The Heartless Master (Savage...

By Maria_CarCat

7.1M 228K 48.4K

His Punishments can kill you More

The Heartless Master
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Special Chapter
SAVAGE BEAST SERIES SELF-PUB

Chapter 56

92.7K 3.1K 508
By Maria_CarCat

Death








Naramdaman ko ang pagangat ko sa lupa dahil sa pagbuhat sa akin ni Piero. Nanatiling nakapikit ang aking mga mata, takot na sa oras na tingnan ko siya ay makita ko ang kanyang pagluha. I hate to see him this way. I don't him this weak.

Habang dinadama ang kanyang dahan dahang paglakad habang buhay ako, kasabay nuon ang pagbalik ng mga alaala. Paano ko minahal si Piero? Kailan ko minahal si Piero? Nuong mga panahong nakipagagawan siya sa akin ng kikiam. Yung mga panahong galit siya sa parents niya dahil naiirita siya sa akin. Mas gusto niya ng bagong sasakyan bilang graduation gift kesa sa isang kapatid.

Halos hindi ko maisara ang bibig ko sa tuwing uuwi si Mama Maria sa bahay, palaging may dalang paper bag na may lamang pasalubong para sa akin.

"This dress looks good on you hija...napakagandang bata" malambing na puri niya sa akin habang pinapasadahan ng tingin ang dress na binili niya para sa akin. Alam kong mahal iyon.

"Yuck"

Napawi ang ngiti sa labi nito. Bago namin sabay na nilingon ang pintuan. Duon ay nakita ko si Kuya Piero, masama ang tingin sa akin habang nakahalukipkip na nakasandal sa may hamba ng pintuan.

"What did you say Piero?" Hindi makapaniwalang tanong nito sa anak. Ngumuso ito, muli akong tiningnan mula ulo hanggang paa. Ayaw niya talaga sa akin, sa paraan ng kanyang pagtingin sa akin, alam kong ayaw niya sa akin.

"Saan mo niyo po ba napulot ang batang iyan, Mommy. Baka mamaya nagiging chanak iyan sa gabi" inis at iritadong sabi niya. Narinig ko ang paghalakhak ni Mama Maria. Aliw na aliw dahil sa sinabi ng anak.

Pinanuod ko kung paano mamula ang mukha ni Mama Maria dahil sa pagkakatawa. Napakagat ako sa aking pangibabang labi ng muli kong ibinalik ang tingin ko sa nakasimangot pa din si Kuya Piero.

"Ang gandang bata ni Sachi, sa tingin mo ba ang magiging chanak ang ganyang kaganda, anak?" Tanong pa ni Mama Maria sa kanya. Mula sa pagkakabagsak ng tingin ko sa sahig, muli kong sinulyapan si Kuya Piero.

"She's not even pretty, Mommy" masungit na sabi niya bago niya kami tinalikuran.

Sa buong pamilya Herrer, si Kuya Piero ang lagi kong napapansin. Palibhasa ay sa kanilang lahat, siya lamang itong nakakakuha ng atensyon ko. Hindi ko naman siya gustong tingnan ay talaga namang napapatingin ako dahil ramdam ko ang talim ng tingin niya sa akin.

"Ibibili mo na ako ng bagong cellphone, Mommy?" Rinig kong excited na tanong niya kay Mama Maria. Nasa mall kaming tatlo ngayon, ramdam kong gusto niyang masolo ang Mommy niya, pero hindi pumayag si Mama Maria na hindi ako isama at maiwan lamang sa bahay.

"Oo anak, but I have to go to the bank first. Bantayan mo ang kapatid mo habang nasa loob ako"

Uminit ang magkabilang pisngi ko dahil sa biglaan nitong paglingon sa akin. Namuo nanaman ang galit sa kanyang mukha. Palibahasa, ang tingin niya sa akin ay perwisyo, hadlang. Pakiramdam niya inaagaw ko ang pamilya niya dahil sa atensyong natatanggap ko galing sa mga ito.

Bumaba ang tingin ko sa suot kong kulay asul na dress. Dahil sabil si Mama Maria sa babaeng anak, halos gawin niya na akong manika sa mga damit at gamit na binibili niya para sa akin. Bahagyang umangat ang tingin ko ng maramdaman ko ang paglapit ni Kuya Piero sa akin.

