Section Series #1 - Ex

By lucylovesdark

5.8K 177 5

Section Series One. Annie Jean Sue is fresh from break up from Clyde Ark Lopez. What will happened to them if... More

Author's Note:
Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23

Chapter 9

190 9 0
By lucylovesdark

CHAPTER 9

"Maayos na ba lahat ng gagamitin para bukas?" tanong ni Finn. Nandito kami ngayon sa bleachers dahil hindi pa oras ng pasok namin ay tinitignan namin ang mga gagamitin para bukas.

Bukas na ang laban kaya mag practice pa kami ngayong araw pero hindi naman na gaanong mabigat ng practice siguro ilang sayaw lang. Napagdesisyunan namin na after recess mag practice para hindi na hassle dahil mag uwian na din yun.

"Finn, kumpleto na yung palda para sa jingle pero yung top ng mga sasayaw hindi pa. Iilan na lang din naman yun kaya matatapos siya ngayong araw." sagot ni Joy.

"Sige. Gagawin natin yun mamaya kasabayan ng ilang props nila Amiel at Calle sa contest mamaya." sagot ni Finn. Inayos naman nila Al at Nico ang mga costume para mailagay sa faculty ni Ma'am Rivamonte.

Sumama ako kina Finn sa paglagay ng gamit namin sa faculty. Nang makarating kami ay naroon si Ma'am Rivamonte, naka-harap sa kanyang laptop.

"Excuse me po, Ma'am. Saan po namin ito ilalagay?" tanong ni Finn.

"Diyan na lang, 'nak." sagot ni Ma'am at tinuro ang gilid niya. Ilagay na namin ang mga gamit doon at akmang lalabas na ng may maka-salubong kaming matangkad na lalaki. He's wearing our uniform. Pero hindi pamilyar sa amin ang mukha. Nang makababa kami ay usap usapan naming apat ang lalaking naka-salubong namin.

"Sino yun?" tanong ni Al.

"Aba malay ko, tayo magkakasama kanina, ah." sagot naman ni Nico.

"Baka transferee. Narinig ko sina Ma'am noong friday na may mag transfer daw, galing private school." sabi ni Finn.

"Oh, baka siya nga 'yun. Mukha pa lang, pang private school na. Takte, galing private tapos lumipat dito sa public?" sabi ni Al.

"Hindi natin alam. Panigurado ako, sa morning session ilalagay yun. Mukhang matalino eh." sabi ko.

"Grabe ka, Annie. Parang sinabi mo na din na bobo tayong mga afternoon session." sabi ni Nico at humawak pa sa dibdib na animo nasasaktan. Umirap na lang ako. Mga baliw.

"Pero hindi tayo sure, malay niyo ilagay sa afternoon session kasi kaya pala napa alis sa dating school eh basagulero." sabi ni Al.

"Parang sinabi mo na din na basagulero tayo! Ano ba kayo! i-angat niyo naman ang afternoon session! Lagi na lang tayong kulelat." madramang sagot ni Nico.

"Aish! Tumahimik na nga kayo. Pakialam naman natin doon sa transferee, tumahimik na kayo." suway ko sa kanila at tumahimik na din. Nag lakad kami pabalik ng bleachers ng payapa. Pagbalik namin ay nandoon na sina Yanzee sa pwesto ng bleachers namin.

"Alam niyo ba? May transferee." bungad ni Finn sa kanila.

"Oh, anong section naman daw?" tanong ni Janice.

"Siguro baka ilagay siya sa Rizal." sagot ko.

"Nako, panigurado! Nakita mo ba yung relo niya? Hindi g-shock, pang mayaman!" sabi ni Finn.

"Ayun talaga ang nakita mo?" hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya.

"Ayun ang naka-agaw ng atensyon ko, eh." sagot niya na kinailing ko na lang.

Naghintay pa kami ng ilang minuto bago tuluyang papasukin sa mga classroom namin. Nasa classroom na kami at unti unti ng dumadami ang estudyante. Nagkukuwentuhan kami ng mapansin naming madaming estudyante sa hallway.

