The Heartless Master (Savage...

By Maria_CarCat

7M 228K 48.4K

His Punishments can kill you More

The Heartless Master
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Special Chapter
SAVAGE BEAST SERIES SELF-PUB

Chapter 54

86.1K 2.8K 438
By Maria_CarCat

Tapos na








Naging maluwag si Rajiv sa akin nitong mga nakaraang araw. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Natatakot pa din ako na sa isang iglap lang ay magbago ulit ang lahat. Busy siya ngayon sa problema ng companya kaya naman ramdam na ramdam ko ang pagod niya sa tuwing tumatawag siya sa akin at nangangamusta.

"Ibig mong sabihin si Piero ang dahilan kung bakit unti unting bumabagsak ang mga dela rama?" Tanong ni Papa sa aking isang umaga nang mapagpasyahan kong duon kumain ng almusal sa kanila.

"Ang alam ko po may plano siya"

Tumaas ang kilay nito habang nakatingin sa akin. Nagiwas ako ng tingin ng makita ko kung paano sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi.

"Mahal na mahal ka talaga ng batang iyon" nakangiting sabi sa akin ni Papa. Tipid na ngiti lang ang naisagot ko sa kanya.

Hindi ko maiwasang hindi malungkot. "Nagmahal po ba kayo ng iba bukod kay Mommy?" Panguusisa ko sa kanya. Kita ko ang pagkabigla sa kanyang mukha. Nawala din naman iyon ng makabawi siya.

Humugot siya ng malalim na paghinga. "Hindi na. Hindi ko na yata kayang magmahal pa ng iba" paos na sagot niya sa akin. Nakatitig siya sa kanyang pagkain. Ramdam ko ang lungkot sa boses ni Papa. Mahal niya pa si Mommy, ramdam ko iyon.

Napanguso ako. Tumingin sa malayo at kinundisyon ang akong sarili. "Si Piero kaya?" Halos pabulong na tanong ko, bumalik ang tingin ko kay Papa ng marinig ko ang kanyang pag ngisi.

"Gusto mong magmahal siya ng iba bukod sayo?" May bahid ng paghamong tanong ni Papa sa akin.

"He deserve it Papa, ayoko siyang matali sa akin. Paano kung hindi na ako makabalik?" Malungkot na tanong ko. Pilit kong iniiwasang maging emosyonal. Nitong mga nakaraang araw ay madalas na ang pagsikip ng aking dibdib. Mas matindi at mahaba ang nararamdaman kong pagkirot.

Tinitigan ako ni Papa, wari'y may hinihintay na iba pang reaksyon galing sa akin. "Makakahanap pa si Piero ng iba, yung hindi siya iiwan" patuloy ko pa, sinabi ko iyon kahit mabigat sa aking dibdib.

Kaya ko nga ba? Isipin ko pa lang na may ibang babae sa buhay niya parang hinihiwa ang dibdib ko. Unti unting nadudurog ang puso ko. Pero ayokong maging selfish, ayoko siyang iwan magisa. Ang matapang na tingin ni Papa sa akin kanina ay dahan dahang napawi. Akala ko ay may sasabihin pa siya, pero sa huli, naghari ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

Alas nuebe ng umaga nang may humintong kulay itim na SUV sa tapat ng aming bahay. Napatayo ako ay mabilis na nagpaalam kay Papa. Pinadala iyon ni Piero para sunduin ako. Pinayagan niya akong dumalaw ulit sa kanya sa opisina.

"Aalis na po ako"

Ngumiti ito sa akin matapos ko siyang halikan sa pisngi. Pagkatapos ng paguusap namin kanina, pansin ko na ang pagiging matamlay nito. "Pa...ayos ka lang po?" Nagaalalang tanong ko sa kanya.

Tipid siyang ngumiti sa akin at marahang umiling. "Medyo sumakit lang ang ulo ko anak" pagdadahilan niya sa akin.

"Hindi na lang po ako aalis Papa, sasamahan ko na lang po kayo dito" pagprepresinta ko.

Hinawakan ako nito sa magkabilang balikat at tsaka marahang tinulak palabas. "Sige na at puntahan mo na si Piero. Siguradong hinihintay ka na din non" pagtanggi niya sa alok kong samahan na lamang siya duon.

