The GCQ mission: Billionaire'...

De aizzienn

235K 7.2K 1.5K

NANG DAHIL SA COVID # 2: GCQ Dahil sa banta ng Corona virus, nawalay kay Mariella ang limang buwan niyang san... Mais

The GCQ mission: Billionaires Baby
Ola!
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Epilogue
Author's Note (Special Chapter)

Chapter 13

5K 172 16
De aizzienn


"Get out if you have nothing important to say."

Napakagat labi ako nang marinig ko ang boses ni boss. Hindi ko rin mabatid kung sino ang kausap nya sa loob. Inilapat ko ang aking tenga sa pinto. Inilapat ko ang aking tenga sa pinto at mas naging klaro na ang sa aking pandinig ang mga patak ng tubig maging ang kanilang pag-uusap.

"You're so fucked up. You are engaged, Alexander!" Ang boses ulit ng estranghero. "If you don't want her, I will take her back. Mukhang wala ka naman talagang pake sa kaniya."

"Then do it, I really don't have the energy to care." So boss muli iyon!

"You can't be serious, right? Wala ka ba talagang nararamdaman sa kaniya? You already have a child!"

"If I'm given the chance to pick between her, my son, and both, I won't hesitate to choose my son."

"Damn you, Aleksev!"

"Just get out, Connelly."

Isang walang kabuhay-buhay na tawa ang aking narinig at kasunod niyon ay ang mga yabag na mukhang papalapit sa pinto. Atubili akong napa-atras at napatakbo sa gilid ng laker upang doon magtago. Parang binubundol ang dibdib ko sa pagkakataong ito dahil sa kaba lalo na nang marinig ko ang pabalibag na pagbukas at pagsara ng pinto!

Papalapit sa aking pinagtataguan ang mga yabag kaya napapikit ako upang magdasal sa isip. Jusko, ano kayang mangyayari pag nahuli ako? Napaigik ako nang marinig ko ang pagbukas ng isang laker at batid kong malapit iyon sa akin! Kaunting baling lang ng taong ito ay maaring makikita na namin ang isa't isa!

"Damn that fucker. I'll make sure to take her back." Dinig ko muli ang boses ng lalaki.


Nakarinig ako ng pagbukas at pagsara ng siper ng damit, nag-bold ata ang lalaki. Ilang sandali ay sunod na umalingaw-ngaw sa tahimik na pasilyo ang muling pagsara ng laker kaya sa tingin ko ay papaalis na sya. Nang marinig ko muli ang mga yabag nya papalayo ay pasimple akong sumilip at nakita ko ang bulto ng isang matanggkad na lalaking kakaliko lang palabas sa malawak na palaruan.

Nakahinga ako ng maliwag at lumabas na sa pinagtataguan at napahawak ako sa dibdib upang pakalmahin ang sarili. Nang bahagya akong kumalma ay tumango ako sa sarili para palakasin ang aking loob na ipagpatuloy ang sadya dito. Muli akong naglakad tungo sa pinto ng cr at dinig ko pa rin ang tunog ng tubig. Sabay ng muli kong pagkatok at ang pagbalik ng kaba sa dibdib ko.

"B-boss?" Pinakinggan ko muna ng mabuti ang nasa loob. "Dala ko ang damit mo. Ako kasi ang napagpasahan ng utos na ibigay sa'yo ito kasi may gagawin pa si Ri, ay este, y-yung isa mong tauhan na dapat—

Biglang bumukas ang pinto na ikinatigil ko dahil sa gulat. Nakatingin sa akin ngayon si boss na tumutulo pa ang tubig mula sa basang buhok at mayroon mga butil na dumadaloy sa perpekto nyang mukha at katawan.

Maraming beses akong napalunok saka nagbaba ng tingin, hehe. Nakatapis lang sya ng twalya. Tapos may ano, yung ano kasi... m-may ilang bulbol pababa tapos ano... may bumubukol! Agad akong napapikit... ng konti. Oo, konti lang.

"B-boss, ito na po ang damit nyo."

Inabot ko sa kaniya ang supot gamit ang nanlalamig at nanginginig kong kamay. Ngunit ilang segundo na ang lumipas, hindi nya tinanganggap. Nakatitig lamang sya sa akin! Hinawi ko ang ilang hibla ng aking buhok tungo sa likod ng tenga dahil baka hindi nya iyon gusto.

