The Heartless Master (Savage...

Por Maria_CarCat

7M 228K 48.4K

His Punishments can kill you M谩s

The Heartless Master
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Special Chapter
SAVAGE BEAST SERIES SELF-PUB

Chapter 52

82.1K 3K 308
Por Maria_CarCat

Doorbell






Nakagat ko ang aking pangibabang labi dahil sa lutong nang pagkakasabi niya nuon. Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko, pakiramdam ko ay nasira ko ang araw niya dahil sa pagpapakita ko dito.

"Sorry..."

"Mapanghi ka pala Piero eh" pangaasar ni Lance sa kanya kasabay nang paghingi ko sana ng sorry.

"Shut up!"

Bahagya akong napaiktad ng sumigaw siya. Kaagad na naginit ang gilid ng aking mga mata dahil duon. Hindi ko tuloy alam kung para sa akin ang sigaw na iyon o para kay Lance. But i take it, pakiramdam ko ay para iyon sa akin. Sawang sawa na siguro si Piero sa kakaSorry ko pero palagi ko naman siyang niloloko.

Bumagsak ang mga mata ko sa sahig habang nanatili sa aking kinatatayuan. Naestatwa ako duon, namanhid ang aking buong katawan. Gusto ko na lang tumakbo palabas duon.

"Ano bang ginagawa niyan dito?" Iritadong tanong pa ni Piero. Mas lalong bumigat ang dibdin ko, hindi ko na napigilang mapaluha.

"Bisita ko si Amaryllis" kaagad na singit ni Lance. Tumayo siya para lapitan ako, sinubukan niya akong pakalmahin.

Nahihila ko siyang tiningala. "Aalis na lang ako, babalik na lang ako..." mahinang paalam ko sa kanya. Umiling siya sa akin.

"Ginawan ka ni Sarah ng peanut butter, mas masarap iyon pag bagong luto. Wag mo nang pansinin si Piero may regla ata" nakangising sabi pa niya sa huling mga salita para pagaanin ang aking loob.

Tipod akong ngumiti kay Lance habang marahang pinupunasan ang aking pisngi. Nakumbinsi niya akong magstay, imbes na manatili duon sa dinning ay nag stay kami ni Sarah sa may salas. Nakaupo ako sa sahig ng sala nilang fully carpeted. Nakaupo si Sarah sa may sofa habang nakakandong sa kanya ang anak. Nakangiti ito sa akim habang pinapanuod kung paano ko kainin ang tikoy na ginawa niya para sa akin.

"MamiMiss ko to Sarah" wala sa sariling sabi ko sa kanya. Kita ko ang unt unting paglaho ng kanyang mga ngiti. Kumunot ang kanyang noo kaya naman bayolente akong napalunok at umiwas nang tingin.

"Aalis ka Amaryllis?" Mahinang tanong niya sa akin. Napanguso ako, hindi ko pa din magawang tingnan niya. Diretso ang tingin ko sa pagkain sa aking harapan.

"Baka? Hindi ko pa alam" malungkot na sagot ko sa kanya.

Matapos ang paguusap namin ni Sarah ay sandali niya akong iniwan sa may sala. Nagpaalam itong gagaw ang mirienda para sa amin. Nang makaramdam ako nang pagkauhaw ay tumayo ako at naglakad sa papunta sana sa kusina. Dumaan ako sa may dinning kung nasaan sina Piero at Lance.

Busy si Lance sa harapan ng kanyang laptop. Nakatayo si Piero, nakatalikod sa akin. Nakaharap siya ngayon sa malaking salamin ng condo habang may kausap sa kanyang cellphone. Napanguso ako habang pinagmamasdan ang bahagyang paguga ng kanyang balikat. Tumatawa ito habang may kausap duon.

"May kailangan ka Amaryllis?" Tanong ni Lance sa akin. Nanlaki ang mata ko dahil sa biglaan niyang pagpansin sa akin.

Kita ko ang bahgyang pagsulyap ni Piero sa akin. Sandali niya lamang akong binalingan pagkatapos ay inirapan niya ako at tumalikod muli. Kumirot ang dibdin ko dahil sa ginawa niya. I miss him. I miss him smiling for me, yung mapupungay na mga mata niyang palaging tumitingin sa akin. Ang mga mararahang hawak niya na para bang takot na takot siyang masaktan ako. I miss Piero.

