The Heiress (PUBLISHED UNDER...

By AleexJin

4.7M 107K 7.6K

Two kingdoms. Two different rulers. One Otherworld. The fight between two magic kingdoms-Lairhart and Arunafe... More

Prologue
The Heiress - Introduction
Chapter 1: The Seizure
Chapter 2: Zeira, The Heiress
Chapter 3: Ms. President and The New Kids. (Part 1)
Chapter 3: Ms. President and The New Kids (Part 2)
Chapter 4: Mysterious
Chapter 5: Viex Zaffre
Chapter 6: Weird things
Chapter 7: Mind Magic
Chapter 8: A Warning or A Threat?
Chapter 9: Vampire
Chapter 10: Out of Finelry High
Chapter 11: Illusions
Chapter 12: Forbidden place in Finelry High
Chapter 13: The Other World
Chapter 14: Magical House
Chapter 15: Marks of Power
Chapter 16: Different Races
Chapter 17: Leaders
Chapter 18: Fine Line
Chapter 19: The Main Portal
Chapter 20: Unexpected Guest
Chapter 21: Werewolf Thing (Part I)
Chapter 21: Werewolf Thing (Part 2)
Chapter 22: Heiress Zeira
Chapter 23: An Alistair
Chapter 24: Vampire's Bite
Chapter 26: Beating Heart
Chapter 27: Misery In Every Mystery
Chapter 28: Odd Dream
A special day for special readers! <3
Chapter 29: The King is back!
Chapter 30: Sem-Ender Party (Part 1)
Chapter 31: Sem-Ender Party (Part 2)
Chapter 32: The Start of Change
Chapter 33: Vampress
Chapter 34: Love and Lies
Chapter 35: Confession
Chapter 36: Signs
Chapter 37: Awaited Answers
Chapter 38: Letting Go
Chapter 39: Mystic Palace
Chapter 40: She Rules
Chapter 41: Slayer
Chapter 42: Sorcery Class
Chapter 43: Royal Dance
Chapter 44: Total Destruction
Chapter 45: Lost Invitation
Chapter 46: Wren Wolf's Blood
Chapter 47: Grand Blood Feast Celebration
Chapter 48: Book of Death
Chapter 49: Allies
Chapter 50: Fall of the Vampires
Epilogue
FAQs and Announcement

Chapter 25: Compulsion

59.2K 1.5K 83
By AleexJin

Chapter 25: Compulsion

“Condolence po, Mr. and Mrs. Collins.” Mishie and I both said as we enter the chapel. Tumango lang ang mga magulang ni Night samin kaya naglakad na kami papunta sa harap kung nasaan si Night. Maraming tao sa loob dahil na rin sa huling araw na ito ng lamay.

I looked at Night’s pale face down to his neck. Nakikita pa rin yung dalawang dot sa kanang leeg niya kahit na medyo natatakpan iyon ng kwelyo ng damit niya. Ilang inches lang ang layo ng dalawang dor na iyon sa isa’t isa. Mishie’s right. That was the only wound na makikita sa katawan niya. At imposibleng wild animal ang may gawa nun.

Fangs. Pero hindi fangs ng isang mabangis na hayop. It was a vampire’s bite, pero hindi iyon ang sinabi sa lahat ng taong nakakaalam ng pagkamatay ni Night. Napailing ako.

Pero sabi nila, hindi si Roanna ang gumawa nito. She’s the only vampire that I know in Finelry High. Alam kong hati ang population ng Finelry. There are Welshes and there are also mortals. Posible ngang may vampire na nagtatago sa mga welshes na nasa FH. Pero bakit ngayon lang siya umatake? And who would it possibly be?

Hapon na nang makabalik kami sa Finelry. Dumiretso agad ako sa dorm para magpahinga. Hindi ko alam pero parang pagod na pagod ako. Physically and emotionally.

Padabog akong humiga sa kama ko. Wala si Syn dito, pero ayos na rin yun dahil gusto kong mapag-isa. Wala na rin naman daw klase dahil maaga daw nagpe-prepare ang mga instructors namin para sa Sem-Ender Party. At sana naman, sa araw na ‘yun, walang mangyaring hindi maganda.

