SERENDIPITY || The Adventures...

By KimSeungHae

966 45 260

"The proverbs was wrong.. the Skies wasn't always the limit." || Angel, Steph and Jerra, common adolescents... More

Prologue
CHAPTER 1 - BEGUN
CHAPTER 2 - HER
CHAPTER 3 - FIRST DAY
CHAPTER 4 - TRY
CHAPTER 5 - APART
CHAPTER 6 - INCHEON
CHAPTER 7 - ADVENTURE
CHAPTER 8 - HE'S INTO HIM?
CHAPTER 9 - READY
CHAPTER 10 - SEMBREAK
CHAPTER 11 - THE SINGING CONTEST
CHAPTER 12 - NIGHTMARES
CHAPTER 13 - TROUBLE
CHAPTER 14 - TOGETHER
CHAPTER 15 - HELP
CHAPTER 16 - AGAIN
CHAPTER 17 - SHAMANS
CHAPTER 18 - ATLEAST
CHAPTER 19 - FOR NOW
CHAPTER 20 - CALICO
CHAPTER 21 - LIE
CHAPTER 22 - TOO FAST
CHAPTER 23 - ANGEL
CHAPTER 24 - NAMSAN TOWER
CHAPTER 25 - WHO ARE YOU?
CHAPTER 26: Part 1 - SPIRITS
CHAPTER 26: Part 2 -SUSPICIONS
CHAPTER 26: Part 3 - OVER
CHAPTER 27 : Part 1 - NAMI ISLAND
CHAPTER 27: Part 2 - YOU
CHAPTER 27: Part 3 - STAY
CHAPTER 28: Part 1 - AMERICA
CHAPTER 28: Part 2 - DEJA VU
CHAPTER 29: Part 1 - JEJU
CHAPTER 29: Part 2 - MOON
CHAPTER 29: Part 3 - PAST
CHAPTER 30: Part 1 - MULI
CHAPTER 30: Part 2 - AMOR
CHAPTER 30: Part 3 - EVERYTHING
CHAPTER 30: Part 4 - μ‚¬λž‘ν•΄
CHAPTER 30: Part 5 - 2:25
FINAL CHAPTER - SERENDIPITY

CHAPTER 28: Part 3 - FOUND IT

13 2 9
By KimSeungHae


Angel's Point of View

Puro titig ang ibinigay sa akin nina Steph, Lia at Jerra sa mga sandaling iyon. Hindi ko naman mailabas sa bibig ko ang napakaraming katanungan na bumabagabag sa isip ko kung kaya't nanatili lang akong nakatingin sa kanila habang ang mga reaksyon nilang tatlo ay puno ng pagtataka.

"ANGEL!"

Sigaw ng boses ng isang lalaki kasabay ng isang malakas na katok na pumukaw sa atensyon naming lahat dahilan para mapatingin kami sa pinto. At dahil si Steph ang pinakamalapit doon ay siya na ang tumungo at nagbukas nito. Nang lumawak ang pagkabukas ng pintuan ay iniluwa nito si Jimin.

Nagkatitigan kami ng ilang saglit at nang mga pagkakataong iyon ay nakita ko sa mga mata niya ang labis na pag-aalala. Mukhang hindi nga isang ilusyon ang nangyari sa akin kanina, mukhang nakita niya nga talaga ako sa gitna ng napakaraming tao. Dama ko ang malalim na paghinga niya ng mga oras na iyon, tila tumakbo siya.

"Wha—t ha--ppened?"

Sambit niya habang hinahabol ang sarili niyang hininga.

"Wala nama—"

Hindi ko natapos ang dapat kong sabihin nang muling may kumatok sa pinto kaya naman muling tumungo si Steph dito para pagbuksan kung sino man ang nasa labas. Nang tuluyang itong magbukas ay siya namang pagpasok nina Seokjin, Namjoon, Hoseok, Tae, Yoongi at Jungkook.

"You really made us exercise, hyung!" JK uttered while panting.

"You brat! I told you to wait for us! My face is aging backwards but my knees aren't." Seokjin complained.

"Sorry hyung, I'm just really worried." Jimin silently replied.

Bumalik ang tingin sa akin ni Jimin matapos niyang sabihin iyon.

"I told you. Okay lang talaga ak—"

"You were brought in your knees while holding your chest. Do you think I will easily believe that your okay?" Jimin interrupted.

"Yah. Are you really concerned or angry at her?" Seokjin asked him but Jimin didn't bother to look at him and sighed instead.

"Sorry." He apologized.

"It's fine. Naiintindihan ko. I know you're worried pero sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung bakit ako nagkaganon kanina. Kaya ngayon, hindi ko rin alam kung anong isasagot sa tanong mo." Paliwanag ko sa kanya.

Ilang segundo ring nakayuko si Jimin mula nang sabihin ko iyon hanggang sa bigla na lang siyang tumingala at muling napatingin sa akin na para bang may pumasok na kung ano sa isipan niya. Nagulat ako nang akmang dumiretso ang kamay niya sa dibdib ko.

"JIMIN!" Sabay na sigaw nilang lahat habang wala naming kahit anong salitang lumabas sa bibig ko at napalunok na lang. Napatigil ang kamay ni Jimin sa kalagitnaan bago pa man lumapat ang palad niya sa balat ko.

"What do you think, you're doing young man?" Seokjin scolded.

"She's still a woman." Yoongi added.

Parang nagising ang diwa ni Jimin nang mga oras na iyon dahilan para unti-unting niyang ibaba ang kamay niya habang nagsisimulang mamula ang mga pisngi nito sa hiya.

"I'm just checking something."

Mahinang wika ni Jimin kasabay ng dahan-dahan niyang pagtaliko mula sa akin.

"Can you guys, check that out for me?"

Sambit ni Jimin na tila para kanila Lia at Jerra. Nagkatinginan silang dalawa ng ilang saglit bago tumungo ang mga mata ni Jerra sa kinaroroonan nila Seokjin. Tiningnan niya ang mga ito na para bang sinesenyasang tumalikod na siya naming ginawa nila pati na rin si Steph na nasa likod ko lang.

"Girl, anong ginagawa mo?" Tanong ni Jerra kay Steph.

"Tumatalikod, ano pa ba?" Sagot niya na ikinatawa ni Jerra ng bahagya.

"As if naman, kailangan mo pa." Asar sa kanya ni Jerra.

"Just shut up and do it." Bwelta naman ni Steph pero napangiti na lang si Jerra sa kanya bago muling itinuon ang atensyon kay Jimin na ngayon ay nakatikod.

"What.. are we suppose to find here?" Tanong sa kanya ni Jerra.

"V-Veins! Black veins!" Jimin answered.

Seokjin turned around; facing Jimin. "Those black veins caused by a curse?" He curiously asked.

"HYUNG! Turn around!" Jimin scolded him.

"Oh. Sorry." Seokjin suddenly realized.

Napa-iling na lang si Jerra sa ginawang iyon ni Jin bago dumapo ang mga mata niya sa dibdib ko, sinilip nila ang loob ng suot kong damit kaya naman maging ako ay napatingin din pero di kagaya ng inaasahan ay wala namang kung ano doon.

"Wala." Maikling sagot ni Jerra na siyang ikinabuntong-hininga ni Jimin.

Humarap na muli silang lahat sa amin matapos nun at nakita kong isang maliit na ngiti ang sumilay sa labi ni Jimin. Ngiti na tila nabunutan ng tinik.

He moved his arm and caressed my cheeks with his soft palm."Thank, God."

I shortly smiled at him.

"Alright! Now that were all clear. And nothing ridiculous happened. I think it's time to get back to our own respective rooms, shall we?" Seokjin suggested.

"Angel will sleep in my room, tonight." Jimin suddenly stated.

"Okay. Let's g—wait. What?" Seokjin was immediately puzzled.

Jimin looked around and saw that he got everyone's attention until his eyes landed on Seokjin.

"What?"

"I mean, why?" Seokjin asked once more.

"What 'why'?" Jimin answered with another question.

"You're making things complicated, Jimin-ssi. I'm just asking on why will she sleep in your room, when she has her own?" Seokjin frankly uttered.

"It's just.. for.. safety purposes." Jimin replied.

"Safety purposes, my foot! I know you'll do something to her." Seokjin prophecized.

"Perhaps, something.. Ehem." Jungkook uttered with teasing eyes while clearing his throat.

"Cut that green mind out! What are you saying!? It's not what you think it is." Jimin protested.

Seokjin kiddingly smiled with one eyebrow raised."Is it?"

"Hyung!" Jimin yelled.

"Aish~ Just let them sleep. Yah. Jimin. Angel. Don't do something kinky, tonight. Got it?" Yoongi frankly spoked.

"Hyung." Jimin whined.

"What? I'm not that beating-around-the-bush type of person. I'm just telling this to make things clear." Yoongi uttered.

He sighed. "Alright."

"So? Can we go now?" Yoongi asked him and Jimin responded with a short nod.

"Guys, I think you're forgetting something here." Namjoon uttered amidst the conversation.

Namjoon turned his eyes on Jimin. "Does, Angel want to sleep in your room?" He added.

Nilibot ko ang paningin ko sa buong paligid at nakitang nakatuon ang lahat ng atensyon nila sa akin hanggang sa magtapos ang paggala ng mga mata ko kay Jimin. "O-Okay lang naman."

Nauutal kong wika.

"There. Now are we good?" Yoongi spoke.

Wala naman nang tumutol sa winikang iyon ni Yoongi kaya naman tumayo na kaming dalawa ni Jimin mula sa couch at nagsimula na silang magsilabasan mula sa kwarto. Dahil malapit sa pinto sina Hoseok, Seokjin, Namjoon at Jungkook ay mas nauna na silang lumabas habang si Tae naman ay ay saglit na nginitian si Lia bago sumunod sa kanila.

"See you tomorrow, honeypuff." Yoongi smiled at Jerra.

"Honeypuff? Hyung? Really!?" Jimin cringed.

"Mind your own business, kid." Yoongi retaliated before going outside.

Nilingon ko si Jerra matapos sabihin iyon ni Yoongi at nakita ko ang pasimple niyang pagngiti habang bahagyang namumula.

"Baka naman hindi ka makatulog niyan." Bulong na asar ko sa kanya.

"Uhuh? Look who's talking. Baka IKAW, ang hindi makatulog niyan." Bwelta niya sabay kindat. Narinig nina Steph at Lia ang winika ni Jerra kaya naman natawa sila nang marinig ito.

Wala naman na akong naisagot sa sinabing iyon ni Jerra at inirapan ko na lang siya.

"Let's go?" Jimin offered his hand.

Ngumit naman ako sa kanya at bahagyang tumango.

"Sweet dreams, Jimin's bride." Pahabol na asar ni Jerra nang palabas na kami ng pinto.

"What?"

Tanong ni Jimin at akma pa sang haharap sa kanilang tatlo pero agad kong tinakpan ang tenga niya at pinigilan siyang lingunin sina Jerra.

"Never mind it." Sambit ko kasabay ng awkward na ngiti habang naglalakad palabas. Bago pa man isarado ni Jerra ang pinto ay nilingon ko siya at binigyan ito ng isang matalim na titig na hindi niya naman ikinasindak at bagkus ay ikinatawa pa.

Umirap na lang ako sa kanya matapos nun at ipinagpatuloy ang paglalakad. Ilang minuto lang ang lumipas ay nakarating na nga kami sa hotel room ni Jimin. Tahimik kaming pumasok sa loob at isinara niya naman ang pinto. Dahan-dahan akong naupo sa gilid ng kama niya habang siya naman ay umupo sa isa sa dalawang bangko na ilang metro lang ang layo mula sa kama.

Maya-maya ay tumayo ito at nakita kong huhubarin niya ang damit niya.

"Jimin!" Sigaw ko dahilan para mapatigil siya.

"Why?" He asked.

