The Untouchables Series Book...

By frozen_delights

278K 17.3K 2.2K

SPG 18 "There were times I wish I could unloved you so I could save what's left of my sanity. It's a never-en... More

Foreword
Poker Face
The Master
The Black Widow
Mrs. Liu
Wedding Night
Hey, Jealousy
Buried Past
YM
Touch
Thief
Boss
Raindrops
The Suspect
Scapegoat
Stuck On You
One Rainy Afternoon
Giddy
Training Day
Perfect
No Pain, No Gain
Skeleton In The Closet
The Pain He Never Knew
Used
Once Upon A Night
I Surrender All
Feverish
Secrets
Piece of Heaven
Presumption of Innocence
The Monster
Drunk
Consumed by Passion
Never Enough
Happiness
Fate
Unquenchable

The Deal

8.7K 650 112
By frozen_delights

Chapter Three

"WHAT do you want?" astang naaalibadbarang tanong ni Meredith sa kausap. Halos nahuhulan niya na kasi kung ano ang kailangan nito, ang katawan niya.

Vengeance Liu is such a horn dog. Back then and now ay tila wala itong pagbabago. He loves sex. And he was brutally honest about it, too. Bagaman kung pagmamasdan ang panlabas nitong hitsura ay hindi mo aakalaing masyado itong mahilig makipaglaro ng apoy sa kama. He's the suave, intelligent-looking man with an overpowering charisma of a fine gentleman. In short, hindi ito mukhang brusko na susunggaban ka na lang basta at ibabalya sa dingding bago huhubaran atsaka aararuhin ng makayanig-matris na pakikipagtalik.

Vengeance is not like that. He's always been the gentlest and the most considerate lover she had ever known. Hindi lang siya sigurado sa nakalipas na ilang taon. Dahil nang huling beses na makita niya ito ay tatlong babae ang nakita niyang halos nakakalong na rito. Hindi ito tipikal na babaero, 'yong tipong pinagsasabay-sabay ang pakikipagrelasyon sa kung sinu-sinong babae. No. Ang tanging meron ito ay mga kalaro sa kama, nothing permanent. Pero ano nga ba ang aasahan niya sa isang mob boss? 

Oo, alam niyang isa itong crime boss na minsan niyang pinangilagan, iniwasan, at kinatakutan. Pero sa gipit na sandali ng kanyang buhay ito ang naging sandalan niya. Naging protektor, tagapagtanggol at eventually--she halted her thoughts. Bahagya niyang ipinilig ang ulo para iwaksi ang mga alaala ng nakaraan.

Nang muling lingunin ni Meredith ang kausap ay huling-huli niya itong matamang nakatitig sa kanya. Kung ibang lalaki iyon ay natitiyak niyang magbabawi na ng tingin, iiwas na kulang na lang ay tumiklop na parang makahiya. Ganoon kadalasan ang epekto niya sa tao. Partikular sa mga kalalakihan. But not Vengeance Liu. Parati itong diretso kung tumingin sa kanyang mga mata. And damn those almond-shaped eyes of his. They were a pair of dark pools that seemed to hold so many mysteries that she cannot decipher even if she injected him with a truth serum. May mga pagkakataong kahit ngumingiti ito ay hindi niya mabasa ang katugon doong emosyon. He was good that way. At may palagay siyang kung regular itong naglalaro sa casino ay magagamit nito ang husay sa pagkakaroon ng blangkong emosyon para malansi ang mga kalaro sa baraha. 

"Let's hear it, Liu. What can you do for me and what do you want in exchange for that favor?"

"I can help you find the truth behind her death."

"You really didn't believe that she killed herself."

"Have you ever heard about SUX?"

Umiling siya.

"Suxamethonium is a neuromuscular blocker. It's usual side effects are anaphylaxis, hyperkalemia, and malignant hyperthermia. Some hired killer uses that MO para madali nilang mapalabas na suicide ang ikinamatay ng kanilang biktima."

"I will request an autopsy."

"It's useless. SUX metabolizes inside the body and the medical examiner could easily missed it during the autopsy."

"What proof do you have that would corroborate your suspicion?"

"I had a hunch so I went to the morgue to see it for myself," itinaas ni Vengeance ang dalawang kamay atsaka itinuro ang espasyo sa pagitan ng middle finger nito at ring finger sa kaliwa. "I saw the needle mark between her fingers. But of course, that was inconclusive. So I checked the slit on her right wrist."

"W-wait. Did you say right?"

"'Yong pulsong may laslas?"

"Oo."

"Yes, it's on her right wrist."

"She's right handed. And as far as I know she's not ambidextrous." Nahagod ni Meredith patungo sa likuran ang kanyang buhok. "Okay, suppose that you are right about this whole thing, what's in it for you?"

"You."

