Section Series #1 - Ex

By lucylovesdark

5.8K 177 5

Section Series One. Annie Jean Sue is fresh from break up from Clyde Ark Lopez. What will happened to them if... More

Author's Note:
Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23

Chapter 10

169 11 4
By lucylovesdark

CHAPTER 10

"Annie?! Nasaan ka na ba?! Ako ang kinukulit nila dito tungkol sa ibang costume." bungad sa akin ni Kathleen ng masagot ko ang tawag niya. Naglakad na ako palabas ng gate at nagpaalam kay Lola bago umalis.

"Pasensya na, Kath. On the way na ako, naka ayos na ba sila?" tanong ko habang naglalakad sa sakayan ng jeep bitbit ang mga costume na gagamitin.

"Yung costume na lang ang inaantay. Mag last minute practice pa kasi sila Simon with costume para matignan na din ni Ma'am Rivamonte yung performance." sagot nito sa akin. Tumango tango ako.

"Sige, pasensya na talaga. Malapit na ako sa sakayan. Ibaba ko na 'tong tawag. Bye!" sabi ko at nilagay na sa bulsa ko ang cellphone. Lakad takbo na ang ginawa ko para makarating sa sakayan nang may biglang humarang sa akin na motorsiklo.

Tinignan ko ito ang sasakyan at alam ko na agad kung sino ang may ari nito.

"Pwede ba? Wina-warshock na ako mga kaklase natin dahil late na ako kaya wag ka ng maki-sabay!" sigaw ko dito at akmang lalampasan ko na siya ng sumagot siya sa akin.

"Alam kong nagkakagulo na sila sa school, nabasa ko sa groupchat kaya ihahatid na kita kesa naman sumakay ka pa sa jeep, panigurado aantayin muna ng driver na mapuno ang jeep, bago umandar." sagot ni Clyde. Umirap na lang ako sa kanya dahil wala na akong choice kung hindi ang umangkas.

"Annie, your arms." sabi niya. Umirap ulit ako, baka tumirik na ang mata ko kaka-irap sa kanya.

"I'm holding the costumes, Clyde." sagot ko dito. Kinuha niya ang plastik na bitbit ko at nilagay iyon sa bandang ibaba ng manibela.

"Problem solve. Now your arms." sabi niya at siya na mismo ang kumuha sa dalawa kong kamay at iniyakapan iyon sa bewang niya. "... In my stomach."

"Ganito din ba ginagawa mo sa mga umaangkas sayo?" hindi ko mapigilang tanong dito. Lumingon ito sa akin at ngumiti ng matipid.

"Only to my Annie." sagot niya at pinaandar na ang motor. Wala pang trenta minutos ay nakarating na kami sa school na agad akong sinalubong nila Finn para kuhain ang costumes.

"Pasensya na talaga, guys! Sorry!" agad kong sabi sa kanila.

"Ayos lang, Annie. Basta next time, be on time." sagot ni Dashiel sa akin. Tumango naman ako sa kanya.

"Nasaan ba sila?" tanong ni Clyde.

"Nasa likod sila ng mini stage." sagot ni Finn at nauna na sila ni Dashiel na pumunta doon.

Pumunta na kami kung saan naka-pwesto ang mga kaklase ko. Mga 1PM pa daw gaganapin ang program. Magkalaban ang buong grade 10 sections kabilang na ang pang umaga.

Nag practice lang sila ng tatlong beses at nagpahinga na habang nag aanounce si Simon tungkol sa mamaging sayaw nila. Samantalang kaming mga hindi kasali na naglalakad na ngayon papuntang covered court para hindi maunahan sa pwesto.

Nakita namin sina Yanzee, Rana at Bobby sa mataas na baitang ng bleachers, doon kami pumunta para magkakasama kami. Agad akong tumabi kay Yanzee na ngayon ay busy sa pagsigaw sa mga kaklase niyang nasa baba lang ng bleachers na kina-uupuan namin.

