Everything Leads Me To You

By sinxcosxdydx_

28.9K 1.8K 543

Ready for departure, Katherine Bernardo Everything Book 1: My life in Manila after leaving my province. More

About This Book
Characters
Chapter 001: The Trial
Chapter 002: Desperate
Chapter 003: The Deal
Chapter 004: Nanny
Chapter 005: Family Secret
Chapter 006: Reiterates Job
Chapter 007: Strong Bond
Chapter 008: Find Time
Chapter 009: Worried
Chapter 010: Lies
Chapter 011: Background Check
Chapter 012: To Stay
Chapter 013: Likes and Dislikes
Chapter 014: House Rules
Chapter 015: Smile
Chapter 016: Questions
Chapter 017: Resolve
Chapter 018: Studies
Chapter 019: Don't Disappoint
Chapter 020: Park
Chapter 021: Summer in the Park
Chapter 022: Toy Airplanes
Chapter 023: Didn't Make It
Chapter 024: Ready For School
Chapter 025: Back to School
Chapter 026: Adjust
Chapter 027: Learning Mandarin
Chapter 028: Bad Weather
Chapter 029: Tries to Bond
Chapter 030: Robbed
Chapter 031: Move Out
Chapter 032: The Good Times
Chapter 033: Fondness
Chapter 034: Thinking Twice
Chapter 035: Trouble
Chapter 036: Can't Stop
Chapter 037: Avoid
Chapter 038: Time to Tell?
Chapter 039: New Home
Ford's Mansion
Chapter 040: Stressed
Chapter 041: Sick
Chapter 042: Try to Tell
Chapter 043: Gained Trust
Chapter 044: High Scores
Chapter 045: Sleep Talking
Chapter 046: Patiently
Chapter 047: Special?
Chapter 048: Manila, Manila
Chapter 049: Rejections
Chapter 050: Golden Voice
Chapter 051: Ruined Project
Chapter 052: Very Good
Chapter 053: Visitor?
Chapter 054: Zoo-per Happy
Chapter 055: Charlie
Chapter 056: Meet Charlie
Chapter 057: Charlie in Ford's Life
Chapter 058: Someone's Jealous
Chapter 059: Flowers for?
Chapter 060: Preparations
Chapter 061: Iñigo Knew
Chapter 062: Somebody's Jealous
Chapter 063: Chemistry
Chapter 064: He Loves Me or Not?
Chapter 065: Can't wait?
Chapter 066: Answer
Chapter 067: Family-oke
Chapter 068: Love Bug
Chapter 069: Very Concerned
Chapter 070: Match is Now Open!
Chapter 071: Facebook Friends
Chapter 072: Intruding or Helping?
Chapter 073: Getting Worst
Chapter 074: Missing Kathy
Chapter 075: Let Go
Chapter 076: Time Management
Chapter 077: Surprise
Chapter 078: Celebration
Chapter 079: Meeting the Parents
Chapter 080: Not a Sleep Talking
Chapter 081: Mock Interview ala Sir Deej
Chapter 082: Good News
Chapter 083: Special
Chapter 084: Best Deal
Chapter 085: Dr. Quack Quack
Chapter 086: Appreciation
Chapter 087: Perks
Chapter 088: Homesick
Chapter 089: Home
Chapter 090: Miss
Chapter 091: Manila Opportunity
Chapter 092: Gesture of Concern
Chapter 093: Baguio Escapade
Chapter 094: Ikaw
Chapter 095: Work
Chapter 096: Long Distance
Chapter 097: Business Trip
Chapter 098: Choice
Chapter 099: Recommendation Letter
Chapter 100: Date
Chapter 101: Remark
Chapter 102: Okay?
Chapter 103: All is Set
Chapter 104: Inspiration
Chapter 105: Gratitude
Chapter 106: Manage
Chapter 107: Credit-Grabbing
Chapter 108: Sweet
Chapter 109: Emergency
Chapter 110: Effort
Chapter 111: Slight Misunderstanding
Chapter 112: Dedicate
Chapter 113: Ako Yun
Chapter 114: Chance
Chapter 115: Sana All
Chapter 116: Grateful
Chapter 117: Meet Finn
Chapter 118: Buying Gifts
Chapter 119: Aloofness
Chapter 120: Interesado
Chapter 121: Ay Kabayo!
Chapter 122: Crush
Chapter 123: Dense
Chapter 124: Déjà Vu
Chapter 125: Perturbed
Chapter 126: The Captain
Chapter 127: The CEO
Chapter 128: Naive
Chapter 129: Downhearted
Chapter 130: Go Home
Chapter 131: Resist
Chapter 132: Merry Christmas
Chapter 133: Mood Swing
Chapter 134: Behavior
Chapter 135: Waiting
Chapter 136: Trip to Ilocos
Chapter 137: When in Ilocos
Chapter 138: A Day in Ilocos
Chapter 140: Don't Leave
Chapter 141: Mistake
Chapter 142: Harana
Chapter 143: Doubt
Chapter 144: Come Back
Chapter 145: Royal Questions
Chapter 146: It's Okay, Summer
Chapter 147: The Search Opens
Chapter 148: Criterion
Chapter 149: National Hug Day
Chapter 150: Charlotte Margaret
Chapter 151: You're Beautiful
Chapter 152: Degraded
Chapter 153: The Backup
Chapter 154: Doubting the Judgment
Chapter 155: First Dance
Chapter 156: Rent and Space
Chapter 157: My Valentine
Chapter 158: Date?
Chapter 159: Love is in the Air
Chapter 160: New Applicant
Chapter 161: Sepanx
Chapter 162: About Remo
Chapter 163: Let Her Go
Chapter 164: Last Day
Chapter 165: Despedida
Bittersweet Goodbye
Author's Note: Book Two