"A-Anong ginagawa mo?" Nauutal kong tanong.

"Changing.. clothes?" He answered.

"Wait." His eyes became teasing. "What do you think I'm gonna do? It's too soon for that." He said with a silly smile.

"Ano ba!" Singhal ko sa kanya pero ikinatawa niya lang ito.

"You're really cute when you do that. That's why I love teasing you." Jimin uttered with his eyesmile.

Umirap na lang ako sa kanya nang sabihin niya iyon pero ilang segundo lang ang lumipas ay nagulat ako ng ituloy niyang hubarin ang shirt niya kaya naman dali-dali kong ipinikit ang mata ko.

"Jimin!" Sigaw ko ulit.

"Aigoo~ You even so what lies below my belt and now you act like you didn't knew what's under my shirt." Jimin murmured but my eyes remained shut.

"You can open it now." He added.

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko ng sabihin iyon ni Jimin. Nang maibukas ko na ito ng tuluyan ay doon ko nakitang bihis na nga siya. And now, he's wearing a white shirt with white cotton pajamas.

Ilang saglit ang lumaon ay may narinig kaming katok sa pintuan kaya naman ako na ang nagpresentang magbukas nito. Tumungo ako sa harap ng pinto at saka binuksan ito na kung saan bumungad sa akin ang isang babae na may hawak ng champagne.

"Nakalimutan mo ata 'to." Wika ni Jerra sabay abot sa akin ng bote.

"Paano mo nalamang.."

"Wala kang maitatago sa'kin, girl. I can pretty much find out everything." Sambit ni Jerra na pumutol sa sasabihin ko.

Nagkatinginan lang kaming dalawa ng ilang minuto at matapos nun ay napabuntong-hininga siya sa harap ko.

"Angel." Sambit niya sabay hawak sa kamay ko.

"A-Ano?" Nauutal kong usal.

"Kahit anong mangyayari.." Sandali siyang tumingin sa magkahawak naming kamay at pagkatapos ay muling ibinalik ang tingin sa akin. "Wag mong isusuko ang lahat." Overdramatic na wika ni Jerra.

Kinalas ko agad ang kamay ko nang marinig ang sinambit ni Jerra.

"Tsk. Ano bang pinagsasabi mo dyan. Matulog ka na nga 'don." Singhal ko sa kanya.

"Mag-iingat ka, kapatid." Exaggerated na sambit ni Jerra na sinuklian ko na lang ng isang irap bago isara ang pinto.

"What did she mean by that?"

"HUH!" Wika ko nang halos malaglag ang dibdib ko dahil sa gulat ng makita si Jimin na nakatayo sa likuran ko.

"Kanina ka pa ba nandyan?" Mahinang tanong ko sa kanya.

"Not quite a while but what did Jerra really mean when she told you not to surrender everything." Jimin asked.

"Nothing. Uhm.. You send this to me earlier, right?" Pag-iiba ko sa usapan.

"Oh, yes. I almost forgot! But you seem to be ill, so let's just do it another time." Jimin uttered.

"Huh? A-Ayos lang naman ako." Wika ko sa kanya.

"Sure?" He asked.

I nodded.

"Okay." He smiled.

Kinuha ni Jimin mula sa kamay ko ang bote ng champagne at saka inilapag iyon sa lamesita sa gilid ng kama. May bintana sa tapat nito na siya naming binuksan ni Jimin para matanaw namin ang mga nagliliwanag na skyscraper sa labas. Pinaupo niya ako sa gilid ng kama, kaharap ng bintana.

Pinatay niya rin ang ilaw ng buon kwarto at tanging ang dalawang lampshade lang ang iniwan niyang bukas dahilan para mas luminaw ang view ng mga nagliliwanag na buildings sa labas. Maya-maya ay muling may kumatok sa kwarto niya at agad naman niya iyong pinuntahan. Pagbalik niya sa akin ay may dala na siyang dalawang champagne glass para sa aming dalawa.

Binuksan niya ang bote gamit ang cork screw na dala niya rin at nilagyan ang dalawang champagne glass. Ibinigay niya sa akin ang isa at umupo sa tabi ko habang hawak niya ang kanya at nakatingin sa labas ng bintana.

Payapa at tahimik lang kaming uminom ng mga oras na iyon. Ilang sandali ang lumaon at nakalahati ko na ang nilagay ni Jimin sa baso ko. Ngunit napalingon na lang ako bigla nang maramdaman kong may nakitingin sa akin at tama nga ang hinala ko.

Jimin is indeed looking at me.

Mapungay na ang mga mata niya at nakita kong ubos niya na ang na nasa baso niya samantalang nangalahati naman ang champagne na nasa bote. Mukhang naka-ilang salin na siya ng champagne sa baso niya ng hindi ko namamalayan.

He poked his finger in my cheeks. "Boop." He cutely uttered.

"Nakailan ka na?" Tanong ko sa kanya.

"M-Me?" He pointed himself.

"Hmm.." He raised his hand and began counting with his fingers. "1,2,3.. Ugh! I don't remember." Jimin said with a foolish smile.

Lasing na talaga siguro 'to.

Makalipas ang ilang minuto ay bigla siyang lumapit sa akin para yakapin ako pero hinarang ko ang dalawa kong kamay dahilan para matigilan siya.

"No." Sambit ko sa kanya sabay tanggal ng mga kamay ko mula sa dibdib niya.

He pouted. "Why.."

"Your breathe reek of alcohol."

Bigla siyang tumayo nang sabihin ko iyon at tumungo sa air purifier na nasa gilid ng kwarto at ibinuka niya ang bibig niya sa tapat nito.

HUH!?

"What are you're doing?" Tanong ko sa kanya kaya naman agad itong lumingon sa akin.

"Purifying my mouth. Duh!?" He childishly said.

Napailing na lang ako sa kanya habang pinapanood siya ngumanga sa tapat ng air purifier.

Kalaunan ay muli siyang bumalik sa tabi ko at itinuon niya ang tingin sa champagne bottle na nasa lamesita. Kinuha niya ito at akma pa sanang sasalinan ang baso niya pero hinawakan ko ang kamay niya dahilan para matigilan ito.

"W-What?"

"Tama na." Wika ko.

He tilted his head like a dog and started singing. "I don't want~ Why would I~ How much will you give?~"

"Kung alam ko lang na may ganito pala siyang level ng pagkalasing, natulog na lang sana ako." Bulong na wika ko.

"You saying—something?" Jimin uttered with his eyes half-closed.

"Wala. Ang sabi ko, matulog na tayo." Sambit ko naman sa kanya.

"What!? Wait.. let me—let me.. ch-check."

Nang sabihin iyon ni Jimin ay pagewang-gewang siyang tumayo at tumungo sa labas ng kwarto pagbalik niya ay dala niya na ang phone niya at saka umupo sa tabi ko.

"Oh. It's 10 o'clock. It's.. to ear-ly." He stated.

Tumingin muli sa akin si Jimin matapos niyang sabihin iyon gamit ang mga mapupungay niyang mga mata na halatang lunod na lunod na siya sa kalasingan. Maya-maya ay unti-unti siyang ngumiti na siyang ikinataka ko dahilan para bahagyang tumaas ang isa sa mga kilay ko.

"But, my mind could change.."

Pinutol ni Jimin sa kalagitnaan ang dapat niya sabihin at tinuro niya ang pisngi niya. Nang mga sandaling iyon ay parang nauunawaan ko na ang gusto niyang sabihin.

"Maybe.. a kiss or something?" He foolishly smiled.

"Jimin!" Sigaw ko sa kanya pero ikinatawa niya lang ulit iyon.

"It's just in the cheeks." He uttered.

"Kahit na!" Protesta ko.

"Your choice.." Jimin seemed to bargain.

Nag-isip ako ng ilang saglit matapos na sabihin iyon ni Jimin hanggang sa marealize kong wala na nga akong ibang pamimilian kundi ang gawin ang gusto niya. Ugh.

"Fine." Wika ko sa kanya dahilan para mapangiti siya muli kasabay ng marahang paglapit ng pisngi niya sa akin.

Unti-unti kong inilapit ang labi ko sa kanya at tahimik naman din siyang naghintay na lumapag ang mga ito sa pisngi niya pero nang malapit nang lumapat ang mga ito sa balat niya ay nagulat ako ng bigla niya akong halikan diretso sa labi at hatakin dahilan para mapahiga ako sa kama.

Napapikit na lang ako nang mga sandaling iyon habang nasa ibabaw ko siya at tinutulak ang labi niya laban sa akin. Hanggang sa maramdaman ko ang init mula sa talampakan na ngayon ay paakyat sa buong katawan ko. Maya-maya ay biglang kumalas si Jimin mula sa pagkakahalik kaya naman muling kong ibinuklat ang mata ko at doon ko nakita ang nanlalaki niyang mga mata na para bang nabigla sa nangyari.

Agad siyang umalis sa mula sa ibabaw ko at umupo sa gilid ng kama at ganun din ang naging reaksyon ko kasabay ng paglihis ng paningin ko sa ibang direksyon. Sandali ang lumaon at unti-unti kong ibinalik ang tingin sa kanya at nang puntong dumapo ang mga mata ko sa kanya ay saktong ganun din siya sa akin.

Nang magtama ang paningin namin ay agad kaming nakaramdam ng pagkailang kaya naman dali-dali naming kinalas ang tinginan at muling itinuon sa iba ang atensyon.

"S-Sorry." Jimin awkwardly broke the silence.

"It's fine." Maikling tugon ko naman sabay ngiti ng pilit.

"Did the thermostat increased, it seemed to get hotter inside." He suddenly stated while scratching his neck.

"It might be the effects of the champagne. M-Maghilamos ka, baka sakaling mawala." Suhestyon ko sa kanya.

"O-Okay." Jimin quickly said before dashing away as fast as he could.

Sa mga pagkakataong nakaalis na sa tabi ko si Jimin ay medyo lumawag ang paghinga ko. Inilapag ko ang champagne glass sa lamesita katabi ng bote at saka humiga sa kama. Nakaharap pa rin ako sa bintana ng mga oras na iyon hanggang sa maya-maya ay naramdaman kong nakatayo sa likod ko si Jimin.

"Are you asleep?"

Tanong niya sa akin pero hindi ko na siya nilingon at ipinikit ang mga mata ko para magtulog-tulugan. Lumipas ang ilang saglit ay nadama kong inaayos niya ang paghiga ko at saka niya ako kinumutan gamit ang comforter. Naramdaman ko rin na ang paglapit ng mukha niya sa akin nang dumampi ang mainit niya hininga sa pisngi ko.

Hinintay ko lang ang mga susunod na mangyayari but after a few minutes I felt that he kissed my forehead. "Sweet dreams."

Matapos niyang gawin iyon ay inayos niya na ang sarili niya at humiga sa tabi ko. Iminulat ko naman ng bahagya ang isang mata ko para tingnan siya at nakita kong nakapikit. Napangiti na lang ako nang makita ko siyang nasa tabi ko at pagkatapos nito ay muli kong isinara ang mga mata ko para tuluyang makatulog.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Maliwanag na ang paligid at mukhang mataas na rin ang sikat ng araw kinabukasan pero nang mga oras na iyon ay nakahiga pa rin ako. Naalimpungatan na lang ako nang maramdaman kong may nakayakap sa akin at nang may makapa akong parang matigas na bagay.

And so I slowly opened my eyes, only to find that my right hand was placed in his abs.

PARK! JIMIN'S! ABS!

Agad kong tinanggal ang kamay ko sa pagkakayakap sa kanya at napabangon mula sa kama na siya ring dahilan para magising si Jimin. Ngingiti sana siya sa akin pero nag-iba ang reaksyon nito nang makita ang gulat kong mukha.

"What?" Jimin immediately asked.

"Did we.. Did we do it?" Tanong ko sa kanya.

"Did what?" He returned another question.

"Did the thing.."

