HE'S INTO HER Season 1

By maxinejiji

370M 8.9M 8.7M

This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such a... More

He's into Her PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23: ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 24: ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 25: ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 26: ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
HE'S INTO HER SERIES NOW STREAMING ON iWANT
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
SOCIAL MEDIA ACCOUNTS
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
CHAPTER 76
CHAPTER 77
HE'S INTO HER SERIES
CHAPTER 78
CHAPTER 79
CHAPTER 80
CHAPTER 81
CHAPTER 82
CHAPTER 83
CHAPTER 84
CHAPTER 85
CHAPTER 86
CHAPTER 87
CHAPTER 88
CHAPTER 89
CHAPTER 90
CHAPTER 91
CHAPTER 92
CHAPTER 93
CHAPTER 94

CHAPTER 45

2.9M 82.3K 100K
By maxinejiji

MAX'S POV

Wala akong choice kung hindi ang pumayag na sa bahay na lang nila Deib gawin ang Presentation. Kailangan kong kalmahin ang sarili ko ngayon at makisama sa kung anong posible'ng gawin at kung alin ang makakatulong.

'Mas nag-iisip ako kesa kay Sensui at mas matino ang pag-iisip ko kesa sa kanya. Hindi muna kita kokontrahin ngayon. Sabihin mo kung anong gusto mong sabihin sa akin, hindi kita kokontrahin at pagbibigyan pa kita. Basta matapos ito. At kapag natapos ito sisiguraduhin kong hindi na magkukrus ang landas natin dahil malas ka sa buhay ko. Isa kang malaking hindrance! Peste!'

"Dito ang bahay namin." sabi niya sa akin. Tinignan ko lang naman sya. "Na-amaze ka ba? " payabang pang sabi niya.

"Tss."

'Maganda nga. Malaki. Malaking malaki. Halatang pang mayaman. Ang daming kotse. Parang prinsesa at prinsipe ang nakatira. Tsk tsk tsk. Ngayon naniniwala na talaga ako sa Frog prince.'

"Bilisan mo dyan." sabi niya at naglakad papasok sa gate. Sumunod naman ako sa kanya pero huminto na naman siya at nagsalita. "A-Ahh. Teka! Alam mo na ba ang isasagot mo sa parents ko kapag tinanong ka kung anong nangyari sa akin?"

"Bakit? Ako ba tatanungin nila?"

"Nevermind. Sasabihin ko rin naman ang totoo. "

'May censor... Korean Style..'

~DING DONG DOOR BELL!~

"Hubarin mo sapatos mo, ayun ang slippers." sabi niya habang nakaturo sa shoe rack.

Bumukas ang pinto.

Isang napakagandang babae ang sumalubong sa amin at nanlaki bigla ang mga mata niya nang makita kami. Kinabahan ako sa sobrang laki ng mata niya!

'Hindi po ako may gawa niyan sa anak nyo. Dahil kung gagawa po ako ng ganyang kalokohan e sisiguraduhin kong hindi niya malalamang ako may kasalanan.'

"Oh my God!"

Napatakip siya sa bibig niya habang nakatingin pa rin sa amin.

"M-Magandang hapon ho. " bati ko.

Dahan dahang lumapit siyang lumapit sa amin at...

"Ugh---"

NIYAKAP NYA AKO!!

...nang napakahigpit...

'WTF??'

"M-Mommy?"

Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at inalalayang magslippers!

"Oh. Ito isuot mo Iha---"

"M-Mom."

"Oh hi Deib! Oh my God. Come in, come in."

"Mom?" habol pa rin ni Sensui.

'Tss.. Mukhang tanga...'

"Pumasok na muna kayo at maupo sa loob. Tuloy iha. Nako Deib hindi mo man lang siya tinulungan sa bitbit niya! Ikaw talaga!" sabi ng Mommy niya sa akin habang inaalalayan pa rin ako papasok.

