The GCQ mission: Billionaire'...

By aizzienn

236K 7.2K 1.5K

NANG DAHIL SA COVID # 2: GCQ Dahil sa banta ng Corona virus, nawalay kay Mariella ang limang buwan niyang san... More

The GCQ mission: Billionaires Baby
Ola!
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 33
Chapter 34
Epilogue
Author's Note (Special Chapter)

Chapter 32

5.7K 192 26
By aizzienn


"Oh? Anong ginagawa mo rito?"

Nagising ang aking kaluluwa at napatingin ako kay nanay. Ngumiti ako sa kaniya ng payak saka ako huminga ng malalim at muling tumuon sa malawak na palayan sa harapan ko. Tatlong araw na simula nung makauwi ako rito sa probinsya.

Sa loob ng tatlong araw na iyon ay wala akong ibang ginawa kundi ang magmokmok at umiyak.. kasi si tatay ang daming sinasabi parang nanghahabilin! Nalulungkot ako na naiinis! Iniisip ko lagi ang lahat ng mga nalaman ko mula kay Matthew.

Binabagab rin ako kung tama nga ba itong naging desisyon ko. Kung ano ang maaring mangyayari at kung may magbabago kung bumalik ako at sinabi kay boss lahat?

"Anak, umuwi ka rito para mahimasmasan sa nangyari kaya wag kang magmokmok lang dito dahil mas lalala ang sitwasyon mo, magbilad ka ng palay!" Naupo si nanay sa ugat ng mangga katabi ko.

"Hehe, jowk." Dagdag nya.

Napailing na lang ako. Alam na nila lahat. Hindi ako naglihim pero wala akong binanggit na pangalan lalo na si Vallerie na sikat. Wala rin akong binanggit tungkol sa amin ni boss.

Sobra akong nangamba nang magalit si tatay sa akin, baka kasi anong mangyari sa kaniya. Si Karen naman ay nagtampo dahil hindi ko bitbit ang pamangkin nya nang pagbuksan nya 'ko ng pinto. Si nanay lang ata ang talagang nakakaintindi sa sitwasyon ko.

"Subukan mo kayang libangin ang sarili mo, Marimar? Nang sa gano'n ay makalimot ka sa bigat na dinadala mo. Nag-aalala kami sa iyo ng sobra, hindi ka na naman kumakain ng wasto.. yaw naming makita ulit ang naging estado mo dati anak."

Tumingin ako kay nanay. "Pasensiya na, nay, nagiging pabigat ako sa inyo at—

"Ano ka ba! Hindi ka mabigat, magaan ka lang!"

Napakurap ako habang nakatitig sa kaniya. Teka, biro ba iyon?

'Di kalaunan ay pareho kaming natawa. Para kaming mga ewan doon habang tumatawa. Nag-echo pa sa palayan kaya nagsiliparan ang mga ibon. Ang engot din ng nanay ko e, ano? Pero kahit papaano ay gumaan naman ang bigat na dinadala ko.

"Tara na Marimar, tanghalian na. Isang kalderong kanin ang inilaan ko para sayo dahil hindi ka kumakain ng maayos."

Sabay kaming naglakad ni nanay pabalik sa aming bahay na hindi kalakihan at gawa lamang sa kawayan. Malayo kami sa bayan, at dito sa kapatagang kinaroroonan namin ay malawak na tanaman lang ang makikita sa paligid. Malalayo ang agwat ng kabahayan at maipagmamalaki ko na ang palayan namin ang pinaka-malawak sa lahat.

"Aguy, ang loading! Pakabit na kasi tayo ng wifi nay!" Bulalas ni Karen saka tumayo at nagtungo sa bintana. Kakatapos lang naming kumain at naghuhugas na ako ngayon ng mga pinggan.

"Nagp-peysbok ka? Wala ka namang ka-chat." Si nanay iyon.

"Porke facebook chat agad? E nabo-bore kasi ako dito e."

"E kung ang bakuran kaya natin ang pagkaabalahan mo? Wala ka nang ibang hinarap kundi 'yang selpon mo! Pa-tats nga!"

"Ehehe! Mamaya na, may candy crash, temple run at puo na 'ko rito. Tsaka tanggalin nyo muna kalyo nyo, baka magasgas itong screen ng cellphone ko."

