"Tara at para makilala ninyo ang magiging teammates niyo." Sabi Coach O at naglakad papunta sa mga players.

"Girls, sila ang magiging new teammates niyo." Katulad ng kila Coach O ay medyo na-shock din sila.

"Don't worry, hindi kami magiging pabigat." Mataray na sabi ni Mika at nag-smirk. Ganito talaga ang babaeng ito.

"Sino bang nagsabing pabigat kayo?" Ginaya din ni Ponggay ang pagkakasabi ni Mika at ngumisi rin. Alam kong hindi pa rin nila nakakalimutan ang ginawa kong pang-uutos kina Mika na saktan sila but past is past and we're okay na.

"Enough of that. Players, introduce yourselves to them." Malamig kong utos kaya tumigil sila sa pagbabangayan.

Narinig ko namang bumuntong-hininga si Jema.

"Jema Galanza." Walang gana niyang sagot.

"Jhoana Maraguinot. Jho na lang."

"Dennise Lazaro. Denden or den for short." Pilit na ngumiti si Den.

"Ponggay Gaston. Call me Ponggay dahil hindi tayo close." Sabay napailing na lang si Maddie sa inasta niya.

"Celine Domingo. Ced na lang."

"Ayumi Furukawa." Emotionless na pagpapakilala niya.

"Okay kayo naman." Sabi ni Aly at humarap kina Mika.

"Mika Reyes."

"Bang Pineda."

"Mela Tunay."

"Myla Pablo."

Mabilis nilang pagpapakilala.

"You can change your clothes na para makapagsimula na tayo." Ate Dzi commanded at agad namang pumunta sa locker room sila Mika.

Samantalang ito namang mga babae ay nagsiupo sa bleachers.

"Hoy Gaston, ano yung inasta mo kanina?" Tanong ni Maddie at nagpameywang pa sa harap ni Ponggay.

"Ano bang pakialam mo?" Inis na tanong naman ni Pongs.

"Tumahimik na lang kayo, okay?" Singit ni Jema.

Iniwan ko na lang sila at pumunta kila Coach O.

"Coach." Tawag ko dito.

"Yes DW?"

"I just want to ask something Coach. Sino na po ang magiging new captain of the team?" I asked.

"About that, I still don't know dahil hindi ko pa nakikita ang laro nila inside the court." Sagot niya.

"I know someone who deserves to be the captain." Napakunot ang kanyang noo sa sinabi ko.

"Sino?" They asked in chorus.

"Jema." I shortly replied.

"Ano naman ang nakita mo sa kanya at siya ang gusto mong maging team captain?" Tanong ni Ate Dzi.

"I can see that she can be a leader. Hindi niya hinahayaang ma-down ang ka-team niya most especially her friends. When we started to train, mas naging seryoso siya lalo na kapag nasa loob ng court. I can also see her competitiveness." I explained. Well, that is true naman dahil nakita ko na yun simula una pa lang.

"Napansin ko rin ang mga yun. I think siya ang pwedeng maging captain." Pagsang-ayon ni Coach Vince.

"But we will decide pa rin after how many days para mas sigurado tayo." Sabi ni Ate Dzi.

"Ok." I shortly replied at tinalikuran sila.

Nakisali kami sa training dahil gaya ng sinabi ko kay Coach na tutulong pa rin kami sa kanila kahit wala na kami sa team.

We didn't participated na sa mga drills dahil masyadong masakit sa katawan ang pinapagawa ni Aly.

Nag-water break muna sila for 5 minutes then nag-free spiking. Ngayon lang namin napagtanto na wala silang setter.

"Paano na yan Coach? Sayang ang oras kung magpapa-try out pa tayo." Sabi ni Ate Jia.

"Jho, dba may kapatid ka? Ang alam ko setter siya." Napatingin kaming lahat kay Bea.

"Paano mo nalaman?" Tanong ni Jho.

"Wala nang maraming tanong. Ask her if she wants to transfer here. We will settle her papers para makalipat na agad dito sa school and tell her na kami na ang bahala sa lahat ng gagastusin niya at tuition fee. Okay ba yun?" Mahabang paliwanag ni Bea. Dami talaga alam nito.

"O-kay sige. Tatanungin ko na lang siya mamaya." Alanganing sagot ni Jho. Binigyan ko naman si Bea ng 'mamaya-ka-sakin' look pero nginitian niya lang ako.

"Problema solved! Sa ngayon, si DW muna ang mag-seset sa inyo." Sabi ni Coach O. Hindi naman ako umangal at pumasok sa court.

Habang nagte-training ay hindi ko maiwasang mapaisip kung paano kami makakauha ng second setter. May kilala na ako na magiging second libero at iba pang spikers. Malalaman niyo mamaya sa SV Ground.

Ilang oras pa ang tinagal ng training hanggang sa mag-dismiss na si Coach O. We did our usual routine. Magliligo at uuwi sa dorm pero humiwalay na samin sila Mika dahil wala pa silang dalang gamit para makapagstay na sa dorm.

Pagkarating sa dorm ay agad kong hinila si Bea papunta sa vacant room.