"Uhm...makikiinom lang ako ng tubig" mabilis na sagot ko kay Lance bago ako dumiretso sa may kusina para puntahan si Sarah.

Ilang hakbang pa lamang ang nanagawa ko papasok duon ay muli akong tumakbo palabas dahil sa pagikot ng aking sikmura. Diretso akong tumakbo patungo sa common cr malapit sa dinning.

"Anong nangyari?"

Hindi ko na nasagot ang nagaalalang tanong ni Lance sa akin ng lagpasan ko lamang siya. Nakatakip ang kamay ko sa aking bibig nang ginawa ko iyon. Naluha ako habang hawak hawak ang aking dibdib. Muli nanaman akong naduwal, wala namang lumabas duon. Namumula ang aking mga mata dahil sa nangyari.

Sandali akong naghilamos para pawiin iyon. Nanghihina akong lumabas ng cr. Si Lance kaagad ang sumalubong sa akin. "Anong nangyari?" nagaalalang tanong pa niya sa akin.

Dahan dahang lumipat ang tingin ko sa kanya papunta kay Piero. Nanatili itong nakaupo sa may dinning table, pero ng magtama ang aming mga mata ay kaagad din siyang umiwas. Mas lalong kumunot ang noo niya ng ibalik niya ang tingin sa kanyang laptop.

"Andami kong nakain na peanut butter, baka hindi ako natunawan" palusot ko kay Lance. Imbes na mas lalong maawal ay nakita ko ang kanyang pilyong pagngiti.

"Napakatakaw mo talaga, pero hindi ka naman tumataba" pangaasar pa niya sa akin kaya naman napanguso ako. Iginaya niya ako papunta sa may dinning at pinaghila pa ng upuan. Sa harap mismo iyon ni Piero. Matagal ako bago nakaupo.

"Kakain na din tayo ng mirienda, naghanda si Sarah ng lasagna at garlic bread" sabi pa ni Lance sa akin. Ngayon alam ko na kung bakit umikot ang sikmura ko kanina. Dahil siguro iyon sa garlic bread na naamoy ko. Saktong nasa oven iyon pag pasok ko ng kitchen kaya naman mas nangibabaw ang amoy.

Tahimik akong umupo sa harapan ni Piero. Sandaling nagpaalam si Lance na tutulong kay Sarah sa paghahanda. Nanuyo ang aking lalamunan habang pinapakiramdaman si Piero. Kaming dalawa lamang ang naiwan duon at sobrang nakakabingi ng katahimikan.

Napatingin ako sa seryoso niyang pagkakatitig sa kanyang laptop. Mas lalong nalulukot ang kanyang noo, para akong aatakihin sa puso ng mabilis niyang inilipat ang tingin sa akin. Sa gulat ay hindi ko nabawi ang tingin ko.

"Why are you always staring at me?" Matigas na tanong niya sa akin. Para bang iritadong iritado siya sa ginagawa kong pagtitig sa kanya.

"I'm sorry..."

"Fuck that sorry. Nakakasawa na" galit na utas pa niya. Napakurot ako sa aking kamay dahil duon. Mas gusto kong iconvert ang sakit ng pagkakakurot ko sa aking kamay kesa sa kirot na nararamdaman ko sa aking dibdib. Hindi naman siya ganito sa akin dati. He is always patient with me. Magagalit siya sa akin pero lagi niya akong pinapatawad.

"I miss you..." mahinang sambit ko. Sapat na iyon para marinig niya. Hindi kaagad ako nakatanggap ng response mula sa kanya. Dahan dahan kong itinaas ang tingin ko sa kanya. Madilim at malamig ang tingin niya sa akin. Para bang tamad na tamad siyang nakatingin sa akin.

"Sinong niloloko mo?" Mapanuyang tanong niya sa akin.

Mas lalong bumagsak ang balikat ko. Naginit din ang aking magkabilang pisngi dahil sa kahihiyan. "I mean it" laban ko pa. Hindi kagaya kanina ay napangisi na siya.

