Section Series #1 - Ex

By lucylovesdark

5.8K 177 5

Section Series One. Annie Jean Sue is fresh from break up from Clyde Ark Lopez. What will happened to them if... More

Author's Note:
Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23

Chapter 11

159 4 0
By lucylovesdark

CHAPTER 11

"Wohoo! Sa wakas natapos din ang event, makakapag pahinga na din sa practice." sabi ni Al ng makapasok kami sa classroom.

Ang tahimik na silid-aralan ay unti-unting umingay dahil sa pagpasok namin. Naka gilid pa rin ang mga upuan namin.

"Whaa! Kapagod." sabi ni Nancy sabay upo sa upuan.

"Guys, pinag bigyan tayo ng mga teachers na magpahinga ngayong araw at bukas ay balik discussion na ulit tayo. Maghahabol tayo ng lesson." announcement ni Kathleen.

"Yown!"

"Tara na, comshop na pre!"

"At bawal umuwi o lumabas ng school. Ayun ang mahigpit na paalala ni Ma'am Rivamonte." dagdag ni Kathleen na nagpasama sa mukha ng mga baliw kong kaklase.

"Mag pahinga na lang tayo dito, guys." sabi ni Finn sa mga kaklase.

Nagsimula na kaming mag kanya kanyang mundo ng mga kaklase ko. Napili kong umupo malapit sa bintana at makinig ng music sa earphone habang pinagmamasdan ang mga ibon na naka tambay itaas ng pader na malapit sa amin.

Naramdaman kong may sumandal sa akin at nakita ko si Yanzee na naka upo na sa tabi ko. Kinuha niya ang isang earphone sa kaliwang tainga ko at sinuot iyon.

"Anong ginagawa mo dito? Sino kasama ng mga kaklase mo doon?" tanong ko dito.

"Kaya na nila sarili nila." sagot nito sa akin. "Eh, ikaw bakit ka nag sesenti dito? Ayon sila Finn ah, bakit hindi ka sumasali sa kanila?"

"Gusto ko lang magpahinga, nakakapagod din yung mga nakaraang araw." sagot ko at humilig siya sa upuan.

"Sabagay, kami nga kanina ay inabot pa ng alas dose ng madaling araw matapos lang yung costume." sagot nito at nangalumbaba. "Tapos maghahabol pa sa mga activities ngayon, hayst."

Sasagot na sana ako ng sumabat si Al sa usapan namin.

"Ano ginagawa niyo diyan?" tanong nito. Ngayon ko lang napansin na may hawak siyang gitara.

"Naliligo." pilosopong sagot ni Yanzee.

"Naliligo eh, nag uusap kayo." sagot ni Al.

"Eh, alam mo naman pala nagtatanong ka pa." sagot ni Yanzee. Umiling iling na lang si Al.

"Kanino naman 'yang gitara?" tanong ko dito.

"Ah, ito? Hiniram ko lang kay Bobby kanina sa baba." sagot ni Al.

"Marunong ka ba niyan? Mamaya pang porma porma mo lang yan para kunwari sanay." sabad ni Yanzee.

"Hoy, Yanzee! Sanay ako. Oh, tignan mo." sagot nito at nag strum ng pamilyar na cords.

"Pft! Intro lang ata ng Magbalik ang kaya mo. Hahahahahaha!"

"Hoy! Grabe ka! Marami akong alam na cords. Oh ito, kapag alam mo yung tono kantahin mo." hamon ni Al.

"Sige ba!" sagot ni Yanzee.

Sinimulan ng mag strum ni Al. Nakita kong napa ngisi si Yanzee nang marinig ang tono ng kanta. Nang matapos ang intro siguro ay tsaka nagsimulang kumanta si Yanzee.

"It took one look
And forever lay out in front of me
One smile, then I died
Only to be revived by you"

Nagulat si Al ng sabayan ni Yanzee ang struming niya ngunit pinag patuloy niya pa rin ito.

