It's Way Too Early [COMPLETED]

By Caiden_Louise

10.8K 404 93

Kinse anyos pa lang si Aica nang maulila siya at makilala ang tiyahin niyang hindi man lang nabanggit sa kany... More

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
EPILOGUE - Part 1
EPILOGUE - Part 2
BONUS CHAPTER #1
BONUS CHAPTER #2 (PART 1)
BONUS CHAPTER #2 (PART 2)
BONUS CHAPTER #2 (PART 3)

CHAPTER 15

307 19 4
By Caiden_Louise

Ito na! Ito na! Omgee! Kalohka Hahaha XD

Comment po kayo sa baba ha?

Thank you!

Enjoy reading po!

================== ❤️❤️❤️


CHAPTER 15

Tahimik lang silang naglalakad habang magkahawak kamay. Minsan pa ay isini-swing niya ang mga kamay nilang magkadaop. Hinahayaan naman siya nito.

Nagpalakad lakad muna sila sa gilid ng Bay para magpababa ng kinain. Napapangiti siya habang iniisip ulit ang mga nangyari kanina. Sa ginawa ba naman nila ay sino ang hindi gaganahan sa pagkain?

Panaka nakang tumitingin siya sa mga nagkikinangan na ilaw galing sa malayo. Mabini ding umiihip ang hangin kaya hindi maalinsangan ang paligid. Tamang tama lang sa ginagawa nilang romantic na HHWW o holding hands while walking. Muli ay napangiti siya sa naisip.

Nakita niyang napahawak ito sa tiyan.

"That's the best dinner I've ever had. Ang dami kong nakaing alimango. Kung dati sobrang nakaka frustrate dahil sa paghihimay, ngayon hindi na."

"Hmp! Nakakita ka lang ng taga himay eh."

"Ang ganda mo namang taga himay kung ganon."

Kinilig na naman siya. Nai swing niya ulit tuloy ng wala sa oras ang magkadaop nilang mga palad. Mabuti na lang at hindi masyadong napalakas.

Maya maya lang ay napagdesisyonan nilang bumalik na. Gabi na rin kasi. May pasok pa rin sila bukas.

Nalulungkot siya na matatapos na ang araw na iyon at magkakahiwalay na sila ni Matthew. Gusto pa sana niyang makasama ito ng matagal. Tingin niya ay kulang na ang isang araw sa kanila.

Nang makarating sila sa kotse ay hindi muna siya pinagbuksan nito ng pinto. Pinaharap muna siya nito rito.

Nagtatanong ang mga matang tiningala niya ito. Nagtaka naman siya dahil wala naman itong sinabi.
Matagal silang nasa ganoong tagpo. Na parang minememorya nito ang bawat sulok ng mukha niya.

"Today's one of the best days of my life, Aica. And I don't think I can ever thank you enough for that. You've made me realize something. And I promise that I will do everything to fix what they did. To make this work." kumunot ang noo niya sa sinabi nito. Naguguluhan siya. Ano ang aayusin nito?

Magtatanong pa sana siya ngunit masuyong ipinaloob na siya nito sa mga bisig nito.

"Still, thank you, baby."

Saglit pa silang nasa ganoong posisyon bago nito iniangat ang mukha niya para mapatingala rito.

Mayroong kakaiba sa mga mata nito na nagpa kaba sa kanya at parang nagkaroon ng mga paru-paro sa loob ng kanyang tiyan at sa loob nagliparan. At nang unting unting bumaba ang mukha nito ay napapikit siya.

May idea na siya kung ano ang gagawin nito. At hindi na nga siya naghintay pa ng matagal dahil naramdaman na niya ang pagdampi ng mapupulang labi nito sa kanya at marahan siyang hinalikan.

Kay lambot niyon. Ganito pala ang mahalikan. Hindi niya alam kung paano tutugon.

Pero kalaunan ay natutuhan niyang gayahin ang paggalaw ng mga labi nito at tinugon ito.

Narinig niya ang pag ungol nito. Na parang sang ayon ito sa ginagawa niya. Kaya natanggal ang hiya niya at mas lalong ibinigay ang lahat sa paghalik. Ipinadama rin niya sa halik na iyon ang pagmamahal niya.

Napakapalad niya na ito ang naging unang halik niya. At ang mahal pa niya. Kay bilis ng tibok ng puso niya, at nang mapadapo ang palad niya sa dibdib nito ay naramdaman niyang ganon din iyon. Sumasabay iyon sa kanya.

Sa isang sulok ng puso niya ay nagkaroon iyon ng pag asa, pag asa na marahil ay may nararamdaman din ito para sa kanya.

Naramdaman niyang bumaba ang mga kamay nito sa baywang niya upang mas hapitin pa siya. Ngunit nang mapahigpit iyon ay napadaing siya. Dahilan upang maghiwalay sila.

"What's wrong?" hingal na sabi nito. Napansin niyang mas lalong pumula ang mga labi nito dahil sa pinagsaluhan nilang halik.

Maging siya ay habol din ang hininga.

"W-wala. Napahigpit lang siguro masyado yung pagyakap mo. Pinanggigigilan mo pa yata ako." Tudyo niya.

