HE'S INTO HER Season 1

By maxinejiji

372M 8.9M 8.7M

This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such a... More

He's into Her PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23: ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 24: ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 25: ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 26: ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
HE'S INTO HER SERIES NOW STREAMING ON iWANT
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
SOCIAL MEDIA ACCOUNTS
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
CHAPTER 76
CHAPTER 77
HE'S INTO HER SERIES
CHAPTER 78
CHAPTER 79
CHAPTER 80
CHAPTER 81
CHAPTER 82
CHAPTER 83
CHAPTER 84
CHAPTER 85
CHAPTER 86
CHAPTER 87
CHAPTER 88
CHAPTER 89
CHAPTER 90
CHAPTER 91
CHAPTER 92
CHAPTER 93
CHAPTER 94

CHAPTER 41

3.3M 82.7K 76.2K
By maxinejiji

MAX'S POV

"Anong nangyari ro'n?" si Naih.

"Malay ko," natatawang sabi ko. Hindi nya ako sinagot at tinitigan ako ng kakaiba. "Ano?"

"May ginawa ka ba sa kanya?"

"Wala," inis na sagot ko. Nanatiling masama ang tingin niya sa 'kin. "Wala nga!"

"E bakit naninigaw ka?" angil niya sabay tawa.

"Tss! Kung makatingin ka parang naghihinala ka pa e," asik ko. Eksakto namang dumating ang mga kaibigan ni Deib. Nasa akin agad ang mga paningin nila.

"Ano Max? Nakapag-usap ba kayo ni Deib ha?" si Tob.

Tumango ako. "Mm."

"Talaga? Anong sabi niya?" excited na tanong niya.

Napabuntong-hininga ako. Plano nilang lahat 'to. Nakiusap silang kausapin ko si Sensui. Pumayag ako dahil kakausapin ko lang naman. Para na rin maging maayos ang pakikitungo namin sa isa't isa. Walang mawawala sa 'kin, sa halip ay mas magkakaro'n ako ng kapayapaan.

~FLASHBACK~

Guidance Office.

"Kilala ko naman ang lahat ng mga barumbado sa loob ng campus kaya hindi ko na kayo kailangang tanungin pa." si Dean, habang kausap si Aimee at Choco. Hindi ko inaasahang makaririnig ako ng mga gano'ng salita mula sa kaniya. Nakakatuwa dahil pakiramdam ko, sa gano'ng paraan ay nauunawaan at nasasabayan niya ang pinagdaraanan ng mga estudyante kahit papaano. Saka naman siya galit na bumaling sa akin. "And you! Kung gaano karami ang araw na ipinasok mo dito sa BIS ay ganoon din karami ang mga balitang nakararating sa akin tungkol sa iyo. Hindi ba't ikaw yung nagmura sa labas ng room ni Miss Agaser?"

"Hindi nga ho ako yun."

Sinimangutan nya ako at saka sumandal sa swivel chair niya."Bukod kay Mr. Funtales ay may grupo ng kalalakihan dito na nambubuyo madalas ng mga estudyante. Maaaring isa rin sila sa mga nambubuyo sa iyo."

"Dean, parating na po si Mr. Gozon kasama si Mr. Yanai. Wala pa po ang Apo nyo."

"Bring them here," utos ni Dean. Nakita kong pumasok si Lee at Tob at pareho silang tumingin sa akin "Kayong dalawa diyan!"

"Yes, Dean?" sabay na sagot ni Lee at Tob.

"Do you know them?" turo ni Dean samin nila Choco.

"Yes, Dean." sabay ulit nilang sabi.

"Sino sa kanila ang nauna?"

"Po?"

"Sino sa kanila ang naunang nang-gulo?"

"Oh, we have no idea, dean," ani Tob.

"Si Choco, Dean," si Lee.

Tinignan naman ako nang masama ni Dean. "Please call my grandson Deib Lohr, Mr. Yanai." utos niya.

"Yes, Dean."

