The GCQ mission: Billionaire'...

By aizzienn

236K 7.2K 1.5K

NANG DAHIL SA COVID # 2: GCQ Dahil sa banta ng Corona virus, nawalay kay Mariella ang limang buwan niyang san... More

The GCQ mission: Billionaires Baby
Ola!
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Epilogue
Author's Note (Special Chapter)

Chapter 17

4.9K 165 5
By aizzienn


"Vallerie, anak mo ba talaga si baby Azi?"

Sinikap kong patigasin ang aking tono nang sabihin ko iyon habang sinusuri ang kaniyang ekspresyon. Ngunit wala sa kahit na anong inaasahan ko ang naging ekspresyon nya. Imbis na magulat o magalit, umirap lang sya sa kawalan at paasik na humuninga ng malalim.

"Of course!" Tumalikod na sya para lumabas ng kwarto ngunit agad ko syang pinigil.

"Gano'n lang? Gano'n lang ba talaga dapat kapag ina? May pake ka ba sa anak mo? Mas lumalakas ang duda ko na hindi mo anak ang bata, ma'am."

Alam kong dapat hindi ko iyon sinabi, pero hindi ko na kasi mapigilan. Naiinis na 'ko sa kaniya. Anak ko man ang bata o hindi, nasasaktan pa rin ako sa pagtrato nya rito pag walang ibang nakakakita. Ang sama nyang ina.

"What the hell? Ano sa tingin mo ang meron ka para pagsalitaan ako ng ganiyan? Amo mo 'ko!"

Kitang-kita ko ang iritasyon at galit sa mga mata nya. Pero gusto kong ilabas ang lahat ng hinanakit ko sa kaniya.

"Hindi mo anak si Azi! Sya si Jumong na anak ko! Posibleng nakita mo lang sya at inampon mo dahil kahawig sya ni boss at—

Natigil ako. Isang malutong na sampal ang inabot ko sa palad ni Vallerie. Hindi ko na sya magawang tingnan pero dinig ko ang habol nyang paghinga. Namanhid ang pisngi ko sa sakit hanggang sa unti-unti kong naramdaman ang hapdi.

"Don't you ever dare mention something like that again! I'll make sure you get fired next time that even Alex can't do anything about it. You understand?"

Tuluyan na syang naglakad palabas ng kwarto. Pinahid ko ang luhang tumulo at lumapit ako sa kuna. Tumayo ako sa may gilid at pinanuod ang bata na naglalaro habang may teether sa bibig. Napangiti lamang ako nang matawa si Jumong dahil sa ginagawa. Sa totoo lang ay naiisip ko na rin na baka hindi ko anak si Azi. Na baka nga nagkataon lang. Umasa kasi ako ng lukso ng dugo.

Pero kung sya nga ang anak ko, paano sya napunta dito? Wala akong maisip na dahilan para mangyari ito. Kahit tila walang pagmamahal si Vallerie sa bata, wala naman akong sapat na basehan para sabihing ampon lang si Azi. Pag ipipilit ko ang hinala ko, si Vallerie, si Madame Natiffere, at lalong-lalo na si boss ang makakalaban ko. Sa tingin ko hindi ko kakayanin.

Ang alam ko lang ngayon ay dapat ko munang sikmurain lahat. Kailangan ko itong gawin dahil ayaw kong mawalay sa bata na tinuturing kong akin lalo na 't pinagbantaan na ako ni Vallerie. Nandito naman ang anak ko na inspirasyon ko para magpatuloy. Hindi ako aalis hanggat hindi ko napapatunayang sya nga ang anak ko. Ayaw kong isiping hind kasi baka mawawalan na 'ko ng bait.

"Marimar~ Ay!" Sigaw ko habang nasa ere ang mga braso at kinembot ko pa ang aking pwet. Maski si Jumong ay nahinto sa ginagawa para tingnan ko. Nginisihan ko lamang sya.

Iyon ang paraan ko para tumilapon ang kahit wanport na dinadala ko ngayon. Pamapalubag loob. Madalas akong kasi akong daungan ng problema, alam ko sa sarili ko na dapat manatili akong positibo sa lahat ng bagay at magagawa ko iyon kahit sa simpleng paraan at aksyon lang.