"I don't miss you" masungit na sagot pa niya sa akin bago niya muling inalis ang tingin niya sa akin.

Napaawang ang aking bibig. Hindi na ako nakapagsalita pa. Hindi na nadugtungan iyong nang dumating sina Sarah at Lance dala ang mirienda. Nakita ni Sarah ang paglayo ko sa pinggan ng garlic bread, tanging ang lasagna lang ang tinanggap ko.

Tipid ko siyang nginitian. "Ayos na ako dito" palusot ko pa sa kanya na tinanguan na lamang niya. Bago umupo si Sarah ay nakita ko pa ang paglapag niya ng isang plato na may lamang kikiam. Inilapit ni Lance iyon kay Piero.

"Oh ayan na ang paborito mong kiki am" nakangising sabi ni Lance sa kanya. Pabiro siyang pinalo ni Sarah dahil sa pagkakabanggit niya dito.

Sinamaan lamang ng tingin ni Piero. Matapos ang ilan pang pagtitipa, marahan niyang inusog ang laptop niya para makakain na dim siya ng maayos. Bayolente akong napalunok habang nakatingin duon. Bigla akong natakam.

"Ayaw mo?" Tanong ni Sarah sa akin nang mapansin niyang hindi ko ginagalaw ang aking pagkain. Dahil sa tanong niya, napatingin din sa akin yung dalawa. Sandali ko siyang sinulyapan pagkatapos ay si Lance bago bumalik ang tingin ko sa kikiam.

Nawala ang tingin ko duon nang makita ko ang pagusog nuon. Napatingin ako sa nagusog si Piero. "Gusto ata ni Amaryllis ng kiki am ni Piero" sabi ni Lance, kita ko ang paglalaro ng ngiti sa kanyang labi.

Tangina, kita kong sambit ni Piero sa kanya. Matapos niyang murahin si Lance, tamad siyany tumingin sa akin. "Anong tinitingin tingin mo diyan?" Galit na tanong niya sa akin. Umiling ako at yumuko.

Narinig ko pa ang pagbubulungan nila at pagtatalo. Tahimik kong kinain ang lasagna sa aking plato. Napanguso ako, kanina gusto ko ng peanut butter ngayon gusto ko naman ng kikiam.

Nawala ako sa aking pagiisip ng mapansin ko ang pagtayo ni Piero, kumuha siya ng tatlong kikiam at tsaka inilagay iyon sa plato ko. Napanganga ako, hindi pa din makapaniwala sa kanyang ginawa.

Paupo na sana siya nang muling magsalita si Lance. "3 means I love you, right?" Pangaasar pa niya dito.

Nagtiim bagang si Piero, mas lalo akong nagulat ng dumakot muli siya ng kikiam ay padabog na inilagay iyon sa aking plato.

"Happy?" Tamad na tanong niya kay Lance at tamad ding bumalik sa pagkakaupo.

Muling ngumisi si Lance habang nakatingin sa aking plato. Parang naging toppings ang kikiam sa lasagna ko.

"Ang dami ah. Ang daming I love you" pangaasar pa ulit niya. Mahinang napamura si Piero, muli lang nataws si Lance. Ganyan na ata talaga silang dalawa.

Kumuha ako ng kikiam, ang iba nuon ay nalagyan ng sauce ng lasagna. Kinain ko pa dim dahil takam na takam talaga ako. Akala ko ay hindi ko na magugustuhan dahil sa iba naman ang sauce talaga nuon. Nanlaki ang aking mga mata. Muli tuloy akong napasubo.

"Uhm Sarah may ketchup kayo?" Tanong ko sa kanya na ikinagulat niya, maging ang atensyon nung dalawa ay nakuha ko din. Wala sa sariling tumango si Sarah at tumayo pars kuhanin ang bote ng ketchup.

Hindi ko alam kung bakit tingin sila ng tingin sa akin habang isinasawsaw ko ang kikiam sa ketchup at magana iyong kinain. "Masarap Amaryllis?" Tanong ni Lance, hindi pa ako nakakasagot pero parang nandidiri na siya.

