The Heartless Master (Savage...

By Maria_CarCat

7.1M 229K 48.5K

His Punishments can kill you More

The Heartless Master
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Special Chapter
SAVAGE BEAST SERIES SELF-PUB

Chapter 57

93K 3.5K 476
By Maria_CarCat

Anak








"Piero hijo..." tawag ni Doctor Guevarra sa akin. Nanginginig ang aking kamao, nabahiran ng aking dugo sa kamay ang kulay puting pader ng hospital.

Nilunok ko ang pride ko, kahit halos ata matagal ng nawala iyon sa akin. Humarap ako sa kanyang Ama, kailangan ko siyang pakiusapan.

"Sasama po ako, hindi kailangang malaman ni Amaryllis" desididong saad ko sa kanya. Hinawakan niya ako sa aking balikat.

"Hindi mo naiintindihan anak..."

Tangina! Paano ko maiintindihan, walang nagpapaintindi sa akin, they keep on pushing me away, kailangan ko ng explanation.

"Ang gusto ng anak ko. Kung ano man ang mangyari sa kanyang sa america...wala kang ibang iisipin kundi malayo lang siya sayo. Gusto niyang isipin mo na lumayo lang siya, ayaw niyang maramdaman mong wala na siya. Naiintindihan mo ba iyon Piero?" Pagpapaliwanag niya sa akin. Marahas akong umiling sa lanya. Never kong maiintindihan ito.

"Kung mamatay man siya. Gusto niyang isipin mo na nabubuhay pa din siya, kahit hindi mo siya nakikita...ayaw ka niyang mamatay. Gusto niyang mabuhay ka" pagpapatuloy niya. Mas lalong bumigat ang dibdib ko. Bakit kailangang ganito? Bakit ganito?

"Gusto niyong mabuhay ako? Magisa? Mabuhay ako, na wala siya?" Galit na giit ko sa kanya. Kita ko ang simpatya sa mata ni Doctor Guevarra.

"Mas madali iyon para sayo, mas magiging madali iyon para sa anak ko. Let her go..." marahang sabi niya sa akin.

Gustong sumabog ng dibdib ko. What the hell! Kayang kaya kong mamatay para sa kanya, bakit ginagawa niya sa akin ito? Gusto niyang mabuhay ako kahit wala siya? That's bullshit!

Naikuyom ko ang aking kamao, hindi ako papayag! Muli akong umikot para pumasok sa kanyang kwarto. Nagulat pa siya ng buksan ko ang pintuan, mas lalong umakyat ang dugo sa ulo ko ng makita ko kung gaano na siya handang umalis. Aalis na talaga siya.

"Piero...ano pang ginagawa mo dito?" Gulat na tanong niya sa akin. Nagtiim bagang ako ng makita kong basa ng luha ang kanyang pisngi, umiiyak siya! Sigurado akong ayaw niya ding gawin ito.

Parang bula, naglaho ang lahat ng galit ko. Unti unting humupa ang init ng aking ulo. Dahan dahan akong naglakad papalapit sa kanya, kumirot ang puso ko ng makita ko kung paano siya humakbang paatras sa akin.

"Wag mo akong iwan dito, sasama ako sayo" pakiusap ko sa kanya. Kagaya ko, unti unting tumulo ang kayang mga luha. Pilit niya iyong itinago sa akin sa pamamagitan ng marahas na pagiling.

"Ayoko. Hayaan mo na ako!" Laban niya sa akin.

Sinubukan kong hawakan ang kanyang siko. Pilit niya iyong inilayo sa akin. "Wag mo na akong pahirapan, Piero...parang awa mo na" umiiya na pakiusap niya sa akin. Biglang nawalan ng hangin ang aking buong katawan.

Ako? Pinapahirapan ko siya? Paano?

"Parang awa mo na din, sasama ako" madiing sambit, sinadya kong titigan siya sa kanyang mga mata. Ibinalik niya iyon sa akin, hanggang sa nanlaki ang mga iyon dahil sa aking dahan dahang pagluhod.

"Please baby..." malambing napagsusumamo ko sa kanya. Nanatili akong nakaluhod sa kanyang harapan. Narinig ko ang pagprotesta ni Doctor Guevarra sa aming likuran, hindi ko siya pinansin.

