Fast Break

Autorstwa iamadummyacc

46 6 0

Read at your own risk! Więcej

Simula
Unang Kabanata
Ikatlong Kabanta

Ikalawang Kabanata

9 1 0
Autorstwa iamadummyacc

I just wanna be somebody to someone.
And if the sun's upsets and the cloud goes cold.
Somebody to Someone - BANNERS

"Hoy, malandi ka!" Aray ha, hinampas pa ako ni Leila ng purse niya.

"Wala akong ginagawang masama." At sumimsim ako ulit sa iced coffee na inorder ni Shaun sa akin. Infairness ha, magaling siyang pumili sana sa susunod piliin niya rin ako para todo-todo na!

"Ang landi mo. Takot iyon sa commitment at tsaka NGSB." OMG, kung iisipin ay siya ang magiging first lady ng buhay nito!

"Ano ba whole name nun? Para maisearch ko sa fb o di kaya sa ig? Or sa twitter para alam ko drama sa buhay niya!"

"Shaun Martinez. Private acc yun lahat gurl kaya wag ka na umasa!"

"Ang hard mo sa akin ha! Minsan lang ako lumandi kaya pagbigyan mo na ako." Ngumuso pa ako para mas effective.

"Anong minsan?! Basta may kumapit lang sayo na pogi eh, minemessage mo na agad! Nakaka-stress ka dae!" Napahalakhak ako sa rason niya. Totoo naman na malandi ako kaya lang hindi natutuloy! Kaya technically, no boyfriend/girlfriend since birth pa ako.

"Para kang hindi mayaman kung magsalita, Leila."

"Hindi pera ng pamilya ko ang issue dito, Ali." Ali tawag sa mga close kung kaibigan kapag acquintances lang ay Ana. Pero mas cute yung Ali at mas aesthetic!

"Ig username beshy, pleaaaaase!"

"@shaunmartinez"

"Guuuurl, ang dami! Marami siyang poser ha, infairness. Nasaan yung legit?!"

"Hanapin mo na lang. Halika na! Magpahinga na tayo at mamaya ay pupunta tayo sa bar." Night-out life mga ateng! Parang hindi paparating ang finals ah, well deserve namin mag-enjoy noh bago apihin ng mga professors!

"Tinatamad ako mag-bar. Hindi naman ako katulad ni Lavender na party goer. Hindi ka rin naman umiinon ah, netflix na lang tayo please." Tinatamad talaga ako uminom kasi alam ko namang malalasing ako at magkakaroon ng hang-over! Ayoko ng malasing, ayoko na kahit ngayong gabi lang ayoko na!

"Pagod rin naman kasi ako Ali but we really need to go this time kahit upo-upo lang tayo doon." Pamimilit pa ni Leila.

"Ano ba kasi ang meron mamaya at hindi ka mapakali?! Tapatin mo ako Leila ha!" Sinamaan ko siya ng tingin kaya alam kong nasindak ko na siya. Oh well, para saan pa na tinawag akong suplada nila!

"Pinapapunta ako ni Jacob eh. Papakilala daw ako sa mga kaibigan at teammates niya." Nakangiwing sambit niya at teka nahihiya ba siya?! Haler, napaka-Maria Clara naman nito!

"Malamang kaibigan ka rin niya."

"Sige, huwag na lang tayo pumunta."

"Lei ha! Sobra na yang pagtatampo mo agad."

"Text ko na lang siya at sabihin na pagod tayo. Uwi na tayo sa condo." At umalis na ito patungo sa parking lot. Aba, siya pa ata manunuyo eh nagsasabi lang siya ng totoo!

Tahimik ang byahe nila hanggang pagdating sa condo. Akmang papasok na si Leila sa kwarto nito ng tawagan niya.

"Lei. Mag-usap tayo ha ayoko ng drama sa life. Magtampuhan lang tayo wag lang dahil sa mga lalaki." Napangiti naman ito ngunit bakas pa rin ang lungkot sa mga mata. Umupo silang dalawa sa sofa.

"Tama ka naman Ali. Kaibigan lang niya ako at hanggang doon lang iyon." Mahinang sambit nito.

"Mahal kita Lei. Kaibigan kita at itinuturing na kapatid, pero gusto ko lang ipaalala sa iyo na maraming beses ka ng binigo ni Jacob." Hanggang ngayon ay inis pa rin ako sa ugok na iyon mula ng malaman ko kung paano niya pinaasa ang kaibigan ko! Heh, akala ko pa naman eh matino iyon.

