Falling for the Billionairess...

By elisestrella

3.1M 82.4K 16.2K

C O M P L E T E D R E P O S T E D --- Siya si Meredith Balajadia, ang twenty-five-year-old executive vice pre... More

Prologue
Day 1
Day 2
Day 3
Day 4
Day 5
Day 5 - Night
Day 6
Day 6 - Afternoon Date
Day 7
Day 7 - Later that Night
Day 7 - Later that Night con't.
Day 8
Day 9
Day 12
Day 13
Day 13 - Afternoon/Night
Day 14
Day 15
Day 19
Day 20
Day 20 - Night
Day 21
Day 22
Day 24
Day 25
Day 25 - Night
Day 26
Day 26 - Night
Day 26 - Later that Night
Day 27
Day 28
Day 28 - Later that Night
Day 29
Day 29 - Later that Day
Day 29 - Later that Night
Day 1 of 4
Day 1 of 4 - Later
Day 2 of 4
Day 3 of 4
Day 3 of 4 - Later
Day 4 of 4
Day 4 of 4 - Night
Day 34
Day 35
Day 35 - Later that Night
Day 36
Day 37
Day 38
Day 38 - Later that Night
Day 39
Day 39 - Later that Morning
Day 39 - Later that Day
Day 39 - At Twilight
Night 1
Author's Note
FFTB Book 2

Day 6 - Noon

47.5K 1.5K 350
By elisestrella

NAG-TAXI kami papunta sa bahay ng tatay ko sa Bel-Air. Oo, medyo mayaman na neighborhood. Mayaman naman ang mga Montesines pero dahil sinuwerte ang lolo ko sa negosyo.

It was something my father took pride in, our money, our bloodline and our breeding. Sa kanya, ako lang naman ang walang modo sa mga Montesines eh.

"Wow," sabi ni Meredith nang makababa kami ng taxi. Malaki ang bahay ng mga magulang ko. May three floors, eight bedrooms, ten toilet-and-baths, six-car garage, etc., etc. It was impressive.

"I'm sure ganyan lang kalaki ang dog house ninyo," biro ko.

Hinampas niya ang braso ko habang nakatingala pa rin sa bahay. "Ang ganda niya. Ilan kayong nakatira rito?"

"Nasa States ang mommy ko. That way, hindi raw niya hihiwalayan nang tuluyan ang tatay ko. My sister and her husband live here with their three kids, my dad, and three maids, at ako."

Pero gusto ko na ring humiwalay gaya ni Kuya. Sure, wala akong rentang binabayaran at tahimik naman sa parte ko ng bahay sa third floor pero ngayon ko lang na-re-realize na hindi rin maganda ang arrangement namin.

Giniya ko si Meredith sa gate at nag-doorbell. Tumingala ako sa CCTV camera sa itaas, ngumisi at kumaway. Maya-maya, nagbukas ang front door at tumatakbong lumabas si Celia, 'yung pinakabata sa mga kasambahay namin.

"Kuya Ash!" bati niya bago kami pinagbuksan.

Ingat na ingat ako sa batang ito kasi minsan kong narinig na may gusto siya sa 'kin. Nag-uusap kasi sila ni Manang Bing n'un at nagulantang ako nang marinig kong pangarap niyang maging katulad ng character ni Jodi Sta. Maria sa Be Careful with My Heart at ako nga raw ang gusto niyang maging Sir Chief.

"Hi, Celia! Si Daddy?"

"Nag-a-almusal pa po. Good morning, ma'am," bati niya kay Meredith.

"Hi!"

Pinapasok kami ni Celia sa bahay at dumerecho ako sa garden sa likod kung saan laging nag-aalmusal ang tatay ko. Mula nang mag-retire siya (na siya ring oras na nag-decide ang nanay ko na sa States na lang talaga tumira), naka-schedule na na 10 A.M. impunto ang brunch niya. Doon siya sa garden kapag maganda ang panahon, nagbabasa at kumakain hanggang tanghaling tapat.

"May plano ba tayo kung paano natin siya mapapapayag?" pabulong na tanong ni Meredith habang naglalakad kami.

"I was thinking ipupukpok ko sa kanya 'yung serving plate. Kapag wala na siyang malay, saka natin kukunin 'yung susi ng kotse ko," pabulong ko ring sagot.

She rolled her eyes. "'Wag kang magulo. Ako nang bahala."