"Tss. Bibilhan ako ni Mommy ng bagong cellphone" masungit na sabi niya sa akin. Napanguso ko ng mapagtanto kong gusto lamang ako nitong inggitin.

Hindi ako umimik. Naestatwa ako sa aking kinatatayuan dahil sa pagtabi niya sa akin. "Hoy bata..." inis na tawag niya sa akin. Nainis siguro dahil nakita niyang hindi naman ako nainggit sa sinabi niya.

"Po. Kuya?"

Mas lalong sumama ang tingin niya sa akin. Mas lalong naginit ang mukha ko ng maramdaman ko ang hawak niya sa aking palapulsuhan. Nanlaki ang aking mga mata ng walang sabi sabi niya akong hinila sa kung saan. Hindi ako umimik, nagpatinaog ako sa kanya.

Malayo na ang narating namin, malayo na sa banko kung saan pumasok si Mama Maria. Halos nasa gitna na kami ng Mall, maraming tao pero nagawa ko pa ding ituon ang atensyon ko kay Kuya Piero.

"Goodbye chanak" nakangising sabi niya sa akin. Napaawang ang bibig ko. Tinubuan ako ng takot sa kung ano man ang kanyang binabalak sa akin.

"Kuya Piero..." kinakabahang tawag ko sa kanya. Bibitawan na sana niya ang aking kamay ng ako naman ang humawak duon.

"Wag mo po akong iwanan dito" naiiyak na sabi ko sa kanya. Alam ko na ang gusto niyang mangyari, gusto niya akong iwala para hindi na ako makabalik sa kanila.

Kita ko ang pagbaba ng tingin niya sa kamay kong nakahawak sa kanyang braso. "Natatakot po ako, Kuya Piero..." naiiyak ng sumbong ko sa kanya. Kita ko sa kanyang mukha na desidido siyang gawin iyon.

Tuloy tuloy ang pagtulo ng aking masasagang luha. Paano pag nawala ako? Saan ako pupunta? Sana ay ibalik na lang niya ako sa Papa ko. Marahas niyang inilayo ang kanyang kamay sa akin, nagtaas siya ng kilay bago niya ako tinalikuran. Mabilis ang kanyang mga naging hakbang, na kahit pinilit kong habulin siya ay hindi ko na nagawa pa.

Umiiyak akong tiningnan ang mga taong naglalakad sa aking harapan. Kita ko ang pagaalala sa kanilang mukha, pero ni isa ay walang tumulong sa akin. Naglakad lakad ako, pilit na inaalala ang mga nadaanan namin. Ngunit hindi ako nagtagumpay, naiwala ko na sila.

Marahan kong pinunasan ang aking mga luha ng makita ang mahabang pila sa isang ice cream store. Isang batang babaeng kasing edad ko ang lumapit sa akin. Nagtaas siya ng kilay habang nakatingin sa aking suot na dress, may hawak hawak siyang ice cream, dinidilaan niya iyon at halatang nangiingit pa.

"I'm princess Aurora" maarteng sabi niya sa akin. Bumaba ang tingin ko sa kulay pink niyang dress. Tiningnan ko lamang siya, umikot ikot sa aking harapan para ipakita ang paglobo ng kanyang suot na damit.

Nanlaki ang aking mga mata ng makita ko ang pagkabuwal niya, na out of balance ata dahil sa kanina pa niyang pagikot ikot. Dahil sa takot na matumba siya sa akin at tumama ang ice cream na hawak sa damit ko ay naitulak ko siya para duon siya matumba. Naagaw namin ang atensyon ng halos lahat ng nanduon ng umiyak ng malakas ang bata. Nilingon ko ang papalapit niyang magulang. Galit itong nakatingin sa akin, sa takot na saktan at pagalitan niya ako ay mabalis akong tumakbo palayo duon.

Tinakbo ko ang hindi pamilyar na lugar sa mall. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko mahanap si Mama Maria, at maging si Kuya Piero.

"Kuya Piero..." tawag ko sa kanya sa gitna ng aking mga paghikbi.

Sa takot na baka sinundan ako ng nanay nung bata, umupo na lamang ako sa may gilid. Panay pa din ang iyak habang nilalaro ang laylayan ng aking suot na dress.

Napahinto ako ng may makita ang kulay itim na sapatos sa aking harapan. Nanlalabo ang aking mga mata ng iangat ko ang tingin ko dito.

