Boy meets Girl

By AliKendrix

639 160 337

"I wish I never met them..." Have you ever imagined going to a prestigious school that would turn out to be o... More

Prologue
Chapter 1: Fresh Start
Chapter 2: Calyx
Chapter 3: Remember
Chapter 4: Squad
Chapter 5: Gut Feeling
Chapter 8: Mall
Chapter 7: Other Side of the Coin
Chapter 9: Food District
Chapter 10: Groundbreaking
Chapter 11: Truth
Chapter 12: A Bestfriend's Effort
Chapter 13: Gifts
Chapter 14: Family
Chapter 15: The Special Day
Chapter 16: Is it Love?
Chapter 17: Unknown Sender
Chapter 18: Tracing the Unknown
Chapter 19: Someone's Coming
Chapter 20: Finding the answer
Chapter 21: SYD
Chapter 22: Flashback
Chapter 23: Home
CHAPTER 24: Sisters Keeper
Chapter 25: Brothers Love

Chapter 6: Anticipation

43 11 30
By AliKendrix

Hinatid na ako ni kuya sa school pero hanggang ngayon binabagabag pa rin ako sa message na natanggap ko kagabi. Bakit sa dinami dami ng taong magsesend sa akin siya pa. Tulala, inaantok at gulong gulo akong pumasok sa klase. Pasalamat nalang ako at isa lang klase ko ngayon araw. Pagkatapos ng klase po tinawagan ko si Kaitlyn. Sakto naman, katatapos ng klase nila. Sinabi ko na rin na 'wag muna niyang sabihin kay Calyx na magkikita kami. Kailangan kong mag-ingat, pati na sa best friend ko.

Pinuntahan ako niya sa may benches malapit sa school oval. "Ali, bakit? May nangyari bang masama?" tanong ni ate sa akin na halatang nag-aalala. Pinakita ko sa kanya yung text message na nataggap ko kagabi.

"Kait, may alam ba kayo na pinuntahan nila Calyx at Jester kagabi? May nasabi ba siya sayo?" tanong ko sa kanya.

Umuling siya. "Ang alam ko lang, ginawa nila yung report nila tapos sabi niya nung nakita ko siyang paalis ng school na pupunta siya sa park kasi sasama daw siya sa inyo na kumain ng dinner. Pagkatapos noon, hindi ko na siya nakita." Sabi ni ate Kaitlyn. Sino kayang nagsend neto? Panigurado naman ako, hindi si Lyx 'to. Hindi siya ganito mag-message sa akin.

"Pero bakit ayaw mong ipaalam kay Kevin 'to? Hindi ba't mas magandang siya ang tanungin mo diretso?" sabi ni ate sa akin. May point siya, pero hindi pwedeng magpadalos dalos. Isang mali ko lang, baka may magawa na namang issue tungkol sa akin.

"Hindi muna. Kailangan ko munang makasiguro bago ko sabihin sa kanya."

Nakita kami ni Jester na nag-uusap kaya lumapit siya. "Ali, Joi, anong ginagawa niyo dito?" tanong niya sa akin. Hindi ako umimik at nag-aalanganin akong magtanong nang magsalita si Kaitlyn.

"Jester may pinuntahan ba kayo ni Calyx kagabi?" tumango si Jester. Kinabahan ako sa sagot ni Jester.

"Pero bakit mo natanong?" umiling si Kaitlyn at natahimik.

"Oo nga pala Ali, hindi ba naitext ni Calyx sayo?" Umiling ako.

"Nung umuwi na kayo nagtext si Emil sa amin, tinatawag niya kami sa apartment niya." Pagpapaliwanag ni Jester. Ibig sabihin, hindi talaga si Lyx ang nagsend ng message.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Calyx. "Hello Lyx, punta ka nga dito sa bench. Kasama ko sila Kait at Jester. May itatanong lang sana ako."

