HE'S INTO HER Season 1

By maxinejiji

371M 8.9M 8.7M

This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such a... More

He's into Her PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23: ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 24: ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 25: ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 26: ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
HE'S INTO HER SERIES NOW STREAMING ON iWANT
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
SOCIAL MEDIA ACCOUNTS
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
CHAPTER 76
CHAPTER 77
HE'S INTO HER SERIES
CHAPTER 78
CHAPTER 79
CHAPTER 80
CHAPTER 81
CHAPTER 82
CHAPTER 83
CHAPTER 84
CHAPTER 85
CHAPTER 86
CHAPTER 87
CHAPTER 88
CHAPTER 89
CHAPTER 90
CHAPTER 91
CHAPTER 92
CHAPTER 93
CHAPTER 94

CHAPTER 38

2.9M 78.6K 50.9K
By maxinejiji

DEIB'S POV

Matapos bumili ng snacks ay tumambay kami sa bench na malapit sa Batibot. Doon sa gawing wala masyadong students.

Ano naman kaya ang magandang dahilan kung bakit gusto ko nang tigilan nila si Taguro?

Iyon ang tanong na kaninang pang paulit-ulit sa isip ko, hindi ko mahanapan ng sagot.

Na gusto kong ako lang ang aaway sa kanya? E paano kung isipin nilang may gusto ako kay Taguro? Baka masapak ko pa sila? Tch! Nakakainis! Pwede naman kasing hindi umoo e! Bat ba napaoo pa ako?

"Hindi, ah! Alam mo ba na sabi ng Ate ko ay matalino raw si Maxwell?" dinig kong sabi nung babae sa tabi ko.

Napangiwi ako ngunit hindi na lang iyon pinansin.

Kung bawiin ko na lang kaya kina Tob ang sinabi ko? Wala rin naman silang magagawa e? At saka bakit ko tutulungan si Taguro? Naaawa nga ako sa kanya pero konting-konting-konti lang! Mas marami pa rin yung rice na kinakain ko! Tsk. Hindi naman siguro sila maba-badtrip kung babawiin ko? And besides, she's not my responsibility. Tama! Tama, Deib! Wala kang kinalaman sa kaniya kaya hindi mo sya kailangang tulungan!

"Baka 'ka mo abangan pa sya sa labas ni Choco," umalingawngaw na naman ang tinig ng babaeng katabi ko.

"Naku, oo nga. Remember what he did to Lemuel before? Kaunti na lang, mapapatay na siya ni Choco all because he kissed Aimee!"

"Kawawa naman si Taguro, 'no? 'Buti kinakaya niya pang pumasok dito."

"She has a hero now, si Maxwell,"nakangiti na animong kinikilig na anang isa. Napangiwi ako.

"Yeah, he's like a prince charming!"anang isa pa.

Lalo akong napangiwi. "Hoy," inis ko silang binalingan. "Hindi totoo ang 'yang superhero na 'yan, okay? Walang ganyan. Sa Disney land lang merong gano'n! Prince charming...prince charming, tch! Sa Marvel niyo lang makikita 'yon! Naiintindihan niyo? Alis!" singhal ko dahilan para sabay na umalis ang dalawa.

Inis kong hinarap ang mga kaibigan pero gano'n na lang ang pagkakakunot ng noo nila sa 'kin.

"What?" asik ko.

"Grabe, lumalala ka na, dre," si Tob. "Imagine, pati 'yong girls, sinisigawan mo na? Nag-uusap lang naman."

"Tch! Sa ibang lugar sila magkwentuhan! Ang ingay-ingay, naririndi ako! Nag-iisip ako, e."

"Tsh, calm down, Deib," ani Lee. Sinamaan ko lang siya ng tingin. "Superheroes ang makikita sa Marvel. Ang mga prince charming ay nasa Walt Disney.Disney land is a park, okay? Masyadong mainit ang ulo mo, mali-mali naman ang sinasabi mo."

Natigilan ako saka napanguso. "Alam ko,"palusot ko.

"Tsk tsk, kalalaki mong tao."

"Tigilan mo nga 'ko, Lee?" asik ko saka tumayo at naglakad palayo.

T'wing mag-iisip na lang ako, maraming sumisingit! Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapagdesisyon! Tch! Hindi ba nila naalala na may hinihingi pa silang pabor sa 'kin? Dapat maging nice sila dahil konting hangin lang ay nagbabago ang desisyon ko!

Hindi ako namalayang sa kalalakad ay umabot ako sa clinic. Napansin ko lang nang may makitang dalawang estudyanteng nakaharang sa daan ko at sisilip-silip doon.