May pagaalinlangan akong tumuloy sa aking lakad. Wala din kasi ang aking kapatid na si Akie dahil sa pagpasok nito sa eskwela. Kahit sa byahe, kalahati ng aking isipan ay si Papa pa din ang iniisip. Alam ko namang simpleng sakit lamang iyon ng ulo pero iba pa din pag may nagaalaga sayo.

"Andito na po tayo Ma'm" anunsyo ng driver na pinadala ni Piero. Iniwan ko ang driver na pinapadala sa akin ni Rajiv kila papa. Hindi naman na ito nagtatanong pa dahil pag dating ng dilim ay nanduon din naman ako at siya ang naghahatid sa akin pabalik sa bahay.

Binuksan ng guard ang pintuan para sa akin. Nakilala marahil nito ang sasakyang ginagamit ni Piero. Hindi kagaya ng aking unang punta, nakasuot lamang ako ng itim na bucket hat, aviators na ipinares sa suot kong dress.

"Good morning Mrs. Herrer" tumalon ang puso ko dahil sa pagbati sa akin ng guard. Alanganin akong ngumiti sa kanya. Nanduon din sa may entrance ang secretary ni Piero na inutusan niyang magintay sa akin. Mayroon itong importanteng meeting kaya naman siya ang magdadala sa akin patungo sa opisina nito.

Kita ko pa din ang ilang tingin ng mga empleyado. Marahil hanggang ngayon ay nagtataka pa din sila kung bakit ganito ang ayos ko sa tuwing nagtutungo ako dito. Isang bakanteng elevator ang sinakyan namin paakyat. Nakita ko ang pagtingin ng babae sa kanyang suot na orasan.

"Malapit na din pong matapos ang meeting ni Sir Piero" nakangiting anunsyo niya sa akin.

"Anong oras iyon nagsimula?"

"Alas siyete eksakto po Mrs. Herrer" magalang pa ding sagot niya sa akin. Napahawak ako sa aking braso ng maramdaman ko ang pagtaas ng balahibo ko duon. Hindi pa din sanay sa pagtawag nila sa akin nuon.

Tumunog ang elevator sa tamang palapag. Iginaya ako nito papasok sa opisina ni Piero, nagalok muna siya sa akin ng maiinom at pagkain bago niya ako tuluyang iniwan duon. Marahan kong hinubad ang bucket hat at aviators. Inilapag ko iyon sa itaas ng malaking office table ni Piero bago ko muling hinarap ang buong makati.

Bahagya kong nakita ang repleksyon ko sa malaking salamin, napangiti ako nang makitang bahagyang nagulo ang bangs ko. Marahan ko iyong inayos.

"Mrs. Herrer..." nakangiting sambit ko. Ofcourse i want to be his Mrs. Herrer. Sa mundo nilang mayayaman, sigurado akong mayroong mga babaeng gustong gusto ding maging asawa ni Piero, o isa sa kanilang apat.

Gusto kong maging asawa si Piero, hindi dahil isa siyang Herrer kundi dahil siya si Piero. Hindi ko kailanman ginawang basehan ang estado ng kanyang buhay. Hindi naman madadala sa hukay ang pera. Hindi naman madadala sa hukay ang lahat ng mararangyang gamit. Ang madadala mo lang? Yung mga alaala, yung pagmamahal.

Napaikatad ako ng maramdaman ko ang yakap ni Piero sa aking likuran. "Piero..." marahang tawag ko sa kanya. Iikot sana ako para harapin siya ng mas lalo niya akong niyakap para ipirmi. Pareho na kami ngayong nakatanaw sa malayo, naramdaman ko ang pagpatong ng kanyang baba sa aking balikat. Bahagya ko siyang nilingon para halikan sa kanyang pisngi. Napangiti siya dahil sa aking ginawa.

"Ang bilis naman matapos ng meeting mo" puna ko sa kanya. I heard him chuckle. Bayolente akong napalunok ng maramdaman ang bahagyang paghalik nito sa aking leeg.

"Nung nalaman kong nandito ka na sa office ko, nawalan na ako ng interest sa mga pinagsasabi nila" parang batang sumbong niya sa akin. Natawa ako, at tsaka hinawakan ang kamay at braso niyang nakapulupot sa aking bewang.

"Ikaw talaga..." nakangising puna ko sa kanya.

"I love you..." paos na sambit niya duon mismo sa aking tenga.