"Bakit mo ako dinala dito Deans? May problema ba?" Agad niyang tanong.

"Did you used our connections para malaman ang tungkol sa kapatid ni Jho?" I asked.

"Oo. Sorry if I didn't tell you." Kamot-batok niyang sagot.

"Okay lang sakin yun. But why did you do that?" Tanong ko ulit. Bigla na lang siyang ngumiti.

"Deans, I like Jho. Bigla ko na lang naramdaman yun." She answered.

"Wow. Inlove ka na ah hahaha. Pero wag mong kalimutan na may mga kaaway tayo at reputation." Seryoso kong sabi sa kanya.

"Aye aye Boss D!" Nag-salute pa siya. Natawa na lang ako at sabay kaming lumabas ng kwarto.

"Hoy BDL! Kanina pa kita hinahanap. Nandito ka lang pala." Bungad samin ni Jho at pumameywang pa.

"Bakit? Miss mo na nga ako?" Natatawang sagot ni Bea at umakbay pa kay Jho. Ako? Nakikinig lang sa dalawa. HAHAHA!

"Asa! Ano bang ginawa niyo sa loob ng kwarto?" Tanong ulit ni Jho at tinabig ang kamay ni Bea.

"May pinag-usapan lang kaming importante." Ako na ang sumagot. "By the way, hindi na kami makakasabay sa inyo sa dinner dahil aalis kami."

"Tama ba ang narinig ko? Aalis kayo?" Biglang sumulpot si Jema.

"Yup." Dumating naman si Jaycel.

"Kumain na muna kayo bago umalis." Sabi naman ni Yumi.

"Hindi na para makauwi kami agad." Sagot ni Aly.

"Teka teka, saan ba kayo pupunta?" Tanong ni Den.

"Somewhere. Sige bye na!" Agad kong hinila sila Jaycel at Bea palabas ng dorm dahil alam kong marami pa silang itatanong. Agad namang sumunod sina Aly kaya tinext ko ang driver ko at pinapunta dito.

Ilang minuto lang ang nakalipas at agad siyang nakarating dito.

"Good evening po sa inyo. Saan po tayo pupunta mga ma'am?" Magalang niyang tanong nang makasakay kami.

"Kuya Rick naman e. Tawagin niyo na po kami ng kung ano-ano wag lang ma'am." Maktol ni Bea kaya natawa si Kuya.

"Sorry po heheh. Saan po ang punta ninyo?" Tanong nito.

"Sa SV Bar po." Magalang kong sagot. Tumango lang ito at nagsimulang magmaneho.

Medyo matagal ang naging byahe dahil nakalocate ang bar sa medyo liblib na lugar kung saan may ibang bar din.

Dali-dali kaming bumaba at sinabihan si Kuya Rick na mabilis lang kami.

"Boss D? Kayo po ba yan?" Tanong sakin ng nagbabantay s labas ng bar.

"Yes." I shortly replied.

"Ay magandang gabi po pala sa inyo." Nag-bow muna siya at nag-ayos ng tayo. "Ang tagal niyo pong hindi bumisita dito ah."

"Medyo naging busy lang po. Marami bang tao sa loob?" Tanong ni Tots.

"Opo pati po sa ground. Halos nandoon po ang mga kaibigan niyo." Sagot nito. Nagpasalamat kami at pumasok sa loob.

Umalingawngaw ang malakas na music at napakaraming tao. Naglakad kami papunta sa isang private room dito. Kailangan ang fingerprint namin anim para makapasok kay nilagay namin yun sa censor.

Nang makapasok kami ay sumakay kami sa elevator at dinala kami nito sa basement.

We own this bar. Pagkapasok mo ay aakalain mong ordinaryong bar lang ito pero nagkakamali kayo. May second floor pa ito kung saan ang VIP Area at ang private room na para lang sa mga tauhan namin at sa aming anim. Ang basement ay ang SV Ground/Site. Malawak itio. Maraming kagamitan, nga computers, etc. May gym at ring din dito para sa mga ginagawa naming training at labanan para mas ma-improve pa ang skills nila. May mga baril, patalim, basta mga gamit panglaban.

Nang makababa kami ay agad kaming sinalubong ni...

"Kitty!!!" Sabi ni Bea at yumakap kay Kat. Malakas na spiker itong si Kat.

"Bakit ngayon lang kayo dumalaw?" Tanong nito.

"Alam mo naman, pasukan na naman." Sagot ni Tots.

"Tara punta tayo doon at paniguradong magiging masaya sila kapag nakita nila kayo." Aya ni Kat kaya naglakad kami papunta sa mga taong busy sa kanilang ginagawa.

"Guys! Nandito na ang SV Gang!" Agad napatingin ang mga tao sa gawi namin.

Halatang nagulat sila nang makita kami at dali-dali yumakap.

Ito ang mga close friends namin dito sa ground.
Kat Tolentino
• Dani Ravena
• Jules Samonte
• Faith Nisperos
• Roma Mae Doromal
• Cy Malonjao
• Luigi Luna

Ang ibang nandito ay mga tauhan na namin na taga-bantay. Mga magaling makipaglaban.