Hindi ko na siya halos makita ng maayos dahil sa namuong luha sa aking mga mata. "Please..." pakiusap kong muli.

Napapikit ako ng marahan niyang ikinulong ang aking magkabilang pisngi ng kanyang mga palad. Ramdam ko ang panginginig ng kanyang mga kamay.

"Kung talagang mahal mo ako, piliin mong mabuhay...marami ka pang rason para ipagpatuloy ang buhay mo Piero" pagpapaintindi niya sa akin, rinig ko din ang bawat paghikbi niya habang sinasabi niya iyon.

Hinawakan ko ang kamay niyang nasa pisngi ko. "Wala na...iiwan mo ako. Anong rason pa ang gusto mong tingnan ko?" Giit ko sa kanya, tangina! Hindi nila ako naiintindihan.

Marahan siyang umiling. Kinabig niya ang aking batok papalapit sa kanya. Ang aking mukha ngayon ay nasa kanyang bandang tiyan. Mas lalo kong niyakap ng mahigpit ang kanyang bewang.

"Bibigyan kita ng rason para mabuhay...pangako ko yan" paninigurado niya sa akin. Kumunot ang noo ko, hindi ko siya maintindihan.

"Kailangan na nating umalis" deklara ni Doctor Guevarra mula sa aming likuran. Marahas akong umiling, mas lalong humigpit ang yakap ko sa kanya, hindi! Hindi ko siya papakawalan.

"Piero tama na...bitaw na" umiiyak na pakiusap niya sa akin.

Naramdaman ko pa ang marahan niyang paghalik sa aking ulo. Unti unting nanghina ang aking mga kamay sa kanyang sinabi.

"Naalala mo nung sinubukan mo akong iwala sa mall, tapos binalikan mo ako? Tapos ang sabi mo sa akin, palagi mo akong babalikan?" Umiiyak nakwento niya. Hindi ko nagawang tumango kahit pa naaalala ko kung ano yunh sinasabi niya.

"Ganuon din naman ako sayo. Di ba, sabi ko gagawa ako ng paraan para makabalik sayo...palagi?" Malambing na sabi niya sa akin. Mas lalo akong nanghihina dahil sa kanyang boses. Walang wala na ako, ubos na ubos na.

Marahan niyang hinaplos ang aking pisngi. "Kung hindi man ako makabalik ng buo, may parte sa aking babalik para sayo. Palagi kong ipaparamdam sayo na binalikan kita, na hindi ako nawala" pumiyok ng sabi niya. Hindi na din niya kinaya ang kanyang emosyon.

Mabilis siyang nilapitan ni Doctor Guevarra. Bumagsak ang mga mata ko sa sahig. "Tama na ito, kailangan na nating umalis" marahan niyang yaya sa kanyang anak.

Hindi ko nagawang tumingala pa sa kanya. Hindi na ako gumalaw. Parang naubos ang lahat ng lakas na meron ako. Kagaya ng dahan dahang paglayo niya sa akin, kasama niyang umaalis ang lakas ko.

"Bring my heart with you, Amaryllis" mahinahong saad ko. Naramdaman ko ang pagtigil nila sa aking likuran.

"I'm heartless without you..."

Unti unting bumalik sa akin ang lahat. Kasing bilis ng aking pagkurap lumipas ang mga araw, buwan at taon. Mula sa mariing pagkakapikit ay namulat ako, muling nadatnan ang pamilyar na kisame nh hospital. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na itong nadatnan.

Napamura ako sa aking isipan ng makumpirmang buhay pa ako. Tangina! Kailan ba ako matutuluyan?

"Piero" tawag ni Daddy sa akin. Blanko ang kanyang ekspresyon habang nakatingin sa akin. Mula sa pagkakahiga ko sa hospital bed ay dahan dahan akong umayos ng upo.

Nasa hospital nanaman ako, matapos ang isa nanamang aksidenteng nasangkutan ko. "Pangatlo na ito sa loob ng isang buwan...nagpapakamatay ka? Pati ang mommy mo idadamay mo?" Galit na tanong niya sa akin.

Bayolente akong napalunok. Nakita ko ang nakahigang si Mommy sa may Sofa, tulog na tulog ito. Kahit ganuon ay alam kong galing ito sa matinding pagiyak.

