Unbiased Fate - [MPREG]✓

By yllanzariin

45.1K 2.7K 400

[HELLO! LET ME REMIND YOU THAT THIS STORY CONTAINS BOYS LOVE (stories/relationships between male characters)... More

UF: Prologue
UF: 01
UF: 02
UF: 04
UF: 05
UF: 06 [R18]
UF: 07
UF: 08
UF: 09 [R18]
UF: 10
UF: 11
UF: 12
UF: Epilogue
UF: SPECIAL SCENE

UF: 03

2.6K 207 40
By yllanzariin

UF: 03

Isang linggo na ang nakakalipas at excited si Sefarino na pumunta sa paaralan ni Traz para maaya ulit si Safarel na pumunta sa bahay nila. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya, ang gusto niya lang ay makasama si Safarel.

"Where are you going, son?" tanong ng ina nang mapansin niyang nagmamadali itong bumaba.

"Sa paaralan ni Traz," maikling sagot ni Sefarino.

"Wala silang pasok ngayong araw na 'to."

Napahinto naman si Sefarino saka napakunot ang kanyang noo. "Why? Wednesday pa ngayon."

"Every wednesday, wala silang klase kaya nga natutulog pa si Traz," paliwanag ni Elerah saka napatingin siya sa dala ni Sefarino.

"Saan mo 'yan dadalhin?" tanong ni Elerah habang nakaturo sa isang paso ng pink carnartion.

"Basta," tipid na sagot ni Sefarino saka lumabas na.

"My son is acting weird. Saan naman kaya niya dadhin ang bulaklak?" nagtatakang tanong ni Elerah.

"Tita!" bati ni Doyle na kakapasok lang. "Anong gagawin ni Sefarino sa dala niya?"

Nagkibit-balakit naman si Elerah. "Hindi ko nga rin alam. Bakit ka nga pala naparito?"

"I have something to tell you and I just want to say sorry dahil tinago ko ito sa loob ng anim na taon," seryosong sabi ni Doyle kahit na kinakabahan siya ay hindi na kaya ng konsensya niya.

"Ano ba 'yon?"

"Raziel is pregnant nang umalis siya."

Napalaki naman ang mga mata ni Elerah dahilan hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Doyle.

"What are you talking about?" tanong ni Edoardo na kararating pa lang.

"Raziel is pregnant and the father is Sefarino. Hiniling niya rin na huwag sabihin sa inyo ang katotohanan kahit na labag sa kalooban niya. Wala akong planong sabihin sa inyo ang katotohanan pero naaawa ako kay Sefarino," paliwanag ni Doyle dahilan para hindi makapagsalita sina Elerah at Edoardo.

"M-May apo na ako!" masayang sabi ni Elerah habang tumatalon pa.

"Are you sure?" seryosong tanong ni Edoardo kaya tumango si Doyle.

"Yes. Sinabi ko ang katotohanan dahil nakita ko ang marka na nasa batok ni Sefarino," nakayukong sabi ni Doyle. "Limang taon na ang nakakaraan pero buhay pa rin si Sefarino kaya posibleng nandito si Raziel sa mundo natin."

"Ibabalita ko 'to kay Sefarino!"

"No!" pigil ni Edoardo kay Elerah nang tatawagan na nito ang anak. "Let's find Raziel first."

Hindi alam ni Sefarino kung bakit sa palengke siya dinala ng katawan niya. Nakatanaw lang siya sa mga nagtitinda at nag-aalanganin kung pupuntahan ba niya si Safarel. Noong nakaraang miyerkules niya lang ito nakita pero napagaan na ng loob niya. Napatingin naman siya sa dala niyang bulaklak, gusto niya kasi itong ibigay kay Safarel upang muli nyang masilayan ang ngiti nito.

"Shit! Bakit ba kasi kahawig ng ngiti niya ang ngiti ni Raz," mahinang sabi niya saka tuluyan ng bumaba sa kotse habang dala-dala ang ang isang plastic na may paso sa loob.

