JB3: The Governor's Secret[ P...

By biisool

4.8M 134K 42.2K

Juariz Bachelors #3 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED How long can you keep up with the lie? He's a perfect le... More

JUARIZ BACHELORS 3
Denisse Gonzales-Juariz
Narcido Jonas Juariz
Preview
1
2
3
a hater
4.
5
6
7
8
9
10
11
12
Special Chapter
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
Chapter 35
35
36
37
38
39
40
Thank You & Announcement
Special Chapter
Special Chapter 2
CARRIER EXPLANATION
THE KEPT MAN
Special Chapter 3

Epilogue

81.5K 2.6K 1.2K
By biisool

Denisse Gonzales-Juariz

"Handa na ba kayong sabihin sa amin ang tungkol sa ginawa niyong kalokohan? Janisse? Jaiden?" Ang taas kilay kong tanong sa dalawa.

Noong ipinaalam sa amin ni Jonas ang ginawang kalokohan ng dalawang 'to kamuntikan na akong mahimatay. Paano kung hindi nahimatay ang si Stanford? Paano kung nahuli sila Jonas? Hindi ko magawang isipin ang mga posibilidad.  

Nandito kami ngayon sa dati naming bahay.  Umuwi kami dito isang linggo na ang nakakalipas. Sila daddy, papa at Dean naman ay nanatili muna sa hospital nila Jonas.

"Sorry po, dada."

"Sorry, ma."

Napabuga ako ng hangin habang nakatingin sa dalawa. "Nak, bakit niyo kasi ginawa 'yon? Alam niyo bang pwede kayong mapahamak dahil sa ginawa niyo? Gusto niyo ba talaga akong patayin sa takot!? Sana sinabi niyo sa amin ng tito Chadwick niyo. O kaya sa daddy niyo. Why do you have to do it alone?"

"Dada, sinabi ko kay kuya na sabihin kay daddy pero hindi niya ginawa po." Ang sumbong ni Janisse sa kapatid. Nilingon ito ng kuya niya at inikutan ng mata.

"I forgot to tell dad. And I don't want you get worried, ma. Sabi ni doc bawal kayong mastress. Pati si loloma. Palagi na lang siyang pagod sa pagbabantay sa amin at kay tito," ang paliwanag ni Jaiden. "And I don't trust tito Chadwick. I thought he was just faking it."

Natameme ako sa sagot niya.

"Damn, kid! That hurt!" Napatingin ako sa kapatid ko na kakapasok dito sa sala.

Kuya Chadwick is my half brother. My dad and papa confirmed that. Wala namang masyadony nagbago sa relasyon namin. He will always be my kuya, simula pagkabata. Kay Keanu at Stanford naman wala akong makapang panghihinayang at lungkot sa aking puso. Hindi dahil sa kanila ako nanggaling kailangan ko ng makaramdam ng pagmamahal.

"Kuya, pupunta ka kay Dane?" Ang tanong ko dito nang makalapit siya sa amin.

"Yup, aalis na ako. Ingat kayo dito."
Lumapit ito sa kambal at isa-isang hinila ang mga pisnge nila. "Patay kayo sa daddy niyo. Kita ko hinahanda niya yong sinturon. O siya sige! Kitakits na lang sa ospital kapag namaga yang mga pwet niyo." Ang pananakot pa nito bago natatawang lumabas ng bahay.

Paminsan-minsan ay dito siya umuuwi, minsan naman ay sa bahay namin dati nila papa.

"Ma, I really don't trust him. Did you see how he pinched my cheeks? It's like he's going to rip my skin out of my face. And he's threatening us, ma." Ang maktol nito na tahimik kong ikinatawa.

"He's just teasing you. Stop overreacting, nak," ang komento ko. "Kayong dalawa, alam niyo kung gaano ka seryoso itong ginawa niyo. I understand your reasons and I know that the two of you are smart. Kahit gaano pa kayo katalino, may limitasyon pa rin ang kaya ninyong gawin. Do you understand?"

Sunod-sunod ang ginawa nilang pagtango bilang sagot. "Sorry po, dada. I love you po. Hindi na kami uulit ni kuya po."

Sabay silang lumapit sa akin at yumakap ng mahigpit. Asus, naglalambing. Isa-isa ko silang hinalikan dalawa at niyakap pabalik.
"I'm just glad you guys are fine. Basta wag niyo na itong ulitin pa."

"Janisse, Jaiden, kayo ba ang nag-lagay nitong susi?" Ang narinig kong tanong ng isang malaking boses.

