Art In His Breath (Japan Seri...

By whiskelle

41.1K 2.2K 2.1K

Second Installment - Kyoto Ang panalangin ko ay... sana'y mahalin mo ako kagaya ng pagmamahal mo sa sining. M... More

Art In His Breath
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue 1
Epilogue 2

Chapter 3

813 60 35
By whiskelle

Chapter 3

Hinagod ko ng tingin ang lalaking nasa harapan. Nakahoodie ito na kulay berdeng madilim, ang hood ay nakalaylay at hindi nakakulob sa ulo. Sumbrero na kasingkulay ng kaniyang damit ang nakapatong doon. Hindi ko maiwasang mamangha sa kulay ng kaniyang damit. Bagay na bagay iyon sa maputi niyang balat. 

Ibinalik ko sa mga mata ng kaharap ang tingin.

"Narito ka?!" hindi ko makapaniwalang tanong.

Hindi niya ako sinagot bagkus ay kinuha ang kahon sa ibaba at iniabot sa akin. Nanatili naman ang malapad na ngiti sa akin.

"Narito ka!" Itinaas-baba ko pa ang aking mga kilay upang ipakita ang tuwa. Imbes na mangiti ang kaharap, nag-iwas ito ng tingin. "Kilala mo pa ba ako? Ako 'yung..."

Ako 'yung nakarinig ng usapan ninyo ng girlfriend mo?

Nalukot ang mukha ko nang maisip na hindi magandang panimula iyon. Baka magalit sa akin ang kaibigan!

"Dayamanti," banggit niya sa pangalan ko.

My heart leapt in utter delight.

He still remembers me! Mabuti at hindi niya ako nakalimutan!

"Ay, Diamond... Oo nga pala, aalis ako ngayon. Gusto ko mang kamustahin ka at makipagkuwentuhan sa'yo, hindi puwede," malumbay kong saad.

His brow shot up. "Where are you going?"

"Ah... Sa Yasaka Shrine. D'yan lang sa malapit. Ikaw? Saan ang punta mo?"

Nilingon ko ang likuran ko. Nang magkabunggo kami ay doon sa dulong bahagi ang tungo niya. Kumunot ang noo ko.

"Iihi ka?" I asked, voice full of innocence.

His hand flew to his nape. He rubbed it as he looked away.

"Oo." At sinundan ng isang magaspang na tikhim. "What are you gonna do there? Sa Yasaka?"

"Ipagbibili ko ang mga paintings ko. Ngayon ang unang araw ko sa pagbebenta." He didn't talk so I continued. "Sige na. Kailangan ko nang umalis at hinihintay na ako panigurado ng kaklase ko roon. Hindi ka pa naman babalik kaagad sa Pinas, tama? Maaari tayong magkita mamayang hapon doon sa dulohan ng grove o 'di kaya'y bukas."

Nakatitig lang siya sa akin at hindi umiimik. So I took that as a hint that he agrees.

Hindi ko na hinintay pa ang itutugon niya. Nakangiti ko siyang nilagpasan at naglakad palabas ng grove. Habang naglalakad ay kinalkal ko ang laman ng kahon at tinignan kung mayroon bang nawawala.

"Ay, Hesus Maria Joseph!" Muntik ko na namang mahulog ang hawak! Napatingin ako sa lalaking humarang ng dinadaanan ko. "B-Bakit?"

Diamond pursed his lips before talking.

"Sasama ako sa'yo."

My brows fused.

"Magbebenta ako, Diamond..." pag-uulit ko sapagkat baka hindi niya ako naintindihan kanina.

He didn't respond. Instead, he grabbed the box from me.

"Akin 'yan..." mahina kong sabi.

"I know." Tumabi siya at itinango ang ulo sa harapan. "Let's go."

Habang naglalakad kami sa gilid ng daan ay hindi ko maiwasang mamangha sa kaibigan. Sasamahan niya ako sa pagbebenta? Hindi kaya mainip lang siya?

"Akala ko ba ay iihi ka?"