Bigla akong kinilabutan like someone’s eyeing me kaya napaupo ako bigla sa kama ko. I don’t know but I felt like closing my eyes and just discern the life air has as it touches my face lightly like it’s commanding me to look at my right. And so I did.

I opened my eyes just to see the window open. And as of this moment, I knew that someone came in. Not from the door but from the window.

I sniffed a familiar women perfume and automatically, my head turns to my left. Hindi ko alam kung anong ginagawa ko pero pakiramdam ko, utak ko na lang ang kumokontrol sa katawan ko ngayon.

At mas lalong hindi ko alam kung anong ginagawa niya rito.

“How are you, Zeira?” she smiled evily. Relax na relax siyang nakaupo sa kama ni Syn habang nakacross ang legs niya.

“Roanna Zaffre.” I exclaimed.

Kumunot ang noo ko nang bigla niyang i-angat ang kamay niya. She’s offering her hand for a shake? I can’t believe her.

“What are you doing here?” I asked. I hate her. At ayokong makita siya. She always ruins things.

She shrugged and looked at her hand, then turns her gaze at me. “Come on. It’s just a hand shake.” Her eyes are looking at me, directly like it’s commanding me to do something and so I did. I absentmindedly accepted her hand na mas ikinalapad ng ngiti niya. Nagulat ako nang gawin ko ‘yun pero huli na para bawiin ang kamay ko dahil hawak na niya iyon ng mahigpit.

I almost cried out in pain because of heat. I feel like my hand is on fire and yes, it’s literally on fire.

Tatangkain niya bang sunugin ang kamay ko?!

“Aahhh! S-stop i-it!” Hiyaw ko. Pulang pula na ang kamay ko samantalang parang tuwang-tuwa pa siya sa ginagawa niya. I really hate her!

“I was impressed on how you can easily alleviate my fire, like it’s really nothing for you.” sabi niya at saka ako binitawan ng marahas kaya napaupo ako sa sahig. Napatingin ako sa kamay ko at halos makita ko na yata ang laman dito dahil sa ginawa niya. “So now, why don’t you just feel its effect even just for a moment?” She smirked.

“Beast! You and you’re family! You’re all demons!” Galit na sabi ko. Ramdam ko na ang unti-unting pagkawala ng sakit ng kamay ko. Nakakainis! Gaganti ako!

Mas lalo lang siyang ngumiti nang dahil sa sinabi ko. “So marami ka na palang alam.” Sabi niya habang tumatango tango pa. Ano bang gusto niyang palabasin?

Bigla siyang lumuhod sa harap ko na ikinagulat ko at saka inilevel ang mukha niya sa mukha ko. Itinago ko sa likod ko ang kamay kong muntik na niyang sunugin kanina at naghanap ng pwedeng maipanlaban sa kanya pero wala akong makuhang kahit anong bagay. Buti nalang, gumaling kaagad yung sugat na ginawa niya.

“Tell me, hanggang saan ang alam mo?” tinitigan niya na naman ulit ako sa mata katulad ng ginawa niya kanina nang kunin niya ang kamay ko. Hindi ko alam kung bakit pero kapag ginagawa niya yun, pakiramdam ko, hindi ko na maialis ang tingin ko sa mata niya. Na parang minamagnet nito ang mga mata ko. At sa ilang sandali lang, gagawin ko agad ang pinag-uutos niya. Hinihypnotize niya ba ako?

If that’s what she is doing then I need to think of a way para hindi niya makuha ang gusto niyo mula sa’kin. And if she’s controlling me through her eyes, then I have to cut the contact. Pero gustuhin ko mang pumikit ay hindi ko talaga magawa. I’ve tried to resist it but I just really can’t.

Bumuka ang bibig ko kaya ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para kagatin yung lower lip ko. Nalalasahan ko na rin yung dugo na lumalabas mula dito pati na rin ang sakit na nanggagaling dito.

