Before Rosa

By hyperever

40.2K 3K 1.3K

Best friends Raffy and Sia had a drunken intercourse. This resulted to an unplanned gift of new life -- Rosa... More

Rosa
Before Rosa
[BR 1]
[BR 2]
[BR 3]
[BR 4]
[BR 5]
[BR 6]
[BR 7]
[BR 8]
[BR 9]
[BR 10]
[BR 11]
[BR 12]
[BR 14]
[BR 15]
[BR 16]
[BR 17]
[BR 18]
[BR 19]
[BR 20]
[BR 21]
[BR 22]
[BR 23]
[BR 24]
[BR 25]
[BR 26]
[BR 26.5] - an extra scene
[BR 27]
not an update. it's just me rambling.
[BR 28]
[BR 29]
[BR 30]
[BR 31]
[BR 32]
[BR 33]
[BR 34]
[BR 35]
[BR 36]
[BR 37]
[BR 38]
[BR 39]
[BR 40]
Epilogue
[BR 29.5] - some extra scenes

[BR 13]

750 71 37
By hyperever

S I A
Before Rosa 13

○○○

I'm so nervous.

Hindi ko alam. I've never felt this way before, not since my high school crush asked me to dance with her "jokingly". Sa kaniya siguro, joke. Sa akin... hindi.

But being here, in the main hall of Tita Sally's new restaurant, I am so nervous.

So, somehow, Raffy convinced me to wear this teal dress instead of my favorite blue one. He went on with that whole "you're beautiful to me" speech while holding my hand.

For a moment, I had goosebumps. Shiver ran down my spine, from between my shoulders to the rest of my body. My heart stopped beating.

Then, I remembered: Pffft. This is Raffy.

Kaya sabi ko, "Naman," sabay sara ng pinto.

Hours later, heto na kami sa restaurant. Ang galing lang na nagsimula si Tita Sally sa maliit na carinderia. Tapos, kahit maaga siyang naging byuda, nagawa niyang pagtapusin ang dalawa niyang anak, na parehong mga professional na ngayon. Ito ang mga success story na dapat ipinagmamalaki -- mga taong nagpursige.

Now, what was I talking about?

Right, I'm so nervous. Kinakabahan akong tumayo mula sa inuupuan ko para pumunta sa buffet table. Naka-ilang balik na kasi ako. Baka namumukhaan na ako ng server.

"Pst! Raffy!"

Nagpalinga-linga siya mula sa tabi ng table na pinagkukuhanan ng drinks. Inulit ko ang tawag hanggang sa mapunta sa 'kin ang tingin niya. I waved at him to come near me.

"Ano? Gusto mo ng inumin?" tanong niya sabay pakita sa punch na hawak. Pero agad din niya itong inilayo. "Joke lang pala, may alcohol 'to. Tubig nalang sa 'yo. Teka, kukuhanan kita."

"Sandali!" hawak ko sa kamay niya bago pa man siya makalayo. "May ipapasuyo lang ako."

Binigyan niya ako ng nagtatanong na tingin.

Ngumiti ako ng pagkaganda-ganda sabay abot sakaniya ng aking plato. "Pwede mo ba akong ikuha ng calamares?"

Kumunot ang kaniyang noo, pero kinuha niya rin naman ang plato ko. "Okay."

"Tsaka, cordon bleu... at kare-kare. Walang kanin, please."

Umayos siya ng tayo sabay baba ng plato sa mesa. Tapos, pinaningkitan niya ako ng mga mata. "Bakit hindi ikaw ang kumuha?"

Sumilip ako sa server. Hindi ko talaga alam kung namumuhkaan ako nu'n pero ayoko nang alamin. 

Sinundan ni Raffy ang tingin ko. Pagbalik niya ng tingin saakin, tinanong niya ako, "Naka-ilang serving ka na ba?"

"Naka... apat?"

Lumaki ang mga mata niya. "Ilan?"

Sumimangot ako. "Apat. Bakit ba? Buffet naman ah. Tsaka," hinila ko siya papalapit para bumulong, "pandalawahan naman kinakain ko."

Sasagot sana siya pero natigilan kami nang may biglang magsalita.

"Rafael, nak," lapit ni Tita Sally saamin. 

Sa bigla, naitulak ko si Raffy. "Tita!"

"Aray ko, mameh."

Napatingin kami ni Tita Sally kay Raffy. Hindi naman sobrang lakas ng pagkakatulak ko, wala namang nadamage sa nangyari. Pero napatingin parin ang ibang tao sa hall nang dumaing siya.

