The GCQ mission: Billionaire'...

By aizzienn

235K 7.2K 1.5K

NANG DAHIL SA COVID # 2: GCQ Dahil sa banta ng Corona virus, nawalay kay Mariella ang limang buwan niyang san... More

The GCQ mission: Billionaires Baby
Ola!
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Epilogue
Author's Note (Special Chapter)

Chapter 16

4.9K 162 7
By aizzienn


"Ikaw? Itatakas na talaga ni mama, tingnan mo."

Hinalikan ko sa kilikili si Jumong na nakatitig rin lamang sa akin. Gabi na at ako ang magpapatulog sa kaniya. Akala ko hindi ko na mahahawakan ang bubwit na ito ngayong araw, buti na lang at may awa ang Diyos, wala na din sa paligid si Vallerie para kutyain at lapastanganin ako kaya malaki ang papasalamat ko.

"Wag mong hahayaan yung nanay-nanayan mo na maimpluwensiyan ka, ha? Bad sya kaya dapat kay papa ka lang makinig." Nginitian ko sya at henele.

"Goodnight, nak."

Ilang minuto pa ay tuluyan na syang nakatulog. Hinalikan ko ang anak ko sa noo saka unti-unti akong umalis sa pagkakatabi sa kaniya sa kama. Ayaw ko sanang umalis pero kanina pa galit ang tyan ko dahil hindi ako nakakain ng maayos. Lumabas ako sa kwarto at nagtungo sa kusina para kumain.

Kung makakausap ko lang sana si Ginger ngayon, malamang nabawasan ng kahit wampipti ang bigat na dala ko. Sya lang ang kaya kong pagsabihan ng mga bagay-bagay. Sya lang ang makakaintindi sa akin dahil syempre sya lang naman ang nakakaalam nitong sitwasyon ko. Kaso wala na 'kong selpon.

"Yes, I already took care of it. Nothing to worry about."

Natigil ako sa paglalakad tungo sa kusina nang marinig ko iyon mula sa balkonahe. Sa tulong ng liwanag ng buwan at ilaw mula sa loob ay nakita ko si Vallerie na may hawak na selpon sa tenga at kopeta naman sa kabila. Nakatalikod sya ng bahagya sa akin at kita ko ang kaluluwa nya sa manipis na damit pang-gabi.

"Come'on! I'll handle everything, I'll do what I can."

Matapos nya iyong sabihin ay bigla syang lumingon sa akin. Parang binundol ng kaba ang dibdib ko at 'di ako nakagalaw sa kinatatayuan. Akala ko ay magagalit sya o ano, pero inirapan nya lang ako saka tumalikod na ulit. Nakahinga ako ng maluwag at nagpatuloy na sa paglalakad tungo sa kusina.

Matapos kumain at nagsipilyo ako. Malinis na rin naman ang katawan ko kaya pwede na akong matulog ng diretso pagka-akyat ko. Habang naglalakad pabalik sa kwarto ay pinanatili ko ang tingin sa daan dahil alam kong nasa balkonahe pa rin si Vallerie. Ayaw ko ng gulo kaya ako na lang ang iiwas.

"Scared of me, babysitter?"

Natigil ako nang marinig ko iyon mula sa aking likuran. Sumara ang slider na pinto tungo sa balkonahe kaya alam kong pumasok na sya.


"Gusto mo si Alex, hindi ba? Napakaikli lang ng panahon na nakasama mo sya tapos nagkagusto ka na? Ano? Dahil sa pera nya? Kaya sumisipsip ka? Ang kapal talaga ng mukha mo." Nakagat ko ang pangibaba kong labi nang marinig ko ang mga yabag nyang papalapit.

"Hindi." Halos hindi ko iyon nakayanang sabihin.

"Something went on between you and my fiancé when I left?" Bulong nya sa aking tenga saka ako hinarap. "He cared for you? You're assuming he wants you? Wakeup and look at yourself! Believe me. He just misses me that's why. You won't have a chance on him. Do you get me?"

Buong tapang akong tumingala upang salubungin ako tingin nyang mapang-kutya.

"Sinaksak ko na iyan sa kukote ko kaya pakiusap tigilan mo na ako, ma'am Vallerie." Pigil ang hiningang tugon ko.

Kinuyom ko ang aking mga kamao upang makahugot ng lakas ng loob saka ako naglakad palampas sa kaniya at 'di na ako lumingon pa. Ang bigat sa dibdib. Bakit ko ba kasi hinayaan ang sarili ko na makaramdam ng kakaiba sa amo kong gwapo na masarap pang humalik pero may mapapangasawa na? Dapat sinunod ko na ang konsensiya ko dati para hindi humantong sa sa ganito ang lahat.


