Marrying Prince Shuyin [Shuyi...

By senyoritayvi

1.1K 117 17

Shuyin Trilogy (III): Mababalikan ko pa kaya siya ngayong may mahal na siyang iba? Teka... Prince Shuyin? Si... More

Prologue
SHUYIN 1: The Dragon's Palace
SHUYIN 2: The Royal Ball
SHUYIN 3: Royalties of Ybragon
SHUYIN 4: Sena
SHUYIN 5: Future Oracle
SHUYIN 6: His Princess
SHUYIN 7: Hopeless Heart
SHUYIN 8: Gaining His Attention
SHUYIN 8.2: Gaining His Parents' Attention
SHUYIN 9: Couple Bracelet
SHUYIN 10: Jealous
SHUYIN 11: Revealed
SHUYIN 12: Unwelcome
SHUYIN 13: Pain for Breakfast
SHUYIN 14: Invading Thanatos
SHUYIN 15: Captivated the Enemy
SHUYIN 16: Dangerous Attraction
SHUYIN 17: Saved and Hurt Again
SHUYIN 18: Painful Goodbye
SHUYIN 19: Finally Giving Up
SHUYIN 20: The King's in Danger
SHUYIN 21: Taking the Bullet
SHUYIN 22: Saved Them
SHUYIN 23: Too Late
SHUYIN 24: Devastated Prince
SHUYIN 25: Sorrowful Celebration
SHUYIN 26: Reminiscing the Past
SHUYIN 27: Before the Wedding
SHUYIN 29: Newlyweds

SHUYIN 28: The Wedding

22 3 1
By senyoritayvi

SHUYIN 28: The Wedding



ADAM ZEIN'S POV:


Huminto sa tapat ng antigong simbahan ang puting mala-limousine na sasakyang kinalululanan ko. Napahinga ako nang malalim habang nililibot ng tingin ang labas ng Serlande Cathedral. Malayu-layo pa ang gate sa kinaroroonan ko at puno iyon ng mga kawal ng Ybragon at Thanatos na pinagsama. Sa bawat sulok din nitong malapad na hardin sa tapat ng simbahan ay may nakabantay ring kawal. Idagdag mo pa ang dalawang kawal na may matataas na ranggong nakatayo sa magkabilang gilid ng main door.


Wala na nga talagang sense kapag nag-akma pa akong tumakas.


Wala na talaga akong takas.


"Your bride is almost here, son. Kailangan na nating pumuwesto sa loob." Imik ni dad mula sa passenger seat.

"Okay..." Medyo nag-aalangan pa rin ako pero bahala na.


Para sa kaharian...


Napalunok pa ako bago ko dahan-dahang binuksan ang pinto ng sasakyan tsaka ako bumaba. Agad na nagbow nang sabay-sabay ang mga kawal na nakabantay sa paligid namin bilang pagbibigay-galang sa akin. Itinaas ko ang kanang kamay ko bilang tugon at muli silang tumayo nang matuwid.

Bumaba na rin si dad sa sasakyan at saktong dumaan ang malakas at preskong simoy ng hangin. Bawat pagdampi nun sa balat ko ay siya ring pagkaamoy ko sa halimuyak ng mga bulaklak na ikinabit nila sa sasakyang sinakyan ko bilang disenyo at bilang simbolong ikakasal na ang sumasakay doon.

Parang paulit-ulit akong ginigising ng mundo. Paulit-ulit akong pinapaalalahanang ikakasal na talaga ako.

Ikakasal na ako sa babaeng hindi ko naman gusto.

Bumuntong-hininga ako't nilakasan ko na lang ang loob ko. Nagsimula na akong maglakad paakyat sa iilang hakbang ng sementong hagdan at huminto ako sa tapat ng main door.

"Everyone awaits, Your Royal Highness." Matikas na pahayag ng dalawang kawal nang sabay.

"I know." Palihim na naman akong huminga nang malalim. "Open the door."

Agad nilang binuksan ang mala-higanteng pinto ng simbahan at kasabay nun ang awtomatikong pagsimula ng orchestral music na siyang bumalot sa buong lugar. Nakakapanindig balahibo ang paghahandang ginawa nila. Wala akong alam sa lahat ng nakikita ko ngayon dahil hindi ako tumulong sa preparations.

May orchestra na nakapuwesto sa kaliwang sulok ng simbahan at siyang tumutugtog ngayon. Para silang mga anghel sa kulay puting cloak na suot nilang tinalian ng gintong laso sa beywang.

Punung-puno ng tao ang buong cathedral. Commoners, elites, royalties, name the hierarchical levels all you want. Syempre, nasa unahan ang royalties at lahat sila ay naka-royal attire.

May mga antigong puting tila haliging nakahanay sa aisle, kaliwa't kanan, dulo hanggang dulo. Nakapalibot sa bawat haligi ang puting vines at tila bang namumulaklak ang mga iyon ng kulay puting rosas at gintong articifial cherry blossoms. Nakalagay sa dulong ibabaw ng haligi ang gintong telang manipis at flowy, at naka-konekta iyon sa isa pang haligi sa tapat nito, sa kabilang dako ng aisle.