Imbes na sumagot, pinilit kong makawala sa kanyang yakap at humarap sa kanya. Ikinawit ko ang mga kamay ko sa kanyang leeg at tsaka siya muling hinalikan sa pisngi. "Amputang halik yan, para kang humahalik sa lolo mo ah" nakabusangot na reklamo niya sa akin. Napanguso ako.

"Lolo kaagad?" Pangaasar ko sa kanya. Nagtaas siya ng kilay.

Nagtaas baba ang kamay niya sa aking bewang. Kita ko ang paglalaro ng ngisi sa kanyang mga labi. "Umuwi na tayo sa condo..." mapangakit na sabi niya sa akin kaya naman nahampas ko siya sa braso.

"Magtrabaho ka muna, kung ano anong naiisip mo" suway ko sa kanya. Kinagat niya ang kanyang pangibabang labi. Mas lalong inilapit ang katawan ko sa kanya.

"Ikaw ang tratrabahuhin ko" nakangising sabi pa niya. Umunit ang magkabilang pisngi ko dahil sa kanyang sinabi kaya naman napahalakhak siya.

"Come on, magtrabaho na tayo ng makarami tayo ng gawa ng bata" patuloy na pangaasar pa niya sa akin. Gustuhin ko mang ngumiti sa kanya ay hindi ko naitago ang kalungkutan sa aking mukha.

Unti unting napawi ang ngisi ni Piero ng mahalata ang aking pananahimik. "May problema?" Nagaalalang tanong niya sa akin. Bumagsak ang tingin ko sa kanyang necktie. Hindi ko magawang pantayan ang tingin niya sa akin.

Mas lalong naglapat ang aking mga labi ng marahan niyang pasadahan ng daliri ang aking pisngi. Malambing niyang hinaplos iyon. "Ayaw mong gumawa ng bata?" Marahang tanong niya sa akin. Napanguso ako, muntik pa akong matawa dahil sa pahkabulgar nito.

"Hindi naman sa ganuon. Pero, paano kung isa lang ang kaya ko?" Nahihiyang tanong ko sa kanya. Nanatili ang mata ko sa kanyang bandang dibdib, ramdam na ramdam ko ang bigat ng kanyang mga tingin sa akin.

Naramdaman ko ang marahan niyang pagpisil sa aking magkabilang bewang. "Kahit ilan basta galing sayo Amaryllis. Kung isa ayos lang..." paos na sagot niya sa akin habang paulit ulit na nagtatanim ng mababaw na halik sa aking noo.

Lumipat ang hawak ko sa kanyang magkabilang braso. Ngayon, nagkaroon ako ng lakas na tinanglain siya. Tiningnan niya ako sa paraang hindi ko magagawang kumalas sa titig na iyon.

"Alam kong gusto mo ng maraming anak Piero" giit ko.

Bahagyang tumaas ang kanyang kilay. "May dalawa na tayo...kung isa lang ang kaya mo. Sapat na ang tatlo" seryosong sabi niya sa akin. Tinukoy nito sina Rochi at peanut.

Pagod ko siyang nginitia. "I want to give you a big family...kung kaya ko lang sana" marahang sabi ko at medyo pabulong na yung dulo.

Kaagad iwinaksi ni Piero ang topic na iyon. Sabay kaming kumain, nanatili akong tahimik na nanunuod sa kanyang sa tuwing seryoso sa kanyang ginagawa. Namamangha pa din ako sa tuwing nakikita ko kung paano siya magbasa ng documento. Kung paano niya ilipat ang pahina at kung paano siya pumirma. Full of authority. Kahit sino ata malilibang sa pagtitig sa kanya,kahit buong araw na umupo duon at panuorin lang siya.

Pumasok ang secretery ni Piero, ngumiti siya sa akin ng bumaling. Dumiretso siya sa harapan ng lamesa nito at inilapg ang isang folder. Sandali pa silang may pinagusapan kaya naman nagawa ko pa siyang punahin. Maganda ito, balingkinitan ang katawan at mukhang disente.

Ilang minuto pagkalabas nito, tumayo ako at naglakad patungo sa lamesa ni Piero. Kita ko ang pagangat ng kanyang tingin dahil sa aking ginawa. Tumayo ako sa gilid ng kanyang lamesa, tinukod ang aking magkabilang kamay sa dulo nito at tahimik na dumungaw sa mga binabasa niyang documento. 

"Are you bored? You want something to eat?"

