The Art of Letting Him Go |✔︎

By CalypsoCleo

9.7K 238 38

[THE ART SERIES #1] Letting him go is the hardest choice she made. Jennica and Xeus has been together for ei... More

The Art of Letting Him Go
Prologue
CHAPTER 1- Letting Him Go
CHAPTER 2- Present
CHAPTER 3- Who's Married?
CHAPTER 4- Hivanna
CHAPTER 5- The Special Guest
CHAPTER 6- Cloud
CHAPTER 7- The Ex
CHAPTER 8- The Past and Present
CHAPTER 9- What's Wrong with Xeus
CHAPTER 10- I Want You Back
CHAPTER 11- Who's That?
CHAPTER 12- The Plans
CHAPTER 13- Happy Birthday
CHAPTER 14- For Us
CHAPTER 16- Forever and Always
CHAPTER 17- Help
CHAPTER 18- In Another Life, I Would Be Your Girl
CHAPTER 19- Pregnant
CHAPTER 20- This is the End of Our Story
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE
THE ART OF MAKING HER MINE

CHAPTER 15- Teardrops of a Wife

278 7 0
By CalypsoCleo

Ilang linggo nang umiiyak si Hivanna. Sobrang sakit na alam mong may ibang babae ang asawa mo pero wala kang magawa kundi ang manahimik at umiyak sa isang tabi.


'Xeus you're really hurting me!'



Alam naman ni Hivanna na hindi sya nito mahal. Hindi sya mahal ni Xeus. Sa Simula't sapol ay hindi naman talaga sya ang mahal ng asawa nya.




Akala nya ay matututunan rin syang mahalin ni Xeus kapag ikinasal na sila. Nagbulag bulagan sya at nagtanga tangahan. Pinaniwala ni Hivanna ang sarili na mahal na sya ni Xeus.



The way he cares, nagbingi-bingihan sya sa lahat ng naririnig nya sa paligid na talagang mapagmalasakit lang ang asawa nya. She loves the idea of his husband taking care of her.


The way he touches her, na parang isang babasaging bagay. His touches are soft and addictive. Na parang sya ang pinakamahalagang tao sa buhay ni Xeus.


Lahat ng ginagawa ni Xeus para sakanya, mas lalo syang nahuhulog...palalim ng palalim.

Pero nagbago ang lahat ng bumalik si Jennica, ang tunay na mahal ni Xeus.


Naiinis si Hivanna kay Jennica dahil bumalik pa ito sa buhay ng asawa nya. Masaya na sila at ang relasyon nila pero dahil sa babaeng yon ay unti unting nawawala si Xeus sa kanya.


Akala nya ay matitigil rin agad iyon. Akala nya ay titigilan na ni Jennica ang asawa nya dahil alam naman nyang matalino ang dalaga. She's a lawyer nga diba? Alam nya dapat ang tama at mali! alam nya na may asawa na si Xeus!


Matagal nang nakakahalata si Hivanna. Simula nang umuwi sila galing birthday ni Cloud. Pag kauwi nila ay naiwang bukas ni Xeus ang cellphone nya sa desk. Ayon na ang chance nyang malaman kung sino ang babae ng asawa nya. Halos gumuho ang mundo nya sa mga nabasa. All this time ang layo ng tingin nya! Nasa harap nya na pala!



Hindi nya pinahalatang alam nya na. Sigurado syang iiwan sa ni Xeus pag nalaman nitong alam nya na. Hindi sya papayag, ayaw nyang mawala si Xeus. Kaya nyang mag bulag bulagan, bingi-bingihan, tanga tangahan habang buhay basta sakanya parin uuwi si Xeus at the end of the day.

Yes! Makasarili sya! gusto nya sakanya si Xeus! sakanya ang asawa nya. Nang una pa lang nya itong makita sa party ng daddy nya ay agad nyang hiniling sa tatay na i arrange marriage sila ni Xeus. Sa sobrang makasarili nya, eto ang kabayaran. She didn't wish for this! She wants Xeus! Alone!

Patuloy pa rin sya sa pag iyak. Para na syang tatakasan ng bait sa sobrang pag iisip. Nabubuo pa lang ang senario sa utak nya na maghihiwalay sila ng asawa ay gusto nya nang mamatay.


