TATsuLOk

Od JeyEmMen

1.7K 133 3

Mula sa salamin ay kitang kita ko kung panong tumulo sa sahig ang malapot na dugo na mula sa isang kutsilyo. ... Více

Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen

Eight

68 9 0
Od JeyEmMen


********************

EighT

********************

"Just when you think you've hit rock bottom, you realize you're standing on another trapdoor."

-Marisha Pessl

********************

FREYJA

Hindi...

Hindi pwedeng mangyare to...

Mali lahat ng to...

Kanina pa ko lakad ng lakad at pabalik balik lang ako. Hindi ako mapakali at kanina pa ko nanginginig.

Panong nangyare yun?

Panong nangyare lahat ng yun?

Taranta akong lumapit sa cabinet ko at mabilis na hinanap ko ang phone ko. Wala akong paki kung masira man ang ibang phone na hinahagis ko ang mahalaga ay makuha ko ang cellphone ko.

Nag karon naman ako ng pag asa ng makita ito. Nanginginig man ay sinubukan ko paring buhayin ito pero kahit anong pindot ko namamatay lang.

Mabilis na tumayo ako at hinanap ang charger ko. Ilang beses ko pang sinubukang isaksak ang charger sa socket pero hindi ko magawa ng tama dahil sa sobrang panginginig.

"Ano ba!"
Inis na sigaw ko at sa wakas ay nasaksak ko din ng tama.

Napaupo ako sa sahig at bahagya akong nagulat ng maramdaman ang lamig nito.

Muli kong tinignan ang sarili ko sa salamin at hindi ko na maiwasan ang maluha. Nanginginig man ay nagawa ko paring makatayo at makapunta sa CR. Naligo ako at madiing kinuskos ang sarili kong balat.

Nandidiri ako sa sarili ko.

Pano ko nagawa ang bagay na yun?

Napaiyak na lang ako at napayakap sa sarili ko ng maalala si Zoe.

Ang sama ko!

Niloko ko sya!

Napaupo ako sa tiles at umiiyak na niyakap ang sarili ko.

Kahit kailan, hindi ko naisip na magagawa ko yun. Hindi ko naisip na magagawa kong lokohin ang babaeng mahal ko.

Umiiyak na sinabunutan ko ang sarili ko.

Kahit anong gawin ko wala akong matandaan. Hindi ko alam kung anong mga nangyare o kung pano ako napunta sa lugar na yun.

Muling nanginig ang mga kamay ko ng maalala ang mukha nya.

Ilang minuto pa kong natulala lang sa ilalim ng bukas na shower bago naisipang tumayo at lumabas. Nag bihis ako at tyaka ko lang napansin ang napaka kalat na bahay. Walang buhay na lumapit ako sa phone ko at binuhay ito. Sunod sunod ang mga messages na dumating at karamihan ay galing kay Zoe. Napapangiti ako sa tuwing babasahin ko ang mga messages nya.

Nag aalala na talaga sya sakin.

Natunaw ang ngiting yun ng maalala ang kasalanang ginawa ko.

Hinayaan ko na muna ng phone ko sa ibabaw ng cabinet at nag simulang mag linis.

Ni hindi ko na alam kung anong araw na ba ngayon o kung anong oras na. Hindi na ko nag abalang tumingin pa sa kalendaryo o sa orasan dahil pakiramdam ko wala din namang saysay.

Niligpit ko ang mga nag kalat na damit at kung ano ano pang gamit. Pero napa daing ako at agad na napaupo sa sahig ng makaapak ako ng isang matulis na bagay.

Masakit man ay pinilit kong tanggalin ang bumaong thumbnail sa paa ko. Gamit ang sandong napulot ko sa sahig ay pupunasan ko na sana ang paa ko ng makita ang napakaraming sugat dito.

Oo nga pala, wala sa sariling nag tatakbo ako palabas sa lugar na yun. Isang nakakatakot na lugar. Takbo lang ako ng takbo at walang paki sa kung anong itsura ko at kung mapuno man ng sugat ang mga paa ko.

