EUL II - Revenge [BOYXBOY] [C...

By RainIV

160K 5.2K 1.4K

#1 IN LOVEWINS Fiercely, Eul came back to avenge his parents' cold-blooded death. By succeeding his father's... More

PROLOGUE
EULII1
EULII2
EULII3
EULII4
EULII5
EULII6
EULII7
EULII8
EULII9
EULII10
EULII11
EULII12
EULII13
EULII14
EULII15
EULII16
EULII17
EULII18
EULII19
EULII20
EULII21
EULII22
EULII23
EULII24
EULII25
EULII26
EULII27
EULII28
EULII29
EULII30
EULII31
EULII32
EULII33
EULII34
EULII35
EULII36
EULII37
EULII38
EULII39
EULII40
EULII41
EULII42
EULII43
EULII44
EULII45
EULII46
EULII47
EULII48
EULII49
EPILOGUE

EULII50

992 43 36
By RainIV

-

"Sakin ka na ngayon... Eul... at wala nang makakaagaw sayo mula sakin..."

-

Third Person's POV

"Girl... wala na akong oras... flight ko na in an hour..." pagmamadaling paalam ni Clive sa mga kaibigan. "Bye guys... kiss Eul for me..." sabi pa nito kay Sheena matapos bumeso. Nang makita si Itchan ay agad itong hinalikan nang mabilis sa pisngi at patakbong umalis ng lugar.

Matapos ang kasal ay tumungo na ang lahat ng mga bisita sa reception, katabing espasyo lamang nito.

"Ganap nang nagisang dibdib sina Eul Justine Espinosa at Kean Josh Pangilinan sa bisa ng Unitarian Universalist congregation na nagpapahintulot sa same-sex marriage ngayong araw."

"Ang multi-million worth wedding ceremony ng magasawang Espinosa at Pangilinan ay maituturing na isa sa mga pinakasosyal at pinakaengrandeng kasal ng mga kilalang negosyante at bigating mga personalidad."

"Kasalukuyan pang tinatapos ang pagdiriwang at inaasaang agad na uuwi rin ng Pilipinas ang lahat ngayong gabi---"

-

Magkahawak kamay na tinatahak pababa nina Eul at Kean ang kanilang pribadong eroplano nang makalapag na ito sa Pilipinas. Bakas pa sa dalawa ang pagod at hilo sa bilis ng mga pangyayari. Ilang oras din silang bumyahe mula sa Los Angeles, California pauwi ng sariling bansa.

Nauna na ang mga bisita nilang umuwi at sila ay nagpaiwan pa upang masigurong maayos ang lahat bago nila lisanin ang lugar ngunit paniguradong naunahan parin nila ang mga ito dahil sa bilis ng kanilang private jet. Nangako pa sila sa isa't isa na maglalaan sila ng oras para bumalik doon at magsaya.

Inalalayan pa ni Kean ang nobyo na maglakad papasok sa kanilang sasakyan at parehong bagsak na humilata doon.

Nang makarating sa mansion ay agad na nagpahinga ang dalawa sa kanilang kwarto. Bumabawi ng lakas bago sila umalis muling dalawa patungo sa kanilang honeymoon kinabukasan.

-

"Spiro... tama na 'yan..." sabay kuha ni Kevin ng mga bote ng alak na kanina pa tinutungga ni Spiro. Nasa loob sila ng isang bar na puno ng mga banyagang tao. Kanina pa sila pinagtitinginan ng mga amerikano dahil kanina pa naglalasing si Spiro.

Dumiretso dito si Spiro matapos umalis sa kasal ni Eul. Wala na siyang maisip na magandang paraan para mailabas lahat ng sama ng loob. Lahat ng galit. Lahat ng nararamdaman.

Wala paring tigil sa pagiyak at paghikbi si Spiro na tila'y hindi siya nauubusan ng luha. Ramdam niya na rin ang pagod kaya't mas mabilis siyang tamaan ng kalasingan.

Si Kevin naman ay kumuha ng pera at binayad iyon sa counter sabay alalay kay Spiro palabas doon. Kumuha ng taxi upang dalhin sila sa hotel kung saan sila pansamantalang magpapahinga bago umuwi ng Pilipinas kinabukasan.

