Before Rosa

By hyperever

40.2K 3K 1.3K

Best friends Raffy and Sia had a drunken intercourse. This resulted to an unplanned gift of new life -- Rosa... More

Rosa
Before Rosa
[BR 1]
[BR 2]
[BR 3]
[BR 4]
[BR 5]
[BR 6]
[BR 7]
[BR 8]
[BR 9]
[BR 10]
[BR 11]
[BR 13]
[BR 14]
[BR 15]
[BR 16]
[BR 17]
[BR 18]
[BR 19]
[BR 20]
[BR 21]
[BR 22]
[BR 23]
[BR 24]
[BR 25]
[BR 26]
[BR 26.5] - an extra scene
[BR 27]
not an update. it's just me rambling.
[BR 28]
[BR 29]
[BR 30]
[BR 31]
[BR 32]
[BR 33]
[BR 34]
[BR 35]
[BR 36]
[BR 37]
[BR 38]
[BR 39]
[BR 40]
Epilogue
[BR 29.5] - some extra scenes

[BR 12]

824 72 45
By hyperever

Unplanned update ulit. Kumusta kayo?     -A.

---

R A F F Y
Before Rosa 12

○○○

Why does a person hum a melody unconsciously?

Hmmm... well, maraming rason, mare!

Perhaps that person was stressed and ought to ease his burden. Perhaps there's this song stuck in his head. Or, perhaps something good happened and that person is celebrating.

Psychologically speaking, humming has a lot of benefits. It provides relaxation and a sense of inner peace. Kaya, anuman ang rason ng tao para humimig at kumanta-kanta habang naglilinis ay hindi ito dapat mahiya. Normal 'yun! At kailangan natin 'yun!

Sadly, though, Sia doesn't seem to understand it kahit ilang beses ko nang in-explain sakaniya ang benefits of humming. Maya't maya niya parin akong binibigyan ng weird look dahil halos isang linggo na akong pakanta-kanta at humihimig mag-isa.

"Can't you stop it?" she said. Iritado nanaman si Ateng. "For once, Raffy, manahimik ka, please?"

Ibinuka ko ang aking bibig para i-explain ulit sakaniya ang benefits of humming. Pero, inunahan niya akong magsalita.

"Heard it. Don't care," she said.

Ngumiwi ako sabay patuloy sa pagwawalis sa sala. Nagpatuloy lang din naman siya sa panunuod ng cartoons.

Lunes ngayon at maggagabi na. Maagang umuwi si Sia kasi masama raw ang pakiramdam niya. Nang umuwi ako, ganyan na s'ya: nakapajamas, kumakain ng vanilla ice cream na may toyo, at nanunuod ng cartoons dito sa sala.

"Masaya lang naman ako eh," bulong ko. "Party pooper talaga 'to."

"Oo nga pala teh," lingon ko sakaniya nang may maalala ako.

"Hm?"

"Bibili ako ng gift para kay Nanay. Ano, sasabay ka?"

Tatlong beses siyang kumurap bago lumingon sa 'kin. "Anong bibilhin mo?"

Nagkibit-balikat ako sabay patuloy sa pagwawalis. "Cooking utensils? Kitchen stuff? Mga ganern."

"Kailan ka bibili?"

"Bukas? After work?" sagot ko. Ibinalik ko ang walis sa lalagyan at bumalik sa sala. "Ano? Sasama ka ba?"

Pinatay niya ang TV sabay bitbit ang bowl ng pagkain. "Pag-iisipan ko," aniya. Dumaan siya sa harap ko at pumunta sa hagdanan.

"Hindi ka bibili ng gift para kay Nanay?"

Tumigil siya sa paanan ng hagdan. "Hindi pa ba pwede 'to?" turo niya sa kaniyang tiyan.

Napatingin ako roon, tapos natawa. "Best in patawa ka mameh."

"Share tayo rito," sabi pa n'ya. "Diba't best gift na 'to?"

Umiling ako sabay kuha sa remote ng TV. Umupo ako sa dati niyang kinauupuan at binuksan ang TV. "Di ko sure kong nagjojoke ka o hindi."