Sumandal ako sa upuan ko at nagpandekwatro. Nung makita kong ang sama ng tingin sa akin ni Dean ay umayos ulit ako ng upo.

"Naisip mo ba Mr. Funtales kung anong pwedeng mangyari sa kanya doon sa ginawa mo?" muling asik ni dean.

"Sorry, Dean."

"Sorry, sorry. Tsk tsk! Dapat sa iyo ay magsundalo! Tignan ko kung hindi ka magtino. Ipatatawag ko ang parents mo."

"Dean naman..."

"Anong sabi, Mr. Yanai?"

"He's on his way here, Dean."

"Okay. Let's wait for him. Excuse me." tumayo si Dean at pumasok sa loob ng isa pang room.

Nagulat naman ako nang biglang lumapit sa akin si Lee. "Hey, Max, are you okay now?"

"Oo. Bakit?"

"Just checking up on you, are you sure you're alright now?"

"Mm."

"Good." hindi ko siya sinagot. Nginitian ko lang siya. "Anyway, I wanna ask you a favor...if you don't mind."

"Ano yun?"

"Baka pwedeng...pass na muna 'yong sa inyo ni Deib Lohr ngayon?" pabulong, nahihiyang aniya.

Kunot-noo, napatitig ako sa kaniya. "Paanong pass?" tanong ko.

Nakamot niya ang sentido. "'Wag mo na muna sanang banggitin kay dean 'yong sa inyo."

"Ano bang amin?"

"'Yung...alam mo na?"

Napairap ako sabay buntong-hininga. "Whatever. Sige."

"Talaga?" Hindi siya makapaniwala, lalong nangunot ang noo ko. "Okay lang sa iyo?"

This guy is weird. "Okay lang din sa 'kin kung huwag na," naasar agad ako.

"No, no," napapahiya siyang tumawa. "Gusto ko kasing maging okay kayo ni Deib, bago pa makarating ang mga nangyari sa lolo niya."

"Ako rin," seryosong tugon ko.

Nakita ko siyang magulat. "Are you serious?" namamanghang tanong niya.

"Are you tripping me or what?" hindi ko napigilang magtanong. "Humingi ka ng pabor, ngayong pumayag ako, parang ayaw mo pang maniwala. Or are you expecting me to say no?" nakakapikon. "Hindi naman ako isip-batang tulad niya at ng mga iyan," inis kong turo kina Choco.

Umawang ang labi ni Lee, hindi nakasagot. "Sorry, alright. Thanks." Ngumiti siya. "Mamaya, gagawan ko ng paraan para makapag-usap kayo ni Deib. I hope that's fine."

Inis akong nag-iwas ng tingin. "Sige."

Napalingon kami sa pinto nang bumukas iyon at pumasok si Deib. Bumalik si dean sa kaniyang silya at sinenyasan ang apo na lumapit sa amin.

"Good morning, Dean." Sinulyapan ako ni Deib bago tumingin sa kaniyang lolo.

"This young man right here is my grandson," baling sa akin ni Dean. Nag-angat ako ng tingin kay Deib, gano'n na lang kaganda ang ngiti niya sa 'kin.

Tss. Parang takot na takot ang loko.

"May ginawa rin ba siyang kalokohan sayo?" dagdag ni dean. "Tell me."

Marami. Pero marami rin akong kalokohang ginawa sa kanya. Hehehe. Napangisi ako sa sariling naisip. Umiling ako bilang pagtanggi, gaya ng pabor na hiningi ni Lee at sa totoong gusto kong mangyari. Ang matapos na ang lahat ng ito.

"Are you sure?" paniniguro pa ni dean.

"Yes, dean," sabi ko nang malayo ang tingin.

Sandaling katahimikan ang nangibabaw sa loob ng office. Ramdam kong ayaw paniwalaan ni dean ang sinabi ko pero wala siyang nagawa nang hindi na nasundan pa ang huling sinagot ko. Buntong-hininga niya ang bumasag sa katahimikan.

"Okay, go back to your class."

