The GCQ mission: Billionaire'...

aizzienn által

235K 7.2K 1.5K

NANG DAHIL SA COVID # 2: GCQ Dahil sa banta ng Corona virus, nawalay kay Mariella ang limang buwan niyang san... Több

The GCQ mission: Billionaires Baby
Ola!
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Epilogue
Author's Note (Special Chapter)

Chapter 18

4.9K 177 36
aizzienn által


"Alam ko naman, e. Hindi nya na ako kailangan pang takutin..."

Mag-isa ako dito sa banyo ng kwarto ni Jumong at binubuhos ko lahat sa paraan na kaya ko. Nakaupo ako sa sulok habang patuloy na humihikbi. Ang dami kong iniisip tapos dumagdag pa ang sinabi ni Rhioz na hindi mawala-wala sa isip ko. Na dapat ko na itong tigilan habang maaga pa para hindi na mas maging komplikado ang buhay ko.

"Anong gusto nya? Na umalis ako? Aalis ako na hindi kasama ang anak ko? Hindi naman ata yan pwede..." Pinahid ko ang aking luha.

"Hindi ako aabot ng ganito kalayo para lang sa wala."

Siguro nga may nararamdaman na akong kakaiba para kay boss. Kasi hindi ako magiging ganito ka apektado sa sinabi ni Rhioz at sa mga ginagawa ni Vallerie para inisin ako. Alam ko na hindi mabuti, pero alam nyo ba yung pakiramdam na gusto mong mapalapit at makita lagi ang isang tao? Gano'n ang nararamdaman ko. Hindi maintindihan.

Ngayon lang kasi ako nakaramdam ng ganito. Ang tatay ko lang naman ang tanging lalaki na naging malapit talaga sa akin at wala ng iba. Tsaka tango lang naman iyon ng tango, tipong oo lang ng oo para wala ng problema. Pagkalipas ng ilang minuto ng pagmumukmok ay tinulak ko ang sarili ko patayo dahil oras na para pakainin ang bata.

"Macharap nak, no?" Ngumisi ako at kinahig ang nagkalat na lugaw sa bibig nya. Nawawala ang stress ko sa tuwing napapatingin ako sa anak ko.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya napatingin ako roon, at laking gulat ko nang makitang si boss ang pumasok. Basa ang kaniyang buhok at agad kong naamoy ang presko nyang halimuyak. Nasa bulsa ng kaniyang itim na slacks ang kaniyang mga kamay at bagay na bagay sa kaniya ang itim na suit. Matapos nyang tingnan si Jumong ay sa akin naman sya tumutok.

Agad kong iniwas ang aking tingin dahil sa pagka-ilang. Natutunaw ako kahit sa malamig nyang titig. Hindi ko na mahanap ang boss ko na nakasama ko ng ilang araw. Yung ngumingiti pa ng madalas. Pansin ko rin ang kakaibang kislap ng kaniyang mata. Parang may gusto syang sabihin pero hindi nya masabi. Ano kaya? Sabihin mo boss.

"Hon?" Nawala ang pag-asa sa loob ko na makakausap ko na si boss ulit dahil biglang sumulpot si Vallerie sa kaniyang likuran.

"Let's go?"

Linawit agad ang kamay sa braso ni boss habang sa akin nakatingin. Talagang kapuri-puri ang kaniyang kagandahan at kakayahang mambulabog ng ganitong sitwasyon. Iniwas ko na lamang agad ang aking tingin. Delikado baka pagbuhatan na naman ako ng kamay pag nahuli akong nakatingin sa nobyo nya.

Lumipas pa ang ilang araw, ayaw kong mag-kwento. Kasi gano'n lang naman ang laging nangyayari. Pag may nagawa akong hindi maganda sa paningin ni Vallerie ay saka nya 'ko papagalitan at hihiyain pag wala ng ibang tao. Oki lang naman dahil hanggang salita lang naman. At hanggat hindi nya sinasaktan ang anak ko, hindi ako lalaban.