"Nandyan pa kaya si Maxwell?" kinikilig na sabi ng isa.

Inis kong sinamaan ng tingin iyon. Si Maxwell na naman?!

"I think he's still inside," sagot ng kasama niyon. "I can still smell his perfume!"

Palihim kong inamoy ang hangin. Tch! Ano ba'ng pabango niya? Betadine? Tch! Walang taste!

"'Ayan na siya!" bigla ay nagkagulo ang dalawa.

Sumulyap ako sa clinic at nakita nga si Maxwell, akay si Taguro na nakahawak naman sa kaniyang bewang. Kasunod nila sina Parrot at 'yong nurse. Magkakaharap silang nag-usap.

Naupo ako para hindi nila mapansing naroon ako at nakikiusyoso, Nilingon ako at pinandilatan sa gulat nang nakatabi kong estudyante. Pero itinuon ko sa pakikinig ang atensyon.

"It's still better to bring her to the hospital," dinig kong anang nurse. "She needs to be checked."

"There's no need, nurse," dinig kong ani Taguro. Napangiwi ako.

"Nurse na ang nagsabi, Max, kailangan mong matingnan ng doktor," ani Parrot.

"Ayoko, okay lang ako," giit ni Taguro.

Tch!

Nagulat ako nang dumami ang estudyante sa harapan ko ngunit mukhang sina Taguro rin ang pinanonood. Paniguradong si Maxwell ang pakay ng mga ito.

"Thank you, nurse," tinig na 'yon ni Maxwell. "I'll take care of her."

"Sumunod ka, okay?" ani Parrot, si Taguro na ang kausap. "Narinig mo ang sinabi ng nurse."

"Tsk, ayoko nga," inis talagang angil ni Taguro. "Bitiwan mo nga 'ko, kaya ko na."

"'Wag ngang matigas ang ulo mo?" may banta sa tinig ni Maxwell.

Napabuntong-hininga ako. Ngayon ay ako naman ang titingin sa 'yo kung ano ang reaction mo kapag kaharap ang boyfriend mo. Tch!

"Sige naman na, Max, oh?" pakiusap ni Parrot. "Tingnan mo nga at namamaga 'yang leeg mo."

"You really need to be checked," ani Maxwell.

"Naririndi na 'ko sa inyong dalawa,"naubos agad ang pasensya ni Taguro. Gusto kong matawa.

"Sumunod ka na lang kasi muna sa 'min, please?" pakiusap ni Parrot.

"Delikado ang nangyari sa 'yo, alam mo ba 'yon?" seryosong ani Maxwell. "Alam mo ba kung ilang importanteng ugat ang posibleng tinamaan sa leeg mo? We need to have it checked."

"Fine, sa Sunday," asik ni Taguro. "Magpapatingin ako."

"Hindi pwede, kailangang ngayon na,"angil ni Maxwell.

"Tsk, sino ba kasing nagpapunta sa 'yo rito?"

Hindi ko napigilan ang sarili kong lumingon. Grabe... Kasalukuyan nang nakasandal si Taguro sa poste at kaharap iyong dalawa. Mula sa kinaroroonan ko ay nakikita ko pa rin ang pamumutla niya.

"Ako," ani Parrot. "Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko, nag-aalala ako sa'yo."Kunot-noo lang siyang inilingan ni Taguro.

Tch! 'Tigas ng ulo. Magpadala ka na sa ospital at baka bumula bigla ang bibig mo diyan!

"Okay na 'ko," giit ni Taguro. "Kahit ngayon lang, please listen to me. I'm fine. Ayaw kong um-absent ngayon."

"Grabe, ganyan ba siya kay Maxwell?"bigla ay nagsalita ang estudyanteng nasa harap ko, hindi makapaniwala.

"Haaay, kawawa naman si Maxwell kung ginaganyan lang ni Taguro."

"Papasok na 'ko," giit pa rin ni Taguro. Napakatigas ng ulo!

"Please," humabol si Maxwell, hawak siya sa siko.

Napapikit si Taguro at bumuntong-hininga. Ngunit pagmulat niya ay aksidenteng nagtama ang paningin naming dalawa. Gano'n na lang ang paglunok ko. Nakita ko nang magsalubong ang mga kilay niya.

Inis akong nag-iwas at tumingala sa langit. Badtrip!

"Magkita na lang tayo mamaya," dinig kong ani Taguro, hindi ko na nakita ang sumunod na nangyari.