Pagkapasok ni Sefarino ay ang ingay at init ang sumalubong sa kanya. Hindi kasi siya sanay sa mga matataong lugar. Dumeretso nalang siya sa pwesto kung saan niya nakita si Safarel pero bago pa siya makalapit ay napahinto na siya ng makita niyang dinagsa ang pwesto nito. Nakita naman niya si Safarel na nakasimangot na nanunuod sa mga taong bumibili sa kanila kaya napatawa siya.

"Buti nalang at pumunta ako rito, nakakita na naman ako ng iba mong reaksyon," natatawang sabi ni Sefarino. "Safarel!"

Napalingon naman agad si Safarel nang may tumawag sa kanya at napangiti nang makita si Sefarino kaya agad siyang tumakbo papunta sa kanya.

"Old man!" masayang bati ni Safarel na nagpangiwi kay Sefarino.

"24 years old pa lang ako, just call me uncle Sefarino," natatawang sabi ni Sefarino.

"What brought you here?"

Iniabot naman ni Sefarino ang plastic kaya kinuha ito ni Safarel at tiningnan.

"Woah! For real?!" masayang sabi ni Safarel habang nakangiting nakatingin kay Sefarino.

Tumango naman si Sefarino. "Yes, if you're not busy, I can tour you on my garden."

Mabilis namang tumango ang bata saka tumakbo papunta kay Raziel at nagpaalam. Nanunuod lang si Sefarino sa mga tao, gusto niyang makita ang ina ni Safarel pero andaming nakaharang. Noong nakaraang araw kasi parang tindig ng isang lalaki ang nakita niya.

"Let's go, old man!" masayang sabi ni Safarel saka hinila na papalabas si Sefarino at tumungo sa kotse nito.

"Nagpaalam ka na ba sa mama mo?" tanong ni Sefarino habang nagda-drive.

"He said, yes," simpleng sagot ni Safarel.

"He?" tanong ni Sefarino sa isip niya pero hinayaan nalang niya dahil naisip niya na baka namali lang ito.

"Hindi ka ba natatakot sa akin?" tanong ni Sefarino saka tinapunan ng tingin saglit ang katabi niya.

"Why would I? Mabait naman si Traz kaya alam kong mabait rin ang nasa paligid niya—ahh!"

Napahinto naman si Sefarino sa pagda-drive dahil sumigaw si Safarel.

"Hey, are you okay?" tanong niya sa bata saka hinawakan sa likod pero hinawi agad ito ni Safarel.

"D-Don't touch me!" Nabigla naman siya sigaw ng bata at doon niya nakita ang mga pangil nito.

"You're a vampire," mahinang sabi ni Sefarino. Tumango-tango naman si Safarel habang nakahawak sa kaliwang dibdib niya dahil parang pinipisil ito.

"D-Don't touch me, I d-don't want to hurt you," mangiyak-ngiyak na sabi ng bata.

"Don't worry, you can't hurt me—"

"Please!" pakiusap ng bata at hindi alam ni Sefarino ang gagawin dahil ngayon lang siya nakakita ng ganitong pangyayari sa isang bampira except kay Traz. Dali-dali naman niyang tinawagan si Orazi para magtanong.

Sinagot naman ni Orazi ang tawag. "Wazzup, insan—"

"Ano ang gagawin kapag ang isang batang bampira ay sumasakit ang dibdib?" tarantang tanong ni Sefarino habang nakatingin kay Safarel na ngayon ay napakapula na ng mukha nito.

"Ha? Hindi ko maintindihan—"

"Fuck! 'Yung kagaya sa nangyari kay Traz last week!" inis na sabi ni Sefarino.

"Iyon ba? Insan, kailangan niyang uminom ng dugo ng ama niya," sambit ni Orazi habang nagtataka siya kung bakit nagtatanong si Sefarino sa bagay na iyon.

"What if wala siyang ama?"

Napabuntong-hininga naman si Orazi. "Maghihirap siya, hihintayin ng bata kung kailan hihinto ang sakit—" Hindi na natapos ni Orazi ang sasabihin nang biglang ibinaba na ni Sefarino ang tawag.