-

"Babe... ihatid na kaya natin 'to?" Sabi ni Kit habang minamaneho ang kotse ni Cassey. Kalalabas lang nila sa paliparan at ramdam pa nila ang hilo at matinding pagod.

Tinignan ni Cassey mula sa rear-view morror si Jigs na mahimbing ang pagkakatulog sa back seat. "Asan si Itchan?" Takang tanong ni Cassey sa nobyo.

"Ah kanina umihi kasi kami tapos sabi niya mauna na tayo kasi may gagawin pa siya..." sagot naman ng nobyo.

Di na iyon pinansin pa ni Cassey bagkus ay sumandal nalang sa upuan at marahang pumikit habang nagpapaubaya sa antok.

-

Kinabukasan, masakit ang ulong nagising si Eul dahil sa chopper na kalalapag lang sa malaking bakuran ng ME Mansion. Tinakpan niya pa ang kaniyang taenga ng dalawang unan pero rinig niya parin ito.

Ilang saglit lang ay nawala na ang tunog. Pinilit niya pang matulog muli pero hindi na siya nahatak ng antok. Bumangon siya sa kaniyang kama at umupo ng maayos. Nakita niya pa ang ngayong asawa na si Kean na kalalabas lang ng banyo na walang saplot.

"Babe! Mag-towel ka nga!" Natatawang sigaw ni Eul sa asawa. Hindi ito pinansin ni Kean bagkus ay sumayaw-sayaw pa sa harap ni Eul. Napatitig pa si Eul sa umaalog na alaga ni Kean sabay natatawang binato ito ng mga unan na nakukuha.

"Pervert!" Sigaw ni Eul. Nginisihan lang siya ni Kean. "Asawa naman na kita... tsaka nakita mo na 'to eh!" Sabi lang ni Kean sabay takbo patungo kay Eul at yakap dito.

Hinalikan niya ito sa labi nang sunod-sunod at bumulong matapos maghiwalay.

"Babe... let's prepare for our honeymoon... I'm fucking excited..." mapangakit na bulong niya kay Eul. "Magayos ka na babe... para makaalis na tayo agad..." sabi pa muli nito at marahang hinila si Eul patungong banyo.

Hindi na lumaban si Eul bagkus ay tinahak niya na agad ang daan patungong banyo kahit ramdam niya pa ang sakit ng kaniyang ulo.

-

"Itchan?!" Hindi makapaniwalang bulyaw ni Clive nang makapasok siya sa kaniyang kwarto. Nakita niya pa si Itchan na kinukuha nito ang sariling mga gamit at nilalagay sa dalawang malalaking bag.

"Anong ginagawa mo?!" Kinakabahang tanong ni Clive kay Itchan ngunit di siya pinansin ng huli. Mabilis niyang binitawan ang bag at mga librong dala at pinigil si Itchan sa ginagawang pagiimpake.

"Itchan! Bakit?! Saan ka pupunta?!" Mangiyak-ngiyak na sabi ni Clive habang kinukuha muli ang mga nilalagay ni Itchan sa mga malalaking bag.

"Ano ba?! 'Wag mo nga akong pakialaman!" Bulyaw ni Itchan kay Clive sabay tulak na nagpatumba dito sa sahig.

"Akala ko okay na tayo... akala ko ready ka na---" sabi niya pa at bumalik sa pagpipigil kay Itchan. Hindi na nagpatinag si Itchan kay Clive bagkus ay tinuloy ang ginagawa.

Nang makipagagawan pa si Clive sa isang malaking bag ay aksidenteng may nalaglag mula dito. Nang makita ito ni Clive ay nanlaki ang mga mata niya at dahan-dahang napaatras.

"Ano 'yan?!" Hindi makapaniwalang sigaw ni Clive dahil sa nakikita. Tumayo si Itchan at mabilis na lumapit kay Clive.

"Itchan---" huling sabi ni Clive matapos magdilim ang paningin.