"The thi—oh!? You mean—No! No. We certainly didn't do it. You know very well that I love you but now is not the time." Jimin quickly spoke.

Natigilan naman ako saglit ng marinig ko ang sinabing iyon ni Jimin. Hindi ko alam pero parang may kuryenteng lumilibot sa katawan ko everytime na sinasabi niya ang mga salitang 'yon. I mean, sinasabi naman na sa akin 'yon nila Mom at Dad or ng mga kaibigan ko pero iba pa rin ang pakiramdam kapag sa kanya nanggaling ang katagang..

'I love you.'

Steph's Point of View

Nagising ako kinaumagahan nang maramdaman kong maluwag na ang kamang kinahihigaan ko. Kaya naman iminulat ko ang mga mata ko at doon ko nakitang wala na pala akong katabi. Mukhang kanina pa bumangon sina Lia at Jerra.

Kaya naman napagpasyahan kong umalis na rin sa kama at inayos ang itsura ko. Lumabas ako mula bed area ng kwarto naming pero nang makarating ako sa maliit na living room namin ay nakita kong wala ring nakaupo sa couch.

Dahil doon ay naisipan kong lumabas ng kwarto at baka sakaling doon ko sila makita o makasalubong. Kinuha ko ang card ng hotel room namin na nasa drawer ng lamesita sa gilid ng kama at pagkatapos nun ay tuluyan na akong lumabas.

Nang sandaling isara ko na ang pinto ay isang hotel crew ang nakita kong naglalakad patungo sa direksyon ko. May dala tulak-tulak siyang trolley ngunit maya-maya ay napansin kong bigla itong tumigil at napahawak sa sikmura kung kaya't agad ko itong pinuntuhan.

"Something wrong?" I said.

"Nothi—Urgh!" He was interrupted by the sudden pain of his stomach.

"It's the call of nature. I suppose." I uttered.

"Yeah. My stomach seems to rebel. Darn it." He irriatedly said.

"I think you must go to the restroom now." I suggested.

"But the crews' restroom is at the ground floor. I'm now way of reaching it in time." He stated.

"Uhm.. then use our restroom." I told him.

"Will it be fine?" He asked.

"It's alright." I answered.

He looked at his trolley. "How about this. No one will delive--"

"I'll be on it. What's important is for you to dump it all before something worse even happens." I uttered.

"Let's go." I added.

Inalalayan ko siya papunta sa hotel room naming matapos kung sabihin iyon. Kinuha ko mula sa bulsa ang card para mabuksan ang pinto namin at nang magbukas ito ay nagmamadali kaming naglakad patungo sa banyo. Agad naman siyang pumasok sa loob ngunit bago niya isara ang pinto ay nagpasalamat muna ito sa akin.

Bumalik na muli ako sa labas nang nasa loob na siya ng banyo. Tumungo ako sa trolley na dala niya at nakita kong hindi naman ganoon karami ang idedeliver niya kaya hindi ako ganun nag-alala. May mga sticky notes din na nakadikit sa bawat bagay na nakalagay dito kung kaya't hindi na ako mahihirapan na dalhin sa mga tamang room ang mga ito.

Kinuha ko ang isa sa mga sticky notes na nakadikit.

Room no. 243

Basa ko sa nakasulat dito at matapos nito ay tumungo na ako kung saan ang hotel room na iyon. Saglit lang din naman ang nagdaan at nahanap ko rin kung nasaan ang kwartong 'yon. Pinindot ko ang bell sa gilid ng pinto at kalaunan ay nagbukas din ito kaagad.

"Steph?" Seokjin confusedly.

"Are you working part-time in this hotel, now?" He quickly asked.

I smiled. "It's a long story." Sambit ko.

"You ordered a pitcher of milk from the hotel room service?" Tanong ko sa kanya at tumango naman siya sa'kin.

Nilakihan ni Seokjin ang pagkabukas ng pinto pagkatapos ko iyong sabihin. Pinasok ko na ang trolley sa loob at nang tuluyan akong makapasok ay nakita kong nakaupo sina Tae at Lia sa couch ng kwarto ni Jin.

"So, nandito ka pala?" Bungad na tanong ko kay Lia na siya naming sinagot niya ng isang nahihiyang ngiti.

"Seokjin-hyung told me to have breakfast with him, last night. I was about to go to here when I saw Jerra and Lia went outside your room and so I thought of inviting them but only Lia came with me." Tae explained.

"Si Jerra?" Tanong ko.

"Hindi ko alam. Sabi niya kanina may pupuntahan daw siya." Sagot naman ni Lia.

"But Steph, do you.. work at this hotel?" Tae asked.

"I asked him the same question, but he said it's a long story." Seokjin explained and sat beside them.

Inilapag ko na lang ang isang pitchel ng gatas sa lamesita na nasa tapat nina Lia, Tae at Seokjin.

"Steph." Seokjin called when I was about to leave.

Tinapunan ko naman siya ng tingin at hinintay ang mga susunod niyang sasabihin.

"It seems that you didn't have your breakfast, yet. Why not join us for a while." Seokjin said.

"Ahh.. hindi, it's okay. May kailangan pa akong i-deliver." Wika ko.

"Even for a while?" Seokjin asked.

"It's fine. Just have your meal." Nakangiti kong tugon na siya naming sinuklian ni Jin ng isang maikling pagtango.

Umalis na ako mula sa kwarto na iyon at kinuha ang isa pang sticky note.

This time it's Room no. 241.

Sa pagkakatanda ko ay ito ang kwarto kung saan pumasok si Yoongi noon. So probably this is his room. Mahina akong kumatok pero walang sumasagot and since nakabukas naman ang pinto ay tumuloy na ako.

'Isang subo lang e! Isa lang!" Sambit ng boses ng isang babae na agad kong nakilalang si Jerra.

"Later. I told you, later!" I heard Yoongi's protest.

"Isang subo lang!" Pagpupumilit pa ni Jerra.

"Aish~" Yoongi whined.

Dahan-dahan akong pumasok sa loob hanggang sa makita ko silang dalawa. Nasa harap ng laptop si Yoongi at kasalukuyang nakatapat sa bibig niya ang chopstick na may nakasipit na Jajangmyeon at parang nanay si Jerra na gusto siyang pakainin.

"Isa subo lang naman e. You didn't even have your breakfast. How would you make good music, if your stomach is empty?" Singhal sa kanya ni Jerra.

"Ugh! Alright." Yoongi uttered and opened his mouth.

Nakita kong napangiti si Jerra habang inilalagay niya sa bibig ni Yoongi ang noodle gamit ang chopstick.

"Happy now?" Yoongi said with his mouth full and his cheeks bloated.

Napatango naman si Jerra at bahagyang ngumiti kay Yoongi bilang tugon. Pero agad ding nawala ang ngiti na 'yon nang mapadpad ang mata nilang dalawa sa akin na kanina pa sila pinapanood.

"Steph!?" Gulat na sambit ni Jerra na parang nakakita ng multo.

"Oh! Yah! How did you get in here? Are you a ghost?" Yoongi threw a question after another.

"Well, first of all nakabukas yung pinto at wala naming sumasagot while I'm knocking so I continued my way in. And second, I'm an astral body." Magkakasunod na sagot ko naman.

"Why are you here then?" Yoongi asked once more.

"Ah. You ordered two cups of Iced Americano from the room service, right?" Tanong ko sa kanya.

"Y-Yes." Yoongi answered while slowly nodding.

"Medyo na-curious ako nung naglalakad ako papasok,akala ko naman kung ano 'yong isusubo. Kaloka." Mahinang sambit ko habang inaabot kay Yoongi ang cup ng Iced Americano. Narinig naman iyon ni Jerra dahilan para sunod-sunod siyang maubo.

"What happened to you? Are you choking or something?" Yoongi worried.

Dahil doon ay agad kong iniabot kay Jerra ang isang cup ng Ice Americano. Kinuha niya naman ito at agad na ininom.

"Are alright now?" Yoongi asked.

Tumango naman si Jerra sa kanya at ilang segundo lang ang lumipas ay tinapunan niya ako ng tingin at binigyan ng isang matalim na titig. Well, of course natawa na lang ako sa reaksyon niya dahil alam kong alam niya ang iniisip ko pero inirapan niya ako.

"I must go now. Bye!" Sambit ko na lang habang bahagya pa ring natatawa. Nagpasalamat naman sa akin si Yoongi bago ako tuluyang umalis ng kwarto niya at iniwan silang dalawa ni Jerra.

Nang nasa labas na nga ako ay nakita kong isa nalang ang natitirang bagay na nasa trolley na dapat kong i-deliver. Pinakamarami ito dahil may pagkain at kubyertos itong kasama. Kinuha ko ang sticky note nakadikit dito at nakitang Room no. 247 ito.

Kaagad kong natandaan na kwarto nga pala iyon ni Jimin dahil nakita kong dito sila pumasok ni Angel kagabi. Di ko alam pero nang mga sandaling iyon ay naisipan ko nalang na pumasok sa loob since kilala naman na ako ni Jimin.

Pumasok silang dalawa kagabi sa kwarto na 'to gamit ang number passcode ng pintuan ni Jimin and since nakita ko kung anong combination iyon ay naisipan kong gamitin ito para makapasok. Itinaas ko ang cover para makita ko ang pindutan. Inalala ko saglit ang number combination at saka sinimulang pindutin ang mga buton. At tagumpay, bumukas ang pinto.

Tinulak ko ang trolley sa pintuan dahilan para lumawak ang pagkakabukas nito. Tahimik akong pumasok sa loob at nang makaabot ako sa kinaroroonan nila ay nabigla ako nang makitang topless si Jimin at nagtitinginan silang dalawa ngayon ni Angel.

"There. You're giving me that mysterious stare again." Jimin told her.

"Then.. if we didn't do it. Eh bakit ka nakahubad?" Tanong naman ni Angel

" I told you that it's hot, last night. Didn't I?" Jimin reasoned.

"Di'ba sabi ko maghilamos ka? Didn't it work?" Tanong niya ulit.

"It seemed not." He briefly said.

"So, you didn't do it?" Biglaang tanong ko sa kanilang dalawa.

"AHH!" Maikli ngunit sabay na sigaw nilang dalawa dahil sa pagkagulat.

"Steph!?" Tanong ni Angel.

"W-What are you doing here?" Jimin asked.

"Who ordered breakfast from the room service?" Tanong ko.

"Oh. I did." Jimin answered.

Kinuha ko ang tray na nasa trolley at inilagay doon ang mga pagkain bago inilapag sa kama.

"Here." Wika ko.

"Anong ginagawa mo, bakit.. ikaw ang nagdala nito sa'min?" Tanong sa akin ni Angel.

"Too long to be told. Kumain na lang kayong dalawa." Sambit ko.

"It's bad omen to eat without clothes." Wika sa kanya ni Angel.

Akma na akong paalis nang marinig kong sabihin iyon ni Angel kaya naman napatigil ako sa pagtulak ng trolley at napatingin sa kanya.

"But you just did." Asar ko sa kanya.

Nanlaki ang mga mata ni Angel at napatingin siya kay Jimin na ganoon din ang reaksyon. Mukhang na-gets ka agad nila ang sinabi ko. Haha!

"Walang nangyari."

"We didn't do anything."

"Mainit lang kaya naghubad siya."

"Yes. Yes. That's right. It's hot last night."

Magkakasunod na wika nina Angel at Jimin na ikinatawa ko.

"I know., I'm just messing with the both you. Have a nice breakfast." Nakangiti kong wika sa kanila bago tinulak paalis ang trolley na dala ko at lumabas ng kwarto.

Isinara ko na ang pinto ng kwarto ni Jimin at muli kong itinulak ang trolley at iniwan iyon sa tapat ng kwarto namin nila Jerra.

"Steph!" Tawag sa akin ng boses ng isang lalaki dahilan para mapalingon ako.