Tumayo ang lahat ng bisita at humarap sa akin. Nagsimula silang magpalakpakan habang lumalapit na sa akin ang aking ama't ina. Ang hari't reyna ng Ybragon.

"I'm glad you made it, mom." Pinilit kong ngumiti sa ina ko.

"Of course. I could never afford to miss my son's wedding." A bright smile beamed all throughout her face.

"Go on, march towards the altar." Nakangiti rin kaming inakay ni dad kaya nagsimula na kaming maglakad.

Lumakas pa ang palakpakan nila habang naglalakad ako patungo sa harap ng altar. Ang mga magulang ko naman ay magkatabing naglalakad kasunod ko. At kasunod pa nila ang best man naming si Xeven. Nakabuntot naman kay Xeven ang groom's men na hindi ko na kinilala pa.

May umuulang gintong confetti mula sa taas at tila nag slow motion ang lahat. Itong-ito yung gusto kong mangyari sa araw ng kasal ko pero...

Quit it, Zein.


Gusto kong manlumo at tumakbo palabas ng simbahan. Habang naglalakad ako'y hindi ko mapigilang isiping sana...si Ryen Eve ang panonoorin kong maglalakad palapit sa'kin mamaya at hindi si Persephone. Kahit nandito na ako sa simbahan, sa harap ng pari, ng lahat ng masasayang bisita, ay si Ryen Even pa rin ang nilamaman ng puso't isip ko.

Patawad, God. It is indeed a sin to marry someone I do not love...


But as my father advised, isang ngiti ang pineke ko habang naglalakad patungo sa altar. Hanggang sa nakarating na ako doon.

Nanatili sa tabi ko si Xeven habang umupo naman sina dad, mom, at ang groom's men sa unang row ng upuan.

Napasingap ako nang biglang nag-iba yung musikang itinutugtog ng orchestra. This time, yung tradisyonal na pangkasal na musika na talaga.

Sengtsu...


Shit.


Isabay mo na ang putek at kingina.


Nandiyan na talaga siya.

Damn you, Persephone!


Mariin akong napapikit habang sinusubukang pakalmahin ang sarili ko. Hindi ko pwedeng sirain ang selebrasyong 'to. Everything's almost perfect. Lahat ng dekorasyon at paghahanda ay ayun na ayon din sa kagustuhan ko... Yun nga lang, sa kagustuhan ko sa kasal namin ni Ryen Eve at hindi ni Persephone.

Umentrada na ang maliliit na bubwit na kung tawagin ay flower girls. Pumosisyon sila sa tabi ng bawat haligi at hinintay na makatapos sa pagmartsa yung bridesmaids na hindi ko na din tinignan kung sinu-sino. At sumunod yung maid of honor na mukhang pamilyar talaga kaso medyo malayo siya kaya hindi ko na pinag-aksayahan ng panahon para kilalanin pa.

And, of course, the bride...


TAE NAMAN.


PATI BA NAMAN DESIGN NG GOWN?!

Kalma lang, Zein. Kalma...


Yung disenyo lang naman kasi ng gown ni Persephone ngayon ay yung disenyong pinagawa ko pa mismo sa mga designers namin sa Ybragon para sana kay Ryen Eve noong kami pa!

Oo!

Ganun ako kaseryoso kay Ryen Eve na pinagawan ko na agad siya ng design sa wedding gown niya kahit hindi pa kami ikakasal nun!

Tapos ngayon...ipapasuot lang nila kay Persephone?

KINGINA NAMAN!


Nag-iinit sa inis yung mukha ko pero yung mga tao walang kasing-saya kung pumalakpak.

Sinabuyan ng mga bata ng puting petals si Persephone habang dahan-dahang naglalakad sa aisle. May mga maliliit na puting petals din na tila umulan sa loob ng simbahan, pati na sa mga bisita. Mula iyon sa taas.

Madaling binalot ng halimuyak ng puting bulaklak ang buong simbahan, dahilan para kumalma din itong kalooban ko sa lahat ng nangyayari.


Isipin mo na lang, si Ryen Eve siya...


Imagine mo na lang na si Ryen Eve yung naglalakad na yan.


Huminga na naman ako nang malalim at muling ngumiti habang nakatingin sa bride ko. Naka-belo pa naman siya at gawa sa lace iyon kaya takip na takip yung mukha niya. Ewan ko nga kung paano pa niya nakikita yung daan. Siguro sa pamamagitan nung mga butas sa pattern ng lace. Tsaka hindi naman yun makapal.

Dahil sa belo niya ay mas madali kong mapapaniwala ang sarili kong si Ryen Eve siya...


Okay, si Ryen Eve itong pakakasalan ko.


Si Ryen Eve...


Si...yeoja...






Read. Vote. Comment. Support.
#babaengbully

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 127K 45
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...
580K 20.2K 95
"Leave, you're free. Don't ever come back here again." She said, hoping he wouldn't return and she'll get to live Hael was shocked, "Are you abandon...
712K 43.6K 38
She was going to marry with her love but just right before getting married(very end moment)she had no other choice and had to marry his childhood acq...
507K 1.5K 11
Fun wlw sex. Different kinks and stuff, all about trying things. May even include potential plot lines and will definitely include some form after ca...