Sinulyapan niya ako ng ilang segundo at saka nag-iwas din. Nagkibit lamang siya ng balikat. Hindi ako nanahimik, dire-diretso ang tanong na ibinato ko sa kaniya.

"Buti ay nandito ka ulit? Akala ko ay tuwing spring vacation ka lang pumupunta. Hinihintay ko ang pagbabalik mo pero hindi ko inakalang mapapaaga."

Nasa harapan ang mga mata ko ngunit nahuli ko ang mabilis na pagbaling ng katabi. Lumipas ang ilang sandali bago siya sumagot.

"My mother forced me to go here. One of her siblings will be throwing a birthday party next week and the whole family is invited." He shrugged a shoulder.

"Wow! Ibig sabihin ay narito ka hanggang sa susunod na linggo?" maligaya kong untag, pumapalakpak pa.

"Hmm." He nodded once.

"At bakit mo naman naisipang sumama sa akin?" tanong ko sa kasama habang inaakyat ang sementadong hagdanan patungo sa looban ng Yasaka Shrine. "Siguro ay wala kang magawa sa tinutuluyan mo, ano?"

Hindi ko na nahintay pa ang itutugon ng katabi nang sumulpot sa harapan namin si Yuki, ang kaklase ko na tumulong sa akin upang magkaroon ng puwesto rito sa Shrine. Kunot ang noo nito habang nakatingin kay Diamond.

"Sino siya, Riem?" tanong nito.

Inilibot ko muna ang tingin sa ilang mga maliliit na tindahan na nag-aayos ngayon ng kanilang mga paninda. Kumalabog ang dibdib ko sa pananabik.

"Kaibigan ko. Sasamahan niya ako sa pagtitinda."

Dumako ang tingin ko sa lalaking nasa aking gilid, ang mga kilay ay halos magkasalubong habang nakatingin sa akin. Sinuklian ko ito ng kaparehang tingin. Naalis lang ang mga mata ko rito nang tumikhim ang nasa harapan.

"Riem, gusto ko mang magkatabi tayo ay hindi puwede. Ang natitirang puwesto ay itong nasa pinakaharapan. Nasa bandang gitna ako nakapuwesto."

Gamit ang daliri ay tinuro niya ang magiging puwesto ko. Nasa pinakaunahan nga iyon ng hilera.

"Ah, Yuki." Napakamot ako sa ulo. "Mayro'n ba kayong sobrang lamesa? Nawala sa loob ko na kailangan nga pala. Walang mapaglalagyan itong mga ibebenta ko..." ika ko sa malungkot na tono.

Malawak ang ngiti na hinawakan ni Yuki ang kamay ko. Sinulyapan ko si Diamond nang hilahin ako palayo ng may hawak sa akin. Nakita ko kung paano umangat ang isang kilay nito habang nakatingin sa aming dalawa.

"Diamond, tara!"

Nang huminto kami ay nasa harapan kami ng paninda ng kaklase. May kinuha itong de-tiklop na lamesang kahoy sa ilalim. Bitbit iyon, hinila niya ako pabalik sa kaninang puwesto. Napatingin ulit ako kay Diamond na hindi pala sumunod sa amin. Bagot nitong pinapaikot ang sumbrerong berde sa kaniyang kamay.

"Ganito paandarin ito, Riem..." ani Yuki na nagpapakitang gilas kung paano buksan ang lamesang nakatiklop.

Nakaawang ang labi kong sinulyapan ang lalaking bagot sa gilid nang magsalita ito.

"Is that going to fly?" tanong ni Diamond, ang mga mata ay nakatingin sa lalaking hirap na hirap sa 'pagpapaandar' ng lamesa.

Dumapo ang palad ko sa tapat ng bibig nang lumabas ang tawa roon. Pinigilan ko ang sarili nang makita ang iritadong pagbaling ng nagpapaandar sa nagtanong. Napaatras ako nang tumayo ito at hinarap si Diamond. Ako ang nakaramdam ng kahihiyan para sa kaklase nang umungos ito, ang tangkad naman ay hanggang baba lang ng kaharap.

"Yabang natin, pare, ah..." anas nito na napakahambog.