Alam kong pagkakamali an tingin ni boss sa mga nangyari sa amin. Kuhang-kuha ko iyon sa mga titig nya. Mali nga kasi ata ang naging interpretasyon ko sa "I'm lucky to have you" na banat nya. Yung mga ngiti nya at patu na rin yung mga titig nya na para bang kinikilatis ang buong pagkatao ko.  Kung 'di nya sana ako hinalikan, edi hindi sana ganito ka gulo ang utak ko.

"Nakakainis... nakakainis naman sila." Suminghot ako. "Bakit gano'n?"

Kayo ba, mapipigilan nyo ba ang sarili nyo na mahulog sa boss nyo na saksakan ng kagwapuhan at kabaitan? Ang seksi nya rin kasi, e!

Huminga ako ng malalim at sandaling huminto sa tapat ng kwarto ni boss. Alam kong tulog na sya. Magiging mahaba ang araw nya bukas dahil hindi sya nakapag-trabaho ngayon kaya kailangan nya ng pahinga.

"Pahinga ka ng maayos, boss. Mahaba pa ang araw mo bukas." Ngumisi ako ng payak sa pinto at maglalakad na sana. Kaso...

"Am I a door, Mariel?"

Para akong binundol ng traktor sa kaba nang marinig ko ang baritonong boses na iyon sa aking likuran. Dahan-dahan akong lumingon at nakita ko si boss na nakatayo ilang hakbang mula sa akin. Seryoso ang kaniyang awra at nakatitig lamang sya sa akin.

"B-boss, ano... k-kailangan ko na pong umalis—

"Wait," Mabilis nyang nahawakan ang pulso ko na ikinatigil ko. Hindi nagtagal ay piniksi ko iyon at muli syang hinarap ngunit hindi ko sya tiningnan sa mukha.

Noong mga panahon na wala pa ang mapapangasawa nya ay hindi ko napigilan ang sarili ko na isiping syang ang ama ni Jumong at ako ang asawa nya. Inisip ko na isang pamilya kami kahit hindi totoo. Ang saya ko noong mga araw na iyon. Walang kapantay na kasiyahan ang dinulot nilang mag-ama sa akin. Hindi na masamang mag-dilusyon. Kahit hanggang dilusyon lang.

"Pakiusap, bitawan mo 'ko." Mariin at pormal kong sabi. "Baka makita po ni ma'am Vallerie at iba ang isipin nya."

Hindi sya kumibo. Bagkos ay tumitig lamang sya sa aking mukha. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko sa mga segundong ito. Kakaiba talaga ang kaya nyang iparamdam sa akin. Natatakot akong aminin sa sarili na baka may nararamdaman na ako sa sakaniya.

"B-boss?" Muli kong tawag.

Tila naman ay natauhan sya at nag-iwas ng tingin. Naramdaman ko ang pag-higpit ng hawak nya sa aking pulso saka nya iyon dahan-dahang binitiwan. Akala ko ay tuluyan na akong makakawala, ngunit natigil sya nang may makita sa gilid ng kamay ko.

"Why didn't you tell anyone about this?"

"H-huh?"

Nagulat ako at napatingin din sa kamay ko. Saka ko lang napagtanto na may sugat pala ako roon! Maaring nasugatan ako dahil sa mga pagkain at bubog na ipinapulot ni Vallerie sa akin kanina. Hindi ko man lang namalayan. Siguro masyado akong namanhid sa lungkot.

"N-naku, wala po it. Hindi ko nga—

Ngunit bigla na lang nya akong hingit sa pulso kaya naputol ang ano ko pa mang tutol. At laking gulat ko nang makita kong bunuksan nya ang pinto ng kaniyang kwarto.

"H-hala, boss! Bakit? T-teka!" Sinubukan kong bawiin ang pulso ko pero walang balak si boss na bitiwan iyon! Tinitigan nya lamang ako ng seryoso.

"We need to disinfect it. I have first aid in my room."

Mas lalo lang akong nataranta nang hilain nya ulit ako papaok sa kwarto nya. Hindi dapat! Baka malaman ni Vallerie ito! Ang kitid pa naman ng utak no'n! Kumapit ako sa hamba ng pinto bago nya pa ako tuluyang mahila papasok.

"Wag na po talaga, kila Almary ko na lang 'to ipapagamot. Hindi nyo na po kailangang—

"You do have the conscience to wake someone this late?"

Napatitig ako sa kaniya. "H-ha?"