Pumayag si Calyx at sinabing papunta na daw siya. Nang dumating si Calyx, takang-taka siya kung bakit tahamik kaming lahat. Naikwento na rin namin kay Jester yung tungkol sa message since kanina pa siyang nangungulit kung anong problema.

"Bakit? Anong meron?" Tanong ni Calyx. Sandaling natahimik ang lahat. Tumingin siya sa akin saka tumaas noo niya.

"Kev, nung pumunta tayo kila Emil, hiniram ba niya yung phone mo kahit isang beses lang?" tanong ni Jester.

Tumango si Calyx. "Oo, hiniram ni Emil noong bago ako mag-cr, bago tayo natulog. Bakit?"

Pinakita ko sa kanya yung text message na natanggap ko. Napamura nalang si Calyx nung makita niya yung message. Sakto naman, padaan si Emil malapit sa kinaroroonan namin. Sa galit ni Calyx, bigla niya akong binitawan at akmang susugurin si Emil. Pinipigilan siya ni Jester kaso ayaw niya talaga magpaawat.

"Ano bang problema mo?!" sunggab na tanong ni Calyx kay Emil.

"Oh, Calyx, bakit? Anong ginawa ko?" pang-aasar na tono ni Emil.

"Emil, 'wag mo akong masubukan. Baka masuntok kita dito." Sabi ni Calyx na natawa naman si Emil.

Magsasalita n asana si Emil nang biglang hilain ni Calyx ang necktie ni Emil. "Sa susunod bro, 'wag mo akong idadamay sa mga kagaguhan mo. Baka makalimutan kong kaibigan kita." Pagbabanta nito at binitawan si Emil na halatang natatakot na.

"Teka, dahil saan ba'to?" sabi ni Mia. Napatingin siya sa direksyon namin nila Kaitlyn.

"Ahhhh. All for that stupid girl, huh, Calyx?" sabi ni Mia at natawa. "Ganyan ka na ba kabulag Kev?"

"'Wag na 'wag mong susubukang mandamay ng kahit na sino Mia. Subukan niyo pang gawin 'to, kahit babae ka, hinding hindi ako magsisising saktan ka." Sabi ni Calyx.

Sasabat na sana ako nang tumakbo papalapit kay Lyx si Jester.

"Bro tama na, nakakahiya, andaming tao dito." Pagkabulong niya nun kay Calyx, doon ko napagtanto na andami palang estudyanteng nakatambay at dumadaan dito.

Lalaban pa sana si Calyx nang bigla siya hilain ni Jester kaya napilitan siyang lumayo. Dahil sa sobrang galit si Calyx, sinabihan ko silang lumabas muna kami ng campus at nag-abang ng taxi sa main gate.

"Allison, bakit kayo andito?" Bungad ni kuya sa Café. Tinignan niya si Calyx na tahimik at parang may kinikimkim. Binulungan ko si kuya na ikukwento ko sa kanila mamaya at tumango siya. "Lutuan ko lang kayo ng pagkain ha." Sabi ni kuya. Nginitian ko si kuya at pinat niya ako ulo ko saka dumiretso papuntang kitchen.

Habang naghihintay sa pagkain, sinusuyo at pinapakalma pa rin nila si Calyx. Kapag talagang galit kasi siya, hinding hindi talaga yan magsasalita. Kahit sa akin, minsan hindi ko talaga siya napapaamo. Hinintay ko nalang dumating si kuya galing kusina.

"Calyx, pwede ba tayong mag-usap?" maamong tanong ni kuya kay Lyx.

Hindi umimik si Calyx. "Alam kong galit ka. Pero hindi away ang solusyon jan. Tama na yung nailabas mo yung galit mo sa kanila. Pero kailangan mo na ring huminahon."

Nang sabihin ni kuya 'yon sa kanya, huminga ng malalim si Calyx. Agad ko namang kinuha ang tubig na nasa harap niya at iniabot sa kanya. Tahimik naman niyang tinaggap at uminom. Nginitian ako ni kuya at bumalik na sa kusina para icheck ang pagkain namin.