Itinaas nya pa ang Vivo nyang selpon para hindi maabot ni nanay. Hindi naman iyon bago at bigay lang ng ninang nya. Napailing na lang ako sa kaartehan ng kapatid ko.

"Ay hala, may story ang celebXtycoon. Tsk, hina ng signal!" Lumabas si Karen sa bahay, at ilang saglit pa ay narinig ko na lang ang pagtunog ng bubong namin!

"Hoy, ano'ng ginagawa mo dyan sa taas? Bumaba ka riyan!" Sigaw ni nanay habang nakatingala. "Baka mabutas ang nipa at lumusot yang paa mo!"

"Waah! 4G!" Bulalas ng kapatid ko sa itaas na parang walang narinig.. "Luh? Vallerie Wendel!"

Nahinto ako sa pagkuskos ng plato nang marinig ko ang pangalang iyon.

"Hala.. ikakasal na pala sya next week? Grabe, sana ilive 'to!"

Humigpit ang hawak ko sa plato at spongha. Hindi ako makahinga ng maayos.. ikakasal na talaga sila sa susunod na linggo?

"Sa'n ka?" Tanong ni nanay nang layuan ko ang lababo at nagpunas ako ng kamay.

"Sa labas lang sandali." Tipid kong sagot.

Tuluyan akong lumabas ng bahay at muli akong nagtungo sa ilalim ng mangga. Do'n ako umiyak ulit at 'di ko na pinigilan ang sarili kong humikbi gaya ng lagi kong ginagawa nitong mga nakaraang araw.

Hanggang sa sumapit na ang panibagong araw, gano'n pa rin ako. 'Di ko na magawang tumawa gaya ng dati pag kasama ko ang pamilya ko. Akala ko magiging madali ang recovery na sinasabi ni Ginger, pero hindi pala. Ewan ko nga kung magagawa kong mag-recover gaya ng plano e.

"Tara ate kila mang Tomas tayo! Nagka-karaoke sila do'n!"

Mula sa pagkakatulala ay napabaling ako sa kapatid ko. Ang lapad ng ngisi nya, mahilig talaga sya sa kantahan dahil maganda ang boses nya. Pang-broadway daw. Hindi ko alam kung saang kalsada yan, basta ang alam ko lang e malapad daw.

"Ayoko, pass ako."

"Anong pass?! Ano ka ba ate, magandang chance to para makalimot ka naman kahit sandali! Wag kang tutunganga lang dito!"

Hinila nya pa ulit ang braso ko. Kumapit ako sa kawayan naming upuan para hindi nya 'ko mahila. Magsasawa din naman sya e.

"Sige na, sumama ka na." Ani nanay na nakatutok sa selpon ni Karen. Naglalaro ata ng temple run ba yun? Kaya itong si Karen ngayon ay bagot na bagot.

"E ano ba kasing meron do'n?"

"Kaarawan ni pare, inimbitahan nya ako pero bawal muna ako ngayon sa karne at bawal ring uminom, kaya kayo muna. Itong si Thelma kasi, nawili na kaya dito na lang daw siya." Sabat ni tatay Marvin na mas kilala bilang Binoy. Kakalabas nya lang ng kwarto at may dalang tasa. Iniinom nya ang kaniyang herbal na tsaa.

"Sumama ka, Mariela."

Napakamot ako sa aking dendrap dahil sa maotoridad na boses ni tatay. Tumayo ako at mabibigat ang paang naglakad palabas kasunod ni Karen na halatang eksayted. Pag si tatay kasi hindi ako maka-hindi.

Savage love~ did somebody,
Did somebody break your heart?
Lookin like an angel but
Your savage love, when you kiss me
I know you don't give two fucks
But I still want that, your savage love~

Nagkantyawan at nagsayawan na sila habang kumakata si Karen. Makakapal na ang mukha ng ibang mga bisitang kapitbahay dahil lasing na. May nagbu-budots pa nga kahit itinuturo ni Karen ang tamang sayaw.

"Ate dali! Sali ka!"

Tawag nya sa akin pero umiling lang ako at kumain. Ang sarap kasi ng mainit na saging na sinasawsaw sa bagoong.

"Ate, dali na bilis! Hindi bagay sayo mag-emote! Pili ka na dito ng kanta!"

Inabot nya sa akin ang songbook. Mapilit talaga ang kapitid ko, pasalamat sya mahal ko pa rin sya kahit ang dami nya ng tigyawat.

