The Nerd Girl Change Into Pri...

Autorstwa Chimiyellow

84.4K 2.6K 193

Więcej

Prologue.
1.
2.
4.
5.
6.
Chapter 10
Can i Court You ?
Can I Court You Part 1
Can You Do My Favor ?
New Friend " Ken Salvador "
Who Is She ?
Stephanie Dela Cruz ~~
Meet Kristine Diana Ang ^^
Nothing !
Taking Pictures
The Pain
Best Day Ever !
Friends
I Think I Like Her ?
I Like Him
Dapat mong basahin..

3.

5.5K 160 15
Autorstwa Chimiyellow

Freya's POV

Touch my girl again and you'll die.

Touch my girl again and you'll die.

Touch my girl again and you'll die.

Nagpaulit ulit sa tenga ko yung huling sinabi ni Xavier.

M-my girl? Bakit ganun? Parang biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Napahawak ako sa puso ko dahil parang anumang oras lalabas na yung nagwawala kong puso. Nakatingin ako sa kawalan habang nagiisip ng kung ano ano.

"Freya? Freya? Ayos kalang ba? What happen?" Hindi ko namalayan na nakalapit na pala sakin si Xavier. Tumingin ako sa mata nya at kitang kita ko ang pagaalala. Hindi ako makapagsalita.

"Freya? Anong masakit? Sabihin mo sakin." Hawak ko padin ang puso ko at mas lalo itong nagwala ng hawakan nyako sa pisngi at nagaalalang inaalog para mabalik ako sa ulirat. Para akong napapaso sa hawak nya.

Kusang gumalaw ang kamay ko at hinawakan ang kamay ni Xavier at dahan dahan yun inalis sa pisngi ko.

"Freya anong problema? May masakit ba sayo?" Nanatili akong nakatingin sakanya at walang sinasabi.

"W-wag mo a-akong hawakan. P-please. H-hindi ko k-kayanin." Mas lalo kong nakita ang pagalala sa muka nya.

"O-okay. Pero sabihin mo sakin kung anong masakit. Please." Sabi nya kaya agad akong nagiwas ng tingin.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Natatakot ako. Ayokong mahulog dahil hindi ako tanga para hindi malaman kung para saan tong pagtibok na mabilis ng puso ko. Hindi pwede. Hindi ako handa para sa ganitong klaseng pakiramdam. Natatakot akong masaktan.

Nagangat ako ng tingin sa kanya at pinilit kumalma. Tumitig ako sa mata nya at para akong nalulunod sa titig nya. Ngumiti ako at hinawakan ang kamay nya.

"Okay lang ako. Nabigla lang siguro ako. Pasensya na." Mabuti at normal na normal ang salita ko. Bibitawan kona sana yung kamay nya pero nagulat ako ng bigla nyang kunin yon at tumitig sakin. Akmang tatanggalin ko ulit ng bigla syang magsalita.

"Don't." Ang puso ko bumibilis nanaman at ramdam na ramdam ko ang pagkabog ng dibdib ko.

"Xavier maraming nakakakita. Bitawan mona ako. Ayos lang ako." Tinatanggal ko ng dahan dahan ang kamay nya pero lalong humihigpit yon.

"I already told them that you're mine." Napatigil ako sa ginagawa. Pero hindi ako nagpaapekto at tinanggal ng tuluyan yung kamay nya.

"May paguusapan tayo diba? Ano pabang itatanong mo?" Ngumiti ako ng pilit at habang sya nakatingin padin sa kamay nyang inalis ko sa kamay ko.

"Alam kong nakikinig ka talaga non. Kaya bilang kapalit magbabayad ka." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.

"M-magbabayad? Magkano ba?" Tanong ko.

"Hindi pera."

"E a-ano?"

"You'll be mine for two months." Natigilan ako sa sinabi nya.

"But Xavier--"

"No buts. You're mine now Harley Freya Choi." Pagtapos nyang sabihin yon kinuha nya ulit ang kamay ko. Agad akong napatingin don at hindi makapaniwala sa sinabi nya.

"Freya? Anong ibig sabihin neto?" Nagangat ako ng tingin at nagulat ako dahil nakita ko si kuya at ang kanyang dalawang kaibigan. Nagsisimula ng umingay ang buong kababaihan sa canteen.