Dito na 'ko natutulog sa kwarto ko. Si Vallerie kasi ang nagpapatulog sa bata. Kahit ayaw ko ay wala akong magagawa kundi ilapat na lang ang tenga sa pinto upang marinig ang nangyayari sa kabila. Salamat lang talaga at hindi ko pa narinig ang iyak ng bata, dahil pag nagkataon at si Vallerie ang may kagagawan ay hinding-hindi ko sya mapapatawad.

"Aray!" Napamulagat ako ng gising nang bumagsak ako sa sahig. Hindi ko man lang namalayan na nakatulog na pala ako habang nakaupo sa baba ng pinto.

Nang makatayo ay nakaramdam ako ng uhaw kaya naisipan kong lumabas ng kwarto. Agad kong sinilip si Jumong at nang makitang mahimbing na ang tulog nya sa kuna ay napabuga ako ng malalim na hininga at inayos ko ang kaniyang damit upang mas matakpan ang kaniyang tiyan. Baka kasi kabagin.

Hininaan ko rin ang bintilador. May ercon dito pero hindi ginagamit dahil masama ang sobrang lamig sa bata. Nang maayos na ang lahat ay tumingala ako sa orasan. Maga-alas dose na.. nang bumaba ako ay patay na ang mga ilaw, ang buwan lang ang nagbibigay liwanag sa akin at hindi ko na naisipan pang buksan ang ilaw.

Pagkarating sa kusina ay agad akong nagtungo sa ref saka iyon binuksan at nagsalin ako ng tubig sa aking baso. Diretso ko iyong tinunga at nang maubos ay napa-ahh ako, parang yung nasa coke lang na palabas? Ang lamig kasi ng hagod, hehe. Akmang sasarhan ko na muli ang ref ngunit biglang...

"Mariel.."

Napatalon ako sa gulat at muntik nang mapasigaw. Agad akong napatingin sa may kadilimang paligid.. may liwanag mula sa loob ng ref pero hindi niyon abot ang kasulok-sulukan nitong kusina! At teka, walang ibang tao ang tumatawag ng Mariel sa akin! Nandito si boss? Pero nasaan? Ba't di ko sya nakita kanina?!

"B-boss?" Mahina kong sambit. Natatakot ako sa hindi ko malamang kadahilanan! "Boss ikaw ba yan? O baka naman.. hala, hindi! T-tulog na si boss!"

Ano ba naman kasing gagawin nya rito diba? Magsasalita na sana ako ulit pero biglang sumara ang ref sa aking likuran kaya tuluyang nawala ang liwanag sa kusina at napatakbo ako sa kung saan!

"M-multo! Lumayo ka sa 'k—

Isang malaking kamay ang biglang tumakip sa aking bibig at may pwersang humila sa akin mula sa likod. Masyado iyong malakas at ramdam ko ang pag-tama ng likod ko isang katawan. Matigas at mabangong katawan!

"Shhh.. it's me."

Kumabog ng malakas ang aking dibdib nang ibulong nya iyon sa aking tenga. Ang init ng kaniyang hininga at ang lamig ng paligid lang ang aking nararamdaman. Jusko, si boss.. ang boses at ang hininga nyang nahahaluan ng amoy ng alak. Hindi ako nagkakamali! Pero bakit?

"Boss, m-magandang gabi! A-alis na po ako, sige p—

"Wait."

Natigil ako sa akma kong paglayo sa kaniya dahil bigla nya akong yinakap mula sa likuran. Napasinghap ako at pakiramdam ko'y nanigas ang aking katawan. Nanghihina ang aking katawan sa bawat pagdampi ng hininga nya sa balat ko. Kakaiba ang naging epekto niyon sa akin.

"Boss, b-bakit po?" Pabulong kong saad.

