The GCQ mission: Billionaire'...

By aizzienn

236K 7.2K 1.5K

NANG DAHIL SA COVID # 2: GCQ Dahil sa banta ng Corona virus, nawalay kay Mariella ang limang buwan niyang san... More

The GCQ mission: Billionaires Baby
Ola!
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Epilogue
Author's Note (Special Chapter)

Chapter 31

5.4K 172 18
By aizzienn


"Sya 'yan, ang anak mo."

Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kuna. Nang masilip ko ang bata, parang nahinto ang mundo ko.. gaya ni Jumong ay maputi rin ang bata at halatang hindi purong pinoy ang dugo. Pero ang mukha nya..

"Sya ang anak mo maniwala ka. Oo, nag-iba na ang itsura nya ng bahagya kasi alam mo ining, habang lumalaki ang bata, minsa'y umaayon ang itsura nito sa madalas nyang kasama at nakakasalamuha."

Hindi ako nagsalita at pinakiramdaman ko ang sarili. May proweba na at lahat... pero kasi hindi ko maramdaman ang naramdaman ko kay baby Azi no'ng makita ko sya. Wala ang lukso ng dugo. Mas dumami lang ang katanungan sa isip ko!

"Bakit—

Ngunit naputol ang ano pa mang tanong ko nang marinig ko ang andar ng makina sa labas. Mabilis akong nanakbo palabas ng bahay at nakita kong papaalis na ang kotse kaya agad akong humabol.

"Madame! T-teka Madame!" Iiwan nila ako dito?!


Huminto ang sasakyan kaya agad kong kinatok ang pinto. Katok ako ng katok habang tinatawag si Madame. Nang bumaba ang bintana ay agad na sumalubong sa akin ang seryosong nyang mukha.

"You found your real son, so you have no more reason to stick around my son. I did you a favor, Mariela. Stop meddling with our lives and go back to where you came from.. or, be with a traitor son. You like him right?"

Sumara ang bintana at muling umarangkada ang sasakyan. "Madame teka! Teka kang!"

Sinubukan kong habulin ang kotse habang patuloy sa pag-iyak.. pero 'di sila huminto hanggang sa mapagod ako kaka-habol at nalugmok na lang sa daan. Ibinihos ko ang labis na lungkot at kawalan ng pag-asa. Malamang ito ang gagawin nya, kailan pa ba naging mabuti si Madame sa akin?

Ilalayo nya na sa akin si Jumong.. hindi man lang ako nakapag-paalam sa bata. Maaring nahanap ko na nga ang tunay kong anak, pero malaking porsiyento pa rin sa akin ang naniniwalang si Azi ay si Jumong! Mahirap para sa akin na kalimutan lang 'yun. Gusto nga talaga ni Madame na mawala ako.

Ilang sandali akong nanatili sa pagkalugmok. Hindi na 'ko halos makakita dahil sa luha.
Iniisip ko ngayon si boss.. asan ba kasi siya? Alam nya ba ang tungkol dito? Sang ayon ba sya sa nangyaring ito? Akala ko ba hindi nya 'ko pababayaan? Bakit hindi nya na 'ko binalikan? Bakit nya 'ko hinayaan?

"Hija, okay ka lang?"

Sinikap kong tumingala nang marinig ko iyon, saka ko pinahid ang aking luha upang umaninag. At natigil ako sa pag-iyak nang makitang may mga tao nang nakapaligid na sa akin. Tinatanong nila kung ano'ng nanyari pero hindi ko sila nagawang sagutin.

Tinulungan nila akong makatayo at hinyaan lamang nang magsimula akong humakbang kahit nangangatog ang aking mga tuhod. Hindi ko alam kung paano ako nakabalik sa bahay ni aleng Merlina. Pero ang mas hindi ko inaasahan ay hindi pa pala tapos ang mundo sa pagpapahirap sa akin..

"Ano? Gano'n lang? Kukunin mo ang anak mo? Teka lang naman ining, ang laki ng ginastos ko do'n! Kailangan mo muna akong bayaran bago ko iyon ibabalik sa 'yo!"

Mas lalong nagunaw ang mundo ko.. wala akong ibang masabi kaya walang lingong akong tumalikod. Wala na 'kong lakas, wasak na wasak na 'ko sa loob, walang-wala na 'ko sa sarili. Mahapdi na ang mata ko kakaiyak, masakit na din ang ulo ko kakaisip ng kung ano ang dapat kong gawin..