"Kinakabahan ba kayo?" tanong ko sa kanila.

"Hindi. Alam kong kaya nila yan." sagot ni Yanzee habang naka-tingin sa mga kaklase niyang sasayaw.

"Same. Manalo man o matalo, ang mahalaga nag enjoy sila." naka-ngiting sabi ni Rana at siniko si Bobby na busy sa pag-rurubics cube. "Diba, pres?"

"Oo naman, yes." sagot ni Bobby na hindi pa rin inaalis ang tingin sa ginagawa. Nagpatuloy kami sa pagkukuwentuhan habang inaantay na magsimula ang program.

Nang magsimula ang programa at naunang mag perform ang grade 7, sumunod ang grade 8 at grade 9, at pang huli ang grade 10. Nang tawagin na ang pangalan ng section namin matapos mag perform ang section bonifacio ay agad kaming tumayo nila Finn para mapanood ang performance nila.

Buong performance kami tahimik nga mga kaklase dahil nakatutok ang mga tingin namin sa kanila tahimik na hinihiling na sana walang maging aberya. Napahiyaw kami ng mga kaklase ko ng matapos ang performance nila.

"Go, Section Luna!"

"Baka Section Luna yan!"

"Ahh! Luna, Luna, Luna!"

Sigaw namin magkaklase kahit na magkanda paos paos na kami. Nang sumunod na mag peperform ay ang section nila Rana. Tahimik kaming nanood, pati na rin si Bobby na ngayon ay nakatayo at nakalagay ang dalawang kamay sa likod habang nilalaro ang rubics cube. Halatang kinakabahan din.

"Go, Section Silang!" sigaw ni Rana sa mga kaklase niyang nag peperform ngayon. Ilang minuto ang tinagal ng performance ay sumunod na ang section nila Yanzee. Nag fo-form pa lang sa pwesto ang mga kaklase ni Yanzee ay sumigaw agad ito.

"Ang pogi at ang ganda niyo! Whooo! Go, Section Mabini!" sigaw ni Yanzee sa mga kaklase niya. Napapatingin ang ibang mga estudyante dahil sa lakas ng boses niya.

Mas lalong lumakas ang sigaw ni Yanzee ng magsimula na ang mga kaklase niya.

"Ahhh! Bakit ang gwapo mo, Daniel?!"

"Akin ka na lang, Vincent!"

"Hataw, Yesha! Go, kaya mo yan!"

"Napaka gwapo mo—"

Nagulat kami ng mga biglang may nagtakip sa bibig ni Yanzee at nang  makita namin kung sino iyon ay mas lalo kaming nagulat.

Yung transferee! Si Zaries!

"Hmmmp! Hmppp!" pag wawala ni Yanzee na naka-takip pa rin ang bibig.

"You're so noisy. Shut your fucking mouth." walang emosyong sabi ng transferee na kinagulat ko. I thought he's nice...

"Its better to cover your mouth like th—Ah shit! Ang baboy mo!" agad binitawan ng transferee ang bibig ni Yanzee at pinunasan ang kamay.

"Oh, ano. Buti nga sayo." sabi ni Yanzee at bumalik ito sa pag sigaw. Hindi na umalis sa pwesto namin si Zaries, naka-cross arms ito habang walang emosyong naka-tingin sa mga nag peperform.

Nang matapos ang section nila Yanzee ay agad bumaba si Yanzee para puntahan ang mga kaklase niya na agad sumunod sa kanya si Zaries.

"Ano ba yon? Buntot ni Yanzee?" takang tanong ni Finn habang naka-tingin sa transferee na ngayon ay nasa likod ni Yanzee.

"Baka manliligaw niya." sabad ni Bobby.

"Pfft. Ayan? Manliligaw kay Yanzee? Malayo." sabad ni Ella na kasama namin.

"Crush mo yung transferee, no?" tanong ni Finn. Ngumisi lang si Ella at tinignan ang transferee.