Hindi ko sya magawang balingan dahil alam ko na kapag ginawa ko iyon ay babangga na ang ilong namin sa isa't isa! Hindi ko alam kung bakit nya ito ginagawa, ngunit lahat ng rason na dapat kong isipin ngayon para itulak sya palayo ay nawala na lang bigla sa utak ko.

"I want you to spend the next half an hour here, with me." Lumunok sya. "Would that be okay?"

Ilang beses rin muna akong napalunok bago ako sumagot ng oo. Gusto kong humindi! Jusko, ewan ko kung bakit oo na lang ako ng oo kapag si boss na ang pinag-uusapan! Pinakawalan nya ako kaya agad akong lumayo sa kaniya ng bahagya bago ko sya muling hinarap. Ewan ko pero parang nakaramdam ako ng panghihinayang.

Napatitig ako sa kaniya nang lumapit sya sa mesa upang magsalin ng alak sa kaniyang baso. Kanina pa ba sya rito? Hindi ko man lang napansin ang bote ng alak sa mesa kanina. Tinunga nya ang alak at pati ako ay napalunok habang nakatitig sa maganda nyang balangkas na nangliliwanag sa dilim dahil sa buwan na nasa kaniyang likuran.

"Ah, boss? P-pansin ko na napapadalas na ata ang pag-inom mo nitong mga nakaraan. May problema ba?" Tanong ko habang nasa ibang direksiyon ang tingin. Ang seksi nya kasi doon at alam kong nakatitig sya sa akin! Hindi ko sya kayang titigan!

Tanging tunog ng pagpatong ng baso sa mesa lang ang narinig ko mula sa kaniya. Kaya naglakas loob akong balingan sya.. nasa gano'ng posesyon pa rin sya at nakatitig lang sa akin. Boss naman, ba't ganiyan ka na naman bigla?

"Anong pag-uusapan natin, boss?" Sinikap kong magtunog kaswal. "Baka biglang dumating si ma'am Vallerie at mag-isip ng kung ano, alam mong—

"Shhh,"

Humakbang sya palapit sa akin at parang naging-tuod na lamang ako bigla sa harapan nya. Hindi ako nakakapag-isip ng tama, parang puro usok lang ang laman ng utak ko ngayon. Ang tanging alam ko lang ay kapag lumapit pa sya ng lumapit ay itutulak ko na talaga sya! Hindi kasi ito tama!

"No, don't step back."

Natigil ako at tuluyan na syang nakalapit. Ilang dangkal na lang ang layo nya na dahilan para pigilan ko ang paghinga ko. Naaninag ko na ang mukha nya. Ngunit sya ngayon, hindi gaya no'ng nakaraan. Mas maamo ang kaniyang mukha at kakaiba rin ang pungay ng mata nya.

"Boss, kailangan mong dalian. N-natatae ako." Pagdadahilan ko. Narinig ko ang malalim nyang buntong hininga, at ang sunod na nangyari ay talagang 'di ko inaasahan.

"Boss, a-anong..."

"You've always been familiar to me, at first I was really wondering why." Mas humigpit ang kaniyang yakap sa aking baywang at naramdaman ko ang haplos nya sa likod ng aking ulo.

Bigla'y bumaba ang kaniyang hininga sa pagitan ng akin leeg at tenga. Nakikiliti ako na parang nag-iinit na ewan! Ang sarap pero parang mali talaga!

"I should've known.. but fuck, I still couldn't believe it. I don't know what to believe anymore." dagdag nya pa. Hindi ko sya naintindihan pero hindi mahirap tukuyin ang prustrasyon sa boses nya. Ano ba kasing problema nya?

"I need a reliable and fucking valid explanation!"

"Boss!" Nahanap ko ang lakas para itulak sya. Pero bago pa ako makalayo ay nahawakan nya ang magkabila kong balikat para panatilihin ako sa harapan nya. "Ano ba? Epekto lang iyan ng alak, lasing ka na. Mas mabuti siguro kung bumalik ka na sa kwarto mo.."

"No, listen." Ang kulit nya pala pag nasa ganitong estado!

