The GCQ mission: Billionaire'...

By aizzienn

236K 7.2K 1.5K

NANG DAHIL SA COVID # 2: GCQ Dahil sa banta ng Corona virus, nawalay kay Mariella ang limang buwan niyang san... More

The GCQ mission: Billionaires Baby
Ola!
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Epilogue
Author's Note (Special Chapter)

Chapter 19

4.9K 195 22
By aizzienn


"Jusmeyo marimar, boss... b-bakit mo iyon ginawa?!"

Naitulak ko sya at napahawak ako sa aking labi. Nalalasahan ko pa rin doon ang alak mula sa kaniyang bibig. Hindi makapaniwalang napatingin ako sa kaniya, sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Alam kong lasing sya, pero bakit kailangan nya itong gawin? Wala na ba talaga sya sa tamang pag-iisip? O pinaglalaruan nya lang ba ako?

"Boss.. n-nasa itaas lang ang babaeng mapapangasawa mo at—

Bigla'y hinawakan nya muli ang aking baba at siniil nya ako ng halik. Halos lumuwa na ang aking mga mata sa gulat ngunit mistula akong nabato sa kinatatayuan. Nagsimulang gumalaw ang kaniyang labi na dahilan ng tuluyang pagkawala ko sa katinuan. Hinawakan nya ang aking pisngi upang mas palalimin ang halik.

Ramdam ko ang unti-unting pagliliyab ng aking katawan at ng paligid. Walang ibang laman ang utak ko kundi ang kakaibang sensasyon mula sa aking kaibituran na dahilan kung bakit hindi na 'ko nakakapag-isip ng tama. Ito rin ang nagtutulak sa akin na tugunin sya. Hindi ko pa na lubos maisip ang nangyayari.

"Hmmn..." Napahalinghing ako sa sarap na dala ng malambot nyang labi. Sinubukan kong gayahin ang kaniyang galaw, at kasabay ng pagkapit ko sa matitipuno nyang braso ay ang pagtugon ko ng buong puso sa kaniyang halik.

Sandali syang natigil. Ramdam ko iyon sa koneksiyon ng aming labi. Maaring hindi nya inasahan ang aking ginawa, maski ako. Pero dalang-dala na 'ko sa init nya na kanina ko pa ramdam. Ayaw ng utak ko pero gusto ng katawan ko ang init nya. At sa pagkakataong 'to, gusto kong manaig ang tawag ng aking katawan.

Napasinghap ako nang muling angkinin ni boss ang aking labi sa mas agresibong paraan. Sinipsip nya ang pangibaba kong labi at hindi ko napigilan ang aking mga ungol. Sa bawat segundong lumilipas ay mas lalo syang nagliliyab at nagiging agresibo. Wala na 'kong ibang maisip kundi ay kung papaano ko sya sabayan.

"You're doing great, Mariel." Bulong nya nang sandaling maghiwalay ang aming labi. Maaring alam nya na hindi ako sanay sa ganito. Minsan ay nakakagat ko pa ang kaniyang labi, pero wala syang riklamo at ginigiyahan nya pa ako.

Pumasok ang kaniyang dila sa aking bibig at mas pinagdikit nya ang aming katawan. Ipinulupot ko ang aking mga braso sa kaniyang batok. Nakakapaso ang init nya, ngunit nagustuhan ko iyon. Hanggang sa naramdaman ko ang mga kamay nya sa aking pwetan at bigla na lang akong umangat sa ere!

Hindi nya pinapakawalan ang aking labi, kaya upang masiguradong hindi ako mahuhulog ay ipinulupot ko ang aking mga binti sa kaniyang baywang. Iniupo nya ako sa malamig na mesa na nasa aking likuran at tumayo sya sa pagitan ng nakabuka kong mga hita. Teka, tuloy na tuloy na ba talaga ito?!

"Ahhh.. b-boss.." Napaungol ako nang bumaba ang kaniyang mainit at masarap na bibig sa aking leeg at sa aking tenga. Pumasok rin sa ilalim ng damit ko ang kaniyang palad at biglang pinindot at minasahe ang aking utong na halos ikinatalon ko! Ano kasi.. a-ang sarap!

"Ahhh.." lumubog ang aking mga kuko sa kaniyang batok at napatingala ako habang mariin na nakapikit ang mga mata at kagat ang labi.