"Mukhang nasa kaibigan namin ang tama ng transferee na yon. Napaka ganda naman kami si Yanzee." sabi ni Rana na kina-asim ng mukha ni Ella.

"Sinabi niya ba sayo? Hindi diba, duh." sagot ni Ella at umirap. Natawa naman si Rana.

"Hindi pa ba halata, Ella? Kung ikaw din naman pala ang usapan, mas lalong wala kang pag-asa doon." sagot ni Rana at naunang bumaba sa bleachers. Agad naman sumunod si Bobby sa kanya at naiwan kami dito.

Hindi muna kami umalis sa pwesto at hinintay namin ang resulta kung sino ang nanalo by grade level. Pang huling iaanounce ang sa grade 10. At nang sa grade 10 na ang inaanounce ay lahat kami naka tayo at kinakabahan.

"And for the winner of Nutri-Jingle in Grade 10 level are section... Rizal! Congratulations 10 Rizal!"

Agad kaming lumapit sa mga kasama namin at sinalubong sila.

"Congrats to us guys! Ginawa natin ang best natin!" sabi ni Kathleen at niyakap ang mga kaklase namin. Ganoon na din ang ginawa namin sa mga kaklase namin.

Dahil salit salit ko silang niyayakap ay hindi ko na alam kung sino ang nayayakap ko. Yumakap ako sa isa sa mga kaklase namin at akmang bibitaw na ako ng hinigpitan niya ang yakap sa akin. At nagulat ako ng si Clyde na pala ang yakap ko.

"Your hug makes my heartbeat fast. What did you do, babe?"

What happened yesterday flashed in my mind. Agad akong bumitaw kay Clyde at nag iwas ng tingin.

"Hoy, Clyde! Tsansing ka kay Annie, ah!" dinig kong sigaw ni Simon na tinawanan ng mga kaklase namin.

"Namumula si Annie!" sabi naman ni Nancy. Nagulat ako ng sapuin ni Clyde ang pisngi ko.

"Namumula nga." sabi niya at ngumiti. Mas lalo atang nangamatis ang pagmumukha ko dahil sa ginawa niya. Inalis ko ang kamay niya at tumingin kay Dashiel.

"D-Dashiel, diba n-nauuhaw k-ka? T-Tara bili tayo tubig." yaya ko kay Dashiel para maka-iwas sa tukso nila.

"Huh?" tumingin si Dashiel sa akin na nagtatanong. Pinanlakihan ko ng mata si Dashiel. "A-Ah, oo! Tara na, Annie. Kanina pa ako nauuhaw."

"Nauuhaw ka, Dashiel? May extra tubig ako dito sa bag saglit lang." sabad ni Finn at agad kinuha ang mineral bottle at binigay kay Dashiel.

"Ah, bibili din kasi ako ng pagkain." sabi ni Dashiel at tinignan ako. Wala na akong inaksayang oras agad kong hinatak si Dashiel paalis sa lugar na iyon at naglakad papuntang canteen.

"Whoo! Grabe. Buti na lang naka-alis na tayo doon, ako na naman ang issue nila doon." sabi ko. "Thanks, Dashiel."

"No sweat. I know the pressure." sagot niya. Nakarating kami sa canteen at binili na ang dapat naming bilhin.

Bumalik na kami sa covered court para tulungan ang mga kaklase namin sa pag bitbit ng mga costume.

"May klase pa ba tayo?" tanong ni Clyde na bitbit ang isang plastik na walang lamang costumes.

"Wala na ata. Baka hindi na pumasok yung natitirang subject teachers, pagpahingahin na tayo." sagot ni Finn.

"Ayun ang gusto ko! Tara pre, comshop na." sabi ni Al kina Nico at Ed. Agad na binatukan ni Kathleen si Al. "Aray ko, Kathleen! Pag ako nabobo!"

"Bobo ka naman talaga! Tigilan niyo 'yang cutting cutting na yan. Kailangan ng attendance ng mga pumasok ngayon." sabi ni Kathleen.