Chapter 139: Para kay Summer

134 12 5
By sinxcosxdydx_

continuation...




MAGKAYAKAP KAMI ni Sir Finn nung madako ang tingin ko sa bandang harapan namin, hindi gaanong malayo sa pwesto namin.

"Sir Deej." Bulong ko pagkakita sa kaniya. Nakatingin lang siya sa amin ng matiman.

Bumitaw na si Sir Finn sa yakap namin sa isa't-isa. Tinignan niya rin yung tinitignan ko at kumaway pa si Sir Finn kay Sir Deej na hindi man lang nagulat kung bakit siya nandito.

"Katherine?" Tawag sa akin ni Sir Finn kaya binalingan ko siya ng tingin.

"Ay, s-sor-rry po Sir Finn." Paumanhin ko saka pasimpleng tumingin kay Sir Deej na nakatayo pa rin sa pwesto niya at pinanonood lang kami.

"I'll go ahead." Paalam niya.

"Sige po, Sir Finn. Happy New Year po!" Kako naman. Nagtungo na siya sa kotse niya at hinintay ko muna bago makaalis ito.

Tumalikod na ako pagkatapos kasi nandiyan si Sir Deej, nakatingin. Bakit kasi siya nandito eh!

Steady lang ako sa pwesto ko at hindi ako gumalaw. Kasi yung tingin na naman kasi kanina ni Sir Deej ay walang reaction. Plain lang.

"Yaya???" Dinig kong tawag sa akin ni Summer na nasa bandang likurang gawi ko.

Napilitan akong humarap at nakita kong matiman lang akong tinitigan ni Sir Deej na hindi ko mawari kung anong tumatakbo sa isip niya pero ako ito, kinakabahan lang.

"Yaya!!!" Nalipat ko kay Summer yung tingin ko nung takbuhin niya ang pagitan naming dalawa.

"Baby!" Masayang salubong ko at niyakap siya pabalik nung dambahin niya ako ng mahigpit na yakap.

Lumapit si Sir Deej sa amin ni Summer pero hindi man siya nagsalita at ang lalim lang niya kung tumingin.

Nakipagsukatan ako ng tingin at hindi bumitaw sa titig niya ngunit ako rin ang unang bumitaw nung marinig kong may tumawag sa akin.

"Oh My G! Katherine!"
"Katherine!" Sabay na tawag sa akin ni Ma'am Snow at Sir Storm.

Tumango lang ako sa mga bata at ngumiti.

"Hi, Iñigo!" Bati nila kay Iñigo nung nandito na rin pala. Halos sabay na dumating kina Ma'am Snow at Sir Storm.

"Katherine, anak. Tignan mo, nakabili kami ng mga damit ni N—" Natigilan si Nanay na siyang sunod na dumating dito nung dapat niyang ipakikita sa akin nung mapansin niyang may mga kasama na ako.

"Nay, diba yan yung boss ni Katherine sa Maynila?"

"Oo, Minda. Parang siya nga."