"Thanks, Dean." Ako ang naunang tumayo, kasunod ni Naih, saka kami magkasunod ding lumabas ng office.

"Bakit pinagtakpan mo si Deib?" tanong niya.

"Hindi ko siya pinagtakpan. Pinagtakpan ko ang sarili ko," buntong-hininga ko. "Kung sasabihin ko kay dean ang mga ginawa ni Deib, sasabihin din niya 'yong mga ginawa ko sa kaniya."

"E ano naman? At least yung ginawa mo kay Deib ay hindi kasing lala nung ginawa niya sa iyo."

"Tss."

Humarap siya sa akin at saka ngumisi. "Baka naman..."

"Ano na naman?" inis na tanong ko.

"Baka naman may gusto ka na sa kanya?"

Napaisip ako saka inosenteng binalik ang tingin sa kaniya. "Wala naman."

"Psh! Anong wala naman?"

"Wag kang mag-imagine, okay? Kung anu-anong naiisip mo. Tara."

~END OF FLASHBACK~

"Hoy! Anong sabi niya?" si Naih.

Inalala ko 'yong sinabi ni Deib saka nagsalita kagaya ng sa kaniyang tono. "Pwede ba? Hindi ako interesado! Hindi por que hindi na kita binu-bully ay makikipag-friends na ako sa 'yo. At mas lalong hinding-hindi ako makikipag-usap nang maayos sa 'yo," pakiramdam ko ay nagaya ko ang tono ni Deib. "'Yan ang sabi niya," dagdag ko.

Pare-pareho silang nagitiglan habang nakatingin sa 'kin, saka sabay-sabay na nagtawanan. Napabuntong-hininga ako at inis na nag-iwas ng tingin.

'Yon naman talaga ang sinabi niya, tss.

"Loko talaga yun!" si Tob.

"E anong sabi mo?" si Naih.

"Tinanong ko siya kung anong ginagawa niya sa harap ko. Tapos nagalit kaya umalis."

"Tsk! Ano bang klaseng usapan yan?"

"Tss. Hayaan niyo na. Basta ako, wala na akong pakialam sa kanya."

"Di bale, kung ganyang nakapag-usap na pala sila kahit papano e. Okay na rin yun hahaha!"

"Tara, baka ma-late tayo," yaya ko kila Naih.

"Mauna na kami, ah?" si Tob kay Michiko. "I'll see you when I see you, hehe."

Magkasunod kaming umalis at bumalik sa kani-kaniyang classroom. Hindi ko maintindihan ang pakiramdam. Para akong nabunutan ng tinik na ewan. Ngayon ko lang yata naramdaman na komportable ako sa loob ng BIS campus.

DEIB'S POV

"Hoy!"

"Ano?" inis na tanong ko. Inangat ko ang paningin ko at nag-stretch pa ng bahagya.

"What are you doing here?"

"Sleeping? Obviously," inis kong tugon. "Bakit ang tagal niyo?"

"Psh! Tara. Baka ma-late tayo."

"What?" tumingin ako sa buong room, walang students. "Saan ba tayo?"

"Drafting tayo ngayon, stupid!"

"Tsk! Oo nga pala." Talagang nakalimutan ko bigla ang schedule at room assignment. Mula kanina, hanggang ngayon, hindi mawala ang sandaling 'yon nang pag-uusap namin ni Taguro sa isip ko. Kung hindi ninyo 'ko iniwan kanina, di sana, hindi ako lutang ngayon? Tch!

Tahimik kaming pumunta sa Economics building at pumasok sa draftring room. Wala pang lecturer kaya may oras pa kaming ayusin at i-ready ang drafting materials na gagamitin sa subject na 'yon. Doon ko napansing wala ang ruling pen ko na isa sa mga importante at madalas gamitin t'wing klase.

"Nasan yung ruling pen ko?" inis na sabi ko habang pilit na kinakapa ang laman ng drafting kit ko.

"Malay ko sa 'yo," ani Tob.