Hinayaan ko lang na dumugo ang paa ko at tatayo na sana ng mapako ang tingin ko sa isang cutter na nasa ibabaw ng lamesa.

Siguro mas maganda kung tapusin ko na lang ang lahat ng to.

Tama. Sakin naman nag umpisa ang lahat. Dahil sakin kaya nasasaktan ang mga taong mahalaga sa buhay ko.

Inabot ko ang cutter at nilabas ang buong blade nito. Hindi pa ko nakontento at tinanggal ko mismo ito sa lalagyan nya.

Parang may kung anong bumubulong sa tenga ko na gawin na ang gusto ko, na ituloy na ang binabalak ko, na tapusin na nga ang buhay ko...

Pero sa kabila naman ay may sumisigaw na huwag kong gawin, na huwag akong maging tanga.

Dinikit ko na nga ang talim nito sa pulsuhan ko.

Handa na kong tapusin ang lahat...

Handa na kong tanggalin ang dumadagdag na salot sa lipunan...

*KRIINGGGG! KRRRINNGG!*

Para akong napaso sa hawak kong blade at agad itong hinagis malayo sakin. Mahigpit na kinapitan ko ang dumudugo ko ng pulsuhan at mabilis na tumakbo sa lababo para hugasan ang maliit na hiwa dito. Napadaing pa ko sa hapdi pero tiniis ko na lang. Matapos hugasan ay binalutan ko ito ng isang towel.

"Zoe..."

Hindi ko na nagawang mag salita pa ng sunod sunod na pumatak na ang mga luha ko. Napaupo ako sa sahig at umiyak lang ng umiyak.

"Susunduin kita.."

Rinig kong sabi nya at sunod sunod na tumango lang ako na para bang nasa harap ko lang sya.

Matapos ibaba ang tawag ay mabilis na kinuha ko ang backpack ko. Nilagay ko lang ang mga gamit na kailangan ko tulad ng phone, wallet, at kung ano ano pa. Pakiramdam ko isa akong kriminal na kailangan ng mag tago sa kung saan dahil anytime dadating na ang mga pulis.

Matapos magbihis ng pantalon, rubber at isang itim na hood jacket ay basta ko na lang tinali ang buhok ko at sinuot ang itim na cap ko.

Sandali pa kong tumitig sa pinto at nanginginig ang kamay na kinapitan ko ito. Bahagya pa kong nasilaw ng buksan ko ang pinto ay bumungad sakin ang mainit na sikat ng araw.

Tuloy tuloy lang ako sa pag lalakad at takot na umiiwas sa kahit na sino.

"Hoy! Aba! Kakaiba talaga yang topak mo no?!"

Sigaw sakin ng isang babaeng hindi ko kilala pero sa tingin ko ay kasama ko sya sa floor na to.

"Ayo ah! Kahapon lang halos mag hubad kana sa pang aakit sa boyfriend ko tapos ngayon balot na balot kana eh tirik na tirik ang araw!"

Narinig ko pa ang galit na pag tawag nya sakin pero hindi ko na sya pinansin at mabilis na binuksan ang pinto sa fire exit.

Patakbo akong bumaba ng hagdan at wala na akong paki kahit na may mabangga man ako. Tuloy tuloy lang ako sa pag labas ng building.

"Ano ba?! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!"

"Hindi ka man lang ba mag sosorry?!"

"Hey watch out!"

"Ouch! Bulag kaba?!"

"Hey, miss. Okay ka lang?"

"May problema ba?"

"Excuse me, ayos ka lang ba?"

Parang umiikot na ang paningin ko at paulit ulit na bumabalik sa isip ko ang mga sinasabi ng mga nababangga ko. Bawat hakbang ko may natatamaan ako, bawat tingin ko puro lalaki ang nakikita ko, bawat lingon ko puro galit na mukha ang bumubungad sakin.

"Loralai!"