"I might not have the chance and courage to talk to you this way tomorrow or the next day." bahagya syang yumuko upang bahagyang ilapit ang kaniyang mukha sa akin. "Mariel, I'm picky when it comes to the people I trust."

Napakurap-kurap ako.

"So how did you manage to get me within a two second moment, the very moment you kissed my son with the happiest smile I ever saw. Watching you, I felt something and it got me confused. I thought, who is this woman? Why am I happy to have her? Why did I let her in my world that easily?"

Inilapat nya ang noo nya sa 'kin habang nakapikit.. hindi ko malaman ang gagawin, ngunit pinagkatitigan ko lamang ang gwapo syang mukha. Parang sasabog na ang dibdib ko. Hindi ko masyadong naintindihan ang mga sinasabi nya, ngunit nakakaramdam ako ng kakaiba sa aking dibdib na para bang tinutugon niyon ang bawat salitang lumalabas sa bibig nya.

Matapos ang ilang araw ng iwasan, hindi ko inakalang sa ganitong pangyayari tutungo ang lahat. Naalala ko yung mga pagkakataong parang may gusto syang sabihin.. ito na ba iyon?

"Damn, I can't believe I just said that."

Humiwalay ang kaniyang noo sa akin at dumilat na rin sya. Ang nakakalula nyang kulay lupa na mga mata ang sumalubong sa akin. At sa pagkakataong ito, tuluyan na akong nawala sa sarili. Tuluyan ko ng nakalimutan ang masaklap na reyalidad ko rito.

"I just wanted to keep you. No matter what my mother says or Vallerie says, I just want you around. Not just because of what I found out, but because I felt it ever since.. I don't fucking understand why I'm feeling this. Like something keeps on telling me that it's... fuck it!"

Bigla syang umatras habang sapo-sapo ang kaniyang noo.. "Fuck! Fuck! Fuck!"

Napkurap lang ako habang pinapanood ang sobra nyang pagka-problemado. Teka, panahon na siguro para umalis ako. Ngunit nang akmang tatalikod ako at sisibat ng tahimik ay biglang..

"Where the fuck are you going?!"

Ang iritasyon sa kaniyang boses, ang paghigit nya sa aking pulso para mahila ako pabalik sa kaniya ay ikinatakot ko no'ng mga segundong iyon. Akala ko sasaktan nya rin ako.. akala ko sa matigas nyang dibdib ako susubsob. Ngunit taliwasan doon ang sumulubong sa akin. Dahil ang malambot at masamyo nyang labi ang diretso kong naramdaman.

Nanlaki ang aking mga mata. Para akong nabato sa kinatatayuan dahil sa pagka-bigla. Agad kong nalasahan ang alak sa kaniyang bibig at napapikit na lang ako nang magsimulang gumalaw ang kaniyang mainit na labi.

"Boss.." naiungol ko. Hindi ng hindi ang utak ko pero iba ang sinasabi ng katawan ko nang magsimulang maglakay ang kamay nya sa kung saan-saan. Nang maghiwalay ang aming labi ay agad akong napayuko. Parang gusto kong sampalin ang sarili ko. Ang rupok ko! Pero ang sarap pala kasi..

"Don't make that face, Mariel. It's not thirty minutes yet." Hingal nyang bulong habang hawak ako sa baba.

•••

Olvasás folytatása

You'll Also Like

127K 5.3K 11
STAND-ALONE SHORT STORY Will you ever love someone that is way out of your league, someone that is ugly, someone that doesn't fit on the high expecta...
150K 5K 27
Crystal has a long time crush, named Joshua. She really likes-loves him, but sadly Joshua didn't feel the same way. Then the day came when tragedy...
6.9K 297 11
Let's have a deal - Felix Tyler Date Started: May 9, 2020 Date Finished: June 4, 2020
2.9M 82.2K 60
WARNING: This story is my oldest story! You might encounter some cringe and immature scenes that needs some revisions! ... He bought me, but I didn't...