Naglakabay sa aking katawan ang mainit nyang mga palad. At nang akmang huhubarin nya ang aking pang-itaas ay doon na 'ko nagising sa nangyayari. Oo, hiniling ko na sana bumalik na sa dati ang pagtrato ni boss sa akin, ipanagdasal ko na sana kahit kausapin man lang nya 'ko. Pero hindi sa ganitong paraan!

"Boss, t-teka.."

Kahit nanginginig at nanghihina ang aking mga kamay, nagawa ko pa syang itulak ng marahan. Dalang-dala ako sa init at bango nya, at pati ako ay nalasing sa labi nyang may alak. Pero namulat ako sa reyalidad, lalo na nang pumasok sa isip ko ang anak ko.. hindi ito maaari.

"It's been a long time since I made out with someone," Natawa sya ng marahan at tumuon ang mga mata sa akin. "Am I that bad now?"

Agad akong napailing na ikinangisi nya. Pero kung mas pinag-isipan ko pa siguro ng ang sagot ko, malamang sinabi ko na hindi para lubayan nya na ako. Kaso hindi ko kayang magsinungaling sa kaniya. Taliwas doon ang totoo.

"Then what?" Mapaglarong bulong nya sa aking tenga. Napakagat ako sa aking labi upang pigilan ang aking impit na ungol. Boss naman, wag mo 'kong pahirapan!

"H-hindi mo na kailangang itanong dahil alam mo na hindi dapat 'to nangyari p-pati yung sa laro nung nakaraang linggo, boss." Pinilit kong magtunog matapang kahit duda ako sa kakayahan ko.

Tinukod nya ang mga kamay sa magkabilang gilid ko. Ilang beses akong napalunok dahil mukhang wala syang balak bitiwan ang mga mata ko na bihag ng kaniyang mga kulay lupa. Kakaibang personalidad na naman ang nadiskobre ko kay boss ngayon. At naglalaplapan pa talaga kami.. jusmeyo marimar.

"Can you call me, Alex? Or Alexander?" Aniya na ikanakunot ng noo ko. Sige lang boss, palalain mo pa.

Hindi ko na nagawang sumagot. Muli kaming linukob ng katahimikan. At nang unti-unting bumalik sa akin ang nangyari kanila lang, pakiramdam ko'y naitulos ako sa aking kinauupuan. Sa'n ko nahugot yun?! Mas gumrabe ang okwardityness na nararamdaman ko lalo na ng mapagtanto ko ang aming posisyon.

Hindi ko sya matingnan ng diretso. Ang mga alikabok lang ang nakakaalam kung anong hiya ang nararamdaman ko.. kung meron mang alikabok dito. Tinanggal ko ang aking mga braso sa pagkakapulupot sa kaniyang leeg. Unti rin akong umatras palayo sa kaniya. Pinanuod lang ako ng papikit-pikit nyang mata. Lasing na nga.

"Boss.. ano, pwede na ba akong umalis?" kabado kong tanong.

"There's a password,"

Agad na kumunot ang noo ko sa sinabi nya.

"My name." Nakita ko ang bahagyang pagtaas ng sulok ng kaniyang labi.. "Say it in a cute and nervous tone."

Natanga ako sa sinabi nya. Pero kahit tila naglalaro sya ay totoo ang gusto myang mangyari. Napakamot na lang ako sa aking dendrap.. "M-my name."

Bigla'y para natawa nang sabihin ko ang password nya. Hinilamos nya pa sa aking mukha ang kaniyang palad. Ano namang problema nya? Yun naman ang sinabi nya sa akin, ah?! "Silly, the password is my name. Ano bang pangalan ko?"

Napakurap-kurap ako. Ay, yun pala ibig nyang sabihin! Sinunod ko ang kaniyang utos, nagpa-kyot ako at umaktong hinakabahan. Pero yung kinakabahan lang ata ang nagawa ko.

"A..Alexander."

"There it is."

Bigla nya 'kong hinila pabalik sa kaniya at yinakap kaya nagdikit na naman ang aming katawan. Hindi ako gumalaw at hinintay ko lang na bumitaw sya kahit nakikiliti ako dahil sa hininga nya na nasa 'king leeg.