Nanlaki ang mata ko ng may humawak sa balikat ko at bumungad sakin ang isang pamilyar na mukha...

"Are you okay?!"

Tanong nya na inalis pa hinawakan pa ko sa magkabilang pisngi.

"S-s-sino ka?!"
Sigaw ko sa kanya at mabilis na tinabig ang mga kamay nya.

Gulat na napatingin sya sakin at sunod sunod na napaatras ako ng humakbang sya palapit sakin.

"W-wag mo kong lalapitan! L-lumayo ka!!!"

"O-okay... Loralai, calm down. Its me! Bruno! Bruno Phillips!"

"L-lumayo ka! Lumayo ka!!!"

Agad na tumalikod ako at tumakbo palayo sa kanya. Nakapikit lang ako at walang paki sa mga nababangga.

Gusto kong makalayo sa kanila...

Gusto ko ng maging payapa!

Napahinto ako sa pag takbo at handa ng mag wala at itulak ang nakayakap sakin pero napaluha na lang ako ng bigkasin nya ang pangalan ko.

"Its me... Freyja its me..."
Hinihingal na sabi nya.

"Z-Zoe..."
Agad na niyakap ko sya at umiyak sa dibdib nya.

"Shhhh... its okay... everything will be alright."

**********

ZOE VAN

"Shhhh... its okay... everything will be alright."

Pag alo ko sa kanya at niyakap pa sya ng mahigpit.

Napatingin naman ako sa lalaking hinihingal pang nakatayo ngayon sa harap ko.

Bakas ang kalituhan at pag tataka sa mukha nya pero nanatili lang syang nakatayo at nanonood samin.

Sobrang saya ko talaga ng sa wakas ay sagutin ni Freyja ang tawag ko. Halos tatlong araw ko din syang hindi nakita kaya naman sobra talaga akong nag alala sa kanya.

"Stay here okay? Sandali lang ako."
Nakangiting paalam ko sa kanya ng marating namin ang kotse ko.

"S-san ka pupunta?"
Nag aalalang tanong nya.

"May kakausapin lang ako."
Nakangiti paring sabi ko.

"B-bilisan mo ha."

"Mmm."
Sabi ko na tumango pa at sinara na ang pinto ng kotse. Huminga muna ako ng malalim bago umikot at nag lakad palapit sa Detective na kanina pa naka masid lang samin sa isang gilid.

"Kung ganun, I assume na sya si Miss Freyja Ayala?"
Tanong nya na nakatanaw pa sa loob ng kotse ko.

"Mmm. She has androphobia. It is a condition where she gets so scared just by seeing or hearing a mans voice. Shes aloof also and i think hindi mo naman sya huhulihin dahil sa ginawa nya diba?"
Seryosong tanong ko tyaka sya nilingon.

"Im not a cop. Im a detective."
Nakangiting sabi nya at muling tumingin kay Freyja.

"Kaya pala ganun na lang ang takot nya sakin kanina. Im sorry. Pakisabi na rin sa kanya. Napagkamalan ko lang din syang si Lora kaya naman inapproach ko sya agad."
Agad na nilingon ko sya.

"Lora? I didnt know na close na pala kayo ni Loralai para tawagin mo syang ganyan."

Nakakapag taka talaga yun. Kahit ako ayaw nyang tatawagin lang syang Lora.

"A-ahm... y-yeah.. w-were somewhat... c-close."

Halatang hindi sya komportable sa pagsagot sa tanong ko.

"We need to go."
Sabi ko na lang at iniwan na sya.

"Wait!"
Agad na pigil nya kaya naman nahinto ako sa paglalakad pero hindi ko sya nilingon.

"If youre thinking about interviewing her, please... not now."
Sabi ko at muli syang hinarap.
"As you can see, hindi nya kayang kausapin ang lalaking tulad mo. At sa ngayon, wala pa sya sa tamang wisyo para kausapin so please..."

Hindi naman na sya nakaimik kaya naman tuluyan ko na syang iniwan.