Nilingon ko si Jonas na karga-karga ang anak naming si Devin. Bitbit niya sa kamay ang susi ng sasakyan na may nakasabit lang isang silver na susi.

"Key po yan sa basement nong house na tinirhan natin dada. Doon namin nilipat ni kuya iyong mga vase at jars. Yong mga gold bars po, nilagay nmin sa suitcase na nilagyan ni dada ng toys po. Tapos iyong mga jewelry nilagay namin sa toolbox ni daddy."

"You what?!"

Ngumise lang sa amin ang dalawa.

"Don't worry, dada. Na-read namin sa diary niya na atin daw po yong treasure. Dapat hindi po yon gamitin sa bad. Kaya, dada, let's donate, okay? Tapos magpakain ulit tayo sa street children. Saka kilala mo yong mga friends ko malapit sa school po? Gamitin natin yong mga treasure po para makapag-school sila. Daddy, may nabasa rin ako yong may sakit po sila yong cancer po. I want to help them rin po. Mas marami na tayong money, daddy, dada. Mas marami na tayong mahe-help."

Nagkatinginan kaming dalawa ni Jonas sa sinabi ng anak namin. Ma-luho ang batang 'to but more than his wants and likes nangunguna pa rin sa puso niya ang kagustuhang makatulong sa kapwa.

Proud akong napalaki ko silang ganito. Proud akong magulang ng dalawang batang 'to.

"UWAAAHHH!!!"

At ng tatlo pa palang mga bulinggit...

---

"Ano ba naman 'yan, Jonas! Wag mo kong minamadali ha. Kung umuwi ka sana dito at tinulungan ako edi sana nandiyan na kami ng mga anak mo. Huwag mo kong matawag-tawagan at naiinis ako sayo." Ang sermon ko dito sa kabilang linya bago ko pinatay ang cellphone ko.

Nahihiya na ako dito sa mama niya at kay tito Christian na kanina pa ako tinutulungang palitan ang damit ng lima. Hindi ko alam kung anong magiging ganap ko kung hindi pa nila ako ni-rescue dito.

Ngayong araw daw kasi kami lilipat sa bahay na ipinatayo ni Jonas malapit sa mansion nila. Ipinagawa niya daw 'yon n'ong nawala kami. Wala akong alam sa bahay na 'yon. Kahapon niya lang din 'yon sinabi sa akin.

Five months ago binisita kami ng buong pamilya ni Jonas. Na-meet ko na rin ang mga asawa ng mga kapatid niya. Nagulat nga ako ng makitang carrier rin ang asawa ni Axel. Kay Nathaniel lang kasi ang alam ko.

"Oh my god! Bakit?!" Napatingin kaming lahat sa pintuan.

Nakita ko doon ang bihis na bihis na Austine. Hapit na hapit sa kanyang katawan ang suot na suit. Kasama niya si Roan at si Kirby na may bitbit na box. Katulad niya ay bihis na bihis rin ang dalawa.

Anong klaseng housewarming ba ang tradisyon ng mga Juariz at ganito sila kabihis?

"Bakit? May problema ba?" Ang nag-aalala kong tanong. Napatingin ako kay mama at tito Christian pero nagkibit balikat lang silang dalawa.

"Bakit ang haggard mo, te?" Ang tanong niya nang makalapit sa amin.

Isang pagod na ngiti lang ang isinagot ko sa kaniya bago ko ipinagpatuloy ang paglilinis sa anak kong hindi mapirmi sa kanyang kinahihigaan.

Nagmano muna si Kirby kina mama at tito bago ito lumapit sa akin at nagmano.

"Tito, ako na po dito." Aniya bago inagaw sa akin ang diaper ni Devan.

"Ay naku, wag na. Baka madumihan iyang suit mo." Ang nag-aalala kong sabu dito. Ang gwapo pa naman nito sa suot na itim na suit.

Umiling ito, "Okay lang po ako. Sige na po."

Hindi na ako nakapalag dahil sinimulan na niyang linisan si Devan na agad pumirmi. Tuwing bumibisita itong si Kirby sa amin, hindi talaga ako nahihirapan sa tatlo. Sumusunod kasi sa kanya.

"Hindi po ba dumating sila te Celia, ma?" Ang nagtatakang tanong ni Roan nang makalapit ito sa direksyon namin.

"Hindi, eh. Nasiraan sila ng sasakyan kaya kami na ni Christian ang pumunta dito." Ang sagot ni mama bago isinuot kay Devin ang isang puting dress.

