Cracks of the Broken Heart (S...

By jkookiss1

29.8K 900 75

The story is about the two persons coming from the different heart breaks. They meet and decided to help each... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 41
Epilogue

Chapter 40

392 11 1
By jkookiss1

Napasapo ako ng noo ko sa sobrang iritasyon. I am a psychologist but I couldn't observe and study myself. I tried to understand everything about me using the different methods but none of them are helpful. Kaya kong pag-aralan at intindihin ang ibang tao pero pagdating sa sarili ko para akong tanga na pilit iniintindi ang lahat kahit wala ka naman talagang naiintindihan.

"Okay ka lang insan?" nag-aalalang tanong ni Angel, ang pinsang kong psychologist/reliever ko kapag wala ako dito.

"Insan...I need a favor." sabi ko.

"Ano yun?" tanong niya habang nilalapag ang mga papeles sa ibabaw ng mesa ko.

"Promise me you'll keep this as a secret. Gusto kong kumonsulta sayo." nabigla siya sa sinabi ko.

"W-What? Nababaliw ka na ba?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Siguro nga talaga." I sighed.

She sat in front of me and lean forward.

"Tell me everything." she said quietly.

"I have a secret affair with Nash." pag-aamin ko. Napamura naman siya sa gulat.

"Seriously? I thought you guys are just friends." angal niya.

"Oo. Pero tinry namin kung magwork ba kaming dalawa. He has a feelings for me and I gladly accepted it. Isa pa mahal ko si Sophia. Gusto ko siyang maging tunay na anak ko." sabi ko.

"Oh? So in other words, you accepted him because he is the father of Sophia?" tanong niya.

"Isa lang yun sa rason. G-Gusto kong hayaan ulit ang sarili ko na buksan ang puso ko para sa kanya." sabi ko.

"So you love him na?"

"I-I don't know yet."

"How about Donny?"

"Makikipaghiwalay na ako sa kanya."

"Ahh..so kapag nangyari yun pwede na kayo ni Nash. You can free to express your love with each other publicly."

"Oo nga pero..."

"Pero?"

I took a deep breath. "Mahal ko pa siya." pag-aamin ko.

"Gaga. Hindi naman kasi yan basta-basta nawawala. Isang taon lang ata kayo hindi nagkita. Malamang fresh pa yung sugat at pag-ibig niyo. Tanga lang sis?" sabi niya.

"Hoy! Wag mo nga akong murahin. Pasyente mo ako ngayon. Umayos ka." saway ko.

"Ay oo nga pala. Sorry na carried away lang sa kwento mo. Sige continue." sabi niya.

Parang nakikitsismis lang yung babaeng to ah.

"Yun nga nang makita ko ulit yung mokong na yun, bumalik ulit ang alaala na sana  dapat ko ng kinalimutan na. Masaya na ako nung wala siya. Napagpasyahan ko nang mamuhay ng payapa na wala na siya pero dumating siya ulit at nagkagulo-gulo na naman yung isip ko."

She rolled her eyes. "Hay naku gurl! Hindi naman kasi forever andoon siya sa ibang bansa. Kagaya mo, nag momove-on din iyon sa pagkamatay ng anak ninyo. Malamang babalik at babalik yun sayo." angal niya.

I remained quiet.

"I guess you don't need a psychologist.  All you need is a friend and cousin like me. Do you want to hear a little advice?" tanong niya.
I nodded unconsciously.

"Just put yourself in a situation, annulled na kayo ni Donny and kasal na kayo ni Nash. You have an instant daughter, si Sophia. Instant mother kana rin. Of course, you guys will live on the same roof. Ang tanong, magiging masaya ka ba?" she asked me.

"O-Oo naman." I reluctantly said.

"Magiging masaya ka ba kahit hindi mo mahal ang tatay nung bata? Magiging masaya ka ba kahit hindi mo tunay na anak si Sophie?"

"I will be happy. Mahal ko si Sophia. Para ko na rin siyang anak." giit ko.

"Oowkaay? What if you woke up from those dreams and you realize that all of those are just a mere nightmare? What if magtanong yung bata kung mahal mo ba talaga ang tatay niya?"

"The feelings will grow, Gel. Mamahalin ko rin siya." I answered and she smile triumphantly. Bakit?

"Sa iyo na nanggaling mismo. Mamahalin mo pa lang siya and we are unsure if mag go-grow talaga iyon. Ang pangit naman nun, you will coerce your feelings for that single Dad just to achieve your dream of being an instant Mom. Pwede naman iyon punan ni Donny." sabi niya.

"Oh? Bakit nasingit si Donato dito?"

"Kasi sa una pa lang, sa kanya ka talaga dapat. You still love him, right?"

"Yes pero hindi madali iyon. Ayoko ng bumalik sa kanya." pagmamatigas ko.