Hindi na sya nagsalita pa at hinila na naman ako papasok. Masyado syang malakas at lumuwang din ang kapit ko sa hamba kaya tuluyan nya akong nahila. Pagkapasok namin sa kaniyang silid ay bahagya pa akong nakapikit. Iminulat ko lang ang mata ko nang marinig ko ang pagsara ng pinto sa aming likuran. Agad kong naamoy ang mabangong silid. Hindi na 'ko magtataka kasi ganito talaga ang nakaka-asik na amoy ni boss.

Una kong nakita ay ang nakatagilid na kama sa direksiyon namin. Kulay puti ang sapin at madilim na asul naman ang kulay ng kumot. Ang dalawang unan ay kulay asul at puti rin. Ang katapat na pader ng kama ay istante lamang na naglalaman ng mga libro, tropeo, pigurin at iba't ibang bagay na maaring pag-aari nya pa mula pagkabata.

"Stay there." Tumango ako pinapunod syang pumasok sa pinto na nasa gilid ng malaking istante ng mga libro. Nang maisara nya ang pinto ay agad kong naibuga ang mabigat na hininga na kanina ko pa pinipigilan.

Maingat akong naglakad habang dinadinama ang malambot na karpet na tila balahibo ng pusang kulay itim sa ilalim ng aking paa. At napangiti ako nang makita ko ang tatlong magagandang gitara na maayos na nakasabit sa dingding. Sa baba niyon ay kapansin-pansin ang mga tropeyo na nakalagay sa taas ng kabinet na hindi naman kataasan at may salamin na nakapaligid tila para protektahan ang mga tropeyo.

Maaring mahalaga ang mga ito dahil maayos silang nakalagay at espesyal pa ang lagayan. May malalaki at maliit na tropeyo. Basta marami-rami din iyon at iba-iba ang disenyo at uri. Sa loob ng istnate ay pawang mga uri ng inumin lang ang nakalagay, may kasama na ring mga baso sa loob at malinaw na salamin ang pinto niyon.

Muli akong tumingin sa mga tropeyo. Isang partikular na tropeyo ang nakakuha ng atensiyon ko kaya bahagya akong yukumo upang masuri iyon ng mabuti. Isa iyong modelo ng atleta na nakataas sa ere ang isang kamay na tila ba nagpupunyagi sa pagkapanalo. Yari iyon sa makapal na salamin kaya kaaya-aya talagang tingnan lalo pa't kumikinang iyon sa liwanag. Mukhang sa isang malaking kompetisyon nya napanalunan.

"Swimming compet—

"Come 'on." napatalon ako sa gulat nang magsalita si boss na kakalabas lang sa banyo. May dala syang kulay pulang bag at nakita kong natigilan sya ng bahagya nang makitang nakaharap ako sa mga tropeyo nya. Umayos naman agad ako ng tayo paharap.

"Have a seat."

Tumango ako at umupo doon sa pang-isahang sopa na tinuro nya. Napalunok ako nang lumapit na sya at naupo doon sa salaming mesa sa tapat ko. Pinanatili kong tikom ang aking bibig habang pinapanuod syang ilabas ang mga gamit sa loob ng bag.

Nang kunin nya ang kamay ko ay agad akong nakaramdam ng kuryente mula roon at halos mapaigik ako sa gulat. Nagtaas sya ng tingin sa akin, nagtataka kung anong nangyari pero umiling lang ako at sinimulan nya na ang paglilinis ng sugat ko ng tahimik.

Hindi ako mapakali at para akong natatae dahil sa sitwasyon namin ngayon. Kami lamang ang nandito at nakakabingi pa ang katahimikan. Nagtataka ako kung bakit nya 'to ginagawa, kanina nga para lang akong tuod sa kaniya. Sumasagi sa isip ko si Vallerie kaya kabado rin ako.

"A-aray..." Napadaing ako. Malalim nga ang sugat at medyo mahaba pa ang hiwa. Nang malalapatan iyon ng bulak na may alcohol ay nakaramdam ng hapdi.  Tila nawala ang manhid sa pagkatao ko dahil naramdaman ko na ang na sakit ng sugat.

Agad naman syang natigil sa ginagawa at sandaling nagtaas ng tingin sa pagiba kong mukha. Ngunit ang hindi ko inaasahan ang nang hipan nya ang sugat.

"B-boss, hindi naman—

"I know what I'm doing."

Nanahimik na lang ulit ako at pinanuod syang maingat na binebedahan ang aking sugat. Nang matapos sya ay lumuhod sya sa aking harapan upang pulutin ang mga gamit at basura sa sahig. Napalunok ako dahil do'n. Normal ba itong nakikita ko? Na si boss lumuhod at sa harap ko pa?