"Oh? They're here?" isang lalaking napakagwapo, matangkad at napakaganda ng mga ngiti. Ngumuiti muna siya sa akin bago tumingin kay Deib. "Oh. Hi son! Are you okay now?"

"How did you know?"

"Kay Dein."

"Tch!"

'Siya pa nagsabi?? Ano naman kayang sinabi nya?'

Tumayo ako sa harap ng parents niya at tumungo habang hawak ko ang mga gamit ko. Hindi ako makatingin ng deretso sa kanila, dahil parang ang babait nila at halatang tuwang tuwa silang makita ako. Pero bakit? Amp!

'Madidisappoint lang po kayo kapag nalaman niyong bastos ako. Hoy hambog, please speak up! Baka uso'ng ipakilala..'

"A-Ahh, she's Max. Schoolmate ko. Max, they're my parents."

'Ang pangit ng pangalan ko kapag ikaw ang nagsabi tsk!'

Humarap ako sa kanila at tumango.

"Magandang hapon ho."

"Magandang hapon rin iha." nakangiting bati nila sa akin.

Hindi man lang ba muna sila magtatanong kung anong nangyari kay Deib?

'B-Bakit ho ganyan kayo'ng makangiti sakin? Hindi ako si Santa Claus!'

"Kumain na ba kayo?" si Mommy.

"Hindi pa po, gutom na ako."

"Nagpahanda na ako kanina pa, let's eat. Come iha." nakangiti pa ring sabi ni Mom kay Taguro. "Magmerienda muna kayo at maaga pa naman para sa hapunan. Hehe. Hindi kasi sinabi ni Deib na may bisita pala sya kaya hindi ako nagpacater."

'Cater?? Catering?! Mag-ina nga sila, parehong O.A. haha!'

"Cater? Dadalawa kami Mom!"

"I know." mahinahong sabi ng Mommy niya at saka tumingin ulit sakin.

"Halika iha. Merienda na muna kayo." nakangiting sabi niya sa akin habang halos yakapin na ako kakaalalay niya. Naiilang na ako.

'Nanay ko nga hindi ako ginaganito amp.'

Pumunta kami sa kitchen nila at pinaupo kami sa simpleng table and chair na nandoon. Ang ganda ng kusina nila grabe! Namangha talaga ako sa sobrang linis. Parang lahat ng gamit ay bago at parang hindi uso ang alikabok dito. Wala naman akong nakikitang alikabok.

'Sanay ka lang talaga sa hampaslupa'ng paligid.'

Maya maya ay biglang may nagsalita.

"Oh. Hindi ko alam na may bisita pala ang gwapo nating binata."

"A-Ahh Manang. Si Max." pagdidiin niya sa pangalan ko. "Schoolmate ko po. May gagawin kaming presentation na kailangan naming i-present sa harap ni Lolo at ng mga co-stockholders niya tomorrow afternoon."

"Magandang hapon ho." tumayo ako at bumati sa kanya.

"Sige iha maupo ka na." nakangiti siyang lumapit sa akin. "Ikaw pala si Max. Kinagagalak kong makilala ka."

'Bukod ho sa pangalan ko ano pang ibang alam niyo sa akin?'

Hindi ko na siya kinibo at tumungo na lang ako sa lamesa dahil nakakailang ang titig sakin ng parents ni Sensui, parang lulubog ako sa kinauupuan ko!

"M-Mom. D-Dad. P-Please. Please do not imagine things. She's my schoolmate okay?"

"Ohh, schoolmate namang pala talaga."

"Oo nga. Lacey why don't you prepare foods for them, may gagawin pa daw sila." Dad nya.

"Ahh yes. Yes. Hehehe. Para saan ba ang presentation na yan ulit?" tanong ng Mom niya habang nagpreprepara ng pagkain.

"Hindi ho ba sinabi ni Dein?"

"Ano ba ang dapat sabihin ni Dein?"