Ang cute ng anak ko!

Kukunin ko na sana ang cellphone ko nang pigilan ako ni Austine.

"Hephep! Later ka na mag-pictorial,  bakla. Kailangan mo munang magpaganda para sa housewarming party. Kakabugin natin lahat ng ex ni Gob," ang sabi niya bago ako hinila patayo.

"Naligo ka na ba?" Ang tanong niya habang sinisipat ang kabuuan ko.

Dahan-dahan akong tumango dito nang maalala ko ang ginawa namin ni Jonas kanina. Nagtaka ako kung bakit niya ako maagang inayang maligo, 'yon pala gusto lang umisa.

"Namumula si bakla! Na-jugjugan ka siguro ni Gob no?" Ang pang-aakusa niya habang nakaukit ang isang nang-aasar na ngiti sa kanyang labi.

"H-Hindi ah! Ano ba yan, Austine! Ang halay-halay ng utak mo ah." Ang balik ko dito saka dumiretso sa walk-in closet para sana magpalit kaso hinila ako ng baklang mahalay palabas.

Sabi niya magpapaganda lang daw kami saglit. Kailangan ba 'yon? Pamilya lang naman namin ang present, bakit kailangan ganito ka-handa?

Lumabas kami ng kwarto at saka dumiretso sa guest room ng bahay. Nagulat ako nang makita doon ang nga mukhang hindi naman pamilyar sa akin. Busy ito sa pag-aayos ng make-up kit at kung anu-ano pang ka-ekekan.

"Bakit andaming tao?" Ang nagtataka kong tanong kay Austine.

"Para mas mabilis. Inip na inip na 'yong papable mo, sis. Baka iurong ang 20k ko." Aniya saka ako hinila paupo sa harap ng isang salamin.

Iniwan niya ako doon na may ngiti sa labi. It didn't take long bago nila ako sinimulang ayusan. Mula mukha, buhok, kamay at paa ko, lahat ay ukupado nila.

"Austine, kailangan ba talagang ganito ang suot? Masyado naman yata 'tong pormal para sa isang housewarming party. S-saka ano ba yong brief na ipinasuot mo? Para naman 'yong kinulang sa tela," ang nahihiya kong sabi sa kanya.

Siya kasi ang naghanda sa susuotin ko kanina habang inaayusan ako. Kinuha niya lahat ng damit na tinanggal ko kanina sa cr. Pati iyong boxers ko tinangay niya rin. Humingi ako sa kanya ng ibang panloob pero isang brief na may nakakahiyang disenyo ang ibinigay niya sa akin.

"Kinulang sa tela? Gurl, wawasakin ka rin ni Gov mamaya. Wag ka ng mahiya. Nakalima na kayo oh!" Aniya dahilan para mabilaukan ako sa iniinum kong tubig.

"Oh, kalma. Daks lang si Gov, stretchable ka. Wag kang magpapatalo mamaya, bakla. Nasayo ang pusta ko," ang dagdag niya.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko't nahampas ko talaga ang braso niya. Gaga talaga 'to. Haha! Nilingon ko ang paligid ng sala para tingnan kong bumaba na ba ang kambal at sila mama.

"Nasaan na sila?" Ang nagtataka kong tanong habang inaayos ang collar ng suot-suot kong puting suit.

"Nauna na, kanina lang," ang sagot niya na ikinakunot ng noo ko.

"P-Pati ang triplets?" Ang nauutal kong tanong. Tumango ito at nag-thumbs up.

Hindi ba nila ako kayang hintayin at kailangan pa talaga nilang mauna?
Paano kung magwala iyong tatlo? Napaka-iyakin pa naman ng mga 'yon.

May malakas na bumusina sa labas ng bahay kaya pareho kaming napatayo ni Austine. Hinila niya ang kamay ko palabas ng bahay. Lumabas kami ng gate at doon ko nakita ang nakaparadang puting rolls royce phantom.

"Arats na, bakla! Excited na ako." Ang sabik na sabi ni Austine bago ako papasok sa loob ng sasakyan.

Hindi tumabi si Austine sa akin at sa halip ay naupo sa shotgun seat ng sasakyan. "Manong, lead the way!"

Tiningnan ko ang driver mula sa front mirror. Pansin kong may ibubuga rin si kuya driver. Parang kamukha niya ang kapatid ni Jonas. Parang..

"NATHAN?!" Sabay kaming napasigaw ni Austine sa loob ng sasakyan.