"Oh? Marimar? Bat ang dumi mo at—

Agad kong yinakap ang pinsan ko at tahimik akong humikbi sa braso nya. Nanahimik lamang sya at walang ibang sinabi. Yinakap ako ni Ginger pabalik at marahan nyang hinahagod ang likod ko. Pinilit nya 'kong patulugin kahit hindi pa kami nakakapag-usap. Wala rin syang tanong.. mukhang may ideya naman na sya sa nangyari, basehan lang na hindi ko dala ang anak ko.

Hindi ako natigil sa pag-iyak. Parang may malaking butas sa dibdib ko na kahit anong isip ko ng mga positibong bagay ay hindi iyon natatapalan. Naging pahirapan din sa akin ang pag-tulog kaya sobrang maga ng mga mata ko kinaumagahan. Walang-wala ako sa mundo.. at hindi mawala-wala sa isip ko ang tanong na ano bang nagawa kong mali at ganito na lang ako parusahan?

"Ano na'ng plano mo ngayon?"

Nabalik ako sa huwisyo sa tanong na iyon ni Ginger. Pinahid ko rin ang mga luha na ngayon ko lang napansing nagsitulo na pala. Tumikhim ako at tiningnan sya.

"Hindi ko alam, Ginger. Sisiguruhin nila Madame na hindi na 'ko makalapit pa ulit ro'n lalong lalo na sa bata. Tsaka nagdadalawang isip kasi ako dun sa batang hawak ng ale. Hindi ko na talaga alam kung ano'ng gagawin ko. Hindi ko na kaya.."

"Kung hindi mo na kaya, hindi naman masamang tumigil muna. Kasi alam mo, ako ang napapagod d'yan sa nangyayari sa 'yo e.." Hinagod nya ang aking likuran. "Umuwi ka kaya muna sa probinsya?"

"P-pero kasi pinangako ko sa sarili ko at kila nanay na hindi ako babalik ro'n na hindi dala ang apo nila." Nakagat ko ang labi ko kasi parang iiyak na naman ako ulit.

"Alam ko, pero sa ngayon may magagawa ka ba? Pag pinagpatuloy mo pa 'to sigurado akong hindi mo na kakayanin pag may nangyari ulit na masama. Mas makakabuti kung do'n ka muna sa pamilya mo, dito kasi hindi kita matututukan ng maayos. Kailan mo munang maka-recover, Marimar. Saka ka na sumabak ulit pag kaya mo na talaga."

Hindi nawala ang mga salita ni Ginger sa isip ko. Pagsapit mg gabi ay sa umiikot na bintilador lang ako nakatitig.. tama siya. Sa kalagayan ko ngayon, isang bagsak pa ng problema ay tuluyan na 'kong lulugmok.

Gusto ko pang lumaban pero 'di ko na alam kung alin ang dapat ipaglaban. Dahil m ang paniniwala ko ay unti-unti ring natitibag. Gulong-gulo na 'ko. Biyak na bigak.. at mas makakabuti nga kung lalayo muna ako.

"Kaya mo na ba talagang umuwi mag-isa?"

Isang tipid na ngiti ang isinagot ko kay Ginger. Palabas na kami ngayon at dala ko ang bag na naglalaman ng mga damit ko. Kaunti lang ang dala ko dahil babalik din naman ako dito. Sa susunod na linggo siguro? O sa susunod pa? Hindi ko alam.

Babalik na muna ako sa probinsiya gaya ng payo ni Ginger. Hihinga muna ako ng sariwa at aayusin ko ang sarili ko. At pagbalik ko sisiguruhin kong handa ako.

Nangungulila ako sa tunay kong anak, at sa tuwing naiisip ko sya ay si baby Azi ang unang pumapasok sa isip ko. 'Di ko pa rin makumbinsi ang sarili ko na ang ang batang nasa poder ng ale ay ang tunay kong anak. Pero kung sino man sa dalawa, sisiguruhin kong makukuha ko sila pagbalik ko.

"Kontakin mo 'ko agad pagdating mo sa probinsiya ah? Ikamusta mo rin ako kila nonoy ay tiya. Tsaka dalhan mo 'ko ng sampung kilo ng bigas, pasalubong." Kumindat pa ang kumag. Mahal kasi ang bigas dito sa Maynila e.