Hindi ko alam kung bakit pa sila nagbulungan. Dinig ko naman eh.

"Sir Daniel, napadalaw po kayo?" Basag ni Iñigo sa awkwardness na namamayani rito. Hay, buti naman!

"May site-visitation lang, Iñigo." Sagot ni Sir Deej.

"Ah siya nga po pala. Ito po si Nanay Minda o Min kung tawagin, siya po yung nanay ni Katherine. Si Nanay Luz naman po, siya po yung Lola ni Katherine." Pagpapakilala ni Iñigo.

"Magandang hapon po sa inyo." Magalang na bati ni Sir Deej.

"Magandang hapon din po– Sir Daniel." Bati rin ni Nanay na pinahabol pa yung Sir.

"Yung pong mga batang kasama ni Sir Daniel ay si Storm at si Snow naman po." Pakilala ni Iñigo sa mga anak ni Sir Deej kina Nanay.

"Hello po!" Bati nina Sir Storm at Ma'am Snow.

"Saka yung batang nakayakap kay Katherine ay si Summer." Pakilala pa ni Iñigo.

Bumitaw sa akin si Summer at bumati sa mga magulang ko.

"Hi po, Nanay Min! Hello po, Nanay Luz!" Masayang bati ni Summer at saka nagnamo sa kanila.

"Ay, ang sweet mo naman at saka ang cute-cute mo!" Pisil ni Nanay sa pisngi ni Summer na mala porcelana sa kutis pagkatapos magmano ng alaga ko.

"Katherine told her that." Build-up ni Sir Deej sa pangalan ko kaya napaiwas ako ng tingin nung tignan ako ni Nanay.

"At ito naman ang anak ni Kristine, si Lexi." Pagpapakilala ni Iñigo sa pamangkin kong yakap niya.

"Hi Lexi, ako si Summer! Lagi kang ikinukwento sa akin ni Yaya." Bibong sabi ni Summer na parang close na nga sila ni Lexi.

"Talaga?"

"Oo. Sabi niya sa akin na mabait ka raw." Sagot naman ng alaga ko.

[A/N: Super cute photo of Summer and Lhexine.]

Kinakabahan man ay napilitan akong magsalita. "Ahh Sir Deej ano po, kumusta po kayo?" Naiilang kong tanong sa kaniya. "Saka, hindi ko po alam na darating kayo. Nabanggit lang po ni Trina sa akin. Kumusta po ang byahe ninyo?"

"Grabe, Katherine! Naligaw kami!" Aburidong-aburidong sagot ni Sir Storm pero natatawa.

"Oh talaga, naligaw kayo?" Sagot naman ni Iñigo matapos matawa.

"Oo pero okay lang syempre, nag-enjoy naman kami eh!" Sabi namang muli ni Sir Storm. Halata naman sa awra niyang nag-enjoy sa byahe.

"Ahm... Aling Min, Aling Luz, pwede ko po bang makausap si Katherine?" Paalam ni Sir Deej kaya napayuko ako bigla. Ano na naman ito???

"Ahh sige po, Sir Daniel. Pero kung gusto ninyo ay sa bahay na lang kasi medyo maingay rito. Anak, diba?" Sabi ni Nanay tapos pinanglakihan pa ako ng mata nung tignan ko siya.

Inimbita niya pa sa bahay. Naku naman!

"Uhm... Ahh, Sir Deej... Siguro po mas maganda kung kayo po nina Summer ay mag-... mag... magpapahinga po muna kayo kasi hindi po ba na buong araw kayong bumayahe."

"Katherine's right, Dad. We still have another day." Sabi naman ni Ma'am Snow.

"Okay. Mag-lunch na lang po tayo bukas. Okay ba sa inyo yun?" Sabi naman ni Sir Deej.

Bakit pa niya kami inaaya???

"Opo. Sige. Sige po." Sagot ni Nanay at tumango pa. Bakit sila pumayag?

"Ah, hatid na lang po namin kayo sa inyo." Offer ni Sir Deej. Tsk!

"Naku, salamat po pero hindi naman kami kakasya sa sasakyan ninyo dahil ang lulusog namin haha!" Wika ni Lola.

"Haha. Pwede naman. Hati-hati na lang kaming maghahatid sa inyo." Suggestion ni Iñigo.

"Naku, Iñigo. Huwag na. Nandiyan ang mama at papa mo. Sige na, balikan mo na sila."