It was Jungkook; wearing a black Fila jacket while sipping his banana milk in his right hand and holding a brown paper bag on the left.

"You're awake." JK happily said.

"I guess?" Sambit ko naman.

"What a dumb question. I'm sorry. Anyways, did you have your breakfast already?" He asked.

"Okay lang, busog—" Naputol na wika ko nang biglang mag-alboroto na ang tyan ko sa gutom.

JK's eyes slowly went to my stomach."That ain't good. It's speaking already." He stated.

"Good! You can join me, I didn't have mine either." He added with a smile.

At dahil nga nasa tapat na kami ng pinto ng kwarto namin nila Angel ay napagpasyahan naming Jungkook na doon na lang kumain. Inilapag niya sa lamesa ang banana milk na hawak niya at isa-isang inilabas ang laman ng paper bag. Inilatag niya iyon sa lamesa at nagsimula na kaming kumain.

"It's banana milk, isn't it?" Tanong ko sa kanya habang patuloy kaming kumakain.

"Yes." He answered with his mouth stuffed with food.

"Asan ka naman nakakita niyan, from what I know sa Korea lang makakabili niyan ah?" Tanong kong muli.

"You know there's this saying 'If there's a will, there's a way.' " JK stated.

"So is it because of that?" Wika ko.

"No, for it's totally because.." He stopped midway and looked at me. "I'm Jeykey." He uttered with an exaggerated proud face.

"W-Wag mo 'kong patawanin. Baka maibuga sayo lahat ng nginunguya ko ngayon." Sambit ko habang pinipigilang matawa sa kanya ang lahat ng nasa bunganga ko pero Jungkook being himself, didn't stop there.

Dahil nung iniiwas ko ang mata ko para hindi ako makatingin sa kanya ay pilit niyang pinapakita ang mukha niya sakin kahit saang direksyon ko ilihis ang paningin. Kaya naman wala akong nagawa kundi mabilis na nguyain at lunukin ang pagkain na nasa bibig ko. Kinuha ko ang juice na nasa cup at agad iyon ininom para walang matirang kung ano man sa bunganga ko.

"So is this the payment for treating me breakfast?" Tanong ko sa kanya.

"What? Of course not." He said while chewing his food and took a sip from his banana milk.

"Then, pwede mo ba akong bigyan ng kapayapaan habang kumakain?" Tanong ko muli.

"Sure.." He said.

"Cause I'm Jeykey." He added; cracking a laugh like there's no tomorrow.

And of course, sinusubukan ko naming pigilan na mahawa sa tawa niya at halos dumugo na ang labi ko sa kakakagat para lang mapigilang tumawa. Maya-maya ay tumigil din naman siya habang pinapahid ang luha ang kanang mata niya at matapos nun ay tuluyan na muli siyang kumain.

Makalipas ang ilang oras ay natapos na nga kaming kumain. Iniligpit na naming dalawa ang lahat ng mga basura at nilinis ang lamesa. Umupo ulit kami sa couch matapos nun, inalok niya ako ng ng banana milk na siya naming tinanggap ko. Binuksan ko ang TV para makapanood kaming dalawa at ilang minuto rin kaming nakaupo lang doon habang sumisip ng banana milk.

Ilang saglit ang lumipas at sa di inaasahang pagkakataon ay nailipat namin ang channel sa Animal Planet. And yung program na palabas that time is about easter bunnies at ngayon ay kasalukuyan nilang pinapakita ang isang malawak na damuha na punong-puno ng mga ito.

"Do you think, I really look like them?" Jungkook suddenly asked.

Natawa naman ako ng bahagya sa sinabi niya pero nanatili lang siyang nakatingin sa screen at nanonod. "Well, that's what ARMYs say. And to be honest, you seemed to look like one." I told him.

He looked at me. "Really?"

"Hmm.. wait. Dyan ka lang." Sambit ko sa kanya sabay alis mula sa couch.

Tumungo ako sa tabi ng kama at binuksan ang drawer, kung saan nakita ko ang mga pang-tali. Kinuha ko lahat 'yon pati ang phone ko na nakapatong sa lamesita at bumalik sa kinauupuan namin kanina para tumabi sa kanya.

"Lapit." Sabi ko sa kanya kaya naman inilapit niya ang sarili niya sa akin. Iniyuko ko ang ulo niya at sinimulan ayusin ang buhok niya. Pero agad naman siyang tumingala at tumingin sa akin.

"Wait. What are you doing?" He asked.

"Basta. Yuko." Wika ko dahilan para yumuko siya sa harap ko. Sinimulan ko namang muling ayusin ang buhok niya. Dinampot ko ang mga taling dala ko kanina at ipinangtali yon sa isang part ng buhok niya. Ganon din ang ginawa ko sa kabilang side.

And voilà! His pony tail is done.

Natawa ako ng makita ang inosente niyang reaksyon kaya agad kong binuksan ang camera ng phone ko at itinapat ang front cam sa kanya. Nang nasa loob na siya ng frame ay pinindot ko ang volume down button para magclick ang camera at makunan ko siya ng picture.

"Steph!" JK yelled.

Muli naman akong natawa sa reaksyon niya dahil mukha siyang 7 years old na lagging bitbit ng nanay niya sa grocery store. Natawa na lang din si Jungkook nang mga oras na iyon at tila nahawa na sa akin.

"Wait, let me adjust it." Sambit ko sabay hawak sa isa sa mga tali at hinigpitan nito.

Sa kalagitnaan ng ginagawa kong iyon ay nagulat kaming dalawa nang biglang bumukas ang pintuan at nakita naming nakatingin sa amin sina Tae, Lia, Seokjin, Jerra, Yoongi, Jimin at Angel.

Bigla ring lumabas ang crew mula sa banyo at tumungo ito sa kinaroroonan naming ni Jungkook.

"Thank you for letting me use your bathroom, sir." Wika ng crew sa akin at nginitian ko na lang siya sabay tango.

"Who are you?" Seokjin asked him.

Bahagya namang nabigla ang hotel crew nang makita niya ang mga tao sa pintuan.

"A-Ah.. Crew 'yan ng hotel, sumakit lang yung tyan niya kaya pinagamit ko muna sa kanya yung banyo namin." Paliwanag ko kay Jin.

Hindi naman naintindihan ng crew ang sinabi ko since tagalog nga iyon at medyo naweiweirduhan na rin siya sa amin nang mga puntong iyon.

"I'll gonna.. go out now." Medyo awkward na wika ng crew sabay alis mula sa eksena kaya naman muling naibalik ang tingin ng lahat sa aming dalawa ni Jungkook.

"So, we're not informed na may k-drama scene pa lang nagaganap sa loob ng hotel room na'tin." Bungad na pang-aasar ni Angel with that KARMA'S-A-BITCH smile.

Mukhang gumaganti siya, dahil doon sa nangyari kanina at nung nakita namin silang dalawa ni Jimin na nasa loob ng banyo. Hayst.

"Bromance?" Gatong naman ni Jerra.

Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Jungkook at agad kong tinanggal ang kamay ko sa buhok niya sabay lihis ng tingin. Umiwas din naman siya ng tingin sa akin dahil sa pang-aasar nina Jerra at Angel..

"Aigoo~ Jungkook-ah. You look like a baby. You're so adorable. Let me take you a pic." Seokjin said; fishing his phone from his pocket and quickly clicking the camera towards Jungkook.

"I'll use this if you happen to make me upset." Seokjin threatened.

"Hyung!" JK yelled.

"I'm just kidding. How would I suppose to use this against you when you're so cute and lovely here?" Seokjin told him.

"I'll keep it. For our memories." Seokjin added with a smile.

"Why are you here anyways?" JK asked.

"Ah.. we're here to bring Lia." Seokjin answered.

"How about you Jimin-hyung? Yoongi-hyung?" JK asked once more.

"I'm accompanying Angel to her room." Jimin spoke.

"And so as for Jerra." Yoongi told.

"And you?" Tae asked Jungkook back.

"Steph and I just had our breakfast." JK explained.

"Okay then. Let's leave." Jimin uttered.

"What? We don't have to practice, our concerts' over." JK said.

"I mean to our rooms." Jimin stated.

Wala naman nang naisagot si Jungkook matapos sabihin iyon ni Jimin sa kanya. Tumayo na lang ito at sa paglabas niya ay siya namang pagpasok nina Jerra, Lia at Angel sa loob.

"Come on, Pucca. Let's go." Seokjin laughingly said.

"Hyung, stop." JK uttered but Seokjin continued cackling like a windshield wiper.

Sinara na ni Jerra ang pinto matapos nun. Umupo silang apat sa couch katabi ko at nanonood din ng TV.

"Kaninong banana milk to?" Tanong ni Jerra at akma sanang itong kukunin mula lamesa pero agad kong tinapik ang kamay niya.

"Aray." Reklamo niya.

"It's mine." Wika ko sa kanya.

"Gosh! Nagtatanong lang e." Singhal niya sa akin.

Maya-maya ay napansin kong nagkatinginan silang dalawa ni Angel na para bang sisimulan akong asarin kaya naman inunahan ko na sila.

"Don't ever try it. Matatalo lang kayo sa'kin. You know very well na alam ko ang mga naganap sa inyo kanina. Don't start a teasing battle, you'll never win." Usal ko sa kanilang dalawa.

"Are you sure, we wont?" Tahasang sambit ni Jerra.

I looked at them with intimidating eyes."Why? Are you confident, enough?"

Hindi na nakasagot si Jerra sa sinabi kong iyon at muling niya na lang ibinalik ang tingin niya sa TV. Bahagya nalang akong natawa and at the same relieved dahil at least for now hindi nila ako maaasar. Pero hindi ko rin naman magagawa sa kanila 'yon dahil may alas din sila na ipang-aasar sa akin.

So that day became one of the most peaceful day sa lahat ng mga pagkakataong magkakasama kaming tatlo. And as for Lia, yes we're bestfriends pero hindi naming siya ganon naasar kasi napakatahimik niya lang kadalasan.

Si Jerra lang talaga ang may tigas ng mukha na nang-aasar sa kanya kahit na wala naman itong ginagawa.

At gaya ng sinabi ko kanina, lumipas nga ang buong araw na iyon na tahimik ang buong hotel room namin at ni isang kaluskos ay wala kang maririnig dahil mukha na kaming mga bangkay na nakaupo sa couch habang nanonood ng mga movies which is of course puro Marvel since masyadong na-hook si Angel nung pinaonood ko siya last time.

Makalipas ang ilang sandali ay di namin namalayang gabi na rin pala kung kaya't naisipan naming tumawag na sa room service para magpadala ng pagkain sa kwarto naming bago pa man kami matulog. Maya-maya ay dumating din ito kaya naman agad na naming itong nilatag sa lamesa at sinimulang kumain.

"Guys." Tawag ni Jerra sa amin dahilan para tapunan naming siya ng tingin.

"Nakasalubong ko pala si Namjoon, a while ago." Wika ni Jerra.

"And?" Tanong ni Angel.

"He said na sa makalawa na ang alis na'tin." Tugon ni Jerra.

"Alis? You mean, here in America? To Korea?" Sunod-sunod na tanong ko na sinagot naman ni Jerra ng pagtango habang nginangasab ang fried chicken na hawak niya.

"Angel, bakit?" Biglang tanong naman ni Lia sa kanya.

"Huh?" Usal naman niya.

"Bakit biglang bumagsak yang mukha mo?" Tanong ni Lia.

"Wala. It's just malungkot lang ako kasi hindi man lang tayo nakapamasyal dito kahit saglit." Sambit niya.

"Eh di'ba, lumabas naman tayo ng hotel last time nung nasa Chicago tayo and pati na rin yung pumunta tayo sa Citi Field, last night?" Wika sa kanya ni Jerra.

"Pero ang dami namang hindi magandang nangyari. We're almost caught a couple of days ago, remember?" Usal naman ni Angel.