"There I was
Thought I had everything figured out
Goes to show just how much I know
'Bout the way life plays out"

Yanzee is a good singer dahil ang pamilya nila ay magagaling kumanta at magaling ding gumamit ng mga musical instruments.

Nakita ko si Simon na unti unting lumalapit sa pwesto namin bitbit ang kanyang beatbox.

"I take one step away
Then I find myself coming back to you
My one and only
One and only you
Ooh"

Unti unti nang napupunta ang atensyon ng mga kaklase ko sa pwesto namin dahil sa ingay ng gitara at boses ni Yanzee. Lumapit si Finn at binigyan si Yanzee ng... hairbrush?

Kinuha naman iyon ni Yanzee at ginawa iyon na mic tsaka pinagpatuloy ang kanta. Sumali na din si Simon sa pagtugtog ng mag chorus na ulit. Natapos si Yanzee at binigyan siya ng palakpakan ng mga kaklase ko.

"Salamat, Araneta Coliseum! Thank you for having me today!" sabi ni Yanzee na tumungtong pa sa upuan at kumaway kaway.

"Isa pa! Isa pa!"

"Whoo! Pa-request po, December Avenue naman!"

"Sa lahat ng mag rerequest ng kanta maaaring magbigay tayo ng isangdaan kada isang kanta." sabi ni Yanzee. Nagtawanan naman kaming magkakasama dito sa pwesto.

Nagulat kami ng may naglapag ng one hundred sa lamesa namin. Nagpatingin kami sa naglagay at nagulat kami ng makitang si Neil iyon. Uh-oh. Tumingin ako kay Yanzee at nakita kong tumigil na din siya sa pagtawa.

"Pa-request ng kanta at nang kakanta, pwede ba?" tanong ni Neil. Nagkatinginan kami.

"Uh, Neil. Katuwaan lang kasi yon." paliwanag ko.

"Nah, magbibigay ako. Basta kantahin ni Yanzee ang This I Promise You." naka-ngiti niyang sabi.

"Ayieeee! Yanzee!" pang aasar ng mga kaklase ko kay Yanzee.

"Sayo na 'yang isangdaan mo. Doblehin ko pa yan, eh." sagot ni Yanzee.

"Why so rude?" tanong ni Neil.

"Oo nga naman! Parang hindi nagmahalan, ah!" sigaw ni Ed.

"Nawalan na ako ng gana. Next time na lang Al." sabi ni Yanzee at hinagis ang hairbrush kay Clyde, na nasalo niya, naka-upo kasama sina Finn.

Dire-diretsong lumabas si Yanzee ng classroom na sinundan ni Neil. Bumalik din kami sa mga ginagawa namin ng lumabas ang dalawa.

"Dahil na kay Clyde ang mic, siya naman ang kakanta." sabi ni Finn. "Haranahin mo naman si Annie!"

"Ayiee!! Muling ibalik~"

"Annie and Clyde. AnDe!"

Lumapit si Clyde kay Al at bumulong, maya maya ay bumalik din ito sa pwesto. Mapang asar na ngumiti si Al at sinensyahan si Simon na mag beat. Maya maya ay nagsimula na ulit siyang mag strum. Nanlaki ang mata ko ng malaman ang tinutugtog nila.

"Magaan na ba ang 'yong paghinga?
Bumalik ka na sa'kin
Klaro na ba ang isip, sinta?
Bumalik ka na sa'kin"

Nakatingin ito ng diretso sa mga mata ko. Hindi pa ito na kuntento at naglakad pa papalapit sa akin habang kumakanta.

"Sige na, please, 'wag nang mainis
Bumalik ka na sa'kin
Sorry, mahal, ika'y nasaktan
Bumalik ka na sa'kin
Bumalik ka na sa akin"

"Omg! AnDe! Ayieeee!"

"Picturan niyo bilis!"

