The Nerd Girl Change Into Pri...

بواسطة Chimiyellow

84.4K 2.6K 193

المزيد

Prologue.
1.
2.
3.
4.
6.
Chapter 10
Can i Court You ?
Can I Court You Part 1
Can You Do My Favor ?
New Friend " Ken Salvador "
Who Is She ?
Stephanie Dela Cruz ~~
Meet Kristine Diana Ang ^^
Nothing !
Taking Pictures
The Pain
Best Day Ever !
Friends
I Think I Like Her ?
I Like Him
Dapat mong basahin..

5.

4.6K 141 3
بواسطة Chimiyellow

Freya's POV

Naalimpungatan ako ng may tumatamang malamig na bagay sa paa ko. Pinilit kong idilat ang mata ko para tignan kung ano ang bagay nayon at napabalikwas ako ng bangon ng makita ko si kuya na nakangiting nakakaloko sakin.

"Kuya! What the hell are you doing here?!" Tumawa naman ng tumawa ang kuya ko at ibinato sakin ang isang pirasong yelong hawak nya. Sa inis ko kinuha koyon at ibinato sakanya at sakto namang sa muka nya tumama.

"Ouch! How dare you! Nagkaboyfriend kalang naging sadista kana! Gusto mong bugbugin ko yon sa harap mo ha?!" Paninindak nya pero nanatili kong nakatingin ng masama sakanya at niyukom ang dalawang kamao ko.

"Get. The. Hell. Out. Of. My. ROOM!" Halos maputol ang ugat ko sa leeg sa labis na sigaw at labis na inis.

"Okay! Okay! Sorry! I just want to wake you up! Malalate na tayo sa school tulog kapa din! Bangon! Panget!" Dali dali naman syang tumakbo palabas ng kwarto ko at ako napahilamos nalang sa mukha ko.

I hate spare keys. Sa susunod ipapaiba ko ang lock ng kwarto ko! Bullshit!

Nagunat ako. Napangiti ako ng maalala ko kung ano man yung nangyari kagabi. Sa sobrang kasiyahang nararamdaman ko ngayon nagsimula nanaman tumibok ng mabilis ang puso ko. Agad akong napahawak don at napapikit.

"Urgh! Not now. Not now. Not now." Paulit ulit na sabi ko habang tinitiis ang sakit ng dibdib ko. Napapahawak ako ng mahigpit sa kama ko at napapapikit sa sakit.

Alam kong bawal sakin ang sumobra sa saya pero hindi ko mapigilan kasi kusa kotong nararamdaman. Sumasakit ang dibdib ko sa tuwing magugulat, natatakot, kinakabahan, sumasaya ng sobra, at nasasaktan. Mahirap magkaron ng butas sa puso dahil limitado lang ang pwede mong gawin.

Ayokong ipaalam ang nararamdaman ko sa pamilya ko dahil ayokong magpabigat sakanila. Alam kong masyado silang busy sa mga company namin at wala akong balak na makisiksik sa mga gawain nila. Ayokong makadagdag ako sa mga pinaghihirapan nila.

Nagmagsimulang kumalma ang puso ko unti unting nawawala ang sakit at nakakahinga ako ng maayos.

Bumangon ako at pumunta sa human size mirror ko. Pinagmasdan ko ang kabuuan ko. Mukha akong normal na tao na nerd ang datingan pero deep in side limitado lang ang pwede kong gawin sa buhay. Dahil once na may mangyaring hindi maganda mawawala akong parang bula sa mundo nato at ng dahil sa pamilya ko lalaban ako. Magiging mas matatag ako at kakayanin ko to.

Inihanda ko ang mga kasuotan na gagamitin ko sa pagpasok at pumasok sa banyo at nagsimulang maglinis ng katawan.

Habang nakatayo sa harap ng shower pinakikiramdaman ko ang bawat pagpatak ng tubig sa katawan ko at iniisip yung sinabi nya sakin kagabi.

"Babe, bukas na bukas ipapakilala kita kay mommy."

Agad akong napangiti ng malaki. Pinipilit kong wag maging masaya ng sobra dahil ayoko ng makaramdam ng sakit sa dibdib ko.