"Sorry," bulong ko.

Dinaluhan ni Tita si Raffy. "Okay ka lang?"

Napatayo ako. "Sorry talaga."

"Okay lang po ako. I'm okay, Nay."

Lumapit ako sakanila. "Sorry talaga. Ah, Happy birthday po pala, Tita. Sorry po hindi kita nilapitan kanina. Busy ka po kasi."

"Tsaka dumiretso ka sa buffet-- ow!"

Pinanlakihan ko ng mga mata si Raffy. Hinimas niya naman ang part ng tagiliran niyang kinurot ko.

Tita waved her hand in front of us. "Ayos lang 'yun, ano ka ba. Salamat Sia. Buti't nakapunta ka. Kumusta na pala ang pakiramdam mo?"

Nagkatinginan kami ni Raffy. Tumango lang naman siya.

"Ah, okay na po ako. Uhmm... ang sarap po ng luto n'yo," puri ko. Kasi totoo naman. Naka-apat na serving na nga ako, hindi pa ba proof 'yun?

Lumapit siya saakin at bumulong, "Tuturuan kita nang libre kung gusto mo."

Pinanaasan ako ng buhok sa braso. Napatingin ako kay Raffy at nakitang nakangiti siya saakin. Pinilit ko nalang na ngumit kay Tita. "Sure po. Some time po siguro..."

Pinisil ni Tita Sally ang braso ko. "Aasahan ko 'yan. Magsabi ka lang, Anak."

Napakurap ako. Anak?! 

I looked at Raffy. Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Alam na ba ni Tita?!

"Nay!" singit ng kapatid ni Raffy sa usapan. Tumuturo siya sa kaniyang likod. "Nanjan si T'yo Gary. Hinahanap ka."

Napatingin kami sakaniya. Nagpaalam si Tita Sally saamin. Sinamahan siya ni Jerald sa "T'yo Gary" na naghahanap sakaniya.

Nang makaalis sila, hinila ko si Raffy paupo. Nangalay kasi ako bigla.

"Alam ba ni Tita? Bakit niya ako tinawag na anak?" mabilis at mahinang sabi ko sakaniya.

Kumunot ang noo niya. "Relax, Mamang. Ganoon lang talaga si Nanay. She calls every kid my age anak. Alam mo 'yun, as endearment. Huwag kang praning, mameh."

Dinuro ko siya. "Siguraduhin mo lang ha."

"Pero, keber naman kung alam na niya. What's the difference ba? Malalaman niya rin naman mamaya."

Natahimik ako. May point naman kasi siya.

"Pero, gusto ko, saatin manggaling," I insisted.

Nagkibit-balikat nalang si Raffy sabay kuha ng plato ko para ikuha ako ng pagkaing kanina ko pa hinihingi.

○●○

Alas tres nang hapon, isa-isa nang nagpaalam ang mga bisita ni Tita Sally. Pinaakyat ako ni Raffy sa kuwarto niya sandali para makapagpahinga.

Old Spanish house ang bahay nila. Pamana raw ito ng mga ninuno nila sa father's side. Sina Tita Sally na ang nagpa-renovate nito para gawing restaurant ang first floor. Samantala, ang second floor naman, ay ang bahay nila.

"Sleeping beauty ka na muna, mameh. Alam kong pagoda ka na," ani Raffy sabay turo sa higaan niya.

Inilibot ko ang aking tingin sa kaniyang kuwarto. Maayos at malinis ito, kagaya ng bahay niya na tinitirhan namin ngayon. Katamtaman lang ang laki ng kuwarto. Sa tantiya ko, mas malaki lang 'to ng kaunti doon sa home office niya na ginawa naming kuwarto.

May single bed sa isang sulok, may mesa malapit sa bintana, may aparador sa dingding na kaharap ng bintana, tapos sa dingding na katabi ng pinto, may mga post it at notes na nakadikit.

"Ah, 'yung review materials ko para sa licensure," explain niya.

"Ang dami ah."

"Well, sa pagka-komplikado ng human mind, idagdag pa ang behavior ng tao, kulang pa 'yan."

Napangiti ako. Iniwas ko ang tingin sa notes at saka tumuloy sa higaan. "Tingin mo, tapos na sila?"

"Sino?"

"Sina Tita Sally? Iilan na lang naman ang natitira sa baba nang umalis tayo. Tingin mo, nakaalis na sila?"

Napaisip si Raffy. Naglakad siya papunta sa study table niya at naupo sa upuan doon. "Sure ka na ba talaga sa gagawin natin, See?" tanong niya.