"Parusa ito samin ni Lolo dahil sa nangyaring aksidente kanina. Kaming dalawa yung involve kaya kaming dalawa ang binigyan ng punishment. Tch."

'Now this is awkward..'

"I see. Buti naman at dito nyo naisipang gawin ang presentation nyo?" nakangiting sabi ng Mommy niya. "Natutuwa talaga akong makilala ka Max. Hehehehe. Pwede bang Maxi na lang?" at tumalikod siya sa akin. "Kung Max kasi ay parang malaking lalaki naman ang naiimagine ko."

"Pft--" pagpipigil ng tawa ni Deib sa tawa niya. Iniwasan ko naman siyang tignan. "Nasan nga po pala si Noona?"

'Noona?'

"May duty sya."

"Ahh. Bukas ba uwi?"

"Mmm."

"Tungkol saan ang presentation son?"

"Mmm. B-Bullying Dad."

"Bullying?"

"Yes Dad." nakatungong sabi nya.

"Nice. That suits you."

'Hahahahahaahhahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahaha 109 na tawa!'

"Daddy."

"I was just joking." humarap sya sakin. "Both you are bullies am I right?"

Pareho kaming hindi nakasagot.

"Tsk--Don't take it seriously. That's my Dad. Hehehe. Mabait yun." sabi ng Dad niya habang nakatingin sa akin. "Ang totoo, nagtatapang tapangan lang yun para kahit papaano ay igalang siya ng mga estudyante. Hindi yun masungit. Hehehe!"

'Seriously?'

"Here!" abot ng Mommy nya samin ng food.

"A-Ano ho ito?" biglang tanong ko.

Hindi pa kasi ako nakakita ng kung ano man itong tinapay na nasa harap ko. Tinapay siya na binuhusan ng chocolate na matingkad.. Parang kumalam tuloy bigla ang ang tiyan ko.

"Tch! Cupcake lang sa amin yan. Parang cookie siya sa labas. But that's actually soft, both inside and outside. One of my Mom's best recipes."

"And this one is called Doomie Red Velvet. One for my baby and one for my Maxi." nakangiting sabi niya.

'My Maxi???'

"At ang favorite ng baby ko. Mini Tiramisu Maritini." abot niya samin ng isang mahaba at manipis na wine glass.

'Wooooaaaahhhhh!!!'

Humarap sa akin si Deib pero hindi ko siya tinignan, masyado akong na-amaze sa nasa harap ko..

"M-Merienda 'to?" tanong ko.

"Tch! Sa amin. Oo! Merienda lang yan. Bakit? Sa inyo ba?" natatawang tanong nya.

"Deib."

Nginusuan ko lang siya.

"K-Kakain na ho ko ah?" nakangiting sabi ko.

"Go on. Hehehe. Hindi ka magsisisi iha." sabi ng Mom niya.

At sinimulan ko ng sumubo.. At grabe!!!!!

'Ang SAAAAAARRRAAPPPPP!!!!!!!'

"How was it?" nakangiting tanong ng Mommy niya.

"M-Masarap ho." nakangiting sabi ko. Sumubo ako ulit at nagulat ng makita ko ang Mommy niyang nakapangalumbaba sa harap ko at pinapanuod ang pagsubo ko habang ngiting ngiti!!!!

Nakaramdam naman ako ng hiya bigla at nagdahan-dahan sa pagsubo. Pero nawala rin nung nagtuloy tuloy ang subo ko.

"You know what Maxi?"

Tumingin ako sa kanya na parang nagtatanong.

"You're smile is veeeeerrryyy pretty!"

"Huuuk---! E-Excuse me." nabibilaukang sabi ni Deib at biglang tumayo at kumuha ng tissue.

'Nasuka yata sya sa sinabi ng nanay niya haha!'

"A-Ahh.. H-Hindi ho---"

"No. I'm telling the truth. You look pretty when you smile. Kesa kapag serious ka, para kang mananapak! Hihihi!"

"Tch! Nananapak nga po yan."