"Sana panglife time na ito." Mahinang bulong ko sa sarili at napatingala at dinama ang bawat pag patak ng tubig sa mukha ko.

Matapos akong maligo nagbihis ako at sinuot ang naglalakihang salamin ko. Kinuha ko ang mga gamit ko at bumaba at nagtungo sa dining area.

"O anak, Ang tagal mo naman kanina kapa namin hinihintay. Kumain kana dito at malalate na kayo ng kuya mo." Humalik ako sa pisngi ni mommy at daddy. Tumabi ako kay kuya at nagsimulang maglagay ng makakain sa plato ko.

"Anak sino pala yung kasama mo kagabi? Bakit ginabi ka masyado ng uwi?" Muntik nakong mabilaukan sa kinakain ng magtanong si mommy.

"Mommy si a---"

"Omygad! I'm happy dahil tinatawag mokong mommy again!" Napasimangot ako sa sinabi ni mommy. Napakababaw talaga ng kaligayan nya.

"So sino nga pala ulit?" Balik tanong nya.

"Si Xa---"

"Boyfriend nya mom." Natigilan ako sa sinabi ni kuya at dahan dahan akong lumingon sa kanya ng masama ang tingin at parang tinatanong kosya gamit ang mata na ano bang sinasabi nya.

"B-boy what?" Napalingon ako kay mommy at this time bigla akong nahiya. Humanda ka sakin kuya! How dare you!

"M-mom, don't listen to him. Mali kayo ng inii---" Napatigil ako sa pagsasalita ng biglang tumili si mommy kaya naiwan akong nakanganga.

"I'm so proud of you baby! I want to meet your boyfriend! Hihihihi! Emeged, I'm excited!" Tulala akong nakatingin kay mommy at pinipilit magisip kung tama bayung naririnig ko.

"Right baby, kailangan namin makilala ang maswerteng lalaking yan. I want to meet him later." Literal na nanlaki ang mata ko sa sinabi ni daddy.

"P-pero dad n--"

"No buts." Sabat ni kuya. Kahit kelan napakaepal nya! Humanda talaga sya sakin!!!!!! d>_<b

"O-okay." Nanlumo ako kasi alam kong wala nakong magagawa. Inubos ko ang pagkain at agad na dumeretso palabas at sumakay sa kotse na maghahatid samin.

Pano ko to sasabihin sakanya? How? This is bullshit! Nahihiya akong magsabi sakanya! Baka sabihin nya masyado kong cinareer to e hanggang two months lang naman kami! Urgh! What to do!

Naalala kong may kasalanan pala sakin si kuya kaya pagpasok nya sa kotse agad kosyang hinampas ng malakas sa braso.

"How dare you!" Sigaw ko sakanya. Nagsimulang umandar ang kotse.

"What is wrong with you Freya?! It hurts!" Reklamo nya pero hinampas kosya ulit sa braso.

"Talagang masasaktan ka! How dare you to tell mom!"

"Why?! Anong masama don ha?! Tsaka kailangan talaga nila makilala kung magkakaboyfriend ka! Unica hija ka kaya dapat kang protektahan mula sa mga masasamang nilalang!"

"You're overreacting kuya! Hindi sya masamang tao! Ikaw yon! Pinahihirapan moko!" Bulyaw ko sakanya ng sobrang lakas.

"Baby, don't shout too much! Baka mapano ka! Please! Okay, I'm sorry. Gusto kolang na safe ka dyan sa lalaking yan. So please, kumalma ka." Huminahon ako at inirapan sya.

"Kuya kahit na boyfriend kosya nahihiya padin ako sakanya. Hindi ko alam kung pano ko sasabihin to sakanya!"

"I will help you. Ako ang magsasabi sakanya."

"P-pero baka awayin mosya kuya. I know you!" Ngumisi naman sya.

"Just trust me, okay? I won't eat him." Nakahinga naman ako ng maluwag.

"Promise me kuya na hindi mosya aawayin." Tumango naman sya bilang sagot pero hindi ako kumbinsido.

"I said promise me!" Sigaw ko ulit sakanya.

"Okay, okay! Promise!" Halatang iritadong sagot nya kaya napangiti ako.

"Thankyou kuya!" Hinalikan kosya sa pisnge kaya napasimangot sya at pinunasan ang pisngi nya.