"Badtrip naman, oh!" hinanap ko sa bag ko pero wala. Nag-isip akong maigi kung inilabas ko ba kahapon yung mga gamit ko sa bag.

Inilabas ko ba yun?! Bakit ko ilalabas? E hindi ko naman gagamitin yun sa bahay, dito ko lang naman nagagamit yun! Nakakainis!

Sa sobrang inis ko salubong ang kilay kong napatingin sa labas ng Drafting Room. Ang iingay ng mga students na nandon sa labas.

"Ano bang ginagawa nyang mga yan dyan?" inis na tanong ko habang nakaturo sa mga students na nandoon sa labas.

"Oh teka, sila Michiko yan ah?"

Na naman?

Nilingon ko ang tinitingnan ni Tob. Eksakto namang huminto si Taguro sa harap ng pintuan ng drafting room. Dahan-dahan siyang humarap at nasalubong ang tingin ko. Napasimangot ako. Tumatabi-tabingi na naman ang ulo niya at parang nagtataka pang makita ako.

"Anong ginagawa niyan dyan?" inis na tanong ko.

"Hahaha! Nakatingin sa iyo dre," pang-aalaska ni Tob.

"Anong itinitingin-tingin niya?" asik ko.

"Baka na-miss ka? Hahaha!" wala talagang mananalo sa pagiging loko-loko ni Tobi.

Sinamaan ko ng tingin si Taguro pero lalo lang akong naasar nang ngisihan niya ako. Anak ng... "What are you looking at?" singhal ko. "Trip mo ba 'ko?"

"Eh, bakit nakikipagtitigan ka rin sa kanya? Hahaha," panggagatong naman ni Lee.

"What?" asik ko. "Anong nakikipagtitigan?" nautal ako. "Hindi ako nakikipagtitigan sa kaniya. Siya 'tong nakatingin sa 'kin!" Pero gano'n na lang ang gulat ko nang senyasan ako nang dirty finger ni Taguro. "Lagot ka talaga sa 'kin!"

Dali dali akong tumayo at lumapit sa kaniya. Napaatras siya at wala nang nagawa nang itulak ko siya sa pader. Iniharang ko ang pareho kong braso sa magkabilang gilid niya saka ko inilapit ang aking mukha.

"I bet, sinadyang gawin ni Taguro 'yon para lapitan siya ni Deib," dinig kong bulong ng isang estudyante.

"Hala! Ang lapit ng mukha ni Deib, huhu!"

"Oh my God! Kapag ginano'n ko pala si Deib ay gagawin niya sa akin yan? Gusto ko yan!" sigaw nung mga babae pero hindi ko sila pinansin.

"Bakit mo ginawa 'yon, ah? Alam mo ba ang ibig sabihin nun, ha?" inis na singhal ko. Pero hindi siya sumagot. Nakatingin pa rin siya sa akin nang hindi nagbabago ang reaksyon. "Ano? Sumagot ka! Bakit sa dinami-rami ng bakanteng espasyo e dito ka pa tumambay sa harap mismo ng room ko?" Ngumiti siya nang malaking-malaking ngiti, natigilan ako. "A-Anong nginiti ngiti mo diyan? Ha?"

"Hindi ko maiwasan e," nakangiti pa ring sabi niya.

Hindi niya maiwasan? Napalunok ako. "A-Ang alin?" tanong ko. Pero sa halip na sumagot ay tumingin siya sa mata ko pababa sa labi ko. "A-Anong iniisip mo?" inis na tanong ko.

Sumeryoso siyang bigla at tinabig ang braso ko, saka niya ako tinalikuran. Inis kong hinabol siya ng tingin, pero matapos matabunan ng mga estudyante ay umakyat siya sa 'taas at hindi ko na nakita.

"Hala, namumula ka, Deib Lohr!" anang isang estudyante. "Pero ang bango mo pa rin!"

Napipikon kong sininghalan ng tingin ang mga babaeng estudyante. Nakakainis! What's wrong with me? Tsk! "Ano ba?" singhal ko sa kanila. "Umalis nga kayo dyan!" inis na sabi ko at saka umalis.

