The Art of Letting Him Go |✔︎

By CalypsoCleo

9.7K 238 38

[THE ART SERIES #1] Letting him go is the hardest choice she made. Jennica and Xeus has been together for ei... More

The Art of Letting Him Go
Prologue
CHAPTER 1- Letting Him Go
CHAPTER 3- Who's Married?
CHAPTER 4- Hivanna
CHAPTER 5- The Special Guest
CHAPTER 6- Cloud
CHAPTER 7- The Ex
CHAPTER 8- The Past and Present
CHAPTER 9- What's Wrong with Xeus
CHAPTER 10- I Want You Back
CHAPTER 11- Who's That?
CHAPTER 12- The Plans
CHAPTER 13- Happy Birthday
CHAPTER 14- For Us
CHAPTER 15- Teardrops of a Wife
CHAPTER 16- Forever and Always
CHAPTER 17- Help
CHAPTER 18- In Another Life, I Would Be Your Girl
CHAPTER 19- Pregnant
CHAPTER 20- This is the End of Our Story
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE
THE ART OF MAKING HER MINE

CHAPTER 2- Present

353 12 3
By CalypsoCleo

Letting him go is the smartest choice I've chosen. Simula noong nag-hiwalay kami ay sobrang dami kong naranasan.


I learned how to travel alone. I learned how to live independently. Napakarami kong natutunan sa loob nang apat na taon nawala sya sa buhay ko. Dahil narin siguro kasama ko si Xeus simula first year highschool palang at sya ang nakasama ko sa pagdadalaga ko.



Napangiti ako sa natatanaw ko. I've staying here in Thailand for almost 7 months, napakarami ko nang napuntahang lugar sa buong mundo. Two years akong tumira sa Hawaii simula nung umalis ako ng Pilipinas. Then nag travel na ako sunod sunod non. Marami rin akong nakilala sa paglilibot ko sa mundo.




Dito muna ako nag s-stay sa condo ko rito na binili ko pagkalapag ko dito sa Thailand. I don't work. I only travel and try different things. My mother and father supported me for what I want. Hindi rin naman ako makapagtrabaho dahil Law ang kinuha kong kurso which means I'm an attorney in the Philippines and not here nor in the other countries I've been trough.




After ng break up namin ni Xeus ay kumalat agad ang balita sa buong batch namin. Sobrang dami kong natanggap na emails at text galing sa kanila asking bakit kami nag hiwalay ni Xeus. Pinagpasyahan ko nalang Idiactivate lahat ng social media at contacts ko at pinaltan iyon. Sobrang hirap na hirap ako makamove on kaya't hindi makakatulong sakin kung patuloy akong nakakarinig o makakakita ng kung anong tungkol samin o sakanya man lang.




Ngayon ay I can say na Okay nako. Wala akong kahit anong narinig pa tungkol kay Xeus at miski ang magulang ko ay hindi na nakialam pa sa nangyari samin. I'm so happy na may ganoon akong klase ng magulang. They respect me and my decisions. They support me and of course loving me unconditionally.




I snapped to reality ng marinig kong tumutunog ang doorbell ng condo ko. Agad naman akong nagtaka dahil wala naman akong inaasahang bisita ngayon.



Pagkabukas na pagkabukas ko palang ng pinto ay agad na may labing dumapo sa pisngi ko.




"Surprise! I brought you some dinner! C'mon let's eat" Cloud said while waving his both hands full of plastics.




"Cloud! I said don't kiss me in my cheeks! You're annoying!!" bulalas ko sa kanya. Kinuha ko ang mga dala nya sa kabila nyang kamay at tinulungan syang ipasok iyon sa loob ng unit ko.



"Whoa chill tigress... Don't worry I'll not kiss you again in the cheeks Promise" inilapag nya ang dala nya sa table at saka itinaas ang kaliwang kamay nya. 


Gago pala toh e, ngayon lang ako nakakita ng nangangakong itinaas ang kaliwang kamay.




"Oh really?" sarcastic kong tanong sa kanya. Sinimulan ko nang tanggalin sa plastic ang mga dinala nya at ilagay sa plato. Sobrang dami nyang binili para sa isang Dinner.