"Hindi pa 'ko nakakauwi pasalubong agad?" Naiiling kong sabi.

"Basta.. pakisabi rin kay nonoy na get well soon, baka bigyan din ako ng kamote."

Tumango na lang ako saka umayos ng tayo nang makitang may traysikel na papalapit. Isa rin kasi sa dahilan kung bakit ako uuwi ngayon ay dahil tumawag si Karen kagabi at ibinalitang inatake raw si tatay sa puso at hinahanap ako. Paulit-ulit raw sinasabi na baka mawala na sya bukas makalawa kaya kailangan nya na akong makita. Ang OA ni tatay pero nang-aalala talaga ako.

"Sige, Ginger." Tinanguan ko sya saka ako lumapit sa daan at pinara ang taysikel. Pero 'di pa man ito tuluyang nakalapit ay bigla na lang may himintong kotse sa aming harapan. Akala ko si ano.. pero uminit lang nag ulo ko mang makita ko si Matthew.

Nagmamadali syang lumabas at naglakad palapit sa amin. Sa tuwing naiisip ko kung pa'noo ko sya pinagkatiwalaan, naiinis ako sa sarili ko.. kasi napakarami nya palang lihim nya sa 'kin! Marami akong tanong at hindi ko alam kung saan dapat mag-simula.

"Bakit nandito ka?" Malamig ang tinig ko. Marami syang naitulong sa 'kin kaya 'di ko sya magawang sumbatan.

Huminto sya sa harapan ko at una kong napansin ang pasa sa gilid ng labi nya.

"Marimar, listen to me first, okay? Those photos.. it wasn't my intention to—

"Alam mo ang tungkol do'n?" Hindi sya nakapagsalita na dahilan ng walang buhay kong tawa.. "Anak ka raw ng isang traydor. Bakit? Ginamit mo lang ako?"

Bumadha ang gulat sa kaniyang mukha. "What? No! Please, I can explain."

"Wala ka ng dapat pang ipaliwanag." Dama ko ang panginginig ng katawan ko dahil sa poot.. "Aalis na 'ko."

Huminto ang traysikel sa unahan ng kotse nya. Maglalakad na sana ako papalapit ro'n pero nahawakan ako ni Matthew sa braso. Hindi ko alam kung bakit nya ito ginagawa, ayaw kong magkaroon pa ng ugnayan sa kaniya kaya binawi ko ang braso ko.

Napatigin sya sa bag na dala ko. Mukhang alam nya na ang plano ko. "I swear it wasn't my intention to hurt you. Per favore, Marimar.. hear me out, or at least let me accompany you."

Ano daw? Company?

"Sige na Marimar, magpahatid ka na lang. Mas mabuti na iyon para safe kang maka-punta sa daungan." Sabat ni Ginger. Iyon siguro ang ibig sabihin ni Matthew.

Naka-ilang pilit din sila bago ako pumayag. Tahimik lang sa loob ng kotse, hindi ko sya magawang kausapin kasi naiinis pa 'ko sa kaniya. Pansin kong 'di sya mapakali pero nanatili syang tahimik. Pagkarating sa daungan ay napa-aga yata ako dahil wala pa'ng barko. Tsaka mabilis kasi maneho si Matthew. May ticket na ako dahil inasikaso pala ito ni Ginger kahapon.

"Sige, salamat."

"Wait." Agad nyang pigil sa akin nang akma akong bababa kaya pinukulan ko sya ng masamang tingin.

"Bakit? Para makunan tayo ulit tayo ng larawan? Tapos iisipin nilang may relasyon tayo at nakikipagtulungan ako sayo na anak raw ng isang traydor? Hindi mo alam kung ano ang tiniis ko para lang manatili do'n! Bakit mo ba ito ginagawa, ha?"

Nagsimula na naman akong maluha kaya kailangan ko tanggalin ang suot na shades para punasan ang luha ko. Pinahiram ito sa akin ni Ginger upang takpan ang matataba kong eye-bags at mapupulang mata.

"You're crying because of him. This is all because of him.. right? You and Alexander won't stand a chance, you know that."

"Sapakin kita e! Alam ko at ilang beses mo na'ng sinabi sa 'kin yan! Pero alam mo ba kung ano ang mas masaklap na resulta sa nangyari? Nalayo na naman sa ako sa anak ko!" Sa wakas ay sumbat ko.