"I am sorry Ali pero mahal ko pa rin siya hanggang ngayon. Kahit pinilit kong kalimutan itong nararamdaman ko ay lalo lang tumitindi. Nasasaktan na rin ako Ali kaya lang habang nabubuhay ata ako eh tumitibok talaga ang puso ko para sa kanya." Naluluhang sambit ng kaibigan niya kaya napayakap siya.

"Ang pangit mo, wag ka drama. Hindi ko kaya at please pakitawagan yang si Jacob, hindi tayo pupunta mamaya sa party."

"Okay Ali. Salamat ha."

Agad namang tinawagan ni Leila si Jacob habang tinitingnan ko isa-isa ang mga account na may username na shaunmartinez. Ampota, siguro mas maraming poser sa fb kaya magtiis muna siya dito sa ig! Kung tinanggap lang sana niya ang calling card eh wala sanang problema. Ugh, ang tanga mo gurl in real life and love life!

"Jacob. Please, pagod ako." Mariing sambit ni Leila kaya napatingin ako sa kanya.

"Sabihin mo pakyu." Bulong ko kaya namilog naman ang mata ni Leila at natatawa pa.

"Ha? Ano? Sino kasama ko? Ano ba, ang dami mo namang tanong!" Napapadyak pa si Leila sa sobrang inis. Kahit naman siguro ako pag tinadtad ng tanong tapos hindi pala jojowain ay maiinis talaga, chuar! Sasabunutan ko talaga ang Jacob na yan! Grrr.

"Jacob wala akong date! Ayoko lang pumunta dyan. Ayokong makilala ang mga kaibigan mo. Please lang, pagod ako!" Chuar, dinadamdam naman ata ni Leila masyado kinuha ko nalang yung cellphone niya bago pa niya mabulyawan si Jacob.

"Hoy ungas, pag sinabi ng kaibigan ko na hindi kami pupunta ay hindi talaga! Sasampalin na talaga kita kapag nagkita tayo." Mamsh, sumisigaw na ako dito kasi umaaktong bingi itong si Jacob.

"Ali please just this night. I just want Leila to meet my teammates. And you know that hindi ko naman hahayaan na mag bar iyang kaibigan mo kapag wala ako."

"Heh, wag mo akong gamitan ng mga concerned words mo ha! Hindi pa rin tayo bati!"

"Ali ako nalang kakausap kay Jacob." Singit ni Leila.
Nag-hand sign naman ako sa kanya na "teka lang at papatayin ko muna ang ungas na ito".

"And Ali, do you know Shaun? He's asking if we know each other?" Nag-aalinlangang tanong ni Jacob. Namilog naman agad chinky eyes ko at wala na, tumatalbog-talbog na kami ni Leila dito sa sofa.

"Ali, anong nangyayari? Loudspeaker mo na lang please." Naguguluhang tanong ni Leila.

"Aaaaaaaah, puta de iho! Shaun Martinez ba ya?! Kyaaaaaaah. Saang bar ka ba?!"

"So I can bribe you huh?!" Ang creepy na nakikita ko sa cerebrum yung malademonyo niyang ngisi, tela cerebrum ba yon oh sa cerebelum?! Whatever basta magkikita na kami ni Mr. Right!

"Wag mo akong paglaruan Jacob!" Tumawa muna ito bago nagsalita.

"Text ko lang address at oras and please don't let Leila wear a very sexy dress."

"Paki ko sa request mo! Siya ang magdedecide ko anong gusto niyang suotin. Hindi ka naman boyfriend or tatay niya. Geh, bye!"

"Ano ba naman yan, Ali! Anong sabi niya at ano iyong mga sinasabi mo ha?!"

"Pupunta tayo—-"

"Akala ko ba pagod ka?"

"Well kanina, ngayon fully charged na ako. Maghanda ka na ng susuotin mamaya. Love yah and oo nga pala, sabi ni Jacob magsuot ka ng super sexy!"

"Anong sexy——-?!" Hindi ko na narinig nga sinabi niya dahil sinirado ko na ang pinto. Hays, einie meinie mou, alin dito ang susuotin ko?!

Okay, itong backless black dress! Huhuhuhu ang GGSS ko na naman. Maya-maya ay kumatok na si Leila sa pintuan. Agad na nanlaki ang aking mga mata ng mamataan ko sya.

"Leila! Ano yan?!"

"Huh? Bakit ang ganda ko ba?" At ngumiti pa siya ha kung alam niya lang kung bakit ako nag-effort sumigaw.