"Kuya Piero!" Tawag ko sa kanya. Sa sobrang saya ko, napayakap na ako. Buong akala ko ay ititulak niya ako palayo sa kanya pero hindi. Hinayaan niya akong yakapin siya.

"Wag ka ng umiyak, panget" mahinahong suway niya sa akin. Tinapik tapik pa ako nito sa aking likuran. Kahit gusto niya akong alauin ay alam kong hindi pa din siya kumportable sa kanyang ginagawa.

"Natakot po ako"

"I'm sorry..." halos matigil ako sa pagiyak dahil sa aking narinig. Mahina lamang iyon pero rinig na rinig ko.

Bumaba ang tingin niya sa akin, nagtaas siya ng kilay ng tingalain ko siya. "Kahit hindi kita gusto sa bahay namin, binalikan kita" masungit na sabi pa niya sa akin. Para bang gusto pa niya akong magpasalamat sa kanya dahil dito.

Hindi ako nakaimik. Naramdaman ko ang pagangat niya sa aking palapulsuhan para mahigpit na hawakan. "Kahit ilang beses kong gustong mawala ka...babalikan kita" nahihirapang saad niya, nakita ko ang pagiwas niya ng tingin sa akin.

Napanguso ako lalo ng marinig ko ang mahihina niyang pagmura. "Lagi akong babalik..." halos pabulong na pahabol pa niya.

Ako din! Lagi din akong babalik para sayo!

Tipid akong napangiti sa tuwing naiisip ko ang tagpong iyon. Simula nung umalis ako sa kanila para makipagpalit sa kakambal ko, hindi ko na siya tinawag pang kuya. Kahit bata pa ako nung mga panahong iyon, alam ko. Mahal ko na siya.

Nagising ako kinaumagahan na katabi ko pa din si Piero sa aking hospital bed. Halos gabi gabi, pilit naming pinagkakasya ang aming sarili. Sa oras na magtabi na, hindi na naman naiisip ang espasyo. Biglang lumalaki ang kama sa pagkakadikit ng aming mga katawan.

Marahan akong bumalik sa pagkakapikit ng maramdaman ko ang paghalik niya sa aking noo.

"Morning" paos na sambit niya.

Imbes na sumagot, mas lalo ko na lamang hinigpitan ang yakap ko sa kanya. Sana pwedeng ganito na lang kami palagi. Imbes na bumigat ang aking loob dahil sa nalalabing araw ko dito sa pilipinas, mas lalo akong nakakahinga ng maluwag. Tama sina Papa at Ma'm Maria. Piero deserves to know the truth.

"How was your sleep?" Malambing pa ding tanong niya sa akin.

"Ayos lang" matamis na ngiti ang iginawad ko sa kanya. Bumaba ang labi niya para halikan ang tungki ng aking ilong, hanggang sa aking labi.

"Baka mahuli nanaman tayo ng nurse, pakiramdam ko nagaalala siyang masisira itong hospital bed sayo" biro ko sa kanya. Makailang beses na kasi kaming nahuli ng nurse na magkatabi.

"Matakot siya if i'll make love to you here, masisira talaga. But I bet hindi, nakaya nga ng papag" nakangising sabi niya sa akin kaya naman mahina akong natawa.

Hinawakan ko ang matipunong braso ni Piero at bagya iyong hinampas. Inilapit niya ang labi niya sa aking tenga. "Don't worry. Kay Kenzo ang hospital na ito, kahit ilang kama ang masira kayang kaya kong palitan" pagyayabang niya.

Napakagat na lamang ako sa aking pagibabang labi. "Ipasyal mo ulit ako mamaya" yaya ko sa kanya. Kita ko ang kanyang pilyong ngiti.

"Kahit saan baby, dadalhin kita kahit saan" paninigurado niya sa akin.

Sabay kaming kumain ng almusal ni Piero. Duon na din siya naliligo, matapos iyon ay dadalhin niya ang laptop niya sa gilid ng aking kama, gagawin iyong lamesa at duon siya magtratrabaho. Kung minsan ay tahimik ko lamang siyang pinapanuod, seryoso si Piero sa tuwing nagtratrabaho siya. Kahit hindi related sa bussiness ang natapos niya ay nakakasabay niya. Perks of being a Herrer, a true blooded bussinessman.