As expected, may breakfast platter sa mesa habang nagbabasa si Dad. May pagkain pa sa pinggan niya at may isang tasa ng mainit na kape malapit sa kanan niyang kamay.

Tumikhim ako at nag-angat ng paningin ang tatay ko mula sa binabasang diyaryo. Hinihintay ko 'yung pagsabog ng galit niya kasi alam kong di pa niya 'ko napapatawad dahil sa Audi niya. I swear may mga tao talagang magaling magtanim ng galit. Hindi n'yo ba alam na masama sa puso 'yun? Saka para Audi R8 lang, Dad! Itatakwil mo na ang pinakaguwapo mong anak?

Kumunot ang ilong niya na para bang may naamoy siyang mabaho. Alam kong hindi ako 'yun, at mas lalong hindi si Meredith. Baka sariling amoy.

I grinned at him. "Good morning, Dad!" sabi ko na may energy at enthusiasm ng isa sa mga hosts ng isang noontime show. Alam kong buwisit na buwisit siya sa ganoon.

He was just about to snarl at me nang mapansin niyang katabi ko si Meredith. That was when Efren Montesines quickly got to his feet.

"Good morning, Mr. Montesines," bati ng boss ko. Lumapit pa siya at inabot ang kamay sa tatay kong na-shock. "I'm Meredith Balajadia, Ash's friend."

Kahit pa medyo napangiwi ako sa "friend", dahil ayaw kong ma-friendzone (na tulad niya), okay na 'yun kaysa kung sinabi niyang boss ko siya. Mas personal ang "friend".

"Of course! I know you," sabi ng tatay ko habang nakikipagkamay kay Meredith.

Of course, you do, Dad! Kilala mo lahat ng mga nasa listahan ng Forbes Magazine ng mga pinakamayayamang negosyante sa mundo gaya ng kung paano kilala ni Celia ang lahat ng talent ng ABS-CBN.

"Please, have a seat," sabi niya na itinuturo ang lugar sa bandang kanan niya sa mesa. "Kumain muna kayo. Celia, kumuha ka ng ekstrang plato at kubyertos."

Tumango si Celia at nagmamadaling bumalik sa loob ng bahay.

"Hindi po sana kami magtatagal dito, Sir," sabi ni Meredith although she was clearly in her element. Siyempre, nag-uusap sila, negosyante to negosyante. Ako lang naman ang aliping saguiguilid dito eh.

"I insist," sabi ng tatay ko.

Nakanaman! Pa-insist-insist pa siya ngayon. Eh kaya naman siya dito sa garden nag-aalmusal ay dahil sa kusina ako kumakain at ayaw niyang makasabay ako.

Sinulyapan ako ni Meredith. Sabi ko sa 'yo nababasa ko na ang iniisip niya di ba? 'Yun lang ang explanation na masasabi ko kasi alam kong ang ibig niyang sabihin sa tingin na 'yun ay: "huwag kang ma-ingay o magsalita sa susunod na limang minuto kung gusto mong umalis tayo na dala mo ang kotse mo".

"Thank you," sabi niya kay Dad. "We'd love to."

We would?

Pero naupo na rin ako sa tabi ni Meredith. I wouldn't mind the breakfast. Medyo bitin 'yung corn flakes sa bahay ni Kuya eh.

"So what brings you here, hija?" tanong ni Daddy nang makaupo kami.

Malamang ako ang nagdala sa kanya dito, Dad. Medyo masakit na qualified ako as "what".

Nagpapatawa lang ako. Alam ko naman ang ibig niyang sabihin.

"Napagkwentuhan po kasi namin ni Ash ang tungkol sa family, Sir," simula ni Meredith habang naglalagay ng mga pinggan, kubyertos, tasa at mga baso sa harapan namin sina Celia at Ate Adelle, 'yung isa pa naming kasambahay. "I realized that I know your other son and daughter socially pero hindi pa tayo nagkakakilala. Sinabi ko sa kanya na gusto ko kayo makilala and he suggested that he bring me here to introduce me to you."

Halos makita kong lumapad ang dibdib ng tatay ko. Flattered na flattered siya.

"Oo nga ano? We haven't been formally introduced," sabi niya.

"No, Sir," patuloy ni Meredith habang naghahanda ako ng pagkain para sa kanya. "Kasama po ako ng daddy ko sa conference sa Singapore three years ago. I know you've met my father. Nandoon po ako kasama niya pero nahiya po akong lumapit sa inyo."