She fvcking love Xeus so much! Bakit ba hindi na lang sya ang mahalin nito! Kaya nyang gawin ang lahat mahalin lang sya ng asawa nya!


"Jennica! Fvcking Jennica Madrigal! bakit ba kasi bumalik ka pa?!" pag sigaw ni Hivanna. Wala syang inaalala dahil wala naman ang asawa nya ngayon. Baka nasa kabit nya.



"MASAYA NA SYA SAKIN KAYA BAKIT BUMALIK KA PA?!" tuluyan na syang napasigaw.



Hindi! Hindi sya makakapayag na iwan sya ng asawa. Sya ang pinakasalan nito! Sya si Mrs. Acosta!


"Hivanna Acosta....that's my name!"


"I'm the fvcking Hivanna Acosta! His wife!" Hivanna said while crying.



Ganda at talino lang naman ang nagugustuhan sa kanya ng mga tao! Ang hindi naman nila alam ay isa syang ahas at mang aagaw ng asawa! Isa syang kabit pag nakatalikod kayong lahat!!


Halos patayin na sa mura ni Hivanna sa isip nya si Jennica pero wala syang magawa. Ang kaya nya lang gawin ay manood kung paano sya lokohin ng mga tao sa paligid nya.

Tumayo sya sa pagkakahiga sa kama nila ng asawa nya at saka dahan dahang humakbang papunta sa salamin.

Tinignan nya ang sarili nya. She's not the same Hivanna she seems to be. Her eyebags are getting bigger. Her eyes are swollen, her face is dry. Her lips is cracked and pale. Her hair is a mess.


Napatawa sya sa sariling repleksyon. No, She's not the Hivanna. Ang kilala nyang Hivanna ay palangiti, maalaga sa sarili at sa paligid. Iginala nya ang paningin nya...hindi magugustuhan ng asawa nya ang mga nangyayari sa kanya.


She needs to fight.


Ipaglalaban nya kung ano ang sa kanya. Sa kanya si Xeusprim Angelo Acosta. Sa kanya ang asawa nya.




Kinuha nya ang towel sa sabitan nito at saka pumasok ng CR. Sinigurado nyang pag labas nya ng banyo ay bumalik na ang dating sarili nya.






Sinimulan nyang linisin ang kwarto hanggang matapos ang buong bahay. Nagbihis sya at kinuha ang kotse nya at pinaandar iyon papuntang mall.





She needs to get back. Baka sakaling bumalik rin sakanya ang asawa nya. She needs to be beautiful! She needs to be smart just like that Jennica!






Inilabas nya ang cellphone nya at may itinype roon.








To: Cloud

2:12 PM
Can you accompany me? gusto ko mag shopping...are you free?
[Sent.]






Agad naman itong nag reply.






From: Cloud

2:14 PM
Sure. Give me ten.
[Seen by you.]







Mabilis namang natapos ang sampung minutong hinihingi ni Cloud. Agad naman itong nakarating kung saan ang sinabing place ni Hivanna.








"Wala ba ang asawa mo para samahan ka?" tanong ni Cloud habang nililibot nila ang mall.








Napatingin naman si Hivanna sa kanya saka ngumiti ito. "Wala nasa trabaho"








'Siguro ay trinatrabaho ang kabit nya' sa isip isip ni Hivanna.







"Ikaw? Wala ba kayong lakad ni Jennica?" tanong ni Hivanna.





"Hmm wala. Hindi ko pa nga sya nakikita lagi kasing busy yon" simpleng sabi ni Cloud.






'Ahh baka busy sa paglandi sa asawa ko'






"Hmm...Tara dun tayo, tulungan mokong pumili ng damit" turo ni Hivanna sa store ng kilalang brand.






Nagtataka naman si Cloud dahil iba na ang mga style ng damit na pinipili ni Hivanna kumpara don sa huli silang nag shopping.







"Naalala ko pa kaya tayo nagkakilala kasi ang galing mo pumili ng damit" nakangiting sabi ni Hivanna sa binata.







"Hindi ah...that dress was caught my eyes nung makita ko yon then nakita kita mukhang nahihirapan kang mamili that time" paliwanag ni Cloud.