"Bakit naman? Anong nag udyok sayo at ayaw mo na sa kanya?" she asked curiously.

"He killed my daughter, he left me. Di mo ba alam kung ano ako ka miserable nung panahon na iyon? Akala ko ba alam mo?" naiinis na sagot ko.

Umiling-iling siya.
"Gosh! You're acting like an immature teenager. Kung nahihirapan ka noon, mas nahihirapan siya. Biruin mo, pinapili siya kung sino ang dapat ililigtas niya sa inyong dalawa ni Chloe. Mahirap iyon, Shar. If you were on his shoes, who will you choose?" tumingin siya sa akin na parang naghahamon.

"I-I don't know!" I exclaimed. Bakit hindi ko nga ba naisip iyon?

"Shar, pasensya na pero you're being selfish talaga. Noon ko pa na notice yan sayo. You only listen to yourself. Why don't you open your eyes? You've been through a lot. I understand that. But how about Donny? Napakaunfair naman sa side niya. He gave you a little space to move-on and to think properly. Akala nung tao, pagbalik niya, aayusin niyo na ang lahat sa inyo. Pero sa halip na pag-usapan, iba ang ginawa mo. You even cheated on him behind his back."

"Alam niya ang tungkol sa amin ni Nash." pangongontra ko.

She scoffed. "Oh? Anong reaksyon niya nung malaman niya? Did he took a legal action?" umiling ako bilang pagtugon.

"So pinabayaan niya lang? Pumayag na bang makipag annul sayo?" she asked again.

"Ayaw niya. Nagmamatigas siya." sagot ko.

"Kapag maghiwalay ba kayo nang tuluyan, sasaya ka ba? Sinong mas matimbang, Si Sophia o si Donny?" I couldn't answer. Si Sophia para ko na  siyang anak. Kapag kasama ko siya nakakalimutan ko sandali ang mga problema ko. Si Donny, he's my husband. He was the one that I want to spend the rest of my life with. Siya lang ang meron ako noong kami pa. All my life, I've been relying to him. Mahal na mahal ko siya and I don't think mawawala lamang iyon ng basta-basta. If I have to choose I would rather be with him but everything is different now.

"Sophia needs a mother." I mumbled.

"At hindi ikaw iyon." sabi niya.
"Shar..." she called me and held my hand. "Wag mong pilitin ang sarili mo sa mga bagay na alam mong panandalian lamang ang kasiyahan. Piliin mo yung makakakapagpasaya talaga sayo habang buhay. Hindi man maibibigay ni Donny ang gusto mo sa ngayon pero he will make a way and you will just have to wait. I promise it will be worth it. Alam kong mahirap sa una pero the first thing you will do is to forgive each other first and start again from the beginning." she smiled as an assurance.

"Paano si Nash? Si Sophia?" I asked worriedly.

"You have to accept that you can't have the both of them. Because in the first place, they are not yours." sagot niya.




NANG matapos ang duty ko, dinial ko agad ang numero ni Donny. Yes, I have decided. I need to talk to him---I mean we need to talk. Hindi ko alam ang magiging outcome but I need to follow my heart this time. Nagmatigas ako nung una but I don't want to regret anymore. Tama si Angel. Napakaselfish ko. Sarili ko lang ang iniisip ko at nakalimutan kong hindi lang pala ako ang nasaktan. Naging sarado ang tenga ko kay Donny. Ni hindi ko magawang buksan ang puso at isip ko para mapakinggan siya. Kinain ako ng galit ko sa kanya. Dapat siya pa ang magalit sa akin kasi nakipagrelasyon ako habang kasal pa kami. But he weren't.

Ngumiti ako ng mapait. Kung hindi pa dahil kay Angel, hindi ako magigising sa katotohanan. How could I hurt someone who dearly loves me? I'm sorry, Donny. Sana mapatawad mo pa ako.

Calling Donato...

(Hello, Shar...napatawag ka?)

"We need to talk. About us." ma awtoridad kong sabi.

Ilang segundo at wala akong naririnig mula sa kabilang linya.
"Hello? Still there?"

I heard his sighed.
(Kung tungkol iyon sa annulment, I'm sorry pagod ako ngayon and I always told you that I won't grant it.)

"No. It's not about an annulment." sabi ko.

(Oh?) mukhang gulat na sambit niya.
(Then what is it?)

"Anong oras yung off mo?" I asked impatiently.

(7 pm. I have a site inspection today baka malelate lang ako ng konti sa pag-uwi. Why all of a sudden?)

"Let's meet. I'll text you the location."

He laughed as if I was joking.
(Magde-date tayo?) he teased.

"Oo. Ayaw mo?" masungit na tanong ko.

Ilang segundo at natahimik ulit ang line sa kabila.
"Donny?" naiinip na tawag ko.