"Tss, oo na!" sagot ni Al.

"Bawi ka na lang, pre." pag aalo ni Ed sa kaibigan.

"Nalulungkot ako pre, yakapin mo ako." sabi ni Al at akmang yayakapin si Ed ng itulak siya nito.

"Gago, pre! Bading ka ba? Sabihin mo lang!"

"Anong bading?! Sparring tayo dito ngayon na, oh."

"Tigilan niyo na 'yan para kayong mga siraulo diyan." suway ni Nancy sa kanila.

"Shit! Nakalimutan ko yung iba gamit doon sa likod ng stage!" biglang sabi ni Amiel. Akmang aalis siya ng unahan ko na siya.

"Ako na, Amiel. Kailangan kumpleto kayong mga nag perform na makita ni Ma'am Rivamonte. Ano bang kulay non?" sabi ko.

"Kulay blue na eco-bag yun. Salamat, Annie. Tinatamad na din kasi akong bumalik doon, pagod na din." sabi ni, Amiel. Nginitian ko naman siya.

"Ayos lang, sige na kukunin ko na." sabi ko at bumalik na sa mini stage kung saan naglagi ang mga kaklase ko. Hinanap ng mata ko ang eco-bag na kulay blue at nakita ko sa isang upuan na monoblock.

Agad kong kinuha iyon at tinignan ang alam kung ayun nga iyon. Nang makumpirma ay tumalikod na ako para bumalik ngunit nagulat ako ng makita si Clyde sa likod ko.

"A-Anong ginagawa mo dito?" tanong ko dito. Nilagay niya ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon.

"Maniningil lang ako." sagot niya. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Kailan pa ako nagka-utang sayo?" tanong ko dito.

"Kanina. Nung umangkas sa akin." sagot niya. Napanganga ako sa sinabi niya.

"Eh, walanghiya ka pala eh! Ikaw ang nagpumilit sa akin na sumakay doon tsaka hindi mo ako binayaran doon sa bayad mo sa jeep kaya patas na tayo!" sagot ko dito.

"Annie—" hindi ko na siya pinatapos ay agad akong nagsalita.

"Ano na naman?! Hindi ka ba napapagod sa mga pinag gagawa mo?!"

"I love you. That's the reason why I never get tried of you, I will take you back no matter what."

"W-What?" gulat kong tanong sa kanya. Paano niya nasasabi ang mga ganyan na parang wala siyang ginawang mali.

Lumapit ito sa akin at niyakap ako. Sinubsob niya ang mukha sa leeg ko.

"I miss you, Annie. Please, bumalik ka na."

- Madam L.

Continue Reading

You'll Also Like

38K 778 49
not you're average mafia brothers and sister story.. This is the story of Natasha Clark, an assassin, mafia boss, and most of all the long lost siste...
169K 3.7K 47
Crest view academy. This was no ordinary high school; it was known for its academic excellence and fierce rivalries. Amongst the students, two indivi...
168K 8.1K 53
ငယ်ငယ်ကတည်းက ရင့်ကျက်ပြီး အတန်းခေါင်းဆောင်အမြဲလုပ်ရတဲ့ ကောင်လေး ကျော်နေမင်း ခြူခြာလွန်းလို့ ကျော်နေမင်းက ပိုးဟပ်ဖြူလို့ နာမည်ပေးခံရတဲ့ ကောင်မလေး နေခြ...
78.8K 3K 37
ᴅɪᴠᴇʀɢᴇɴᴛ; ᴛᴇɴᴅɪɴɢ ᴛᴏ ʙᴇ ᴅɪꜰꜰᴇʀᴇɴᴛ ᴏʀ ᴅᴇᴠᴇʟᴏᴘ ɪɴ ᴅɪꜰꜰᴇʀᴇɴᴛ ᴅɪʀᴇᴄᴛɪᴏɴꜱ.