Tinanguan ko siya. Napaawang ang labi niya dahil sa aking sagot. Bahagya akong napatingin kay Piero pero nasa pagkain ang kanyang buong atensyon. Tahimik akong kumain, medyo bumagal ako dahil ninanamnam ko pa talaga ang bawat piraso nuon. Hindi ko na nga masyadong nagalaw ang lasagna dahil mas nagustuhan ko ang kikiam.

Sabay na umalis si Sarah at Lance sa lamesa. Naiwan ulit kami ni Piero pero hindi ko na siya nagawang lingonin pa. Kahit pa nung napansin ko ang pagtayo niya ay hindi ko siya nilingon, buong akala ko ay didiretso din siya sa kitchen kasama nila Lance.

Kaagad akong nagangat ng tingin nang maramdaman ko siya sa aking likuran. Tamad siyang nakatingin sa akin. "Eat this too" seryosong sabi niya bago niya inilapag ang pinggan na may kikiam.

"Pero sa iyo yan" gulat pa ding tanong ko sa kanya. Inirapan niya lamang ako.

"It seems like you really enjoy the kikiam with the fucking ketchup. Sayo na yan" iritadong sagot pa niya bago niya ako muling tinalikuran at this time dumiretso na talaga sa kitchen.

Sinundan ko ng tingin ang kanyang likod. Tipid akong napanhiti, minsan napakaunpredictable talaga ni Piero. Pero mas lalo ko siyang minahal dahil duon. I wish i could freeze the time. I want to stay with them a little longer. Gusto pa nga sana ni Sarah na duon na ako magdinner pero hindi pwede. I have a curfew, hindi pwedeng malaman ni Rajiv na bukod kay papa ay may iba pa akong pinupuntahan.

"Babalik ako pag may tiempo ulit" malungkot na paalam ko sa kanila. I tried to smile, pero nakakalungkot talaga.

"Tumakas ka lang ba?" Tanong ni Lance sa akin. Tumango ako sa kanya bago ako bumaling kay Piero. Nahuli kong nakatingin siya sa akin pero mabilis ding nagiwas ng tingin.

"Hindi ka ba mapapahamak pag nalaman ni Rajiv na tumakas ka? Sinasaktan ka ba niya?" Panguusisa ni Lance. Naramdaman ko muli ang tingin ni Piero sa akin, this time hindi niya na inalis ang tingin sa akin.

"Hindi naman siguro" malumanay na sagot ko. Kita ko ang pagtalim ng tingin niya sa akin.

"Siguro? Hindi ka sigurado?" Mapanuyang tanong niya sa akin. Hindi ako nakasagot kaagad kaya naman muli siyang nagsalita.

"Wag ka na ulit pupunta dito. Bukod sa nakakaistorbo ka, ayaw ka namin dito" sabi pa niya kaya naman namanhid ang mukha ko.

"Uy teka, gusto namin si Amaryllis dito" laban ni Lance sa kanya.

"Then ito na ang huling beses na pupunta ako dito" madiing sabi niya sa mga ito. Kaagad akong nagpanic.

"Hindi Piero...ano" natatarantang sabi ko. Lahat sila ay nakatingin sa akin.

"Hindi na ulit ako pupunta...pasencya na" nahihiyang sabi ko pa sa kanila. Ayoko namang maging dahilan pa para magkalabuan sila ni Lance. Kita ko din kasing mukhang sanay silang dalawa na matrabaho nang magkasama.

Malungkot akong tinawag ni Sarah at Lance pero nagawa ko pa din silang ngitian kahit ang totoo gusto ko nang maiyak. Matapos kong magpaalam sa dalawa ay walang lingon lingon akong umalis duon. Pag sakay sa elevator, bumuhos kaagad ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

Kahit sa sasakyan ay umiiyak pa din ako. Napapatingin na lamang sa akin ang driver ni Rajiv. Dumaan ako kay Papa sandaling nakipagusap sa kanya bago ako muling umuwi sa bahay ni Rajiv. Para sa oras na tanungin niya ako kung saan ako galing tama ang isasagot ko.

"Saan ka galing?" Tanong na salubong niya sa akin pagkauwi niya.

"Kila Papa"

Ramdam ko ang mas lalong paglaki ng problema ni Rajiv sa kanilang companya. Nakahinga ako ng maluwag ng bahagyang nawala sa kanilang isip ang kasal.