Hindi nagsalita si Diamond kaya't mas lalo itong nairita.

"Ikaw nga ang magbuklat no'n kung kaya mo."

Itinuro niya ang lamesang hanggang ngayon ay nakatiklop.

Diamond looked away from the boy, seemed like he just rolled his eyes. Tinigil niya ang paglalaro sa sumbrero at isinuot iyon. He went straight to the table and bent his knees. Ang isang siko ay nakapatong sa hita na nakaangat, para bang tinatamad sa ginagawa. Ang isa naman ay hawak ang isang paa ng lamesa.

Napabuga ako sa hangin nang makita kung paano niyang inangat ang mga paa ng lamesa nang walang kahirap-hirap. Siguro'y kung hindi natatakpan ang mga braso niya, kitang-kita ang pag-igting ng mga iyon. 

Nilingon ko si Yuki na nasa aking gilid, itinatago ang gulat sa pamamagitan ng pagtaas ng kilay. Lumapit ito sa akin at bumulong sa aking tenga.

"Ayaw lang talaga ako pakisamahan ng lamesa kanina. Kayang-kaya ko iyon."

"Where should I put this?" si Diamond.

Napalayo si Yuki sa akin. Lumapit naman ako kay Diamond na ngayon ay nakatayo na. Akma kong bubuhatin ang lamesa nang pigilan niya ako.

Ipinatong niya ang kamay doon, nagpapabigat.

"Saan ko ito ipupuwesto?" he repeated.

Napanguso ako. "Roon." 

Pagkaturo ko ay agad ako nitong iniwan at tumungo sa iminuwestra ko.

Tumalikod ako at nginitian ang kaklase.

"Yuki, salamat ulit nang napakarami sa'yo. Sobrang naaappreciate ko ang lahat ng kabutihan mo sa'kin."

Nahihiya nitong hinaplos ang tengang namumula. "Wala lang 'yon, Riem. Masaya ako na natutulungan kita."

"Sige, salamat talaga, ha! Mag-aayos na ako ng paninda ko. Ipagpatuloy mo na rin ang iyo!"

"Hai! (Alright!)"

Pagkasabi niya noon ay tumalikod na ako ngunit bago pa ako makalayo ay muli ako nitong tinawag.

"Naze, Yuki? (Why, Yuki?)"

"Kimi wa kirei na. (You are beautiful.)" Tumakbo siya palayo pagkasabi noon.

Agaran ang pag-iinit ng mukha ko sa ginawa niyang pagpupuri. Madalang ako makatanggap ng papuri kagaya noon kaya siguro sobra ang pamumula ng mukha ko.

Tikom ang bibig kong nilapitan si Diamond na nakaupo sa harapan ng lamesa. Pumuwesto ako sa gilid niya at inabot ang kahon. Hindi ko alam kung bakit ngunit inis ang mukha nito habang pinapanuod akong ilabas ang mga paintings.

"Namumula ka," he stated.

I shrugged my both shoulders.

"Bakit?" pahabol niya.

"W-Wala lang... B-Baka sa ginaw lang..." My gaze avoided his.

"Ano ang sinabi ng lalaking 'yon sa'yo?"

Nagulantang ako sa tanong niya. Bakit kay dali niyang mahinuha ang mga bagay-bagay?

"W-Wala lang naman..." pagtatanggi ko pa.

"You really aren't good in lying."

I closed my eyes firmly then heaved a sigh of defeat.

"S-Sinabihan ako ni Yuki na... m-maganda raw ako..."

Like what I expected, he scoffed.

"Sinasabi ko na nga ba at tutuksuhin mo ako." I frowned at him, cheeks blushing more.

Itinuon ko ang atensyon sa pag-oorganisa ng mga benta, baka sakaling malibang ako at mabura ang kahihiyan. But Diamond wouldn't just move on about it. 

"So you like him?" tanong nito. Kung hindi ako nagkamali ay nahimigan ko ang pang-uuyam na nakapaloob sa tinig niya.

