Section Series #1 - Ex

By lucylovesdark

5.8K 177 5

Section Series One. Annie Jean Sue is fresh from break up from Clyde Ark Lopez. What will happened to them if... More

Author's Note:
Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23

Chapter 14

130 6 0
By lucylovesdark

CHAPTER 14

"Hey, hey! Announcement! Makinig muna kayo!" sigaw ni Kathleen kasabay ng paghampas niya sa lamesa. "Saglit lang 'to at dapat hindi ito malaman ng mga teachers. Bilisan niyo na!" Nagkanya kanyang ayos naman ang mga kaklase ko ng upo.

"Ano ba yon, Kath?" tanong ni Al habang nagsusuot ng headband sa buhok.

"Oo nga, baka mamaya nantitrip ka lang." sabat ni Ed.

"Eh, paano ako magsisimula kung dada kayo ng dada diyan?" sagot ni Kathleen sa kanila. "Manahimik muna kasi kayo." Tumingin ito sa pwesto ni Finn. "Vice pres, ikaw na amg anunsyon tutal ikaw ang nakaka-alam."

Tumayo si Finn sa harap ng lamesa.

"Nagka-usap kami ng presidente ng Mabini at Silang na magkaroon ng iisang teacher's day program for afternoon session. Bago ang recess natin gaganapin ang mini program." panimula ni Finn.

Actually, alam na namin ang plano nila na ito dahil kay Yanzee na siyang nag organisa ng programa. Unfair naman daw kung ang Morning Session lang ang merong program para sa mga teachers nila, syempre dapat daw kami din.

"At kailangan hindi malaman ng mga teachers, lalo na nang adviser natin. Maliwanag ba?" tanong ni Finn. Sumagot naman ang mga kaklase ko sa kanya. Si Kathleen ang President namin pero kadalasan kay Finn sila sumusunod dahil na din siguro takot sila dito.

Matapos ang anunsyon ni Finn at dumating na ang subject teacher namin para sa araw na iyon. Paminsan-minsan ay nagpapaalam si Finn na mag-cr para masilip ang mga ginagawa nila Yanzee at Bobby para sa gaganapin mamaya.

Mabilis natapos ang oras at isang oras na lang bago mag-recess. Sinamahan namin si Finn na bumaba sa classroom nina Yanzee na kasalukuyang nag-aayos ng upuan.

"Ayos na ba lahat?" tanong ni Finn nang maka-lapit kay Yanzee.

"Yup. Everything is okay. Tapos na kami mag-ayos dito. Bobby! How's the flow of program?" sigaw ni Yanzee. Pumasok naman si Bobby sa classroom na may hawak na isang bond paper.

"Naka-usap ko na si Al, game sila na mag jamming kami mamaya at okay na din yung ibang mga mag perform." sagot ni Bobby. Nag thumbs up namin si Yanzee sa kanya.

"Guys! Umayos na kayo, tatawagin na namin yung mga teachers." paalala ni Yanzee sa mga kaklase at lumabas na silang dalawa ni Finn para tawagin ang teacher.

Kami namang mga naiwan ay umupo at inaantay ang mga teachers na paghahandugan namin ng maliit ng programa. Maya-maya unti unti ng dumadating ang mga teachers namin at umupo sa upuan na naka-lagay sa gitna.

Nang makumpleto na ang mga guro namin ay nag-umpisa ng magsalita si Bobby.

"Maganda Hapon sa lahat, lalo na sa ating mga guro! Alam niyo naman kung bakit tayo nandito pero sasabihin ko pa rin. Nandito tayo para sa maliit lang na programa para sa ating mga munting guro. Mag uumpisa ang ating programa sa munting awitin ng ating mga nag gagandahang president ng klase. Please welcome, Kathleen De Guzman at Yanzee Penelope ng Grade 10 Luna at Mabini!" anunsyo ni Bobby at agad kaming nagpalakpakan nang pumpwesto na silang dalawa sa harap.

Maya maya ay narinig na namin ang pamilyar na kanta sa pinatugtog ni Simon. Naunang kumanta si Kathleen.