"Ehh sigurado po kayo, Nay Min?"

"Sigurado kami, Iñigo. Salamat."

"Sige po. Paano, mauuna na po ako. Ingat kayo. Happy New Year po, Nay Min, Lola Luz, at pati sa inyo po Sir Daniel." Sabi ni Iñigo bago umalis.

"Bye, Iñigo. Happy New Year!" Paalam ng mga bata.

"Ahm, ihahatid na lang po namin kayo kung saan po kayo sasakay." Offer ni Sir Deej kaya nagsitanguan na lang sina Lola at Nanay na hindi na nakatanggi.

Naman ih!🙆🏻

Naglakad na kami at nagpahuli ako sa lakad kasi ayokong makasabay si Sir Deej pero ito siya at sinasabayan ako sa lakad ko.

Naman ih!🙆🏻

"Lord naman eh. Hindi naman po ako nagrereklamo ha, pero bakit naman po ganun, Lord? Bakit niyo naman po siya pinapunta rito?? Bakit niyo po tinotoo yung joke ni Trina? Okay na po ako kanina eh. Di po ba? Nakita niyo naman. Masaya na ako, nakalimutan ko na si Sir Deej. Tapos—"

"Katherine, we need to talk." Huminto si Sir Deej nang marating namin ang terminal.

Hindi pa nga ako tapos makipag usap kay Lord eh, may sinasabi na naman si Sir Deej.

"Sir Deej, hindi po ba na nakapag-usap na po tayo sa phone? Pumayag na po kayo."

"Nooo. I don't remember saying anything na pumayag ako."

Napaiwas ako ng tingin sa kaniya nung sabihin niya yun. Hay.

"And Katherine, the answer is no."

"Ahh, Sir Daniel." Natigil kaming mag-usap nung magsalita si Nanay.

"Mawalang galang lang po. Ahm, gusto ko lang po sanang itanong sa inyo kung saan po kayo magnu-New Year?"

"We were thinking na sa hotel na lang,  sa Hotel Luna."

"Ay Sir Deej, maganda po run. Maganda po yun saka may pa-fireworks display po run. Sigurado po akong mag-e-enjoy si Summer."

"Ahh Sir Daniel, dito na lang po kami. Mauuna na po kami sa inyo." Paalam na ni Lola.

"Bye po sa inyo. Bye Lexi! Kita ulit tayo bukas. Bye, Yaya! See you tomorrow." Paalam ni Summer kaya yumakap na ako sa kaniya.

"Babye, baby." Sabi ko sa kaniya.

"It was all nice meeting you, Aling Min, Aling Luz." Sabi naman ni Sir Deej.

"Sige po. Maraming salamat, Sir Daniel." Paalam na ni Nanay at sumakay na kami ng tricycle.

Hindi na ako lumingon pa kay Sir Deej. Bahala siya.



---



Sa kwarto ako dumiretso pagkauwi at kanina pa ako naririto pero wala ako sa timpla ng mood dahil kay Sir Deej. Kapag kasi sinabi niya ay sinabi niya. Kapag pula, pula!

Kagaya na lamang nito oh, nag-text siya pero mas nainis lang ako.

Nailing na lang ako at hindi na nag-reply.

"Anak, okay ka lang ba?" Tanong ni Nanay nung dumating dito kaya ngumiti ako at tumango.

"Ganiyan ba ang itsura ng okay?" Sita ni Nanay.

Hindi ako nakasagot kaya nagbubuntong hininga si Nanay.

"Anak, dali na. Kwento." Sabi ni Nanay sa akin.

"Uhm, Nay, wala naman po akong ikukwento."

"Kwento." Pilit ni Nanay.

"Nay naman ihh."

"Ano ba kasi yung pag-uusapan ninyo na iniiwasan mo ha, Katherine?"

"Ehh ano pa po ba? Edi po yung tungkol sa pagre-resign ko."

"Uhm, siya ba yung nag-text?"

"Opo."

"Oh, anong sabi?"

Tinignan ko lang si Nanay.

"Oh, anong drama iyan? Dali na kwento. Tayong dalawa lang naman yung nandito eh. Saka isa pa anak, wala ako sa mood mag-drama."

"Ehh kasi naman Nay, nakaiinis eh!" Kinuha ko yung cellphone ko at ipinakita sa kaniya ang text message niya.