"Sus... buti ka pa marunong pumili ng magagandang damit" ani ni Hivanna habang namimili ng damit. "Can you help me to pick?"







"Sure...uhmm...that one, it's looks hot" turo ni Cloud sa fitted party dress na kulay maroon.






"This one? Yeah this is good!" inilagay ni Hivanna iyon sa hawak hawak nyang basket.







"Akina dalhin ko na" kinuha ni Cloud ang basket na hawak nya at saka pumili na rin ng damit.








Napatango nalang si Hivanna at naghanap ulit ng damit.







"How about this one?" tanong nya kay Cloud at ipinakita ang isang damit.








Agad namang umiling si Cloud.







"No it looks old fashioned." sabi ni Cloud. "This one" itinapat ni Cloud sa katawan ni Hivanna ang isang dress na sobrang ikli. Napakunot naman ang noo nya.







"It's too short naman Cloud"






"But it's the trend right now Hivanna...don't you have an instagram??" nakakunot noong tanong ni Cloud saka ibinaba ang damit na hawak.






"O-Ofcourse I have!!" she lied. Mamaya ay idodownload nya yon.






"Oh great! what's your username? I'll follow you...mine is @cldxsky" sabi ni Cloud.






"M-Mamaya sasabihin ko sayo....uhmm ito ba maganda?" iwinagayway nya ang isang puting dress.








"Yeah pwede na....wag kang pumili ng masyadong mahahaba...." paalala ni Cloud.







Nang marami na silang napili ay pumunta na silang fitting room para tignan kung okay lang ba yung sizes.






"How is it?" tanong ni Hivanna ng makalabas ng cubicle.






"Yeah! it fits on you perfectly!" nakangiting sabi ni Cloud.








"How about this?? parang sobrang ikli" sabi ni Hivanna pagkalabas ng cubicle habang hinihila ang laylayan nito.






"It's fine! pwede namang mag shorts underneath"






"Eh eto? feeling ko di ako makahinga sa sobrang sikip" angal ni Hivanna.






"Turn around" utos ni Cloud. Agad na man syang umikot. "It's not. Next" sabi ni Cloud






"What do you think? eto gusto ko" sabi ni Hivanna at umikot pa sya para makita ni Cloud ng buo ang damit.







"Yeah it's cute...." nakangalumbaba na sabi ni Cloud.





"Okay magbabayad nako! next naman shoess!" sabi ni Hivanna at dumeretso sa counter 2 para magbayad.







Nagtaka sya ng sumunod si Cloud sa counter at may dala dalang isang black elegant dress.






"Ano yan? bibilhin ko rin ba yan? diko pa nasusukat yan ah?" takang tanong ni Hivanna kay Cloud. Agad naman itong napatingin sa kanya.






"No, silly. May pagbibigyan ako nito"






"Ahh ganon ba" medyo napahiyang tugon ni Hivanna. Ang ganda kasi nung damit na hawak ni Cloud...bakit hindi nya nakita yon kanina?






Pagkatapos nilang mag bayad ay naglibot rin sila para bumili ng sapatos.







"What is your footsize?" tanong ni Cloud.







"28 sa pangbabae" sagot naman nya habang natingin ng mga flatshoes.






"Miss, size 28 of this one...and that one...and uh that one" sunod sunod na turo ni Cloud sa matataas na takong na may magagandang disenyo.







"Mukhang masakit sa paa lahat ng yon e" reklamo ni Hivanna.







"You need it. Tiis ganda sabi ng mga kababaihan" ani Cloud habang natingin pa ng mga sapatos.







"Sir eto na po" Lumapit ang isang sales lady dala dala ang tatlong box ng sapatos.








"Sit there" turo ni Cloud sa upuan at saka kinuha ang mga box na binigay ng saleslady at ipinatong nya iyon sa lapag.







Agad namang sumunod si Hivanna at umupo sa upuan. Nagulat sya ng lumuhod at hawakan ni Cloud ang isang paa at tinanggal ang suot nyang sandals.







Pinagpagan pa nito ang ilalim ng paa nya bago buksan ang isang box na naglalaman ng itim na makinang na heels. Isinuot iyon sa paa nya ni Cloud at saka sinuri ito.