Wait, what?

"I remember that. Ang tagal kong kausap ang daddy mo noon ah."

My boss smiled. "Opo. Ang tagal ko rin pong nakipag-debate kung magpapakilala ako sa inyo. Kakabasa ko lang po kasi ng article sa Inquirer n'un. Na-feature po kayo sa Business section nila and I was really impressed by your views regarding employee relations."

Whoa. I think Meredith may just mean what she was saying. I doubt she'd be remembering things like that if she wasn't really interested. I mean, ni hindi ko alam na na-feature sa diyaryo ang tatay ko, much less what he thinks about employee relations.

And she sounded so sincere, too. Either magaling siyang artista o talagang fan siya ng tatay ko.

Sinulyapan niya ako at ngumiti sa 'kin, one of those warm, happy smiles that I love on her, and thanked me for the plate I prepared for her. Then muli niyang binalingan ang tatay ko.

Tahimik akong kumain, hindi talaga nakikinig sa kanilang dalawa. They were talking business kaya wala akong karapatan—at sapat na kaalaman—para sumingit. But then, natigilan ako nang may sabihin si Meredith na umagaw sa atensyon ko.

"He's a remarkable employee. His work ethics are exemplary. He's at the office before most of the other employees, and leaves late. Masipag po siya, Sir. I'm very happy with him."

Si Kuya Lex ba ang pinag-uusapan nila?, isip ko kasabay ng naguguluhang tanong ng tatay ko.

"Do you mean my elder son, Lex?"

Tumawa si Meredith. "No, Sir. I meant si Ash po," sinulyapan pa niya ako, nginitian at kinindatan. "He's as good as—or even better than—my old assistant."

Nakow, 'wag nang marinig ni Sheri 'yan at malilintikan tayong dalawa!

Tiningnan ako ng tatay ko. Kung sa harapan niya mismo ginawang alak ni Lord ang tubig sa banga, I'm sure hindi magiging ganoon kagulat ang ekspresyon niya.

"Si Ash?" tanong niya.

"Yes, Sir. Si Ash," giit ni Meredith. "Kaya ang swerte ko po na siya ang ni-recommend sa 'kin ni Tito Ernest."

"Si Ash," ulit lang ni Daddy.

Tiningnan ni Meredith ang suot niyang relo. "Oh, my gosh. Naku, Sir. Kailangan na po pala naming umalis. May pupuntahan pa po kasi kami ni Ash. Medyo late na po pala."

"Saan kayo pupunta, if I may ask?"

"Sa Tagaytay po. Inaya ko po kasi siya and he kindly agreed to accompany me. Mag-co-commute lang po kasi kami ngayon. Baka mahirapan po kaming sumakay kung mamaya pa kami aalis."

"Ah. Well, Ash has a car." Tiningnan niya ako. "Bakit di mo kunin 'yung kotse mo at ipagmaneho mo na si Meredith sa Tagaytay?"

Holy shit! She did it!

"Naku, nakakahiya naman po!" sabi ni Meredith. "Marunong naman po akong mag-commute. Saka hindi po naka-set ang utak ni Ash na magmamaneho siya ngayon."

"Sus, wala 'yan kay Ash. Kung saan-saan nagmamaneho 'yan. Basta 'wag mo lang painumin ng alak bago siya magmaneho."

He was never going to let me forget that, was he?

"Well..." Hinarap ako ni Meredith. "Kung okay lang sa 'yo?"

"Well, I don't really have a car." Siniguro kong tumatagas ang pagkapahiya sa boses ko, pagkapahiya na kailangan kong tanggihan ang isang Balajadia. Tiningnan ko ang tatay ko. "Di ba sinabi mo sa' kin n'ung kaka-discharge ko sa ospital na—"

"Just take the car, Ash," mariing giit ng tatay ko. "Hindi ako makapaniwalang pasasakayin mo ng bus si Meredith papuntang Tagaytay! At 'wag mong sabihing tinatamad ka! Pagkatapos mong mag-drive papunta sa kung saang-saang lupalop ng—" He stopped abruptly. Siguro dahil naalalang kaharap namin si Meredith kaya napigilan niya ang sariling sumbatan ako. "Ipagmamaneho mo siya and that's final."

"Yes, Dad," sabi ko na parang maamong tupa.

Nagpaalam kami ni Meredith sa tatay ko. She hugged him and kissed his cheek bago kami naglakad palayo sa mesa niya sa garden. Sigurado kong pumalakpak ang tainga ng tatay ko.

Nang makapasok kami sa bahay at hindi na kami nakikita ni Daddy, malakas akong tumawa at hinablot siya sa baywang para yakapin.

"You were awesome!" masaya kong saad, hindi makapaniwalang hindi ko kinailangang makipaglaban sa tatay ko para makuha ko ang kotse ko.

Iyon naman talaga ang dahilan kung bakit ko siya niyakap... hanggang sa maamoy ko ang buhok ni Meredith dahil nakabaon na pala roon ang ilong ko.

"Thank you," sabi niya, tumatawa rin, nakayakap din sa 'kin. She grinned at me when we broke apart. Buti nga nagawa ko siyang bitawan nang kaunti.

At ano naman ngayon kung nakayakap pa rin ako sa baywang niya, eh hindi naman niya nahahalata.

God, she had the softest body, the most fragrant smell...

"Ash? Ash. Ash!"

Nag-angat ako ng mga mata. "Huh?"

Tumawa siya at itinulak ako palayo.

Damn it! Now I needed to really let her go.

"Sabi ko madali lang 'yun kasi I didn't need to lie. I really wanted to meet your dad," sabi niya, halatang inuulit na lang ang sinabi niya kasi hindi ako nakikinig kanina. "Anyway, your turn. Tagaytay. Now!"

I took her hand. Matapos ang nangyari, pakiramdam ko may sapat na kaming moments para kunin ko ang kamay niya. And, shit, ang lambot n'un! And she actually closed her hand around mine.

Giniya ko siya sa kusina at kinuha ang isang susi na nasa sabitan namin malapit sa pinto. Nasa garahe na kami nang ma-realize kong nagkamali ako ng kuha ng susi kaya pinindot ko ang remote. Nag-blink ang headlights ng isang Jaguar na ngayon ko lang nakita na nasa kabilang dulo ng garahe kasabay ng pagtunog ng alarm niyon.

"Well, that's not my car," sabi ko nang malakas bago ko naisip na hindi naman sana alam 'yun ni Meredith.

"Anong that's not your car? Eh bakit 'yan ang kinuha mong susi?"

"Magkamukha 'yung key chain eh."

Nagsimula akong maglakad palapit sa kotse at hinatak niya ang likod ng polo ko. "Teka, sabi mo hindi 'yan ang kotse mo, di ba?"

"Hindi nga."

Naningkit si Meredith. "Ba't 'yan ang kukunin mo?"

"Eh wala naman nang magagawa si Dad kapag naka-alis na tayo."

Humalukipkip siya.

"Ibabalik naman natin mamaya."

Nagtaas ng kilay si Meredith.

"Hindi ko ibabangga, promise."

Her finger started to tap over her forearm.

Bumuga ako ng hangin. Rolling my eyes, I started to walk away. "Fine. Hintayin mo ako d'yan sa Audi. 'Yan ang kotse ko. Kukunin ko lang 'yung susi."

"Siguraduhin mong ito ang kotse mo ha!" habol niya habang papalayo ako. "Itatanong ko kay Celia!"

Tumawa ako. "'Yan talaga, pramis!"

At nagmadali ako pabalik sa kusina. I wasn't lying. This time. 'Yun talaga ang kotse ko. Natatawa lang ako kasi here I was, being a good boy, dahil lang sinabi ni Meredith na ibalik ko ang susi kahit pa kating-kati akong i-test drive 'yung Jag.

Iyon lang, malinaw naman kung ano ang pipiliin ko kung ang pagpipilian ay magmaneho ng bagong-bagong Jaguar o magpunta ng Tagaytay kasama ni Meredith di ba?

Siyempre 'yung Jag.

Joke lang.

Siyempre si Meredith.

Continue Reading

You'll Also Like

4.1M 119K 64
JAGUARS' SERIES 2: Johnny Spencer "Nakalunok ka ba ng kwitis? Pag ngumiti ka kasi may spark.." Babae lang ba ang kinikilig? E paano naman kaming mga...
3M 36.1K 85
(Filipino/Tagalog) Love is like eating your favorite food and you simply can't get enough. Love is like breaking the rule, you know it's bad but you...
313K 5.8K 31
It's been almost seven years since magtagpo at maghiwalay sila Alex at Maggie. Both were all successful and contented. Bagamat hindi pa nila nakakali...
2M 79.4K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.