"Uh-huh. I'll kiss you in the lips now" Napatingin ako sa kanya at nakitang umaalon alon pa ang kilay nya. Di ko na napigilan at nabato ko sakanya ang ginusumot kong papel na pambalot ng pagkain. Agad nya naman itong inilagan at walang humpay na tumawa. Inirapan ko nalang sya sa mga pinagsasabi nya.





Si Cloud ay isa sa mga naging kakilala ko sa Hawaii. Naging travel buddies kami simula noon. Kung saan ako pupunta, malamang ay nandoon rin sya. Para ko syang buntot.





"Ang sabihin mo, crush mo'ko! halik ka ng halik! Jowa ba kita?" pabiro kong sabi sa kanya. Isa syang Pilipino at kahit sa ibang bansa sya lumaki ay napaka matatas nyang magsalita ng tagalog dahil tagalog only lang daw sa loob ng bahay nila.




"Bakit tigress, gusto mo ba maging girlfriend ko? payag naman ako...pasok ka naman sa babae na type ko" sabi nya ulit saka tumawa nanaman ng malakas.






"Ang kapal ng mukha mo! If I know may lihim na pagtingin ka sakin hayop ka!"





"Ulol! Mangarap ka nalang Jennica!" Sabay tumawa nanaman sya ng tumawa. "Nga pala dito ako matutulog. Ang layo ng unit ko dito eh" dugtong nya habang umupo na sa upuan para magsimulang kumain.





"Hmmm? bakit ka ba kasi pumunta dito e alam mo naman palang malayo" sumbat ko.




"Waw ha, ako nanga tong nagmagandang loob na bilhan ka ng dinner ngayon tapos kasalanan ko parin! How cruel, woman!" ipinang turo nya pa sakin ang tinidor na gamit nya na may nakatusok na karne bago ito isinubo. Walang manners talaga




"Tch! Oo na! may damit ka naman dito diba? dala ka ng dala ng damit mo dito kala mo diko napapansin? balak mo bang gawing closet mo tong condo ko?" sabi ko.




"Hahaha! I thought you will not notice it! Mas gusto ko kasi dito sa unit mo para may kasama ako. Alam mo namang hindi ako mapakali sa tahimik na lugar." sabi nya habang tinatapos ang pagkain nya.




3 years ko na syang kilala at sa three years na yon ay marami na agad akong nalaman sa kanya. Sobrang talkative nya at ng parents nya kaya hindi talaga sya matatahimik hanggang walang kakwentuhan.


Well, I guess saakin lang sya ganyan. Kapag marami kaming kasama ay napakatipid nya lang magsalita minsan tapos pag kaming dalawa ay sobra naman ang daldal nya. Para syang machinegun na ratatat ng ratatat.




"Mauna kana mag shower mag liligpit muna ako ng pinagkainan natin." sabi ko habang inaayos ang mga pinagkainan.




"Sigurado ka ayaw mong sumabay sakin?" tumaas pa ang isa nyang kilay.




napa-facepalm naman ako sa kanya at di ko maiwasang mapangiwi. "No thanks baka makita ko pa yang bird mo na maliit" nangungutya ko sa kanya. Nasanay na ako maging ganto ka-open sa mga sinasabi ko simula nung makilala ko sya. Naging mas madaldal narin ako tulad nya at naging mas maloko.





"You're so harsh to my manhood bro! See it yourself kung maliit nga!" paghahamon naman nya. Tinawanan ko nalang sya sa mga pinagsasabi nya at napa iling nalang ako.






"Talk to my hand ulap, bilisan mo na matatapos nako dito sa hinuhugasan ko" agad naman nya akong sinunod at dumeretso na sya sa kwarto ko para maligo at magbihis.






Napangiti nalang ako habang nagliligpit ng mga plato. I'm so thankful na nanjan lagi si Cloud sa tabi ko para pasayahin ako. Masasabi kong may ilang nagbago simula ng makilala ko sya at lahat yon ay in a good way. Sinasamahan nya lagi ako sa mga lakad ko, sa pags-shopping, sa pagbili ng make-up, sa salon, sa spa, o sa kahit ano pang lugar. Para ko syang Ate, Kuya, Nanay, Tatay, minsan naman ay parang bata na bunso kong kapatid dahil sa pagkachildish nya. Madalas ay sya ang bestfriend ko minsan naman para syang boyfriend ko.