"Gross!" Inirapan kona lang sya pero hindi mawala sa labi ko ang ngiti.

Maya maya pa ay nakarating na kami sa school at naunang bumaba si kuya at gaya ng inaasahan maraming nagaabang sa pagdating nya at ng lumabas sya ng kotse nagsimulang magingay ang mga kababaihan sa labas.

Hinintay kong makapasok si kuya at mawala ang mga babae. Nang mawala silang lahat lumabas ako ng kotse at pumasok nadin sa school.

"Omygad! Melanie look who's here! Nangangamoy basura!" Nalingon ako sa babaeng parang nakakain ng mega phone sa lakas ng boses at halatang nagpaparinig.

"Well well well. Nandito na ang babaeng dakilang mangaagaw. Hey, bitch come here!" Alam kong ako ang tinatawag nya dahil sya yung babaeng girlfriend dati ni Xavier. Napatingin ako sakanya at binabalot nako ng kaba pero pinipilit kong magpakatatag.

"Don't stare at me! I said come here! You brute!" Natatakot ako sakanya. Baka saktan nyako tulad ng ginawa sakin ng mga babae sa canteen.

"Come here bitch ano bang hinihintay mo?! Pasko?!" Sigaw din ng kasama ni Melanie sakin.

Unti unti akong naglakad papunta sakanila habang nakayuko. Natatakot ako sa totoo lang. Baka saktan nila ako alam kong wala akong laban.

"Tell me. Pano mo nilandi ang boyfriend ko ha?! Tell me!" Napaatras ako sa sigaw nya. Parang anytime hahablutin nya ang buhok ko at iwasiwas nalang ako dito.

"H-hindi k-ko s-sya n-nilandi." Sa labis na takot hindi ko magawang magsalita ng maayos.

"Hindi ko alam kung anong nakita nya sayo. Duwag at wala ka namang ibubuga pero napansin kanya? Ginayuma moba ang boyfriend ko ha?! Sa mukha mo para kang may lahing mangkukulam! Kinulam moba ang boyfriend ko?!" Takot na takot nako. Nagiinit ang mata ko natatakot ako na baka saktan nanaman ako. Napailing ako sakanya at nanatiling nakayuko.

"Listen to me bitch. I will do anything para lang mabalik sakin si Xavier. Maiiwan kang kawawa at pupulutin sa kangkungan. You got that?" Hindi ako nakasagot sa halip tuluyan ng rumagasa ang luha sa pisngi ko. Natatakot ako na baka agawin nya sakin si Xavier.

Inangat nya ang mukha ko at kitang kita ko ang ngisi nyang nakakainsulto na para bang sinasabing mahina ako at wala akong magagawa na kahit ano laban sakanya.

"I pity you. You're such a weak!" Matapos nyakong sigawan akmang sasampalin nyako kaya napapikit ako. Hinintay kong maramdaman ang palad nya sa mukha ko pero wala akong naramdaman.

Napadilat ako at nanlaki ang mata ko ng makita ko si Xavier na masamang masama ang tingin kay Melanie at hawak hawak nya ang kamay nito na sasampal dapat sakin.

"What do you think you're doing Melanie?!" Malakas na sigaw ni Xavier. Ngayon kolang sya nakitang ganyan kaya natatakot ako sakanya. Umatras ako at yumuko.

"Inagaw kanya sakin Xavier! Ginayuma kanya! Wag kang magpaapekto!" Napapikit nalang ako sa hiya. Nagsisimula nang sumakit ang dibdib ko pero pinipigilan ko.

"Nababaliw kana Melanie! Ang dapat sayo dinadala sa mental! You are nothing to me! Wala ng tayo kaya wala kanang karapatan umarte ng ganito! Touch her again and i will destroy you. Mark my word Melanie. You know me." Unti unti ng lumakas ang kabog ng dibdib ko kaya napahawak na lamang ako dito at napapikit ng madiin.

Heart please not now! Makisama ka naman!

Naramdaman kong may kamay na humawak sa balikat ko at inalalayan ako sa paglalakad. Napadilat ako at lumingon kaya nakita ko ang luhaan na si Melanie habang masama ang tingin sakin.