I saw Sia smile a little. "Joke lang. Sige na. Hindi ko dadalhin ang kotse bukas. Sunduin mo ako sa school," aniya habang umaakyat sa hagdan.

"Yes Ma'am!" sagot ko. Iiling-iling ko nalang inilipat ang palabas sa balita.

Maya-maya, nagtaka ako nang may biglang tumawag saakin mula sa labas. Kinalampag pa nito ang gate, kahit na may doorbell naman kami.

"Ano ba naman 'yan. Sandale! Sino ba 'yan?" tanong ko habang nagsusuot ng tsinelas. Kung sino mang lapastangan 'to, makakatikim sa'kin 'to. Uso magdoorbell, teh!

"Sino 'yan?" ulit ko kasi walang sumasagot.

"Diwata ang nasa labas! Papasukin ninyo," sigaw ng nasa labas.

Natigilan ako. The voice was familiar.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Sumalubong saakin ang nakataas-kilay na binabaeng may pink na buhok. Nakahalukipkip pa ito.

My jaw dropped.

"Oh, gulat ka?" mataray na tanong niya. "Uso magpapasok."

Marahan kong nilakihan ang awang ng gate. "Kailan ka pa nakauwi?" I asked slowly. Napatingin ako sa loob ng bahay. I can feel my heart pounding against my chest.

May way ba para itago si Sia? What if I text her now? Sabihin kong nandito si Kevin at kailangan niyang magtago?

Kinapa ko ang aking shorts. Shet, wala akong bulsa. Nasa loob ang phone ko.

"Bakit ganyan ang ayos mo?" tanong ni Kevin sa 'kin, dahilan para matauhan ako. "May tinatago ka ba saakin? Omo." He acted shocked. "Don't tell me may lalaki ka sa loob? Sige, lalayas na ako," aniya sabay labas ulit.

Inirapan ko siya. "Hindi, baliw," hawak ko sa kaniyang braso. "Si Sia ang nasa loob."

"Ay? Hala."

Napakurap ako. Anong sabi ko?! Nasa loob si Sia? Oh, shoot.

"Wait, tatawagan ko si Kuya Miko," patuloy ni Kevin sa sinasabi niya. "Pasalubong mo lang 'yung dala ko eh."

Napakamot ako sa batok. Lagot na talaga... "Huwag na. Okay na 'yang dala mo," namomroblemang sabi ko.

Biglang lumingon si Kevin sa gawi ko. Pinanliitan niya ako ng mga mata. "Bakit ang hinhin mo?" nagtataka niyang tanong.

Inirapan ko siya para hindi halatang pinagpapawisan na ako ng malamig dito. "Bakit, ano ba dapat? May pa-welcome party ako para sa'yo? Bet mong mag-split ako?"

"Keri mo?"

Muli akong umirap. "When I was bata pa. Hindi na ako sixteen, Kevin."

He laughed. "Tara na nga't puntahan na natin ang babae sa loob," aya niya sabay una papasok.

Napatakip ako ng mukha. Anong gagawin ko? Urggghhh.

"Sia?" tawag ni Kevin sa loob.

Sumunod na ako sakaniya. "Baka nasa banyo," kagat-labi kong sagot. Inilibot ko ang aking paningin sa sala, nagbabaka-sakaling narito ang phone ko.

"Bakit pala nandito 'yan?" tanong ni Kevin sa akin. "Wala si Monic?"

Napalunok ako ng laway. I kept my eyes away from him. "Uhm, siguro. Kailan ka dumating?"

Tumaas ang kilay niya. "Tinanong mo na 'yan kanina."

"Right," I breathed. Nauna akong pumunta sa kusina nang hindi ko makita sa sala ang phone ko. "Kumusta ka?"

"Okay naman. Bangag pa from flight, pero ayoko pang umuwi."

"Nagpahinga ka muna sana," sabi ko habang chinicheck ang table at counters. Nasaan ang phone ko?!

"Ayaw mo ako rito?"