"Thank you for teaching me how to love
Showing me what the world means
What I've been dreamin' of
And now I know, there is nothing that I could not do
Thanks to you"

Isang stansa pa lang ang kinakanta ay napuno na nang hiyawan at palakpakan ang buong silid. Mas lalong lumakas ang hiyawan ng kumanta na si Yanzee.

"For teaching me how to feel
Showing me my emotions
Letting me know what's real
From what is not
What I've got is more that I'd ever hoped for
And a lot of what I hope for is
Thanks to you"

"Baka si Yanzee 'yan!"

"Whoo! I love you, Yanzee!"

Natawa na lang si Yanzee sa narinig na sigaw. Nagsalita na silang dalawa ng dumating na ang chorus.

"No mountain, no valley
No time, no space
No heartache, no heartbreak
No fall from grace
Can't stop me from believing
That my love will pull me through
Thanks to you"

Nagpalakpakan kami ng matapos nilang dalawa ang kanta, nag-bow naman sila sa harap.

"Grabe, nakaka-antig ang kanilang awitin. Mukhang naiyak pa si Mrs. Santos." nagtawanan naman kami sa sinabi ni Bobby.

"Hindi ako umiyak, Mr. Paerson. Napuwing lang ako." pag dedeny ni Mrs. Santos sa sinabi ni Bobby.

"Ay, hindi ba, Ma'am? Akala ko naiyak ka. Hahaha. Anyway, tawagin na natin ang sunod na magtatanghal. Alam kong kilala niyo na siya, syempre sinong hindi makaka-kilala sa pagiging friendly niya sa lahat. Ladies and gentlemen, ang pinaka gwapong vice president ng section Luna, Clever Finn Jamerson!" nag palakpakan kami ulit ng tawagin na si Finn.

"Whoo, Finn!" sigaw ni Al.

"Kaya mo 'yan, cheer ka ni Dashiel!" dagdag pa ni Nico.

"Ayyieeee!" kantyaw ng mga tao sa kanya.

Napakamot ng ulo si Finn sa mga sinisigaw ng mga kaklase namin at nahihiyang tumingin sa pwesto nila Dashiel. Tumikhim muna siya bago magsalita.

"Bago ko simulan ang tula ko na ito ay nais ko munang batiin ng Maligayang Araw ng mga Guro ang ating mga mapagmahal na mga guro. Sana ay magustuhan niyo ang tula na ito." sabi ni Finn bago kinuha ang isang papel sa bulsa ng polo niya.

Napaiyak ang ibang guro sa tulang ginawa ni Finn. Lalo na't may emosyon talaga ang bawat pagbanggit niya dito. Nagpalakpakan naman kami ng matapos siya at nag bow naman siya.

"Grabe, sobrang nakaka-antig sa puso ang ginawa ni kapatid na Finn. Dumako naman tayo sa susunod na magtatanghal. Ang isa sa mga magagaling na mananayaw sa ating paaralan. Simon and friends!" anunsyon ni Bobby.

Pumwesto na sina Simon, Ed, Nico, Rio, at Clyde sa harap at nagsimula silang sumayaw ng marinig ang pamilyar na tugtog. Napuno ng kantyawan ang buong kwarto dahil sa lima.

"Go Papi Simon!"

"Go Nico! Whoo!"

"Ang sexy naman niyan, Rio!"

Naramadaman kong may sumiko sa akin at nakita kong naka-tingin sa akin si Nancy.

"I-cheer mo naman si Clyde!" sabi niya.

"Nako! Tigilan mo nga ako, Nancy." sagot ko sa kanya at bumalik ulit sa panonood. Bumaling ang tingin ni Clyde sa pwesto namin at tumingin sa akin sabay kindat. Sinagot ko siya ng irap.

"May kinikindatan si Mr. Lopez doon sa pwesto nila Nancy." anunsyon ni Mrs. Santos na umani ng tilian.