Hinawakan ni Jerra ang kamay ni Angel at nginitian niya ito. "Don't worry, there will be a time that we can freely go whenever we want." Sambit sa kanya ni Jerra.

"The solution is near. I can feel it." Dagdag ni Jerra.

"I can feel something also." Wika naman ni Angel.

"Talaga?" Usal ni Jerra.

"Oo. Ang oily ng kamay mo. Di'ba hinawak mo sa fried chicken kanina yan?" Singhal sa kanya ni Angel dahilan para mapangiti siya ng bahagya at unti-unting tinanggal ang pagkakahawak kay Angel.

Bahagya kaming natawa ni Lia sa mga naganap na iyon at matapos nun ay pinagpatuloy na muli naming kumain hanggang sa kalaunan ay natapos kaming apat. Iniligpit namin ang lahat ng pinagkainan at dumi sa paligid sabay inilagay iyon lahat sa basurahan.

Pinatay na naming ang TV at tumayo mula sa kinauupuan naming para maghanda upang matulog. Pagkatapos naming maglinis at maghilamos ay nagsihiga na nga kami sa kama. Ako na ang nagpatay ng mga ilaw at as usual ay iniwan lang naming bukas ang isa sa mga lampshade. At matapos ng ilang minuto ay dinatnan na kami ng antok dahilan para tuluyan kaming makatulog.


Angel's Point of View

Isang malakas na liwanag.

Nakakasilaw at nakakabulag na liwanag ang gumising sa akin. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko pero nangangalahati palang itong bukas ay umalingawngaw na ang putok ng baril at pagsabog na hindi ko alam kung saan nanggagaling. Kaya naman malawak kong ibinuka ang mga mata ko ngunit nanatiling malabo ang kapaligiran na kinaroroonan ko.

Napatakip na lang ako ng tenga sa sobrang taranta ng mga sandaling iyon.

"Habulin niyo sila! Habulin niyo sila! Huwag niyong patatakasin!" Sigaw ng boses ng isang matikas na lalaki.

"Opo!" Sabay-sabay na sagot ng tila isang grupong ng kalalakihan.

Nagpatuloy pa rin ang barilan at putukan matapos iyon kaya naman nanatili pa ring nakatakip ang dalawang kamay ko sa magkabilang tenga. Hanggang sa kinalaunan ay naramdaman kong tumigil na ang nakakapangilabot na mga ingay at pagsabog kung kaya't unti-unti kong ibinukas ang mga mata ko. At sa pagkakataong ito ay maaliwalas at klaro na ang pananaw ko sa paligid kong nasaan ako ngayon.

Sa isang damuhan, na pinaliligiran ng mga punong hitik sa bunga at binubugahan ng malamyos na hangin.

Nang pagmasdan ko ang buong lugar ay wala akong ibang naramdaman kundi tunay at purong kapayapaan. Parang nawala lahat ng pangamba ko nang mga sandaling iyon. Maya-maya ay biglang napadpad ang paningin ko sa isang puno na ilang metro lang ang layo mula sa akin.

Doon ay nakita kong may isang matandang lalake ang nakaupo habang nakatingin sa malayo, isang matandang lalaki na pamilyar sa akin kaya naman lumapit ako ng bahagya para makilala ko ito at hindi nga ako nagkakamali. Siya nga iyon.

Si Shaman Baek

Ilang saglit ang nagdaan at ibinaling niya sa akin ang paningin niya.

"악몽? (A nightmare?)" Wika ni Shaman Baek sa sarili niyang linggwahe pero nakakapagtakang naintindihan ko ito dahilan para mapahawak ako sa leeg ko at napansing wala roon ang wooden necklace ko.

Idinapo ko muli ang dalawang mata ko kay Shaman Baek at sinagot ko ang katanungan niya kanina sa pamamagitan ng pagtango.

Ngumiti siya sa akin at marahang tumayo mula sa kinauupuan niya.

"걱정마, 괜찮을거야. 모든 것이 것입니다. (Don't worry. It will be fine. Everything will be alright soon.)" Usal ni Shaman Baek habang nasa labi niya pa rin ang nakakapagpagaan ng loob na ngiti.

"P-Patay na po ba ako?" Nauutal kong tanong sa kanya pero bahagya lang siyang natawa sa sinabi ko.

"아뇨 나는 여기에서 내세로 당신을 호위하지 않습니다. 누군가가 당신을 만나고 싶었 때문에 나는 여기 있습니다.( No. You're not. I am not here to escort you towards the afterlife. I am here, because someone wanted to meet you.)" Sagot ni Shaman Baek sa akin.

"Huh? Sino po?" Tanong kong muli.

Nang sandaling sabihin ko iyon ay may biglang kumaluskos sa likod ng puno na katabi ni Shaman Baek at mula roon ay isang aso ang lumabas.

"P-Pola?" Nagtataka kong wika habang tumatakbo ito papalapit sa akin. Lumuhod naman ako para salubungin siya hanggang sa tuluyan na itong makalapit sa akin at sinimulan niyang dilaan ang kamay ko. Masayang-masaya siya at nagkita kaming muli, halos ilang buwan na rin nung huli kaming magkita.

Pero nung mga oras na iyon habang hinihimas ko ang balahibo niya ay saka ko napagtanto ang isang bagay. Napatingin ako kay Shaman Baek at napag-isip isip ko na kung kasama siya nito ay iisa lang ang maaaring ibigsabihin kung bakit nandito si Pola sa harap ko ngayon.

Wala na siya.

Nang maisip ko ang bagay na iyon ay nakita kong bahagyang lumungkot at napayuko si Shaman Baek sa akin. Mukhang nabasa niya ang laman ng utak ko at mukhang tama nga ang lahat ng mga iniisip ko.

Wala na nga talaga si Pola.

Ni isang salita ay walang lumabas sa bibig ko nang mga sandaling iyon at mga patak ng luha ang dumaloy sa mata ko. Tumingala sa akin si Pola at tila nauunawaan nito ang nararamdaman ko pero hindi niya kayang iparating sa akin ang gusto niyang sabihin dahil puro tahol lang ang kayang niyang gawin. Nagpatuloy lang na umagos ang mga luha sa aking mga pisngi hanggang sa biglang umalis si Pola sa harap ko at tumakbo sa isang direksyon.

Agad ko naming tiningnan kung saan patungo si Pola at nakita kong tumigil siya sa tapat ng isang matandang babae. Natulala na lang ako ng sandaling maalala ko kung sino siya.

Si Apo Oryang – Ang matandang katiwala namin noon sa bahay. Maputi, mala-Kastila ang kutis, puti ang buhok at napaka-kalmado ng mukha. Siya ang nag-alaga sa akin simula palang ng ipanganak ako pati na rin kay Mom nung bata pa siya.

Maalaga at mapagmahal siya, sa katunuyan lagi niya akong nililigtas sa tuwing papaluin ako ni Dad nung bata pa ako. Siya lang ang tanging kalaro ko noon dahil palaging busy sa pagpapatakbo ng kumpanya ang mga magulang ko.

Kaya naman nang mga panahon na iyon ay kuntento na akong inaalagaan niya ako kahit wala palagi sa tabi ko ang mismong nagbigay buhay sa akin. Pero isang araw nagdesisyon siyang magbakasyon sa probinsya nila, sa Ilocos.

Halos ayaw kong pumayag noon dahil mawawalan ako ng kasama sa bahay at nag-iiyak ako sa harap niya kaya naman para mapatigil ako ay dinala niya ako sa likod bahay namin. At doon ko nakita ang dalawang maliit na tuta sa kahon, pinangalan niya itong sina Pola at Ponse. Sinabi niyang habang wala siya ay sila raw muna ang makakasama ko.

Napangiti ako sa kanya habang ibinibigay niya sa aking ang mga tuta na iyon at sinabi niyang pagbalik niya mula sa bakasyon ay magkasabay naming palalakihin sina Pola at Ponse. Natuwa ako sa sinabi niya at dahil doon ay napatigil na ako sa pag-iyak. Dalawang linggo ang sinabi niyang itatagal ng bakasyon niya ngunit lumipas ang tatlong buwan ay wala pa ring Apo Oryang ang dumadating sa bahay namin.

Hanggang sa isang araw ay tinawagan ng pamilya niya sina Mom at Dad. Hindi ko alam kung anong pinag-usapan nila ng sandaling iyon pero nang magtapos ang usapan ay nagmamadali nila akong pinagbihis at aalis daw kami. At dahil pitong taon palang ako noon ay natuwa ako nang sabihin nila iyon lalo na at sinabi nilang isasama pa namin sina Pola at Ponse sa sasakyan.

Masaya akong nagbihis at sumakay ng kotse, pakanta-kanta pa ako habang sa gitna kami ng byahe. Ngunit pansin ko na ang malungkot na mga mukha nilang dalawa na hindi ko naman inalintana noon dahil masaya ako sa pag-aakalang mamamasyal kami. Kalaunan ay tumigil din ang sasakyan namin sa tapat ng isang bahay na napapalibutan ng mga puno.

Maraming tao roon kaya naman tinalian ko sina Ponse at Pola para hindi sila mawala sa tabi ko. Sinalubong kami ng ilang mga tao at kinausap nila sina Mom at Dad. Umupo naman ako sa isang tabi habang nag-uusap sila at si di ko malamang dahilan ay napatingin ako sa isang direksyon.

May isang tarpaulin doon at nakalagay ang picture na may nakasulat na pangalan sa gilid.

'Gregoria Caoagdan'

Pero nung mga panahon na iyon ay wala akong kamuang-muang kung para saan ito kaya naman hindi koi yon masyadong pinansin. Ilang sandal ay muli akong nilapitan nila Mom at Dad at sinabi nilang papasok daw kami sa loob na kung saan ay sumunod naman ako. Binuhat ako ni Dad papasok habang si Mom naman ang may hawak sa tali nina Ponse at Pola.

Sa loob ng bahay ay may nakita ako isang kabaong at nagulat ako nang makita kung sino ang nasa nakahiga dito. Walang iba kundi ang isa pinakamalapit na babae sa buhay ko, si Apo Oryang.

Humagulgol ako ng iyak nang oras na makita ko siyang nasa loob ng ataul na iyon. Pilit akong pinapatahan nila Mom at Dad noon pero hindi pa rin matigil ang pag-agos ng luha mula sa mga mata ko.

Pilit ko siyang tinatawag na 'O-yang' habang umiiyak dahil may pagkabulol ako noon. Hindi ko alam gagawin ko nung mga puntong iyon. Di ko akalaing makararamdam na ako ng sobrang sakit at lungkot sa napakamurang edad palang.

At lahat ng dalamhati at pighati na iyon ay muling nagbalik nang makita ko siyang nakatayo at nakangiti sa akin habang hawak niya si Pola.

"Patawad, anak. At hindi ka nakapagpaalam noon si O-yang." Nakangiti ngunit tumatangis niyang sambit sa akin habang nananatili akong nakatayo sa kinaroroonan ko.

"Hindi man kita nasamahan hanggang sa maging isang ganap kang dalaga pero natutuwa pa rin akong lumaki kang isang mabait at magalang na bata." Dagdag niya dahilan para mas lalong dumaloy ang luha sa mga mata ko.

"Mukhang gusto na akong makita ni Pola kaya nandito na siya ngayon. Pero nandyan pa naman si Ponse, alagaan mo siya anak ha?" Paalala nito sa akin.

Patuloy pa rin akong umiiyak ng mga sandaling iyon hanggang sa maisipan kong igalaw ang mga paa ko at itakbo ang mga iyon papunta sa kanya. Napakalapit ko na sana sa kanya at mayayakap ko na ito pero isang pwersa ang tila naglalayo sa akin mula sa kanya.