Mabilis kong inilingan ang kanyang offer sa akin. Nagtaas siya ng kilay, naghihintay ng rason sa aking biglaang pagtayo. Marahang tinulak ng kanyang paa ang inuupuang swivel chair at tsaka itinuro ang kanyang kandungan.

"Come here"

Wala sa sarili kong sinunod ang kanyang utos sa akin. Umupo ako sa kanyang kandungan at kaagad na ikinawit ang aking braso sa kanyang leeg para sumuporta. "Maganda ang secretary mo" puna ko. Nagtaas siya ng kilay, kita ko din ang bahagyang pagkurba ng kanyang labi. Pilit na iniiwasan ang pagngiti.

"Do you want me to fire her now?" Mapanghamong tanong niya sa akin. Sa klase ng kanyang tanong, sigurado akong gagawin niya kaagad pagsumagot ako ng oo.

Marahan akong umiling. "Are you not attracted to her?" Paos na tanong ko. Nanatili ang titig ni Piero sa akin, pero ako. Hindi ko magawang tumigil ang titig sa kanya.

Nanatili siyang tahimik. "I mean. Ang daming magagandang babae dito, wala ka bang natitipuhan?" Tanong ko pa din sa kanya. Dahan dahang bumaba ang kamay niyang nakahawak sa aking bewang. Tamad niyang ipinatong iyon sa kanyang armrest na para bang nawalan siya ng ganang hawakan ako.

"Are you really asking me that? Really Amaryllis?" Galit na tanong niya sa akin. Kahit pa mahinahon ang pagkakatanong niya nuon ay ramdam ko pa din ang puot.

"I was just curious"

Nagtiim bagang ito at kaagad na nagiwas ng tingin. "Do you want me to fancy other girls then? Tell me baby, do you want me to fancy my secretary?" Mapanuyang tanong niya sa akin, kung banggitin niya iyon ay para bang siya na mismo ang nandidiri sa ideya.

Ofcourse not! Syempre ayoko

Hindi kaagad ako nakasagot. Naramdaman ko ang pagbalik ng hawak ni Piero sa aking bewang. "Anong iniisip mo?" Giit na tanong niya.

Bayolente akong napalunok. "Wala Piero..." marahan kong tugon.

"Kung ganuon saan papunta ito?" Seryosong tanong niya sa akin. Hindi ako nakasagot, hindi na ata ako makakasagot. Bago pa man kami magusap ni Papa kaninang agahan ay nakapagdesisyon na ako. Kailangan kong gawin ito.

Dahan dahan akong tumayo mula sa pagkakakandong sa kanya. Sandaling gumuhit ang sakit sa kanyang mukha dahil sa aking biglaang pagalis. Nakatayo ako sa kanyang harapan, ngayon siya naman ang nakatingala sa akin. "Gusto kong magpakasal kay Rajiv, aalis kami at pupunta ng america pagkatapos nuon" matapang na sabi ko sa kanya kahit pa halos masuka ako dahip sa panlalamig ng sikmura.

Napaawang ang bibig ko dahil sa pagngisi ni Piero. Marahan itong napailing iling, bahagyang tumawa na para bang nagbibiro ako. "Piero...I'm sorry" marahang sambit ko. Sumakit ang lalamunan dahil sa nagbabadyang pagluha.

Unti unting nawala ang kanyang ngisi. Kumunot ang kanyang noo. Hindi na niya kinaya kaya naman tumayo na din siya sa aking harapan ngayon. "Kanina ay maayos pa tayo Amaryllis, anong nangyari? Anong hindi mo nagustuhan at nagkaganyan ka?" Mariing tanong niya sa akin. Naginit ang aking mga mata. Hindi ako makasagot.

"Sisisantehan ko kaagad ang lahat ng babaeng ituro mo sa building na ito. Sabihin mo lang" galit na giit niya.

Marahan akong napailing kasabay ng pagtulo ng luha. "Nitong mga nakaraang araw...unti unting bumalik ang ilan sa mga ala ala ko" lumuluhang kwento ko sa kanya. Nanatili ang mabigat niyang tingin sa akin.

"Bago mo pa man ako masagasaan. Mahal ko si Rajiv...mahal ko si Rajiv bago pa kita nakilala" pagsisinungaling ko

Mas lalong nalukot ang mukha ni Piero. Hindi makapaniwala sa aking mga sinasabi. "Ako ang mahal mo Amaryllis..." parang maiiyak na sabi niya.