Bumalik si Deib sa tabi ko at kumain ulit.

"Hoy ikaw, bilisan mo na dyan at marami pa tayong gagawin."

"O-Oo." sabi ko.

"Deib wag mong madaliin. Sige iha, marami pa kami niyan, sabihin mo lang kung gusto mo pa."

"A-Ahh tama na ho--"

"Dalhan mo na lang kami Mom sa study room."

"Sige baby."

'Baby amp.. Yung baby niyo ho malakaing sanggano na ngayon..'

Nung matapos kaming magmerienda ay umakyat kami sa taas ng bahay nila at lalo akong namangha! Pag-akyat mo ng hagdan ay may isang napakalaking sala na naman! May TV Set at napakagandang bilog na sofa! Iginala ko ang paningin ko at isa isang tinignan sa malayo ang mga gamit..

"Dito tayo." yaya niya.

Pumasok kami sa isang kwarto na may---limang computer set!

"Eto ang study area namin. May sarili kaming library dito at computer area. Dito tayo dahil ayaw kitang papasukin sa kwarto ko."

'Sino ba'ng gusto'ng pumasok sa kwarto mo?'

"Madalang naming gamitin ito dahil, may kanya kanya rin kaming study table sa kwarto. At isa, iilan lang talaga kaming nakatira dito, minsan lang nandito ang parents ko."

"Bubuksan ko na ang PC kasi hindi ka marunong magbuk--"

"Marunong nako, tinuruan ako ni Lee." sabi ko.

"Edi ikaw magbukas!"

"Ikaw na."

"Tch.."

'Tss.. Hindi mo naman kailangang ipagdiinang hindi ako marunong! Nagkusa ka na lang sana engot!'

Binuksan niya ang PC at humila ng swivel chair.

"Umupo ka dyan. Magpapalit lang ako." sabi niya at saka lumabas.

Habang nag-start up pa ang PC inilibot ko muna ang paningin ko sa kabuuan ng study area nila habang nakaupo sa swivel chair.

'Woow.. Kung meron akong ganito'ng study area. ang tali talino ko siguro! Para syang library talaga! Halos kasing laki sya ng classroom namin!'

May mga book shelf at sandamakmak ang libro! May makapal, may manipis. May mga comic area pa. May mga news papers rin. May computer section. May maraming table and chairs at may globo.

'Ang ganda...'

Sa likod ng malaking globo ay isang malaking salamin na bintana. Lumapit ako doon at inikot ikot ang globo na yun. Maya maya pa ay lumapit ako sa malaking bintana at nakita ko ang isang napakagandang garden.

'Wooow..'

"Sa Lola ko yan."

Napatingin ako sa likod ko. Pumasok na pala si Deib ng hindi ko namamalayan.

"Ang garden na yan ay sa Lola ko. Pero dahil wala na sya, mga tao na lang namin ang nag-aalaga. Pero sinisigurado naman naming naibibigay nung mga tao'ng yun ang pag-aalagang gusto ng Lola ko."

Lumapit siya sa akin at humarap sa globo.

"Eto naman ay kay Chairman."

'Chairman?!'

"He's my great grandfather." sabi niya nung makita niyang nagtaka siguro ako. "Tara magsimula na tayo! Marami pa akong gagawin! Kung anu-anong tinitignan mo dyan." sigaw nya.

'At ako pa talaga ang tinatawag mo ng abnormal sa lagay na yan??? Bipolar..'

Lumapit kami sa Computer. Pero nagulat ako ng umupo siya sa gilid ko. meaning, ako ang nasa harap ng Computer! Tumingin ako sa kanya.

"W-What?" inis na tanong nya. "Ikaw ang magaling sa Computer kaya ikaw dyan!"

'Bullying? Everything about bullying daw di ba?!'

Tumingin siya sa qkin at sumigaw ulit!

"Ano? Titignan mo na lang ba ang PC? Ginagalaw yan!" sigaw na naman niya!