Bigla akong nakarinig ng ingay mula sa labas na papalapit ng papalapit sa kwarto. Agad kong kunuha si Jumong sa kuna maglalakad na sana ako palabas. Ngunit bigla na lang nagsidatingan ang apat na halatang taranta at nagsisikaikan sa labas ng kwarto! Anyare sa kanila?

"Marimar! Anong nangyari!"

Napaatras ako dahil sa sabay nilang sigaw. Nagtataka kong tiningnan ang mga mukha nila na puno ng pag-aalala at habol pa nila anf kanilang hininga maaring dahil sa pagtakbo. Napakurap ako, ay teka, alam ko na!

"Hehe, ano ba kayo. Nag-unat lang ako kaya ko iyon na sabi. Hindi ko naman inakalang totohanin nyo iyon." Sabi kasi nila dati pag kaninata ko ang Marimar~ Ay! Dadating sila. Ang babait pala nila.

Napatingin ako sa kanilang mga mukha. Tila sila ay naloko. Hindi ko naman kasi inakalang totohanin talaga nila, e! Grabe ang okwardityness. Teka, tama ba iyon?

"O, sige na, alis na kayo. Dadaan na ang prinsepe!" Malapad ang ngisi kong sabi habang sineyesan silang tumabi. Pero ilang saglit pa'y hindi sila kumibo. Nanatili lang silang nakatitig sa akin.

"O? Anong tinitingin-tingin—

"Marimar,"

Natigil ako at napatingin sa taong nakatayo sa kanilang likuran. Seryoso ang kaniyang mukha habang nakatingin sa akin na dahilan ng unti-unting pagkawala ng aking ngisi.

"What happened to your face?"

Pagkatapos niyon, hindi ko na namalayan pa ang sumunod na nangyari. Nagising na lang ang diwa ko na nadito ako sa sala at nakayuko habang nilalapat sa pisngi ang maliit na bag ng yelo. Nang magtaas ako ng tingin ay ang nangingilatis ng tingin ng apat, nila Almary at ni Rhioz ang bumugad sa akin.

"Ano ba talaga kasi ang nangyari?" may bakas ng pag-aalala sa tono at mukha ni Caramel.

Huminga ako ng malalim. "Sabi ko naman sa inyo, diba? Nadulas ako at ang pisngi ko ang tumama sa sahig."

Ewan ko kung nakumbinsi ko sila sa dahilan ko. Buti na lang talaga at hindi bumakas sa pisngi ko ang buong palad ni Vallerie, medyo namula lang.

"Hindi ba nasaktan ang bata?" sabat ni Rhioz kaya napatingin ako sa kaniya.

"Sa tingin mo ba hahayaan kong masaktan ang bata?" sa naging sagot ko ay huminga lamang sya ng malalim at bumaling sa tatlong babae.

"Almary, you already know what to prepare for Alex's and Ms. Vallerie's lunch. Bring it to his office down stairs." Matapos iyong sabihin ni Rhioz ay naglakad na sya palabas.

Bumaling sa akin si Bb. "Sige Marimar, maghahanda lang kami ng tanghalian. Siguraduhin mong mawala na iyang maga, sayang ang beauty."

Nagtungo na sila sa kusina, ako naman ay pinagpatuloy ang ginagawa. Natigil lang ako ng mapatingin ako sa aking anak. Ibinaba ko ang hawak kong bag ng yelo sa mesa at maingat na inakay si Jumong mula sa pagkakadapa sa tabi ko rito sa sopa at pinapapak ang mga unan.

Hindi ko mapigil ang ngiti kasi napaka-guwapo talaga ng anak ko. Mataba ang pisngi, matangos ang ilong at bilugin ang mata. Sa edad na sampung buwan ay malaki talaga syang bata. Halatang matangkad at makisig paglaki. Kuhang-kuha nya talaga ang itsura ni boss. Bakit?

Hindi kaya ang ama ni Jumong ay... pinsan nya? Kamag-anak nya? Kapatid nya? O baka naman sya talaga ang ama ni Jumong? Baka sya yung lalaki no'ng gabing iyon! Kasi mayaman diba? Pero mukha kasing hindi si boss ang uri ng lalaking pupunta sa lugar na gano'n.