"B-boss, nakakangawit na—

Ngunit bigla nyang hinawakan ang pulso ng kamay kong nakalahad at hinila ako papasok ng banyo sa isang kurap.

"H-hala, teka! Boss anong..."

Naramdaman ko na lamang ang malamig na pader sa aking likuran at ang muling pagsara ng pinto. Agad akong napapikit at tinakpan ko ang aking mata. Jusko, baka may makita akong ano! Hindi ako sanay sa ganito, e! At ano naman kaya'ng plano nitong si boss para hilain ako papasok rito?!

"Boss, ito lang talaga pinunta ko rito." Inilahad ko sa kaniya muli ang supot habang nakatakip pa rin sa mata ang isang kamay. Naiiyak ako at hindi ko na maitago ang nginig ng kamay ko! "Pangako talaga, boss."

Baka kasi iniisip nya na sinadya kong magpunta rito upang makita sya sa ganitong sitwasyon. Kahit may kaunti akong kalandiang tinatago sa katawan ay hindi ko naman maiisipang gawin ang bagay na ganito!


"Open your eyes,"

Sinunod ko ang kaniyang utos at unti-unti ko syang naaninag. Napasinghqp ako nang mawari ko ang aming distansya. Ilang sintemetro na lamang at maabot na ng ilong nya ang noo ko! Nakatukod ang isa nyang siko sa itaas ng ulo ko at titig na titig sya sa akin! Jusko!

"Boss, m-masyado kang malapit. Hindi ito—

"Shh."

Nakatitig sya sa aking labi habang ang kaniyang daliri nya ay nakaharang doon. Ramdam ko ang init niyon.

"Don't say anything."

Hindi ko na nagawang magtaka pa sa sinabi nya dahil bigla nyang siniil ng halik ang aking labi. Milyon-milyong boltahe mula roon ang dumaloy tungo sa ibat-ibang parte ng aking katawan. Tila nabuhayan ang pagkatao ko at muli kong naramdaman ang kakaibang init na matagal na ng huli kong naramdaman.

Nagsimulang gumalaw ang kaniyang labi na nagdala ng kakaibang kiliti sa aking puson. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko na maski ang tunog ng tubig ay nawala sa pandinig ko. Paano ko sya tutugunin? Hindi ko alam kung anong dapat gawin! Pumasok sa isip ko ang ideya na gayahin sya, kaya iyon ang aking ginawa.

Hinilig ko ang aking ulo at sinunod ang ritmo ng kaniyang paghalik. Hindi ako sigurado kung tama, basta't ang alam ko ay mas lalong nag-init ang paligid. Tila may sariling isip ang aking mga braso na pumulupot sa kaniyang leeg. Sa mga sandaling iyon, wala akong ibang laman ang isip ko kundi ang sarap ng halik nya, atsaka...

Mabuti na lang nag-sipilyo ako kanina.

"Ginger, wag ka! Kenekeleg ako, e!"

Sinubsob ko ang mukha ko sa sopa ni Ginger. Dahil sa ginawa kong paggalaw ay narinig ko ang pagtunog ng mga kahoy niyon sa kailalim-ilaliman.

"Ano ba! Dahan-dahan, pwede? Baka mamaya lumubog yan! Tsaka ano bang nangyayari sayo? Kanina ka pa parang kiniliting gorilla."

Hinampas ni Ginger ang pwet ko saka sya naupo sa sahig habang kumakain ng chichiria. Day-off ko kaya nandito ulit ako sa tirahan nya. Ang sarap sanang gumala-gala pero dahil may pandemya ay mas makakabuti kung mananatili sa loob bahay. Seypti pers.

Kinuha nya ang remote na nakapatong sa maliit na mesa saka pinagana ang luma at maliit nyang tv. Kaso hindi iyon malinaw nags-statik pa! Nag-martsa si Ginger tungo sa likuran ng tv nya saka ginalaw-galaw ang antenna na parang letrang V.

"Kainis naman! Wala na kasi ang abs-cbn. Yung channel na yun lang sana ang medyo malinaw dito sa tv ko. Hindi ko naman afford mag-cable." Kung anu-ano na ang ginawa nya sa antenna.

"Okay na?"

Tumutok naman ako sa tv. "Medyo ihilig mo pa. Hindi ganyan, sa kabila! Ay, hala!teka nawala... yun, ibalik mo do'n! Ganyan! Ay, na black 'n white!"