"Tignan niyo po, kung mag-text ay inuutusan ako. Tomorrow. Nine am. Sharp. Ni wala man lang hello or please man lang."

"Diba sinabi mo naman na ganiyan siya talagang klase ng tao?"

"Opo." Pag-amin ko kasi totoo naman nga.

"Oh, eh, galit ka lang kaya ka nagtatampo."

"Nay, hindi naman po ito basta simpleng tampuhan lang."

"Okay sige, nandun na ako. Pero anak, hindi mo ba nakikita na pinuntahan ka niya rito para makausap ka. Ibig sahihin nun na importante ka sa kaniya."

"May binisita lang po siyang site."

"Kahit na, dumaan pa rin siya sa'yo. Hindi ba counted yun? Saka ang sweet pa ng Sir Deej mo anak. Lumipad pa talaga siya rito para makita at makausap ka."

"Eh ako po ba ay tinanong niya kung gusto ko po ba siyang makausap?"

"Bakit, ayaw mo ba?"

Hindi ako nakasagot. Kasi alam ko sa sarili ko na gusto ko rin naman siyang makausap pero hindi yung ganito.

"Katherine, huwag kang mag-alala anak. Kami ni Kristine Chrysler ay nandun bukas. Sasamahan ka namin. Aba, malay mo pagkatapos ninyong mag-usap bukas ay bati na kayo ulit n Sir Deej mo."

Napakamot na lang ako sa tainga ko.

"Kaya ngayon ay wala kang ibang gagawin kundi ang pag-isipan mong mabuti kung ano yung sasabihin mo sa kaniya bukas hindi yung iwas ka ng iwas sa boss mo."

Tama naman si Nanay, hindi ko dapat iniiwasan. Napatango ako kay Nanay at sinang-ayunan ang payo niya.

"Oh sige, pupuntahan ko muna yung kapatid mo."

Hay, sana nga magkaayos na kami. magba-bagong taon na pa man din. Ayokong bad vibes ang sasalubong sa New Year ko. Baka isang taon akong malasin.





***



KANINA KO pa nai-text si Katherine about us talking tomorrow pero wala man lang respond.

"Hindi man lang mag-reply itong si Katherine."

I am holding my phone, checking my inbox for my messages pero ni isa ay walang sagot kay Katherine.

Kanina pa kami nakauwi, diretsong kama ang mga bata when we got to our suite. I'll just wake them up later to freshen up so that they could sleep comfortably.

I dialed Manang's number to check on them sa bahay. It only takes a few rings before she picks up.

"Hello, Danilo. Kumusta kayo riyan? Nakapag-usap na ba kayo?"

"Ah, okay lang po. Kayo po riyan?"

"Ito, nagkatuwaan kami ng kaunti. Nagsalo-salo kami rito sa gazebo. Oh, nagkausap na nga ba kayo ni Katherine?"

"Ahh, hindi pa po eh."

"Bakit, hindi pa ba kayo nagkita?"

"Nagkita na po."

"Bakit hindi pa kayo nag-uusap?"

"Busy pa po. Bukas ay kauusapin ko na siya. If I have to double her salary ay gagawin ko, huwag lang siyang umalis. Especially nakita ko si Summer kanina. Kung nakita niyo lang si Summer kung gaano siya kasaya nung makita niya si Katherine, I don't think Summer is ready to let her go."

"Hindi lang naman si Summer ang ayaw paalisin si Katherine. Diba?"

"Natatakot lang ako na baka tumahimik ulit si Summer kapag nawala si Katherine. Ang laki ng ipinagbago ni Summer dahil kay Katherine. If she leaves, baka bumalik ulit ang lahat ng iyon."

"Kaya nga Danilo, kausapin mo na siya."

"I will. Bukas, over lunch. Hindi ako aalis dito nang hindi kasama si Katherine."

"Oh sige, mag-iingat kayo riyan. Ibababa ko na ito dahil kumakain kami. Ingat kayo."

"Opo. Kayo rin diyan. Bye."

I just hope that she'll listen to me this time. No more shrugging off.




*** The next day ***




NAGISING AKO sa malalim kong pagkakatulog nung maramdaman kong yugyugin ako ni Nanay.

"Anak, bangon na. Bangon na. Gumising ka na."

Pinaka dilat ko na ang mga mata ko at saka nag-unat-unat bago bumangon.

"Okay ka lang ba anak?" Tanong ni Nanay nung malamya akong mapabangon.