(A-Are y-you s-sure?) halos mapatawa ako nang marinig kong nauutal siya.
(Sht! Okay-okay bibilisan ko lang ito tapos I'll go straight there wala ng bawian ha sige take care bye!) mabilis niyang sinabi na halos hindi ko na macatch-up. Natatawa kong tinignan ang cellphone ko nang mag end call na ito. Nagtipa na rin ako ng mensahe kung saan kami magkikita.

Umuwi muna ako sa condo para magbihis. 6 pm pa naman so pwede muna akong magshower muna saglit.
After kong magshower, pumili ako ng maisusuot. Ilang beses pa akong napapalit-palit dahil hindi ako makumbinsi sa sinusuot ko. Sa huli pinili ko na lamang ang haltered floral dress na lagpas hanggang tuhod. Pa-demure muna ang lola niyo ngayon. I put a light make up dahil ayaw ni Donny nang makapal dahil ayon sa kanya, mas bagay daw sa akin kapag light lang. Yung may 'make up na parang walang make up look' daw.

7:30 pm nang makaalis ako ng condo. Nagtext na rin ako sa kanya na on the way na ako pero ilang minuto na ang nakakalipas at wala pa rin akong natanggap na reply mula sa kanya.
Siguro ay nandoon na iyon ngayon at inaantay ako.

Napakunot ang noo ko nang mapagtanto kong wala pa rin si Donny sa meeting place namin. Baka na stuck lang iyon sa traffic. Di man lang nag text yung mokong.

I texted him again.

To: Donato

Hoy! Nasaan ka na?

To: Donato

Wow! Pa vip ka pa ha! Humanda ka talaga pagdating mo.

To: Donato

Bakit di ka nagrereply?

Almost 9 pm pero wala pa ring Donny na sumipot. Weird! Hindi iyan palaging nalelate kapag may lakad kaming dalawa. Kung nag overtime iyon dapat ay nagtext ito pero kahit isang mensahe ay wala akong narereceive.

Napabuntong-hininga ako at galit na dinial ang cellphone niya. Ilang beses ko siyang tinatawagan pero hindi naman ito sumasagot.

To: Donato

Where the hell are you? Sisipot ka pa ba?

Sinubukan ko ulit siyang tawagan at ilang rings pa bago niya sinagot.

"God! Where the hell are you? Why aren't you answering my calls and texts? Gumaganti ka ba?" galit na bungad ko.

(Hello Mam! Si Mam Sharlene po ba ito?)

Bigla akong kinabahan nang iba ang sumagot ng cellphone niya.

"Y-Yes...and w-who are y-you?"

(Si Rowel po ito Mam. Company Driver po ni Sir Donny. Sinugod po siya sa hospital po ngayon Mam dahil nahulugan po siya ng hollow blocks. Naiwan po niya yung cellphone niya po sa akin.)

Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya.

"T-Tell me w-where is he?"




Naabutan ko ang pamilya nila Donny na nagbabantay sa labas ng OR. They're all looked trouble.

"Hija!!! I've been calling you kanina pa. You're number is always busy." Mommy Maricel approached me first.

"Sorry Tita. Tinatawagan ko kasi si Donny kanina kasi hindi siya sumasagot t-tapos naa-aksidente pala siya." I couldn't help but to cry when Mommy Maricel hug me.

"It's okay, Hija. Donny will be okay." pag-aalo ni Mommy Maricel.

Tahimik lang kami habang nag-aantay na matapos ang operasyon. Tinawagan ko sila Mommy para ibalita ang nangyari kay Donny. They are all worried kaya dali-dali din silang pumunta dito.

Ilang oras pa bago lumabas ang doctor para balitaan kami na okay na siya at dadalhin na siya sa private room nito. Mabuti nalang daw at may hard hat siya kaya hindi masyadong napuruhan ang ulo nito. We're all sigh in relief. Pumasok ang pamilya ni Donny kasama ako at nagpaiwan muna saglit sila Mommy sa labas.

Gising na si Donny nang maabutan na min siya sa loob.

"Anak." naiiyak na tawag sa kanya ni Mommy Maricel. Ngumiti ng konti si Donny sa kanila bago bumaling sa akin na nakakunot ang noo.

"S-Sino ka?"

Continue Reading

You'll Also Like

33K 2.2K 73
Son Ye Jin loves her job as an actress. She always honest about being her self and she also love by the staff but not everyone see her kindness and d...
2.4K 1.5K 35
This story is all about to Kailanie Hope Fuentes and Casper Sanchez. book cover credits: @eurexaa
1.1M 28.9K 41
While moonlighting as a stripper, Emery Jones' mundane life takes a twisted and seductive turn when she finds herself relentlessly pursued by reclusi...
94.5K 1.1K 9
My Dangerous Boyfriend? You just know the title of the story. But there is something unexpected in the story. You can't really expect that the person...