Nagtaas ako ng tingin kay Ginger na kung anu-ano na'ng naging posesyon. Nakaipit na ngayon ang antenna sa kilikili nya.

"Walang signal d'yan! Ituwad mo!" suhestiyon ko.

"Ha? Talaga?" Tumuwad naman sya. Gusto kong matawa pero pinigilan ko.

"Ganito ba? Ha?"

"Oo ganyan nga! Tingnan mo bumabalik ang signal—

"Gaga ka pala, e!" at binato nya sa akin bigla ang antenna. Tinamaan ako pero hindi naman masakit at tumawa lang ako ng tumawa tipong walang ng bukas.

"Saya mo ngayon, ah? May nangyari ba?"

Natigil ako sa pagtawa at napatingin kay Ginger na nakahalukipkip. Tumingala ako sa kawalan habang inaalala ang nangyari kahapon. Yung halik kahapon na pinagsaluhan namin ng halos tatlong minuto, hindi iyon tama alam ko. Hindi ko alam kung bakit nya iyon ginawa at hanggang ngayon ay hindi pa rin humuhupa ang kiliti sa puson ko.

Magdamag ko iyong inisip. Hindi ako nakatulog ng maayos. Maraming tanong ang pumapasok sa isip ko. Gaya ng may gusto kaya sa akin si boss? Isang sampal iyon sa akin dahil ito lang ako at may dyosa syang mapapangasawa. Pero wala kasi akong ibang maisip na dahilan kung bakit nya iyon ginawa. O baka naman ginawa nya lang yun? Eh?

"Ahehe, w-wala naman." Hindi ko iyon dapat ipagsabi.

"Sigurado ka? Akala ko babahain ng luha itong bahay ko dahil magda-drama ka na hindi mo na naman makakasama ang anak mo, tapos ngayon halos mapunit na yang bibig mo kakabuhalhal. Hindi ko inexpect to, ah?" Nakaarko ang kilay nya at halatang may pagdududa.

Numisi ako. "Syempre miss ko na ang anak ko sobra. Pero nasulit ko ang anim na araw na kasama sya. At bukas makakasama ko na naman sya ulit. Masaya na 'ko sa sitwasyon ko ngayon, Ginger."

"So hindi mo na babawiin anak mo? Yaya ka na lang nya forever?"

"Masaya ako halos sa bawat segundo ng buhay ko ngayon. Tipong nakalimutan ko na'ng mag-isip ng plano." Bumuntong hininga ako. Kasi ang totoo, hindi ko pa alam ang dapat kong gawin.

Kahit sa maikling panahon na nakilala ko si boss ay mahirap na para sa akin na kunin na anak ko dahil sa nakita kong pagmamahal na ibinibigay nya bilang ama. Ang uri ng pagmamahal na tanging ama lang ang makakapagbigay, ang uri na hindi ko na inisip dati kasi akala ko kaya kong ibigay. Pero sa mga nasaksihan ko, ramdam ko na ngayon na iba pala talaga kapag may ama ang anak mo. Amang nandyan lagi at katuwang mo.

Nakokonsensiya ako sa mga nangyayari. Kahit ayaw ko kay Vallerie, asawa pa rin sya ni boss at bilang katulong ay dapat nanatili ako sa lugar ko. At kahit si boss ang nauna ay hindi ko pa rin dapat sya tinugon. Bakit ko sya ginantihan? At bakit ang bilis ng tibok ng puso ko no'ng mangyari iyon? Pakiramdam ko tuloy ang landi ko. Batid ko na may kakaiba na akong nararamdaman para sa boss ko. Hindi kasi sya mahirap mahalin kahit sa maikling panahon na nagkasama kami.

Perpekto ang pagkatao nya at mabuti syang ama. Ang hirap iwasan ng gano'n. Isa syang tukso sa akin. Natatakot ako na baka saan ito papunta. Dapat ko na ba itong pigilan habang maaga pa?


"Hoy! Ba't natulala ka? Nakasimangot ka pa. kanina lang ang saya-saya mo."


Napakurap ako nang iwagayway ni Ginger ang palad nya sa aking harapan. Nasa harap ko na pala sya nagyon. 'Di ko man lang namalayan.

"Wala, marami lang akong iniisip."

Sandali nya akong pinagkatitigan habang ngumungiya. "Okay."

Tumayo sya at akmang maglalakad na pero nahawakan ko sya pulsuhan. Hindi ko alam kung bakit ko iyon ginawa. Basta otomatiko lang gumalaw ang kamay ko para pigilan sya.