Tahimik lang kaming dalawa ni Freyja sa loob ng sasakyan. Gusto ko na syang kausapin pero mas mabuti nang bigyan ko muna sya ng time para sa sarili nya, para makapag isip.

"Gusto mo bang kumain?"
Tanong ko ng makapasok na kami ng bahay.
"Baka nagugutom ka? Anong gusto mo? Inumin? Nauuhaw kaba? Hindi pa ko masyadong nakakapag grocery pero—"

Nahinto ako sa pagsasalita ng bigla nya akong niyakap.

"Im sorry..."
Sabi nya na nag sisimula ng umiyak sa dibdib ko. Malungkot man ay napangiti parin ako at niyakap sya ng mahigpit.

"Shhh... okay lang."
Sabi ko pero sunod sunod na umiling sya.

"Im very sorry. Im so sorry."

"Shhh. Wala kang kasalanan okay? Its just..."
Hindi ko matuloy ang gusto kong sabihin kaya naman niyakap ko na lang sya ng mas mahigpit.

"Im sorry. Im sorry kase dahil sakin kaya ka nahihirapan. P-palagi na lang gulo ang dala ko. P-palagi na lang kitang pinapahirapan... siguro... siguro dapat talaga nawala na lang ako."

Mabilis na humiwalay ako sa pag kakayakap sa kanya at hinawakan ang kamay nya. Ganun na lang ang gulat ko ng makita ang sugat sa pulsuhan nya.

"Freyja..."

"S-sinubukan ko pero... pero hindi ko kaya."
Muli syang humagulgol kaya niyakap ko ulit sya ng mahigpit.

"Shhh. Tama na. Wala kang kasalanan okay? H-hindi mo ginusto ang lahat. Wala kang kasalanan."
Tuluyan na nga rin akong naiyak.

Alam kong nahihirapan sya at nasasaktan ako kase wala akong magawa.

"Gusto ko ng makita si Mommy! Gusto ko si mommy!"
Atungal nya na mas lalong nag paiyak sakin.

Marami na kong sinubukan para sa kanya, marami na kong nilapitan pero lahat walang magawa para sa kondisyon nya.

Nasasaktan akong makita syang ganito. Nasasaktan akong makita ang babaeng mahal ko na nag kakaganito.

Matapos ang halos isang oras na pag iyak nya sa dibdib ko ay naupo na kami sa sala. Nanginginig ang kamay nya kaya naman inaalalayan ko sya maging sa pag inom ng tubig.

Muli kong inangat ang sleeve na soot nya at ginamot ang sugat na epekto na naman ng depresyon nya. Halos hindi ko na mabilang kung ilang peklat na ang nasa pulsuhan nya dahil sa paulit ulit na pag hiwa nya dito.

Naalala ko pa nung unang beses na nakita ko sya. Noon paman ay halos ikamatay na nya ang depression nya. Isa itong sakit na kung saan madalas ay nag dadala sa pasente sa kamatayan.

Depression is not a joke. It is a mood disorder that causes a persistent feeling of sadness and loss of interest. It affects how you feel, think and behave and can lead to a variety of emotional and physical problems. You may have trouble doing normal day-to-day activities, and depression may make you feel as if life isn't worth living. At yun ang kinakatakot ko.

"Hindi kaba napapagod sakin?"
Maya maya ay tanong nya. Nginitian ko sya para maparamdam sa kanyang masaya ako na kasama sya.

"Of course not. Kahit makulit ka, kahit iyakin ka, kahit madalas kang tahimik , kahit na nag susungit ka o kahit na minsan hindi na kita makilala, hinding hindi ako mapapagod sayo."

"Pero... bakit? Abnormal ako, wala akong kuwentang tao!"

"Freyja... Freyja!"
Sigaw ko na nagpatigil sa pag hihisterikal nya.

"Wag kang mag salita ng ganyan. Kahit kailan hindi abnormal ang pag kakaroon ng sakit! Isa pa, anong walang kuwentang tao?! Freyja hindi ka ganun!"