"Ahh, Nay? Pangit po ba na tumanggi?" Parang ayaw ko na.

"Katherine, bisita mo sila. Kung ano man ang meron kayong hindi pinagkakaunawaan ng boss mo ay labas ang mga bata run."

"Alam ko naman po yun, Nay. Kaya lang po, parang—"

"Naiintindihan ko, anak. Pero kung kinakailangan na magpanggap ka bilang masaya para lang sa mga bata, sige na. Gawin mo na, kaunting sakripisyo lang iyon at saka sanay naman tayo run diba?"

"Nay..."

"Katherine, bawal ang nega, anak. Kaya mo iyan."

Sana nga kayanin ko. Pero para sa mga bata, ano ba naman yung maliit na bagay na ito.

Nag-vibrate ang cellphone ko tanda na may text message at pagkabasa ko ng text ay natuwa ako.


Si baby talaga.♥️

Naalala ko kahapon kung gaano siya kasaya nung makita ako at damang-dama ko yun sa higpit ng yakap niyang namiss niya ako.

Napangiti tuloy ako. Alam na alam niya talaga kung paano ako pangitiin.

"Uhm, sino yan?"

"Si Summer po, Nay." Pinabasa ko sa kay Nanay yung text ni Summer.

"Kahit para kay Summer na lang, anak."

Tumango-tango ako. "Opo, Nay. Para po kay Summer."

Para kay Summer.

Makipagkikita ako para kay Summer.



***



AFTER GETTING ready dahil sa lakad namin ngayon, I went downstairs to asked the receptionist/attendant at the lobby.

"Miss, excuse me. What's the best restaurant here in Vigan?"

"Best restaurant po? Naku! Sa Tokanz po, Sir. Masarap po run."

"Ah, do you have their number so that I can make reservations."

"Sir, pwede naman pong walang reservations. Kung gusto niyo po ay pwedeng kami po ang tumawag sa kanila. Hanggang six pm po kasi sila ngayon. Table for how many po ba?"

"Table for ten."

"Okay po Sir. Kami na po ang bahala."

"Okay. Thank you."

"My pleasure, Sir."

Pagbalik ko sa room, Summer already dresses up but her sister and brother still asleep at ginigising niya pa lang sila.

"Ahh Daddy, can I text Yaya?" Summer asked me when her siblings woke up.

"I think matutuwa si Yaya if you text her how excited you are." I said as I handed her my phone.

"Thank you, Daddy."

"Okay, baby. Pagbalik ko ay aalis na tayo. Kaya gisingin mo na ang diwa ng Ate at Kuya mo. Alright?"

"Yes, Daddy." She said as she types her text message.

"Hi Yaya! I'm excited to see you. Love you. – Summer"

Nagtungo ako sa bathroom ng suite na tinutuluyan namin. I face the mirror as I calm myself due to nervousness.

I stared at my reflection weighing things. Thinking things between I and Katherine.

Iniisip ko kung ano ang sasabihin ko sa kaniya kapag nagkausap na kami or how will I approach her nang hindi siya umiiwas.

I am hoping that she won't leave us. I am hoping na hindi pa buo ang desisyon na.

I am hoping that I can win her back.



to be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

11.1K 168 46
naniniwala ba kayo sa ka-gwapo gwapong lalaki sa school niyo siya pa ang sumalo ng lahat ng katorpehan na hinagis ng DIYOS? THIS STORY TALKS ABOUT A...
449 273 32
Valkyrie Series #3 𝐄𝐯𝐞𝐫𝐲𝐭𝐡𝐢𝐧𝐠 𝐈 𝐖𝐚𝐧𝐭𝐞𝐝 Cai Eliodoro Valkyrie ⑅͚˚ ͛༝̩̩̥͙ ˎ┉ 𝙷𝚊𝚙𝚙𝚒𝚗𝚎𝚜𝚜 𝚘𝚟𝚎𝚛 𝚎𝚟𝚎𝚛𝚢𝚝𝚑𝚒𝚗𝚐
164K 4.1K 29
Si Anna Marie at si Mark Yuan -- dalawang ordinaryong high school student na may karaniwang pangalan. Ang pagkakaibigan nila ay dahil sa pagkakapareh...
3.6K 91 59
Mga likhang para sa kanya, mga tagong salita na kailanman ay hindi niya makikita. Hahanapin ngunit hindi matatagpuan, nais basahin ngunit nakakubli s...