"We'll take this one." sabi ni Cloud sa saleslady.






Sunod naman nitong isinukat sa paa nya ang black leather boots with 3 inch heels.






"And this one" sabi ni Cloud at tinanggal sa paa nya ang boots.







Sinunod nito ang panghuling box na naglalaman ng Nike airmax. Sa itsura palang nito ay idinesenyo ito para sa babae. All white ang sapatos at ng isuot ito sa kanya ay napakalambot nito sa paa...para syang naglalakad sa bulak.







"How is it?" tanong ni Cloud at tumingala para tignan sya.






"I love it! kunin natin to" masayang sabi ni Hivanna. Agad namang nilang kinuha at binayaran ang mga napiling sapatos.






Dalawa lang ang hawak na shopping bags ni Hivanna sa kamay nya. Ayaw kasing ipadala sa kanya ni Cloud yung mga sapatos na binili nila dahil mabigat daw yon.






She wish sana ganto rin ang asawa nya. Sana ganto rin sila pag magkasama sa labas. Pag kasi nagshoshopping sya ay oo lang ito ng oo at hindi katulad ni Cloud na sinasabi talaga kung bagay talaga o hindi yung damit sa kanya.







Bigla tuloy syang nakaramdam ng inggit sa mamahalin na babae ni Cloud. Siguro ay napakaswerte ng babaeng yon kung sakaling mapaibig nya ang lalaking toh. Nagkwentuhan rin sila kung ano ang mga pinagkakaabalahan nila sa buhay






Nakwento ni Cloud sa kanya na marami itong tinutulungang charities around the world and thats so freaking amazing! Meron rin kasi syang charity na tinutulungan, isa itong Animal welfare.






Nang matapos silang mag meryenda ay inaya sya ni Cloud sa isang salon.






"Sir...your girlfriend?" tanong ng bakla na nag aayos ng buhok.






"No...change the color of her hair, uhm, blonde will do" sabi ni Cloud sa bakla. "And I need a haircut" dugtong nya.








Napanganga si Hivanna ng makita nya ang buhok. It was all blonde!







"How was it madam?" tanong ng gumawa ng buhok nya.







"It's pretty! Thank you!"






"Yeah I know blonde will looks good on you" sabi ni Cloud. He looks more handsome now that his hair is in clean cut and umikli rin ng kaunti ang malago at kumikintab nitong buhok.






"You too!" sabi naman ni Hivanna.







Nang maggagabi na ay naisipan na nilang umuwi. Palabas na sana sila ng mall ng nagtaka si Hivanna ng biglang tumigil sa paglalakad si Cloud at may tinitignan.







Sinundan ni Hivanna ang tingin ni Cloud at marahan na bumuka ang bibignya ng makita kung saan nakatingin si Cloud.






It was her husband with Jennica.






Kasalukuyang kumakain sa paborito nilang McDo at kitang kita ang dalawa dahil nasa tabi sila ng Glass wall.








Pinigilan ni Hivanna ang sarili para sugurin ang dalawa.

Huminga sya ng malalim at saka lumapit kay Cloud.







"Cloud bakit ka tumigil?" kunwari'y nagtatakang tanong ni Hivanna kay Cloud. Agad naman itong napatingin sa kanya.







"H-Hah? Ah eh wala! tara hatid na kita sa parking lot!" nagmamadaling sabi ni Cloud at hinila na sya palabas ng mall.








'I knew it! He loves Jennica!'


_______________________________
(● ˃̶͈̀ロ˂̶͈́)੭ꠥ⁾⁾

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 98.3K 39
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
54.7K 2K 54
PROLOGUE #3 How long must I wait for you? - Cole Brian Evangelista and Desiree Jennielle Bartolome's story. Date Started: October 6, 2020 Date Finish...
24.5K 509 29
When Jack gets some shocking news, she is forced to come face to face with demons from her past. Meanwhile, Ellie is revisiting an old question from...
9.4K 148 33
Some Yugioh one shots Requests are open to everyone and it can be any of the yugioh series! I don't own Yugioh so hope you all enjoy these cute onesh...