Nakaramdam kasi siya nang sakit sa kaliwang tagiliran. Ayaw niyang makasira iyon sa moment nila.
Pero parang hindi ito satisfied sa sinabi niya. Nakakunot pa kasi ang noo nito. Dahan dahang tinaas nito ang t-shirt niya hanggang sa baba ng kanyang dibdib.

Napahigit siya ng hininga. Anong ginagawa nito?

"M-Matthew-"

Nang tingnan nito ang nakaexpose niyang balat ay nagdilim ang mukha nito. Nag igtingan din ang mga ipin nito dahilan upang mahalata ang tensyon sa panga nito.

Sinundan niya ng tingin iyon at nanlaki ang kanyang mga mata niya. May malaki kasing pasa sa kaliwang tagiliran niya.

Napatingala siya rito ng mahina itong mapamura. Kapagkway lumayo ito sa kanya at dumiretso sa likod ng sasakyan.

Napaigtad siya nang mapamura ulit ito at sinipa ang gulong.

Napalunok siya. Ngayon lang niya nakitang ganoon ito.

Dahan dahang nilapitan niya ito at hinawakan sa braso.

"Matthew..."

"I did that to you." Mahinang sabi nito. "I'm sorry."

Nasa mga mata nito ang pagsisisi at pagngangalit sa sarili. Masuyong hinimas niya ang braso nito para mahimasmasan.

"Hindi mo sinasadya."

Napailing ito. "I should have been more careful. Imbes na sa railings ako humawak...sayo ko nabaling ang nerbiyos ko. I'm so sorry..."

Siya na ang unang yumakap dito.

Nang bumawi ito ay sa balikat na lang niya yumakap. Hindi na rin ganoon kahigpit ang yakap nito. Ingat na ingat na sa kanya. Nalungkot siya. Mas gusto niyang mas humigpit ang yakap nito.

"Okay lang. Hindi naman masakit eh." bulong niya. "Please, huwag mo nang sirain ang gabing ito nang dahil lang dito."

"At least let me bring you to a nearby hospital. Para ma check. It's been hours since that ride."

Nakakunot noong tiningala niya ito. Hospital agad? Over ah. Lalo na at mukhang alam na niya ang dahilan kung bakit mabilis na nagpasa iyon.

"Hindi na kailangan. Alam ko na kasi kung bakit nagpasa agad."

"You know?" magkadikit ang mga kilay na tanong nito.

Napatango siya. "Alam mo na. Uhm..." bigla ay nahiya siya. "Visitor. Every month." napalihis ang tingin niya sa kabilang direksyon.

Pero kahit nakayakap pa rin siya rito ay parang nakikita pa rin nito ang pamumula niya.

"Visitor? Every month? Who's that?"

"Hindi. Hindi siya t-tao."

Napakunot noo na ito. "I don't get it."

Hindi niya alam kung inaasar lang siya nito o wala talaga itong ka aydi idea. Pero nang maalala niyang nag iisang anak lang ito at kaparehong lalaki ang pinsan ay napu frustrate na lang na napabuntong hininga siya.

"Kainis ka." napa padyak pa siya.

Natawa pa ito sa reaksyon niya. Malalim na huminga siya. Kailangan niya talagang diretsuhin ito.

"Ganito kasi talaga ako kapag malapit ng magkaroon ng dalaw. Madaling magpasa."

Tila inintindi pa nito iyon mabuti bago magsalita. "Ooh."

"Uh-hmm."

Ito naman ang napahinga ng malalim. "Still... It's my fault kaya ka nagkaroon ng ganyan. We need to go now para kahit paano ay malagyan iyan ng ice pack. Or let's just go back to that restaurant, hihingi na lang ako ng ice sa kanila."

Ay ang kulit. Naiinis nang sabi niya sa isip bago ilagay sa batok nito ang kamay, at ibinaba ang ulo nito para halikan ito sa mga labi.

Napaka bold niya ata ngayon at siya pa ang nauunang gumawa ng hakbang.

Ganoon ba talaga kapag in love o nasobrahan yata siya sa seafood kaya nagkakaganoon siya? O maaari din na dahil sa hormones niya at malapit na siyang datnan. Hindi na niya alam. Pero gusto niya ang ginagawa at hindi nagsisisi.

Naramdaman niyang napangiti ito bago tinugon ang halik niya. Hinapit na rin siya nito palapit - na may kaakibat pa ring ingat - kaya natuwa na siya.

Gustong gusto niya ang mapaloob sa mga bisig nito.

Best day of my life...

==================

New Highest Ranking!!
Thank you po sa inyo!! Mwah!

==================

How was it po? What do you think? Hahaha

Any comments?

Votes?

Usap naman tayo heheh
Message me lang po

Thank you for reading! ❤️❤️❤️
==================

Posted: July 12, 2020 5:58 pm

Continue Reading

You'll Also Like

32.9K 428 24
Kate de Guzman. . isang babae na galit sa pamilyang Rodriguez... ngunit,,,, mananatili ba ang galit nya kung ang taong mahal nya ay... kasama sa pam...
1M 35.1K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
24.2K 604 31
Dalagita pa lang si Janna ay may gusto na siya kay Trent. Kontento na siyang lihim itong ibigin at pagmasdan sa malayo ngunit dahil sa kalokohang gin...
2.7K 122 29
Due to indebtedness to a man who helps her to pay the debt of his late father Hera needs to ruin the relationship of Carlo Sandoval and his fiancee A...