"Anong meron?" tanong ni Nancy habang sumisilip din sa labas ng hallway.

"Teka nga sisilipin ko." sagot ni Finn at naunang lumabas tsaka kami sumunod. Nakita namin ang kumpulan ng estudyante sa katabing classroom namin. Ang section ng Bonifacio.

Nakita naming dadaan si Niel sa tapat namin pero hindi natuloy dahil agad itong hinatak ni Finn.

"Anong meron sa classroom niyo? May gulo ba?" tanong ni Finn dito. Umiling naman siya.

"May transferee kami." sagot nito. Nagkatinginan kami ni Finn. Ibig sabihin sa section nila napunta yung transferee?!

Para makasigurado ay pumunta kami sa classroom nila at naki-silip na din. Kahit ata mga ibang pang-umaga na dapat at uuwi na ay nandito pa sa tapat ng classroom ng Bonifacio.

Sumilip silip pa ako at doon ko natanaw ang pamilyar na itsura ng lalaki na naka-upo sa dulo, malapit sa bintana. Complete uniform. Student cut hair style. I look at his left wrist. He's wearing silver watch like what Finn said earlier.

"Siya ba yun?" dinig kong bulong ni Nancy sa akin.

"Yeah. Siya nga. Dito pala siya nilagay akala ko sa AM session." sagot ko.

"Gwapo siya, ah at mukhang mayaman." sabi ni Nancy na kinailing ko na lang.

"Wala kang pag-asa diyan. Mga ganyang tao ang tipo niyan 'triple M'." sagot ko.

"Triple M?"

"Maganda. Matalino. Mayaman." I look at her. "Sa maganda pa lang, olats ka na."

"Grabe siya!" sagot niya sa akin. "Tara na nga bumalik na ta—Oh, Clyde! Ginagawa mo diyan?"

Napalingon ako ng marinig ang pangalan niya at nakita ko siya sa likod ko. He is looking at me with his bored eyes.

"Anong ginagawa niyo dito?" tanong niya sa amin na hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin.

"Ah, tinignan kasi namin yung transferee." sagot ni Nancy. Bakit ba siya nagpapaliwanag dito sa kumag na 'to? Tss.

"Tara na, Nancy. Pumasok na tayo." sabi ko na lang at nauna ng bumalik sa classroom.

"Naistorbo mo kasi, busy kakasilip dun sa pogi." dinig kong sabi ni Nancy at naramdaman ko na ang presensya niya sa tabi ko. Nang makapasok kami ng classroom ay agad kaming umupo.

"Doon pala siya nilagay." sabi ni Finn nang maka-upo sa upuan.

"May bago na namang pagkakaguluhan ang mga kababaihan dito." sabad ni Calvin na naka-upo sa harap naming row.

"Pero mukhang suplado." dagdag ni Nancy at humarap ito sa akin. "Anong tingin mo sa kanya Annie?"

Tumingin ako sa kanila at lahat sila ay  nag aantay ng sagot mula sa akin. Hindi ko napigilan na tumingin sa gawi ni Clyde na nasa unahang row lang din pero busy sa kanyang cellphone.

"Gwapo siya at mukhang matalino. Madali kang mahuhulog sa kanya." sagot ko pero hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanya kaya nagtama ang mata namin ng lumingon ito.

Agad akong nag iwas ng tingin at binalik ang tingin sa bintana.

"Eh, sino ba Annie? Yung transferee o si Cly—"

"Y-Yung transferee! Ano ba kayo!" sagot ko kay Finn pero naka-ngiti lang ito ng nakakaloko. Sinamaan ko ito ng tingin pero hindi manlang nagpatinag.

"Eh, bakit parang si Cly—"

"Good Morning, Class!" naputol ang sasabihin niya ng pumasok na si Mrs. Santos sa classroom namin at dahil doon ay nakahinga ako ng maluwag dahil makakatakas ako sa pang aasar ni Finn. Leche siya.

"Good Morning, Mrs. Santos! Welcome to Section Luna!" balik naming bati.