Pero hindi ko pa kasi sya lubusang kilala. Baka nga... pero natatakot ako. Kung sya nga, matataggap nya ba ako bilang ina ni Jumong? Napatingin ako sa bata nang makatulog sya sa aking bisig. Maingat akong tumayo at nagtungo sa kaniyang kwarto para patulugin sya. Nang masigurong maayos na ang lahat ay bumaba ako sa kusina para tumulong kila Almary. Hawak ko ang bag ng yelo sa aking pisngi ng pumasok ako sa kusina.

"Ayusin ang pagdala, okay? Dapat ingatan para hindi masira ang dressing." Si Almary iyon.

Napatingin ako sa tig-dadalawang tray na may takip na dala ng apat. Mukhang masasarap na pagkain ang laman niyon. Ang sosyal naman ata ni boss, ginawang serbidor ang mga tauhan nya na para bang nasa isang mamahaling kainan. Pero ngayon lang 'to. Nagpapa-hatid sya ng pagkain sa opisina nya dati pero hindi ganito ka-sosyal. Baka naman si Vallerie?

Nang papalabas na sila sa kusina habang maingat na dala ang mga pagkain ay tumabi ako upang bigyan sila ng daan.

"Kaya pa ba itong isama d'yan?"

Napatingin ako kay Caramel. May isa pa syang hawak na tray pero puro may hawak na sila Ma, Ri, Mar at Ay sa magkabilang kamay.

"Pa'no na 'to? Wala ng mapaglalagyan? Hindi ito pwedeng mahuli, paborito pa naman ito ni Mr. Aleksev." Nag-aalalang sabi ni Caramel. Mukha kasing marami pa silang gagawin rito kaya walang ibang makakasama sa baba.

"Ako na magdadala!" Walang pagdadalawang isip na boluntaryo ko. Nandoon si Vallerie pero bahala na.

Lutang ako habang naglalakad. May muntikan pa nga akong makabanggang empleyado nang nakababa na kami. Muntikan ng tumilapon yung pagkain pero buti na lang at nagawa ko ang lahat mapanatili lang iyon sa kamay ko. Paborito pa naman daw ito ni boss kaya dapat ko itong ingatan. Kaso sa tingin ko ay medyo nagalaw ang pagkain sa loob. Sana lang hindi iyon nasira.

Nang makarating na kami ng opisina ay pinakahuli akong pumasok.

"There's the food!" Sigaw iyon ni Vallerie mula sa loob. Nagdadalawang isip tuloy na ako kung papasok ako. Ako pa naman ang nasa huli.

"Marimar!" pabulong na asik ni Rhioz na nasa gilid ng pinto. Nagising ang aking diwa na ako na lang pala ang nasa labas kaya agad akong pumasok.

Unang bumungad sa aking paningin ay si Vallerie na nakahiga sa sop sa may gilid habang nagkukulikot ng kung ano sa selpon. Si boss naman ay hilot-hilot ang noo habang nakatingin sa kaniyang kompyuter. Hindi ba sya tinutulungan ni Vallerie?

"Marimar? Why are you here?" Nalunok ko ang natitirang laway sa aking nanunuyong lalamunan at dahan-dahan kong binalingan si Vallerie na napaupo nang makita ako. Walang bahid ng galit o pagtataray ang kaniyang mukha ngayon.

"Aren't you supposed to take care of Azi? Ano pang ginagawa mo rito?" dagdag pa nya pa.

Yumuko lamang ako at hindi nagsalita. Ng muli akong nagtaas ng tingin ay ang mga mata ni boss ang sumalubong sa akin. Nakatitig sya sa akin, nagpakawala ng malalim na hininga bago muling tumingin sa mga papeles.

"Where's the spaghetti alla strega?"

Napabaling ako kay Vallerie na tinitingnan na ngayon ang mga pagkain. Bumaling sya sa akin habang salubong ang kilay. Lumapit sya at tiningnan ang tray na dala ko. Nakaramdam ako ng kaba kaya napatingin ako kay boss pero wala sa akin ang nakatingin nya.

"Is that the spaghetti alla strega?"

Napatingin ako muli kay Vallerie na nasa aking harapan na. "P-po?"