"I need more investors tito. Ayokong sumugal sa mga Herrer. Hindi ako nagtitiwala" seryosong sabi nito kay Tito Benedict. Muli kaming naimbitahan sa bahay nila Mommy para maglunch. Kagaya ng palagi, tahimik lamang akong nakikinig sa usapan nila.

"So kailan ang alis mo patungo sa Macau?" Panguusisa pa ni tito Benedict sa kanya kaya naman napataas ako ng tingin sa kanila.

"The day after tomorrow Tito" pagod na sagot ni Rajiv sa kanya. Napabaling ako kay Mommy nang makita ko kung paano siya sumimsim ng wine habang nakatingin pa din sa akin. Kumunot ang noo ko dahil dito. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya, pero sigurado akong hindi maganda iyon. Knowing her.

"So paano si Amaryllis?" Tanong ni tito benedict. Lumingon si Rajiv sa akin. Kinabahan ako sa pwede niyang isagot sa akin.

"Isasama ko po siya..."

"I don't think it's a good idea Raj" putol ni Mommy sa kanya. Mas lalong kumunot ang aking noo. Raj?

Mommy insist na maiwan ako dito habang busy siya sa sadya niya sa Macau. Tito Benedict agreed to it. Mas maganda daw na makita ng tao na we are both dependent. Marahan na lamang ako napapailing sa mga naririnig. Masyadong big deal sa kanila ang sasabihin ng nga tao. Hindi ko alam kung bakit.

Naghanda si Rajiv na umalis sa araw na sinabi niya sa akin. Tahimik akong nakatayo sa may sala habang naghihintay sa kanya. Kahit papaano ay naawa din ako sa kanya, kita ko ang pagod sa kanyang mukha.

"Ok lang bang iwanan muna kita?" Malambing na tanong niya sa akin. Tipid akong tumango sa kanya.

Naramdaman ko ang paghalik niya sa aking ulo. "I'm doing this for us. Wag kang magalala maayos ko ito" paninigurado pa niya sa akin. Hindi na lamang ako nakasagot.

Sandaling natahimik si Rajiv. Nabanggit niya sa akin na hahayaan niya akong dumalaw kay Papa, even sleeping there is allowed. "Kung makikipagkita ka kay Piero behind my back..." paguumpisa niya dahilan kung bakit tumingala ako para magkaharap kami.

"Isipin mo Amary. Aalis ka, aalis tayo papunta sa America after the wedding. Iiwan mo ulit siya. Hindi natin alam kung makakabalik ka pa after that..." pagpapatuloy niya. Kahit pa ganuon ang sinabi niya ay ramdam ko pa ding nasasaktan siya.

"So kung maiisip mong magpakita kay Piero, ikaw ang gagawa ng paraan para masaktan siya. Hindi ako at kung sino. Layuan mo na siya, hayaan mong magalit siya sayo. Mas madaling umalis pag ganuon" pagpapaintindi niya sa akin. Sumakit ang lalamunan ko dahil sa nagbabadyang pagiyak. He has a point.

Hindi ako makatingin kay Rajiv dahil sa panghihina. "And about your child. That's a double burden Amaryllis. Baka mamatay o mabaliw ang Herrer na iyon sa oras na malaman niyang hindi lang ikaw ang pwedeng mawala sa kanya" mas masakit na sabi pa niya sa akin.

Nalukot ang mukha ko dahil sa pagiyak. "Give him peace" matigas na sambit pa ni Rajiv.

"I am his peace" laban ko.

Pagod siyang tumawa. "Until when?"

Hindi na ako nakasagot pa. Muli na lamang siyang humalik sa aking ulo maging sa aking pisngi bago siya tuluyang umalis. "Think of it Amary..." paalala pa niya sa akin.

Nagkulong ako sa aking kwarto pagkatapos nuon. Hinang hina ako, alam kong sinabi lang ni Rajiv iyon para hindi ko na ipursue si Piero. Pero he has point, masyadong masasaktan si Piero dito, hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari, mas mabuti nang wala siyang alam.