Tumulo ang masasagang luha sa aking mga mata. Marahan akong umiling sa kanya. "Akala ko din" sabi ko pa, kumirot ang dibdib ko. Hindi ko gustong sabahin iyon. Salungat ang lahat ng iyon sa tunay kong nararamdaman. Mahal na mahal ko siya, ngunit kailangan kong gawin ito. Nakapagdesisyon na ako.

Hinagilap ni Piero ang aking palapulsuhan. "Baby ano ba to? Hindi ito magandang biro"

"Let me go..." pumiyok na sabi ko sa kanya. Nanlaki ang mga mata ni Piero.

"Baby..." malambing ngunit may takot na tawag niya sa akin.

Inipon ko ang lahat ng lakas ko para bawiin ang kamay ko sa kanyang pagkakahawak. "Narealize ko ito nitong mga nakaraang araw na wala si Rajiv. Tama siya, he own me first Piero..." patuloy na pagsisinungaling ko.

Binitawan niya ang aking palapulsuhan, lumapit sa kanyang lamesa at marahas na hinawi ang lahat ng nakapatong duon. Napaiktad ako dahil sa isang malakas na sigaw mula sa kanya. "Tangina!" Malutong na mura niya ng isang beses pang hinampas ang lamesa.

Bahagya akong napaatras ng muli siyang lumapit sa akin. Muling gumuhit ang sakit sa kanyang mukha dahil sa aking ginawa. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. "Baby...look at me" pakiusap niya sa akin. Pilit hinuhuli ang aking mga mata.

Pinagbigyan ko siya. Nakita ko kung paano magtubig ang kanyang mga mata. "Kanina ok pa tayo eh. Binabaliw mo ba ako Amaryllis? Binabaliw mo ba ako!?" Mula sa mahinahong tanong ay tumaas ang kanyang boses.

"Tangina naman..." pumiyok na sambit niya.

Hindi ko na napigilan ang mga hikbi. "Ayoko na" pagpapatuloy ko pa din. Kahit gustong gusto kong humingi ng sorry dahil sa biglaang problema, hindi ko na magawa. Nandito na ako kaya naman itutuloy ko na.

"Anong ayaw mo na?" Desperadong tanong niya.

Halos dumugo ang pangibabang labi ko dahil sa pagkakakagat ko dito. "Planado ang lahat ng ito Piero..." pagsisimula ko, natigilan siya.

"Ikaw ang tinawagan ko pagbalik ko ng pilipinas galing sa hongkong dahil planado ang lahat ng ito" pumiyok pa ding sabi ko.

Walang tigil ang pagtulo ng aking mga luha. Ganuon din siya. "Gusto naming makaganti sayo dahil sa balak mong pagpatay kay Papa...gusto naming makaganti sayo dahil sa ginawa mo sa akin. Sinagasaan mo ako at parang hayop na iniwang mamatay sa gitna ng kalsada!" Umiiyak na sumbat ko sa kanya. Mas lalong bumuhos ang kanyang luha.

"Humingi na ako ng tawad, lumuhod na ako diba Amaryllis?" Umiiyak na sabi pa niya. Sinubukan niyang abutin ang aking mga kamay ngunit iniwasan ko.

Marahas akong umiling. "Pinasakay lang kita, lahat ng ito...puro kasinungalingan. At dahil ayoko ng pakisamahan ka, sinabi ko na sayo ang lahat"

Umiling siya. Hindi pa din naniniwala. Sinubukan niya akong hawakan ulit, ngayon mas desidido na siya. "Wag mo akong hawakan! Mamamatay tao ka!" Sigaw ko sa mukha niya, kitang kita ko ang gulat sa kanyang mga mata.

"Sa tingin mo ba, mamahalin talaga kita sa kabila ng ginawa mo sa akin?" Mapanuyang tanong ko sa kanya.

"Sawang sawa na akong magpanggap...tapos na" pinal na sabi ko bago ang sunod sunod na paghikbi.

Nanlulumong nakatingin si Piero sa akin. Hindi ko siya magawang tingnan, sobra akong nasasaktan. Mas nasasaktan ako.

"Baby..." malambing na tawag pa din niya sa akin. He was so wasted.