"Ang pangit mo! Ang baduy Leila, OMG!"

"Sabi mo wala kang kaibigan na pangit?" Aba'y rumarason pa ito. Paano naman eh plain jeans lang ang suot at isang SIMPLENG shirt. Maygad, parang hindi mayaman!

"Teka, magbihis ka! Wag na wag kang aangal, L!"

Agad kong hinalungkat mga damit niya sa closet pero pura ata pang classy at elegante ang mga damit niya, in short pang manang! Lumanas nalang ako at pumunya sa kwarto ko para hanapan siya ng seksing damit. Kailangan niya talaga magshopping ng mga trendy clothes!

"Oy akala ko ba pagagandahin mo ako, ayokong mapahiya si Jacob mamaya pag pinakilala niya ako sa mga teammates niya." Nakanguso niyang sambit, buti naman at sinundan niya ako. Giniya ko siya sa harapan ng vanity mirror at pinakita ko iyong halter top na meron ako.

"Ano yan—?"

"Damit. Magbihis kana bilisan mo at mag-memake up ka pa."

After 45 minutes ay narating namin ang bar na sinasabi ni Jacob. Naku kung hindi ko talaga makikita si Shaun ngayon ay sisiraan ko talaga siya kay Leila. Charot lang, problema na nila iyon.

"Ali, pakicheck nga phone ko baka may text message si Jacob."

Naghahanap pa kasi kami ng parking space, marami atang tao ngayon! It only means, maraming gwapo! Hihihi. Loka tong dalawa ah may nickname pa at chat theme na red at chat emoji na heart. Aba, marunong din pala lumandi mga Med-tech students char!

"Aabangan daw niya tayo sa labas para hindi tayo mawala. Ay ayon na pala si Jacob!" Turo ko sa asungot buti nalang at nireserve nya kami ng parking space at kumakaway na ang loko. Dami ko endearment sa kanya noh?! Pagkatapos ipark ni Leila ay agad-agad kong tinggal ang seatbelt at teneeeen, Shaun I am coming for your way!

"Leila! Anong damit yan?!" Okay, seryoso na galit si Jacob ngayon kaya medyo awkward ang atmosphere. Buti nalang since birth pagkamaldita ko kaya pinagtanggol ko kaagad kaibigan ko.

"Jacob. Hindi ka boyfriend okay?! Let her wear the clothes she wants." Medyo umismid pa ako sa last statement ko dahil ang katotohanan naman ay pinilit ko ng slight si Leila na suotin ang mga damit na yan.

"Ali, Jacob. Wag kayo mag-away please. Ayokong masira mood ko ngayong gabi. Hali na kayo." At nauna na nga siyang maglakad patungo sa entrance. Susunod na sana si Jacob ng tawagin ko siya.

"Jacob."

"I can read you, Ali. And yes, I won't hurt her, not again."

"And not ever." Nagsabay pa kami ni Jacob kaya medyo natawa kami. Atleast panatag na ako sa isa kong kaibigan.

"Sige Jacob, sundan mo na at baka mawala pa."

"Sumunod ka kaagad Ali. Mag-aalala si Leila sayo."

I just nodded. Actually kinakabahan ako kaya ayoko pang pumasok. Char para naman kaming mag-ano ni Shaun para mahiya ako sa kanya! Thick face ka girl kaya kaya mo yan. Double kaya! And duh siya naman nag order nun kaya dapat siya talaga babayad.

"Hi Shaun. Nice to meet you again. Uhmm—-" Praktis muna tayo dito guys, hehehehe!

"Oy! Kakilala mo pala si Jacob? Wow d ko inexpect mag-meet tayo ngayon!" Ang sinungaling ko naman!

"Good evening Shaun. How are you?" Ang formal ha! Ano ba, nagmemental block ata ako eh.

"Hi. Shaun my bebelabs!"

"Hello to you, Ali, my bebelabs." Nayanig ata ang buong pagkatao ko ng marinig ko iyon at sinundan pa iyon ng tawang alam na alam ko kung ganino galing. Charot one time lang pala kami nag-meet. Pero, ikalawang encounter na nakakahiya with Shaun Martinez. Uh oh not again please!

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

29.4M 1M 53
It's hard to prove yourself when everyone thinks that everything's being given to you on a silver platter. And in Siobhan Margarette's case, she'll d...
8.1M 203K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...
11.8M 475K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...
696K 46K 10
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...