Binuksan ko na ang songbook at walang ganag naghanap doon ng pwedeng kantahin. Kadalasan ay mga bagong kanta dahil bagong bili ang kanilang karaoke set ni mang Tomas.

"Wala akong mahanap na kanta." Isasara ko na sana ang songbook pero pinigilan nya ako.

"Ate, sige na. Para kay mang Tomas na nagb-birthday at kay mang Juan na nangangasim na dahil sa pawis kaka-budots. Kanta ka na ate! Sige na!"

Kumantyaw na din ang iba. Hindi sa pagmamayabang pero may maibubuga din talaga ang boses ko. Kung ang kay Karen ay pang-broadway, akin ay pang-highway. Pwede pa nga sa intersection. Hehe.

"Oo na! Basta ba may bring house."

Nakasimangot na binuksan kong muli ang songbook. Nagpatuloy si Karen sa pagkanta ng Marikit ata iyon? Narinig ko na iyon sa tiktok. May parte din na mabilis ang pagkabigkas ng lirko pero walang hirap nya iyong kinanta. Kabisadong-kabisado nya dahil mahilig syang mag-tiktok.

"Huling numero ko na 'to ate, patapos na. May nahanap ka na ba?"

Tumango ako at sinabi sa kaniya ang numero ng kantang napili ko. Nang matapos nyang itipa ang numero, napatingin sya sa akin..

"Ate, birthday ito kaya dapat masaya. Walang broken dito, ang bulsa ni mang Tomas ang broken. Bakit ito?"

"Gusto mo 'kong kumanta diba? Wag kang magtanong ng marami."

"Okay." Napakamot sya sa batok at inenter ang aking kanta.

Nang matapos na ang kanta nya, ako na ang susunod kaya tumayo ako. Nagdadalawang isip pa syang iabot sa akin ang mikropono. Nang makuha ko, huminga ako ng malalim at pinokus ang tingin sa iskrin. Nang magsimula ang pasiunang tugtog ng aking kakantahin, natigil ang lahat.. pero 'di ko sila pinasin.

Bakit ba ang buhay ko'y ganito? Wala
na yatang natitirang pag-asa sa mundo..
Lagi na lang tayong pinaglalayo,
'di ba nila nadaramang ang
pag-ibig ko sayo'y totoo..

"Luma!" Ponukulan ko ng masamg tingin ang kapatid ko dahil sa sigaw nya, agad naman syang nanahimik.

Di ko na kaya ang humanap pa ng iba,
Pagkat ikaw lang ang tanging sinasamba..
Alam mo bang kapag kapiling ka, bawat
sandali ay walang kasing ligaya..

Huminga ako ng malalim. Korus na kaya bibirit ako. Sa bawat salitang binibigkas ko, bumibigat ang dibdib ko kaya kailangan ko itong ilabas..

Umiiyak ang puso ko't sumisigaw
Pati ang isip ko't damdamin ay humihiyaw..
Buhay kong ito ay walang halaga, kung
ang pagmamahal mo ay mawawala pa..

Pumiyok ang boses ko at naluna ako. Kasi sa wakas nailabas ko ang sakit at bigat. Hindi rin naman ito luha ng kasiyahan.. basta ang pakiramdam ko ngayon ay maihahalintulad sa pakiramdam na ilang oras mong pinigil ang ihi mo tapos nang mailabas mo ay naluha ka sa gaan ng pakiramdam. Alam nyo yun?

Umiiyak ang puso ko't sumisigaw
Pati ang isip ko't damdamin ay humihiyaw..
Pagmamahal mo lang ang tanging pag-asa,
'di ko kayang mabuhay kung lalayo ka..

Nadadala ako sa musika at damang ko ang pagkanta. Bumibiyak na ang boses ko at minsa'y natitigil para umaiyak. Pero wala akong pake kahit magtunog pangit ang boses ko. Ang importante ngayon ay mailabas ko ang kahit wanhap ng dinadala ko.

Umiiyak ang puso ko't sumisigaw
Pati ang isip ko't damdamin ay humihiyaw..
Buhay kong ito ay walang halaga, kung
ang pagmamahal mo ay mawawala pa..

Umiiyak ang puso ko't sumisigaw
Pati ang isip ko't damdamin ay humihiyaw..
Pagmamahal mo lang ang tanging pag-asa,
'di ko kayang mabuhay kung lalayo ka.."