"K-kuya." Tatanggalin ko sana ang kamay ni Xavier pero mas lalo nya yun hinawakan at pinagsiksikan ang daliri sa mga daliri ko.

"Ano to Harley?" Tawag ni kuya sa unang pangalan ko.

"K-kuya kasi--" Hindi ko natuloy yung sasabihin ko ng biglang tumayo si Xavier at napatayo din ako. Nakita kong tumingin si kuya sa magkahawak naming kamay kaya akmang tatanggalin ko ng higpitan nanaman ni Xavier.

"I'm Xavier Liam Tan. I'm..." Bago nya ituloy ang sasabihin nya tumingin sya sakin at ngumiti. "I'm her boyfriend." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.

Naging matunog ang pagngisi ni kuya pati ng kaibigan nya.

"Dalaga na pala ang prinsesa mo Froy." Biglang sabi ng kaibigan ni kuya.

"Shut up, Ethan." Sagot ni kuya.

"Ano kaba pre. Dalaga nayang kapatid mo. Hayaan mona." Sabat naman ni kuya Calli.

"Isa kapa Calli. Manahimik nga kayo." Pagtapos nyang sabihin yon. Bumaling sya ng tingin kay Xavier.

"Ano kamo? Xavier?" Tanong ni kuya at agad naman na tumango si Xavier.

"Binabalatan kita este binabalaan kita. Kapag nasaktan ang kapatid ko. Wag kanang magpapakita kahit kelan sakin. Kuha moba?"

"Hindi ko maipapangakong hindi kosya masasaktan pero ipapangako kong hindi ko hahayaang may mangyari sakanyang ikasasakit nya, kuya." Nagulat ako dahil tinawag nyang kuya si kuya. Tumingin ako kay kuya at inirapan nyako. Sungit.

"Mas okay ng malinaw. Pero may gusto lang akong ipaalala sayo at wag na wag mong kakalimutan." Nagtaka naman ako sa sinabi ni kuya.

"Ano yun kuya?" Tanong ni Xavier.

"Mas gwapo padin ako sayo. Yan ang wag mong kalilimutan." Pagtapos sabihin ni kuya yon. Umalis sila ng mga kaibigan nya at narinig kong tumawa si Xavier.

Pano ko ipapaliwanag sa kuya ko na bayad lang to sa kasalanan ko? May part sa puso ko na hindi sangayon at parang gusto ko ng totohanan.

"Xavier. Bakit mo sinabing boyfriend kita? Papano kung malaman nyang bayad lang to sa kasalanan ko na hanggang dalawang bwan lang tayo? For sure babalatan ka ng buhay non. Sana hindi mona lang sinabi na ganun. Sana sinabi mong hindi moko girlfriend." Nagbuntong hininga sya at tumingin sakin.

"Wag kang magalala okay?" Napahinga ako ng malalim at inisip ko kung panong lulusutan tong kalokohan nato. Nag ring ang bell kaya sabay kaming umakyat ng room at umupo sa dulo.

Wala pang teacher kaya naman tumingin ako sa bintana at nagmuni muni. Maya maya lang may biglang kumalabit sakin kaya tinignan ko si Xavier at may hawak syang sandwich at iced tea.

"Kainin moyan. Hindi ka nakakain kanina." Ngumiti ako at kinuha yung binigay nya. Inubos koyon at saktong dumating na teacher namin sa math. Dalawang subject nalang uwian na.

Habang hinihintay matapos ang klase may kamay na humawak sa kamay ko at inilagay yon sa ilalim ng upuan.

"Xavier baka may makakita." Ngumiti naman sya sakin.

"Basta wag mong iaangat. Walang makakakita." Sakto namang nagring ang bell at bumitaw ako sa kanya at nagayos ng gamit.

"Ihahatid kita Freya. Ituro molang sakin kung san yung bahay mo. Okay?" Tumango naman ako. Ng maisuot ko ang bag ko isiniksik nanaman ni Xavier ang kamay nya sa kamay ko kaya agad akong namula.

Habang naglalakad sa hall way maraming nanlalait at halatang nagpipigil ng galit dahil sa magkahawak naming kamay. Sinabihan ako ni Xavier na wag kong papansinin at hayaan silang mamatay sa inggit.