"Ang sungit niya talaga!"

"Kaya nga mas nakaka-excite!"

Pagbalik ko sa table ko ay hinanap ko na ulit yung ruling pen ko, hindi pwedeng wala yun dahil lagot ako.

"Ano bang binubutinting mo dyan?" si Tob.

"Hinahanap ko nga yung ruling pen ko," asik ko.

"Ang init ng ulo mo," tinignan ko lang siya ng masama at saka nagtuloy sa paghahanap.

"Baka naiwan mo sa locker?" si Lee.

Bakit ko maiiwan sa locker? Eh, nasa iisang lalagyan lang ang drafting tools ko?

"Tsk! Teka nga! Titignan ko!" inis na sabi ko. Lumabas ako at dumeretso sa locker.

"Waaa! Si Deib!" at nagsipagsilipan sa labas ng room ang mga babae at nakatingin lahat sa akin habang nagbubulungan pa.

Hindi ko sila pinansin at inis kong hinanap ang ruling pen ko.

Nasan na ba kasi yun?

"Ayun!" nakangiting sabi ko. Kinuha ko at saka ko isinara ang pinto ng locker. Pero gano'n na lang ang gulat ko nang mabalingan ang mukha ni Taguro. Naro'n siya sa katabing locker ko at nakaharap sa 'kin na para bang hinihintay na isara ko talaga ang pinto ng locker. "What are you doing here?"

"Dadaan."

"Eh, bakit dito pa sa harap ko?" inis na tanong ko. Nagkibit-balikat siya at saka tumingin sa mga babaeng nasa likod ko.

Sa dami ng babaeng nag-aabang sa akin, naharangan na nila ang daraanan. Itong kinatatayuan ko na lang ang espasyong madaraanan niya kung nagkataon.

"Masyado ka raw kasing gwapo," nakangising sabi niya. "Excuse me," dagdag niya at saka tagilid na dumaan sa harap ko.

Dumaan siya sa mismong harap ko at nagdikit ang mga balat namin. Inis kong kinagat ang labi ko nang gumapang ang kilabot sa buong katawan ko. Hinabol ko pa siya ng tingin. Pumunta siya sa locker nya at kumuha ng libro at saka bumalik. Napatingin siya sa akin pero wala pa ring bago sa reaksyon niya, dere-deretso lang naglakad papalapit.

"Hinihintay mo 'ko?"

"What?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Tinatanong ko kung hinihintay mo ako," nakangiting tugon niya.

"Bakit naman kita hihintayin?" asik ko. Hindi siya kumibo. Sa halip ay natatawa siyang yumuko at dumaan sa ilalim ng braso ko. "What do you think you're doing?" inis na tanong ko, halatang nagulat sya.

"Ano ba sa tingin mo?"

"Tch! Kanina ka pa ngumingiti sa akin at hindi ka ganyan noon!"

"Ah," nangingisi siyang tumango. "Ewan ko," kibit-balikat niya.

Tinitigan ko siya, hindi ako makapag-isip nang tama dahil sa mga sagot niya. Gusto kong mainis pero natatabunan nga curiousity ang isip ko. "Ewan mo? Ha! Sinong niloko mo?"

"Hindi ko nga maiwasan."

"Ang alin?"

"Tss." Hindi ko inaasahang tatawa siya. "Sige na, mauna na ako sa room."

Napanganga talaga ako dahil hindi ako makapaniwalang tumawa siya sa harap ko. Napapamaang ko siyang sinundan ng tingin.

What's wrong with her? Hindi kaya... "Hoy!" pagtawag ko kay Taguro. Huminto naman siya at lumingon. Tulad na naman ng dati ang reaksyon ng mukha niya, blanko.

"Oh, my God! Friends na ba sila?"

"Siguro, kasi nag-uusap na sila."