Naputol ang panunuod ko sa kanya ng tumunog ang kanyang cellphone. Tumayo siya para sagutin iyon. Ultimong pagbuka ng kanyang bibig, ang pagtass baba ng kanyang adams apple at paghihilot ng sentido sa tuwing may kinakausap siya ay mariin kong pinapanuod. Kinakabisado ko ang kanyang bawat galaw, para sa oras na umalis ako, may maibabaon ako.

"It's Tadeo. Busy din sa paglilipat" pagod na kwento niya sa akin ng bumalik siya sa kanyang pwesto sa aking tabi.

Napatango ako. Ang alam ko, lilipat na sila ni Castellana sa bahay na pinagawa ni Kuya Tadeo. Nung nakita ko ang litrato, hindi lang iyon basta bahay. Mansion iyon at sobrang ganda. Busy sila nitong mga nakaraang araw dahil aalis na sila sa poder nila Ma'm Maria at Sir Alec.

Nawala ako sa pagiisip ng hawakan ni Piero ang aking kamay. Kumunot ang noo ko ng iharap niya sa akin ang kanyang laptop. "Dito ko ipapatayo ang bahay natin" seryosong sabi niya sa akin ng ipakita niya mula roon ang litrato ng isang malawak na lupa.

Kaagad na naginit ang gilid ng aking mga mata. "Ipapagaw ko ito para sa atin. Sa oras na iwanan mo ako, walang tatao sa bahay na ito" pananakot pa niya sa akin. Mapait akong ngumiti.

Gusto ko siyang suwayin. Gusto kong sabihin sa kanya na tigilan na niyang mangarap kasama ako. Hindi pa kami sigurado, masisira lamang ang mga iyon sa oras na mawala ako.

"Piero..." pumiyok na tawag ko sa kanya.

Nagtagumpay ang kanyang malaking palad na ilapit ang kamay ko patungo sa kanyang labi, marahang halik ang itinanim niya duon. "I'm always dreaming with you Amaryllis, I won't stop dreaming for us" emosyonal na sabi niya. Tama si Piero, sa ilang araw niyang nandito kasama ko ay nakita ko kung gaano siya katapang. Kung gaano niya kayang panindigan ang kahit anong desisyon na gagawin niya.

Marahan kong hinaplos ang kanyang pisngi. "Itigil mo na ito Piero...hindi matatapos ang buhay mo pagnawala ako"

Hirap na hirap akong sabihin iyon, sobrang sakit ng aking lalamunan habang pinipigilan ang luha. "It will stop Amaryllis. Titigil..." madiing sabi niya sa akin kaya naman mariin akong napapikit.

Kahit pa muling namuo ang emosyon sa pagitan namin ni Piero ay tinupad pa din niya ang hiling kong ilabas ako sa hospital pagdating ng hapon. Hindi katulad kahapon, medyo nahirapan kami ngayon dahil sa mga nurse na maya't maya ang pasok sa aking silid.

Para kaming mga bata na nakatakas sa aming mga bantay habang tumatawa patungo sa parking lot kung nasaan ang kanyang sasakyan. "Naughty..." nakangising sabi ni Piero sa akin. Tumaas ang kanyang isang kilay ng makita ang aking pagnguso.

"Masaya ako sa tuwing tumatakbo ako kasama ka Piero..." marahang sabi ko, nakita ko kung paano pumungay ang kanyang mga mata. Hinapit niya ang aking bewang para mas lalong magdikit ang aming mga katawan.

"Ako din"

Sumakay kami ng kanyang sasakyan. Mabilis niyang pinaharurot iyon palabas ng hospital. Sa mga panahong ito, hindi ko na din naiisip kung may nalalabag kaming batas. Hindi ko alam kay Piero, pero sa tingin ko ay wala naman talaga siyang pakialam lalo na't kapatid niya ang may ari ng hospital.

"May gusyo kang puntahan?" Malambing na tanong niya sa akin. Muling bumigat ang tingin ni Piero sa akin. Bigat na hindi dahil sa galit kundi bigat na para bang gustong gusto niya ang kanyang nakikita. His pupil dilates, napapansin ko iyon palagi sa kanya.

"Sa bahay niyo..."