Marahas akong umiling at nagpahid ng luha. Bago pa ako tuluyang manghina sa kanyang harapan ay mabilis na akong tumakbo palabas ng kanyang opisina.

Tapos na, tinapos ko na.

Nagulat si Papa ng umuwi ako ng araw na iyon. Maging siya ay nagulat sa aking ginawa. Hindi makapaniwalang ang magandang umaga ay mauuwi sa ganuon. Tatlong araw matapos nuon ay hindi na ako lumabas sa bahay ni Rajiv. Ni ang imbitasyon ni Mommy na pumunta sa kanilang bahay ay hindi ko na pinaunlakan.

Sa tatlong araw na pagkakakulong ay mas lalo kong naramdaman ang pagbabago ng aking katawan. Mahina, unti unting nanghihina. Ilang beses ko bang itinago ang aking tunay na nararamdaman? Ilang beses ko bang pinatungan ng lipstick ang namunutla ko ng labi? Ilang beses kong itinago sa ngiti ang takot dahil sa unti unti kong paghina? Hindi magtagal, parang isang gusaling babagsak ang aking katawan. Hindi magtatagal, magiging pabigat ako sa mga taong nakapaligid sa akin.

"Kailan pa?" Umiiyak na tanong ni Papa sa akin.

Nanatili akong nakahiga sa kama. Ni hindi ko nagawang makapaghanda sa kanyang pagdating, nakita niya tuloy ang aking tunay na kalagayan. Tipid akong ngumiti. "Ilang araw simula ng nalaman kong nagdadalang tao ako Papa" sagot ko sa kanya. Mas lalo siyang napapikit ng mariin.

Hinawakan ko ang kanyang kamay. "Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong panghihina. Baka hindi na din ako aabot sa America Papa..." nanghihinang paliwanag ko sa kanya.

Marahas siyang umiling. Ayaw tanggapin ang aking sinabi. Sa gitna ng kanyang pagiyak ay nagulat kami sa pagdating ni Rajiv. Humahangos ito. "Anong nangyari?" Nagaalalang tanong niya sa akin.

Gulat na gulat ito sa aking itsura. Base kay Papa, kung hindi dahil sa mga ipinapatong ko sa aking mukha, makikita kaagad na may sakit ako. Ilang beses kong itinago ang mga paninikip ng aking dibdib. Maka ilang beses akong nagtago sa banyo para hintaying mapawi ang pagkirot at lumabas na nakangiti na parang wala lang.

"Aayusin ko na ang mga kakailanganin natin kung ganuon. Aalis tayo patungo sa America sa lalong madaling panahon" desididong sabi ni Rajiv.

"Ang companya mo?"

Nagigting ang kanyang panga. "Papayag ako sa gusto ng mga Herrer, iiwan ko sa kanila ang companya...sasama ako sayo sa America" plano niya.

Marahan akong umiling. "I still have my share Amary. Hindi tuluyang mawawala iyon sa akin" giit pa niya.

Kagaya ng kanyang pinlano, tutuloy kami at aalis na. Maging sina Mommy at tito Benedict ay hindi makapaniwala dahil sa biglang desisyon. Naging mabilis ang lahat. Time is really powerful, sa isang iglap nagbago ang lahat.

"What about the wedding?" Naguguluhang tanong ni Mommy. Walang pumansin sa kanya. Maging si Rajiv hindi siya pinansin, busy ito sa pakikipagusap kay tito benedict.

Napasulyap ako sa salamin malapit sa akin. Muling sumigla ang mukha ko dahil sa mga coloreteng iniligay sa mukha. "Amary what is this, the wedding? How about the wedding?" Natatarantang tanong pa din niya.

Tiningna ko lang siya. Napailing na lamang ako. Just lile Anamarie, mukhang hindi ko din makakasama si Mommy sa aking mga huling araw. Walang kamalay malay nanaman siyang mawawalan ng anak.

Saktong isang linggo matapos ang nangyari sa opisina ni Piero. Muli kaming magkikita para sa contract signing. Hindi man ako kailangan duon, ginusto ko pa ding sumama. Kailangan kong pilitin, kailangan kong masiguradong maayos si Piero. Hindi ako aalis hangga't hindi ko nakikitang ayos siya.

"Sinabi mong lahat iyon?" Hindi makapaniwalang tanong ni Rajiv habang nasa byahe kami patungo sa Herrer building. Tinanguan ko siya matapos kong ikwento sa kanya ang lahat.