Napalingon ako sakaniya. Nakanguso siya, nagtatampo. Jusko, 'tong kaibigan kong 'to. "Uy, hindi. Worried lang ako sa'yo," sabi ko.

"Worried pero hindi ma-contact," aniya sabay upo sa counter stool.

Tahimik akong umiwas ng tingin. Kasalanan ni Sia! I would like to say. Ayaw ni Sia na may makaalam kaya agad nitong pinapatay kapag tumatawag si Kevin. Ganoon ka-paranoid ang mameh ninyo.

"Bakla, sino 'yu--"

Napatingin kami sa hagdan. Napapikit nalang ako nang makita ko si Sia. 

"Sleepover?" tanong ni Kevin mula sa likod ko.

"Kevin," pilit na ngiti ni Sia. "Kailan ka pa?"

"Kanina."

Tumingin si Sia saakin. Sa ilang segundong tinginan naming 'yun ay nakapag-usap kami.

Bakit hindi mo ako sinabihan? tanong niya sa pamamagitan ng panlalaki ng kaniyang mga mata.

Paano? sagot ko sabay tilt ng aking ulo.

Cellphone? she shrugged.

Pasimple akong umiling. Nawawala!

Umirap nalang si Sia sabay tabi kay Kevin sa may counter. "Hindi ka nagpasabi," aniya rito.

"Paano ako magsasabi kung hindi ko kayo matawagan?" bwelta ni Kevin.

Tumalikod ako sakanila at nagbukas ng ref. Bakit ba naman kasi ngayon pa napiling umuwi ng baklang 'to?

"Kinakain mo?" rinig kong tanong ni Kevin.

Napatingin ako sakanila. Nakaturo siya sa kinakain ni Sia.

"Vanilla ice cream?" sagot ni Sia.

"Ano 'yang red squares?" patuloy ni Kevin sa kaniyang imbestigasyon.

"Uh... ham."

"At yang green cubes?"

"Cucumber?"

I saw the stunned expression in Kevin's face. "Masarap?"

Napatingin ako kay Sia. 'Yan din ang tanong ko kanina pa eh. Pero di ako sinasagot ni Sia.

"Uh... oo," sagot niya.

Napanganga ako. Ang unfair ah!

"Hayaan mo na 'yan si Sia. Ganap na weirdo na 'yan," may bitterness kong singit sa kanilang usapan. Lumapit ako sakanila hawak ang Sans Rival cake na padala ng client ko kanina.  "Kwento ka nalang, Kev. Kumusta LA?"

"Keri lang," Kevin sighed.

"Eto, pasalubong. 'Yung sa'yo," baling niya kay Sia. "Napadala ko na sa bahay. Hindi ko naman alam na nadito ka, eh. Nandoon rin 'yung kay Monic."

Tumango si Sia. "Kumusta si Erika?" paglipat niya agad ng usapan.

Nang pabalang na sumagot si Kevin, alam na namin kung bakit siya nandito.

"May ikukuwento ka ba?" tanong ni Sia.

Mukhang 'yun lang naman ang hinihintay ni Kevin. Agad niya kinuwento ang mga nangyari sakaniya sa Los Angeles. Kinuwento niya ang kaniyang pagtulong sa dati niyang kaibigan/kasintahan, ang kapalpakan niya, lalo na ang kasinungalingan ni Erika.

"Magsama sila ni Allen," galit na conclude niya sa kaniyang kuwento.

Sabay kaming napa-facepalm ni Sia. Nang tanungin ni Kevin kung bakit gaanoon ang nalang reksyon namin ay hinayaan ko na si Sia na mag-explain. She knows Erika better than I do. ... actually, I've never met her. Kaya, mas may sense kung si Sia ang magpapaliwanag.

Pagkatapos nilang magdrama (both Kevin and Sia), iniba na ni Kevin ang usapan. "Sa ngayon, sabihin n'yo muna saakin kung ano ang mayroon sainyong dalawa kasi halata namang meron."

Nagkatinginan kami ni Sia.