Humalik ito sa labi ng gulat na asawa saka ngumise sa akin. "Let's go. Kanina pa naiinip ang gagong Jonas. Takot yatang hindi mo siputin."

"Siputin?"

Malakas itong hinampas ni Austine saka ako nilingon ng huli na may kabadong ngiti. "Nagkamali ka lang ng rinig. Simutin talaga 'yon. Natatakot si Gob at baka hindi mo simutin ang tamod niya mamaya."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya."Jusko, Austine! 'Yang bibig mo talaga."

Tumawa lang ito ng malakas bago umayos ng upo. Kung may holy water lang ako baka matagal ko na 'tong pinamumog kay sa kanya. Masyado na kasing malumot ang bibig niya. Mahilig sumama si Janisse dito kay kung anu-ano lang din ang natutunan niya.

"Austine, Nathan, bakit ang tagal nating dumating? Gumagabi na oh. Sigurado ba kayong hindi tayo naliligaw?" Ang tanong ko sa kanila habang nakadungaw sa labas.

Nag-aalala ako at baka nagugutom na ang mga bata. May inihanda naman akong mga bote ng gatas sa bag pero hindi ko talaga maiwasang mag-alala. Ngayon lang kasi kami nagkahiwalay ng medyo matagal.

Tumigil kami sa harap ng isang malaking building. Naunang lumabas si Nathan at Austine saka ako pinagbuksan. Nagpalinga-linga pa ako sa buong paligid pagkababa ko. Ang mga nakaparadang sasakyan sa harao ng building ang una kong napansin.

"Austine, a-anong nangyayari? Akala ko ba sa bahay tayo pupunta?" Ang tanong ko nang makapasok kami sa malaking pintuan.

Hindi sila nagsalita mag-asawa at patuloy lang sa paglalakad sa mahabang pasilyo. Ako naman ay patuloy lang rin na nakasunod sa kanila. Nakatayo sa bawat gilid ng pasilyo ang mga kalalakihang nakasuot ng pang royal guard na uniform.

Parang....parang alam ko na kung saan 'to papunta. Sobrang bilis ng tibok ng puso. Kulang na lang ay kumawala ito sa dibdib ko. Nanlalamig na rin ang aking kamay. Tumigil kami sa harap ng isang magarang gintong arched doorway.

Humarap silang dalawa sa akin at ngumite. Hawak nila ang bawat knob ng pinto.

"Denny gurl, grab the d sis." Ang pahabol ni Austine bago nila binuksan ang pintuan. Hindi ko tuloy maiwasang matawa.

Dahan-dahan akong naglakad papasok. Music began to play as I walk. There are flowers everywhere pero ang paborito ko ay ang mabulaklak na arko sa gitna kung saan naghihintay ang mga magulang ko. They were dressed in lavish suits pero ang magaganda nilang ngiti ang nagdala.

"Dad...papa..." Hindi ko na mapigilan ang sarili kong maiyak nang salubungin nila ako dalawa.

"I love you, Denisse." Ang umiiyak ring sabi ni papa.

"Mahal na mahal ko rin po kayo," ang tugon ko. Kumapit ako ng mahigpit sa braso nilang dalawa at muling naglakad papalapit sa altar.

Hindi ko alam kung paano ito nalaman ni Jonas but this is exactly the wedding I was dreaming of. The hanging chandelier, the hanging flowers, the aisle, the flower archs, and him waiting on the altar.

Habang papalapit kami sa kanya, hindi ko maiwasang humanga sa taglay ng niyang kakisigan. Jonas only gets hotter as he grows older. He look so freakin hot in that three piece black suit.

Daddy na daddy ang dating nito habang katabi ang dalawa naming bubwit. They were wearing the same suit their dad is wearing. Kinulot ang nakalugay na buhok ni Janisse habang nakasuot ito ng flower crown.

"Narcid Jonas Juariz, I will give you his hand for the second time. Kapag sinira mo pa ulit ang puso nitong anak ko, hinding-hindi ko na siya ibabalik pa sayo," ang banta ni dad kay Jonas nang sunduin niya kami.

"Makakaasa po kayo, dad, papa." Ang seryosong sagot ni Jonas bago ito nagmano sa dalawa. Akala ko ay aalma si dad sa pagtawag ni Jonas sa kanya na dad pero tumango lang ito bago niya iniabot dito ang kamay ko.

"I love you, anak. Nandito lang palagi si dad." Ang bulong ni dad bago niya ako hinalikan sa noo.