Nang magbulungang muli ang mga sa nasa harapan ko ay saka lang ako lumingon. Wala na sina Taguro at Parrot. Naiwan si Maxwell na naglalakad patungo sa gawi kung nasa'n ako. Tuloy ay nagkagulo ang mga estudyanteng naro'n sa harap ko.

Tch! Hindi ako makapaniwalang wala man lang ni isa sa mga itong nakapansin sa 'kin.

"Hi, Maxwell!" lakas-loob na bati ng isa sa mga 'yon.

"Hi," sandaling nangunot ang noo ni Maxwell saka ngumiti rito.

"Ang sweet mo naman sa girlfriend mo,"anang babae. Ngiti lang ang naisukli ni Maxwell.

"Maxwell! Maxwell! Wait! Wait!" bigla ay nagtatakbo palapit si Abby. Kapatid ito ni Aimee at mortal ding kaaway. Cheer leader siya ng cheering squad. She's a certified flirt. "I'm Abby," inilahad niya ang kamay kay Maxwell.

"Maxwell," iyon lang at ngumiti ito. Nagtilian sa inggit ang ibang female students.

"Papasok ka na?" muling tanong ni Abby, halatang naglalandi.

Kunot-noong tumango si Maxwell, halatang napipilitang ngumiti. "Nice to meet you. I'll go ahead," iyon lang at tinalikuran na siya nito. Gusto kong matawa.

Hinabol ko ng tingin si Maxwell. Matangkad. Ngumiwi ako. Matangkad din naman ako. Tumango ako. Maputi. Ngumiwi uli ako. Maputi rin naman ako. Tumango muli ako. Gwa...mas gwapo ako! Tch!

Inis akong tumayo at naglakad pabalik kina Lee at Tob. Gano'n na lang ang tilian ng mga estudyanteng nakakita sa 'kin.

Nakangisi akong sumiring saka ngumiti sa mga ito. "Hi, girls!" bati ko, dahilan upang lalong magtilian ang mga ito.

At higit sa lahat...sikat din ako sa girls! Tch! "Maxwell...Maxwell, tch! Walang taste 'yang Maxwell ninyo. Tch," ngiwi ko.

"Oh, where have you been?" si Tob.

"Nagpa-cute lang, hehe. Hindi pa ba tayo aakyat?"

"We were waiting for you," si Lee.

Nakangiti ko silang pinangunahan na maglakad paakyat sa building. Tulad ng nakasanayan ay 'ayun na ang kaliwa't kanang pagtawag at pagpapapansin ng mga babaeng estudyante. Lahat ng iyon ay nakangisi kong binati at pinansin ngayon.

Kaya nang makarating kami sa room ay parehong tumitig nang may pagtataka sina Lee at Tob sa 'kin.

"Ano na namang tingin 'yan?" ngiwi ko.

"Kakaiba ka ngayon, ah?" ani Tob. "Kaninang umaga, lutang ka. No'ng tanghali, kausap mo ang sarili mo. Ngayon ay binabati mo lahat. Sshhk," pinanliitan niya ako ng mata. "Konti na lang, iisipin ko nang nagda-drugs ka, Deib Lohr."

"Manahimik ka nga?" asik ko. "Hindi ko lang kasi nakikita si Kim kaya ako nagkakaganito. Matatapos na ang klase, hindi ko man lang nasilayan ang ganda nya. Tsk! Badtrip! Nakakawalang ganang mag-aral!"

"Hahahaha! Susunduin mo naman sya mamaya, 'di ba?"

"Oo nga. Tapos ihahatid ko rin! Mas maganda sana yung makikita ko siya ngayon dito sa school, tapos makikita ko rin siya mamaya sa uwian, tapos ihahatid ko. 'Di ba? Astig yun, 'di ba?"

"Psh, ako rin naman. Hindi ko nakita si Michiko ngayon. Maliban do'n sa sulyap kanina."

"E, di sunduin mo rin sa room," suhestyon ni Lee.

"Ihatid mo hanggang sa parking lot,"nakangiting sabi ko. "'Yon nga lang, ihanda mo ang tenga mo kay Migz na bakla! Hehehe."

"Ayoko. Nahihiya ako," nguso ni Tob.

"E, di..." nag-iwas ako ng tingin. "Sasamahan ka namin." Tumikhim ako. Engot! Bakit ko ba nasabi 'yon?

"Talaga?" hindi makapaniwalang tugon ni Tob.

"Sige, sasamahan ka namin, para makita ko si Max," si Lee.

Pinandilatan ko siya. Trip talaga nito si Taguro! Nakakadiri!

"Naaay! Type mo talaga si Taguro, Lee, 'no?" si Tob.