"P-Pwede ba? Wag ka ngang sigaw ng sigaw! Pwede mo naman akong sabihan ng hindi sumisigaw!"

"Hindi ako makapag-isip e!" sabi ko at humarap sa PC.

"Ano? Ngayon ka lang mag-iisip? E bakit hindi ka pa nag-isip kanina para ngayon type ka na lang ng type?"

"Anong akala mo sakin? Henyo? Hoy! Kailangan ko rin ng references!"

"R-References?"

"Oo! Wag mo sabihing hindi mo alam yun?"

Hindi siya sumagot at tumingin sa gilid niya.

DEIB'S POV

'References!? Ano bang references ang kailangan nya!?'

"Tss. Ang references ay mga libro, internet, artikulo, dyary---"

" Alam ko! Alam ko!"

"Ang tagal mong magreact e, baka kako hindi mo alam.." natatawang sabi niya. Pinandilatan ko naman siya ng mata.

"May internet yan!" inis na sigaw ko sa kanya!

"Hindi mo sinabi e." humarap na siya sa PC at sinimulan ang magtype.

Doon ko nakita kung gaano kabilis ang kamay niya sa keyboard, hindi tama ang position ng kamay niya pero mabilis siyang magtype. Yung right hand niya kasi ang halos nagtatype sa lahat at suporta lang ang left hand niya.

'Tch! Hindi man ako ganyan kabilis at least pareho ng function ang both hands ko. Palibhasa walang PC sa bahay...'

Nagbukas siya ng Powerpoint at doon inilalagay ang mga nakikita niya. Humihinto rin sya at nagbabasa, habang ako ay nakatingin lang sa ginagawa niya. At doon ko lang siya natitigan.

'Hindi nya naman nakikita e bakit ba!'

Medyo lumayo ako sa kanya at sumandal sa swivel chair ko.. Iniharan ko ang kamay ko sa bibig ko at tumingin sa kanya nang medyo nakaharap sa PC.

'Walang kwentang kilay.. Parang hindi pangbabae. Medyo may kahabaan ang mga pilik-mata niya pero hindi naman sobrang kapal tulad ng kay Kim. Matangos ang ilong niya pero mas matangos pa rin ang kay Kim. Mas manipis ang labi ni Kim kesa sa kanya pero mas mapula ang kanya. pinkish kasi ang kay Kim. Mas mahaba rin ang mukha niya kumpara kay Kim dahil maliit ang mukha ni Kim. Mas mahaba rin ang leeg ni Kim kesa sa kanya at yun ang pinakagusto ko sa babae. Hindi rin naman siya sobrang taba at mas lalong hindi siya payat! Tch! Pero hindi siya kasing sexy ni Kim. Hindi bagay sa kanya ang straight at maikli niyang buhok. Ayoko sa lahat ay maikli ang buhok. Tch! Baduy manumit, at parang lalaki kung umasta. Wala maski isa'ng katangian mo ang magugustuhan ko. Walang wala ka kay Kim!'

"Eh bakit ko ba kasi pinagkukumpara!"

'Fvck!'

Tinitigan niya ako na parang inis na inis siya! Salubong na salubong ang kilay niya at masama ang tingin niya sa akin!

'Bakit ba naman kasi nag-iisip ka pa Deib! Sakit mo nga yan e! Sana hindi ka na lang nag-isip!'

~KNOCK! KNOCK!~

'Thank God..'

Bumukas ang pinto at bumungad si Mommy, may dalang tray.

"Mom." tumayo ako at sinalubong siya at tinulungan sa dala niya.

"Ohh here. Ang matatamis ay food ng brain, makakatulong ito habang gumagawa kayo ng ganyan. Yan ulit yung kanina, hindi ka naman magsasawa dyan Maxi kasi masarap yan."

"Salamat ho." nakangiting sabi niya kay Mommy.

Iniwas ko naman ang tingin ko.