“You’re strong enough to resist it.” Ngumiti siya ng mala-demonyo. Tumayo siya at umiwas ng tingin sa’kin. I should feel relieved pero bakit hindi ko pa rin mapigilan na sabihin sa kanya ang lahat ng alam ko? “But you can’t resist my compulsion, Zeira. You can’t. Kahit na putulin mo pa ang contact natin. It will still be there once na nasabi ko na ang dapat mong gawin. Now, tell me, how far do you know?”

Maiiyak na ata ako nang kusang bumuka ang bibig ko para magsalita. “I know about you, being the vampire heiress. What your Dad did to my Mom and Dad. What Finelry High is.” Gusto kong tumigil sa pagsasalita pero hindi ko magawa. Geez! She’s compelling me. Ang sabi nila Viex, kaya itong iresist ng utak mo pero hindi ng katawan. Ganito ang ginawa ni Leo sa Mommy ko. “I know about otherworld, the Welshes and the different races. I know a lot about your world. It includes me, being the lost heiress of the Lairhart Kingdom.“  tumigil na ako sa pagsasalita. Tinry ko ulit kagatin ang labi ko pero masyado na itong masakit kaya hindi rin tumagal ay nakapagsalita na naman ako. “I’ve also met the leaders of every races.”

Nafufrustrate na ako sa mga sinasabi ko. Gusto ko nang patayin ang sarili ko sa sobrang inis na nararamdaman ko. Am I really the lost heiress? Pero bakit napakawalang kwenta ko? Bakit ang hina ko? Bakit compulsion lang, hindi ko malabanan? Bakit ganito?

“What else?” excited na tanong niya. “Alam mo ba kung saan sila nagtatago?” ngumiti siya ng malapad.

Nakatingin lang ako ng masama sa kanya. Hindi! Hindi ko pwedeng sabihin kung saan sila nagtatago dahil siguradong aatake sila sa Mystic Palace. Gusto kong makawala sa compulsion na ito. Gusto kong ipakita sa kanya kung sino’ng kinakalaban niya.

Naramdaman kong may luhang tumulo sa mata ko kaya napakurap ako. Hindi ko hahayaang mapahamak ang mga kaibigan at kalahi ko.

“Arunafeltz Kingdom. They’re hiding in your own kingdom.” I said and I know by myself that I’m lying. Nako-control ko na ang katawan ko pero hindi ko ipinahalata sa kanya. Gagantihan ko sila, yun ang nasa isip ko.

Nagbago bigla ang expression ng mukha niya. Kung kanina, nakukuha niya pang magsaya, ngayon ay nanggagalaiti na siya sa galit. “What are you saying?!”

“I’m just telling you what you want to know, Roanna.” I said.

“Hindi ako naniniwala sayo! Nasaan ang mga kalahi mo?!”

“They’re in Arunafeltz Kingdom. They can cast a spell to hide their true identity. That’s what they’re doing.” Seryoso lang ang mukha ko nang sabihin ‘yon.

Umiiling-iling siya at halatang nafufrustrate na. Lumapit siya sa’kin at marahas akong hinatak palapit sa kanya. Kitang kita ko kung paano nagbago ang maganda at maputla niyang mukha sa pagiging isang nakakatakot na bampira. Her brown eyes turned into a lifeless plain black orbs. Like she’s going to kill anyone who’s going to stop her. Her mouth was slightly open and I can see her deadly fangs. She’s so pale I can already see her veins marking on her skin. Parang kusang nagpop-out sa utak ko ang mukha ni Night pati na rin ang walang buhay niyang katawan.

“Tell me the truth.” May diin ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya pero hindi ako nagpasindak. I keep my straight face as far as I can para hindi niya mahalatang nagsisinungaling ako.

“You should remember that in every group, especially in yours, not every member stays in your side. Sometimes, they will stay at your back, wait for the right time to come, then boom! They’ll take your life. They’re in your kingdom, Roanna. That’s the truth.”

Marahas niya ulit akong binitawan nang sabihin ko yun kaya napaupo na naman ako sa sahig. Namamanhid na ata ang katawan ko nang dahil sa mga ginagawa niya.