"Si Annie po yun, Mrs. Santos!" panlaglag sa akin ni Nancy. Hinampas ko siya sa braso habang tinuturo niya pa ako.

"Ayieee! AnDe!"

"AnDe! AnDe! AnDe!"

Hindi ko na lang pinansin ang mga kantyaw nila sa amin. Natapos ang sayaw nila at ang huling nag perform ay sina Bobby at Al. Kumanta lang din sila at natapos ang mini program sa bigayan ng regalo at picture taking with teachers.

"Yes! Success ang first ever event natin. Kahit saglit lang." sabi ni Bobby. "At dahil yun lahat kay Yanzee. Ayyiee."

Naglalakad na kami ngayon pauwi at gusto nilang ihatid akong pauwi. Medyo mahabang lakaran ito pero hindi alintana iyon pag magkakasama kami.

"Hoy, hindi lang ako, okay? Lahat tayo. Naging maayos ang kinalabasan dahil nagtulong tulong tayo." sagot ni Yanzee at humigop sa iniinom na mango graham shake na binili namin sa labas ng eskwelahan.

"Naki-pag cooperate lahat baliban sa isang section, hmm." sabad ni Rana.

"Nako, hayaan niyo sila. Hindi na natin sila hawak kaya wala tayong pakialama sa choice nila." sabad din ni Yanzee.

"Sabagay... Naalala ko nga pala! Si Clyde, simpleng porma kay Annie kanina, eh." sabi ni Finn.

"Tss, inggit lang kayo." sagot ni Finn.

"Sige, iwan na natin sila." sabi ni Bobby at hinatak sila para mauna.

"Ayan, tama yan! Bigyan niyo kami ng privacy." saad ni Clyde sa kanila.

"Wag mo munang sasagutin, Annie! Pahirapan mo siya!" sigaw ni Yanzee. Nahuli kaming dalawa ni Clyde dahil nasa unahan na ang mga kasama namin.

Naramdaman ko ang pag akbay sa akin ni Clyde.

"How's my performance earlier?" tanong niya sa akin.

"Okay lang." sagot ko.

"Okay lang? Hanggang doon lang?" reklamo niya.

"Eh, sa ganon lang siya para sa akin." sagot ko.

"Kailangan kong galingan sa susunod." dinig kong bulong niya na kinatawa ko.

"Clyde..."

"Yes, babe?"

Pinaglaruan ko ang kamay niyang nakatanday sa kaliwang balikat ko.

"Why do you want me back?" I suddenly ask.

"Because I love you." seryosong sagot niya. I smiled to his answer. "Nang iwan mo ako, I realized all the shit I did to you. Gusto kong mapalitan iyon, gusto kong baguhin iyon."

He intertwined our hands.

"Kasi ako naman ang may kagagawan non, kaya ako din ang maalis non. Hindi ko rin gusto na may ibang mag aalis ng sakit ng nararamdaman mo, gusto ko ako lang."

He held my chin at pinaharap sa akin.

"Ako lang dapat, Annie Jean. Ako lang. Walang iba."

- Madam L.

Continue Reading

You'll Also Like

4.6M 136K 52
After her mother's death Lilith gets a new legal guardian, her older brother. With no knowledge of having four other older brothers, Lilith is send...
79.5K 3K 37
แด…ษชแด แด‡ส€ษขแด‡ษดแด›; แด›แด‡ษดแด…ษชษดษข แด›แด ส™แด‡ แด…ษช๊œฐ๊œฐแด‡ส€แด‡ษดแด› แดส€ แด…แด‡แด แด‡สŸแดแด˜ ษชษด แด…ษช๊œฐ๊œฐแด‡ส€แด‡ษดแด› แด…ษชส€แด‡แด„แด›ษชแดษด๊œฑ.
145K 2K 32
Nagkataon naman na ang dumating na jeep ay lima nalamang ang kasya, kaya nauna ng pumasok si mama sumunod naman sina kuya tanner, mac at kuya Cedric...
139K 1.8K 56
Well i mean its just imagines of walker sooooo Also request are open so if you want one just let me know!