Kumunot ang noo ko. "Okay ka lang? Nagdadalawang-isip ka ba? Kamakailan lang parang gusto mo nang magpa-press conference."

"Hindi. Kasi last tim--" buntong hininga. "Last time kasi nahimatay ka. Hindi ka naman magbablack-out ulit, right?"

Napairap ako. "Masama ang pakiramdam ko nu'ng araw na 'yun. Today, I'm okay. Actually, I'm more than okay. Okay na okay ako today."

Umirap din siya. "Sinasabi mo lang 'yan kasi busog ka."

Tinulak ko siya. "Bumaba ka na nga muna. Mahihiga lang ako saglit. Tawagin mo ako kapag tapos na sila sa baba. Sige na."

"A--aray ko teh!" daing niya nang mapalakas nanaman ang tulak ko. Muntik na siyang mahulog sa silya. "Oo na! Lalayas na! Wait lang."

Tumayo siya't inayos ang kaniyang damit. "Pero sure ka na nga?" pangungulit niya.

Umirap ulit ako. "Oo."

"Wala nang atrasan?"

"Gusto mo bang magbago ang isip ko?"

Napangiti siya. "Charot lang pala. Sige mami, magdidisappear na muna ako. Babalikan kita." Kumaway pa siya bago sarhan ang pinto ng kaniyang kuwarto.

Nang mawala na siya sa paningin ko, napatayo ako mula sa kama. I put a hand on my forehead.

Is it too late to leave now?

Napatingin ako sa pinto. Sumilip ako para siguruhing wala na si Raffy sa hallway. Nang makita kong wala na, lumabas ako ng kuwarto at naghanap ng daan palabas.

○●○

"Sia?"

Natigilan ako nang bigla kong marinig ang boses ng kapatid ni Raffy. Napalingon ako sakaniya. "Jerald. Anong ginagawa mo rito?" May talent talaga 'to sa pag-sneak. Bigla-bigla nalang sumusulpot lagi eh.

Kumunot ang noo niya. "Ikaw yata ang dapat na tinatanong ko n'yan. Anong ginagawa mo rito?"

"Ah, eh." Napatingin ako sa pinto sa dulo ng hallway. "Saan papunta 'to?"

"Sa labas, sa likod ng bahay kung saan kami naglalaba. Bakit?"

Ito na nga ang hinahanap ko. ... pa'no ba...?

"Akala ko banyo. May banyo ba sa labahan ninyo?"

Umiling siya. "Wala. Pero dito sa second floor, may dalawa. Gagamit ka ba? Tara, ituro kita."

Napatingin ako sa daan palabas. Tinandaan ko ang hitsura nito pati ang daan papunta rito. Makakalabas din ako. Wait lang kayo.

"Sia," tawag ni Jerald.

"Ha?"

"Banyo?"

"Ah, oo."

Sinundam ko siya pabalik sa pinto ng kuwarto ni Raffy. Tinuro niya ang kaharap nitong pinto. "Ito ang unang banyo. May isa pa roon sa may kusina."

"S-salamat."

Pumasok na ako sa banyo. Hindi naman talaga ako magsi-CR. Pero dahil naroon nalang naman ako, umihi na ako. Pagkatapos, lumabas na ako para bumalik doon sa pinto papuntang labahan. Kaso, paglabas ko, naroon parin si Jhe.

"Oh. Hindi mo na naman ako kailangang hintayin," sabi ko.

Napakamot siya sa kaniyang batok. "Baka kasi mawala ka ulit. Bababa ka na ba? Ah, ito nga pala ang kuwarto ni Kuya, kung gusto mong magpahinga," aniya sabay turo sa pinto ng kuwarto ni Raffy.

Tumango nalang ako kahit na alam ko na 'yun.

"Uhm... may mga tao pa ba sa baba?" tanong ko.

Napaisip siya. "Marami pa. Nag-iinuman na ang mga kalalakihan. Sa kabilang side, nagbabaraha ang mga babae."

Napakurap ako. "Ha? Pa'no na 'yan..."

Jerald tilted his head. Sinilip niya ang mukha ko. "Bakit?"

"Kasi... kakausapin na sana namin ang Nanay n'yo ngayon after ng party. Mukhang matatagalan pa kami rito."

"Kakausapin?"

Nangalay ako. Naghanap ako ng mauupuan at inaya ko siyang sumunod.