Ramdam ni Meredith nang lumaktaw ang pintig ng kanyang puso. Maging ang sikmura niya ay tila biglang pinamugaran ng mga paruparo. Gusto niyang ipaulit ang sinabi nito. But knowing him, dapat pa ba niyang ipagtaka iyon.

"How many nights? One, two... or a week?"

"How about a lifetime?"

Napaawang ang mga labi niya at hindi kaagad nakasagot. Sa lahat ng lalaking nakilala ay ito lamang ang may kakayahang pablangkuhin ang utak niya at paghagilapin siya ng salita.

"Marry me."

"And if I refuse?"

He shrugged his shoulders in a very casual manner. At hayun na naman ang singkit nitong mga mata na kayhirap basahin.

"Then consider this conversation never happened," balewalang tugon nito.

Nag-isang linya ang mga labi niya sa sagot nito. Kunsabagay dapat pa ba niya iyong ikagulat? Once upon a time she called him a monster, a man without scruples. At sa halip na pasinungalingan ang sinabi niya ay lalo lamang nitong pinatunayang hindi siya nagkakamali. She got married at the age of eighteen. But on her wedding night, instead of her husband she spent it on his bed, in his arms for three fucking nights. Paano iyong nangyari? Ipinadukot lang naman siya ng walanghiya.

"Should I leave you to your musings?" tanong nito na tila handa ng umalis.

"Puwede bang bigyan mo muna ako ng panahong mag-isip?" tanong niya saka wala sa loob na nahipo ang suot na wedding ring. It was force of habit. Nakasanayan na niyang gawin iyon sa tuwing nag-iisip nang malalim.

Sa kanyang pagtataka naman ay tila namamagneto itong sumunod ang tingin sa kanyang ginagawa. At sa isang saglit ay parang may nasilip siyang emosyon sa mga mata nitong singkit. Was it annoyance?

"Fine. I'll give you twenty-four hours."

"Are you fucking kidding me?"

"My time is very precious, Attorney. So it's either yes... or no. Take it or leave it, my terms."

"Buwisit ka talagang hinayupak ka," hindi napigilang ratsada ng bibig ni Meredith. 

Kung puwede lang lamukusin ang mga labi nitong bahagyang nakatikwas ang isang sulok ay ginawa na niya. He has the upper hand, he always does. With an IQ level of 165 he's always one step ahead of her. Baka nga kung nagtuloy ito sa pag-a-abogasya wala man lang siyang binatbat dito. Mamaniin lang nito ang pagkakabisa ng mga legal terms. Mahusay rin ito sa analyzation at pagbasa sa karakter ng kausap kaya maging sa pakikipag-argumento ay tiyak na lagi itong panalo. Plus, he has that overwhelming charisma that when he talks people listen.

"Your twenty-four hours start now."

"You really are a monster."

"And monsters think alike, always remember that, Meredith. If you want to beat a colony of monster you should have one on your side."

Alam niyang tama ito. But she wouldn't admit it to his face. Madadagdagan lamang ang yabang nito. Or more like arrogance. Na kayang-kaya namang back-up-an ng utak na meron ito.

"I'm sure you still remember my personal number," wika nito na tumayo na.

"Limot ko na," pagsisinungaling niya.

Bahagyang kumiling ang ulo nito kasabay ang pagtaas ng isang sulok ng bibig. Umiwas siya ng tingin nang mag-somersault ang tinamaan ng magaling niyang puso. Peste. Kaya ayaw niyang nasa paligid lamang ito, eh. Namimiligro ang malusog niyang puso.

"If I don't hear anything from you after twenty-four hours I'll consider our deal off."

"Oh, fuck you."

"Oh, we will. Believe me we will. 'Cause I want at least half a dozen children."

"Ano?!"

.

TWENTY-FOUR hours. Alam ni Vengeance na napakaikling panahon lamang ng ibinigay niyang taning kay Meredith para pagpasyahan nito ang isang life-changing decision para sa isang babae. But it's now or never. He waited long enough. At isa pa, gusto na niyang bumuo ng sariling pamilya. At wala siyang nakikitang ibang babae sa hinaharap para maging nanay ng magiging anak niya.

Hindi niya napigilang mapangiti nang maalala ang naging reaksyon nito matapos sabihing gusto niyang magkaanak ng kalahating dosena. Muntik na siyang mapabunghalit nang malakas na tawa. She's in her early thirties. Sa loob ng sampung taong pagsasama ng mga ito at ng namatay na asawa ay kataka-taka namang walang batang nabuo. Baog ba ito? O may diperensya ang pagkalalaki ni Ramil Zamora?

Alin man doon ay mabuti na nga ring hindi nagkaanak ang dalawa. Kahit baliw na baliw siya kay Meredith hindi siya sigurado kung magiging madali para sa kanya na tanggapin ang isang bata na naging bunga ng pagmamahalan nito at ng sumakabilang-buhay na asawa. He's selfish when it comes to her. Kung dumating man ang panahon na muli siyang may makakaagaw rito, papayag lamang siya kung iyon ay anak nila. Pero kung ibang lalaki na naman, baka makapatay na siya nang labag sa sinumpaan nilang magkakaibigan.