"Hindi lang sarili mo ang pinapatay mo anak, pati kaming mga taong nasa paligid mo" galit pa ding saad ni Daddy. Kahit pa kausapin niya ako ng mahinahon ay ramdam ko pa din ang gakit, ay pagaalala sa kanyang boses.

Hindi ako nakasagot, nanatiling nakatitig sa aking paanan. "Alam mo ba kung gaano ito kasakit para sa Mommy niyo? Muntik siyang mamatay maipanganak lang kayong apat, tapos kung patayin mo ang sarili mo, ganun ganun na lang?" Mas madiing sabi niya.

Bumigat ang dibdib ko, muli kong sinulyapan ang natutulog na si Mommy sa may sofa. Bigla akong naguilty, nitong nagdaang taon, wala na akong inisip kundi ang sarili ko, kung paano ko papatayin ang sarili ko.

Umangat ang tingin ko sa kanya ng hawakan niya ako sa aking balikat. "Iniwan ka ni Amaryllis 3 years ago para mabuhay ka, sa tingin mo ba magugustuhan niya itong ginagawa mo?"

Mas lalong bumigat ang dibdib ko. Muli kong naisip kung paano ako nabuhay magisa sa loob ng tatlong taon na wala siya. Tatlong taon na wala siya. Tangina.

Hindi ako nakasagot kay Daddy. Iba ang dating ng mga salita niya sa akin, naiimtindihan ko siya. Walang ibang pwedeng makaintindi sa nararamdaman ko ngayon kundi siya lang. He was been here before. Alam niya kung ano ang pakiramdam.

Hindi din nagtagal ng magising si Mommy. Mabilis siyang inalo ni Daddy dahil sa pagbuhos ng kanyang emosyon. Mahigpit lamang niya akong niyakap habang umiiyak, alam kong marami siyang gustong sabihin sa akin, pero tanging pagiyak lang ang nagawa niya ngayon.

"Hindi mo ba ako mahal Piero? Hindi mo ba ako mahal?" Emosyonal na tanong ni Mommy sa akin. Nanatili siyang nakayakap sa akin.

"Mahal kita Mommy..."

Naapaayos siya ng tayo, hinawakan niya ang pisngi ko para maiharap ng maayos sa kanya. "Gusto mong magpakamatay? Anak alam mo bang iniisip mo pa lang yan, namatay na ako. Mauuna akong mamamatay sayo Piero...naiintindihan mo ba iyon? Dahil diyan sa ginagawa mo, nauna mo na akong pinatay" emosyonal na paliwanag niya sa akin. Bumigat ang tingin ni Daddy sa akin.

Alam kong mali, mahal ko siya Mommy. Pero paano naman ako? Hindi ko na alam ang gagawin ko.

"I'm sorry, Mom..." paos na sabi ko sa kanya bago ko siya hinalikan sa kanyang ulo.

I feel so guilty para gawin ito sa kanya. Hindi ko siya inisip, hindi ko siya tiningnan habang paulit ulit akong umaasa na hindi na ako magigising matapos kong maaksidente. After that day, sinubukan kong bumalik sa dati. Sibukan ko lang...pero hindi ibig sabihin nakakalimutan ko ang lahat.

"Welcome back to the office?" Alanganing tanong ni Lance sa akin.

Tamad ko lamang siyang tinapunan ng tingin. Nanatili akong nakaupo sa aking swivel chair habang pinaglalaruan ang aking pangibabang labi.

"Ninong ka ha..." nakangising sabi niya sa akim sabay lahad ng invitation para sa binyag ng pangalawa nilang anak ni Sarah.

Napatitig ako sa inivitation na iyon. Maraming nangyari at nagbago sa loob ng tatlong taon. Bakit parang hindi ko naramdaman? Bakit parang walang nangyari sa akin sa loob ng mga nagdaang taon.

Tumango na lamang ako kay Lance kaya naman mas lalong lumawak ang kanyang ngiti. Kinuha ko ang invitation na iyon at tsaka itinago sa drawer ko.

"Maguumpisa ka na ba ngayon? O tambay ka lang dito?" Tanong niya sa akin kaya naman inirapan ko siya.

"Amputa, umalis ka na nga lang sa harapan ko" inis na pagtataboy ko sa kanya.