"P-pero... puro kasalanan ang nagagawa ko. Alam ko! Alam na alam ko!"
Malalim na napabuntong hininga ako. Hinawakan ko ang mag kabila nyang pisngi at tinignan sya ng deretso sa mga mata nya.

"Freyja, look at me. Hindi yan totoo okay? Wala kang kasalanan. Hindi mo kasalanan lahat ng yun."
Pinagdikit ko ang mga noon namin at napapikit sya ng halikan ko sya sa labi.

"I love you okay? Kahit kailan hindi kita susukuan. Hinding hindi."

Muli nya kong hinalikan.

"I love you too. Salamat.. salamat sa lahat. Salamat kase palagi kang nasa tabi ko. Hindi mo ko sinukuan, hindi mo ko tinalikuran kahit na puro problema lang ang dala ko. Salamat kase kahit na tinataboy kita palagi ka paring nasa tabi ko at umaalalay sakin. Im very bless dahil nakilala kita. Napakarami kong kasalanan na nagawa pero siguro nga sa kabila ng lahat ng nangyare sakin, mukhang hindi parin ako tintalikuran ng Diyos kase binigyan nya pa ko ng isang magandang regalo. Isang regalo na kahit kailan hindi ko inaasahang ibibigay nya. Akala ko ako na ang pinaka malas na tao. Akala ko buong buhay ko kinalimutan na ko ng Diyos pero dahil sayo... pakiramdam ko mahal Nya parin ako. Kase binigay ka nya sakin. Thank you so much. Thank you for accepting my flaws, thank you for loving me wholeheartedly. Thank you for everything."
Lumuluhang sabi nya habang hawak ang isa kong pisngi.

"God knows how much i love you Freyja. Mahal na mahal kita. Lahat handa kong tanggapin dahil ang mahalaga sakin ay ikaw. Mahal na mahal kita Freyja. Mahal na mahal. Kaya nasasaktan akong makita kang ganito at mas lalo akong nasasaktan sa tuwing sinusukuan mo ang sarili mo. Please dont leave me."

"I cant promise but i will try."

Muling nag dikit ang mga labi namin. Parehong tumutulo ang mga luha namin habang unti unti ng lumalalim ang halikan naming dalawa.

Hindi ko alam kung bakit nga ba ganito kalalim ang nararamdaman ko sa kanya. Kahit noon pa man hindi na maganda ang nangyayare sa kanya. Palagi syang mag isa, takot sa iba, walang kasama, palaging malungkot at ni isang kaibigan wala talaga sya.

Nakakalungkot na ang nag iisang sandalan nya, ang nanay nya ay nawala din dahil hindi kinaya ang masasakit na karahasan na nangyare sa kanya.

Kahit sino maaawa sa sitwasyon ni Freyja. Hindi sapat ang salitang sakit sa mga naranasan nya dahil buong buhay nya naging impyerno talaga.

"Hmm. Freyja... i love you."

Ungol ko ng simulan maramdaman na ang daliri nya doon.

Mahal na mahal ko talaga ang babaeng to. Tinakwil ako ng mga kamag anak ko ng malamang babae din ang karelasyon ko and worst may sakit pa. Maraming humusga saming dalawa, maraming nagalit at maraming nanghinayang pero ako, kahit kailan hindi ko pinagsisisihan na minahal ko sya.

"B-bakit ba l-lagi kang nakadikit sakin? B-bakit mo ko kinakausap? A-abnormal ako. B-baka mahawa ka ng sakit ko."

Yun ang unang mga salitang narinig ko mula sa kanya. Simula kase ng ibully sya ay nag ipon ako ng lakas ng loob para ipag tanggol sya sa kanila. Tinanggap ko ang mga pang aasar nila, ang mga pang bubully din nila sakin.

"Hindi kaba nagagalit sa kanila?"

