That Cold Nerd Is The Gangste...

By coffeeely

30.9K 1.5K 178

Heartless, Emotionaless, Ruthless, Fearless, Merciless, Smart, intelligent, Cold, Powerful, undefined, Extrao... More

Authors note
PROLOGUE
CHAPTER 1: THE BEGINNING
CHAPTER 2: THE PAST
CHAPTER 3: START OF MY REVENGE
CHAPTER 4: MALL
CHAPTER 5: KUYANG POGI
CHAPTER 6: JERK
CHAPTER 7: UG
CHAPTER 8: FIRST DAY OF SCHOOL
CHAPTER 9 : FIRST DAY, FIRST FIGHT
CHAPTER 10: MS. TROUBLE MAKER
CHARACTERS
CHAPTER 11: MR. EPAL
CHAPTER 12: ASH'S REASON
CHAPTER 13: RYN'S PLAN
CHAPTER 14: OPERATION: GALITIN SI MR. JERK [PART 1]
CHAPTER 15: OPERATION:GALITIN SI MR. JERK [PART 2]
CHAPTER 16: WHERE'S HELL???
CHAPTER 17: FINDING HER
CHAPTER 18: HELL'S BOYFRIEND?!
CHAPTER 19: THE KISS
CHAPTER 20: DANGER'S HALLUCINATION
CHAPTER 21: WHO IS IN THAT PICTURE?
CHAPTER 22: EXPECTED-UNEXPECTED HAPPENINGS
CHAPTER 23: AKIN SYA
CHAPTER 24: OFFICIALLY ON NA BA?
CHAPTER 25: IN THE CONDO
CHAPTER 26: CONFESSION
CHAPTER 27: STAYING TOGETHER [1]
CHAPTER 28: STAYING TOGETHER [2]
CHAPTER 29: ROSE SUITOR
CHAPTER 30: SOMETHING SUSPICIOUS
CHAPTER 31: TRAP
CHAPTER 32: HOSPITAL [1]
CHAPTER 34: HOSPITAL [3]
CHAPTER 35: JEALOUS
CHAPTER 36: ARRANGE MARRIAGE
CHAPTER 37: LOVER'S QUARREL
CHAPTER 38: BREAK UP
CHAPTER 39: KIDNAP
CHAPTER 40: CASSANDRA HERTZ
CHAPTER 41: MEGAN [1]
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44

CHAPTER 33: HOSPITAL [2]

318 11 0
By coffeeely

HELLIANNA'S POV

Bakit parang pagod na pagod ang katawan ko? Sinubukan kong gumalaw pero parang naging bato ang katawan ko at daliri ko lang ang nagalaw ko. May narinig akong suminghap, sino yun?

"Kuya Danger! Gising na si Ate! Nakita kong gumalaw daliri nya" si Rose ba iyon? A-ah bakit ba di ko nagalaw ang katawan ko?

"Tumawag ka ng doctor dali!" May narinig akong yapak na papalapit sakin. Gamit ang natitira kong lakas, sinubukan kong imulat ang mata ko bumungad sakin ang kulay puting kisame. Ilang beses pa akong muling napapikit dahil feeling ko ay nahihilo ako kaya nagpaikot-ikot ang paningin ko. Napatingin ako sa gilid ngunit blurred na imahe lang ang nakita ko. Pumikit ako ng mariin at dumilat. Bumungad sakin ang mukha ni Danger sa sobrang lapit. Gusto ko syang itulak pero di ko magalaw ang kamay ko parang napakabigat nito. Oh baka dahil sa wala akong lakas? Hindi ko alam.

"Finally gising ka na ren" masaya nyang sabi. Tsaka ako mabilis na hinalikan sa labi. Gusto ko syang kaltokan at sigawan dahil sa ginawa nya. Pero wala akong lakas. Kung ano-ano ang ginawa sakin nung doctor, pagkatapos nun ay lumabas na sila. Naibuka ko ang bibig ko ngunit wala namang salitang lumabas doon. Ilang ulit ko iyong ginawa pero parang tuyot na tuyot ang lalamunan ko kaya di ako makapagsalita

"T-tu...b-big" hinang-hina at namamaos kong sabi. Agad silang tumalima at inabutan ako ng baso na may lamang tubig syempre. Ininom ko naman iyon agad. Hindi ako nasiyahan sa isang baso lang parang uhaw na uhaw ako kaya tumayo ako sa hospital bed at dumaretso sa may lamesa. Ininom ko yung pitchel na may tubig. Naubos ko lahat. Di ko alam kung bakit uhaw na uhaw ako.