Mas lalong nagsalubong ang kaniyang kilay at alam kong gusto-gusto nya na akong sampalin. Pero hindi nya magawa kasi may ibang tao rito at nandito rin si boss. Napaka-itim talaga ng budhi nya!

"Just give it to me." Mahina nyang asik at kinuha ang tray na hawak ko. Binuksan nya iyon. At nang magtaas sya ng tingin sa akin ay agad nanlamig ang pagkatao ko matapos kong makita ang talim ng titig na ipinupukol nya.

"What the hell happened to this?! What did you do? Look, it's messed up!" Galit na sya. Agad akong kinabahan na baka anong gagawin nya.

"B-baka po dahil iyan sa pagkabangga ko kanina. Hindi ko po sinasadya na—

"Oh, just shut up!" Muli nyang sigaw. "Wag ka kasing tatanga-tanga!"

Wala akong ibang magawa kundi yumuko. Nakaramdam ako ng hiya dahil may mga tao rin dito sa loob. Inis na inis na talaga sya sa 'kin dahil nagawa na nya ito kahit pa nandiyan si boss. Wala talaga syang habas.

"You should have been more careful! Pagkain ng amo mo ang dala mo kaya dapat nag-ingat ka!"

"Val," Napatingin kami kay boss. Nasa mga papeles lang ang tingin nya. "Keep it low. I'm working."

"But, Alexander?! You said you're craving for this Romani dish and this is one of your favorites!"

"It's still edible, right?" Nagtaas sya ng tingin sa amin. Nang lumipat ang nakaka-intimida nyang tingin sa akin ay agad kong naramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko kaya agad akong yumuko upang iwasan iyon.

"So don't overeat and keep it down."

"But—

"Speak again or I'll have Rhioz drag you outside my office." Muling ibinaling ni boss ang atensiyon sa mga papeles at si Vallerie naman ay nagpapadyak na tinungo muli ang sopa. Tinapunan nya ako ng matalim na tingin bago tumingin sa kawalan. Napakasama ng timpla ng kaniyang mukha. Ang ikinakabahala ko ay baka ako ang pagbuntunan nya ng galit at ano na namang gawin nya.

Matapos iyon ay pinalabas na kami ni Rhioz sa opisina. Nasa labas lang ang apat para hintaying matapos sila boss sa pagkain. Ako naman at kailangan nang bumalik sa taas dahil wala na rin naman akong naman maiaambag doon kasi sumama lang naman ako sa paghatid ng pagkain. Binalak ko rin kasing silipin si boss at nagawa ko naman kahit may nangyaring hindi maganda kanina.

Habang naglalakad pabalik ay inabala ko ang sarili sa pagtitingin-tingin sa mga modelo ng kotse na nakatanghal. May mga tao rin sa paligid na katulad ko ang ginagawa. Napadaan ako sa isang salamin kaya huminto ako upang tingnan ang sarili. Hehe, umabot na 'ko sa kung saan tapo ang gulo pala ng buhok ko. Ngunit ang tumawag ng atensiyon ko ay laso ng damit ko na hindi maayos ang pagkakatali kaya inayos ko iyon.

Nang magtaas ako muli ng tingin ay halos napasigaw ako sa gulat nang makita ko si Rhioz na nakatayo sa aking likuran. Napaka-seryoso ng mukha nya na talagang nagpa-hiwalay ng kaluluwa ko sa katawan ko!

"Jusmeyo, marimar! Rhioz naman!" Hawak ko ko ang dibdib nang harapin ko sya. Pero walang nagbago sa mukha nya kaya napakurap ako. "B-bakit?"

"Stop meddling with Alexander and Vallerie. Alam kong may kakaiba sa titig mo sa amo mo. I am always around and I've always been observing. Stop it already." Aniya sa nagyeyelong tinig.

Don't make the situation any worse for you." At iniwan nya ako roon na hindi man lang magawang huminga.

•••

Continue Reading

You'll Also Like

4.6M 167K 57
Juariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would...
6.9K 297 11
Let's have a deal - Felix Tyler Date Started: May 9, 2020 Date Finished: June 4, 2020
2M 92.1K 43
SIS (Social Issue Series) #4: Bullying They say that beauty is a luxury. That good looks is the only privilege that matters. That the world is only...
833K 30K 40
"One day you will kiss a man you can't breathe without, and find that breath is of little consequence."