All around na sya sakin kaya napakasaya ko na nakakilala ako ng tulad nya. Graduate sya ng BS Mechanical Engineering sa Hawaii at Anak rin sya ng mayamang pamilya kaya napaka spoiled nya kay tito at tita.




Nang matapos ako maghugas ay inilagay ko muna sa ref ang mga natira at saka nagwalis ng kaunti sa sala.





Nang marinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ko ay agad lumabas doon si Cloud na nakasuot na ng pantulog.





"Antagal mo naman! lagkit na lagkit nako sa sarili ko kanina pa" reklamo ko habang papasok sa kwarto ko. Kumuha ako ng pantulog ko.






"Syempre may ginawa pako sa cr mo hulaan mo kung ano..." gumalaw galaw pa ang kilay nya. Kaya nabato ko sakanya kung anong hawak ko







"Balahura ka talagang lalaki ka! Nagkalat ka sa CR ko?!" sigaw ko sakanya.






Tumawa lang sya saka pinulot yung mga ibinato ko sa kanya. Pajama at mga undergarments lang naman yon.
"Joke lang eh, ikaw naman masyado kang masungit....ganyan talaga noh pag 27 years old kana tas virgin kaparin" Humalakhak sya ng tawa pagkasabi nya non.





"Bwisit ka! bwisit ka!" pinagpapalo ko sya ng unan na nadampot ko sa kama ko.






itinaas nya naman ang dalawa nyang kamay at saka umastang sumusuko na habang tumatawa parin. Itinigil ko naman na ang pag palo sa kanya.






"Oh damit mo, saka eto towel mo" ibinigay nya sakin ang damit ko at ang towel na ginamit nya. Well, sanay na naman kami sa pagshashare nang gamit dahil ganon naman lagi pag nagtatravel kami at hindi maiiwasan yon. Naalala ko nga one time nag travel kami sa Cambodia then suddenly naubusan ako ng panty kaya pinahiram nya ako ng underwear nya! sobrang tawang tawa nalang ako kapag naalala ko yon.



Pagkatapos ko maligo at magbihis ay lumabas na ako ng CR. nadatnan kong prenteng nakahiga na si Cloud sa kama at nagcecellphone.




Binato ko sya ng towel kaya agad syang napatingin sakin with iritadong mukha. "What the?? baliw ka ba!! Basa yung towel ano ba!!" sigaw nya sakin. Ayan nanaman ratatat ng ratatat binato ko lang naman dami ng sinabi.



"Malapit sayo yung sampayan ng towel. Isampay mo don biliss!!" sabi ko habang umupo ako sa vanity mirror ko. Agad nya naman yon sinunod at saka bumalik sa kama at nagcellphone ulit.




"Cloud!!" tawag ko sa kanya habang nagpapahid ako ng cream. "Cloudddd" ulit ko. Nakita ko syang tumingin sakin mula sa salamin.





"Oh anong nginangawa mo dyan?" napatawa naman ako sa ginamit nyang term. Bwisit nato, ngumangawa agad tinatawag ko lang naman ang pangalan nya.




"Suklayan mo nalang ako biliss!" sabi ko habang inaabot sa kanya yung brush ko. Tumayo naman sya at binitawan ang cellphone nya at inilapag sa nightstand sa gilid ng kama.



Inabot nya ang brush at nagsimulang suklayin ang buhok ko. Pagkatapos non ay inutusan ko syang umupo sa vanity chair ko at pinasuot ko sakanya yung stretchable head band ko na extra.




"Woman, bilisan mo inaantok nako" reklamo nya. Kasalukuyan ko syang pinapahidan ng night cream na ginagamit ko. Wala na kasi akong magawa at dahil nandito sya ay sya muna ang pagtritripan ko.




"Mamaya ka na matulog parang tanga naman toh e, ikaw nanga nilalagyan ko ng skincare ko ayaw mo pa" sumbat ko. Well actually hindi nya na naman kaylangan dahil wala naman syang kapores pores sa mukha nya.  Maganda ang kutis nya at parang alagang alaga. If I know may skincare rin sya sa unit nya!





"Bakit ko pa kailangan nyan e ang gwapo gwapo ko naman na. Ikaw lang may kaylangan nyan tutal pangit ka naman" Napisil ko ang pisngi nya dahil sa sinabi nya. Ang bibig talaga neto walang preno.




