Worthless (Published Under MP...

By jonaxx

95.9M 2.3M 1.4M

Maria Georgianne Marfori loved Noah Elizalde more than anything in this world. Ganon din halos lahat ng mga b... More

Worthless
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Epilogue
Notes

Kabanata 53

1.5M 32.4K 13.4K
By jonaxx

Kabanata 53

Presentation

Mahaba ang naging byahe pabalik ng Manila. Ilang minuto akong tulog at nagising nang nagising ay malapit na kami sa bahay. Pinasadahan ko ng tingin ang labas at papalubog na ang araw.

"You hungry?" Tanong niya nang nakitang gising na ako. "We can stop over for food."

Umiling ako at tiningnan siya. Sumulyap siya sa akin bago iniliko ang sasakyan. "Wag na. Sa bahay na tayo kumain." Pinanood ko ang ekspresyon niya. Tumango lamang siya at pinagpatuloy ang pag dadrive. "You sure you're okay?"

Umangat ang gilid ng kanyang labi. "Nag iisip pa ako na papagalitan ako ng mommy mo. Nalaman niya na yata na wala ako sa Batangas."

Kinagat ko ang labi ko. "Anong sasabihin mo?"

Nag kibit balikat siya at sumulyap ulit sa akin.

Kung ano man ang nasa isip niya ay hindi ko mabasa. Ganyan naman talaga siya palagi. Palaging malihim at kahit sa akin ay hindi nagsasabi. I don't know if I should be terrified or excited. Or maybe both.

Kaya naman nang pumasok na ang sasakyan niya sa malaking gate namin ay tumatahip-tahip na ang puso ko. Walang sumalubong sa amin nang tumapat ang sasakyan sa hagdan ng bahay namin. Pinark niya lang sa gilid ng daanan ang kanyang sasakyan.

"Gusto kong dito ka na mag dinner, Noah. But then..." Hindi ko matuloy-tuloy ang sinasabi ko.

I like all of these and I don't want it ruined just because of my father. Nagtaas lang ng kilay si Noah sa akin.

"Don't worry about it. Your dad can't hate me forever." Kumindat siya at inilapit niya ang kanyang mukha sa akin para mahalikan ako.

Papapikit na ako nang tumambad si daddy sa may hagdanan. Kahit na tinted ang BMW ni Noah ay napatalon ako nang tawagin ng mariin ni Daddy ang aking pangalan at humakbang pa papalapit.

"Si dad, Noah." Sabi ko at hindi man lang natinag si Noah sa posisyon niya. Tanging ulo lang ang binaling niya sa papalapit kong daddy tsaka pinatunog ang locks ng sasakyan.

"Dad!!" Kabado kong sinabi pagka bukas ko ng pintuan. Inayos ko ang buhok ko dahil alam kong nagulo ito kanina habang natutulog ako sa loob ng sasakyan ni Noah.

Bumukas ang pintuan ng sasakyan ni Noah at lumabas na rin siya. Sinarado niya agad ito kaya pinili kong isarado na rin ang pintuan ko.

"Good evening, tito Rodolfo." Bati ni Noah.

Matigas ang ekspresyon ni daddy. Nakaipit ng husto ang labi na para bang ayaw itong buksan at may pinipigilan. Bumaling siya sa akin at kay Noah naman pagkatapos.

"Hindi ka sinundo nina Everlyse?" Tanong ni daddy sa akin nang bumaling ulit siya.

Umiling ako. "May ginagawa sila ni Carlos. Si Noah po ang sumundo sa akin, dad." Sabi ko at humakbang palapit kay Noah.

Habang ginagawa ko iyon ay namataan ko si mommy na naka robe lang ng satin at pababa ng hagdanan. Nakataas ang kanyang buhok at may make up pa sa mukha.

"Megan! Dumating ka na..." Huminahon ang boses niya nang namataan si Noah sa gilid ko.

Bumaling pa siya sa sasakyan nito bago hinawakan ang braso ni daddy. Si mommy lang ang ngumingiti sa aming apat at halos mahimatay na ako sa kaba lalo na't hindi parin umaamo ang mukha ni daddy.

"Noah? I heard from your manager na wala ka daw sa last two gigs niyo sa Batangas." Napawi ang ngiti ni mommy.

"I'm sorry for being irresponsible, tita. May importante lang po akong ginawa. Naipaliwanag ko na sa manager at sa kay Stan. Babawi po ako next time." Sabi ni Noah.

Bumalik ang tingin ni mommy sa akin. Para bang naghahanap siya ng kasagutan sa kung ano mang tanong ang nasa utak niya.

"It is very important, surely." Ani mommy. "Pumasok na kayo at mag dinner." Sabay tapik niya sa balikat ni daddy at sabay silang tumalikod na dalawa para pumasok na.