I avoided his probing eyes. "S-Sino?" pagmamaangmaangan ko pa kahit na kilala ko ang tinutukoy niya.

"Your classmate. 'Yung nagpapaandar ng lamesa."

Hindi ako nakasagot nang matulin sapagkat hindi ko alam ang isasagot. 

I mean, my answer is definitely a no. But I often tend to think twice of what I'm going to answer to a question. Gusto ko kasi ay iyong sagot na makakapagtikom ng bibig ng nagtatanong.

Ngunit ito namang si Diamond ay pala-desisyon.

"You like him, then," he uttered hoarsely that made my forehead crease.

Hala.

"G-Galit ka ba?"

Siya naman ang nag-iwas ng tingin.

His face has few rough features and his chocolatey eyes surely belong to those few. Ang pagdidikit ng kaniyang kilay, itambal pa ang magaspang niyang boses, ay nagpapahiwatig na galit siya.

Ngunit, ano naman ang ikinagagalit niya?

"No. Why would I?" Nanunuya niyang ibinalik ang mga mata sa akin. "So I'm right. Gusto mo nga ang lalaking 'yon–"

"Hindi, Diamond. Hindi ko gusto si Yuki. Magkaibigan kami at iyon lang. Hanggang doon lang ang tingin ko sa kaniya at alam kong ganoon lang din ang tingin niya sa akin. Huwag mong bigyan ng malisya."

"Tss."

Hindi na niya sinundan pa iyon. Tumayo siya at tinulungan ako sa paglalapag ng mga pinta sa maayos na paraan. Nagtataka ko siyang pinanuod habang tinutulungan ako. His eyebrows were furrowed, looking like he is pissed with something or worse... someone.

"G-Galit ka ba sa akin?"

Kinakabahan kong hinintay ang sagot niya.

"Hindi nga..." malambot ang tinig ngunit may bahid ng iritasyon.

"Mukha ka kasing galit..."

May segundong dumapo ang tingin niya sa akin.

"Hindi sa'yo..." pag-amin nito, panga'y umiigting.

"Kung ganoon, kanino?" Ang nais kong itanong ngunit hindi ko na sinubukan. Baka mamaya ay malipat pa sa akin ang galit na nararamdaman niya.

Alas-otso y media nang magsulputan ang mga turista. Marami ang nagtingin-tingin sa mga paninda ko ngunit walang nagbalak na gumasta ng pera para bumili. Pumatak sa alas-diyes ang oras, bumuhos ang bagong batalyon ng mga turista, ngunit ang benta ay ganoon pa rin. Ang bilang nito ay hindi nagbago. Hindi man lang nabawasan ni isa. 

Malakas akong bumuntong hininga at lumabas sa munting stall. Ipinagkiskis ko ang mga palad na namamanhid sa lamig. 

Sumilip ako sa hilera at nakita na marami ang bumibili sa mga katabi kong tindahan. Nakakahiya na sulyap lang ang iginagawad sa akin. Malungkot akong bumalik sa loob at naabutan si Diamond na naghihintay sa akin. I smiled at him bitterly.

"Walang bumibili."

Bumuntong-hininga ito na parang may mali akong ginagawa. Tumayo siya at lumabas. Pinanuod ko ang pagmata niya sa mga katabing tindahan. Saglit na nagpakita ang pagtataka sa mukha niya bago ako hinarap.

He leaned his both hands on the sides of the wooden table, eyes are fixed on me. I waited for his next move.

"Ganito ba talaga magbenta sa Japan?" He angled his head and then wetted his lips.

"Bakit? Ano bang napansin mo?" I asked curiously.

"Nakaupo lang ba talaga at tititigan ang mga nagdadaan? You guys don't have a particular marketing strategy?"

"Ano ang ibig mong sabihin?" lito kong tanong.

Sa tindahan namin ng tteokbokki, nakaupo lang kami. Bakit? Kailangan ba ay sayawan ang mga taong nagdadaan? Para maagaw ang mga atensyon nila at mapilitang bumili?

He exhaled deeply.

"Sa Pilipinas, halos higitin na ng mga tindera ang suot mong damit bumili ka lang ng paninda nila."