Hapon nang nagpasya akong pumunta kila Papa. Hindi ko na kinaya ang nakamamatay na katahimikan. Rajiv gave me a freedom, at the same time binigyan niya din ako ng problema. I can't think. Gustong gusto kong makita si Piero, i want to be selfish for my self. Gusto ko siyang makita bago mahuli ang lahat. Gusto ko siyang makasama hangga't may oras pa. Pero anong epekto pagkatapos? Masasaktan ako pero mas masasaktan siya.

Sa istorya namin, ako ang nangiwan...siya ang iniwan kaya naman mas masakit sa parte niya. Pero masakit din namang mangiwan, lalo kung hindi mo naman talaga gustong iwanan yung tao.

"Ano ba sa tingin mo ang mas makakabuti Anak?" Tanong ni Papa sa akin pagkatapos kong ikwento sa kanya ang lahat.

Nagkibit balikat ako. "Gusto ko pang makasama si Piero" malungkot na sabi ko sa kanya. Kita ko din ang lungkot sa mga mata ni Papa.

"Puntahan mo siya" pagtutulak niya sa akin.

Napayuko ako. "Galit siya sa akin Papa, ayaw niya na akong makita"

Naramdaman ko ang paghawak niya sa aking balikat. "Naniniwala ka? Alam mo kung paano ka minahal ni Piero. Naniniwala ka?" Mapanghamong tanong niya pa sa akin. Natigilan ako dahil duon.

"Eh paano pag dumating yung araw na..."

"Mag focus ka kung anong mayroon ngayon anak. If you have the chance today grab it. Walang nakakaalam sa mangyayari bukas. Be happy today and don't regret" pagpapaliwanag ni Papa sa akin.

Bumuhos ang luha ko. Napayakap ako kay Papa dahil sa mga sinabi niya sa akin.

Matapos naming magusap ni Papa ay kaagad akong tumulak patungo sa condo nila Lance. Bahala ang what if's. Masasaktan din naman kami pareho. I'll enjoy today.

"Andito ba si Piero?" Kaagad na tanong ko kay Sarah pagkabukas niya ng pinto.

Nagulat pa siya dahil duon. Nadismaya ako ng hindi ko nakita si Piero duon. Ang sabi niya sa akin, nasa out of town ang dalawa para companya. "Kailan ang balik nila kung ganuon?" Panguusisa ko pa kay Sarah.

"Yung dalawang iyon bigla bigla namang sumusulpot yon eh" natatawang sagot niya sa akin. Napanguso ako, sana sumulpot sila ngayon.

Bigo akong umuwi ng araw na iyon. Sumubok muli ako kinabukasan, wala pa din si Piero sa condo nila Lance. Gumaan ang pakiramdam ko ng makita ko si Lance.

"Masyadong busy..." tanging sagot niya sa akin.

"Sa bahay ba nila siya tumutuloy ngayon?"

Umiling si Lance at sinabing sa condo ni Piero siya tumutuloy. Alam ko ang condo na tinutukoy ni Lance. Yun ang parehong condo kung saan ako nagdadala ng pagkain nuon.

"May pagkain ba siya duon? Nakakain ba siya ng maayos duon?" Panguusisa ko pa. Kita ko ang mapaglarong ngiti sa kanyang mga labi.

"Hindi naman iyon mamamatay sa gutom" natatawang sabi niya sa akin. Hindi ako natawa, mas nagalala ako.

Tumulak ako sa condo na sinabi ni Lance dala dala ang lunch box na may malamang pagkain. Ang laman nuon ay kila Lance pa galing. Wala na kaso akong oras na magluto kaya naman nang alukin nila ako na duon mag dinner tinake out ko na lang. Yun ang dinala ko kay Piero.

Pamilyar na pakiramdam ang naramdaman ko habang naglalakad ako sa tahimik na hallway ng condominium. Mas lalo akong kinakabahan habang palapit ako sa kanyang pintuan. Hindi ko alam kung nasa loob na ba siya o ano.

Napakagat ako sa aking pangibabang labi. Hindi ko alam kung paano iiwan ang pagkain. Iiwan ko? Paano pag hindi na siya lumabas, hindi niya makikita. Kaagad kong tinanaw ang layo ng elevator at fire exit.