Hindi man ako nakatanggap ng pagmamahal mula sa tunay kong mga magulang ngunit hindi naman ako nagkulang sa pagmamahal at pagaalaga mula sa mga magulang na nagpalaki sa akin. They will always be my parents. Wala ng iba.

"Shall we, Mr. Juariz?" Ang nakangiting tanong ni Jonas bago ako inalalayan ako sa paglalakad papunta sa harap ng altar.

Habang magkaharap kaming dalawa, hindi ko mapigilan ang puso ko sa pag kabog ng malakas. Ilang lalaki na ang dumaan sa mga mata ko pero kay Jonas pa lang ito tumitigil. Ilang lalaki nang sumubok hulihin ang puso ko pero kay Jonas lang talaga ito tumitibok ng ganiyo. This man in front of me...is my world. Sila ng mga anak namin.

"Eight years ago, I found myself standing next to you. It was our wedding day, but there were no flowers, no love songs, no rings, no wedding vows. I failed to give you your dream wedding. I failed to give you the husband that you deserve. I failed to give our children the father that they deserve. Despite failing and hurting you a lot of times you didn't give up on me. And I'm thankful for that. I'm thankful because God gave me a man like you." Saglit siyang tumigil at tumingala. I saw him wiped his tears before clearing his throat. "Denisse, thank you for giving me peace of mind. Thank you for loving me despite my flaws. Thank you for giving me five wonderful childrens. Thank you for giving me another chance to prove myself to you. Today, I want to reaffirm my commitment to you in front of everyone. This time I promise you my eternal love, my respect, and my devotion. I promise to become better everyday so I could be a man worthy of your love. I love you, hon."

Huminga ako ng malalim nang kunin ni Jonas ang kamay ko at dahan- dahang isinuot ang panibagong singsing sa aking palasingsingan.

"Jonas..." Napakagat ako ng labi ko dahil umagos na naman ang mga luha ko. "Jonas, mahal na mahal kita kahit napaka-gago mo."

Narinig kong nagtawanan ang lahat sa sinabi ko kaya napangiti ako. "Sa walong taon nating pagsasama, ilang beses ko ng sinubukang sukuan ka. But I'm glad I didn't. Dahil kung sumuko ako ng maaga, hindi tayo magkaka-triplets. Kung sumuko ako ng maaga hindi ako ang nakatayo sa harapan mo ngayon. Mabuti na lang at nakahabol ka. Nadaan mo ako sa mga pabulaklak at mga suhol mo. Jonas, na huli man pero thank you for giving me my dream wedding. Thank you..." Sunod-sunod ang ginawa kong paglunok para pigilan ang sarili kong muling maiyak. "Thank you for loving us back. Thank you for trying to become the husband and father we wished for. Thank you for changing. Thank you dahil pinili mo kami. Today marks our fresh start. Let us rewrite our love story together with our children. Jonas, I promise to love you, honor you, respect you, and comfort you, in sickness and in health, for richer, for poorer, for better and for worse, as long as we both shall live."

Isinuot ko rin sa kanyang kamay niya ang singsing. Shit! Kinikilig ako.

"It is with pleasure that I conclude the ceremony of renewing the vows of marriage that joined you and binds you as husband and wife. Please celebrate this renewal of vows with a kiss!" Ang anunsyo ng officiant.

Malakas na nagpalakpakan ang lahat. Nakita ko sila Maricel, Henry, Miggy, kuya Chadwick at Taegan sa di kalayuan na nakapatong sa kanilang upuan habang iwinawagayway ang kanilang neckties at bulaklak. Mga gago talaga. Pati si Austine ay nakikisali rin, kaso mga pakete ng condom ang iwinawagayway niya.

"Hey," Itinaas ni Jonas ang mukha ko. Nakalukot ang noo nito at magkasalubong ang kanyang  mga kilay.

"Eyes on me, hon." Ang sabi niya bago ako siniil ng halik. Yumakap ako sa leeg niya para mas idiin pa ang halikan namin.

Ikinasal na kami ni Jonas! Akin na akin na ang lalaking 'to. Wala ng kawala.

-----------------------------------------------------------

The End.


Continue Reading

You'll Also Like

118K 5.9K 42
You don't have all the time in the world. Iyon ang totoo. Blessed to have survived her fatal illness and learning more to live with it, Polka tries t...
15.1M 584K 48
(Game Series # 5) Lyana Isobel Laurel never wanted complication. She never dreamed of marrying into a wealthy family-a family that's way out of her l...
26.6M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
21.5M 699K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...