Honestly, I saw it coming. With our set-up, sa galaw ko at sa hitsura ni Sia. Anyone in their right mind will think that something is wrong.

But Kevin is kind of dense. Medyo in-expect kong hindi siya makakatunong. Hindi ko alam kung magiging proud ako o hindi dahil na-sense niya.

Sia pointed at me. "Your cue," she said, before taking a bite of her ice cream.

Napahinga ako ng malalim. I gave Kevin a serving of the Sans Rival cake before telling him the story.

Pagkatapos kong magkuwento, muling umiyak ang bakla. "Hindi n'yo naman sinabi eh! Walang wala 'yung problema ko sa problema n'yo! Tapos, hinayaan n'yo pa akong magrant dito na parang okay lang lahat sainyo," ani Kevin sabay subo ng isang malaking serving ng cake.

I sighed. Sandali akong napatingin kay Sia. Kino-comfort niya si Kevin sa pamamagitan ng paghagod sa likod nito.

"But, that doesn't make it invalid," I said to him. "Kahit may sarili kaming problema, pakikinggan at pakikinggan ka parin namin. And vise versa."

Itinaas ni Kevin ang kaniyang tingin saamin. Parang waterfalls ang mga mata nito. "Awe. I love you guys."

Napairap ako, lalo na nang tumawa si Sia.

Seriously?! Bakit ang touchy niya kay Kevin? Pero kapag sa akin, kulang nalang itulak ako sa bangin?

Haay, huminga nalang ako ng malalim sabay iwas ng tingin. Ang unfair talaga ng mundo.

○●○

Araw ng Linggo, birthday ni Nanay. Six am palang nagre-ready ba kami ni Sia pumunta sa restaurant. Bago kasi ang opening mismo, magpapamisa muna si Nanay sa first floor ng kainan. 9 am ang mass kaya dapat by eight ay naaroon na kami.

Nasa kwarto ako sa first floor, iyong dati kong office na in-improvise namin para maging kwarto/study. Kinakabahan ba ako? Yes! Hindi ko alam ang magiging reaksyon ni Nanay sa oras na malaman niyang magiging grandmama na siya.

At the same time, excited akesh. Nakakaproud si Mami Sia. Alam ko namang little by little ay maggigive in rin siya. Kailangan ko lang maging patient as ever.

Muli kong tiningnan ang aking sarili sa salamin. Naka-polo akong pink katerno ang isang beige na shorts. Tinernuhan ko ang mga ito ng brown na boat shoes. Nagsuot rin ako ng brown fedora hat for effect. Hindi ako kasing dramatic ni Kevin magdamit pero keri na 'to. Conservative.

Habang naglalagay ako ng lip balm, nagulantang ang buong bahay nang sumigaw si Sia mula sa second floor. Agad akong umakyat.

"Arouch!" sigaw ko nang mapatid ako sa hagdan. Nahulog ang fedora mula sa ulo ko at nagpagulong-gulong ito pababa.

"Aish," hinayaan ko na ito at saka ako tumayo habang hinihimas ang aking tuhod. Humahapo kong binuksan ang kwarto sa second floor. "Mameh?"

"Raffy!"

I scanned the room. Wala namang mali sa ayos ng kwarto. Bukas ang closet at nakalatag sa higaan ang ilang damit. Nang tumingin ako sa isang gilid, kung saan nakasabit ang full body mirror, ay nakita ko si Sia. May suot siyang blue dress na hindi nakasara ang likod.

"Anong--?"

She turned to me, her eyes full of tears.

"Hey," lapit ko sakaniya. "Anong nangyari?"

I scanned her body. Maliban sa nakabukas na back zipper ng dress niya'y wala akong nakitang mali. "May masakit ba sa 'yo?" I put my hand over her forehead and neck. Hindi naman siya mainit.

Inalis niya ang kamay ko. "Wala akong sakit," humihikbi niyang sagot.

I reached for her eyes and wiped her tears. "Oh, eh bakit ka umiiyak?"

Sia faced the mirror. "Hindi na kasya ang damit ko," iyak niya.