"T-teka Hell. May cast ang kamay at dalawang paa mo" kinunotan ko ng noo si Danger tsaka ko tiningnan yung paa ko. Meron nga akong cast sa magkabilang paa at sa kamay tss. Naglakad naman na ako pabalik sa higaan para matigil na sya kakadada.

"Wow. Bakit Parang nakakapaglakad ka parin ng maayos? Hindi ba masakit?" Manghang tanong ni Dylan. Jusko! Kahit kailan talaga isip bata

"Syempre masakit. Baka gusto mo reng magkaroon nito ng malaman mo yung feeling?" Nagcross arm ako at sarcastic syang sinagot. Agad naman syang nag-iwas ng tingin at sumipol-sipol. Tss.

"Eh bakit naglakad ka parin kung masakit?" Napatingin ako kay Danger at inirapan sya

"Syempre kasi nauuhaw ako! Alangan naman pairalin ko yung sakit? Edi nauhaw ako nun tss" tiningnan nya ako ng masama dahil sa sagot ko

"Pede mo namang iutos diba?" Sarcastic nyang sagot

"May sarili naman akong kamay at paa kaya bakit ko pa iuutos? Tsk" ngumuso lang ako. Bigla nya akong hinalikan kaya gulat akong napatingin sa kanya at pinalo sya sa balikat.

"Ano ba! Tigil-tigilan mo kamanyakan mo! Bumili ka nalang ng makakain ng matuwa ako sayo" Tiningnan ko sya ng masama at inirapan. Narinig ko pa ang tawa nya bago tumayo at umalis.

Doon lang ako nagkaroon ng pagkakataong libutin ng tingin ang paligid. Nasa hospital pala kami. Napansin ko si Rose kasama si Chris na nasa sofa at nanonood, tss. Napakunot ang noo ko ng dumapo ang tingin ko kila Ryn na walang malay.

Diko napigilan ang sarili ko at tumayo para puntahan yung tatlo. Naramdaman ko yung sakit pero di ko ininda.

"Anong nangyare sa kanila?" Agad kong tanong. Alam ko kasi nung umalis ako. Iniwan ko sila magkakasama kaya bakit yung tatlo ay nakahiga dito at walang malay?

"Ah, natutulog lang sila. Nauna pa nga sila nagising sayo eh" Tiningnan ko sya ng malamig dahil iba naman ang sinabi nya kaysa sa inaabangan kong sagot.

"Queen?" Gulat na saad nung tatlo. Umupo sila, inalalayan naman sila nung tatlo para makaupo ng maayos. Si Jericho kay Ryn, si Blake kay Ash at si Dylan kay Xyra. Napairap ako tss. Ang cheesy kadiri.

"Mag-usap tayo" tumango sila, tiningnan ko sila. May cast sila sa kamay tulad ko. Nakabenda ang bandang tyan, puro pasa din ang mukha. Kinabisado ko lahat ng tinamo nung tatlo. Ibabalik ko sa kanila lahat yan! Nang triple! Pero hindi pa ito ang tamang oras. Magpakasaya muna kayo dahil humanda kayo sa pagganti ko.

Nanlisik ang mata ko ng biglang may humawak sakin. Paglingon ko si Danger lang pala kaya napakunot ang noo ko, ansama nya kasi tumingin sakin. Ambilis naman nya makabalik? Impit akong napatili ng bigla nya kong buhatin

"Ano ba! Ibaba mo ko. May paa ako" nagpumiglas ako kaso mas malakas sya sakin ngayon dahil masakit pa rin ang katawan ko dahil sa tinamo ko sa lintek na pagsabog na yan. Buti nalang bago pa tuluyang sumabog yung kotse ay nasa labas nako hindi naman ako masyadong napuruhan. Tumalsik lang naman ako at kung saan-saan tumama habang nagpagulong-gulong sa lupa. Yun lang naman nangyare sakin tsk.

"Bakit ba ang kulit mo? Saglit lang ako nawala. Kung maglakad ka na kala mo magaling ka na tss" marahan nya kong ibinaba sa kama at tinalukbong ang kumot hanggang bewang ko. "Oh!" Padabog nya pang inabot sakin yung dala nyang pagkain

Di ko na sya pinansin at sinimulang lapangin yung pagkain. Gutom na gutom ako tss.