Binigay kong lahat sa huli kong birit kahit pa pumiyok ako. Nang matapos, bumuga ako ng hiningang wala ng mas ibibigat saka napatingin ako sa paligid na basa pa rin ang pisngi. Lahat sila ay tahimik na nakatingin sa akin. At ilang saglit lang...

"Waah! Ate! Wala ka namang sinabi na ikaw pala ang broken!"

"Grabe Marimar, kahit piyok ka ng piyok, parang sinakal ang puso ko."

"Wooh! Magaling, magaling!"

"Ang galing, Marimar! Dahil dyan, sa iyo na ang isang hita ng litson!"

"Pati yung dila at tenga!"

Napangiwi ako habang nagpapasalamat sa papuri ng bawat isa. Lumapit sa akin ang kapatid at mahigpit akong niyakap. Pinahid ko rin ang aking mga luha saka mahigpit syang inakap pabalik.

"Ganyan nga ate.. ilabas mo at wag kang papa-alipin."

Napangiti na lamang ako. Kahit papano, nabawas-bawasan din ang bigat. Ngunit napahiwalay kami ni Karen sa isa't isa nang lumapit sa amin si mang Giasal na isa pang lasing at hindi na halos makatayo.

"Marimar! Amin na mic, may gushto lang shana akong ishare. Hehe!"

Pulang-pula na ang mukha at nakangisi kahit wala namang nakakatuwa. Myembro sya ng kapitolyo at sya ang regular na tumitingin sa estado ng mga palayan dito kaya naging kasundo nya ang bawat magsasaka.

"Ano po ang gusto nyong ishare mang Inasal– ay este, mang Giasal?" Tanong ko saka inabot sa kaniya ang mikropono.

"Alam nyo ba kung bakit ginagawa ito ni April Boy?" Itinaas nya ang kaniyang matatambok na braso at inekis sa bandang itaas ng kaniyang noo. Ginaya nya ang kilos ng idolo kong manga-awit.

"Hindi! Bakit?" Sagot ng lahat.

"Ayon sha haka-haka, nung una raw'ng shumabak shi April Boy sha ishang amateur na patimpalak, nahulugan sha ng buko. Kaya shimula non, lagi nya na shang nakaganito. Hahaha!"

Natahimik ang lahat.. natigil si mang Giasal sa pagtawa at napatingin sa bawat isa.. "Ano? Patataashan ko ng limang purshento ang buwishan nyo?"

"Hahahaha nakakatawa talaga pare!"

"Gano'n pala iyon? Hahaha!"

Napa-iling ako at muli nang naupo. Nawalan na si Karen ng ganang kumanta kaya ang mga lasing na ang nagbidyoke.

Hapon na nung napagdesisyunan namin ni Karen na umuwi. Lugmok na ang mga lasing maging si mang Tomas kaya pinatay na ni aleng Cita ang bidyoke at nagpaalam na din kami. At syempre, gaya ng hiling ko ay nakapag-bring house ako, marami-rami din. Humingi pa 'ko ng saging at bagoong para kay tatay dahil hindi nga sya pwede sa karne.

Nakainom din ako ng kaunti, mga kalahating galon ng tuba siguro, hehe. At dahil nga hindi sanay ay medyo naloka ako. Naka-akbay sa akin si Karen na nasa maayos na kondisyon naman dahil hindi ko sya hinayaang uminom.

"Karen! Kareninaaaaa.. Karencitaaaaa! Hahahaha!"

"Ano ba ate, umayos ka! Ang baho mo!" Naiinis na sya, pero 'di ko pinansin at pinisil ko ang ilong nyang may tigyawat sa tuktok.

"Hahahahahaha! Napiga."

"Kainis ka! Ihulog kaya kita sa palayan?"

Sumimangot sya. Sandali muna kaming nahinto dahil inaayos nya ang posisyon namin. Ang masikip na daan sa pagitan ng bawat kahon ng palayan kasi ang binabaybay namin ngayon. Malapit na rin kami sa bahay.

"Karen.."

"Oh?"

"Kilala mo ba shi Alexhhxxh.."

"Sino?! Teka umayos ka nga, hirap na hirap na 'ko dito oh!"

"Yung shi ano ba... yung mapapangashawa ng idol mo.."

"Ah, si Mr. Alexander Aleksev? Oo naman! Kay gwapo no'n."