"X-xavier hindi mo dapat sinabi sakanya yon. Tao sya at may damdamin din. Nasaktan mosya. You should say sorry to her." Alam ko ang feeling ng nasasaktan at alam kong masakit talaga yon. Naranasan kona kaya ayokong makakita ng taong nasasaktan. Kahit na gano pasya kasama sakin hindi sya dapat makaramdam ng sakit.

"Seriously, Freya?! Sinabihan kanya ng kung ano anong masasakit na salita at sasaktan kapa nya physically! Tapos nakuha mo pang intindihin ang nararamdaman nya?! Ang mga taong nanakit ng kapwa nya tao ay dapat lang makaramdam ng sakit."

"Pero h---"

"Let's not talk about it. How are you? Nakita kitang humawak nanaman sa dibdib mo? Nagugutom kaba?" Dahan dahan akong tumango at pinilit ngumiti. Mabuti nalang at kalmado na sya ngayon.

"O-oo kasi hindi ako nakakain ng breakfast kanina." Pagsisinungaling ko.

"Tara sa canteen kumain na muna tayo." Hinawakan nya ang kamay ko. Hinila nya ako papuntang canteen kaya naman hiyang hiya ako bawat madadaanan naming mga studyante.

Maraming babae na gustong gusto nakong saktan pero nagpipigil lang sila. Andaming nanlalait sakin pero hayaan kodaw sila. Andaming beses kong sinubukan tanggalin ang kamay nya pero mas lalo lang nyang hinihigpitan.

Nakapasok kami sa canteen at sunod sunod nanaman ang panlalait nila sakin. Mas pinili kong magbingi bingihan dahil pag nagpaapekto ako buong araw ko nanaman silang iisipin at hindi ako sasaya.

Nakaupo kami sa malapit lang sa counter kung saan oorder ng makakain. Agad nya kong binilan ng pagkain at bumalik sa kinauupuan namin.

"Here babe. Ubusin mo lahat yan para hindi ka magutom." Nanlaki ang mata ko sa dami ng binili nya. 2 sandwiches, 1 tuna pasta, 1 oreo cheesecake, 2 mango pie, 1 bottled water and 1 coke in can.

"Xav---"

"Babe. I want you to call me babe. ALWAYS." Napalunok naman ako at tumango.

"B-babe, andami naman neto b-baka hindi ko maubos. Malalate tayo nyan." Nauutal kong sabi. Pano ko ngayon pagkakasyahin yan sa loob ng tyan ko?! Aish! Minsan ang pag sisinungaling walang magandang naidudulot. Shit!

"It's okay babe. Wag kang magalala kung malalate tayo basta ubusin moyan para mabusog ka." Ngumiti na lamang ako. Kumain ako pero hindi ko talaga maubos lahat to.

"B-babe hindi kona kayang ubusin to hehe." Kinain nya lahat ng natira ko at sabay kaming pumunta ng room.

Nang makapasok kami sa room agad silang nagtinginan samin at nagsimulang magbulungan.

"Seriously? Bakit sila magkasama?" Tanong ng isang kong kaklaseng babae.

"Obviously, may namamagitan sakanila. Wag ka ngang tanga Petra!" Sigaw ng kasama nya.

"Shut up Ange! It's Pimpim!" Nagbangayan sila ng nagbangayan hanggang sa makarating kami sa pwesto namin sa dulo.

Nahihiya ako. Natatakot din ako at the same time iniisip koyung pwedeng gawin sakin ng mga babaeng to kasi kasama kolang naman ang pinakagwapo sa campus nato. Pero hindi dapat ako matakot kasi alam kong hindi nya ako pababayaan. Pero pano kung dumating na yung time na wala na sya? Tapos na yung kasunduan namin? Sino pang magtatanggol sakin? Sino nalang yung makakapitan ko kapag may umaaway sakin? Hays natatakot ako.

Late na kaming nakapasok pero wala naman naging problema sa teacher namin dahil kilala ako. Lumipas ang oras at uwian na.


"Babe san mo gusto pumunta?" Tanong ni Xavier sakin. Hindi naman ako makasagot. Nagaayos ako ng gamit at hindi sya sinagot.


"Babe?" Tawag nya ulit. Kaya napatingin ako sakanya.