"Anak, hindi pa panahon para mayakap mo ako. Mahaba pa ang lalakbayin mo at may misyon ka pang kailangang tapusin. Ngunit wag kang mangamba at sa takdang panahon ay muli rin tayong magkakasama." Nakangiti niyang wika sa akin habang unti-unti akong hinihigop palayo sa kanya.

"O-yang!" Sigaw ko habang papalayo ako ng papalayo mula sa lugar na iyon. Mula sa sa kanya.

"Angel!" Tawag ni Jerra na tila kanina pa nasa tabi ko at nakatingin lang ito sa akin. Inilibot ko ang mga mata ko sa paligid at napagtanto kong nasa loob pa rin ako ng kwarto.

Panaginip lang pala pero bakit parang totoo?

Umupo ako at sumandal sa headboard ng kama kasabay ng isang malalim na buntong-hininga. At maya-maya ay bigla na lang bumagsak ang mga luha sa mga mata ko nang hindi ko maintindihan.

"Angel, anong nangyare? Why are you crying?" Magkakasunod na tanong ni Jerra dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"Si O-yang. Nagpakita siya sa akin. Si O-yang." Wika ko sabay yakap kay Jerra. Ilang sandali ang makalipas ay nakita kong pumasok sa loob ng kwarto sina Steph, Lia, Tae at si Jimin.

"Si O-yang? Yung kinikwento mo na nag-alaga sa'yo noon?" Tanong ni Jerra habang nakayakap sa akin.

"O-Oo. Siya." Wika ko at sabay kumalas ng pagkakayap sa kanya.

"Kasama niya si Pola." Dagdag ko.

"Si Pola, eh di'ba buhay pa 'yon nung—Oh Gosh." Usal niya nang ma-realize ang gusto kong sabihin. Naiyak na lang akong muli matapos niya sabihin iyon at muli kaming nagyakap samantalang sina Steph,Lia, Tae at si Jimin naman ay nakatingin lang.

Makalipas ang ilang minute ay muli akong bumitaw mula sa pagkakayakap kay Jerra.

"Tahan na. Dito ka lang, kukunan muna kita ng almusal." Concerned at nakangiting sambit ni Jerra na siyang tinugon ko ng isang tango.

Nang umalis siya sa tabi ko ay si Jimin naman ang agad na tumabi sa akin. Nakatingin lang siya sa akin ng ilang minuto bago niya hinawakan ang mga pisngi ko at pinunasan ang basa kong mata gamit ang mga daliri niya.

"I don't know why you're crying now but I'm always here to be with—" Hindi na natapos ni Jimin ang sasabihin niya ng biglaan ko siyang yakapin at sa ikalawang pagkakataon ay muli na naman akong humagulgol.

Wala naman na akong narinig na salita mula sa kanya pero habang tumatangis ako ay tinatapik niya ang likod ko at hinahayaan akong ilabas lahat ng kalungkutan na meron ako. Maya-maya ay tumigil din ako sa pag-iyak ngunit nanatili pa rin si Jimin sa tabi ko, dumating naman si Jerra ilang saglit ang lumipas at inilagay niya sa lamesita ang gatas at sliced bread.

Nang mailapag na ni Jerra ang pagkain ay sinenyasan nya naman sina Steph, Lia at Tae na umalis muna roon na siya naming ginawa nilang apat. Kaya naman tanging kaming dalawa na lang ni Jimin ang natira.

Hinawakan ni Jimin ang kamay ko at ngumiti siya sa akin.

"Eat up." He said.

Napabuntong-hininga naman ako at saka inilihis ang mata sa mga pagkaing nakapatong sa lamesita. Kinuha ko ang baso ng gatas at uminom ng kaunti mula roon. Dumampot din ako ng isang sliced bread at sinimulang kainin iyon.

Mas lalong napangiti si Jimin habang pinagmamasdan niya ako, hinimas niya ang buhok ko habang kumakain at pinanood niya lang ako hanggang sa maubos lahat ng dinala na pagkain ni Jerra. Kinalaunan ay nagsimula akong magkwento kay Jimin tungkol sa mga nangyari at tahimik lang siyang nakinig sa akin hanggang sa matapos ako.

"Angel." Jimin called and it seems that something came up.

"Bakit?" Sagot ko.

"I'll.. go to my room." He answered.

"Bakit?" Tanong ko muli.

"I have something to do." He responded before dashing away.

"Huh? Eh—" Di ko na natapos ang sasabihin ko dahil mabilis siyang nakaalis pero segundo lang ang lumipas at muli siyang bumalik; giving me a rapid kiss in the cheeks.

"Be sure to dress up when I return." He smiled and quickly left.

Di naman na ako nakapagsalita nang sabihin niya iyon dahil agad din siyang umalis bago ko pa man maibuka ang bibig ko. Nang makaalis na siya ay inayos ko na lang ang kama namin at saka agad na tumungo sa banyo para makaligo.

Ilang minuto ang dumaan at tuluyan na nga akong natapos, since dala ko na ang damit ko sa loob ng banyo ay doon na rin mismo ako nagbihis kung kaya't paglabas ko ay pagsusuklay na lang ng buhok ang aatupagin ko.

"Okay ka na?" Bungad na tanong sa akin ni Steph.

"I'm still a bit sad pero I'm fine." Sagot ko sabay maikling ngiti at sinimulang magsuklay.

"Where's Tae? Nakita ko siya kanina ah." Tanong ko naman sa kanila.

"Sumunod siya nung lumabas si Jimin ng kwarto kanina." Tugon naman ni Lia.

Tumango na lang ako muli at pinagpatuloy ang pagsusuklay.

'Teka, parang bihis ka ah? Are you going somewhere?" Tanong naman ni Jerra pero akma ko pa lang itong sasagutin ay may kumatok na sa pinto kaya naman pinuntahan iyon ni Jerra para pagbuksan.

And the moment that the door opened I saw him.

I saw Jimin.

He's wearing a black long coat, a red sweater and black jeans with a silver watch in his right wrist.

Jimin smiled when he saw me. "Are you ready?" He said.

"So it's a date isn't it." Murmur ni Jerra habang nakatingin kay Jimin.

"Huh?" Jimin uttered.

"Wait! Stay there!" Sambit sa kanya ni Jerra sabay sara ng pinto na ikinagulat namin nila Steph at Lia.

"Anong ginawa mo?" Wika sa kanya ni Steph.

"Gosh! Hindi ako papayag na aalis ka nang ganyan ang suot. Dyan ka lang! Don't move a muscle!" Usal ni Jerra sabay alis patungo sa bed area ng hotel room namin.

Pagbalik niya maya-maya ay madala na siyang mga make-up products at iniligay iyon lahat sa lamesa na nasa harap ng couch.

"Saan mo naman nakuha 'yan?" Tanong sa kanya ni Steph.

"Basta. Stop with the question, suklayin niyo na yang buhok ni Angel at patuyuin niyo. I'll be on her makeup." Sambit ni Jerra.

Kung ano anong nilagay ni Jerra sa mukha ko matapos niyang sabihin iyon. Pinalitan din nila ang suot ko hanggang sa ilang saglit ang lumipas ay natapos din ang mga pinag-gagagawa nila sa akin.

"Look." Wika ni Jerra sabay tapat sa akin ng camera ng phone dahilan para makita ko ang sarili ko.

"I made your make-up to look more natural." Dagdag niya.

"Ngayon, pwede na kitang pakawalan. Now go with your man!" Masayang sambit ni Jerra kaya naman lumakad na ako patungo sa pintuan at dahan-dahan iyong binuksan. Pagkabukas ng pinto ay nakatalikod si Jimin mula dito. Naramdaman naman niyang may tao sa likod kung kaya't lumingon siya sa kinaroroonan ko.

And during that specific moment parang nag-slow motion habang papaharap siya ng papaharap sa akin. Nang makaharap na siya sa akin ay parang nag-scan ang mata niya at tinignan ako mula baba, pataas. Bahagya siyang natigilan nang magtama ang mata naming dalawa habang nakangiti ako sa kanya.

"Jimin? Jimin?" Tawag ko sa kanya habang kinakaway ang kamay ko sa tapat ng mata niya dahilan para magbalik siya sa hwisyo.

He smiled. "Sorry. I was just fascinated. You're so gorgeous."

DUGDUG! DUGDUG!

Napayuko naman ako nang sabihin niya iyon sa mismong harapan ko. Di ko alam pero kahit hindi ko nakikita ang sarili ko sa salamin, ramdam kong sasabog na ako sa pamumula. Marahan naman akong lumingon at nakita kong nakatingin sa amin sina Steph, Lia at Jerra na katulad ko ay namumula din. Nang makita nilang nakatingin ako sa kanila ay nagsilihisan sila ng mata.

Natawa na lang ako sa reaksyon nilang tatlo bago ibinalik ang atensyon ko kay Jimin.

He offered his hand and smiled once more. "Let's go?"

Inabot ko naman ang kamay niya sabay isinara ang pinto. Naglalakad na kami sa hallway ng palapag ng hotel na iyon nang muli akong mapalingon dahil tila may mga nakatingin na naman sa aming dalawa. Paglingon ko ay nakita kong nakadungaw sa pintuan sina Lia, Steph at Jerra na nabigla nang makitang nakatingin ako sa kanila dahilan para muli silang pumasok sa loob.

Napangiti na lang ako sa mga kalokohan nilang tatlo at matapos nun ay nagpatuloy lang akong maglakad hanggang sa makarating kami ng elevator ni Jimin. Habang nasa loob ay may dinukot si Jimin sa bulsa niya at nang ilabas niya ay nakita kong mga bagong black face masks ang mga ito.

Isinuot niya ang isa at nang akmang ibibigay niya na sa akin ang isa ay tila nagdadalawang isip ito.

"What?" Tanong ko.

"I'm just a little upset that you have to wear this." Jimin responded.

"It's for our safety purposes. It's fine." Wika ko sa kanya sabay hawak sa facemask na nasa kamay nito pero hindi niya pa rin iyon binibitawan.

"But I won't see your beauty." He stated.

Bahagya akong natawa nang marinig ang sinabi niya.

"Just cut that nonsense. Don't worry, I'll be still beautiful even with a mask." Wika ko sabay kindat at kuha ng facemask mula sa kamay.

"I love that confidence. But I love you more." Jimin uttered.

DUGDUG! DUGDUG!

Halos gusto nang kumawala ng puso ko at bumalik ng Korea sa sobrang kilig na naramdaman ko nang sabihin niya ang mga katagang 'yon. Buti na lang at naisuot ko na 'yung mask kundi makikita niya na naman akong namumula.

Anyways, lumipas ang ilang minuto ay nakarating na nga sa ground floor ang elevator. Lumabas kaming dalawa mula roon at naglakad palabas ng hotel hanggang sa makarating kami sa tapat ng isang sasakyang. Kinuha ni Jimin ang susi sa bulsa niya at binuksan niya ito. Pinauna niya akong pumasok sa loob at nang makaupo na ako ay umikot naman siya sa kabila para sumakay sa driver's seat.

"Meron kang sasakyan dito?" Tanong ko sa kanya.

"No, I just rented it for this sole purpose." Jimin responded.

"I don't like seeing you, shedding tears. I felt horrible when I saw you crying while hugging Steph back in Daegu, because of me. And I had the same feeling when I saw you, a while ago. So maybe it's a great idea to roam around and stroll across New York's most famous spots because I thought that you could at least get rid of some of the sadness you had right now." He added.

Muli na naman akong napangiti nang marinig kong sabihin iyon ni Jimin. Walang salita ang lumabas sa bibig ko kundi ang ngiti lang na iyon ang tangi kong naisagot sa kanya. Ngumiti rin naman siya pabalik sa akin at matapos nito ay pinaandar niya na ang sasakyan.

"Alright. Let's move." Jimin gladly uttered and drove away.