-

Nang makalabas sa banyo, naabutan pa ni Eul ang asawa na mabilis na nagbibihis kaya't natawa na lamang siya sa inaasta nito.

Nasa kalagitnaan siya ng pagaayos nang biglang tumunog ang kaniyang telepono. Unregistered number basa niya doon. Wala sa wisyong sinagot niya ito at nagulat sa narinig.

"Alam ko kung sino ang pumatay sa mga magulang mo..." mamalim na boses na bungad nito.

"Who's this?" Takang tanong naman ni Eul at napaayos ng pagkakatayo.

"Kitain mo 'ko ngayon sa ise-send ko sa'yong address..." huling sabi pa nito at pinatay ang tawag.

Tinignan niya saglit ang masayang asawa na ngayon ay inaayos ang sariling gamit at bumuntong hininga. Lumapit siya dito at niyakap nang mahigpit.

"Babe... mauna ka na sa resort..." pagkuway na sabi ni Eul.

"Huh? Bakit?" Takang tanong naman ni Kean.

"May mahalaga lang kasi akong pupuntahan... pero susunod din agad ako..." sabi pa ni Eul at inayos ang sariling damit.

"No... hintayin nalang kita..." hindi pagpayag ng asawa. Nilapitan siya ni Eul at mahigpit na hinawakan sa pisngi.

"Babe... mauna ka na... saglit lang naman ako..." paliwanag ni Eul.

"Tsaka susunod nalang ako dun gamit yung private jet para mabilis... gusto ko magugulat mo 'ko ah?" Malambing pang segunda ni Eul. Nagisip pa saglit si Kean at pinanliitan ng mga mata si Eul. Ilang saglit pa ay tumango nalang si Kean bilang pagsagot.

"I love you!" Masayang sabi ni Eul sabay halik sa labi ng asawa bago nagmadaling lumabas ng mansion.

-

"Walang susunod." Direktang utos ni Eul sa mga bodyguards niyang agad siyang sinundan pagkalabas niya ng mansion. Tumalima naman ang lahat maski na si Mr. Ong at Sheena.

Sumakay siya sa kaniyang sasakyan at mabilis na minaneho iyon. Mabilis ang kabog ng kaniyang dibdib dahil sa hindi maipaliwanag na kaba. Ilang beses niya pang tinignan ang kaniyang telepono sa paghihintay ng mensahe ng kaninang tumawag sa kaniya.

Hindi niya alam kung saan siya pupunta. O kung saan siya dadalhin ng kaniyang hindi mapakaling pagiisip.

Ilang kilometro pa ang tinahak niya, ilang minuto lang ay walang ano-ano'y may narinig siyang tunog mula sa kaniyang likod na ikinagulat niya. Mabilis ang pagmamaneho niya sa kaniyang sasakyan kaya't hindi niya magawang agad na ihinto ito.

Kinakabahan siyang napatingin sa rear-view mirror at nakita ang taong nakatakip ang mukha.

"Who are you?!" Sigaw niya sabay dahan-dahang hininto ang sasakyan.

Hindi pa siya tuluyang nakakahinto nang takpan nito ang kaniyang ilong at bibig na ilang saglit lang ay nagpawala sa kaniyang malay. Bago magdilim ang kaniyang paningin, narinig niya pa ang huling sinabi nito.

"Sakin ka na ngayon... Eul... at wala nang makakaagaw sayo mula sakin..."

-

Itutuloy

-

Continue Reading

You'll Also Like

1.2K 583 33
(BL Series#1) Liam decided to enter military service for the sake of his family's protection. Despite the fact that he's unhappy for it, he still cho...
218K 7.6K 32
Gustave Salvatore is a famous model as well as a business man. He is one of the richest persons in the business industry. He can get what he wants by...
199K 7.5K 33
Isang lalaki na halos igugol na ang kaniyang buong oras sa paglalaro ng mga computer games ay malolove at first sight sa isang bakla na may maamong m...
645K 20.5K 69
a story about an effeminate gay man and his struggle in loving his Prince Charming - his boss! Si Jan ay isang bading na nangarap na makapag-trabaho...