May kung anong binulong si daddy kay mommy habang papasok sila. Nilingon ko si Noah na matigas rin ang ekspresyon tulad ni daddy habang pumapasok sa aming bahay.

Dumiretso na kami sa hapagkainan. Mukhang kakain na rin sana si mommy at daddy bago pa ako umuwi. Nanatili ang titig ni daddy sa kay Noah samantalang palipat lipat naman sa akin at kay Noah iyong tingin ni mommy.

"Nakaplano na ang iyong birthday ngayong Sabado. I know you wouldn't plan for a party, Meg. Ang gusto mo ay iyong after party lang. Good thing at maaga ang uwi namin ng daddy mo at naiplano ko na."

"Mom, dapat ay hindi engrande. I'm fine with just being with my friends." giit ko habang umuupo. Ganon din ang ginawa ni Noah.

"This party will be intimate, don't worry. Hindi engrande, simple lang. Alam mo namang pag nandito ang tita at tito mo ay mahilig sila sa mga family occassions. Bago bumalik ng Los Angeles ay gusto nilang magkaroon ng ganito." ani mommy.

"I will invite some business partners and friends, Megan." Sabi ni daddy na sa wakas ay napatingin sa akin.

Tumango ako at bumaling kay Noah. "Okay po."

"Noah..." Malamig na sinabi ni daddy.

Nilingon ko si daddy at nanlaki ang mata ko. Handa na akong pagitnaan ang masasakit na salita na maaari niyang sabihin kay Noah.

"Invite your family." Ani daddy.

Kumunot ang noo ko at nilingon ko si Noah. "Yes, tito."

Nakita ko rin ang pagtataka sa mukha ni mommy. Hindi lang ako ang gulat rito. Pati siya. Umubo si mommy at bumaling sa akin bago nagsimulang pag usapan iyong susuotin kong gown na gawa ng paborito niyang designer.

I'm fine with everything as long as it's not a ball gown. Pareho naman kami ng taste ni mommy kaya hindi na ako nagulat kung nagustuhan ko ang venue na garden ang theme. Long flowing gown na kulay itim ang gusto niyang suotin ko. Maraming kilalang personalidad sa showbiz at may media pang kasama. Intimate but I can't say it's not grand. It still is grand!

Nakatingin ako sa kay daddy at Noah na parehong nakatayo malapit sa swimming pool at nakatalikod sa amin habang pinapakita ni mommy iyong design ng gown at iyong iba pang detalye sa magiging party ko. Nagsasalita siya ngunit hindi pumapasok sa utak ko lahat ng kanyang sinasabi dahil nanatili ang atensyon ko sa dalawang lalaki sa buhay ko.

"Megan..." Mom called softly nang napansin niyang hindi na ako nakikinig.

"I-I'm sorry, mom. What is it?" Tanong ko.

"Do we get your usual make up artist or-"

"Opo, my. Thank you." Sabi ko bago bumaling sa kanya.

Napatingin na rin si mommy sa kanilang dalawa. Naramdaman ko ang paglagay niya sa takas na buhok sa likod ng aking tainga. "What do you want for your birthday?" Iyon ang tanong niya taon taon sa akin.

Sumulyap ako kay mommy ngunit binalik din ang tingin sa dalawa. Umiling ako. "Wala na po."

Tumikhim si mommy. "I know your dad's just protective, Meg. You are our only child. Mahal na mahal ka niyan and you know what's up with band guys. They're usually into girls... lots of girls... and many more. Kaya ayaw niya kay Noah simula pa lang."

Nilingon ko si mommy. "He's changed his mind, right? Hindi naman ganon si Noah, my." Sabi ko.

Tumango si mommy. "I know."

Hinayaan ko silang mag usap na dalawa. Tumagal yata ng tatlumpong minuto ang pag uusap nila at naroon lang kami ni mommy sa likod, nanonood. Pareho silang umiinom ng whisky. Nang tumalikod si daddy at sinundan siya ni Noah. Nagkunwari akong nagsusuri pa ng ilang detalye sa magiging venue ng birthday ko nang papalapit siya sa akin.

"Where's your mom?" Tanong niya nang nakitang wala na roon si mommy sa tabi ko.

"Nasa kitchen po." Sagot ko at nilagpasan niya ako.

Si Noah ay humahakbang palapit sa akin. Wala nang laman ang dalang baso ng whisky. Malamig ang kanyang ekspresyon at umupo sa tabi ko habang hinihipan ng hangin ang puting kurtina ng aming double doors.

Umayos ako sa pagkakaupo at umupo naman siya sa tabi ko.

"Bati kayo ni dad?" Tanong ko, nahihiwagaan.

Nag kibit balikat siya at ayaw magsalita.

"Paano?" Tanong ko ulit.

Tumawa lang siya.

"Noah! What did you do?"