"Bading ka ba! wala ka manlang kasweet sweet sa katawan mo bwisit ka ikaw ang pangit sating dalawa! Oh! tapos na!" sabi ko sabay itinabi ang mga ginamit ko sa drawer.




Bumalik na ulit sya sa pagkakahiga sa kama at hindi nasya nag cellphone.Binuksan nya naman ang tv ng kwarto ko at inopen ang netflix account ko. Aba walang hiya.





"Oh akala ko ba antok ka na?" tanong ko at sumampa narin ako ng kama. Tabi kami ngayon matulog dahil wala lang. Isa lang naman ang kwarto rito sa condo ko at sure akong hindi matutulog tong lalaking toh sa sofa. Wala naman akong arte dahil well partly sanay na talaga ako sakanya.






"Nawala antok ko. Tara nood muna tayo" masigla nyang sabi habang namimili ng papanoorin. Hindi nalang ako umangal dahil hindi pa naman ako inaantok. Pinagpasyahan namin panoorin yung Aquaman. Sobrang ganda ng story nakakamangha ang graphics!! Malapit na matapos ang movie ng bigla akong nakarinig ng cellphone na tumutunog. It's my ringtone kaya hinanap ko kaagad kung asaan ang cellphone ko. naalala kong Naiwan ko pala cr kanina kaya tumayo ako para kuhain iyon.




"San ka pupunta? matatapos na yung movie! baka di mo mapanood yung ending!" untag ni Cloud. Inirapan ko lang sya at saka sinabi kong may tumatawag sa cellphone ko.




Nang makita ko ang cellphone ko ay agad kong tinignan kung sino ang nasa Caller ID. It's my mom. Mabilis kong sinagot iyon.




"Hello mom?" sabi ko.




[Hello anak, napatawag lang ako para kamustahin ka]





napangiti naman ako. "I'm fine mom. Nandito parin naman po ako sa Thailand nag s-stay" pagbabalita ko kay mom. "Kayo po dyan ni Dad kamusta po kayo dyan?" tanong ko.





[Well eto honey, We've been busy preparing for Selena's 18th birthday nextmonth. Hindi mo naman nakalimutan ang birthday ng kapatid mo diba?]





"ofcourse naman po ma." sagot ko.






[So I hope na makakauwi ka rito by this month tama? matitiis mo ba naman ang kapatid mo?]





napangiti naman ako. "Of course not mom. Uuwi ako dyan. Surprise kung anong date. Antayin nyo nalang ako dyan mom. See you soon I missed you kayo nila Dad"





[I miss you too honey, Osya sige masyado ng hatinggabi magtulog ka na at magpahinga anak I love you bye]




"I love you too mom bye" ibinaba ko na ang tawag at saka lumabas narin ako ng cr.





"Tagal mo natapos na yung movie!" reklamo ni Cloud. Inirapan ko nalang sya at inilapag ko ang cellphone ko sa nightstand.

 

"Tumawag sakin si Mom pinapauwi nako birthday na kasi ni Selena next month" kwento ko sa kanya.





"Ahh well? so kailan ka aalis?" tanong naman nya.



"Hmm I'm planning this friday na. Mag iimpake pa ako at bibili ako ng mga souvenirs"  sabi ko. "Himala ata hindi ka bubuntot sakin ngayon?" pabiro kong sabi sakanya.





"Hmm pag iisipan ko. Kunwari ka pa gusto mo lang ako makasama don eh. sabihin mo lang sasama agad ako sayo Haha!" pabiro naman nyang sagot.




"Kapal ha. Wag na! kaumay mukha mo bro" biro ko. Nakahiga na kami pareho at nakatitig lang ako sa kisame. sya naman ay nakaharap sakin.




"Talaga lang ha!" sabi nya sabay talikod sakin. Bwisit nato ang pikon pikon. Kailangan pa papalambing



"Hoi Cloud humarap ka na ulit dito wag mokong tinatalikuran baka masipa kita jan" banta ko. Gumalaw lang ang balikat nya ng kaunti pero di parin humarap sakin. "Hoy panget sorry na. Hindi naman nakakaumay mukha mo e" sabi ko.





Akala ko haharap na sya pero hindi parin. Hay nako bahala sya dyan! ano ba sya jowa ko para amuhin ko? di na noh manigas sya dyan.