Napailing na lamang ako dahil kay Lance. Wala ba akong ginawa sa mga nagdaang taon? Halos bumagsak ang companyang hinahawakan ko mahanap lang si Amaryllis. Kung hindi pa ako tinulungan ng mga kapatid ko ay baka nawala na din ito sa amin.

"Lumabas tayo mamaya" yaya ko sa kanya. Inismiran niya ako. Alam ko na ang sagot ng gago.

"Hindi pwede, alam mo na hands on ako kay Misis at sa mga bata" nakangising sabi niya sa akin, may pataas taas pa ng kilay ang gago.

Inirapan ko siya. Kita ko sa kanyang ang pagiging matured, lalo na at dalawa na ang anak niya. Kahit pa naman nung isa pa lang, mas dumoble nga lang ngayon.

"Iinom ka nanaman? Gusto mo nanamang magpakamatay...hindi ka ba naaawa kay Ma'm Maria?" Tanong niya sa akin. Mas lalo kong pinaglaruan ang aking pangibabang labi.

"Iinom lang lance, hindi magpapakamatay. Hindi na" seryosong sagot ko sa kanya. Nagtaas lamang siya sa akin ng kilay na para bang hindi siya naniniwala sa akin.

Sa inis ko ay binato ko na lamang siya ng ballpen na nakapatong sa itaas ng aking office table. "Lumayas ka na" pagtataboy ko pa din sa kanya pero napahalakhak lang ang gago.

"Tama na iyan Piero. Alam mo na ang sagot, mukhang ayaw ka pang tanggapin ng langit" pangaasar pa din niya sa akin.

Napailing na lamang ako habang pinapanuod ang kanyang paglabas. Muling bumalik ang tingin ko sa picture frame na nakapatong sa itaas ng aking lamesa. It was my baby, my Amaryllis. I miss her so damn much. Kaya kong gawin ang lahat makita ko lang ulit siya, kaya kong mamatay makasama ko lang ulit siya.

I want to hug her, to kiss her. 3 years without her is like a lifetime.

Nagtagumpay siya sa plano niya. Hanggang ngayon, wala akong alam kung nasaan siyang parte ng america. Hindi sa wala akong magawa, marahil dahil may parte sa aking takot na malaman ang totoo. Tama si Amaryllis, mas mabuti ng isipin kong malayo lang siya sa akin, kesa ipamukha sa akin na wala na siya.

Napabuntong hininga ako ng maramdaman ang pagsikip ng aking dibdib. Hindi ko pa din kaya, gusto kong sumigaw para tanggalin ang kung anong malaking bagay ang nakadagan sa aking dibdib. Hinarap ko ang malaking glasswall kung saan kita ko ang buong makati, ang nagtataasang building na katabi namin. Ang abalang kalsada sa baba.

I want her back. I want her damn much.

Kusang tumulo ang luha mula sa aking mga mata. Damn, asaan na siya ngayon? Is she even alive? If i'll push thru to the investigation, pwedeng pwede ko siyang makita. Ngunit ang huling balita ko ay nasa hospital siya somewhere in LA. Gusto kong pumunta duon, gusto kong sumunod.

But i need to respect her. Kailangan kong respetuhin an kagustuhan niyang dumito lang ako at magintay sa kanya. Kung hindi siya babalik sa akin, siguradong susunod ako sa kanya. Bakit hindi pa ako natuluyan? Why baby? Ayaw mo ba akong makasama?

Mariin akong pumikit ng muling bumuhos sa akin ang alaala, kung paano ko siya gustong mawala nuon.

Mula sa gitna ng mataong mall ay nakatingala siya sa akin. Tinitigan ko siya, ang batang ito! Inaagaw niya ang atensyon ng Mommy at Daddy ko!

Napangisi ako dahil sa naisip. "Goodbye chanak"

Nakita ko ang takot sa kanyang mga mata, unti unti ding namula ang mga ito, mukhang alam na niya kung anong kahihinatnan niya ngayon.

"Kuya Piero" tawag niya sa akin. Nagawa pa niyang hawakan ang kamay ko. Matapos ko siyang bitawan ay siya naman ngayon ang humawak sa akin. Napatitig ako duon, parang may kung ano akong naramdaman habang pinapakiramdaman ang kanyang kamay sa aking braso.

