UF: 05

2.5K 184 23
                                    

UF: 05

Makalipas ang isang linggo ay nandito na naman si Sefarino sa Vera Market.

"W-Why are you here?" nagtatakang tanong ni Raziel kay Sefarino na ngayon ay nasa harapan niya.

Napayuko naman si Sefarino habang ang mga tainga nito ay namumula. "I'm...I'm going t-to help you again."

Ngumiti naman si Raziel ng matipid. "Bakit mo na naman ako gustong tulungan?" nagtatakang tanong niya dahil isang linggo na itong pumupunta sa palengke para tulungan siya.

"Because I want to."

Napakunot nalang ang noo ni Raziel sa sagot ni Sefarino. Isang mahabang istorya ang naganap noong nakaraang linggo at hindi siya makapaniwala na kilalang-kilala siya nito.

"So, ano ang gagawin ko?" tanong ni Sefarino.

Napalingon-lingon naman si Raziel dahil hindi siya mapakali, hindi niya alam kung ano ang ipapagawa niya at hindi niya alam kung bakit ito tutulong na naman. Sa bahay at porma pa lang nito ay halatang-halata na mayaman na kaya nahihiya siyang mag-utos pero noong nakaraan ang ipinagawa niya lang ay ang pagbalat ng mga gulay at paghihiwa nito para gawing sari.

"U-Umupo ka na—"

"No!" matigas na saad ni Sefarino. "I'll help you."

Napakamot nalang si Raziel sa ulo niya dahil natatakot siya rito.

"Nakikita mo ba 'yon?" tanong ni Raziel habang nakaturo sa isang sako na puno ng mga ampalaya na nasa katapat nila kaya napatango si Sefarino. "Pakibuhat saka i-arrange mo sa pwesto na 'yon."

"That's all?" paniniguradong tanong ni Sefarino kaya tumango si Raziel.

Mabilis namang ginawa ni Sefarino ang utos ni Raziel habang ito ay nag-a-arrange sa mga ampalaya ay nakatitig lang si Raziel sa kanya.

"Baka matunaw ako," birong sabi ni Sefarino saka tumingin kay Raziel at kinindatan ito.

Napakunot naman ang noo ni Raziel. "Bakit ka naman matutunaw? Hindi ka naman ice cream."

Napatawa naman si Sefarino saka pumunta sa harapan ni Raziel. "You didn't change, my stupid angel."

"Raziel!"

Sabay naman silang napatingin sa kararating lang na si Lynx. Napatingin naman si Lynx kay Sefarino ng nagtataka at saka tumingin kay Raziel habang nakaturo kay Sefarino.

"Sino siya?"

Napatingin naman si Raziel kay Sefarino bago sumagot. "K-Kaibigan ko."

Dahil sa sagot ni Raziel ay napangiwi si Sefarino habang mahigpit na nakahawak sa ampalaya.

"Kaibigan? Isang week lang akong nawala at nagkaroon ka na?" tanong ni Lynx saka tiningnan si Raziel mula ulo hanggang paa. "Ambata niya para maging kaibigan mo."

"Nga pala, Lynx, si Sefarino," pakilala ni Raziel kaya tumango si Lynx. "Sefarino, si—"

"Sefar not Sefarino," reklamo ni Sefarino habang nakatingin ng masama kay Lynx.

"Sefar, si Lynx, kaibigan ko," pakilala rin ni Raziel pero tumingin lang si Sefarino kay Lynx saka bumalik na sa pag-a-arrange.

Masaya namang nagke-kwentuhan ang dalawa habang si Sefarino ay nagpipigil na masuntok ang lalaking nakangiti ng malapad sa Raziel niya.

"Hagisan ko kaya ng ampalaya si Lynx?" tanong ni Sefarino sa isip niya habang nakatitig sa ampalayang hawak.

Ayaw niyang gumawa ng gulo dahil hindi niya alam kung ano ang mangyayari, ayaw niyang mawala ang tiwala ni Raziel sa kanya. Napabuntong-hininga nalang siya ng maalala niya na madali lang itong maniwala. Noong nakaraang linggo pa sila nagkitang muli at ngayon ay hindi siya nilayuan nito kahit na idineklara niya na asawa niya ito.

Napatakip naman siya sa mukha niya nang maramdaman niyang uminit ang mukha at tainga niya. Napamura nalang siya ng wala sa oras at hindi mapakali sa pag-a-arrange. Ngayon lang siya nakaramdam ng hiya sa ginawa niya kahapon, nalulungkot siya dahil hindi siya maalala nito pero mas nangingibabaw pa rin ang hiya.

"Old man, are you doing your job perfectly or you're just playing around?"

Napabalik naman sa reyalidad si Sefarino nang may nagsalita sa tabi niya kaya napatingin siya rito.

"I'm doing my job perfectly and neatly!"

"Really?" tanong ni Safarel saka tinuro ang mga ampalaya na hindi maayos ang pagkakalagay, ang iba ay nakabaligtad kaya napangiwi si Sefarino.

"At saka, 'yon oh!" sabi ng bata saka tinuro ang mga taong dumadagsa sa mga paninda ni Raziel, tumutulong naman si Lynx sa pagbibigay at pag-e-entertain sa mga mamimili. Sa laki ng pwesto ni Raziel ay nasa dulo ang pwesto ng mga amplaya.

"Damn! Hindi ko napansin," inis na sabi niya.

"You're too slow." Naningkit naman ang mga mata ni Sefarino dahil sa sinabi ni Safarel.

"If you want my mom, get rid of that leech as soon as possible!" payo ni Safarel. "But first, bring me to your garden."

"Wow. Anak talaga kita."

Unbiased Fate - [MPREG]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon