Song-inspired Single Shot Sto...

By EijeiMeyou

9.1K 511 205

☛ℕℴ ℑℴ ℊℛaℳℳaℛ ℕaℨi☚ Sometimes music defines what you're feeling. EijeiMeyou® More

PUSONG BATO by Unknown
NEVER LETTING GO by Six Part Invention
BETTER THAN THIS by Six Part Invention
PARA LANG SAYO by Aiza Seguerra
DA BEST ANG FEELING by Toni Gonzaga
SHOUT "LAOAG!"
MY HEART by Paramore
LUCKY by Jason Mraz ft. Colbie Caillat
THINKING OF YOU by Katy Perry
WITH A SMILE by Eraserheads
WITHOUT YOU (COVER ACOUSTIC) by Mycko and Katsumi
NO ONE ELSE COMES CLOSE by Joe
BRING ME TO LIFE by Evanescensce
THINK OF LAURA by Christopher Cross
Ghen's Fortune

Over Me (Just a one-shot)

277 9 0
By EijeiMeyou

“Jeceline,” sa ikalawang pagkakataon, may tumawag na naman sa pangalan ko. Paglingon ko, si Arvie lang naman ang nakita ko, kumindat pa siya, pangalawang beses na rin iyon.

“Ugh,” paikot ang mga matang binalik ko sa binabasa ang pansin ko. Napaka-KSP talaga niyang si Arvie, isama pa ang mga kabarkada niyang wala na yatang ginawa sa buhay kundi ang kunsintihin ang mga kalokohan niya.

“Jeceline,” sa pagkakataong iyon ay sumisitsit pa siya.

“Pwede ba?” mahina pero mariing sabi ko, “nasa library tayo, hello? Kaya kung maaari, ang mga kalokohan mo, ireserba mo na lang mamaya sa room,” naiinis na saad ko. Mula first year high school hanggang ngayong fourth year na, nasa anino ko pa rin siya. Hindi na niya ako tinantanan, buti naman sana kung puro kabutihan ang dinudulot niya sa akin. Taun-taon na lang kami nadadala sa guidance at tumatambay doon ng higit pa sa apat na oras na kami lang sa loob ng napakatahimik na kwarto bilang parusa, kung hindi ko kasi siya nababato ng libro o notebook, nasasampal ko naman siya. Pasalamat pa nga daw ako’t hindi pa ako nakikick out kahit na tiyuhin ni Arvie ang superintendent namin. “Bwisit,” di na ako nakatiis at tinarget ko ng eraser ang noo niya, sapul. “Kikindat ka pa?”

“Aray,” sinapo niya ang natamaang noo habang di magkamayaw sa pagtawa ang mga barkada niya.

“Ssh!” lumapit sa amin si Miss Yanos, ang dalagang librarian. Hindi pa siya matanda gaya ng ibang naging librarian namin, bago pa lang siya sa school. “Kayong dalawa, ha” pinaglipat-lipat niya ang tingin sa amin, “pangalawang beses nang warning niyo ‘to.” Alam na alam na niya na kami ang dahilan ng pag-iingay na iyon kahit na iba naman ang tumawa.

Masama ang tinging ginawad ko kay Arvie nang makaalis si Miss Yanos. Tinuro ko pa siya at idinaan ang hintuturo ko sa leeg ko na parang sinesenyas na mamamatay na talaga siya kapag biniro pa ulit ako.

Hindi nauubusan ng kalokohan si Arvie, kung ako ang reyna ng masusungit sa buong campus, siya naman itong hari ng kalokohan. Palibhasa nag-Mister Intrams kaya may maipagmamayabang, eh bakit ba, ako rin naman, nag-Miss Intrams nung third year high school.

Nang tumunog ang bell ay tumayo na ako dala ang mga librong hiniram ko sa library. Para iyon sa assignment namin sa physics.

“Jeceline, gusto mo, tulungan na lang kita?”

Lumingon akong nakangiti na agad ding nabura nang makita ko ang nakangising mukha ni Arvie, “pwe,” buga ko ng hangin sa mukha niya. Napapikit naman siya. Akala ko ay lalayas na siya nang dahil sa ginawa ko pero hindi dahil sinabayan pa niya ako sa paglalakad.

“Saan ka nga pala nagbakasyon? Ako kasi, nagpunta sa Bohol kasama sina ate, nag-picture taking kami, ang liliit pala ng mga tarsier, nuh? Alam mo ba yun?”

At ginawa pa akong tanga, “ah, yung tarsier, hindi ba ikaw yun?” binagsak ko sa dibdib niya ang mga librong buhat ko, “di ba, sabi mo, tutulungan mo ako? Hayan, buhatin mo,” at binaraan ko siya ng alis habang buhat niya ang mga librong hawak-hawak ko lang kanina. Pagpasok sa room ay tuksuhan na naman ang naganap pero dahil sanay na ako doon, dumiretso na lang ako sa upuan ko. Walang araw na lumipas na hindi ako tinukso kay Arvie, oh please, spare me the cavities.

“Senyorita, ang mga libro po ninyo,” mapang-asar na pakli pa ni Arvie sa akin bago inilapag ang mga libro ko.

Binigyan ko na lang siya ng pekeng ngiti.

Kahit nag-lelecture ay tuloy pa rin sa pangungulit si Arvie, ang sarap niyang pasakan ng nilamukos na papel sa bibig. “Konting tiis na lang, Jeceline,” kumbinsi ko sa sarili ko. Last subject naman na iyon para sa araw na iyon at mananahimik na ang buhay ko pagkauwi.

“Class dismiss,” agad akong tumayo at halos patakbong lumabas ng pintuan. Mahirap na kapag naabutan pa ako ni Arvie, sandamakmak na pangungulit at tukso na naman ang aabutin ko. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung hindi ba siya nagsasawa sa ginagawa niyang pangungulit sa akin.

“Jeceline!”

“Gahd!” nabitiwan ko pa tuloy ang mga librong buhat ko nang dahil sa kanya. Kulang pa ba ang bilis ko para matakasan siya?

“Yan kasi, tumatakbo ka,” at tinulungan niya ako sa pamumulot.

“Bwisit!” pinalo ko sa balikat niya ang isang librong hawak-hawak ko na, “malas ka talaga, eh nuh? Lahat ng dala mo sa akin, puro kamalasan,” nanggigigil na hinablot ko sa kanya ang isang librong hawak niya, “bwisit!” muling sambit ko at ang bag ko naman ang isinunod na itinama sa kanya. “Sana lang wag ka na ulit mangulit, wag ka na ulit makipag-usap, wag ka na ulit sumunod kasi malas ka! Kuha mo, malas ka!” ngayon lang talaga ako nanggigil ng ganito sa kanya, kulang na lang yata ay umusok ang ilong at tenga ko dahil sa kanya pero agad din ako natauhan nang makitang tahimik ang buong paligid... lalo na si Arvie na mukhang nagulat sa mga nabitiwan kong salita.

“Kung iyan ang gusto mo,” naglakad siya paatras bago tuluyang tumalikod at mabilis na tumakbo palayo.

“Arvie...”

***

Nakasuksok ang isang kamay ko sa buhok ko na parang sinasabunutan ang sarili habang nakatitig sa mga online friends ko. Linggo naman at tapos ko na ang lahat ng assignments ko. Hindi naman ako ganito ka-bored noon, eh. Ngayon lang talaga.