"Wait, y-your what? What do you mean?"

Nanghihinang napayuko ako.. "Hindi mo maiintindihan. Pero pakiusap naman oh, sabihin mo sa 'kin ang totoo dahil gulong-gulo na 'ko."

Huminga sya ng malalim. Alam kong gusto nyang malaman ang totoong rason nitong lahat pero nauna sya sa lihim at wala sya sa lugar na hingiin ang katotohanan.

"If you hear me out.. what will you do?"

Hindi ako nakapagsalita. Kumabog ng malakas ang dibdib ko dahil sa pinaghalong kaba at takot dulot ng antisipasyon. Hindi ko rin alam. Pagpapasyahan ko na lang pag nalaman ko na ang totoo.

"Vallerie," mariin syang pumikit kasabay ng isang mabigat na hininga. "She asked me to do it."

Para akong nabingi nang marinig ko iyon. Ngunit hindi ko sya inabala at hinayan ko syang magpatuloy. Mas marami ata syang sekreto kesa sa inaakala ko. Mga sekretong hindi ko na dapat malaman pero may kaugnayan sa lahat ng ito.

"I first saw her during a Tommy Hilfiger fashion show. A sports car I co-designed was a prop on the runway. She immediately caught my attention. She was an epitome of beauty and confidence as she walks on those stylish track suits. She was so mesmerising that I couldn't stop myself from approaching her, chasing her, and thankfully, my efforts paid off. We we're together for almost a year."

Kakaiba ang kislap ng mata nya. Dama ko ang lungkot at saya sa boses nya. Hindi ko man gaanong naiintindihan ang ibang mga sinabi nya pero ngayon ay alam ko na'ng nagkaroon sila ng relasyon si Vallerie.

"One time, we went together on a motor show in Paris. But then she saw this guy, whom I noticed she's been staring at all night. I didn't mind it tho, and all cheating rumors. I didn't chide her in any way. I'm too in love with her to even complain with her lack of time, slave-treating me and all. I was so blinded."

Sinuklay nya ang buhok habang may tipid na ngiti sa labi. Sa malayo lang sya nakatingin pero pansin ko pa rin ang pagkislap ng likodo sa gilid ng mata nya

"It was our first anniversary when she told– no, it was a chat, saying we're over. I was devastated and desperate to know her reason then I found out she has a fiancé. But still I chased her, thinking that she was just forced. I chased and chased and she kept on pushing me away like we were nothing. Watching her care and cry for a man who doesn't want her broke me into pieces. The final blow was when she told me she loves him, they're getting married and they're having a son. I was lost."

Mapakla syang natawa.

"After a very long time, she showed up in my front door several days ago. She told me Alexander has become skeptical about her as the mother of his child, that he has become more distant, bought a mall without his mother's consent, disappears on meetings, and it's all because of you. Alex was out of his mind and she's afraid what his mother might do to her own son so she came up with a plan.."

"A-anong plano?" Sabat ko dahil hindi sya nakapagsalita pa muli.

"Me." bumaling sya sa akin.. "She wanted me to meddle up with your lives for a bit. She can't let Alexander lose everything just because of protecting you. She asked me to divert your attention to me so that you will disappear from their lives."

Tuluyan akong nanghihina dahil sa lahat ng narinig ko. Naisip ko si boss.. ano pa kaya? Ano pa kaya ang nagawa nya at ano pa kaya ang mga bagay na nangyayari na wala akong kaalam-alam? Ano pa kaya?

"At pumayag ka sa hiling nya?"

"It still hurts you know, watching the woman I ever loved crying in front of me. It was a though decision but I said yes. Everything was doing smoothly and accordingly, it was easy and I thought that's it so I was cool with it. But I never thought Val would go this far. That kiss I stole? It was her plan. I don't know why but I obliged. I was like a dog. Fuck, ngayon ko lang na-realise."

Umigting ang kaniyang panga at nahampas nya pa ang manibela. Halata sa kaniya ang galit na kinikimkim. Hindi ko alam na ganito pala ang pinagdaanan ni Matthew.

"Ibig sabihin ba.. sadya na yung una nating pagkikita?"