Tumaas ang isa niyang kilay, nabigla dahil sa aking gustong punatahan. Hindi na siya nagsalita pa buong byahe, nagpatuloy lamang siya sa paghawak sa aking kamay. Sa tuwing mapapahinto kami dahil sa traffic ay dinadala niya iyon sa kanyang labi at hinahalikan.

Tanging mga kasambahay at ang guard sa labas lamang ang tao sa kanilang bahay. Gaya ng sabi ni Piero, nanduon ang lahat sa bagong bahay nina Kuya Tadeo at Castellana.

"Magandang gabi po. Ma'm, Sir..." bati sa amin ng isa sa kanilang mga kasambahay.

Narinig ko ang paguutos ni Piero dito na magluto, dito kami kakain para sa dinner. Hindi ko gaanong marinig ang kanilang pinagusapan dahil muling naukopa ng buong bahay ang aking isipan. Nakakamangha talaga ang desensyo nuon.

"Do you want to stay here, or in my room?" Tanong ni Piero sa akin habang ang isang kamay niya ay nasa aking likuran niya.

Parang may kung anong kumalabog sa aking dibdib. This is going to be my farewell gift. Bukas ng gabi ang alis namin patungo sa america at hindi ko iyon sinabi sa kanya.

"Sa kwarto mo" sagot ko na halos at halos sumakit ang lalamunan ko dahil sa sobrang kaba at hiyang nararamdaman. Muntik ng walang lumabas na salita sa aking bibig dahil sa pagkailang.

Parang tatagos ang tingin ni Piero sa akin dahil sa aking naging sagot. Nang hindi ko pinutol ang tingin sa kanya ay tumaas na ang isa niyang kilay. Sa huli, maingat niya akong iginaya papasok sa kanyang kwarto. Wala pa man ay ramdam ko na ang paginit ng aking pisngi dahil sa gustong mangyari.

Mas lalong naginit ng aking pisngi kasabay ng pamamanhid ng aking batok pababa sa aking braso, ng makita ko ang kanyang kama. He was vocal about this, bago pa kami umalis nuon patungo sa bulacan.

"You should rest first"

"No" paos na sambit ko. Bayolente akong napalunok bago ko hinarap si Piero. Ang kanina niyang mapungay na mga mata ay mas lalo pang pumungay. But above all that, the heat inside him is visible.

Pinalandas ko ang pareho kong palad paakyat sa kanyang dibdib, hanggang sa braso. Hindi nawala ang tingin ni Piero sa akin, titig na titig pa din siya na para bang nangungusap siya gamit ang mga iyon.

"Make love to me Piero, binyagan na natin ang kama mo" hindi ko napigilang hindi mapangiti sa aking huling sinabi. Hindi ko makakalimutan kung paano niya ako asarin tungkol dito. Kung paano niya sinabi sa akin kung gaano niya kagusto ang ideya na iyon.

"Baby..."

Dahan dahan akong tumingkayad para abutin ang kanyang labi. Hindi ako nahirapan, sinalubong niya ako. Umikot ang isa niyang braso sa aking bewang, ang isa naman niyang kamay ay nasa likod ng aking leeg.

"It's always been you Amaryllis. You alone" malambing na sabi pa niya sa akin bago ko maramdaman ang marahan niyang pagtulak sa aking pahiga sa kama.

We made love. I feel it, everytime he kiss me. Everytime he touch me, it's so tender na halos ako na mismo ay nababaliw sa kanyang paraan. Inangkin niya ako, marahan at punong puno ng pagiingat.

Naramdaman ko ang pagtulo ng aking luha sa kalagitnaan ng aming ginagawa. It was, tears of joy. Never akong magsisisi na kay Piero ko ibinagay ang sarili ko. I was owned by him.

Along with every thrust tinatawag niya ako, sinasabi niya sa akin kung gaano niya ako kamahal at kung gaano niya kaayaw na mawala ako. He stay inside me after we both reach our climax. Kapwa namin hinahabol ang aming mga paghinga.

"Wish granted" nakangiting bulong ko sa kanya.

Mula sa kanyang pagkakasiksik sa gilid ng aking leeg ay hinarap niya ako. "Stay with me, wag mo akong iiwan. That was my wish Amarylli" seryosong sabi niya sa akin.