Huwebes nung masigawan ko si Arvie. Dati-rati, sinusundo pa niya ako sa umaga sa bahay noon para lamang magkasabay kaming pumasok sa school pero naghintay na ako ng halos tatlumpong minuto sa labas ng bahay noong biyernes pero wala pa rin siya. Inisip ko na lang na baka busy siya or baka mahuhuli sa pagpasok pero nagulat ako nang pagpasok ko sa room ay nandoon na siya na masayang nakikipagkwentuhan sa mga naglilinis na babaeng mga classmate namin. Nagkatinginan kami sa mata, inirapan ko siya, hinintay ko na namang lapitan niya ako at kulitin pero hindi nangyari.

Kumukunot ang noo ko habang tinititigan siya nang araw na iyon, parang may bago sa kanya. Nung uwian na naman, hinintay kong tawagin niya ako pero wala talaga. Buong araw na hindi niya ako pinansin at mukhang hindi man lang aware ang mga classmates namin.

Sabado, hinintay ko siyang mag-chat sa facebook gaya ng dati niyang ginagawa. Paulit-ulit din niya akong tina-tag ng mga pictures na may quotes at todo likes naman ang mga classmate namin pero pinagbububura ko din naman iyon kapag nanahimik na siya noon pero ngayon, ni ‘hoy’ sa chat ay wala. Gaya ngayon, linggo na at katatapos ko lang magsimba pero wala pa rin siyang pagpaparamdam. Hindi ko tuloy alam kung dapat ba akong mainis o matuwa dahil mananahimik na ang buhay ko.

In-open ko ang chatbox at nagulat ako nang makita ang ‘Arvie Victorino is typing...’ na agad ding nawala. “Baka mahaba ang icha-chat,” sabi ko sa sarili pero magkakalahating oras na pero wala namang dumating na chat mula sa kanya. “Fine! Kung iyan ang gusto mo, eh di, okay!” sigaw ko sabay shut down ng computer.

“Jeceline, ano ba yan?” kumatok pa si mama sa pinto.

“Wala po!”

***

Monday, dapat masaya ako kasi wala na ang bwisit na si Arvie.

Habang nagfe-flag ceremony, narinig kong nagbubulungan ang mga classmate namin tapos kapag nililingon ko naman, bigla-bigla silang mananahimik tapos parang nagkakainteres sa announcement ng isang teacher sa stage. Nang matapos na iyon ay pinabalik na kami sa mga respective classes namin.

Kunot na nga ang noo ko, mas kumunot pa nang makitang wala ni isang classmate ko sa room. Nagkamali ba ako ng schedule? Pumasok ako at umupo, binuksna ko kaagad ang bag ko at chineck ang schedule. “Tama naman, ah?”

Narinig kong may nagsara ng pintuan. Paglingon ko ay nakita ko si Arvie na nakatago sa likod ang mga kamay.

Gusto ko siyang ngitian pero pumangibabaw na naman ang asar ko sa kanya, “wag mo nga akong pagtripan! Buksan mo na lang yang pinto, baka dumating na sina ma’am,” inirapan ko pa siya at kunwari ay inaayos ang bag. Naco-conscious ako sa paraan ng pagtingin niya sa akin, eh, “ano ba---“ mas lalong nag-init ang ulo ko nang kunin niya sa akin ang bag ko gamit ang isang kamay, “I hate you!”

Sa gulat ko ay ngumiti lang siya, yung ngiting parang walang kasalanan. “I love you.”

Natigilan ako doon. “Ano ulit yun?”

“I love you nga.”

Sa gulat ko ay bigla na lang nagsulputan ang mga classmate namin sa likuran niya hawak ang mga colored paper na may nakasulat na mga nagko-kornihang quotes. “Parte ba ‘to ng mga pangungulit mo sa akin?” lumunok ako ng ilang beses. Para kasing may bumara doon.

“Parte ito ng nararamdaman ko sa iyo,” nilabas niya ang nakatagong kamay niya, may hawak iyong bulaklak, “matagal ko na sana ‘tong binigay sa yo kaso,” nagkibit-balikat siya, “sinungitan mo ako nung huwebes, eh, kaya tumira na muna sa freezer namin.”