"Bakit?"

"Ginger, m-maganda ba 'ko?"

Otomatikong nanlaki ang kaniyang mata at hindi kalaunan ay bigla syang natawa. Mas napasimangot lang ako.

"Ba't mo naman naitanong yan?"

"Ehh, sagutin mo na lang!" parang batang pamimilit ko.

Sandali nya akong tinitigan. "Hmm, ito lang ang masasabi ko, sa angkan natin hindi gaanong maganda ang pangit at hindi rin gaanong pangit ang maganda."

Halos mabato ko sya ng unan. "Ginger, ayusin mo nga!"

"Okay, fine! Maganda ka naman. Konting ayos lang, ka-level mo na si Megan Young. At kaunting ayos lang sa pananamit, ka-level mo na rin si Catriona Gray."

"S-seryoso ka?"

"Hindi. Joker lang 'yon? Tss. Pero pramis Mariella, maganda ka in your own way. Kahit relihiyosang manang ka kung manamit, maganda ka pa rin. Lalo na siguro kung magdadamit ka ng bagay sayo, siguradong magmumukha kang modelo ng floor wax."

"Ha? B-bakit floor wax?"

"E kasi makinis at mahahaba ang mga binti na tinatago mo dyan sa mahaba mong saya."

Napatingin naman ako sa aking binti. Wala nga akong kahit isang peklat doon. Sabi kasi ni nanay, bilang babae ay dapat panatilihing maayos ang pisikal. Kaya naman tuwing nasa bukid kami noon ay lagi nya 'kong pinapasuot ng makakapal at balot na kasuotan upang protektahan ang natural na porselana kong balat.

"Bakit ka nagtatanong ng gano'n bigla, Marimar? Nagpapa-impress ka ba? Sino kaya? Hmm, sa boss mo?" Nang-aasar nya akong tiningnan.

"Hala, hindi! Pinagsasabi neto," inirapan ko sya dahil hindi pa rin nawawala ang ngisi nyang malapad.

"Okay, okay. Anyway highway, pahiram ng selpon mo."

"Bakit?"

"May binigay kasing number sa akin yung katrabaho ko, foreigner daw. Susubukan ko lang landiin baka padalhan ako ng pera. Walang-wala na 'ko, e! Dahil sa quarantine hindi kumikita masyado ang karinderya. Tsaka yung selpon ko kasi hindi na ma-touch dahil lumala yung basag sa screen." Aniya.

Naptango na lang ako at hinigot ang selpon sa bulsa. "Ingatan mo yang selpon ko, ah. Tsaka mag-ingat ka sa porener na yan, baka Cambodian yan."

"Of course manang!" Malapad ang ngising tinanggap nya ang aparatus. Kaso ng matingnan nya ay agad syang bumusangot. "Asan ang keypad nito?"

"Natanggal, e. Nawala. Pagtyagaan mo na yan, gumagana pa naman yan." Kamot batok kong saad. "Tsaka sayo na yan, di ko na kailangan yan. Basta pag tumawag si nanay, sabihin mong hinahanap ko pa rin si Jumong."

Ayaw ko munang sabihin kila nanay ang sitwasyon ko ngayon. Saka na siguro pag maayos na ang lahat.

Umupo si Ginger sa sopa kaya umayos din ako ng upo para magkasya kami. Napapikit na lang ako ng marinig ko ang muling pagtunog ng mga kahoy sa kailam-ilaliman. Lulubog na talaga ito ano mang oras.

"Naiintindihan ko naman kung ba't mo linilihim, pero hanggang kailan pa? Tsaka subukan mo rin kayang hanapin yung tatay ni Jumong at magtulungan kayong..." Natigil sya sa pagsasalita at kabadong nag-iwas ng tingin.

"S-sorry, Marimar. Hindi ko sinasadya." Alam nyang ayaw ko iyong pag-usapan.

•••

Continue lendo

Você também vai gostar

15.1M 676K 75
(FHS#1) Braylee wants to make her friends happy, Denver wants to get some sleep. She's hell-bent on making the world a better place while he's desper...
833K 30K 40
"One day you will kiss a man you can't breathe without, and find that breath is of little consequence."
4.6M 167K 57
Juariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would...
127K 5.3K 11
STAND-ALONE SHORT STORY Will you ever love someone that is way out of your league, someone that is ugly, someone that doesn't fit on the high expecta...