"Really? Paano nangyari 'yon?" Gano'n na lang din ang gulat ng mga nakakakita at nakaririnig sa 'min. Ibig lang sabihin no'n, hindi lang ako ang nawiwirduhan sa ganitong treatment ni Taguro.

Sa halip na pakinggan pa sila ay lumapit ako kay Taguro. "Are you tripping me or what?" inis kong tanong sa kaniya. Sinadya kong hinaan ang boses ko para hindi na marinig pa ng iba ang usapan namin.

"Hindi."

"What are you smiling at, then? Kanina ka pa ngiti nang ngiti sa 'kin, akala mo ba maganda? Akala mo ba, natutuwa ako? Hindi," asik ko.

"No, mukhang hindi pa rin sila okay, hahahaha!" Hindi ko inaasahang may makaririnig pa rin sa 'kin.

Kaya naman humugot ako ng hininga saka nagbaba ng tingin sa kaniya. "Kung sa tingin mo, natutuwa ako sa pangiti-ngiti mo sa harap ko, nagkakamali ka, Taguro. Hindi ako natutuwa dahil naaasar lang ako," inis kong dagdag.

Matagal siyang tumitig sa 'kin, para bang inintindi pa ang sinabi ko. "Okay." Pero 'yon lang ang sinagot niya.

Napapikit ako sa inis. At para hindi na humaba pa ang usapang 'yon ay tinalikuran ko na siya at nagmartsa pabalik sa drafting room.

"Ang tagal mo naman?" bungad ni Tob.

Pero sa halip na sagutin siya ay ipinatong ko ang aking siko sa table at ibinaon ang mukha sa palad ko. Kailangan kong burahin ang mukha ni Taguro sa isip ko dahil hindi kakalma ang inis ko hangga't nakikita ko siya nang paulit-ulit do'n!

MAX'S POV

Tss. Kung hindi ka natutuwa, sa tingin mo ako natutuwa sa ginagawa ko? Tsk, kung hindi ko lang talaga gustong umiwas sa gulo kanina pa kita binigwasan! Sisigaw ka lang, sa mismong mukha ko pa.

Ang totoo ay sinabi sa 'kin ni Lee ang lahat ng mga bagay na kinainisan sa akin ni Sensui. Dahil sa kagustuhan kong tigilan niya na ako ay ako na lang ang umiiwas. At sa tuwing magkukrus ang landas namin ay ginagawa ko ang lahat para hindi magmukhang weird sa harap niya. Para lang masakyan ang kakaibang trip niya, at higit sa lahat, para tigilan niya na ang pambu-bully sa 'kin.

Kung ito ang kinakailangan para mabawasan ang hindrance sa pag-aaral ko ay gagawin ko.

Nakasimangot akong bumalik sa Economics subject namin.

"Max," bulong ni Naih nang tabihan ko siya sa pandalawahang table. "Hindi pa tayo nakakadaan sa The Barb, hindi pa natin nai-inform sila Barb tungkol sa changes sa schedule natin."

"Oo nga pala. Daan tayo doon mamaya."

"Pano kaya yun, ano? Ang usapan pa naman natin ay 10-12 hours tayo kapag weekends. E whole day naman ang practice natin sa billiards. Nakakainis! Pano yun? Tsk. Pero teka, payag ka na bang magbilyar?"

"Hindi pa rin ako desidido, hanggang ngayon ay ayoko. Kaso, may magagawa pa ba naman ako?"

"Yun lang."

"Dalawang taon akong hindi nagbilyar Naih. At hindi ko inaasahang ngayong taon na 'to ay magbibilyar ako ulit at sa hindi inaasahang pagkakataon pa." Napabuntong-hininga ako. "Kailangan ko ang dance troupe at ang mas kailangan ko ang TB. Kaya kung ako ang tatanungin mo, billiards ang kaya kong i-give up."

Hindi na siya kumibo at kita sa mukha niya ang pagkalungkot. Sakto namang dumating rin ang Lec at nagturo. Gumawa kami ng pigurin ngayon at pinintahan yun.