Pinanuod ko lamang ang mga kilos nya hanggang sa tumayo na sya at mukhang papasok na muli doon sa pinto sa may gilid na papunta ata sa banyo. May gusto akong sabihin sa kaniya at mukhang ito lang ang pinakamagandang pagkakataon para doon. Tumayo ako. Bahala na.

"B-boss..."

Natigil sya at lumingon. "Yes?"

"Ano... b-bakit nyo po ito ginagawa? Baka po mali ang isipin ni ma'am Vallerie pag nalaman nya ang tungkol dito. Hindi po kasi ito tama." Nakayuko kong sabi. Medyo naiilang ako sa kaniya.

"Bakit ano bang mali?"

Nakagat ko ang labi ko. Ang hirap naman! Bakit nya ba 'ko pinapahirapan? Alam nya na dapat sa sarili nya kung ano ang sagot sa tanong na 'yon! Nandito na ang mapapangasawa nya, kung kaya ko lang syang diretsohin malamang tinatong ko na ang tungkol do'n sa halik at sinabi ko na ang laman ng utak ko na puro naman pagtataka at pagkabahala.

"Why are you looking at me like that?" Huminga sya ng malalim at tuluyan akong hinarap. "Depende yan sa tao kung ano ang gusto nyang isipin. And besides," Pumorma ang isang simpleng ngiti sa labi nya.

"You're my responsibility. I kissed you after all."

Pumasok na sya sa banyo at naiwan akong tulala habang unti-unting natutunaw. Lumundag ang puso ko sa kilig pero nakaramdam rin ako ng bigat sa parehong pagkakataon. Kasi parang pinaglalaruan ni boss ang nararamdaman ko. Hindi ako sigurado kung bakit nya iyon sinabi, mas lalo lang akong nagtataka at hindi na 'ko natutuwa.

Hindi ako nakatulog buong magdamag. Hindi ako hinahayaan ng isip ko na makapagpahinga dahil ang mga nangyari sa pagitan namin ni boss ang pumapasok sa isip ko. Pero teka, dapat ko ba talaga iyon bigyan ng malisya? Pa 'no kung gano'n talaga sya? Paano kung... jusko naman, Mariella. Malabong magkagusto 'yon sayo! Malabong-malabo.

Pinaglalaruan nya nga lang siguro ako. Pareho lang sila ni Vallerie.

"It's good that you're here, we need to talk."

Kimaumagaha'y maaga ako sa kwarto ng bata para paliguan sya, bihisan at pakainin. Tapos bigla na lang sumulpot si Vallerie na agad nagpatambol ng dibdib ko sa kaba. May gagawin na naman kaya syang masama? Makakayanan ko pa ba ngayon? Matitiis ko pa ba?

"Anong pag-uusapan natin ma'am Val—

"Kapag talaga mahirap, elusyonada!" Bigla nyang tinulak ang aking sentido gamit ang hintuturo kaya ako napa-atras. Gulat akong napatingin sa kaniya. Alam nya ba ang ginawa ni boss kagabi?

Nagbaba sya ng tingin sa kamay ko na may benda. Napalunok ako dahil iyon nga ang ikinakagalit nya. Nasa kama lang si Jumong at naglalaro, sinikap kong sa umatras tungo sa kabilang sulok ng kwarto para hindi madamay ang bata sa kung ano mang pwedeng mangyarix

"Ilang beses ko bang sinabi sayo na layuan mo si Alex? Nangangambisyon ka? Ha?!"

Tinulak nya muli ang noo ko. Napapikit na lang ako at himinga ng malalim nang maramdaman ko ang pader sa aking likuran. Hinding-hindi ako magpapadala. Dahil kapag pinatulan ko sya ay mas lalala lang ang sitwasyon. Takot ako na baka kapag nagsumbong ako, hindi ko na makita ulit ang anak ko. Tiis-tiis muna.

"Ipagdadamot ko sya dahil akin sya, at ikaw katulong, back off." Ngumisi sya at ako ay hanggang iyak lang ang nagawa.

•••

Continue Reading

You'll Also Like

150K 5K 27
Crystal has a long time crush, named Joshua. She really likes-loves him, but sadly Joshua didn't feel the same way. Then the day came when tragedy...
106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...
833K 30K 40
"One day you will kiss a man you can't breathe without, and find that breath is of little consequence."
2.9M 82.2K 60
WARNING: This story is my oldest story! You might encounter some cringe and immature scenes that needs some revisions! ... He bought me, but I didn't...