Mas lalo akong tumingala para abutin ang kanyang noo. Hinalikan ko siya roon. "Kahit saan ka magpunta, palagi mo akong kasama. Kagaya ng hangin, hindi mo man ako makikita. Palagi kong ipaparamdam sayo na kasama mo ako. Pangako..." naluluhang sabi ko sa kanya.

Masyadong mabili ang oras sa tuwing pinapahalagahan mo ito. Nagtatagal sa mga panahong ayaw mo. Oras na lang ang natitira sa amin ni Piero.

"Umalis nanaman kayo?" Problemadong salubong sa amin ni Papa ng bumalik kami ni Piero sa hospital. Past twelve na.

Napanguso ako at napayakap sa kanya para huminahon siya. "Ako po ang humiling kay Piero, Papa" pagako ko ng kasalanan.

Napabuntong hininga na lamang ito. Tipid ko siyang nginitian, alam kong nakuha niya ang ibig sabihin ng ngiting iyon. Ito na ang huling gabi ko sa hospital, ito na ang huling gabi ko kasama si Piero. Matapos ang ilang sandali, iniwan din kami ni Papa na dalawa. Kaagad siyang napatulal dito sa hospital ng tawagan siya ng isa sa mga nurse na nawawala ako.

"Matulog na tayo..." yaya ko kay Piero kahit pa pareho na kaming nakahiga, unan unan ko ang kanyang braso. Magkaharap kami at kapwa yakap ang isa't isa.

"Why do I always feeling strange...pakiramdam ko, sa tuwing kukurap ako mawawala ka. Sa tuwing matutulog, gigising akong magisa" seryosong sabi niya sa akin, ramdam ko ang takot sa kanyang boses.

Imbes na sagutin siya, mas lalo ko lang hinigpitan ang yakap ko sa kanya. "Wala akong kinakatakutan. Ikaw lang...yung mga desisyon mo na palaging wala ako" puno ng pait at pagtatampo ang kanyang boses.

"Natatakot ako sa tuwing nagdedesisyon ka. Kasi parating wala ako sa mga plano mo..." paguulit niya.

Nagsumiksik ako sa kanyang dibdib. Mas lalong dinama ang init ng kanyang mga yakap. "Wala ka man sa mga plano ko, para naman iyon lahat sa iyo, Piero" malambing na laban ko.

Ramdam ko ang kanyang pagiling. "Hindi ko maintindihan" ramdam ko ang sakit sa kanyang boses.

Nakatulugan ko si Piero ng gabing iyon. Muling bumigat ang aking dibdib dahil sa mga mangyayari kinaumagahan. Ang huling araw ang pinakamasakit sa lahat, ito yung pinakamabigat sa lahat.

Matapos ang aming agahan ay nagpatuloy si Piero sa kanyang ginagawa. Muling nagtrabaho gamit ang kanyang laptop. Palagi ko siyant pinagmamasdan sa tuwing ginagawa niyo iyon, pero ngayon, ni ang kumurap ay ayoko ng gawin.

"Sana sa susunod na buhay tayo pa rin, tapos mas mahaba na yung oras para sa atin" sabi ko out of nowhere. Napatigil sa pagtitipa sa kanyang laptop si Piero.

"Amaryllis..." tawag niya sa akin. Alam kong ayaw niya ng ganitong usapan. Pero kailangan naming maging open. Kailangan naming tanggapin kung saan ito lahat patungo.

Lumapit ako sa kanya. Marahan kong hinaplos ang kanyang pisngi. "Pero gaano man kahaba o kaiksi ang oras, basta kasama kita Piero" malambing na sabi ko.

Nabato siya sa kanyang kinauupuan. Muli ko siyang hinalikan. "Gusto ko ng peanut butter at kikiam..." pumiyok pang sabi ko.

I need an excuse, kailangan ng umalis.

"Magpapabili ako" natatarantang sabi niya sa akin, kaagad ko siyang pinigilan.

"Gusto ko ikaw ang bumili para sa akin" hindi ko na napigalan, tuluyan ng nagtubig ang aking mga mata.

Sandaling napatigil si Piero. Nakita ko ang pagbagsak ng kanyang balikat. Ang kanyang mga mata ay mas lalong maging mabigat. Hindi ko alam kung nararamdaman niya, pero baka nga.