Kumunot ang noo ko. Natawa pa ang mga classmate namin dahil halata namang nalalanta na iyon. “Ginagago mo talaga ako, eh.”

“Hindi, ah, kasi ang lalaking nagmamahal, ni minsan di kayang gaguhin ang katangi-tanging babaeng nagturo sa kanila kung paano maging totoo,” ngumiti ulit siya sa akin. “Ako, si Arvie Nolasco, ay hinihingi ang salitang ‘oo’ ni Jeceline Moreno para manligaw,” nag-step forward siya palapit sa akin.

“Teka,” pinigilan ko siya sa paglapit. “Magsasabi ako ng mga kasalanan mo, sa bawat kasalanang sasambitin ko, dapat umatras ka ng isang hakbang.”

“Ang unfair naman yata nun?”

Ako naman ang ngumiti sa kanya, “pagkatapos ng lahat ng mga kasalanan mo, yung mga bagay naman na nagustuhan ko sa iyo ang sasabihin ko. Sa bawat bagay na iyon, lumapit ka sa akin ng limang hakbang, deal?”

“Deal.”

“Ang yabang mo, isang atras,” umatras naman siya, “akala mo kung sino ka, atras,” umatras ulit siya, nagsunud-sunod ang mga sinabi kong kasalanan at ayaw ko sa kanya hanggang sa makaabot na siya sa labas ng classroom, kakamut-kamot pa siya at nagtago naman na ng mukha ang mga kaibigan niya.

“Ang layu-layo ko na, oh!” sigaw niya. Kailangan na talagang magsigawan kami kasi talagang hindi na kami magkakarinigan. Dumarami na rin ang tao sa labas ng classroom dahil siguro napansin nilang nagkumpulan ang mga classmate namin sa labas.

“Ganyan kadami ang kasalanan mo!” sigaw ko pabalik. “Isa pang kasalanan mo sa akin, MINAHAL MO AKO!”

“Hindi iyon kasalanan, ah---“ nagtangka siyang lumapit.

“Ops, diyan ka lang,” huminga ako ng malalim, “things I like about you naman,” di muna ako nagsalita agad, kunwari nag-iisip, “parang wala naman, eh.”

“Aray.”

“Sige, ito na. Una, lagi mo akong kinukulit, limang hakbang palapit. Kapag nakalapit ka sa akin, ‘oo’ na agad, pwede mo na akong ligawan,” pakikipag-deal ko ulit. Game na game naman siyang humakbang ng limang beses, “ikalawa, ang yabang-yabang mo na hindi naman masyadong nakakaasar sa iba, ako lang yata ang naaasar,” humakbang ulit siya, ngiting-aso na nga siya, “oh, yan, wala na. Hindi ka na makakalapit,” humalukipkip pa ako sa kanya.

“Wala na talaga?” bumagsak ang mga balikat niya, “konti na lang, oh, tatlong hakbang na lang siguro, makakalapit na ako sa iyo, wala na ba talaga?”

Tinaas ko ang isang kilay ko sa kanya, “meron pa.” Naghintay ang lahat sa sasabihin ko, “mahal din kita---“ hindi na lang siya basta naglakad kundi tinakbo na niya ang maliit na espasyo sa pagitan namin saka niya ako niyakap.

“Sabi ko na nga ba!”

“Ang yabang-yabang mo pa rin talaga,” umirap pa ako kahit alam kong hindi naman niya ako makikita kasi nga yinakap niya ako.

“Mahal mo naman, girlfriend na kita, ha?”

“’Di ka pa nga nanliligaw, eh!” nilayo ko siya sa akin.

“’Dun din naman ang tuloy ‘nun,” nagkamot pa siya sa ulo niya, nagmukha tuloy siyang batang napahiya. “Ayaw mo ba ‘nung tayo nga, pero araw-araw, nililigawan pa rin kita?”

Continue Reading

You'll Also Like

107K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
135M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
1.1M 20.9K 30
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
20.7M 510K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]