"Ahh Mommy sige na. M-Marami pa kaming gagawin."

"Hindi ba ako pwede dito anak?" malungkot na sabi niya.

"Mom. Hindi kami makakapagsigawan kung kaharap ka namin."

"What? E bakit naman kayo magsisigawan?"

"E-Ehh ganon po kami mag-usap."

"Kayo talaga, o sige na sige na. Binibiro lang naman kita. Maxi iha., enjoy ka lang ha? Feel at home hihihihi."

"S-Salamat ho--"

"Mommy na lang rin kasi itawag mo saki---"

"Mom!"

"Sige, tita na lang--"

"Mommy?"

"O sige. Lacey na lang."

"Wag mo masyadong intindihin ang init ng ulo ng baby ko ah? Hehehehe. Sige na. Deib? Maxi? FIGHTING!" habang nakataas pa ang dalawang kamay at nakaclosed-fist. Yes, yan ang Mommy ko.

Lumabas na siya at nagtuloy na kami, pero maya maya lang..

"Alam mo, para may pakinabang ka, kumuka ka ng libro. Psychology. Basahin mo kung meron kang makikitang Bully don!" sigaw niya sa akin at saka muling tumingin sa PC.

"Bakit mo pa ako paghahanapin sa libro e kung may internet naman? You can find everything there! It can give you answers! Stupid!"

"Limited lang ang kaya nyang sagutin sa dami ng tanong ko stupid! Hindi magandang sa internet lahat manggaling stupid! Mas maganda kung may mga manggagaling rin sa libro stupid!"

'WTF??'

"Hoy! Baka nakakalimutan mong bahay ko 'to? At kaya nandito dahil napilitan akong tulungan ka!"

"Baka nakakalimutan mo ring bisita ako? Hindi ko saulo ang mga libro'ng nandyan sa book shelf niyo! At kung hindi ka nagbintang edi sana wala ako dito!"

"Tch! Ang daming sinasabi!"

Nakakainis! Tumayo ako at pumunta sa book shelf. Hinanap ko ang lahat ng libro about Psychology at saka lumapit sa kanya at ibinagsak ang mga libro.

"Oh ayan!"

"Basahin mo."

"W-What?"

"Basahin mo." sabi nya habang humarap pa sakin.

"Lahat yan?"

"Malamang, kasi hindi naman magsasalita yan para magbigay ng sagot. Ang libro, binabasa. Hindi kinakausap. Basahin mo."

"Kapag ako, hindi pumasa sa quiz ko sa Bio lagot ka sakin!"

"Kapag ako, hindi pumasa sa quiz ko kay Chupan, yari ka rin sakin!"

'The heck!? Chu---Chupan!?'

"Chupan? Si Sir Ciufan?" tanong ko sa kanya at halatang nagulat siya! Kaya naman natawa ako ng sobra! "Bwahahahahahahahaha! Chupan pala ah!"

"Hahahahahah! Chupan? Chupan! Hahahahahaha!"

"Magbasa ka na, kung gusto mong makapagreview pa. Malapit ng mag-7pm..

Dali dali ko namang kinuwa ang mga libro.. Binuklat ko at inisa isa ko ang mga Table of Contents! Pero maski isa walang Bullying!

'Badtrip naman oh!'

"Saan ko ba hahanapin dito? E wala namang tungkol sa Bullying dito! Bakit ba kasi Psychology ang pinakuha mo?"

Nagbuntong-hininga siya ng malalim bago humarap sa akin at nagsalita.

"Ang bullying kasi ay behavior. Alam mo naman siguro ang behavior?"

"Oo naman!"

"Oh e ano ba ang Psychology?"

"E-Ehh... W-Wala nga kasing patungkol sa Bullying dito! Tinignan ko na lahat! Hindi ko naman makita dito sa Table of Conte----!"

"Dahil hindi mo naman sa Table of Contents makikita yan! Tsk!"

"S-Saan ba?"