Lumingon naman si Sefarino sa bata na pula ang mga mata at mukha, pinapawisan, tumutulo na ang mga luha nito at nanginginig.

Iniabot naman ni Sefarino ang kamay sa bata kaya napatingin ito sa kanya pero ngumiti lang siya.

"Bite me," sabi niya kay Safarel kaya umiling ng mabilis si Safarel. "Don't worry, just bite me baka maibsan ang sakit ng nararamdaman mo kapag nakainom ka ng dugo kahit na hindi dugo ng ama mo," nakangiting sabi ni Sefarino dahil nakaramdam siya ng awa para sa bata at galit para sa ama nito.

"Anong klaseng bampira ang ama nito? Walang-kwenta." galit na sabi niya sa isipan.

Kagaya ng inutos ni Sefarino ay kinagat ni Safarel ang wrist ni Sefarino saka sumipsip sa dugo nito. Unti-unti namang gumanda ang pakiramdam ni Safarel at nakita ni Sefarino na nawawala na kapulahan sa mukha nito kaya napangiti siya. Huminto naman sa pagsipsip si Safarel saka tumingin kay Sefarino.

"Uncle, maganda na ang pakiramdam ko. Salamat at pasensiya na," nakayukong sabi nito pero ginulo lang ni Sefarino ang buhok ng bata.

"It's okay, it's just a mosquito bite," birong sabi ni Sefarino kaya napasimangot si Safarel.

"I'm not a mosquito, I'm a weird kid," mahinang sabi nito. "Hindi ka ba natatakot sa akin?"

Umiling naman si Sefarino. "You're not a mosquito nor weird, you're a vampire and I am also a vampire."

Napatingin naman agad ito sa kanya. "You are?"

Tumango naman si Sefarino saka nag-drive na ulit. "So, your mom is a vampire or your dad? Or, both?"

Nagbago naman ang ekspresyon ng bata at bigla itong nalungkot. "Mom, is not a vampire saka nakalimutan niya kung sino ang ama ko at isang araw ay narinig ko ang usapan ni Lolo at Uncle Mazel na ang daddy ko ay isang bampira," kwento ng bata.

"Nakalimutan ng mama mo ang papa mo?" tanong ni Sefarino dahil naguguluhan siya sa pinagsasabi ng bata. "May gano'n ba?"

"I know, my grandfather erased mom's memory about my father but it's okay, I don't care about my father."

"Bakit ang daming bumibili sa gulayan niyo?" nagtatakang tanong ni Sefarino nang maalala niya ang nangyari sa gulayan.

"Because, mom is handsome. They want to see his smiling face," naiiritang sabi ng bata halatang ayaw niya sa mga bumibili.

"Handsome? You mean, beautiful?"

"Mom is a man just like Traz's mom."

Napatahimik naman si Sefarino dahil sa sinabi ng bata. Nagtataka siya kung bakit nagkakaganito ang mundo na ang mga lalaki ay pwede ng maging buntis. Nalungkot si Sefarino bigla.

"Old man, what's with that sad face?"

Umiling si Sefarino. "Nothing." Naalala niya lang kasi si Raziel. Kung hindi ito umalis ay baka nagkaroon na rin sila ng anak.

"Nga pala, dalawang lalaki ang nakita kong kasama mo," tanong ni Sefarino saka pumasok na sa gate.

"Kaibigan siya ni mom but I don't like him," sabi ni Safarel na nagpatawa kay Sefarino.

"Bakit naman ayaw mo sa kanya? Ayaw mo bang magkaroon ng ama?" napapailing na sabi ni Sefarino saka bumaba na sa kotse at pinagbuksan ng pinto si Safarel.

"Kontento na ako kay mommy," sagot nito saka tumingin sa malaking bahay. "Where's the garden?" atat na tanong ni Safarel habang kaharap ang malaking bahay.

Napatawa naman si Sefarino. "Hold my hand and let's explore the house together."