“Hindi niyo ako mapapatay. Hindi!” yun lang ang huli niyang sinabi at saka mabilis na nawala sa paningin ko. Hindi ko alam kung saan siya pumunta o pupunta. Wala na akong pakialam sa kanya.

Bumalik ako sa pagkakaupo ko sa kama ko. Pagod na ako pero pinipilit ko pa ring mag-isip. Humiga ako sa kama ko at saka pumikit.

Nagulat ako nang makarinig ako ng ilang kalabog dito sa loob ng kwarto ko. At saka tumambad sa’kin ang nag-aalalang mukha ni Mishie.

“Oh my Ghad, Zy! You’re awake!” nagulat ako nang bigla niya akong yakapin ng mahigpit.

“W-wait, Mish! H-hindi ako m-m-makahinga!” Ano bang problema ng babaeng ito at bigla nalang akong niyayakap?

“Ops! I’m sorry. Nag-alala lang ako kasi nakita kitang nakahiga sa kama mo habang may dugo ang labi. And you’re room! Parang dinaanan ng bagyo itong kwarto niyo. What happened ba?” nag-aalalang tanong niya with her innocent eyes. Minsan talaga naiisip ko, na mas mukha pang prinsesa si Mishie kesa sa’kin.

“Gising naman ako. Pumikit lang ako at—“ napatingin ako sa kwarto namin at para ngang may dumaang bagyo dahil sa sobrang kalat. “Ano kasi—“ hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya sa mga panahong ito. Hindi niya naman alam ang away namin ni Roanna kaya hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko.

“What?” she looked at me, suspiciously.

“Kasi nga—“

“Zeira— Oh. I’m sorry. Nakakaistorbo ba kam--ako sa inyo?” nagulat kami parehas nang biglang bumukas ang pinto at tumambad samin si Nijel. Pero hindi ako dun lang nagulat. Mas nagulat ako nang makita ko rin sila Jae Kyline at Yana na nasa likod niya. What the heaven!

“Huh? N-nijel. Ikaw p-pala. Hindi naman.” Tumingin sa’kin si Mishie na namumutla. Nagtaka ako nang bigla siyang tumayo. “Zy. Babalik na ako sa kwarto ko, ha? Mukhang may pag-uusapan kayo ni Nijel.” Ngumiti siya sa’kin pero halatang nate-tense pa rin siya. Tumango lang ako kaya umalis na rin siya.

Pumasok si Nijel sa kwarto ko pati na rin yung dalawa. “Ano’ng ginagawa niyo dito?” may halong inis ang boses ko. Nakita sila ni Mishie for pete’s sake! Sinabi sa’kin ni Syn na pure mortal daw si Mishie at kung ayaw naming madamay siya sa mga problema ng mga Welsh, mas okay na hindi niya malaman ang tungkol sa kahit anong bagay na may kinalaman sa otherworld.

“We’re sorry, Heiress. Pero hindi naman niya nakita sila Jae Kyline at Yana.” I can feel the sincerity in Nijel’s voice.

“What are you saying? Hindi niya nakita?” takhang tanong ko.

“We’re under a spell so we won’t be seen by a mere mortal or even a Welsh na nag-aaral dito, Heiress.” Jae Kyline stated.

I sighed as a sign of relief. “I’m sorry. Hindi lang maganda ang mood ko ngayon. Roanna came here and—“ naputol ang sinasabi ko nang biglang magsalita si Nijel.

“Si Roanna?” He asked.

Tumango ako kaya nagkatinginan silang tatlo. Nagtaka ako dahil sa mga kinikilos nila.

“May problema ba?” I asked.

“Actually, meron po, heiress.” Yana said.

“Ano?”

“Jae Kyline’s doing a locator’s spell a while ago, Heiress. We’re trying to locate the vampire who killed Night Collins. Nagmadali kaming pumunta dito dahil dito ang eksaktong itinuro ng ginawa niyang spell kaya akala namin nandito yung vampire. And now, na nabanggit mo si Roanna…” natigil sa pagsasalita si Yana at saka sila nagkatinginan lahat.