"Oh kumusta na?" Tanong ni Kuya Cy.

"Okay naman. Eh kayo?" - Aly.

"Medyo nagiging busy at hassle dahil nag-aaral pa rin kami." Sagot ni Dani. Libero toh.

"Okay naman ba ang system? Mga businesses? Gumagalaw na ba ang mga kalaban?" Sunod-sunod na tanong ni Jaycel.

"About that, okay naman lahat. Minsan nagkakaproblema lang sa business dahil may mga nadedelay na products pero wala pa namang nagme-make move sa mga kalaban natin. Kapag meron na, babalitaan namin kayo agad." Sagot ni Luigi.

"That's good. Thank you talaga sa inyo dahil hindi niyo pinababayaan ang ground." Nakangiting sabi ni Maddie.

"Wala yun. Kulang pa nga ito dahil sa mga naitulong niyo samin e." Jules answered. Spiker siya.

Nung high school kasi kami, mayaman na kaming anim dahil sa mga parents namin. Ang mga kaibigan naman namin dito ay may mga financial problems. Naawa kami dahil may mga pangarap pa sila kaya nakiusap kami sa aming mga magulang na pag-aralin sila. Mabuti na lang at pumayag sila. Ganun sila kabait. Hanggang ngayon, kami pa rin ang nagbabayad ng lahat ng gastos nila kapalit na din ng ginagawa nilang pagtulong samin. Actually may pera na sila dahil nagpapart time job ang iba sa kanila at gusto nila na pag-aralin ang kanilang sarili pero tumanggi kami. Malaki ang utang na loob namin kay Kuya Cy dahil siya ang nagturo samin ng self defense dahil isa siyang MMA Fighter. Kay Luigi naman ay magaling siya pagdating sa technology. Para siyang mafia king. Sila Kat, Dani, Jules, Faith at Roma ang mga mata namin sa Ateneo. They are still studying pa. Hindi kami nagsasama sa school dahil baka kapag nalaman ng ibang gangs ang tungkol sa friendship namin ay baka sila pa ang saktan nila. Sila rin ang mga mata namin sa school at kapag busy kami.

"So, kailan nga pala ang Battle of the Gangs?" Kuya Cy asked. He's already on his last year sa college.

"Mga 4 months after na lang." Tots answered.

"Ahh basta kapag kailangan niyo nang magtraining ulit, alam niyo na kung saan kayo pupunta ah." Tumango kami kay Kuya Cy.

"So bakit pala kayo nagpunta dito?" Tanong ni Faith. Spiker din ito.

"Gusto sana namin kayong pakiusapan Faith, Kat, Dani, Jules at Roma na sumali sa Volleyball Team. Kulang ang players at alam niyo namang hindi kami pwedeng sumali hangga't wala pang nakakaalam sa identities namin. Don't worry, naninirahan din kami sa dorm kaya ligtas kayo." Mahaba kong sagot.

"Sure! Ang tagal ko na ding hindi nakakalaro e." Napangiti kamk sa sinagot ni Roma. Libero din siya.

"Salamat. Dagdag na naman ito sa mga utang namin sa inyo hahah." Natatawang sabi ni Aly.

"Naku wala yun! Magkakaibigan tayo at ang magkakaibigan, nagtutulungan. Basta kapag may kailangan at problema kayo, don't hesitate to ask us." Sagot ni Jules.

"So kailan kami magsisimulang magtraining? Mababait ba ang mga players?" Kat asked.

"Oo naman. Pwede na kayong magstart bukas. And by the way, kasali din sila Mika sa team." Lumiwanag ang kanilang mukha sa sinabi ko.

"Talaga?! Miss ko na sila huhuhu. Titira na talaga ako sa sa dorm." Natawa kaming lahat sa naging reaksyon ni Dani.

Nagkaroon kami ng oras para magkwentuhan at kumain muna kami bago nagpaalam na umuwi.

"Osya, we have to go home na. I'm sure nag-aalala na yung mga tao doon." Napakunot ang kanilang noo dahil sa sinabi ni Bea.

"Don't tell me may mga girlfriend na kayo?!  Gulat na tanong ni Jules. Alam naman nila na into girls kaming anim dahil friends kami e.

"Hindi pa. Wag kang excited Samonte." Sagot ni Tots.

"Osige, see you na lang kaoag kailangan na naming magtraining ulit dito. Basta kapag nagkaroon ng problema dito, tawagan niyo lang kami." Habilin ni Aly.

"Sige sige. Mag-iingat kayo." Sabi ni Kuya Cy. Nakipagkayapan muna kami at nagpaalam na sa kanila pati na rin sa mga tauhan namin.

Continue Reading

You'll Also Like

258K 9.9K 62
My collection of JENLISA one shot stories. May contain some stories written in Filipino.
202K 5.6K 40
The Secret Victorious Gang is just one of the gangs in Ateneo. In the world of the gangs, killing is legal. SV Gang is one of the most feared gang th...
69.9K 2.9K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...
16.8K 935 22
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...