"Okay, makaka upo na kayo. Alam kong may practice kayo at last practice niyo na ito pero kailangan nating humabol ng lesson. Ako lang naman ang mag klase ngayong araw kaya sana ay maunawaan niyo." paliwanag sa amin ni Mrs. Santos.

"Ayos lang po iyon, Ma'am. Wala pong problema sa amin." sagot ni Ella.

"Kung ganoon, mag simula na tayo. Buksan ninyo ang libro sa pahinga 65..." sabi ni Mrs. Santos na agad naming sinunod. Nagpatuloy ang klase ng isang oras at loob ng oras na iyon ay naging maayos ang pagtuturo ni Mrs. Santos, bagay na kinatuwa niya.

Kasalukuyan kaming inaayos ang upuan. Ginilid namin lahat ng upuan para malaki ang espasyo sa mga gagawa ng props. Samantalang ang mga sasayaw ay bumaba na para mag practice at naiwan kaming hindi kasali.

While doing the costume, what happened on mall flash my mind.
What's with him? Is he even know what he is saying? I guess not.

"Annie!" dinig kong sigaw ni Joy. I look at her.

"Why?"

"Kanina pa kita tinatawag pero tulala ka. Tawag ka ni Ma'am Rivamonte." sabi niya sa akin. Tumango naman ako at lumabas ng classroom. I'm still in daze while walking in hallway untim I felt someone bump in my shoulder.

Agad kong tinulungan ang nakabangga ko dahil may mga hawak itong papel.

"I'm sorry! Hindi ko kasi nakita. Sorry talaga!" sabi ko habang pinupulot ang mga papel na nagkalat at binigay iyon sa kanya.

"Sorry talaga." sabi ko.

"Its okay." sagot niya. Nagulat ako ng makita kung sino ang nakabangga ko. Yung transferee!

"Oh, diba ikaw yung transferee?" tanong ko.

"Yes." maikling sagot niya.

"Mag pa-participate ka ba sa contest?" tanong ko.

"Nah. Hindi na rin ako makaka abot sa practice. Maybe next time." sagot niya.

"Ganoon ba? Sige mauna na ako." akmang aalis na ako ng pigilan niya ako.

"Uh, actually may hinahanap kasi ako na teacher but I didn't know her. I guess, baka alam mo." sabi niya.

"Sure! Sino ba yan?"

"Its Mrs. Amara Santos." sabi niya.

"Oh! Si Mrs. Santos, nasa third floor ang faculty nila. Come on, doon din ang punta ko. Sabay na tayo." sabi ko.

"Oh, thank you!" sabi niya. "By the way, I'm Zaries." at nilahad niya ang kamay niya.

"Oh, Annie." sagot ko at tinanggap iyon.

Naglakad na kami paakyat ng third floor nang makasalubong namin si Calvin na pababa.

"Oh, tapos na kayo mag practice?" tanong ko kay Calvin. Tumingin muna ito sa kasama ko bago siya sumagot.

"Ah, pina akyat lang ako ni Simon. May pinasabi kay Ma'am Rivamonte." sagot niya sa akin.

"Ah, sige. Bumalik ka na doon baka mapagalitan ka ni Simon. Alam mo naman yun."

"Oo nga. Sige, una na ako." sabi niya at tuluyan ng bumaba.

"So, ikaw pala yung transferee." pag uumipisa ko. Tumango naman ito.

"Yeah. I just transfer today." sagot niya.

"Saan ka ba nag aaral before ka mag transfer?" tanong ko dito.

"Oh, I'm from Academy of Montesori." sagot niya sa akin. Napatingin ako sa kanya.

"Really?! Kilalang school ang pinang galingan mo, ah? Ano ang dahilan bakit ka lumipat ng private school?" tanong ko dito. Ngumiti ito at akmang sasagot na nang marinig ko ang pag tawag sa akin ni Ma'am Rivamonte.

"Oh, tawag na ako ni Ma'am. Ayun pala si Mrs. Santos, yung table niya is sa sulok, malapit sa table niya." sabi ko sa kanya at tinuro si Mrs. Santos na busy sa kanyang laptop.