"Kaya nga eh.. alam mo bang gago yun ha? Huhu, biniyak nya ang pusho ko! Kala ko mahal ako! Pinitik shiguro ng nanay nya sa shingit kaya hindi na 'ko naalala! Ang shama nyaaa..." naiiyak na naman ako.

Nasayang lahat ang pagsisikap ko na wag syang alalahanin o maski banggitin ang pangalan nya. Kasi kahit anong gawin ko, hindi sya mawala-wala sa isip ko. 

"Anong trip yan? Mangarap ka na lang ng security guard, fishball vendor, ukay-ukay seller, o kaya nagr-repair ng relo sa may tabi-tabi. Wag na yung CEO ng isang automotive company na may real estate business at mall na bago at the same time! Sobrang pangarap na yun ate, chill ka lang."

Napanguso ako.. "Ano ka baaa! Ang shakit mo magshalita ah! Totoo yun! Yung mall? Binili nya 'yun para shakin! Naghalikan pa nga kami, hihi, dalawang beshesh shiguro? Bitin nga eeehhh!"

"Umayos ka nga, malapit na tayo sa bahay. Siguradong papagalitan ka ni nanay dahil naglasing ka! Sana lang talaga tulog si tatay, baka atakihin 'yon sa puso dahil sa mga pinaggagawa at pinagsasabi mo."

"Eeehhh?! Makinig makinig makinig ka munaaa.. mahal ko kashi yung tao. Pero hindi nya 'ko pinanindigaaan! Kainis sha! Kainis talaga sha! Sha ang bukod tanging lalaki na sinabihan kong mahal ko! Kashi ang bait nya, perpektong ama, pinashaya nya 'ko, binuo nya 'ko! Yun pala paasha sha! Huhu.. paasha shaaa!" Sigaw ako ng sigaw. Pero ito ang gusto kong gawin at walang pipigil.

"Sakit mo pala sa ulo pag naka-inom! Kaya wag ka ng iinom.. maski tubig!"

Hindi na 'ko nagsalita pa dahil mukhang galit na galit na talaga si Karen. Kalaunan ay dumating na rin kami sa bahay.

"Nay! Patulong po! Si ate lasing!"

Kita ko ang hirap nya habang inihahakbang ako sa hagdan. Sinikap ko rin namang aninagin ang mga baitang para hindi na gaanong mahirapan si Karen.

"Asan na ba sila nanay?!"

Nang maka-akyat, kinabig nya 'ko tungo sa pinto dahil muntik na 'kong matumba sa kawalan ng balanse.

"Nay?! Si ate las—

"N-nandito na pala kayo!"

Napatingala ako kay nanay na bigla na lang sumulpot sa aming harapan. Nagulat ako ng samaan nya kami pareho ng tingin, lalong-lalo na ako! Napakatalim ng tingin nya nang hagurin nya ng tingin ang itsura ko.

"Ano bang pinaggagawa mo sa buhay mo?!" Pabulong nyang asik. Teka, ba't ganyan sya? Ang maldita!

"May uod sa pwet, nay?!" Napangisi ako habang papikit-pikit na. Mas lalong sumama ang tingin nya at kalauna'y napapikit sya ng mariin.

"Umalis ka riyan, Thelma." Boses iyon ni tatay pero hindi ko makita kung nasaan sya dahil nakaharang nga si nanay.

"Marimar?" Si tatay ulit!

"P-po?"

"May bisita ka." Kakaiba ang boses niya.. para syang galit na gustong mangagat pero pinipilit maging kalmado.

"B-bwishita?" Wala sa sarili kong sabi.

Huminga ng malalim si nanay at umalis sa pagkakaharang sa pinto, kaya naman ay tumambad sa aking pananaw ang sala.

Una kong natanaw si tatay. Naka-upo sya, may hawak na mug, nakatingin sa akin at salubong ang kilay. Lumipat naman ang tingin ko sa taong naka-upo katapat nya.. at nang magtama ang aming paningin, pakiramdam ko nawala ang kalasingan ko...

Hala! Si ano! Teka.. hindi pwede! Baka namamalikmata lang ako!

Kinusot ko ang mga mata ko upang masiguro kung sya nga.. nang muli akong dumilat.. nando'n pa ri sya!

Jusmeyo Marimar... s-si ano nga! Bakit sya nandito?!