Medyo natawa ako sa sinabi niya, hindi naniniwala.

"So you mean... gayahin ko ang paraan ng pagbebenta sa Pilipinas, ganoon? Manghila rin ako ng damit? Pipilitin ko ang mga tao na bumili ng tinitinda ko?"

Umikot ang mga mata niya na tila tangang-tanga sa akin. Napabusangot ako. 

"No. What I mean is... you should at least greet the people. In that way, you will attract them to buy your products."

"Is that effective?" Pinanliitan ko siya ng mata.

"Paano natin masasabi kung hindi mo susubukan?" He widened his eyes, imitating me.

I protruded my lips as I shrugged my shoulders. Lumabas ako at pumasok naman siya, handang panuorin ang ikikilos ko. 

Huminga ako nang malalim bago isinagawa ang marketing strategy ko.

Yinukuan ko bawat taong nagdaraan. Halos humiwalay ang ulo ko sa katawan dahil sa bilis at dalas ng pagyuko. Paano ba naman kasi ay napakaraming tao! Sabi ni Diamond ay i-greet ko!

Mangiyak-ngiyak kong tinigilan ang ginagawa at pumasok ulit sa loob nang tinablan ako ng pagkahilo. Busangot ang mukha kong tinitigan si Diamond na kagat-kagat ang labi, nagpipigil ng tawa.

"Is that it?" 

"Nakakainis naman! Niloloko mo lang ata ako, e!"

He smirked.

"Am I too harsh if I will call you stupid?"

Gulat ko siyang minata.

"Nani? (What?) Ang sabi mo kasi, i-greet ko ang mga tao! Ginawa ko naman! Sa tradisyunal na paraan!"

"Mukha kang poso kanina, not gonna lie."

Namilog ang mata ko sa mapait niyang insulto. 

Lumabas siya at dali-daling lumapit sa isang grupo ng mga dayuhang babae. Ang kanan niyang kamay ay nasa likuran ng mga babae ngunit hindi dumadampi. Ang mga babae ang umaatras upang mapagdampi iyon. Ang kaliwa naman ay nakalahad sa tindahan.

Ang bibig niya ay bumubuka pero hindi ko naman maintindihan kung ano'ng sinasabi dahil masyadong malayo. He is filled with confidence as he talks. Kung hindi ako nagkakamali ay nagpapakita pa ng pang-aakit ang ekspresyon niya. Ang mga babae naman ay tuwang-tuwa sa kaniya. 

Hindi nagtagal ay lumapit sa puwesto ko ang grupo. My eyes widened.

"What are these?" malambing na tanong ng nasa gitna.

Nais ko siyang sagutin ngunit nakita kong sa lalaki siya nakatingin. Tumalbog ang puso ko nang makita na nakatingin sa akin si Diamond. Dahil doon, napatingin sa akin ang babae. She gave me a small smile.

"Are these paintings?" tanong niya sa akin. Ang ligaya sa mukha nito ay napawi.

"Yes! These are my paintings! Feel free to look at them! I hope you'll buy some!" I said merrily.

"Of course, we will buy! Woah... these are pretty..." the girl on the right complimented.

My heart warmed.

Minsan lang ako makatanggap ng papuri tungkol sa mga paintings ko kaya't totoong nakakainit ng puso ang natatanggap ko ngayon!

"T-Thanks..." nahihiya kong untag.

My lips slightly opened when I saw the lady take six pieces. Hindi ako makapaniwalang ganoon karami ang kukuhanin niya! At lahat ng iyon ay spring-inspired paintings. Naibigan siguro.

"I suggest you paint in canvas next time. So that you can sell your paintings at a higher price."

Napakurot ako sa palad nang marinig iyon. Magandang ideya ngunit masiyadong mahal ang mga canvas. Siguro'y sa susunod na lang kapag nakaipon na ng marami.

"Thank you so much!" I thanked them right after they handed me the payment. Ibinulsa ko iyon sa bestida kong suot.

"Thanks for inviting us here, Rhett..."