Habang nasa loob kaming dalawa ay nakatingin lang ako sa bintana. Matataas na skyscraper ang nadadaanan namin kasabay ng napakaraming tao na dumadaan sa mga sidewalks. Maya-maya ay nakarating na nga kami sa unang destinasyon namin. Bumaba ako mula sa sasakyan at binasa ang pangalan na nakalagay sa entrance.

Central Park

"Huh? Sa likod lang ng hotel na'tin 'to di'ba?" Tanong ko sa kanya.

"Yes. But that was the back of the Park, this is the main entrance. We'll start from here." He told me with a smile.

"Sir, I'm sorry but you can not park here." A guy suddenly spoke.

"Angel." Jimin called my attention causing me to look at him.

"I don't know how to speak, English. Can you please help translating my words to this man?" He whisphered.

Medyo nagtaka ako nang marinig ko ang sinabi ni Jimin pero agad kong ring na-realize na dahil lang pala sa wooden necklace na suot ko kaya ko siya naririnig na nag-eEnglish kaya naman nang mapagtanto ko ang bagay na iyon ay bahagya akong natawa.

Sumang-ayon naman ako sa sinabi ni Jimin at isa-isa kong sinasalin ang mga salita na binubulong niya sa akin. Hanggang sa maya-maya ay nalaman kong isa palang valet boy ang lalaking nasa harapan naming kung kaya't nagkaroon sila ng kasunduan na ipaparada ng lalaki ang kotse sa Meyers Parking kasabay nito ang pagbigayan nila ni Jimin ng number para matawagan nila ang isa't isa.

Matapos nang negosasyon nilang dalawa ay ibinigay na ni Jimin ang susi ng kotse sa kanya at minaneho naman ng lalake ang kotse paalis. Samantalang kaming dalawa ni Jimin ay naglakad naman papasok sa loob ng park.

"Bakit, parang ang layo naman ng lugar na gusto mong pagparadahan ng sasakyan?" Tanong ko sa kanya sa kalagitnaan ng paglalakad habang magkahawak ang kamay.

"You'll find it out later." Jimin answered.

Nang sagutin niya ang tanong ko na iyon ay patuloy na lang kami muling naglakad hanggang sa makarating kami sa isang lugar dito sa Central Park, and this place is called the Conservatory Garden.

Pagpasok naming dito ay talagang namangha ako sa sobrang dami at makukulay na bulaklak sa paligid na may magandang pagkakaayos. Kaunti lang ang mga tao nung araw na iyon na katulad naming ay namamasyal din kaya naman tahimik ang paligid at talagang payapa kaming nakakapaglakad ni Jimin.

Pagkatapos naming maglibot-libot doon ay umalis na kami at tumungo sa susunod naming pupuntahan sa loob ng parke na iyon. Ilang minuto din kaming naglakad hanggang sa makarating sa tapat ng isang kastilyo.

"This is what they call the Belvedere Castle." Jimin suddenly spoke while looking at it.

He shifted his attention and looked at me. "Stand right there, I'll take you pic." He said.

Ginawa ko naman ang sinabi niya at tumayo sa isang magandang pwesto.

"Remove your mask!" He shouted.

"But—"

"It's okay." He yelled again.

Napatingin ako sa kaliwa't kanan at nakitang wala namang masyadong dumadaan kaya naman tinanggal ko ito saglit at ngumiti sa harap ng camera. Nakailang shots din si Jimin sa akin at matapos nun ay bigla siyang tumakbo sa tabi ko kasabay ng pagtanggal niya sa facemask niya.

"Jimin, isuot mo yan." Sambit ko sa kanya.

"It's fine." He said with a smile.

Inilagay niya sa front cam ang camera ng phone niya at itinapat sa aming dalawa. Inilagay niya ang kamay niya sa beywang ko dahilan para bahagya akong magulat.

"Smile." He said while looking at the camera.

Ngumiti naman ako nang sabihin niya iyon. Naka-ilang shots din kami doon at pagkatapos ay isinuot muli namin ni Jimin ang mga facemask. Lalakad na sana ako paalis nang bigla niyang hawakan ang kamay ko dahilan para muli akong magulat.

"Wait for me." Jimin stated and intertwined his hands with mine.

"What's with the nervousness?" He added a question.

"Ah.. Wala." Sagot ko.

"I told you, there's nothing to be afraid. No one will harm you here. I'm with you." He told with his eyes smiling.

I just sighed and smiled while nodding at him.

Matapos nun ay umalis na nga muli kami sa lugar na iyon at makalipas ng ilang minutong paglalakad ay narating naman naming ang Central Park Zoo. Napatigil ako saglit nang makarating kami sa entrance nito.

"From what I know, it's not free to go inside. Kailangan mong bumili ng ticke—"

"Already have it. Let's go!" Jimin interrupted; fishing to tickets from his pocket and showing it to me.

Nang ipakita niya sa akin ang mga hawak niya ticket ay agad niya hinigpitan ang hawak sa kamay ko tumakbo papunta sa entrance ng zoo. Napangiti na naman ako habang tumatakbo kaming dalawa hanggang sa makaabot kami sa teller at ibiinigay doon ang tickets. Pumasok na kaming dalawa sa loob at isa-isa naming tiningnan ang mga hayop doon.

Sikat ang zoo na 'to dahil may mga seals and polar bears silang inaalagaan dito. Tuwang-tuwa kaming dalawa ni Jimin habang pinapanood ang paglangoy ng mga ito. Inikot namin ang buong zoo matapos nun at nang kuntento na kaming dalawa sa mga nakita naming ay napagpasyahan na naming umalis mula roon.

Pagkalabas ng zoo ay naglakad muli kami hanggang sa matanaw ko ang hotel na pinanggalingan namin kanina. Hindi naman na ako nagtanong kay Jimin at sumunod na lang ako sa kung saan niya ako dadalhin. Maging sa mga pagkakatong iyon ay hawak niya pa rin ang kamay ko at halos minuto-minuto siyang lumilingon sa akin na parang ayaw niya akong mawala sa paningin niya.

Kinalaunan ay pumasok naman kami sa loob ng isang gusali.

Manhattan Mall

Nang mabasa ko ang pangalan ng kinaroroonan naming ngayon ay agad kong naalala na ito pala ang isa sa pinakasikat na mall dito sa New York. Sa kalagitnaan ng paglalakad ay sinabi ni Jimin na tanghaling tapat na kaya kailangan naming kumain kung kaya't dinala niya ako sa isang restaurant doon at umupo kaming dalawa sa isang pwesto na wala masyadong tao.

Lumapit ang waiter sa amin at kinuha nito ang order naming dalawa. Maya-maya ay dumating din lahat ng inorder kaya naman sinimulan na naming kumain. Habang nginuguya ko ang sweet and sour pork na loob ng bibig ko ay bigla akong napatingin kay Jimin at nakita ko siyang nakatuon din ang dalawang mata sa akin.

"What's with the stare?" Tanong ko sa kanya.

"I haven't seen your face for a couple of hours." Jimin said.

"You must be crazy." Sambit ko habang sumasandok ng kanin.

"Crazy for you." Jimin kiddingly uttered.

Dahil doon ay nailihis ko ang tingin kay Jimin. "Can you stop with the cheesy puns?"

At nang marinig niyang sabihin ko 'yon ay sinimulan niyang hawakan ang dibdib niya at saglit napayuko bago tumingala sa akin.

"I am hurt. I am really hurt on what you've just said." Jimin overdramatically stated with exaggerated facial expressions.

Natawa na lang ako sa itsura niya at napailing.

"Gutom lang 'yan." Wika ko sa kanya sabay tusok ng isang pirasong karne mula sa bowl ng sweet and sour pork at itinapat ko iyon sa bibig niya.

"AHH." Sambit ko dahilan para ibukas ni Jimin ang bibig niya at saka ko naman isinubo ang nasa piraso ng karne na nakatusok sa tinidor.

Nginuya ni Jimin ang pagkain sa harapan ko habang nakangiti sa akin at halos linya na lang ang mga niya sa sobrang lawak ng ngiti nito. Kumain na lang kami muli matapos nun at maya-maya ay tuluyan din kaming natapos. Nagpahinga lang kami saglit para pababain ang mga kinain naming bago lumisan sa kinauupuan naming dalawa.

Nagbayad muna si Jimin sa counter at pagkatapos nito ay lumabas na kami ng restaurant na iyon. Wala naman kaming kung anong binili sa loob ng mall pero nagpasyahan naming mag-ikot-ikot doon. Makalipas ang ilang oras ay napatingin si Jimin sa wristwatch niya.

'It's already 8 o'clock in the evening. It's the right time to go there." Jimin spoke.

"Hm? Where?" Tanong ko naman.

He looked at me and smiled. "Let's go."

Umalis na nga kami mula sa mall na iyon matapos iyong sabihin ni Jimin. Nakasunod lang ako sa kanya nang mga oras na iyon hanggang sa tumigil ang mga paa niya sa isang lugar. Pinalilibutan ito ng matataas na building at mga nagliliwanag na screens.

"We're here." Jimin uttered.

"This is.."

"Times Square." Jimin completed my sentence.

Namangha ako habang pinagmamasdan ang buong kapaligiran at ang mga taong dumadaan na may kanya-kanyang patutunguhan. Ang lugar na ito ang isa sa mga pinakasikat na lugar sa mundo at noon pinangarap ko lang na makarating ditto pero ngayon hindi ako makapaniwalang naririto na ako habang hawak ang kamay ng taong sa screen ko lang noon nakikita.

Ngumiti ako sa kanya at ngumiti rin siya pabalik sa akin.

Parang nananaginip ako nang mga sandaling iyon. Hindi ko akalaing totoo ang mga nagaganap ngayon.

"Go there and I'll take you a pic." Jimin suddenly said.

Muli ko namang ginawa ang sinabi niya at tumayo sa pinakagitna. Tinutok niya ang camera niya sa akin at kinuhaan ako ng litrato. Pagkatapos nun ay muli akong bumalik sa tabi niya.

"Now, let's do it together." Wika ko sa kanya.

"There's.. too many people passing by. They might notice me. I'm sorry." Jimin uttered.

"No. It's okay." Usal ko naman sa kanya nang makitang lumungkot ang mga mata nito.

Nanatili lang kami doon ng ilang sandali hanggang sa muling hawakan ni Jimin ang kamay ko dahilan para mapatingin ako sa kanya. Masigla na muli ang mga mata niya at tila may kung ano ang pumasok sa isip nito.

"Let's go." Jimin spoke.

Medyo nagtaka naman ako sa kung saan niya muli ako dadalhin pero patuloy pa rin akong nakasunod sa kanya at hindi na nagsalita pa. May tiningnan siya saglit sa phone niya at matapos nun ay bumilis ang paglalakad naming dalawa. Hanggang sa tumigil kami sa tapat ng isang gusali.

Meyers Parking

"So.. that's why you wanted it to be parked here?" Tanong ko sa kanya at nakangiti naman siyang tumango sa akin.

"It won't be a surprise if I told him to park it near Times Square because you'll know that we'll be going there." Jimin explained amidst walking.

Makalipas ang ilang minuto ay narating na nga namin ang kinaroroonan ng kotse at mula sa loob nun ay lumabas ang valet boy na pinagsabihan namin kanina. Nilabas ni Jimin ang wallet niya at binayaran ito. Iniabot niya kay Jimin ang susi at bago siya umalis ay nagpasalamat kami sa kanya. Matapos nun ay binuksan ni Jimin ang pintuan tabi ng driver's seat at pinasakay ako roon.

Saka naman siya sumakay sa kabilang parte ng sasakyan nang makita niyang maayos na akong nakaupo.Nang makasakay na siya ay sinimulan niya nang paandarin ang kotse at sa ilang saglit ay nakaalis na nga kami mula roon. Halos ilang minuto rin ang byahe bago muling tumigil ang sasakyan at nang maiparada na ito nang maayos ay saka kami bumaba.

"We can remove this now. " Jimin suddenly said.