"You want it now? You want it now baby?" Tanong niya sa akin. Mas lalong bumigat ang dibdib ko ng maramdaman ko ang pagmamakaawa sa kanyang boses. Pagmamakaawa na wag ko na lang siyang utusang umalis.

Mariin akong napapikit at tsaka tumango. "Ngayon na Piero, I want it now..." i want him gone now. Kailangan kong umalis duon na wala siya. Mahihirapan ako kung magpapalam pa.

Mariin din siyang napapikit. Marahan niyang hinawakan ang siko ko para hilahin ako para hilahin ako palapit sa kanya. "Whatever my baby wants" pagsuko niya.

Hinalikan niya ang aking noo, ang tungki ng aking ilong bago ang aking labi. "Babalikan kita..." paninigurado niya sa akin.

No Piero. Babalikan kita. This time, ako ang babalik para sayo. Susubukan ko.

Unti unting nadudurog ang puso ko habang pinapanuod ko kung paano siya lumakad palabas ng pintuan. Kung paano siya humakbang palayo sa akin. Kung paano ko siya pinapalaya...

"Piero" tawag ko sa kanya. Parang hindi ko kaya, parang gusto kong sabihing bumalik siya. Hindi ko kaya.

Nilingon niya ako. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako, pero nakita ko ang luha sa kanyang mga mata.

"Mag...magingat ka" halos pabulong na sambit ko bago ako nagiwas ng tingin sa kanya.

Nang tuluyang sumara ang pinto, wala na akong magawa kundi ang mapahagulgol.

Piero's POV

Iyon na ata ang pinakamabigat na ginawa kong hakbang sa buong buhay ko. I know what she wants. She want me gone, para makaalis na sila. Hindi ako tanga para hindi malamang ngayong gabi ang alis nila.

I want to stop her. Gusto kong sumama, damn! Kahit anong mangyari gusto kong sumama. Kahit ayaw niya, kahit magtago ako. Kahit nasa malayo ako, basta masigurado kong magiging maayos siya.

"Piero"

Halos tumalon ang puso ko sa pagaakalang tinawag niya ako para pigilan. Come on baby, pigilan mo ako. Ayokong umalis, ayoko siyang iwanan. Tangina!

Kita ko ang bahagya niyang pagkagulat ng makita ang paglandas ng luha mula sa aking mga mata. Yes, damn it baby! Iniiyakan kita. Kasi tangina! Hindi mo nanaman ako sinama sa plano mo. Wala nanaman ako sa mga plano mo!. Galit na galit ako Amaryllis, galit na galit ako sayo.

"Mag...magingat ka" halos pabulong ng pahabol niya sa akin bago siya nagiwas ng tingin. Naikuyom ko ang aking kamao, desidido na siyang iwanan ako dito, wala talaga siyang balak na isama ako.

Padabog kong isinara ang pintuan ng kwarto niya. Narinig ko pa ang paghagulgol niya mula sa loob. Tangina naman kasi! Hindi ako aalis, wala akong balak na umalis. Magpapalipas lang ako ng ilang minuto dito sa labas, hindi ko siya iiwan. Luluhod ulit ako sa harap niya, magmamakaawa na isama ako. Iyon ang plano ko, handa na ako

"Piero...let's talk"

Nagtiim bagang ako ng makita ko si Doctor Guevarra sa aking harapan.

"Sasama ako. Walang makalapigil sa akin" matigas na sabi ko.

Mariin siyang napapikit, bago marahang umiling. "She needs you to stay here. Kung mahal mo ang anak ko, palayain mo. Let her go Piero..."

Muling namuo ang galit sa aking dibdib. The hell! Hindi ko gagawin iyon. Hindi ko susukuan si Amaryllis, lalo ngayon na i have the power, the money!

"Let her go, Piero"

Marahas akong umiling. Sumigaw ako sa galit kasabay ng pagsuntok ko ng ilang beses sa pader. Ilang mura ang pinakawalan ko. Nanatiling tahimik si Doctor guevarra sa aking harapan.

"Maghihintay ako. Kahit gaano katagal, at sa oras na hindi niya ako balikan. Ako mismo ang susunod sa kanya...even at death" matigas na pagpapaintindi ko sa kanyang ama.

"Even at death, susunod ako"



















(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

255K 14.1K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
925K 31.8K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
360K 5.4K 23
Dice and Madisson
9.2M 247K 66
The Doctor is out. He's hiding something