"Wag mo po akong iwanan dito" pakiusap pa niya sa akin at ngayon ay talagang umiiyak na.

Hindi! You deserve it!

"Natatakot po ako, Kuya Piero..." 

Bago pa magbago ang aking isip ay kaagad ko ng tinanggal ang pagkakahawak niya sa akin. Walang sabi sabi ko siyang tinalikuran at nagmadaling umalis duon ng hindi siya nililingon.

Fuck!

Hindi pa ako nakakailang hakbang ay kaagad na akong napahinto. Some of her facial features flashes on my mind. The fuck! What the hell is wrong with me this time. May mali talaga sa batang iyon!

Mas lalong kumapal ang tao. I was about to call her ng makita kong wala na siya sa pinagiwanan ko sa kanya kanina.

Habol habol ko anh aking hininga. Hindi ito ang inieexpect ko. Dapat ay masaya na ako ngayon dahil nawala ko na siya. Why the hell!

Sinubukan kong magtanong sa mga guard. Hindi ako natakot na mapagalitan nina mommy at daddy. Mas takot akong hindi ko na siya mahanap, mas natakot akong tuluyan ko na siyang mawala. Hindi pwede!

"Tumakbo yung bata! Inaway ang anak ko!" Paghynysterical ng isang ginang. Hindi ko sila pinansin, malakas ang kutob ko na si Sachi ang batang tinutukoy niya.

Nakahinga lamang ako ng maluwag ng makita ko na siya. Nakaupo ito ngayon at nakasandal sa pader. Umiiyak. Mas lalong bumigat ang loob ko. Anong ginawa mo Piero? Tangina!

Kaagad niya akong niyakap ng makita niya ako. Hindi iyon ang inaasahan ko. Ang buong akala ko ay magagalit siya, but hindi. Niyakap pa niya ako! Niyakap niya ako dahil tuwang tuwa siyang makita ako.

"Wag ka ng umiyak, panget" asar ko sa kanya. Sinabi ko iyon para itago ang tunay na nararamdaman. I feel so relief. Akala ko talaga nawala ko na siya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, the moment i left her at hindi ko siya nakita. Something inside me awaken. Yung pakiramdam na mawala siya, that feeling made me realize something.

"Lagi akong babalik..." pagpapaalala ko sa kanya.

All this time pala ay mali ako. Hindi ako ang palaging bumabalik para sa kanya, siya ang bumabalik para sa akin. All along wala akong ginawa kundi ang maghintay. Ilang beses siyang nawala sa akin? Ilang beses siyang nawala na hindi ko namamalayan?

"C'mon baby, come home for me..." madiing bulong ko sa kawalan. Maghihintay ako, hindi ako magsasawang maghintay. Tama siya, kailangan kong mabuhay. At kung habang buhay akong dapat maghintay nh pagbabalik niya, I would die waiting.

Nawala ako sa aking iniisip ng marinig ko ang pagtunog ng aking intercom. "Sir Piero, nandito po si Sir Tadeo" anunsyo niya.

"Papasukin mo"

Tamad akong bumalik sa pagkakaupo sa aking swivel chair. Tumaas ang aking kilay ng makita ko ang ayos ng aking sundalong kapatid. Just like me, pinili niyang magbagong buhay para sa sarili niyang pamilya.

Bumaba ang hawak niyang bata, tumakbo ito papunta sa akin. Inusod ko ang swivel chair para mas lalo siyang makayakap. "Good morning tito Piero" ngiting ngiting bati niya sa akin, humalik pa ito sa aking pisngi bago siya muling bumalik sa kanyang Daddy.

"Baby sitting huh?"

Napangisi si Tadeo, ikinandong ang kanyang anak habang nakaupo sa aking harapan. Kahit pa nakakandong na sa kanyang ama ay nagawa pa din niya akong ngitian. Ang kanyang kulot na buhok kagaya ng kay Castellana ay nakatali sa magkabilang gilid ng kanyang ulo.

"Tito Piero, do you want one?" Tanong niya sa akin at ipinakita ang hawak na lalagyanan na may lamang gummy bears.

Nakangiti akong umiling sa kanya. "Tito is fine Castaniel"

Tumango tango na lamang siya bago siya bumaling sa kanyang ama. Kaagad na isinubo sa aking kapatid ang hawak na gummy bears. Walang nagawa si Tadeo kundi kainin iyon.