"At the game? No, I didn't have the slightest thought that I'd be meddling up with your life that day. But honestly, watching you cheer so hard and act like a wife got me jealous with Alex. Jealous 'cause he have you, and angry because he's engaged with my ex. How dare him flirt in front of me and everyone? I talked to him at the lockers after the game. He seemed chill, like he did nothing."

Naalala ko, sya pala yung kausap ni boss sa loob ng banyo. Yun 'yung hinila ako ni boss papasok sa banyo at nangyari ang unang.. basta, tama na.

"E yung t-tungkol sa pagiging traydor raw? Nino ba? Ng tatay mo?" Medyo nahihiya na 'kong itanong ang tungkol do'n sa kaniya ngayon. Kawawa pala kasi sya.

"What? Can you say it in English?" Kunot noo nyang sabi na ikinalaki ng mga mata kong nangliit dahil sa maga.

"English?" Napalunok ako. Naintindihan naman ata nyang hindi ko kaya, kaya kinuha nya ang malaki at malapad nyang selpon at nagtipa-tipa roon.

"Traitor? Oh, that." Binaba nya na aparato saka umayos ng upo..

"My dad, he was working with the Aleksev's real estate business long ago. Issues with inconclusive proofs happened, he got fired then he backfired, and it almost became the downfall of the Alkesev empire. I had nothing much to do with it but I guess they held grudge, especially his mother. That rough time my father slumped upon them was the reason of her husbands death."

Napakurap ako. Kaunti lang ang naintindihan ko pero batid ko naman ang takbo ng estorya. Hindi ko alam na gano'n pala iyon. Jusko, kaya pala gano'n na lang si Madame kung magalit. Eh si Vallerie naman pala ang pasimuno nitong lahat!

Pero kahit na siguro hindi 'to nangyari ay gagawa pa rin sila ng paraan mawala lang ako sa buhay nila.. 'yun ang totoo.

"Matthew," Muli kong tawag sa kaniya. Ayoko na sanang magtanong pa dahil masyado ng marami ang naibahagi nya sa akin at puro masasakit na ala-ala pa, pero kailangan ko 'tong alamin. "Tungkol sa anak nila? M-may alam ka ba?"

"You mean if it's truly theirs? I doubt it. Coz When Val disappeared, I stalked her just to make sure she's doing fine after their breakup. I didn't see her bump, I was actually shocked when I heard about the kid. Well, maybe she did a great job hiding it. I don't really know."

Natulala ako sa kawalan. Medyo hirap akong iproseso ang mga nalaman ko, pero ang mas mahalaga ay napunan ang mga katanungan ko.

"Marimar," sambit nya sa mahinang tinig kaya muli akong napabaling sa kaniya.. "W-when I was with you, I.. I was.."

Hinintay kong bigkasin nya ang mga salita na tila gusto nyang ilabas pero nagdadalawang isip sya.. may emosyon din sa mga mata nya na hindi ko matukoy. At sa huli mas pinili nyang umiling na lamang kaya pinukulan ko sya ng nagtatanong na tingin.

"No, it's nothing. Don't mind it. So, are we good now?"

Tumingala ako upang sandaling mag-isip. "Totoo ba lahat ng sinabi mo?"

"I swear it." Diretso nyang sagot kaya isang malapad na purong ngiti ang iginawad ko sa kaniya saka pinakita ko sa kaniya ang hintuturo ko.

"You sprained your ankle, you lost hope and you broke your heart yet here you are.. how could you be like that after everything? But thats good tho. Thanks anyway."

Sasagot pa sana ako ngunit umugong ng malakas ang kakarating lang na bapor.

"What now?"

Natigilan ako at masinsinang inisip ang sitwasyon. Alam ko na ang totoo, maari na 'kong tumakbo pabalik at ihasik ang katotohanan.. pero may problema. 'Di ko pa pala kayang tumakbo dahil may pilay ako.. kaya sa susunod na lang siguro.

•••

Continue Reading

You'll Also Like

833K 30K 40
"One day you will kiss a man you can't breathe without, and find that breath is of little consequence."
109K 9.2K 44
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...
139K 1.3K 5
Spencer Salvatore force his wife to sign their divorce paper, just to be with his wife bestfriend who can gave him a child. But sadly, He discover t...
2.9M 82.3K 60
WARNING: This story is my oldest story! You might encounter some cringe and immature scenes that needs some revisions! ... He bought me, but I didn't...