"Miss, don't ask me. I need to go. Baka mapatay pa ako ng Zeus pag hindi ako magpakita ngayon."

Kumunot ang noo ko at sinapak ko ang braso niya. "Bakit nga kayo bati ni dad? At saan ka pupunta? Sa bahay nina Stan?"

Humalakhak siya. "Yup. Would you care to take me outside? I want to kiss you a bit. Wag dito, mamaya ma bad shot na naman daddy mo sakin." Tumayo siya at hindi ko matanggal ang ngisi ko.

"Noah!" Sabi ko habang sinusundan siya paalis ng bahay.

Nasalubong namin si mommy sa may sala. Nagpaalam si Noah na aalis na siya samantalang panay parin ang tawag ko sa kanya.

"O sige. Ginabi ka tuloy. Mag ingat ka. Meg, ihatid mo si Noah sa labas." Bilin ni mommy habang sinusundan kami ng tingin.

"Yes, mom." Sagot ko at sinundan si Noah.

"Hey..." Tawag ko.

Nilingon niya ako at hinigit palapit sa kanya. Nagawa niya pang tumingin sa likod namin na para bang chinicheck kung naroon pa si mommy.

"Di mo pa sinasabi sa akin ang sekreto mo." Sabi ko.

Inakbayan ako ni Noah, papalabas ng bahay. Pinatunog niya ang kanyang alarm nang nasa harap na namin ang kanyang sasakyan. Binuksan niya ang pintuan at bumaling sa akin.

"Wag ka nang pumasok. Baka di na kita pababain pag pumasok ka pa." He chuckled again.

Sinapak ko ang braso niya. "Tumigil ka nga." uminit ang pisngi ko.

"Puntahan ko sina Stan sa bahay nila. You charge your batts, I'm gonna text you all night. Okay?" Aniya at hinalikan ang noo ko, pagkatapos ay ang pisngi ko, pababa sa aking labi. Sinuklian ko ang kanyang halik ng malalim, napapapikit.

"Hmmm..." He stopped. "No..."

Ngumuso ako at tinagilid ang ulo. Tinagilid niya rin ang kanyang ulo.

"Don't tease me like that. Not in your house. Not when your dad's around." Aniya at hinawakan ang baba ko. Inilapit ang kanya at isang beses pang hinalikan. "See you tomorrow."

"Huh? Wala kayong gig tomorrow?" Tanong ko.

"Wala." Kindat niya at isa pang halik ang ginawad sa akin. "I love you." Aniya.

Tumango ako at pumasok siya sa kanyang sasakyan. Umatras ako nang pinaandar niya iyon. Binaba niya ang salamin at sinenyasan ako na lumapit sa kanya. Kinunot ko ang noo ko.

"One last kiss before I leave, please, miss." Aniya ng nakangiti.

Tumikhim ako at nagkunwaring tinatamad pero sa totoo lang ay more than willing akong humakbang palapit para yumuko at halikan siya. "I love you." Bulong ko pagkatapos ng mababaw na halik.

Pumungay ang mga mata niya. "I am more in love with you." Bulong niya pabalik.

Hindi matanggal ang ngiti ko sa gabing iyon at tingin koy hindi na ito matatanggal pang muli pag nagpatuloy ang lahat ng ito. Sa kama ay wala akong ginawa kundi mag text kay Noah. Wala na rin akong tanong kay daddy. Kung ano iyong pagtrato niya kay Noah kanina ay hahayaan ko na iyon. That was more than what I asked. Kaya sa nalalapit na birthday ko ay wala na akong mahihiling pa.

Kinabukasan ay naging kabado ulit ako sa magiging reaksyon ni Ysmael sa opisina. Pagkapasok ko ay paranoid ako at palinga linga. It's true, I need to at least apologize to him in person. Hindi maganda ang nangyari nong Sabado at maging nong Linggo.

"Kamusta ang Batangas?" Tanong ni Ma'am Alexis pagkadating ko.

"Maayos naman." Sabay tingin ko sa paghahanda nila.

Taliwas sa mga normal na araw ay naka corporate attire ang buong team. Nanibago ako sa mga pencil skirt at coat na suot nila. Mabuti na lang at naka puting dress ako kaya hindi masyadong out of place sa kanila.

"Kayo? Kamusta ang paghahanda? Ano ang maaaring maitulong ko?" Tanong ko.

Kinagat ni Ma'am Alexis ang kanyang labi. "Natataranta na kami. Pumasok kasi rito si Fiona at ang sinabi niya ay mamaya pa daw ang presentation natin ng mga alas nuwebe, pero gustong panoorin ni Mr. Aboitiz ang presentation ng mas maaga kasama ang iilang board members." Nakatingin silang lahat sa akin.

"Bakit?" Tanong ko.