Huminga nalang ako ng malalim at tumalikod nalang din ako sa kanya. Bigla na ako inantok kaya matutulog nalang din ako.





Makakatulog na sana ako ng maramdaman kong may yumakap sa bewang ko. Hinila nya ako palapit sa kanya saka sumiksik saakin na parang bata.






"Oh ano akala ko ba magtatampororot ka jan?"




"Hmm! hindi mo naman ako sinusuyo! napakawalang kwenta mong babae! kung hindi lang kita love baka nilayasan na kita dito sa sobrang sama mo sakin" nagmamaktol nyang sabi habang nakaub-ob ang mukha nya sa buhok ko.





"Bulok ka! bakit naman kita susuyuin? ano ka sinuswerte? edi layasan moko! pake ko sayo!"




"Aa naman! matulog na nga lang tayo! napaka sama mo talaga saking babae ka, hindi mo ba ko love?" may halong kalandian ang boses nya. Aba baka masapak ko sya ng wala sa oras.





"Hindi! matulog na tayo inaantok na talaga ako! saka bitaw ka nga ang init init" reklamo ko. Totoo naman dahil naiinitan ako sa ginagawa nyang pag yakap.





Hindi nya naman ako sinunod




"Pag iisipan ko kung susunod ako sayo. May tinatapos pakong work dito sa Thailand kaya hindi ako makasabay sayo papunta don. Hmm balak ko narin naman umuwi don dahil sabi ni Mommy and Daddy ay umuwi narin daw silang Pilipinas nila kuya..." paliwanag nya. So maiiwan nga talaga sya dito?Medyo nakaramdam ako ng awa sa kanya.



Hindi naman sya katulad ko na hindi nagtatrabaho. Masipag sya at gusto laging may ginagawa. Kung tutuusin ay hindi nya na kailangan pang mag work as an Mechanical engineer dahil mayaman naman na sila ng magulang nya at may pwesto naman sya sa kompanya nila.

Pero ang sabi nya sakin ay mas gusto nyang maranasang magsimula sa ilalim. I envy him for that. Sya yung lalaking may magandang prinsipyo sa buhay.





"Ahh pero susunod ka naman diba? Gusto ka kasing makilala sa personal nila Mom at Dad pati narin si Selena." Kilala na naman ng pamilya ko si Cloud dahil lagi itong kasama kapag nag vivideo call kami ng pamilya ko.

Mas naging close pa nga sya sa pamilya ko  kesa kay Xeus e. Well...hindi naman na nakakapag taka. Napaka friendly ni Cloud kumpara kay Xeus. Si Cloud yung tipong Happy-go luck guy. Lahat nakakasundo nya at halos wala pa syang nakakaaway. Meron rin syang tinutulungang charities around the world. Mukha lang syang loko loko pero libo-libong tao ang natutulungan nya sa likod ng mga mapang asar na ugali nya.


"Oo naman! I'll call you agad pag makakapunta nako ng Philippines then dun ko hihingin ang kamay mo kila tito at tita tapos papakasalan na kita" pabiro nyang sabi. Natawa naman ako agad sa sinabi nya.



"Yukk. Sige na matulog na tayo goodnight"




Kapag may umaalis, may bumabalik. at kung wala namang bumalik paniguradong may darating na bago. Kaya wag kang matakot magtry ng something new at wag ka matakot magsugal ng mga bagay kahit pa kapalit nito ay ang pagkawala. Hindi ka mag g-grow kung hindi ka aalis sa nakasanayan mo. Matuto kang bumitaw sa mga bagay na hindi talaga para sayo at matuto kang tumanggap ng mga bagay na nakalaan sayo. Because thats life and that's the only way you can live easily and the same time. Happy.

_______________________________

(● ˃̶͈̀˂̶͈́)⁾⁾

Continue Reading

You'll Also Like

254K 6.2K 60
My first story Izuku Midoriya could have been born quirkless, but not here. Here he was born with a basic quirk, to be able to Rip and Tear anything...
1.8M 114K 200
**Story is gonna be slow paced. Read only if you have patience. 🔥** Isha Sharma married a driver whom she had just met. She was taking a huge risk...
1.1M 27.8K 45
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
8.1K 113 15
Sickfics! Sickfics are basically one shots of sickness like desises, contions, random colds etc. like if it's let's say about autism am not saying...