Napansing ko namang wala ngang masyadong tao sa paligid kung kaya't hinubad ko na rin ang suot kong mask at ibinulsa iyon. Pagkatapos nun ay sinimulan na naming maglakad papasok sa lugar na iyon.

Makalipas ang ilang sandali ay natanaw ko na ang matataas na buildings at skycrapers ng New York sa di kalayuan. Namangha ako habang pinagmamasdan ang mga ito na lumiliwanag at naglalabas ng iba't ibang ilaw sa gitna ng madilim na kalangitan.

Hanggang sa kinalaunan ay may natanaw akong isang malaking tulay sa gitna nang paglalakad naming dalawa.

"Wait. Isn't that, Brooklyn.. Brooklyn Bridge!?" Wika ko sabay tingin kay Jimin.

He smiled and slightly nodded.

Ibinalik ko ang tingin ko sa tulay matapos nun. "A-Ang ganda." Sambit ko nang may pagkamangha sa itsura nito at sa mga kumukutitap na ilaw na pumapalibot dito.

Saglit lang ang lumipas at dumapo ang paningin ko sa kanya. Doon ko nakitang nakatuon na pala ang dalawang mata niya sa akin habang nakangiti. Hindi ko alam pero sa tuwing nginingitian niya ako ay parang nahahawa na lang din ako at napapangiti rin ako sa kanya.

Ipinagpatuloy lang naming dalawa ang paglalakad hanggang sa makakita kami ng mauupuan at pumwesto doon habang nakatanaw sa mga nagtataasan at napakagandang night skyline ng New York. Sobrang gaan ng pakiramdam ko nang mga oras na iyon at tila nawala lahat ng lungkot na naramdaman ko kaninang umaga.

"She might be gone without saying goodbye to you but I'm sure she doesn't want you to always keep her disappearance in your heart. I knew, just like me, she doesn't want seeing you crying because of her. Because she loved you." Jimin suddenly spoke while looking in a distance.

Napatingin naman ako sa kanya nang sabihin niya iyon.

"Thank you." Ang natatanging kataga na lumabas sa bibig ko habang nakapaling ang atensyon ko sakanya. Narinig naman iyon ni Jimin dahilan para mapangiti siya kasabay ng paglingon sa akin.

Mga ilang minuto rin siyang nakatingin sa akin habang ako naman ay naghihintay lang ng mga salitang magmumula sa bibig niya.

Jimin smiled. "I suppose to gave you this back when we're at Namsan but I thought of giving it you on some other time." He uttered.

"And I think, now is the right time to give this to you." He added.

May dinukot si Jimin mula sa bulsa niya matapos niyang sabihin iyon pero nang mailabas niya na ito ay bigla namang umihip ang malakas na hangin dahilan para lumipad ito at mawala sa pagkakahawak niya. Hindi ko nakita kung ano 'yon dahil nawala agad ito sa kamay niya.

Tumakbo si Jimin paalis sa kinauupuan naming nang mangyari 'yon at sinundan ang bagay na nilipad ng hangin mula sa kamay niya.

"Jimin!" Sigaw ko naman sabay habol sa kanya.

Hindi naman kami ganoon nakalayo sa kinauupuan naming dahil agad ding tumigil si Jimin nang sa di kalayuan ay may dalawang lalaki ang naglalakad patungo sa direksyon namin at isa sa kanila ang agad na nakadampot ng bagay na kanina pa niya hinahabol.

Nagmamadaling lumapit si Jimin sa isa sa mga lalaki at kaagad nitong kinuha ang bagay na iyon mula sa kamay ng isa sa kanila bago ito nagpasalamat. Medyo madilim sa lugar kung nasaan si Jimin at ang dalawang lalaki na nasa harap niya kaya naman hindi ko maaninag ang itsura ng mga ito. Saka ko nalamang klarong nakita ang mga mukha nila nang makalapit na ako ng tuluyan sa tabi ni Jimin.

At nanlaki ang mga mata ko nang mga sandaling iyon habang nakatingin sa mukha ng dalawang lalaking nasa harap namin.

It's Chris Evan and beside him was Tom Holland.

"Hey. You're Jimin of BTS, right?" Tom asked.

"Y-Yes. Yes." Jimin replied.

"Angel." Jimin whisphered and called my attention.

"Huh?" Tugon ko sa kanya habang nakadikit pa rin ang dalawang mata sa mga artistang nasa harap ko.

"They're in the movie right?" Jimin quietly said.

Napatingin naman ako kay Jimin at bahagyang tumango. And from that point hindi ko na alam ang gagawin ko parang natulala ako na ewan.

I was indeed starstrucked and so as Jimin, beside me.

I glanced at Chris Evans. "Captain America.."

And after it I shifted my attention to Tom."Spiderman."

"Nice to meet you." Chris offered us his arm for a handshake.

Agad ko siyang kinamayan ng iabot niya sa akin ang kamay niya pero napansin kong napatingin sa amin si Jimin at agad iyong kinalas; pinalit nito ang kamay niya at nakangiting nakipagkamay sa kanya. Maya-maya ay iniabot din ni Tom ang kamay niya sa akin and of course kinamayan ko din siya pero just like what happened seconds ago, ay agad din iyong kinalas ni Jimin at ipinalit muli ang kamay niya.

Napatingin nalang ako at napataas ng bahagya ang isa kong kilay sa kanya nang gawin niya iyon. Coz' from that point I don't even know if he's starstrucked or jealous.

"Your band is doing great in America." Chris uttered.

"Yeah. That's true. I saw the morning news a day ago and you totally sold out the whole Citi Field." Tom added.

"Ahh.. T-Thank you." Jimin shyly replied while smiling and bowing a bit.

"By the way, I like your music." Tom told him; raising his hand and doing a fingerheart with it.

Sa mga oras na iyon hindi ko alam kung bakit biglang gumaling si Jimin sa English at nakakausap niya silang dalawa pero napapangiti na lang ako sa kanya ngayon dahil medyo namumula ito sa mga papuri na naririnig niya.

"T-Thank you. Thank you so much. I like your movies too." Jimin returned the compliment.

"Oh. Anyways, who is she?" Chris stated; drawing all the attention to me.

Jimin quickly gazed at me before looking back at Chris and Tom. He entangled his right arm in my waist moving me closer to him. "She loves watching your movies too. She's my fiancée." Jimin boldly uttered.

Napatingin naman ako kay Jimin at napalunok ng ilang beses nang sabihin niya iyon pero walang salita ng pagtutol ang lumabas sa bibig ko samantalang si Jimin naman ay confident pa rin na nakatingin kanila Tom at Chris habang nakangiti.

"So? You're engage? You're getting married?" Tom said with a bit of shock.

Tumingin naman ako kay Jimin at hinintay kung ano sasabihin nito pero natawa siya sa naging reaksyon ni Tom sa sinabi niya.

"I'm just kidding. She's just my girlfriend.." Jimin said and then glanced at me. "..for now."

He smiled.

Parang may kung anong pwersa ang dumalayo sa katawan ko ng marinig kong magaling sa kanya ang mga salitang 'yon. Di ko alam kung kikiligin ba ako or what.

"To be honest, you're well-matched. You're lucky to have each other." Chris stated.

Ngumiti nalang si Jimin sa sinabing niyang iyon habang ako naman ay speechless pa rin dahil sa narinig ko kanina.

"Uhm.. It's nice talking to you guys, but we have to leave now. We're gonna visit a friend here." Tom told.

Tumango na lang si Jimin sa kanilang dalawa habang nakangiti at ganun din ako. Tuluyan na nga silang nagpaalam matapos nun habang kami naman ni Jimin ay bumalik sa kung saan kami nakaupo kanina.

"Uy! Bakit mo sinabi 'yun?" Tanong ko sa kanya.

"Said what?" He asked back.

"That.. That—" Medyo nag-aalangan kong wika.

"Fiancee?" Jimin uttered.

Nag-init ang mga pisngi ko nang sabihin niya iyon at napayuko kasabay ng marahang pagtango. Pero narinig kong bahagya lang siyang natawa sa akin.

[Now Playing: Sweet Night by Kim Taehyung of BTS]

Jimin cupped my face and raised it; looking towards my eyes. "Your cheeks are a bit warm. Wait.. are you blushing?" He asked.

"M-Make-up yan." Sambit ko sabay tanggal sa kamay niya at inilihis ang tingin sa ibang direksyon.

"Angel." He called.

Unti-unti naman akong lumingon sa kanya. "Wha—" Hindi ko na naman naituloy ang dapat nasasabihin ko nang bigla niya akong halikan diretso sa labi.

THOSE RAPID PECKS! AGAIN!

"Jimin!" Sigaw ko sa kanya sabay hampas sa braso pero muli na naman siyang natawa.

"I really like your reaction while teasing you." Jimin said.

Sinamaan ko siya ng tingin matapos niyang sabihin iyon.

"But.. anyways. I'll gonna give that thing I was suppose to give you a while ago." He stated.

Sumeryoso naman ako ng tingin sa kanya at medyo na-curious kung anong ibibigay niya sa akin. Kinuha niya ang kanang kamay ko at inalapag niya sa palad ko ang isang panyo. Ngunit hindi lang iyon basta isang panyo, it's color purple, made with silk and embroidered with vines and flowers.

And from its far bottom right corner, a strange symbol was also embroidered.

Napangiti nalang ako habang pinagmamasadan at pinakikiramdaman ang lambot ng tela ng panyo na hawak ko ngayon.

"I like it." Wika ko habang nakatingin sa panyo.

"No." Agad kong dagdag.

"I love it." Usal ko sabay tingin kay Jimin habang nakangiti.

"It's just a simple gift so I thought you will not be that surprised. I'm glad you loved it." Jimin uttered.

I smiled at him once again. "Its simplicity alone, is worth appreciating."

Pinagbuklod muli namin ni Jimin ang kamay namin matapos nun at masayang dinama ang kapayapaan ng paligid habang malamyos na dumadampi ang malamig na hangin sa aming mga balat.

Ngunit maya-maya ay narinig naming nag-vivibrate ang phone ni Jimin. Kinuha niya ito mula sa bulsa niya para malaman kung sino ang tumatawag.

"It's Shaman Jang." Jimin said while looking at me.

Nilagay iyon ni Jimin sa loudspeaker para marinig ko rin ang pag-uusapan nila.

"Hello?" He said.

"Jimin. I'm really glad to tell you this. Is the four of them there?" Shaman Jang asked and seemed excited about what she's going to tell us.

"They're all at the hotel but Angel is with me right now." Jimin responded.

"Alright. Just tell them what I'm going to say, okay?" Shaman Jang said.

"Okay, Mrs. Jang. What is it?" He asked.

"I'm currently in Jeju and it seems that I had discovered a way on how Steph, Jerra, Lia and Angel return to their rightful bodies." Shaman Jang happily announced.

"T-Talaga po?" Tanong ko.

"Yes, Angel. You heard it right." Shaman Jang gladly answered.

During that moment I suddenly looked at Jimin's eyes and he's looking at me..

Smiling.

He's happy as I am.

From that point, my mind was so shocked and everything inside me seemed to rejoice. I really can't believed that at last the solution has arrived. At last, Shaman Jang found it. 

Continue Reading

You'll Also Like

16.3M 545K 35
Sinful Flash Sale: Unlock the entire story for 80% OFF or each part for just for 1 Coin Only! Valid only for this weekend, till June 23. Down-on-her...
947K 21.7K 49
In wich a one night stand turns out to be a lot more than that.
226M 6.9M 92
When billionaire bad boy Eros meets shy, nerdy Jade, he doesn't recognize her from his past. Will they be able to look past their secrets and fall in...
1.1M 37.8K 63
π’π“π€π‘π†πˆπ‘π‹ ──── ❝i just wanna see you shine, 'cause i know you are a stargirl!❞ 𝐈𝐍 π–π‡πˆπ‚π‡ jude bellingham finally manages to shoot...