Sabay naman nilang pinasok ang malaking bahay at pagkapasok nila ay nadatnan nila si Doyle at si Orazi sa sala na nakangisi sa kanya. Tumayo naman si Orazi saka lumapit sa kanila.

"Nakauwi na ang insan kong nanguha ng bata, ganyan ka na ba kadesperado para magkaroon ng anak?" pabirong sabi ni Orazi habang nakatingin kay Sefarino saka bumaling kay Safarel pero lumaki ang nga mata niyang nakatingin dito.

"W-What the fuck?!" bulalas niya saka tumingin kay Sefarino at saka naman doon kay Safarel, nagpabalik-balik lang ang tingin niya sa dalawa.

"You... look like Raziel," mahinang sabi ni Orazi nna narinig naman ng bata. "No, y-you look like Sefarino."

"Hey, Mister, you're wasting our time," inip na sa ni Safarel kaya napatawa si Sefarino dahilan para magulat ang mga pinsan nito.

It's been 6 years since he laugh. Kahit na makakausap mo na si Sefarino ay hindi pa rin ito maitatago ang puso niyang may pader na nakaharang tapos isang bata lang ang nagpapatawa sa kanya ngayon.

Nilagpasan na nila si Orazi at nagtuloy-tuloy lang sa pag-akyat sa hagdan habang si Doyle ay nakatanaw lang sa kanila.

"That's their fate," nakangiting sabi ni Doyle habang si Orazi ay hindi makapaniwala sa nangyari kanina.

"Iyong bata..." Tumingin si Orazi kay Doyle. Hindi maiwasang magulat ni Orazi sa nakikita niya sa hinaharap. Isang imposibleng pangyayari na magdadala ng pagbabago sa buhay ni Sefarino. "I... I can see their future!"

"Alam kong alam mo na," nakangiting sabi ni Doyle. "Six years ago, sinabi ni Sefarino na hindi pabor ang tadhana nila, isang unbiased fate na kahit kailan ay hinding-hindi papaboran ang pagmamahalan nila pero tingnan mo nga naman, halatang biased ang tadhana sa kanila."

Habang naglalakad sina Sefarino at Safarel patungo sa kwarto ni Sefarino ay hindi maiwasang magtanong ng bata.

"Mga bampira din sila?"

"Yes, all of us here are vampires. Are you afraid?" tanong ni Sefarino pero umiling lang si Safarel.

"I feel safe beside you," sagot naman ng bata saka tumingin sa kamay ni Sefarino na nakahawak sa kamay niya.

"This is my room," sabi ni Sefarino saka binuksan ang kwarto niyang napakadilim.

"Is this a haunted room?" tanong ni Safarel ng makita niya kung gaano ka dilim ang kwarto. Umupo naman siya sa kama habang si Sefarino ay tumungo sa bintana at binuksan ito kaya kitang-kita na ni Safarel kung ano ang nasa loob ng kwarto.

Napatayo naman siya ng may mahagip ang kanyang mga mata na mga litrato na nasa pader kaya nilapitan niya ito. Kitang-kita niya ang litrato ng kanyang nakangiting ina at ang kasama nitong si Sefarino. Sa bawat litrato ay may mga petsang nakalagay, halatang-halata na masasaya sila.

"He's my lover," mapait na sabi ni Sefarino nang makita niyang nakatitig ang bata sa mga litrato.

"No. He's my mom."

Continue Reading

You'll Also Like

47.8K 1.3K 32
Will is an innocent and childish boy but his boyfriend is an Independent man. A green flag boyfriend they matched with each other but their parents a...
144K 8.4K 47
WARNING! This story may contains VIOLENCE and MATURE CONTENTS. If you're UNCOMFORTABLE about it, PLEASE don't read this. [HELLO! LET ME REMIND YOU TH...
355 61 11
NOTICE : THIS IS AN BXB ROM-COM TAGLISH STORY. ******** Nang malaman ni Luther na may nadedevelop siyang romantic feelings para sa kasintahan ng baba...
10.9M 559K 53
Free-spirited Nahara Shalani Carjaval is. She couldn't be more pleased to be the center of attention and to be recognized as the most daring campus q...