"Ah ano. Kahit saan. Basta wag lang tayo magpalate masyado baka kasi hanapin ako samin eh." Nang maayos ko ang gamit ko. Bigla kong naalala na gustong syang makilala ng parents ko. Shocks! Pano ko sasabihin sakanya?


"Ganun ba? Osige." Nauna na syang lumabas. Susunod na sana ako sakanya pero may humarang na tatlong babae sakin. Nilock nila ang pinto ng room. Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba.



"A-anong kailangan nyo sakin?" Tanong ko ng hindi tumitingin sakanila. Tumawa sila at nagaapir pa.


"I can't imagine na nagustuhan ka ni Xavier. Tell me girl. Anong gayuma ba ginamit mo? Para subukan kodin sakanya." Napayuko naman ako at tumawa sila ng mas malakas.



Hinawakan ako ng isang babae sa balikat kaya medyo na napaangat yung balikat ko at dahil mas lalo silang tumawa.



"Relax. Wala pa kaming ginagawa." Inikutan nila ako kaya napahigpit ang hawak ko sa bag ko.


"Aalis nako. Hinihintay ako ni Xav--" Bago kopa matapos ang sasabihin ko sinampal ako nung nasa harap ko kaya napahawak ako sa pisngi kong mahapdi dulot ng sampal nya.



"Wag nyokong saktan. Parang awa nyo na." Pagmamakaawa ko. Maluha luha ako sa hapdi ng mukha ko. Hinila ng isa yung buhok ko kaya napaliyad ako at muntik ng matumba.



"Beg more bitch! Weak!" Napaiyak nako. Nalaglag ang salamin ko ng sampalin ulit ako ng isa pa nilang kasama. Pupulutin ko sana yung salamin ko pero inapakan ng babaeng unang sumampal sakin ang kamay ko kaya hindi ko maiwasang indahin.


"A-ahh. M-masakit please." Tinatanggal ko ang paa nya pero lalo nyang dinidiinan kaya lalong dumiin ang pagkaapak nya sakin.


"Masakit ba? Ano gusto mopa ha?!" Narinig kong may malakas na kumatok sa pinto at nakita ko si C
Xavier sa glass na nakasilip at pilit na binubuksan yung pinto.



"Ooooh. Sweet. I wish gawin din sakin ni Xavier yung ganyan." Sarcastic na sabi nung sumabunot sakin. Sinabunutuan ulit nya ako kaya naman napaupo ako at nahila ang kamay ko. Mas lalo kong naramdaman yung hapdi ng kamay ko dahil nahatak sa madiin na pagkakatapak ng isang kasama nya.



Naawa ako sa sarili ko. Wala akong magawa. Puro iyak lang ako. Ramdam kong nagsisimula ng sumikip ang dibdib ko. Napahawak ako sa dibdib ko at napayuko sa sakit.


"Ohhhh. What are you doing? Nagpapaawa kaba?" Hindi kosya pinansin dahil mas nangingibabaw ang sakit ng dibdib ko. Tinanggal ng babae yung paa nya sa kamay ko. Marumi at namumula ang kamay ko.



"Videohan nyo." Utos ng sumampal sakin kanina. Sinimulan nila akong videohan. Pinagsasampal nila ako at hinablot ang buhok ko. Natatakot ako na baka tamaan nila ako sa dibdib.



"Bagay lang sayo yan!" Nakahiga nako sa lapag ramdam ko ang malamig na semento. Bumaluktot ako dahil sinipa ng isa yung likod ko.



Pag hindi kopa tinigil to. Mamamatay ako ng maaga. Napaiyak nalang ako sa sakit ng nararamdaman ko. Siguro hindi talaga kami pwede ni Xavier. Nagugustuhan kona sya pero hindi pwede. Baka ang pagkagusto kopa sakanya ang dahilan ng kamatayan ko.



Bumukas ng malakas ang pinto at agad kong narinig ang ingay sa labas. Inalalayan ako ni Xavier makatayo at nakita kong marami ng tao sa labas ng room. Nandun din si Ms.Lucero.



"WHAT DO YOU THINK YOU'RE DOING?! ANONG GINAWA NYO SAKANYA?!" Sigaw ni Ms.Lucero inupo ako ni Xavier sa isang silya. Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang kuya ko kasama ang kaibigan nya. Nandito din ang kaibigan ni Xavier na sila Gianne, Troy at Jacob.