"Ilang oras ba kong walang malay?" Tanong ko habang busy sa pagkain. Isang kamay lang ang gamit ko. Kaya naghihirapan ako

"Tss, anong ilang oras. Tatlong linggo ka nang walang malay noh" Napatango-tango nalang ako. Tagal ko na palang tulog. Kaya pala uhaw na uhaw at gutom na gutom ako ngayon. Siguro naman okay na yun bilang pahinga. Kailangan ko pang gumawa ng paraan para makatakas tsk.

"Ano bang nangyare sayo?" Inis nyang tanong

"Sumabog yung sasakyan ko" baliwala kong sagot at nagpatuloy sa pagkain

"At okay lang yun sayo?!" Sigaw nya kaya sinamaan ko sya ng tingin. Nilunok ko muna yung nasa bibig ko at uminom ng tubig

"Anong gusto mo magmukmok ako sa gilid dahil nasira kotse ko? Kaya ko naman bumili ng bago kahit ilan pa!" Sigaw ko ren sa kanya pabalik. Binatukan naman nya ako Kaya sinamaan ko sya ng tingin

"Oh! Kita mo to! Yung kotse pa talaga ang iniisip imbes na sarili" napahilamos sya sa mukha nya

"Tss. Ang arte"  bulong ko at nagpatuloy sa pagkain. Sinermunan nya ko ng sinermunan pero wala akong paki sa kanya kaya di ko sya pinansin. Palihim ko namang sinamaan ng tingin yung tatlo kaya natigil sa mahinang tawa nila. Wala pa kasing kahit sino ang hinayaan kong sermunan ako. Pero ngayon lang to! Pag ito inulit nya pa, papatayin ko na to i swear *cross finger*

___

Gabi na at tulog na yung mga lalaki, pati na ren si Rose. Dahan-dahan akong tumayo para di magising si Danger na natutulog dito sa upuan sa tabi ko. Tsaka ako lumapit kay Rose at binuhat sya. Hiniga ko sya sa may kama at kinumutan. Hinalikan ko sya sa noo bago umalis.

Nasa may pinto na ko ng may tumawag sakin. Agad ko silang sinenyasan na manahimik. Tsaka ako kunot noong lumapit sa kanila

"San ka pupunta Queen?"

"Kay Rayver"

"Pero diba di ka pa magaling?"

"You know how I hate Hospital. But I have to go. Pahinga na muna kayo" aangal pa sana sila "It's not a suggestion, it's an order" Natahimik naman sila at napanguso. Inis kong tinanggal yung cast sa kamay at paa ko. Tss, diko na kailangan to. Makati lang sa paa eh

"But Queen, yung kanina---" pinutol ko ang sasabihin ni Ryn

"Trust me" may diin kong saad. Kumunot ang noo nila

"Wala man lang ba tayong gagawing hakbang laban sa kanila?" Sabat ni Ash

"Just trust me okay? Act like you know nothing. Let me handle this on my own" wala silang nagawa kundi tumango nalang

"Pero di ka pa magaling" bakas ang pag-aalala nila sa tono. Humarap ako sa kanila at tumalon-talon

"See? It's nothing. Stop worrying about me, sarili nyo nalang pagtuunan nyo ng pansin. Isa pa wala to sa kalingkingan ng napagdaanan ko sa kamay ni matandang hukluban tss" kahit na masakit dahil kumikirot paren pero keri ko naman. Di ko naman to ikamamatay tss

Dahil nga hospital to malamang gising paren ang mga doctor. Alam nilang pasyente ako dahil dito sa suot ko. Bakit kasi wala silang damit na dala para pamalit? Kaya sa bintana ako dumaan. Tumalon ako at kumapit sa kabilang bintana hanggang sa makababa ako. Shit! Nangalay ako dun ah. Ang taas pala nitong building kung nasaan kami. Naramdaman ko tuloy yung kirot sa paa ko. Lalo na nung tinalon ko nalang yung kinalalagyan ko ng mapunta ako sa second floor. May nakita akong motor sa gilid. Kaya iyon ang ginamit ko.

Babayaran ko nalang yung may-ari nito.

***

If you like the story please don't forget to vote😊😄 I'm still waiting for your feedback guys

Continue Reading

You'll Also Like

332K 13K 30
As the King and Lord of Elityian's Empire, Avenight has to fulfill his responsibility and find a woman to marry before his ceremony. As their whole c...
25M 626K 51
A girl that has a lot of names.The lady with different faces and a gangster known for ages.She's calm,fearless and ABNORMAL?! What will happen if t...
3.3M 112K 65
Death is my name and Death can be my game. Deathalè at your service.
12.9K 3.4K 55
There is a bigger question about what real life is. And that will be 'her' job to know what really is the truth. But an unfortunate things will go ag...