"Oh shit,"

Napatingin ako kay Karen na tulala at nabitiwan ang bitbit na supot. Nakatingin lang din sa taong iyon.. sobrang kaba ang nararamdaman ko ngayon.

Hindi makapaniwalang muli akong bumaling sa aming panauhin. Agad syang napatayo nang magtama ulit ang aming paningin..

"Mariel.."

S-si boss nga! O jusko.. "Hindi.. hindi hindi hindi!"

Napatakbo ako pababa ulit ng bahay. Waah!Hindi pwede! Bakit sya nandito?

"Marimar! Saan k– jesusmaryosep!" Dinig kong tawag ni nanay. Pero hindi! Ayokong tumigil maski lumingon!

"Mariel? Don't run!"

Natigil ako at napalingon kay bods na pababa na ngayon ng bahay at mukhang hahabulin ako. Hindi! Hindi pwede! Teka, diba sabi ko hindi ako lilingon?!

Natigil ako nang makitang palayan na ang nasa harapan ko. Nagdadalawang isip ako kung tatakbuhin ko pa ba ang daanan na tinahak namin ni Karen kanina o tatahakin ko na itong maputik na palayan na ito. Malayo pa kasi yung daan! Pag tinakbo ko yun, siguradong maabutan nya 'ko!

Ah bahala na!

"Marimar! Jusko ba't ka tumatakbo sa palayan?! Masisira ang mga palay natin!"

Si tatay iyon, pero huli na ang lahat dahil tinatahak ko na ang palayan ngayon! Kailangan kong makalayo! Punong-puno na ng putik ang saya at mga binti ko, pero wala akong pake! Kahit mahirap dahil lumulubog ang paa ko sa putik, nagpatuloy lang ako.

"Mariel! Damnit, stop!"

Hindi! Hindi ako hihinto! Kahit malapit na sya sa likuran ko, hindi ako hihinto!

"Wag mo 'kong habulin! Wag kang lalapit!" Tatakbo ako hanggat kaya ko! Hindi ko alam kung ba't sya nandito at pa'nong nandito sya! Diba ikakasal na sya?

"I said stop!"

Bigla'y naramdaman ko ang mga braso nya na pumalibot sa akin at sadya nyang ibagsak ang aming katawan sa putikan kaya ngayon kami ay pareho ng nababalot ng putik. Tatayo at tatakbo na naman sana ako pero muli nya akong nahila sa baywang kaya bumagsak ako ulit sa kaniyang dibdib!

"Mariel, just stay."

Pareho kaming hingal. Napatingin ako sa kaniyang gwapong mukha na ngayon ay may mangilan-ngilan ng talamsik ng putik. Nakapikit sya at habol pa rin ang hinga.

Iniwas ko muna ang dahon ng palay na nakaharang sa aking mukha, saka ko sya hinampas sa dibdib. Ngayon ko lang din napansin na kulay itim na tirnong pang-opisina pa ang kaniyang suot.

"Bakit ka nandito? Diba ikakasal ka na?!" PRa g tinusok ng karayom ang puso ko nang bigkasin ko ang mga iyon.

Nagtaas sya ng tingin sa akin at hinipo ang aking pisngi, may putik pa sa kaniyang kamay pero hinayaan ko na lang. Nakita ko ang ginhawa sa mga mata nya at unti-unting pumorma ang ngiti sa kaniyang labi.

"Itanan mo 'ko Mariel."

Nanlaki ang mga mata ko. Teka.. ano daw? Narinig ko ba iyon ng tama? "T-teka ayusin mo boss kasi medyo may tama ako e.."

"I said, itanan mo 'ko." Huminga sya ng malalim.. "Mariel, I'm serious."

•••

Note: This part of the story has long been written months before the passing of April Boy Rejino, one of the greatest singer in OPM history. I am a super fan and I do hope nobody was offended with the humor I included. :)

Continue Reading

You'll Also Like

139K 1.3K 5
Spencer Salvatore force his wife to sign their divorce paper, just to be with his wife bestfriend who can gave him a child. But sadly, He discover t...
2.9M 82.3K 60
WARNING: This story is my oldest story! You might encounter some cringe and immature scenes that needs some revisions! ... He bought me, but I didn't...
4.6M 167K 57
Juariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would...
1.2M 24K 53
Isang babaeng magiging personal maid ng anak ng billionaryong pamilya. Mabibihag ng dalaga ang puso ng kaniyang boss at hinding hindi na siya pakakaw...