Tuluyan na itong naka-lapit sa akin at hinawakan pa ang kamay ko. Pinanlakihan ko ito ng mata ngunit ngumiti lang siya nang nakakaloko.

"Kung pababayaan lang kita
Baka tuluyan ka nang mawala
Sana naman, pagbigyan mo na
Pangakong 'di na mauulit pa"

Hinalikan nito ang likod ng palad ko at tinuloy ang pagkanta kahit na todo pang aasar na ang mga kaklase namin.

"Bumalik ka na daw, Annie!"

"Comeback na this!"

"Go AnDe! Walang titibag!"

Tinapos ni Clyde ang kanta na hindi pa rin pinuputol ang tinginan namin. Ngumiti ito ng matamis at humalik sa pisngi ko.

"Babalik ka ba o babalik ka?" tanong nito.

"Clyde..."

"I know your answer pero hindi pa rin ako titigil. I will court you again, Annie Jean. Kung paano kita nakuha, ganun din kita kukunin ulit." he smiled.

No, no, no, don't fall on his smiles, Annie Jean Sue! That's a trap.

"Makulit ka talaga 'no?" I asked.

"You know the answer." sagot niya, still smilling.

"I'm still not satisfied in your performance. Galingan mo next time, malay mo bumigay ako." sagot ko.

"May bigayan ng nagaganap mga kaklase!" sigaw ni Simon na nakikinig pala sa usapan namin. Nilagay niya ang takas na buhok ko sa likod ng tainga.

"Dati naman binabanatan lang kita ng pick up lines bumibigay ka na. Mataas na ba standards mo ngayon, babe?" sabi niya.

"Babe daw mga kaklase!" sigaw ni Al.

"Oh, Mr. Clyde. You don't need to follow that standards if you don't want. Marami diyan na pasok sa standards ko na sila mismo lumalapit sa akin." ngising sabi ko. Dumilim naman ang mukha niya sa mga sinabi ko. Now, who's smiling?

"Are you challenging me?" he asked.

"You want me back?"

"Of course."

"Then, show to me that you're now better than before." sagot ko sa kanya.

"Okay, if that's what you want. I'll do it." sagot niya sa akin na kinagulat ko. He is persistent.

"Kapag naging akin ka ulit, hinding hindi ka na makakawala."

- Madam L.

Continue Reading

You'll Also Like

43.5K 1.3K 22
[ONGOING ๐Ÿ”ž] #8 insanity :- Wed, May 15, 2024. #2 yanderefanfic :- Sat, May 18, 2024. After y/n became an orphan, she had to do everything by herself...
16.9M 651K 64
BitmiลŸ nefesi, biraz kฤฑrฤฑlgan sesi, Mavilikleri buz tutmuลŸ, Elleri nasฤฑrlฤฑ, Gรถzleri gรถzlerime kenetli; "ฤฐyi ki girdin hayatฤฑma." Diyor. Ellerim eller...
55.9K 1.4K 74
Harry Potter x female reader ยฐใ€‚ยฐใ€‚ยฐใ€‚ยฐใ€‚ยฐใ€‚ยฐใ€‚ยฐใ€‚ยฐใ€‚ยฐใ€‚ยฐใ€‚ยฐใ€‚ยฐใ€‚ Cedric Diggory has a younger sister named Y/n and she's starting her fourth year at Hogwarts. H...
731K 64.6K 36
๐™๐™ช๐™ฃ๐™š ๐™ ๐™ฎ๐™– ๐™ ๐™–๐™ง ๐™™๐™–๐™ก๐™– , ๐™ˆ๐™–๐™ง ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ข๐™ž๐™ฉ ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ƒ๐™ค ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž...... โ™ก ๐™๐™€๐™๐™„ ๐˜ฟ๐™€๐™€๐™’๐˜ผ๐™‰๐™„ โ™ก Shashwat Rajva...