"'Yung..." napatingin ako sa tiyan ko. I'm 10 weeks pregnant. Hindi pa gaanong halata, pero alam kong lumalaki ang waist area ko. Ebidensya ang dress na hindi magkasya.

"Ah... sasabihin n'yo na ngayon." Napangiti siya. "Siguradong matutuwa si Nanay. Dapat hindi na kayo bumili ng regalo, may best gift ka nang dala."

Napunta kami sa sala nila. Naupo ako sa mahabang upuan na gawa sa kahoy. Naupo naman siya sa isahang silya. "'Yan nga ang sabi ko kay Raffy. Ayaw niya naman. Bumili parin kami ng regalo para kay Tita," kuwento ko.

"So, kayo ni Kuya..."

Napatingin ako sakaniya. Nagtatanong ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Agad akong napailing. "No, nonononono. No."

Natawa si Jerald. "Ang daming no.  Alam mo ba ang karugtong ng tanong ko?"

"Tatanungin mo lang kung kami ba," may irap kong sabi.

"Actually, tatanungin ko lang kung magkaibigan talaga kayo."

Napailing ako. "Ha-ha-ha-ha. Palusot pa more."

"Oo nga!"

Nagpatuloy ako sa pag-iling para sabihing hindi ako naniniwala.

"Pero di nga, magkaibigan kayo?"

"Oo. College pa."

He tilted his head. "So, sa pareparehong university pala tayo nag-aral. Never kitang nakita."

"Hindi naman kasi ako agaw atensyon," sagot ko. "I'm more of a background worker. Sa Student Council, ganoon."

"Student Leader? Lalo na. Bakit hindi manlang kita nakita sa elections."

"Baka kasi magkaiba tayo ng college," I pointed out.

Natigilan siya. "Oo nga. Tama," tawa niya.

Maya-maya, nabaling ng tingin ko sa may hagdanan, nakita ko si Raffy. Nagulat siya nang makita ako sa sala.

"Akala ko'y magpapahinga ka..."

Nagkibit-balikat nalang ako bilang sagot. "Si Tita?"

Tumuro siya sa likod gamit ang kaniyang hinlalaki. "Susunod daw siya."

Tumayo si Jerald. "Sunduin ko na," paalam niya sabay lakad papunta sa hagdanan.

Lumapit si Raffy saakin. "Nakapagpahinga ka ba?"

Nagkibit-balikat lang ako. "Kapag ba dumaan tayo sa labahan ninyo, makakapunta tayo sa kotse?"

"Ha?"

"Wala... naisip ko lang." Tumikhim ako. "Ano palang sinabi mo kay Tita?"

Naupo siya sa tabi ko saka nag de-quatro. "Sabi ko, may chika ako sakaniya."

"Ha?"

Raffy just winked at me. Sakto namang dumating na sina Tita Sally at Jerald. Inaya na niya ako sa dining table.

This time, seryoso na ako. Kinakabahan ako. Shet.

○●○

Naglagay si Jerald ng mga inumin at kakanin sa hapag para raw hindi awkward ang usapan. Pero, siya lang din naman ang kumain. Tingin ko kasi'y umaakyat na ang lahat ng kinain ko kanina sa lalamunan ko. I had to drink two glasses of water to push them down.

"Ano ba 'yun?" tanong ni Tita Sally. Nakaupo siya sa kabisera. Sa kanan niya naupo si Jerald. Kumakain ito ng sapin-sapin.

Sa kabilang side naman kami naupo ni Raffy. Siya malapit kay Tita, ako sa tabi niya.

"Uhm," napatingin si Raffy sa akin. "May sasabihin po kami ni Sia."

Nanlaki ang mga mata ni Tita. "Magpapakasal na ba kayo?"

Nabilaukan si Jerald dahil sa sinabi niya.

"Nay!" reklamo ni Raffy. "Atat much?"

"Oh, eh bakit. Nang buntis ako sa 'yo, jan din kami nakaupo ng Tatay mo para magpaalam sa mga magulang niya. Jusmiyo, Sia," baling ni Tita saakin. "Buntis ka ba?"

Kinuha ko ang kamay ni Raffy sa ilalim ng mesa at pinisil ito ng pagkahigpit-higpit.

Ganoon ba kami ka-obvious?

To be continued...


Hi! Kumusta kayo??? 💜
-A.

Continue Reading

You'll Also Like

53.2K 1.8K 42
They say "Chase your dream" so im chasing mine and it's you.
2.3K 80 32
The Mayor and the Idealist. --------------- Javier Genrio. The young mayor of San Vicente who dreams of changing the world. All that matters to him r...