Nang mahimasmasan na siya, unti-unti na namin siyang kinausap.

"Sorry." Sabi ni Calyx sa akin.

"Ano ka ba, ako nga dapat ang magsorry sa'yo eh." Sagot ko sa kanya.

"Tibay mo dun bro ah, hindi ko akalain na magagawa mo 'yun." Sabi naman ni Jester. Magmula kasi nang nangyari last year, walang kahit sino sa kanilang magtangka na sabihan sila Mia at Emil dahil na rin sa estado nila sa school.

Si Mia ay apo ng isa sa mga founder ng school at si Emil naman ay anak ng isang prestihyosong doctor sa school. Kaya kung tutuusin, kaya nilang gawin lahat ng ginawa nila ng wala akong kalaban laban. Napakaswerte ko lang at that time, pati mga kasamahan ko sa SCC, tinulungan akong ipagtanggol ang sarili ko at patunayan na hindi ko magawa ang mga paratang nila sa akin.

"Ali, sinasabi ko sa'yo, pagka maulit ulit na may gawin sila sa'yo sa kahit anong paraan, hinding hindi ako magkakamaling upakan ang dalawang 'yun." Sabi ni Calyx.

"Ako Ali, ayoko na rin na mag-isa mo lang silang hinaharap. Katulad ko, lahat kami, handa sa kahit anong kaya nilang gawin." Sabi ni Kaitlyn. Tumango naman si Jester.

"Sorry ha, nadamay pa kayo sa gulong 'to." Sabi ko sa kanila.

"What are friends for?" sagot ni Calyx.

Nginitian ko naman sila. Maya-maya pa, dumating na ang pagkain naman. Sumabay na rin sa pagkain sa amin si kuya Paul. Nang matapos ang kainan namin, nagpaalam na si Kaitlyn at may aayusin pa daw siya sa school.

Nauna namang umuwi sila Jester at Calyx. Naiwan ako dito sa resto ni kuya since wala naman na akong klase. As usual, kusina ang tambayan ko. Kaya kahit naka school uniform ako, tumutulong na rin ako kay kuya sa pag-aasikaso sa mga order.

Nang papahapon na, kinausap ako ni kuya kung pwede daw akong maunang umuwi at dalhan siya ng damit. Nakalimutan niya daw kasing magdala ng extra niya. Binigay naman niya ang susi ng sasakyan niya at umuwi ako.

Pagkabalik ko, konti nalang ang tao sa resto.

"Kuya, eto na oh, magpalit ka na. Kanina pa basa yang damit mo eh." Sabi ko sa kanya nang matyempohan ko na nakatayo siya mag-isa sa may door malapit sa kusina. Nagpalit na rin ako at nagpasyang hintayin si kuya.

Isa sa mga inspirasyon ko si Kuya. Siya kasi ang nagpakita sa akin na lahat ng pangarap, pinaghihirapan. 'toong restaurant niya na 'to, siya lahat ang gumastos, mula sa pagpapatayo, disenyo, hanggang sa mga iluluto at paghahanap ng mga tao.

Syempre, anjan sila mama para sumuporta, pero hindi talag nila binigyan si kuya ng pera, since ayaw din tanggapin ni kuya at kaya naman daw niyang gastusan after ng pag-aaral at pagtatrabaho niya sa America.

Pagdating namin sa bahay, dimiretso na ako sa kwarto at nagpalit ng pantulog. Tatawagan ko na sana si Calyx para kamustahin siya nag hindi ko namalayan, nakatulog na pala ako sa pagod. Narinig ko pang kumatok si kuya pero sa sobrang pagod ko, hindi ko na inisip na buksan ang pinto.

Naramdaman ko nalang na pinatay ni kuya ang ilaw sa kwarto ko at tuluyan na akong nakatulog.

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.2K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...