Napakurap ako nang ilang beses. I opened my mouth to say something but decided against it. Alam ko namang masasapak lang ako kapag sinabi kong, lamon pa ghorl!

"Baka kasi matagal mo nang di nagagamit 'to. Palitan mo nalang," sabi ko sakaniya sabay punta sa closet. Naghanap ako ng pwedeng ipalit sa suot niya.

"Ginagamit ko palang 'to three weeks ago eh!" muli niyang iyak. "Tsaka favorite ko 'to!"

Napapikit ako habang nakatalikod sakaniya. "I'm sure it'll fit again someday. Palitan nalang muna natin ngayon. Malelate na tayo eh. Baka abutin pa tayo ng traffic."

Sa isang sulok ng closet, may nakita akong stretchable na dress. Kulay teal ito. I took it and presented it to Sia. "How about this one? I love the color Mami. Ito nalang suotin mo."

"Blue 'to!" aniya sabay tapon saakin ng isang stressball mula sa study table. "Teal 'yan!"

"I know," iwas ko sa bola. "Pero--"

"Raffy," she said, cutting me off. Hindi na naman galit ang tono niya. Mukhang naiiyak nanaman.

"Hmm?" Maingat akong lumapit sakaniya. Para siyang babasaging pinggan these past few days. She's scarier than when she was not preggies. At least noon, kapag galit siya, hindi siya kikibo. Ngayon, nangangagat na -- literal.

"Tumaba ba ako?"

Napalunok ako. Hindi ba't universal rule na hindi sabihin sa babaeng tumaba siya, lalo na kung buntis siya? So... anong gagawin ko rito?

"Uh... ano ka ba, teh!" Inilagay ko ang dress sa pagitan namin, in case na may masabi akong masama. "Does it matter if you gained weight or not? You're still beautiful, oh." Pinaharap ko siyang muli sa salamin. Pinunasan ko pa ang kaniyang mga luha. "Kitams. Retouch nalang natin make up mo teh after mong magpalit. Tara."

"So, sinasabi mong tumaba nga ako?"

"H-hindi," ngiti ko sakaniya. "W-what I mean is... it doesn't matter what you look like on the outside. What matters is what's on the inside."

Sandali kaming natahimik sa validation message kong 'yun. Hawak ko lang siya sa mga balikat habang pareho kaming nakatingin sa mga mukha namin sa salamin.

A while later, Sia spoke. "Sino ka? Nanay ko? Ni hindi nga ako sinabihan ng nanay ko ng ganyan, eh."

Napangiwi nalang ako.

Inagaw ni Sia ang teal dress mula sa kamay ko at saka ako itinulak palabas. "Sige na. Lumayas ka na nga rito. Wala kang kwenta."

"T-teka. Okay ka na?"

"Oo na. Salamat."

Nang nasa may pinto na kami, pinigilan ko siya sa pagsara ng pinto. "Wait lang, may sasabihin pa ako."

She stopped and listened.

"Hindi na 'to quotable quotes. Promise. Kaya, ngiti ka na Mami," sabi ko sabay tusok ng magkabila niyang pisngi. I lifted both ends of her cheeks, forming a smile out of her lips. "Just remember: you might gain even more weight in the following months. Your body will change."

"But still," I paused for effect. Binitawan ko ang mga pisngi niya, saka ko kinuha ang kaniyang kamay. "Remember that you are beautiful to me. Hmm?"

I smiled and waited for her reply.

To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

713K 21.8K 31
Perfectly In Love With My Gay Husband Written By: YooAckerman Prologue: Isang baklang boss na ubod ng sungit at pilit ginagawang lalaki ng kanyang pa...
20.6K 1K 36
Earl Ramses Adriatico is being bugged by his parents to be in a relationship. Walang kaso sa parents niya if he's a gay, the thing for them is that...
Mayari By meow

Short Story

6.9K 250 7
Ngayong gabi lang 'to. Anong gagawin mo? This is Danny's one-night encounter. ~☆~ Date posted: June 28, 2020 hyperever ☆ #OneNightStories 2 Language:...