"To see kung hindi ba sila mapapahiya sa Pharma Company? Meg, you should do the presentation." Ani Ma'am Alexis.

Abot abot na ang kaba ko sa siniwalat niya. "Ha? Why me?" Gulat ko.

"Hindi ba ay gusto ka niya. We would probably pass if you-"

"Alexis, wag na. Kaya na namin 'to nina Paolo." Sabi ni Ma'am Alice. "Besides, wala siya nong Friday at Saturday, may mga binago tayo. And anong magagawa ni Mr. Aboitiz kung ganoon ang presentation natin? Mamayang ala una na iyon. Ano man ang magiging reaksyon niya mamaya ay wala na siyang magagawa."

Hindi ako nakapagsalita. Halu halo ang mga inisip ko tungkol sa pag pepresent namin nito sa kay Mr. Aboitiz. Sa kanyang opisina at sa harap ng board members! Nong nakita ko ang presentation ay halos wala akong alam. Malaki ang binago nila sa concept ng pag a-advertise ng mga produkto. But then the original concept of the ad itself is still there.

"Kaya 'to, Pao!" Sabi ni Ma'am Alice paakyat kami sa floor kung nasaan ang opisina ni Mr. Aboitiz.

Huminga ako ng malalim at nag isip kung ano maaari ang magagawa ko habang pinipresenta naming lima itong gawa namin.

Sinalubong kami ni Fiona na mukhang nag aalala at natataranta. Relax pa kami pagkalabas ng elevator ngunit nang nakita naming halos maihi na sa takot si Fiona ay nataranta na kami.

"Ang tagal niyo naman! May meeting pa si Mr. Aboitiz pagkatapos! Galit na siya kasi late kayo!"

Sabay sabay kaming napatingin ng team sa aming mga relo. "We're late, shit!" Sabi ni Sir Paolo sabay tingin kay Ma'am Alexis.

"Yeah. Late for like 5 minutes? Mabilis lang ang presentation. Kung wala siyang masyadong tanong ay hindi na tayo matatagalan. And besides, bakit niya pa kailangang gawin ito? We can present this later to the Pharm Company and let them be the judge." Iling ni Ma'am Alexis.

Napatingin si Ma'am Alice sa akin at umiling na rin siya.

Pagkapasok namin sa kanyang opisina ay nakahanda na roon ang projector. Si Ysmael ay naka dekwatrong upo at sa tabi niya ay dalawang kasing edad niyang lalaki na nanonood sa bawat galaw namin.

"I don't like to be kept waiting." Malamig na sinabi ni Ysmael nang nagtama ang paningin namin.

"Meg, ikaw na mag set up." Utos ni Ma'am Alexis.

Tumango ako dahil alam kong sa ngayon ay iyon lang ang magagawa ko. Lumapit ako sa mesang may projector at mabilis na binuksan ang laptop kung nasaan ang presentation. Nasa harap na si Sir Paolo, Ma'am Alexis, Ma'am Alice, at Ma'am Kathleen na parehong mga beterano sa gawaing ito. Nag simula na sila sa kanilang presentation habang ginagawa ko iyong paghahanda sa laptop.

Nagkaron pa ng problema sa pagkakakonekta kaya nang natapos na si Sir Paolo sa pagsasalita at wala pang presentation sa projector ay dinaluhan na nila ako para tulungan.

"Tss..." Narinig ko ang pag bubulung bulungan nina Ysmael at ng mga kasama niya.

"If I were that Pharma Company, I'm going to reject your team, Mr. Aboitiz." Natatawang sinabi nong may katabaang kasama niya.

Napatingin ako sa kanila habang tinutulungan ako ni Sir Paolo sa pag siset up. Pinagpapawisan na si Ma'am Alexis kahit na full naman ang aircon dahil sa kaba. Nag angat ng tingin si Ysmael sa akin at nag taas ng kilay.

"They will be here any minute now. Wala pa tayong nakikita, Ysmael. It's a waste of time." Anang isa pang kaibigan niya.

Umismid ako at tinoon ulit ang pansin sa laptop na pinagkakaguluhan namin kasi ayaw kumonekta sa projector.

"Mr. Aboitiz, wala po bang ibang projector? Hindi po yata compatible o di kaya ay may problema itong sa inyo." Nahihiyang sinabi ni Ma'am Alice.

"Why don't you let Megan handle that? Siya ang walang alam sa presentation, hindi ba? You all should work together. Hindi naman pwedeng wala siyang maitulong." Ani Ysmael, hindi tinatanggal ang tingin sa akin.

Continue Reading

You'll Also Like

3.4M 93.6K 62
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
495K 18.9K 28
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
49.4M 1M 90
It seems like everything is falling into place para kina Kurt at Gail. They have a baby on the way, suportado sila ng barkada at pamilya nila, and th...
7.2M 182K 28
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...