Ang sumunod na klase ay Physical Education. Pumunta kami sa C.R. para magpalit ng P.E. Uniform, nung mag-enroll kasi kami dito ay ibinigay na rin ang P.E. uniform dahil may mga stocks na talaga sila noon, unlike sa school uniform na kukuhanan ka pa ng sukat kaya kapag transferee ka ay civilian ka muna ng 1month na naging 2 weeks na lang dahil mula next week ay mag-uuniform na kami.

Paglabas ko ng C.R. ay puro nakakalokong tingin ng mga kaklase ko ang sumalubong sa 'kin.

"Wow! Hahaha!"

"Ang cute mo!"

"Ang cool mo tignan!"

"Bagay sayo. Hihi!"

"Tss." Nakasimangot, naiilang akong nag-iwas ng tingin.

"Promise, Max! Bagay sa iyo!"

"Tara tara. Baka ma-late tayo." Inunahan ko na sila.

Baseball ang P.E. namin ngayon at hindi ako marunong magbaseball at hindi ako interesado. Hahaha! May migraine kasi ako, ayoko sa lahat ay yung nasisilaw ako sa sikat ng araw. Ayoko ng masyado akong naaarawan sa katawan dahil natitrigger nun ang migraine ko. At isa pa, hindi ko kaya i-control yung pagpalo ng bat sa baseball.

Pumunta na kami sa field at hinintay ang Lec. Umupo ako sa may grass samantalang yung mga classmates namin ay nagsipaglaro na, dala na kasi ni Migz ang bat and ball.

"Naih tara muna sa Canteen, bibili kaming water ng Michiko." si Migz.

"Kayo na lang, dito muna kami ni Max."

"Halika na!"

"E wala syang kasa---"

"Ayan ang baklang BJ oh!"

"Sige na Naih, samahan mo na. Bilhan mo na rin akong tubig."

"Sige sige. BJ, bantayan mo ah? Baka mahilo haha!"

"Sige, Migz ako rin water!"

"Tse!"

Nung makaalis na sila ay humiga ako sa grass. Nasa ilalim kasi ako ng puno kaya nasisilungan ako. Hindi ko talaga kayang tumitig ng matagal sa field kasi ang liwaliwanag masyado. Hindi ko kaya yung nasa ganito akong open field. Kaya naman, inilabas ko ang pamaypay ko hahaha!

"Taray may pamaypay?" si BJ.

"Mainit e."

"P.E. kaya 'to. Kailangan mong magpapawis! Pampabawas rin ng taba yan. Haha!"

"Hindi ko kailangang mabawasan ng taba, kailangan kong wag mainitan ng sobra hehe."

"Joke lang. Okay lang sa akin kung ganyan ako kataba basta kasing talino mo naman."

"Tss. Hindi ako matalino, nagkataon lang talagang inulit ko na ang mga subjects natin kaya may alam na ako."

"Kahit pa ah! Ilang taon ka kamo nag-stop di ba? Two years ba?"

"Mmm."

"Oh, sa two years na yun makakalimutan mo yun!"

"Hindi naman lahat."

"Pero may nakalimutan ka pa rin!"

"Nagbabasa pa rin kasi ako. Lalo na nung bago magsimula ang klase natin, nagbasa kami ni Naih. Ngayon namang nagstart na ang klase. Nagbabasa kami kahit 30 minutes lang, or kahit isang topic lang."

"Ang sipag niyo naman."

"Kailangan e. Kailangan ng pumasa, disiotso na kami pareho. "

"Hays kahit na. Gusto ko pa ring maging matalino."

"Alam mo, mas madaling maging maalam. Kasi lahat ng gusto mong malaman at kailangan mong malaman ay makikita mo sa mga libro. Mapapakinggan mo sa mga nagtuturo sayo. Kaya kung gusto mo talagang maging magaling na student e, ugaliin mong magbasa."

"Minsan naman kasi nakakatamad talaga. Pagdating ko sa bahay feeling ko pagod na pagod na ako. Minsan nga kakain na lang ako at maliligo tapos matutulog na! Hindi na ako nakakapagbasa."