Hinawakan niya ang aking kamay. "I was about to let you go Amary..." emosyonal na sabi niya sa akin na ikinagulat ko.

"I made up my mind nung nasa Macau ako. I was about to free you" malambing na saad pa niya.

May kung anong bumara sa aking lalamunan. Tipid ko siyang nginitian. "Kung ganuon, hindi ikaw ang kalaban Rajiv...ang oras ang kalaban ko ngayon. Ang sakit ko ang kalaban ko" emosyonal na sabi ko pa. Kita ko ang pagkislap ng kanyang mga mata dahil sa nagbabadyang luha.

"Ito ba ang gusto mo?"

Tumango ako sa kanyang itinanong sa akin. Tama ito ang gusto ko, isang beses na sakit. Isang bagsakan. Walang iyakang magaganap. Walang awang matatanggap. Aalis ako bilang isang manloloko, aalis ako at hindi na hahabulin pa ni Piero dahil niloko ko lang naman siya.

Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko sa loob ng nasa loob na kami ng building. Nakahawak ako sa braso ni Rajiv habang naglalakad kami patungo sa conference room. Sumulayap siya sa akin. "You look so pale" puna niya.

Napaawang ang aking bibig. Kakalagay ko lamang ng lipstick pero ito nanaman. "I need to retouch" sabi ko sa kanya.

Tipid na ngumiti si Rajiv sa akin. "Maganda ka pa din naman Amary." Puri niya sa akin. Humigpit lalo ang hawak ko sa braso niya habang nakatanaw sa conference room kung nasaan si Piero. Nakita ko ang gulat sa mukha ng kanyang secretary ng makita ako, bumaba ang tingin sa pagkakahawak ko sa kamay ni Rajiv.

"Mrs. Herrer?" Alanganing tawag niya sa akin. Marahan akong umiling sa kanya.

Nilagpasan namin siya at tsaka tuluyang pumasok sa loob. Likod pa lang ni Piero ang nakita ko, para na akong maiiyak. Nakatalikod siya ngayon sa amin dahil sa kausap. "Kaya mo?" Nagaalalang tanong ni Rajiv. Marahan ko siyang tinanguan.

Nakita kami ng kausap nito kaya naman itinuro niya kami kay Piero. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng lingunin niya kami. Blanko niya akong tiningnan, halos manginig ang buong katawan ko dahil sa lamig ng tingin niya sa akin. Mabilis din naman niya iyong binawi.

Hindi nangahas si Piero na tumingin sa akin. Nanatili siyang seryoso at mariing nakikinig. Ngayon, mapapanatag ako. Gaya ng inaasahan. Mananatili siya sa companya, hindi bibitawan ang lahat para sa akin.

"We heard na kaya mo gagawin ito dahil aalis ka patungo sa america" tanong ng isang matandang lalaki kay Rajiv. Nagkaroon ng ilang minutong break para sa pagaayos ng presentation.

Tumango si Rajiv. Nakita kong nanatili ang mga mata ni Piero sa folder na nasa harapan niya. "Medyo matatagalan kami duon kaya naman mas mapapanatag akong iwanan ang companya"

Hindi nawala ang tingin ko sa kanya. Alam kong ramdam niya iyon. Isang tingin at magiging ayos ako. Paulit ulit na bulong ko. Hindi nagtagal ay iginawad niya iyon sa akin. Sumulyap siya.

"Happy trip then, you should stay there for good. At wag ng babalik" mapanuyang sabi niya sa aming dalawa. Nakita ko ang pagtataka sa mukha ng ibang kasama, hindi natinag si Piero.

I heard Rajiv's protest. "I hope you didn't mean that" mapanuyang balik ni Rajiv dito. Nagtiim bagang si Piero. I was expecting him to say he mean it. Pero wala akong narinig. Is he still hoping for us pagkatapos ng lahat ng kasinungalingang sinabi ko?

Then aalis ako. Aalis ako at walang ibang papangarapin kundi ang makabalik. Sana nga ay mapagbigyan at muling makabalik.















(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

154K 3.7K 54
What will you do if you end up in someone else body?
883K 30.4K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
229 88 7
Girl Series #2 Yrina Larisse Valeco -Leyaanaviaaa. Date Started: February 15, 2022 Date Ended:
9.1M 247K 66
The Doctor is out. He's hiding something