He started counting the hours. Every minute, every second. Daig pa yata niya ang isang bata na kinasasabikan ang pagsapit ng hatinggabi sa araw ng Pasko. They were excited to open their gifts. Siya sa kabilang banda ay excited din. Ngunit ang excitement niyang iyon ay nahahaluan ng pangamba. Paano kung i-reject ni Meredith ang proposal niya?

Proposal my ass, tila pang-iinis ng isang parte ng pagkatao niya. May nagpo-propose bang may nakakabit na kondisyon?

Napahagod si Vengeance sa batok. Maya'tmaya ay nililingon niya ang kinapapatungan ng cellphone, willing it to ring. He can hear the ticking of the mantel clock on top of the corner chest drawer. At sa bawat tunog na nagmumula roon ay parang may humahalukay na kung ano sa sikmura niya.

80/20, iyon ang prediksyon niya sa deal na inihain kay Meredith. Otsenta pabor sa kanya at bente lamang ang posibilidad na hindi. She has a great sense of value when it comes to the oppressed. Hindi lamang sa loob ng korte kundi maging sa antas sa lipunan. Isinilang itong mayaman ngunit nahinog ang isip sa lugar ng mahihirap kaya alam nito kung ano ang buhay ng isang hikahos. At 'yong bente? Self-preservation. Nakakaputang-ina mang aminin pero alam niyang kahit ilang taon ng patay ang asawa nito ay tila wala pa ring balak si Meredith na mag-move on.

Pabagsak niyang inilatag ang sarili sa kama. He couldn't sleep a wink. Ipinailalim niya ang magkala-interlace na mga palad sa kanyang ulo habang lagusang nakatingin sa makapal na fiber glass ceiling ng kanyang silid.

"Lights off."

Kusang namatay ang lahat ng ilaw sa kanyang silid. Ngayon ay malinaw na niyang nakikita ang lahat ng bituin sa langit. Kapag ganoong puno ng bituin ang langit ay tiyak na maaraw kinabukasan. Ang tanong lang: magiging kasing-aliwalas kaya niyon ang magiging sagot ni Meredith.

80/20. Iyon ang pilit na isinisiksik niya sa isip bago ipinikit ang mga mata.

He could still hear the ticking of the clock. Funny but it served like a lullaby, lulling him to sleep. Only to wake up from a buzzing sound. Nakapikit pa ang mga matang kinapa niya ang cellphone sa side table. The buzzing sound went on. And he realized it wasn't from his phone. Napilitan siyang bumangon at bumaba ng kama. He checks the security monitor to see who's buzzing outside his front door at eight AM. He blinked.

"Meredith."

Parang nagkaroon bigla ng pakpak ang mga paa na tinungo niya ang pinto ng kanyang silid para babain ang bisita. Ngunit nang nasa may hagdan na siya ay muli siyang bumalik ng silid. Naghilamos, nagsepilyo atsaka nagmumog ng mouthwash. Hindi na siya nag-abalang magsuklay at basta na lamang iyong hinagod ng mga daliri. Papalabas na sana ulit siya nang mapansing ang suot niya ay ang damit niya pa rin kahapong magkausap sila sa park.

Sunod-sunod ang buzzer mula sa front door ng bahay niya. Palatandaang inip na ang kung sino mang naroroon. Hinagip niya na lamang ang isang puting kamiseta at ang asul na jogger pants. Muntik pa siyang magkandatumba-tumba sa pagmamadali na makapagpalit ng pang-ibabang suot.

"God damn it," mura niya nang mapansing baliktad ang suot na kamiseta. Muli niyang hinubad iyon atsaka isinuot. Huminga siya nang malalim atsaka pinakaswal ang paghinga bago pinihit ang pinto at lumabas.

The sight that greeted him when he opened his front door almost took his breath away. Dire-diretsong pumasok ng kabahayan si Meredith.

"Masyado ka naman yatang nagmamadali. Wala pang bente-kuwatro oras," aniya sa abogada.

"Kung maghihintay pa ako ng bente-kuwatro oras ay baka magbago pa ang isip ko. When do you want us to get married?"





Continue Reading

You'll Also Like

63.3K 5.3K 19
Rom-com PHR 2011 published book
84.9K 3.2K 10
Even in her depressed and slightly drunk state, maliwanag kay Eva ang matinding atraksyong naramdaman para sa estranghero na nag-rescue sa kanya mula...
470K 11.8K 83
Tyraene Alaire Imperial is one of the most famous student in their school, nasa kanya na ang lahat, but what if he likes a simple cold hearted girl...
1.4M 45.6K 63
Astreille knew her capability as a hacker and how her strength in that field can ruin someone else's life. For years, aside from writing stories, she...