Tumawa si Lee na animong kinikilig! "Basta sasamahan ka namin mamaya," ani Lee.

Hindi na ako kumibo. Sakto naman at nag-umpisa na rin ang klase. Itinuon ko ang atensyon sa discussion para hindi mangulelat sa quiz.

"Oh, paano?" excited na ani Tob nang matapos ang klase.

"Anong paano?" takang-tanong ko.

"Tsk! Sasamahan ninyo 'ko sa room nina Michiko, 'di ba? Susunduin ko siya!"

Ngumuso ako. "Si Lee na lang ang isama mo, susunduin ko pa ang prinsesa ko, eh,"bigla ay umurong ako.

"Ang corny mo. Sumama ka na! Madaraanan din naman natin ang building nina Kim," ani Tob.

"Ayoko ngang paghintayin si Kim!"

"Tsh, we still have ten minutes, dre," ani Lee. "Late lagi pinauuwi sina Kim."

"Let's go, Deib," ani Tob. "Putsa, parang hindi best friend, e! Kapag ikaw naman, sinasamahan ka namin ni Lee," 'ayun na ang mga panunumbat niyang hirap akong tanggihan.

"Sige na!" asik ko. Alam na alam talaga nila kung paano akong mapipilit. Tsk! Kapag hindi ko naabutan si Kim sa room nila, humanda ka sa 'king Hapon ka.

Eksaktong lumabas ang lecturer nang makarating kami sa room nina Taguro.

"Hi, miss," binati pa ito ni Tob.

"Hello," tugon ng lecturer, sumulyap at ngumiti sa 'min ni Lee saka umalis.

Bigla ay nagtilian ang mga estudyanteng nakakita sa amin, lalo na sa akin. Hinanap ng paningin ko si Taguro at hindi ko inaasahang nakatingin na siya sa 'kin.

Palihim akong ngumisi. Ano, Taguro? Mas sikat ako sa Maxwell mo. Kahit college students nga ay pinagsisigawan ang pangalan ko. Tch. Hahahaha!

"Mister Enrile?" humakbang papalapit si Migz.

"What?" inis kong tugon.

"Pagkatapos ni Choco, ikaw naman ganon?"

"What? No! Of course not, tch," nag-iwas ako ng tingin. "We're here for Michiko, okay?"

"Okay," sumigla ang tinig ni Migz saka bumaling sa kaibigan ko. "Hi, Lee!"

"Hi, Migz," tugon nito.

"Sabay tayo palabas?"

"Si Max ang ipinunta ko," ngiti ni Lee.

Humagalpak ako ng tawa dahilan para samaan ako ng tingin ni Migz. Kinawayan niya ang mga kaibigang lumabas na.

Nang masulyapan ko si Taguro ay doon ko lang nakita ang namamaga niyang leeg. Natigilan ako at hindi naitago ang gulat. Nangingitim na 'yon, malayong-malayo sa natural niyang kulay.

"Hi, Michiko," bati ni Tob.

"Hi, Tob," nahihiyang tugon ni Michiko.

"Tch, ang cute niyo," biro ko.

Pareho pa rin kasi silang nagkakahiyaan sa isa't isa. Sakto namang napatingin ako kay Parrot na masama na agad ang tingin sa 'kin kaya tinalikuran ko agad siya at humarap kay Lee. Hindi ko inaasahang masusulyapan ko si Taguro na siya ring tinitingnan ni Lee. Pero malayo ang tingin ni Taguro, nasa harapan.

"Oh, my God, si Maxwell!" bigla ay ani BJ, kinikilig.

Nagtilian na naman ang mga babae saka nag-unahan sa pagsilip sa nabanggit na male student.

Tch!

"Oh, my God, Max, narito na ang prinsipe mo," ani Migz.

"Tss," iyon lang ang reaksyon ni Taguro.

Tinignan ko sina Taguro at Maxwell hanggang sa makalapit ito sa 'min.

"Hi, Maxwell!" sabay-sabay na bati ng female students, napangiwi ako.

"Hi," tipid na ngiti ang iginawad ni Maxwell sa mga ito saka bumaling kay Taguro. "Let's go?"

Hindi siya sinagot ni Taguro. Kinuha ni Maxwell ang gamit niya at saka sila sabay na naglakad. Sumunod naman kami sa kanila.

"Nakakainis, ah! Nakakaimbyerna! Talagang ang baklang 'to ang partner ko?" mayamaya ay reklamo ni BJ na si Migz ang itinuro. Natawa naman kami.