Hanggang ngayon yan ang gusto kong itanong sa kanya. Noon hindi ko maintindihan ang personaliting meron sya pero unti unti hanggang sa tumagal, naintindihan ko na ang lahat.

"Hindi ka abnormal, Freyja. Isa kang matapang at malakas na taong nakilala ko. Kahit kailan hindi basehan ang pagiging malusog para lang masabi na normal ka. Oo nga maraming tao ang wala ng karamdamang meron ka pero di hamak na mas tao ka pang trumato kesa sa kanila. Hindi virus ang karamdaman mo para layuan ka dahil kahit kailan hindi naman yan nakakahawa. Alam mo kung ano ang tunay na sakit na dapat mong katakutan?"

Tanong ko pero umiling lang sya sakin.

"Yun ay ang sakit na meron ang ating lipunan, ang sakit na apakan ang iba para sa ikakasaya nila at ang kalimutan ang katarungan dahil mas lumalamang ang yaman. Iyon ang tunay na sakit na kumakalat sa mundo natin."

Sa tuwing maiisip ko lahat ng nangyare sa kanya, gusto kong mag higanti.

Hindi ko inaakalang ganun na kasama ang mundo natin, na talagang pera na lang ang umiiral.

Hindi kabilang sa mahihirap sa lipunan ang pamilya ni Freyja, isang sikat na doctor ang mommy nya at kung tutuusin mas mayaman pa sila samin pero kulang ang yamang meron sila para malagay sa kulungan ang mga taong sumira sa buhay nya.

Money really can buy anything... cars, houses, fame, positions, professions, human and even our laws.

Mahirap tanggapin pero yun ang totoo, kaya mong kontrolin ang lahat basta mapera ka, kaya mong bilhin lahat basta mayaman ka at kaya mong manipulahin ang lahat basta ikaw ang nakakaangat sa kanila.

"I love you... mahal na mahal kita Freyja."

Hinihingal na ungol ko na mas lalong hinigpitan ang yakap sa kanya.

"Mahal din kita Zoe... mahal na mahal.."

Muli ko syang hinila at hinalikan.

Sobrang saya ko talaga na nasa tabi ko na ulit sya at ngayon, hindi ko na hahayaang mawala pa sya sakin.

Pinag palit ko ang posisyon namin. Ako naman ang nasa ibabaw nya para pasayahin sya. Napuno ng ungol ang buong bahay at hindi kami tumigil hanggat hindi kami dinadalaw ng pagod.

"Are you okay?"
Hinihingal na tanong ko.

Sa halip na sumagot ay niyakap nya lang ako ng mahigpit. Sa yakap na yun ay nabura ang lamig na nanggagaling sa sahig at maging ang mga pagaalala ko.

"Promise me you wont leave me."
Bulong ko sa kanya pero hindi sya sumagot. Niyakap nya lang ako ng mas mahigpit na para bang takot din syang mawala ako.

"Promise me youll love me despite of all my mistakes."
Maya maya ay bulong nya.

Matagal na kitang minahal Freyja. Matagal ko ng minahal ang lahat sayo, kahit na ang masamang nakaraan mo at kahit ngayon.

"I promise. I'll love you more than anything."

At gagawin ko ang lahat para sayo, lahat lahat basta para sa ikakabuti mo.

Hindi ko hahayaang mawala ka sakin.

At lalong hindi ko hahayaang matalo ka sa laban na to.


❤️JeyEmMen❤️

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

447K 1.2K 5
Alexandra, sanay n lahat na ay nakukuha, lalong lalo na sa babae. Mapa straight man yan kaya niang kunin. Pero anung gagawin nia kung ang prospect n...
1.4M 32.5K 29
Luke and Aviona - A romance that blosssomed in a society where a governor cannot love the daughter of a prostitute. R18 Adult content
382K 5.9K 31
This is the second book of Marrying a Stranger, a story about two strangers who got married, namely Alex and Cathy. What will happen after their marr...
842K 40.4K 60
Dominique Selenophile * Mikaela Rielle