Natulos ako sa kinatatayuan nang hinalikan ng babae sa pisngi si Diamond. Mapaglaro pa nitong dinausdos ang palad sa braso bago lumisan.

"Kapag maganda ay kaclose mo agad?" panloloko ko sa kasama.

Kinunutan niya ako ng noo.

"What do you mean?"

"Rhett ang tinawag sa'yo. Narinig ko 'yon. Nakakagulat lang na close na kayo gayong kakikita mo lang sa kaniya. Rhett ang tawag sa'yo ng mga taong malapit sa'yo, tama ba?" 

"It's the other way around, Dayamanti Riem."

Gulat ko siyang tinignan.

"Kung gayon ay... swerte ko pala na Diamond ang tawag ko sa 'yo. Ang Rhett pala ay para sa mga hindi mo kaclose..."

He did not contradict so I assumed that I was right about it. 

Hindi ko na sinundan pa ang usapan. Mangha kong ibinaba ang tingin sa lamesa.

Umalis ang tatlong kababaihan na dala-dala ang halos kalahati ng mga benta ko. Kaunti lang din kasi ang mga pinta kaya't hindi kataka-taka na halos maubos nila iyon. Nagbalik ang saya na panandaliang nawala kanina. Tuwang-tuwa kong nilapitan si Diamond at niyugyog ang mga balikat nito.

"Ang galing mo! Ang galing-galing!"

He was looking at me with shocked expression. I stopped shaking his shoulders when I saw the evident uneasiness in his face.

"Naku! Salamat talaga, Diamond! Pakiramdam ko ay walang aabutin itong pagbebenta ko kung wala ka!" Tinalikuran ko siya at umupo. "Hindi ko akalain na magagawa mo iyon!" 

"Walang anuman."

"Paano mo nga pa lang nalaman ang mga bagay na 'yon? Mukhang sanay na sanay ka!"

His response was silence.

"Nagbebenta ka rin ba sa Pilipinas?" tanong ko na halatang hindi pinag-isipan.

Malamang hindi! Mukha siyang anak-mayaman! Sa pananamit pa lang ay mukha siyang mamahaling tao!

Iniling niya ang ulo gaya ng inaasahan. 

Nakaramdam ako ng kasiyahan sa tugon niya. Imbes na makaramdam ng inggit, natuwa ako dahil ang kaibigan ko ay hindi isang dukha kagaya ko. Hindi na niya kailangan na maghirap, makapag-aral lang. Masaya ako na hindi kaparehang buhay ang mayroon kami.

Hindi patas pakinggan. Ngunit mas maganda sa pandinig kaysa sa 'pareho kaming naghihirap'.

"Mabuti..." bulong ko at nginitian siya.

He looked away and then lifted his cellphone up. Lumunok muna siya bago nagsalita. And as I expected, he diverted the topic.

"It's already twelve."

"Alas-dose na?!"

Ang mga tumatakbo sa isipan ko ay nawala na parang bula dahil sa gulat! Hindi ko napansin ang oras! Siguro'y kakaisip sa kaninang inaamag na paninda. Tumango si Diamond bilang kumpirmasyon.

"O sige. Mauna ka na sa akin dahil mamaya pa ako rito. Salamat talaga nang marami sa pagtulong sa akin na makabenta." I gave him a warm smile.

He shook his head.

Bumalantok ang kilay ko. "Huh? Ano ibig mo sabihin? Hindi ka pa uuwi n'yan?" 

"Hindi pa."

"Bakit?" takang-taka kong tanong. 

Siya itong nagpaalala ng oras. Akala ko naman ay binanggit niya iyon upang makalusot na at makauwi. 

"What do you mean why? Sabay tayong manananghalian."

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 24.5K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
176K 4.6K 200
Micolo Randler Paez Abbiera Monique Maniago Their story started when they met on Tinder. An online dating application. Micolo wasn't open to have a r...
3.1K 325 54
January 12, 2021 - April 14, 2021 Can Maria Ayessa Fernandez step out of her shell? Ang mamuhay mag-isa ay madali lang para sa kaniya; sa malayo ma...