"Ewan ko, pero siguro dahil na rin sa edad namin ni Naih kaya ganito kami. Don't get me wrong pero sa edad naming ito masasabi kong mas disiplinado na kami. Hindi naman sa hindi kayo disiplinado sa edad niyo pero, mas lamang kami ng disiplina sa inyo. Kasi alam namin kung ano ang kailangan naming gawin sa dapat naming gawin. Gets mo?"

"Oo. Hays sana ako rin ganyan."

"Kung gugustuhin mo naman ay pwede."

"Siguro simula pagkabata ay puro aral ka na?"

"Mmm, hindi rin. Dumaan rin ako sa ganyang stage tulad ng sa iyo, puro bulakbol. Mabagal ang oras kapag nag-aaral. Pero ang bilis ng oras kapag naglalaro. Sabihin na nating, tamad ako nung elementary. Pero bago ako magtapos ng elementary, pinagsabihan na ako ng Lolo ko. Sabi niya, kung hindi ako mag-aaral ng mabuti sa panahong yon, mahihirapan ako sa high school. At kapag nahirapan ako sa high school, mas mahihirapan ako sa College."

"Naku, tama siya! Ganyan ang nararanasan ko ngayon. Nung elementary kasi ako, namomroblema pa ako sa kasarian ko."

"E ano namang ginawa mo para makapag-aral kang mabuti? Hininto mo pagbubulakbol?"

"Hindi, pinagsabay ko."

"Ha?"

"Mmm." natatawang sabi ko. "Bata pa lang ako nung mahilig ako sa larong bilyar, tinuruan ako ng Papa kung paanong magbilyar. Pero hindi ako gumaling galing. Kung paano yung tinuro sakin ng Papa ko ay hanggang don na lang yun, hindi na nagbago."

"Tapos?"

"Kaya ang ginagawa ko, nakikinig na akong maigi sa classroom, para pagdating ko sa bahay ay kaunti na lang ang babasahin ko. Para sa ganon, marami ang oras ko para maglaro ng bilyar."

"Hahahah! Oo nga ano? Tapos?"

"Nung maghighschool naman ako, may nagturo na sa akin kung pano gumaling sa pagbibilyar. Kakikilala ko lang rin non kay Naih. Ganon pa rin ang ginagawa ko non, nakikinig na ako ng todo sa class room para pagkauwi ay kaunti na lang ang aaralin ko."

"Ang galing naman hahaha! Kaya ko rin kaya yan?"

"Oo naman. Kung ako nga kinaya ko e, malamang ikaw rin. Makakasanayan mo rin naman. Kaya kung ako sa iyo, habang maaga pa at bata bata pa ang utak mo. Try mo, wala namang mawawala sa iyo e.." nakangiting sabi ko. "At advantage pa sa iyo yun."

"Oo nga ano? Sige, pagsasabayin ko ang paglalandi at pag-aaral hehe."

Maya maya pa ay tumayo siya at pumunta sa iba naming classmates.

"Sandali lang ah? Baka kasi magsipagtakasan yung mga classmates nating boys, lagot ako kay Sir."

"Sige lang." hindi ko na siya tinignan nung makaalis siya. Nanatili na lang akong nakahiga habang nakatingin sa puno at nagpapaypay.

Continue Reading

You'll Also Like

8.8K 258 80
[COMPLETED] ❝Sana lahat ng 'sana' ko matupad❞ » Kang Sana In which Kang Sana have so many wishes(sana) that doesn't even come true but she still hop...
39.6K 2.9K 56
CAN YOU FIGHT FOR THE LOVE THAT YOU HAVE ON SOMEONE? LET'S 🙈 UniCoco ||| SeBy
451K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
6.4K 159 24
Patago ko siyang minamahal, ibig sabihin patago 'rin akong nasasaktan --- Date Started: June 3, 2019 Date Finished: June 28, 2019