"Thank you." sagot nito at pumunta na sa lamesa na tinuro ko. Lumapit na ako kay Ma'am Rivamonte at tinanong niya ako sa mga costume at props na gagamitin para bukas. Ilang minuto lang ang tinagal ng usapan namin kaya agad din ako lumabas ng faculty.

Kasasara ko pa lang ng pinto ng makita ko ang naglalakad na si Clyde na hindi maipinta ang mukha, akala ko ay papasok ito ng faculty room ngunit kinuha niya ang wrist ko at hinatak paakyat ng 4th floor!

Ang 4th floor ang hindi na masydong pinupuntahan ng mga estudyante o guro dahil mataas na ito at tambakan na lang ito ng mga sirang gamit. Hinahatak ko ang kamay ko pabalik ngunit mas malakas ito.

"Ano ba, Clyde! Siraulo ka ba? Bigla bigla kang nanghahatak diyan." singhal ko sa kanya pero para itong walang narinig. Nang makarating kami ay agad niyang binuksan ang pang huling pintuan sa floor na ito at pumasok kami doon.

"Clyde! Nababaliw ka na talaga! Bakit dinala mo ako dito?! Lumabas na tayo!" sigaw ko ulit at binuksan ang pintuan ngunit nagulat ako ng hampasin niya ang pintuan pasara ulit. Tinignan ko ito ng masama.

"Anong problema mo?!" sigaw ko dito pero katulad ng kanina ay wala itong kibo. Nakatitig lamang ito sa akin ng malamig.

"Sumagot ka! Bakit bigla bigla mo 'tong ginagawa?!" sigaw ko ulit.

Hindi pa rin ito umiimik.

"Ano bang trip mo?! Kung ano ano ang ginagawa mo sa akin na nagpapagulo sa isip ko! Bakit, Clyde? Bakit mo ba ito ginagawa?!" hindi ko na napigilan na isumbat sa kanya lahat ng ginagawa niya sa akin nang mga nakaraang araw.

"Hindi ko alam kung ano pa itong ginagawa mo Clyde. Matagal na kitang kinalimutan, matagal na." nararamdaman ko ang pamumuo ng luha ko ngunit pinigilan ko ito.

"Annie...nagseselos ako." napatitig ako sa kanya.

"A-Anong s-sinabi mo?! Pinapagulo mo na naman ang isip ko!" sigaw ko dito.

"Totoo ang sinasabi ko, Annie! Nagseselos ako gagong transferee na 'yon!" tinapatan na niya ang tono ng boses ko.

"C-Clyde..."

"Kasi nagwagwapuhan ka sa kanya—"

"That's true!"

"Ayokong may ibang gwapo sa paningin mo. Your eyes are only mine." umiling iling ako sa sinagot nito.

"You can't be territorial to the things you didn't own." seryosong sabi ko.

"You're mine, Annie." sagot nito.

"Was yours! But not now."

"You're still mine, no matter what." napatawa ako ng mapakla.

"You're unbelievable." sagot ko dito. He chuckle.

"What me to prove, babe? Okay." sabi lang nito. Sinandal ako nito sa pintuan bago maglapat ang mga labi namin. What the f...

- Madam L.

Continue Reading

You'll Also Like

16.9M 652K 64
Bitmiş nefesi, biraz kırılgan sesi, Mavilikleri buz tutmuş, Elleri nasırlı, Gözleri gözlerime kenetli; "İyi ki girdin hayatıma." Diyor. Ellerim eller...
157K 7K 59
ခွန်းသမိုးညို × သစ္စာမှိုင်းလွန် အရေးအသားမကောင်းခြင်း၊[+]အခန်းများမြောက်များစွာပါဝင်ပြီး ကိုယ့်အတွက်ဘာအကျိုးမှရမည်မဟုတ်တဲ့စာဖြစ်သည်နှင့်အညီ မကြိုက်လျ...
4.6M 136K 52
After her mother's death Lilith gets a new legal guardian, her older brother. With no knowledge of having four other older brothers, Lilith is send...