"Boss, wag d'yan. M-may kiliti ako d'yan. Hihi," Ngunit lumipas ang ilang minuto at hindi nya pa rin ako pinakakawalan. Pati puson ko ay nakikiliti na rin!

Ngunit biglang dumausdos ang kaniyang katawan kaya agad ko syang nayakap pabalik. At laking gulat ko nang mapagtantong nasa dibdib ko na ang kaniyang mukha! Yinugyog ko ng ilang beses ang kaniyang balikat pero walang sagot! Nakatulog na sya sa kalasingan.

Lasing..

Napabuntong hininga ako at bumaba sa mesa habang akay ang mabigat nyang katawan. Lasing nga pala sya. Malamang ang lahat ng sinabi at ginawa nya ay epekto lang ng alak. Luminga ako sa paligid para makapag-isip ng paraan kung anong gagawin ko sa kaniya..

"Jusko, anong gagawin ko sa 'yo Alexander?"

Balak ko sanang hanapin si Rhioz pero wala akong katiting na ideya kung saan nagsusuot ang isang yun! Ayoko namang tawagin si Vallerie dahil siguradong mapuputukan ako nun! E, kung iwan ko na lang kaya si boss dito? Mabuti pa nga! Unti-unti ko syang hiniga sa sahig..

Pero hindi ko nakayanan ang bigat nya kaya sumagalpak sya sa sahig at ako naman ay sa kaniyang dibdib! Tinukod ko ang aking mga palad sa magkabilang gilid ng ulo nya saka pinagkatitigan ko ang kaniyang mukha. Kung may Diyos lang ng kagwapuhan at kaperpektohan ng ilong, sya na ang ipupusta ko.

"Boss, ba't ang gwapo mo?" Bulong ko habang nasa kaniyang labi ang tingin. Akalain mo nga namang matitikman ko ang labi ng isang bilyonaryo? Swerte na ba 'ko sa lagay na 'to? Napailing ako sa naisip at tuluyan ng tumayo.

Malalim na ang kaniyang paghinga. Napakasarap sa pakiramdam na titigan ang kaniyang mukha, ngunit kailangan ko nang umalis. Sandali ko munang pinagkatitigan ang tulog kong boss sa sahig saka ako tumalikod at naglakad palabas ng kusina. Gaya ng plano ko ay tinungo ko ang kuwarto nila Almary.

"Oh, Marimar? Bakit?" Yakap-yakap pa ni Almary ang isang unan nang pagbuksan nya ako ng pinto.

"Pasensiya na kung naabala kita sa tulog mo, pero si boss kasi, lasing at nakahilata dun sa sahig sa kusina. N-nakita ko lang nung uminom ako ng tubig." Sinikap kong hindi magmalikot ang aking mga mata nang sabihin ko iyon.

"Bakit? Anong nangyari— wait, I smell alcohol. Uminom ka rin ba?"

Nagulat ako sa kaniyang tanong kaya agad kong nahawakan ang labi ko. "H-ha? Hindi! B-bakit naman ako iinom?"

Napatingin si Almary sa mga kamay kong nakahawak sa labi, at doon ko lang napagtanto ang inakto ko... agad kong naibaba ang aking kamay. Jusmeyo marimar! Mahahalata ka ni Almary!

"Hehe, k-kayo na lang ang bahala kay boss ah? Hindi ko kasi alam kung nasaan si Rhioz, sya na lang ang pabuhatin mo." Nagmadali akong tumalikod sa pinto ng kanilang kwarto. Hindi ko kasi kaya ang nangingilatis na tingin ni Almary.

"O-okay!" Pahabol nyang sigaw pero hindi ko na sya tinugon dahil tuluyan na akong nakalayo.

Buong magdamag hindi ako nakatulog. Iniisip ko ang nangyari sa amin ni boss. Parang gusto kong kutusan ang sarili ko tuwing pumapasok iyon sa isip ko. Minsa'y nginungudngod ko na lang ang mukha ko sa unan. Nakakahiya kasi na nakakikig! Pero sana pag nagising nya kinabukasan, hindi nya maalala lahat ng nangyari kagabi. Sana talaga.