“It’s possible na si Roanna nga ang vampire na pumatay kay Night.” Tapos ko sa sinasabi nila.

I know. Hindi malabong magawa niyang pumatay. Tumango silang lahat.

“Ano palang ginawa dito ni Roanna? Sinaktan ka ba niya?” Nijel asked worriedly. “Saka, yung labi mo, Heiress.”

“Bakit?” kinapa ko ang labi ko at nakaramdam ako ng hapdi nang gawin ko yun. Nagulat rin ako nang tignan ko ang daliri ko na ihinawak ko sa labi ko dahil may dugo ito. “Diba dapat, magaling na ito ngayon?” nagtatakang tanong ko.

“Did you get it for resisting a compulsion, Heiress?” tanong ni Jae Kyline.

Tumango ako. Paano niya nalaman ang bagay na yun?

Lahat kami ay napatingin sa kanya. “Kapag sinaktan mo ang sarili mo habang under ka ng compulsion ng isang vampire, hindi kaagad maghihilom ang sugat na iyon. Hindi rin eepekto ang kapangyarihan mo kung itatry mong pagalingin ang sugat na nakuha mo, Heiress. Dahil ang isang compulsion ay spell. It’s a dark spell na mas Malala pa sa panghihypnotize lalo na kung sa masama ito gagamitin. At lalo pa’t vampire ang gumamit. Kaya hindi rin ito makokontra ng isang Light Spell, na ginagamit natin. Unless, gagamit ka ng dark spell para kontrahin ito.” Mahabang paliwanag niya na ikinatango namin.

“Hayaan mo na. Maliit lang naman ‘to.” Sabi ko para hindi na sila mag-alala.

“Are you sure, heiress?” paninigurado ni Yana.

Tumango ako. “Ayos lang. Para rin naman maexperience kong masugatan.”

Natawa naman sila sa sinabi ko pero ngumiti lang ako sa kanila bukod kay Nijel.

“Ano bang dahilan at ginamitan ka ni Roanna ng compulsion?” he asked. The two stopped laughing.

“Gusto niyang sabihin ko sa kanya lahat ng mga nalaman ko about sa otherworld. That includes Mystic Palace.” Diretsong sabi ko. Napansin kong medyo namutla sila Yana at Jae Kyline ng dahil sa sinabi ko. Alam ko namang takot na silang mawala ulit ang mga natitirang good welshes. At hindi ko rin naman hahayaang mangyari yun. “Pero don’t worry. Ang sinabi ko naman sa kanya, sa Arunafeltz Kingdom nagtatago ang mga hinahanap niya. For sure, gumagawa na siya ng paraan ngayon para malaman kung sinong mga kalaban niya sa mismong pinaniniwalaan niyang kaharian.”

Napansin kong nagbago ang expression ng mga mukha nila ng sabihin ko ‘yun. Ngumiti silang tatlo sa’kin.

“Bakit?”

“You’re really our heiress, Zeira.” Nakangiting sabi ni Yana.

Ngumiti nalang rin ako sa kanila. Hindi ko alam pero parang tumalbog ang puso ko sa galak nang dahil sa sinabi niya.

---------------------------------xx----------------------------------

Happy new year, welshes! <3

~Alee

Continue Reading

You'll Also Like

3.5M 114K 57
[COMPLETED] Mage /māj/ A skilled magic user who, unlike wizards and sorcerors, needs no staff as an outlet of his magic, but instead uses his hands...
Way Back To You By Eros

Historical Fiction

453K 35K 99
Si Juliet ay isang mag-aaral ng medisina sa kasulukuyang panahon at magtatapos na sana sa susunod na taon nang madawit siya nang hindi inaasahan sa p...
25.7K 1.6K 34
[Completed] Isang misyon ang nagdala saakin sa loob ng nobela, ang akda na may wakas na trahedya. Isang mundo sa loob ng kwento kung saan ako ang tat...
4M 154K 46
Kingdom of Tereshle story #1. [COMPLETED] [Wattys2016//Hidden Gems Category] Althea Magnus. A fierce young lady of Zhepria. Noon pa man ay pinangara...