"ANONG KASALANAN SA INYO NG KAPATID KO HA?!"  Nakita ko kung pano nyang sinampal ang tatlong babaeng gumawa sakin nito. Nilapitan kosya at yumakap sakanya. Umiyak ako sa dibdib nya. Ramdam ko ang galit nya. Malalim ang hininga at halatang nagpipigil.



"Kuya tama na. Umuwi na tayo." Sabi ko habang umiiyak sa dibdib nya. Niyakap nyako at hinalikan sa noo.



"Para sabihin ko sainyong lahat! Kapatid ko to! Ang pinagaaralan nyo ay samin! Kaya wala kayong karapatan alisputahin ang kapatid ko!" Maraming nagulat sa sinabi ni kuya. Narinig ko ang bulong bulungan ng ibang istudyante.


"Omg! Seriously? Sila may ari ng school? I can't imagine! Akala ko mahirap lang sya!"


"Ayoko ng makita ang pagmumukha nyong tatlo sa school nato. Naiintindihan nyo?" Kalmado pero galit na sabi ni kuya sakanila. Nakayakap lang ako sakanya habang umiiyak. May naramdaman akong humawak sa balikat ko kaya napatingala ako. Si Xavier. Iniwas ako ng balikat ko sa kamay nya halatang nagulat sya sa ginawa ko.



"K-kuya umuwi na tayo pleaseee." Humihikbing sabi ko. Hinawakan nya ang kamay ko at dere deretsong hinila ako palabas. Nakita kopa kung pano hinawakan ni kuya Troy at kuya Jacob sa kwelyo yung tatlong babae. Nakita kodin kung pano natulala si Xavier sa ginawa ko kanina.


Nakarating kami sa gate at inalalayan nya akong pumasok sa kotse. Tumabi sya sakin at niyakap ako ng mahigpit.


"Freya ano bang ginawa mo. Nagaalala ako ng sobra sayo." Hindi ako sumagot. Bumitaw sya sa yakap inayos nya ang buhok ako at hinawakan ang mukha kong sobrang pula kaya napaatras ako sa sakit.



"Shit! Eto na nga bang sinasabi ko." Napayuko lang ako. Nagayos ako para hindi mahalata nila mommy ang nangyari sakin.


"Kuya ayoko ng malaman to ni mommy at daddy." Hindi sya sumagot. Malalim ang hiningang binibitawan nya. Nakayukom ang kamao.


"Simula ngayon. Hiwalayan moyang lalaki nayan. Ayokong makikitang magkasama kayo. Naiintindihan moba ko?" Napayuko ako. Hindi ako nakasagot. Siguro nga mas maiging itigil nalang namin. Hindi ko mapigilan ang luha ko.



Nakarating kami sa bahay at dere deretso akong pumunta sa kwarto ko. Mabuti at nasa kitchen ni mommy at nasa office si daddy.


Pabagsak akong umupo sa kama at umiyak ng umiyak. Hindi ko deserve to. Ayoko ng masaktan. Umiyak ako sa unan ko hanggang sa narinig kong bumukas ang pinto ko. Nakita ko si kuya na may dalang first aid at yelo.


Walang nagsalita samin habang ginagamot nya ang sugat ko. Nakatulala lang ako. After nya kong gamutin hinalilan nya lang ako sa noo at lumabas ng kwarto. Humiga ako sa kama. Tumatawag si Xavier matagal koyun tinitigan hanggang sa ibaba nya. Nagring ulit ang cp ko. Sinagot ko yun pero hindi ako nagsalita.



-Babe! How are you? Nagalala ako sayo!


*Itigil na natin to.


Wala sa sariling sabi ko. Pumatak ang luha ko pero nanatili akong tahimik. Hindi sya nagsasalita.



*Xavier ayoko na. Itigil na natin. Pasensya na pero hindi kona kaya.


Hindi padin sya nagsasalita. Pinatay ko ang tawag nya at umiyak ng umiyak. Alam kong bawal sakin to pero hindi ko mapigilan.



I'm sorry Xavier. Baka pag tinuloy kopa ikamatay kona.


-----

Chimi💖

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

107K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...