Hindi ko ikakaila na magandang lalaki ang boyfriend ko. Oo boyfriend ko tutal yun naman ang sabi nya sa kuya ko at magiging boyfriend kosya for two months. Masaya akong isipin na sya ang kauna unahang naging boyfriend ko. Gustong kong enjoyin nalang lahat. Tanggapin kung anong sunod na mangyayari sa mga susunod na araw.

Maya maya may tatlong lalaking nagmumura din ang kagwapuhan pero mas lamang ang gwapo netong katabi ko.

"Bro! What's up? Namiss kita a?"

"Woah, sino to?" Turo sakin nung maputing singkit na lalaki.

"My girlfriend." Sagot ni Xavier.

"Seriously, bro? Kelan kapa nawalan ng taste? What happen to Melanie?" Teka parang naoffend ako dun.

"Shut up, Gianne!" Sigaw ni Xavier sa lalaking maputing singkit.

"Oh, c'mon Xavier. I'm just asking." Ngumisi naman yung dalawa nya pang kasama. Yung isa brown ang buhok na kulay green ang mata at yung isa naman itim na itim ang buhok at ganun din ang mata. Mapuputi, at nagmumura ang kagwapuhan.

"Then don't ask. Idiot." Humarap sya sakin at ngumiti.

"Freya, this are my fucking friends. Gianne the fucker, Troy the goodboy, and Jacob the Womanizer. Fuckers this is Freya my girlfriend. Insult her and die." Lumapit sakin si Jacob at kinuha ang kamay ko.

"Jacob at your service madam." Hinalikan nya ang likod ng kamay ko na syang kinagulat ko. Hinatak ako ni Xavier papuntang likod nya at sinamaan ng tingin si Jacob.

"Nagpapakilala lang bro." Nangaasar na sabi ni Jacob.

"Hi Freya! I'm Troy Lucky Ciego." Inilahad nya ang kamay nya at nahihiyang nakipagkamay ako sakanya.

"Gianne by the way." Pagpapakilala ni Gianne na syang maangas ang dating at talaga namang maamoy mo ang kayabangan. Tumango ako at yumuko.

Nahihiya ako sakanila. Parang anytime tutumba ako sa sobrang kaba. Hinawakan ng mahigpit ni Xavier ang kamay ko at akmang hihilahin ako ng bigla syang pigilan ni Gianne.

"Baka magkalimutan tayo bro." Sabi nya ng walang tingin tingin at agad silang umalis na tatlo. Nacurious ako sa sinabi ni Gianne.

"A-Ano yun?" Matalim ang mata na tumitig sakin si Xavier.

"Nothing. Tara? Baka hinahanap kana sainyo." Tumango ako at sabay kaming naglakad palabas ng campus.

"Xavier." Tawag ko sakanya.

"Hmm?"

"Pagtapos ng dalawang bwan diba break na tayo?" Napatigil sya sa paglalakad at humarap sakin.

"Bakit mo natanong?" Kunot noong tanong nya.

"W-wala naman. Naisip kolang yung sinabing mong for two months lang to." Bumuntong hininga sya at hinila ulit ako palakad.

"Pwede bang wag mo muna isipin yan Freya? Magenjoy nalang tayo." Tumango tango naman ako at ng makarating kasi sa itim na Ferrari binuksan nya ang pinto at pinapasok ako.

Shocks. Mayaman pala tong lalaking to. Sumakay sya sa driver seat at nagsimulang paandarin ang kotse. Tinuro ko kung san ang bahay namin at agad nyakong hinatid don.

Buong byahe kaming tahimik at nang makarating sa bahay. Tinanggal ko ang seatbelt ko at inayos ang bag ko. Pagkaharap ko kay Xavier literal na nanlaki ang mata ko dahil sa sobrang lapit nya at kapag nagsalita ako magdidikit ang labi namin.

"X-x-xavier." Dahan dahan ako sa pagsasalita dahil sa takot na dumikit ang labi nya sa labi ko. Ngumiti sya at pumikit nagulat nalang ako ng maramdaman ko ang labi nya sa labi ko.

"See you tomorrow, babe."

---

Chimi❤

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

107K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...