"Hays. Sangkatutak ang libro, pero hindi marunong gumamit ng libro. Akina nga!" hinila niya ang libro sa akin. "Kapag hindi mo makita sa harap, hanapin mo sa likod." sabi niya habang sarkastikong nakatingin sa akin. "Eto ang tinatawag na index. Lahat ng importanteng words ay nandito. Ayon oh.! Bu-lly-ing! Bullying! Oh!" sabay abot sa akin nung libro.

"H-Hindi mo kasi sinabi agad e.."

"Basahin mo na..Kumuwa ka rin ng papel at isulat mo."

"Ano? Bakit isusulat ko pa kung pwede ko namang idikta sayo? Pahirap ka rin e noh?"

Humarap siya sakin at parang nauubusan na ng pasensya pero pinipilit ang sariling kumalma.

"Kung ididikta mo sa akin anong mereretain sayo? At least ako nakikinig na nagtatype pa! Kaya kong tandaan at intindihan ng sabay ang naririnig at tinatype ko!" inis na sabi niya sa akin at saka huminga ulit ng malalim. "Mas malawak ang retention kapag binasa na, sinulat pa. Just make sure na iintindihin mo ang binabasa mo---"

"E bakit ko naman kelangan non? Bakit kelangan pang maretain sakin yun?"

"Engot talaga." bulong niya.

"Ano?"

"Tss, look. Magprepresent tayo okay? Magprepresent! Hindi tayo basta magpapasa lang ng Presentation! Magprepresent tayo! Pwede ka ba namang magpresent ng nagbabasa lang? Syempre kailangang 'alam' mo kung ano ang iprepresent mo! Pano kapag tinanong ka nung mga kasamahan ng Lolo mo? Anong isasagot mo? Na pahirap sila? Engot ka!"

'Damn it!'

"Ang presentation ay katumbas ng reporting sa loob ng classroom, but this time, hindi Lecturer ang makakaharap natin . Dean natin yun at Lolo mo yun. Co-Stockholders nya ang kasama nya at hindi mga Lecturer mo! Kung magprepresent ka sa kanila at babasahin mo lang presentation na ginawa mo, tingin mo hindi ka magmumukhang katawa tawa sa kanila? Ipapahiya mo lang ang sarili mo at ang Lolo mo! Hindi ka binigyan ng Presentation para ipahiya mo lang sya!"

Ang O.A. niya pero naiintindihan ko ang point niya.

"Look, pwede bang kahit ngayon lang magkasundo tayo? Kahit ngayon lang. Makinig ka sa akin dahil nakikinig ako sa iyo. So please? Konting pakisama ha?" dagdag niya pa.

"S-Sige sige! Daming sinasabi!"

Lumipas ang mga oras at ginawa ko ang sinasabi niya. Busy siya kakatype sa computer at ako naman ay busy kababasa at kasusulat. Ang sabi niya, ipriprint din daw namin ito ng tig-isa kaming copy at basahin namin after ng quiz namin pareho. Kahit mga isang basahan lang daw ay okay na, pero mas maganda daw kung dalawang basahan pa!

'Leche! Pinagsulat nya lang talaga ako para pahirapan ako e! Ipriprint rin pala namin pagkatapos e! Andami nya pang sinabi! Pahirap talaga!'

Maya maya..

~KNOCK! KNOCK!~

Si Mommy.

"Mom."

"Deib anak, magdinner muna kayo. Maxi, let's go? Dinner first."

"P-Pero hindi pa ho kami tapo---"

"Quarter to 8pm na. Sige na kumain na muna kayo. Kahit isang mabilis lang."

"Tara na. Wag kang masyadong bayani." sabi ko sa kanya at saka tumayo. Sumunod naman siya sa akin at saka kami bumaba sa dining room.

Continue Reading

You'll Also Like

M By Maxine Lat

Historical Fiction

6.3M 290K 17
#ProjectM II This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical viole...
525K 19.3K 28
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
168M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...