"Dadalhin ng secretary ko dito ang mga documents na kailangan mong pirmahan" paguumpisa niya. Tamad ko siyang tinanguan.

I want a family too. With Amaryllis.

"Buntis nanaman ang asawa mo, kinawawa mo ang bata" pangaasar ko sa kanya, para tanggalin ang lungkot na aking nararamdaman.

Sumama ang tingin sa akin nito. Nagagalit siya sa tuwing tinatawag kong bata ang asawa niya. "Damn it Piero, baka marinig ka ng anak ko" galit na suway niya sa akin kaya naman napangisi lamang ako.

Inirapan niya ako bago niya hinalikan ang anak. "Mas matanda ka din naman kay Amaryllis. Damn you" balik niya sa akin.

Umalis si Tadeo kasama ang kanyang anak. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatitig sa pintuang nilabasan nila. I want one too...kahit isang anak lang galing kay Amaryllis. Kahit isa lang ang maging anak namin, ayos lang sa akin.

Bata pa lang, inggit na ako kay Tadeo, siya kasi ang unang nagustuhan ni Sachi sa aming apat. Pagkatapos nuon, lahat na lang ata ay ginawa ko ng kumpetensya pagdating sa kanya.

Tumunog muli ang intercom. "Sir Piero. Kailangan niyo daw pong umuwi sa inyo. ASAP"

Kumunot ang noo ko. "Who said?" Tamad pang tanong ko sa kanya.

"Si Ma'm Maria po. Hindi niya daw po kayo macontact, may bisita daw po kayo sa inyong bahay. Doctor Vicente guevarra with her daughter"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. After 3 years, binalikan niya na ako?

Iyon na ata ang pinaka mabilis na pagpapatakbo na ginawa ko. Malakas ang kabog ng aking dibdib, masaya ako na kinakabahan. Hindi ko na nagawang ipasok ang aking sasakyan pagdating ko sa aming bahay. Lumabas ako sa sasakyan at kaagad na tumakbo.

"Piero..." tawag ni Mommy sa akin.

Napahinto ako sa aking kinatatayuan. Sa kanyang harapan ay si Doctor Guevarra, nasaan si Amaryllis? Tipid niya akong nginitian. Hindi ko alam kung para saan ang ngiting iyon.

"Ang asawa ko?" Matapang na tanong ko sa kanya.

Awtomatikong tumigil ang pagtibok ng puso ko ng marahan siyang umiling sa akin. What the fuck. Kita ko ang muling pagiyak ni Mommy, tahimik lamang iyon. Pilit na itinatago sa akin.

Biglang nanghina ang aking buong katawan, napatitig na lamang ako kay Doctor Guevarra ng lumapit siya sa akin. May dala itong maliit na bag, hindi ko alam kung para saan iyon.

"May gustong magpakilala sayo, nasa garden siya" marahang sabi niya sa akin.

Hindi ko alam kung susunod ba ako o iiyak na lang sa kinatatayuan ko. Kahit mabigat ang aking dibdib ay nagawa kong magtungonsa garden. Para harapin ang taong gusto daw akong makita.

Bumigat ang aking bawat hakbang ng makita ko na siya. Ang kanyang mahahabang pilik mata, ang kanyang mga mata, ang labi, ang buhok niya...ang bangs.

Parang si Amaryllis. Maliit na version ni Amaryllis.

Sino ang batang ito? Tangina, parang sasabog ang dibdib ko. Kahit pa nahihirapan ay lumapit ako sa kanya. Nakaupo siya ngayon sa dulo ng slide na pinaglalaruan ni Castaniel sa tuwing nandito siya.

Bayolente akong napalunok ng tuluyan akong lumuhod sa kanyang harapan. Damn it! Unti unting tumulo ang aking masasaganang luha. Ito ba? Ito ba ang parte sa iyong babalik para sa akin?

Ang anak natin?

"Nice bangs..." pumiyok pang puna ko sa kanya. Tumingin siya sa akin, hindi ko alam kung naintindihan niya ang sinabi ko pero matamis niya akong nginitian.

Damn it. I want Amaryllis too.




















(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 175K 58
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
9.2M 248K 66
The Doctor is out. He's hiding something
21M 514K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]