Kinabukasan, dumiretso ako sa kwarto ng bibo kong anak para gawin ang tungkulin ko. Pilit kong pinupokus ang atensiyon sa pagpapaligo sa kaniya para 'di na pumasok sa isip ko ang ano pa man. Pero syempre, bigo. Kasalukuyan kong binibihisan ng diaper si Jumong nang marinig ko ang pagbukas ng pinto sa aking likuran..

Agad akong kinabahan at 'di ko parang nanigas ang aking leeg kaya 'di ko magawang lumingon. Malakas ang pakiramdam ko na si boss ang pumasok! Pinapapawisan ako ng malamig! Tinapos ko muna ang pag-aayos sa bata saka kinarga ko sya bago ako dahan-dahang lumingon sa taong nasa likuran ko. At hindi nga ako nagkamali..

"Boss, m-magandang umaga po."

Sandaling katahimikan ang lumukob sa amin. Labis na okwardityness ang nararamdaman ko ngayon kaya hindi ko maiangat ang tingin sa kaniya.

"Last night..."

Napantig ang aking tenga nang marinig ko iyon. Gulat ang ekspresyon na nagtaas ako ng tingin sa seryoso nyang mukha. Ibig sabihin... n-naalala nya?!

Uwaaah! Nakakahiya! Kung may amoy lang sana ang kilikili ko ngayon baka pinasinghot ko na sa kaniya ng tuluyan syang makalimot. Kaso bagong ligo ako at mabango pa!

"What happened on the kitchen..."

Nayakap ko ng mahigpit si Jumong. Hindi nya pwedeng maalala iyon! Kasi hindi yun tama.. Mali ang nangyari. Tsaka nakakahiya!

"Boss b-baka po panahinip lang iyon. Ehehe, oo tama! Isang bangungot. Kalimutan nyo na po iyon, hindi iyon totoo!"

Seyoso pa rin ang kaniyang ekspresyon at nangingilatis ang kaniyang tingin sa akin na ginagawa na ang lahat upang mag-tunog kaswal at hindi kinakabahan. Jusko, mas pinapahirapan nya 'ko!

"Pa'no naman nangyaring gano'n diba, boss? E, buong gabi akong tulog. Hehe..."

"Really? What happened?"

"Yung halik! Haha, h-hindi po iyon totoo kasi—

"Ahh, so naghalikan pala tayo?" Hinawakan nya ang kaniyang baba na tila nag-iisip ng malalim.

"Oo! P-pero hindi nga iyon..." Natigil ako at nanlaki ang aking mga mata nang mapagtanto ko ang sinabi nya at ang mga nasabi ko... Hala! Jusmeyo marimar!

"I didn't totally remember what happened. All I remembered was me getting so drunk and a flash of your face. I thought it was delusional 'coz I've been thinking about you a lot lately,"

Humakbang sya papalapit sa akin kaya agad akong napaatras sabay yuko ng aking ulo. Ngunit naramdaman ko ang kama sa likod ng aking mga binti! Uwaaah! Nanay!

Nang muli akong tumingala, ang labi nyang nakangisi, makinang na mata at nakakalula bango ang sumalubong sa akin. Napalunok ako ng ilang beses dahil sa aming distansiya na unti-unting nawawala.

"When I woke up I was totally confused how I got in my room. So I asked Almary and she said Rhioz did dahil may babaeng kumatok sa kwarto nya alas dose kagabi. Sabi ng babae nakita nya akong nakahilata sa sahig ng kusina.. and do you know what's interesting?"

Inilapit nya pa ang kaniyang mukha kaya ako naman ay napakurba patalikod.

"She also smelled like alcohol. Did she drank with me? No, I guess not." Mas lumawak ang ngisi sa kaniyang labi bago pa sya muling umayos ng tayo.

"Thank you for confirming my suspicion." Naiiling nyang usal. Waaah! Naisahan nya 'ko!

•••

Continue Reading

You'll Also Like

833K 30K 40
"One day you will kiss a man you can't breathe without, and find that breath is of little consequence."
451K 20.6K 42
Raising a kid is a difficult task for Sandro, especially if the child is not his own. When adoption is the only way for him to have the right for his...
236K 7.2K 38
NANG DAHIL SA COVID # 2: GCQ Dahil sa banta ng Corona virus, nawalay kay Mariella ang limang buwan niyang sanggol. Dahil sa higpit ng protocol ay hal...