"Iiwan ko, magdodoorbell tapos takbo" pagkausap ko sa aking sarili. Kabadong kabado ako. Nanginginig ang aking kamay habang inilalapag ko sa harap ng pintuan niya ang lunch box. Huminga ako ng malalim.

Inihanda ko ang aking sarili. Pikit mata kong pinindot ang doorbell. Kumaripas ako ng takbo pagkatapos gawin iyon.

"Tangina" rinig kong malutong na mura ni Piero. Gulat ma gulat ko ng maramdaman ko ang pagbunggo ng katawan ko sa kanya. Ang kamay niya ay nakasuporta na sa aking likuran ngayon dahil sa muntik kong pagtilapon sa kung saan. Masyadong malaki ang katawan ni Piero para banggain ko.

Kumurap kurap pa ako sa kanyang harapan. Mabigat ang tingin niya sa akin bago siya nagtiim bagang. "What are you doing here?" Matigas na tanong niya sa akin. Napaayos ako ng tayo.

Napansin ko ang paglipat ng tingin niya sa lunch box sa harap ng kanyang pinto at sa akin. Mas lalo akong nahiya.

"Uhm dinalahan kita ng pagkain..." nahihiyang sabi ko. Hindi siya nagsalita pero ramdam ko ang kanyang titig sa akin.

"Sorry kung nagpakita ako sayo. Alam ko namang ayaw mo na akong makita. Aalis na ako..." emosyonal na paalam ko sa kanya.

Bago pa ako makaalis, nahigit na ni Piero ang aking palapulsuhan. Gulat na gulat ako ng hilahin niya ako papasok sa kanyang condo.

"Pasok" matigas na utos niya.

Wala sa sarili ko siyang sinunod. Gumala ang tingin ko sa kabuuan ng condo niya. It screams luxury lalo na't halos pinaghalong itim at gray ang interior. Nanatili akong nakatayo, pagod siyang sumandal sa likod ng kanyang sofa. Nakahalukipkip ito habang nakatingin sa akin.

"Where's  your fucking fiance?" Tamad na tanong pa niya.

"Uhm...nasa macau may problema ang companya" sagot ko sa kanya. Nakita ko ang pagngisi ni Piero.

Kaagad na may namuong konklusyon sa aking isip. "Ikaw ang may gawa nuon?" Tanong ko sa kanya. Nagkibit balikat lamang siya.

"I do nothing" pagmamaang maangan niya.

Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko naman siya masisisi, kagaya ko may atraso si Rajiv sa kanya. "Galit ka sa akin?" Tanong ko sa kanya.

"Ofcourse, what the hell are you thinking" medyo tumaas ang boses niya sabay irap sa akin.

Nagiwas siya ng tingin kaya ganuon din ako. "I can help him with his company" sabi ni Piero na ikinagulat ko. Hindi ko inakala na kaya niyang tulungan si Rajiv sa kabila ng lahat.

Dahil sa pagkabigla ay hindi ako nakapagreact sa dahan dahan niyang paglapit sa akin. Halos isang dangkal na lang ang distansya niya sa akin. "Paano?" Tanong ko sa kanya.

He smirked. Halos mahigit ko ang hininga ko ng hilahin niya ako palapit sa kanya. Ang kamay niya ay nasa aking likod na ngayon. "Kung ibabalik niya sa akin ang baby ko..." paos na sabi niya. Namanhid ang aking buong katawan.

"I miss my baby so damn much" malambing na sabi niya bago niya ako hinalikan sa aking noo.

Uminit ang gilid ng aking mga mata. "Sabi mo hindi mo ako namiss" garalgal na akusa ko sa kanya.

"Tangina, napakasinungaling mo Piero" galit na utas niya sa kanyang sarili.

Yayakap pa sana ako sa kanya, pero imes na yakap ay malalim na halik ang natanggap ko mula sa kanya.

















(Maria_CarCat)

Seguir leyendo

Tambi茅n te gustar谩n

2M 79.8K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
122K 9.2K 14
Bembiehyehohyehohyehohyeh~ WALANG SAYSAY ITO, KUNG AKO SA'YO HUWAG MO NALANG BASAHIN.
351K 5.4K 23
Dice and Madisson
168K 4K 54
What will you do if you end up in someone else body?