"Wow, 'te, ah? Kung makapagsalita ka nang ganyan, parang mas diring-diri ka pa sa 'kin?" asik ni Migz. "'Te, presidente ka lang sa classroom, presidente ako ng council! Isa lang ang ibig sabihin no'n, mas maganda 'ko sa 'yo." Lalo kaming nagtawanan.

Pero nabaling ulit ang atensyon ko kina Taguro at Maxwell. Hindi sila nag-uusap, sabay lang silang naglalakad. Medyo nauuna pa nga si Taguro.

"Naks, in fairness, 'te, bagay kayo ni Lee," itinuro ni BJ sina Lee at Parrot.

Napatitig ako sa kaniya. Saan banda? Palihim akong umiling at natawa.

"'Wag kang mag-alala, mas bagay kayo,"sarkastikong tugon ni Parrot.

Hindi ko inaasahang maaabutan namin si Kim na naghihintay sa Batibot nang makababa kami ng building.

"Kim," awtomatiko akong nanguna para lapitan siya.

"Hi," ngiti niya saka sinulyapan ang mga nasa likuran ko. "Hindi mo nabanggit na may mga kasama ka pala?"

Nakita ko nang sulyapan niya si Taguro na noon ay hindi ko inaasahang titigil din sa paglalakad para hintayin kami.

"Tara," bigla ay anyaya ni Taguro kay Maxwell.

Nahabol ko sila ng tingin bago ako ngumiti kay Kim. "Sinundo kasi ni Tob si Michiko, sinamahan namin siya ni Lee," dahilan ko. "Give me your things," kinuha ko ang bag niya.

Palibhasa'y nangunguna, nakikita ko pa rin sina Maxwell at Taguro sa harapan namin ni Kim. Lahat kami ay sa parking lot lahat ang punta.

"I'll ask someone to pick up your bike, I'll drive you home," maawtoridad na ani Maxwell.

"I'm fine, I can drive," 'ayun na naman ang pagmamatigas ni Taguro.

"Max, delikadong magdrive ka," ani Parrot. "Sumabay ka na kay Maxwell. Ipapakuha niya naman ang motor mo."

"Hindi ka na nga pumayag magpa-check, ngayon ayaw mong magpahatid," seryoso na si Maxwell, mukhang mag-aaway pa sila.

"Kasi kaya ko naman," ani Taguro.

Nagulat ako nang makita ang mga reaksyon niya. Nawala ang pa-cool look niya, naging mahinahon ang itsura at nagbabago ang reaksyon ng kaniyang mukha.

Akalain mo nga naman. Hahaha! Ano kayang itsura nito kapag kinikilig? Nakakadiri!

"Deib? I said let's go," hindi ko inaasahang mangingibabaw ang tinig ni Kim.

"Yeah, sorry, let's go," napapahiya kong tugon.

"How about you, Lee?" baling ni Kim sa pinsan.

"Yeah, you go ahead first, take care,"kumaway si Lee sa 'min.

Mukhang hindi pa rin desidido sina Taguro, Maxwell at Parrot kung paanong uuwi. Pero nanguna na si Kim papalapit sa kotse ko kaya wala akong nagawa kundi sumunod. Noon ko lang napansing sa tabi ko naka-park ang Taguro Brothers.

"Bakit dito ka nag-park?" tanong ni Kim. Napatingin ako sa kanya ngunit nakina Taguro ang paningin niya.

"Puno kasi kaninang umaga."

"May sarili kang parking space, Deib."

"I know, pero kasi, 'yong sikat ng araw kanina ay nandoon sa space ko."

"Whatever," masungit niyang tugon. "Let's go."

Hindi na niya ako hinayaang alalayan siya, nanguna siyang sumakay. Sasakay na 'ko nang magtama ang paningin namin ni Taguro.

Pandidilatan ko pa lang sana siya nang pagbuksan siya ng pinto ni Maxwell. Inalalayan siya nito sa ulo papasok sa kotse. Kunot-noo akong nag-iwas ng tingin.

"Deib, let's go!" may bahid ng inis na anyaya ni Kim.

Awtomatiko akong napasakay. Umayos ka nga, Deib Lohr! Tsk!

Continue Reading

You'll Also Like

26.9K 3.3K 101
Sa mundong ang pagtataglay ng malakas na aura ay ang nagsasabi ng lakas, isang walang aura at walang kapangyarihang nilalang ang magiging pinakamalak...
2.1M 140K 49
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
97.7M 2M 87
TEEN CLASH BOOK 2: Just when you thought they finally got their happily-ever-after, a twist in the story will occur. (Completed. Published under Pop...